6 I.Unang Bahagi "Mga kaibigan,/ sa ilang sandali po'y magsisimula na ang palatuntunan. /Mangyaring humanda na ang lahat.(Panimula) Isang kaaya-aya at mapagpalang araw po sa ating lahat /at MAGANDANG BUHAY! Sa araw pong itoy ating masasaksihan /ang ikaanim na taunang palatuntunan/ ng Pagtatapos/ sa Mataas na Paaralang Nasyunal/ ng Baras-Pinugay/ taong panuruan/ dalawang libot labing apat/ hanggang dalawang libot labing lima,/ na may paksang diwang: Saktong Buhay: / SA De-kalidad na Edukasyon /Pinanday.A. (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos, Mga magulang, Mga Guro at Mga piling panauhin) Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos,/ mga magulang,/ mga guro/ at mga piling panauhin 1.Masasaksihan po natin/ ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan/ kasama ang kanilang mga magulang//, kasunod ang mga batang magsisipagtapos sa ika-apat na taon pangkat Narra sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Ma. Junelia M. Tibay. Ang Pangkat Narra/.. ay binubuo ng ibat ibang uri ng mag-aaral. /Masasabing .. Nasa kanila na ang lahat /Mahuhusay sa Akademiko,/ Isports, /Arts, at iba pang larangan. Ang puno ng Narra/ ay matibay, malaki/ at itinuturing na pambansang puno /ay tulad din ng mga batang ito./ Silay nagsisilbing modelo ng lahat,/ ginagaya/ at tunay na hinahangaan. Ang mga katangiang ito/ bagamat nagdudulot ng mabigat na pasanin /ngunit upang mapanatili ang pamantayang nakatakda /ay sinisikap nilang magampanan/ ang pagiging lider, manunulat, /mananalumpati, /mananayaw, mang-aawit at iba pa. Ang Narra /ay isang mayabong na puno- /tulad nila na may mayabong na kaisipan /para sa karunungan. Mga kaibigan/ buong ningning na naglalakad sa inyong kalagitnaan /ang pangkat Narra. 2.Ang pagpasok/ ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Acacia/, kasama ang kanilang mga magulang/ sa ilalim ng pamamahala ng kanilang gurong tagapayo, G. Christian Ronnel F. Austria. Acacians kung silay bansagan./ mga mag-aaral na may simple /ngunit may mataas na pangarap. /Samahang hindi matatawaran /sa kabila ng mga pagsubok./ Aktibo at dedikado / sa mga gawain, mapa-pisikal, /mental o maging sa pagandahan /hindi sila pahuhuli. Tulad ng punong-kahoy na Acacia,/ ang kanilang pagkakaibigan sa isat-isa /ay tumatagal ng ilang henerasyon./ Subok sa tibay pangmatagalan. /Ang Pangkat na ito /ay hindi pahuhuli sa lahat ng mga aktibidad /at paligsahan. /Malalambing at masasayahing mga mag-aaral / at handang makipagbuno sa mga hamon ng buhay. Muli/ ang mga Acacians, /mga batang may pagkakaisa sa gitna ng kanilang mga pagkakaiba-iba. 3.Mamamasdan po naman natin/ ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos mula sa/ pangkat Molave/ kasama din po nila ang kanilang mga magulang/ sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo,/ G.Gabrielle E. Loseada Ang pangkat Molave /ay binubuo ng tipikal na mga mag-aaral na may labindalawang uri ayon kay Bob-Ong, /isang kilalang manunulat: Sila ay mga clowns,/ Geeks, /Hollow man,/ Spice Girls, /Da Gwapings,/ Celebrities, Guinness,/ Leather Goods,/ Weirdos, /Mga anak ni Rizal, /Bob Ongs /at Commoners. Mga mag-aaral/ na pumapasok sa tamang oras, /gumagawa ng takdang aralin sa bahay,/ tahimik, /matapat, /nagbabasa ng mga aralin, /nagpapasa ng mga nakatakdang proyekto,/ nagbabalik-aral ng mga natalakay na paksa,/ nakikinig, n/akikilahok at hindi lumiliban. Ilan lang po yan/ sa maipagmamalaking katangian ng pangkat Molave. 4.Atin naman matutunghayan/ ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Kamagong/ sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo/ Bb. Yvette Ann Tibay. Ang pangkat Kamagong /ay binubuo ng masasayahin, /masisipag /at may kaaya-ayang kagandahang taglay na mga mag-aaral. Tulad ng bunga ng Kamagong-/ ang MABOLO Ang mga batang itoy/ may taglay na kakaibang katangian./TAHIMIK/subalit malalim ang kaalaman/ MATIGAS, /MATIBAY at MATATAG/kung kayat nananatiling nakatayo sa hamon ng buhay/Silay may ibat ibang personalidad../subalit pinag-isa ng hangaring magtagumpay. Ang Kamagong/ ay isa-isang niliha, /pinakinis/ at hinugis. Ipinagkakapuri ko pong ipakilala ang mga mag-aaral ng Pangkat Kamagong. 5.Mamamalas naman po/ ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Mulawin/ kasama ang kanilang mga magulang,/ sa ilalim ng pamamahala ng kanilang gurong tagapayo /Gng. Daliah I. Luna Ang Pangkat Mulawin/ ay pinagsama-samang talent/ at uri ng mga magaaral./ Musika, sining/ at maging Isports silay maasahan. Mga mag-aaral/ na may mataas na aspirasyon sa buhay /katumbas ng kahulugan ng puno ng Mulawin- /isang de-kalidad na uri ng kahoy. Maaaring ang kanilang pagkakaiba-iba /ay nagdudulot ng kaunting kaguluhan /subalit itoy natatakpan ng kanilang pagyukod /at pag-amin na tanda ng kanilang kababaang loob/ at pagiging masunurin. Malugod kong ipakilala ang pangkat Mulawin.6.Matutunghayan naman po natin/ ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos/ pangkat Mahogany/ kasama ang kanilang mga magulang,/ sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo/ Gng. Leslie M. Delos SantosAng pangkat na ito /ay katulad ng mga katangian ng isang punong Mahogany Matayog ang mga pangarap/ sa kabila ng kahirapang nararanasan sa buhay. . .. Silay nagpursigeng makatapos ng pag-aaral. /Mga batang hindi alintana ang pagod /. naglalakad ng malayo./.karamihan sa kanilay pumapasok ng hindi alintana ang hirap ng buhay. /Nagtatrabaho sa umaga/ at sa mga bakante nilang oras/ upang may mabaon sa arawaraw na pagpasok. /Silay larawan ng katiyagaan /at kasipagan..mga mag-aaral na dapat hangaan higit kaninuman. Muli ang pangkat Mahogany../ mga batang maingat na pinanday /ng mga hamon ng buhay.B.(Pagpasok ng mga kawani ng DepEd at mga panauhin) Tunghayan naman po natin ang pagpasok/ ng mga panauhin sa pangunguna /ni 1. Kgg. Kathrine B. Robles,/ Punong Bayan;/ ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan;3. Kgg. Jofre R. Seclot, Punong Barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay; 4.Gng. Babylyn M. Pambid, Punong Guro ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng BarasPinugay; 5.G. Nicanor C. Macarulay, Tagamasid Pampurok ng mga Paaralan sa Distrito ng Baras, 6.Panauhing Pandangal, 7.Mga Punong Guro at mga Guro ng Mababa at Mataas na Paaralan sa Distrito ng Baras 8. at mga guro ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng BarasPinugay. Saksihan po natin ang pagpasok ng mga Kulay. II.Ikalawang Bahagi 1.Manatili po tayong nakatayo/ at sabay-sabay po nating ipagmalaking awitin/ ang Pambansang Awit ng Pilipinas / sa pagkumpas ni G. Julius A. Valestero,/ guro sa MAPEH/ na susundan ng panalangin ni G.Denmark C. Abrillo,/ Guro sa Ingles ,/ pag-awit ng Himno ng CALABARZON , /Rizal Mabuhay/ at Himno ng Bayan. Maari na pong umupo ang lahat. 2.Pakinggan po natin ang pambungad na pananalita /mula sa ating masipag/ at mapag-arugang punong-guro/ ng Mataas na paaralang Nasyunal ng Baras-Pinugay,/ Gng.Babylyn M. Pambid.... Maraming salamat po Gng.Babylyn M. Pambid sa inyong mainit na pananalita. 3.Isang pagbati / ang ngayoy atin namang maririnig/ mula sa masipag /at pinagpipitaganang Punong Panlalawigan ng Rizal,/ Kgg. Rebecca A. Ynares na kakatawanin ni Kgg. Jovita P. Cawicaan. pagkatapos magsalita ng kinatawan ni Gov ( konsehal J. Cawicaan). Maraming salamat po sa mensahe na mula sa ating punong Panlalawigan.4.(Pagpapakilala sa mga Magsisipagtapos) Saksihan po natin/ ang pagpapakilala at pagpapatunay ng mga magsisipagtapos / mula sa ating punong-guro, / Gng. Babylyn M. Pambid kasunod ang pagpapatibay/ ng pagtatapos na gagampanan ni / G. Nicanor C. Macarulay / tagamasid pampurok ng mga paaralan sa Baras. Maaari na pong umupo ang lahat!7.(Paggawad ng katibayan ng Pagtatapos) Sisimulan na po natin/ ang paggagawad ng katibayan ng pagtatapos/ na pangungunahan ng ating tagamasid pampurok / G. Nicanor C. Macarulay;/ at punong-guro/ Gng. Babylyn M. Pambid./ Inaanyayahan po sa entablado ang ating butihing Punong Bayan, Kgg. Kathrine B. Robles, at ang ating masipag na Punong Barangay, Kgg.Jofre R. Seclot para sa paggagawad ng mga sertipiko ng pagtatapos. Akin pong tinatawagan si Gng. Ma. Junelia M. Tibay / para sa pagpapakilala ng mga magsisipagtapos/ mula sa Ikaapat na taon Pangkat Narra. Inaanyayahan sa entablado/ si G. Christian Ronel F. Austria para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Acacia. (Pagkatapos ng Acacia) Inaanyayahan sa entablado/ si G. Gabrielle E Loseada/ para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Molave. Gayundin din po inaanyayahan po sa entablado sina: Local Government Officials DepEd Officials 1.____________________________ __________________________ 2.___________________________ __________________________ 3.___________________________ __________________________ para sa paggagawad ng mga sertipiko ng pagtatapos.(Pagkatapos ng Molave) Inaanyayahan sa entablado/ si Bb. Yvette Ann Tibay, /para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Kamagong. Gayundin din po inaanyayahan po sa entablado sina: Local Government Officials DepEd Officials 1.____________________________ __________________________ 2.___________________________ __________________________ 3.___________________________ __________________________ para sa paggagawad ng mga sertipiko ng pagtatapos.(Pagkatapos ng Kamagong) Inaanyayahan sa entablado/ si Gng. Daliah I. Luna, /para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos /mula sa pangkat Mulawin. (Pagkatapos ng Mulawin) Inaanyayahan sa entablado/ si Gng. Leslie M. Delos Santos,/ para sa pagpapakilala ng mga batang magsisipagtapos/ mula sa pangkat Mahogany 8.(Mensahe mula kay Bro. Armin A. Luistro) Ngayon naman /ay ating pakinggan ang mensahe na mula sa ating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon / Bro. Armin A. Luistro,/ na kakatawanin ng masigasig na Punong Guro ng Baras National High School, Dr. Marlene R. Nepomuceno.(Pagkatapos ng mensahe ni Bro.Luistro) Maraming salamat po sa napakahalagang mensahe. 9.(Paggawad sa mga May Karangalan) Dumako naman po tayo sa pinakatampok na bahagi ng ating palatuntunan--------- ang paggagawad ng medalya /at sertipiko sa mga batang nagkamit ng karangalan/ kasama ang kanilang mga magulang.. Tinatawagan si Gng. Ma. Junelia M. Tibay/ upang ipakilala ang mga batang nagkamit ng karangalan. Inaanyayahan po sa entablado/ ang ating masipag /at iginagalang/ na punong bayan, Kgg. Kathrine B. Robles /, Kgg. Bien A. Garovillas, Kgg. Jofre R. Seclot kasama ang ating punong guro, Gng. Babylyn M. Pambid, , at Tagamasid Pampurok,/ G. Nicanor Macarulay / upang ipagkaloob ang mga medalya at sertipiko. Maraming Salamat po! 10. (Pagbati mula sa kinatawan, Una/Ikalawang Distrito at Kgg. Punog Bayan ) Ngayon naman ating pakinggan ang mensahe mula ka kgg. Isidro S. Rodriguez Jr., kinatawan ng Unang Distrito na kakatawanin ng makisig at masipag na konsehal ng bayan Kgg. Bien A. Garovillas, Councilor In Charge Committee in Education Maraming salamat po sa makabuluhang mensahe. Pakinggan po natin/ ang pagbati mula sa mapag-arugang Ina ng ating bayan/ Kgg. Kathrine B. Robles./ Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan. Maraming salamat po/ Kgg. Kathrine B. Robles /sa isang makabuluhang pananalita. 11.(Pagpapakilala sa Panauhing Tagapagsalita) Dumako naman po tayo sa pagpapakilala ng ating panauhing tagapagsalita/ sa napakahalagang okasyong ito. /Inaanyayahan sa entablado /si Bb. Mizshiel F. Reyes,/ Guro sa Filipino/ para sa pagpapakilala ng panauhing tagapagsalita. . (Pagkatapos ng Pananalita) Maraming salamat po / Gng. Susan R. Mendoza sa inyo pong napakahalagang mensahe na ibinahagi sa amin sa araw na ito. /Ito po ay magsisilbing inspirasyon /at gabay ng mga nagsipagtapos /sa pagtahak sa bagong landas ng pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan Hinihiling po sa ating panauhing pandangal/ na manatili sa entablado /upang tanggapin ang sertipiko ng pagkilala. Inaanyayahan din po sa entablado /ang ating punong guro Gng.Babylyn M. Pambid, gayundin po ang Kgg. Kathrine B. Robles, Kgg. Jofre R. Seclot /at G. Nicanor C. Macarulay /para sa paggagawad ng sertipiko ng pagkilala. Hayaan niyo pong basahin ko ang nilalaman ng sertipiko..( Basahin ang nilalaman ng sertipiko) 12.(Pananalita ng Balediktoryan) Isang pananalita ang ating maririnig mula kay Kesia P. Olitoquit, / ang Balediktoryan ng taon. Pasalubungan natin siya ng masigabong palakpakan!..(Pagkatapos ng pananalita ni Kesia) Maraming salamat Kesia sa iyong mensahe na punung-puno ng inspirasyon/ tunay ngang ang tagumpay ay makakamit sa pamamagitan ng maingat na pagpapanday ng mga magulang, mga guro at taong bumubuo sa lipunang ating ginagalawan. 13. ( Panunumpa) Ngayon namay ating saksihan/ ang panunumpa ng mga nagsipagtapos/ sa pangunguna ni May M. Cabaltera,/ ang salutatoryan ng taon. 14. ( Himno ng Paaralan ) Inaanyayahan po sa entablado/ si G. Julius A. Valestero, /Guro sa MAPEH para sa pagkumpas ng Himno ng Paaralan at awit ng pagtatapos.15.( Espesyal na awitin ng mga mag-aaral)Ngayon naman ay ating pakinggan /ang mga nagsipagtapos para sa kanilang espesyal na awitin-Thank You Once Again Saksihan po natin ang paglabas ng mga Kulay.III.Ikatlong Bahagi ( Paglabas ) Saksihan po natin ang paglabas ng mga panauhin,/ mga guro,/ mga punong guro,/ mga magulang at mga nagsipagtapos. P A S A S A L A M A TAng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Baras-Pinugay / sa pamumuno ni GNG. BABYLYN M. PAMBID,/kasama ang apatnaput limang mga guro, /mga kawani, /at mga batang nagsipagtapos /mga magulang /ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong / lalung-lalo na sa ating Punong Bayan/ KGG. KATHRINE B. ROBLES, / Sangguniang Bayan ng Baras, /Punong Barangay, /KGG. JEOFRE R. SECLOT, /Sangguniang Barangay ng Pinugay/ sa 31st Special Action Company ng Arm Forces of the Philippines at sa lahat ng nakiisa/ sa ikatatagumpay ng aming ika-anim na taunang pagtatapos.Kami ay lubos na nagpapasasalamat /sa mga panauhing nag-abala/ at naghandog ng kanilang mahalagang panahon/ sa napakahalagang palatuntunang ito /ang Pagtatapos 2015.Kayat ating isaisip/ at isapuso ang katagang Kayang-kaya Kung Tayo ay Sama-sama. Muli maraming maraming/ salamat po sa inyong pakikiisa/ at pagdalo sa mahalagang okasyong ito ./ Ang tagumpay ng pagtatapos na ito/ ay hindi magiging ganap /kung hindi dahil sa inyong lahat. Ako po si Gng. Sheryl G. Iballa, Guro ng palatuntunan. -END-