1. Sa nakalipas na mga taon patuloy ang pagkalat ng mga fake news na nababasa at napapanood sa iba’t ibang plataporma ng social media. Gamit ang pang-akademikong pagsulat na sumusunod sa balangkas ng pag-aayos ng datos ng talata, magbigay ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang paglaganap ng fake news. 2. NITONG nakaraang mga araw, marami ang nag-react sa balitang maaari nang makakuha ng blogger’s accreditation mula sa Malacañang Ang mga blogger ay iyong mga indibiduwal o grupo na nagse-self publish sa Internet. Malaki ang kaibahan nito sa media na may sinusunod na code of ethics, may mga ahensiya at asosasyon na sumusuri, nagre-regulate at may censorship. Ayon kay Communications Secretary Andanar, dahil walang sumusuri sa blog entries ng mga accredited blogger, ang ahensiyang pinamumunuan nito ang sumusuri ng mga ito. Sumulat ng talata na naglalahad ng opinion sa nasabing isyu. 3. Maraming mga magagandang lugar sa ating lalawigan ang tunay na maipagmamalaki at upang ipakilala at ipaalam ang mga lugar na ito ikaw ay naatasang sumulat ng lakbay sanaysany na kung saan ilalarawan mo ang isang lugar na iyong napuntahan at hihikayatin na pasyalan ito. Sumulat ng isang lakbay-sanaysay na magtatampok ng isang lugar sa Rizal.