Republic of the Philippines Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES Zone 6, Iba, Zambales Tel./Fax No. (047) 602 1391 E-mail Address: zambales@deped.gov.ph website: www.depedzambales.ph Pangalan: _____________________________________ Baitang/Pangkat:__________ Paaralan: _____________________________________ Petsa: _____________________ GAWAING PAGKATUTO FILIPINO 9 I. Panimula Kumusta ka? Mahilig ka bang magbasa o sumulat ng isang tula? Tungkol saan ang nabasa o nasulat mong tula? Ito ba ay tungkol sa pagibig, kalungkutan, o tula na nagbibigay pag-asa sa mga mambabasa. Hindi nga maikakaila na napakasayang magbasa at magsulat ng nito. Kung ikaw ay masaya, ikaw ay makasusulat nito, kung ikaw ay malungkot, sawi sa pag-ibig, at may pinagdadaanan sa buhay tiyak na makasusulat ka rin ng tula. Ano nga ba ang tula? Ito ay isang anyo ng akdang pampanitikan na naglalaman ng damdamin. Sinisimbolo nito ang nararamdam o emosyon ng isang tao. Ang ilan sa mga ito ay may sukat at tugma. Samantalang ang iba naman ay tula na may malayang taludturan. Kaya’t halina at basahin natin ang isang halimbawa ng nito na isinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”. Sa aralin na ito, tiyak na matututo ka at higit mo pang mauunawaan ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa pamamagitan tula. II. Kasanayang Pampagkatuto Naiuugnay ang sariling damdamin napakinggang tula. (F9PN-le-41) sa damdaming inihayag sa III. Mga Layunin Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Naiisa-isa ang mga damdaming nangibabaw sa akdang binasa; 2. Nabibigyang kahulugan ang damdamin ng may-akda na taglay ng tula; at 3. Nakasusulat ng sariling tula na nagpapakita ng iba’t-ibang damdamin. IV. Pagtalakay Basahin at unawain mo ang halimbawang tula na pinamagatang “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ni Pat V. Villafuerte. KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte. NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak kaunti man o marami ang mga paang humahakbang mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy ang bawat paghakbang ay may patutunguhan. ang bawat paghakbang ay may mararating. ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan. hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib mula pa sa panahon ng kawalang-malay hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop, digmaan at kasarinlan at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang: ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan. NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa nagbabanyos sa ating damdamin nag-aakyat sa ating kaluluwa sinubok ng maraming taon inalay sa mga bagong sibol ng panahon anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian ang kultura’y pinayayabong nang may halong sigla at tuwa, nang may kasalong pagsubok at paghamon kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay na karanasan kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan ito ang regalo ng kultura regalo ng kasalukuyan. BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan kulturang gagalang sa mga bata’t matanda kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika magkakapantay sa kalayaan at karapatan magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi ng lahing magiting ng lahing kapuri-puri ng lahing marangal. Pag-unawa sa binasa: Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano-ano ang panahong binanggit sa tula? ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit batay sa bawat panahon. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Ano ang nais iparating ng mga pahayag mula sa taludturan ayon sa: a.Panahon ng kawalang malay _____________________________________ b. tangis ng pamamaalam __________________________________________ c. sinubok ng maraming taon _______________________________________ d. kultura ay regalo ng kasalukuyan ________________________________ e. sinasalamin ang Pasko’t Pistang Bayan ___________________________ 4. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda? ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ V. Mga Gawain A. Panuto: Magbigay ng katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa ilang taludtod ng tulang binasa. 1. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kultura. _______________________________________________________________________ 2. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton. _______________________________________________________________________ 3. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan. _______________________________________________________________________ 4. Binhing nakatanim ag maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa. _______________________________________________________________________ 5. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. ______________________________________________________________________ B. Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, ilarawan ang kultura batay sa tatlong panahong binanggit sa tula. C. Panuto: Isa-isahin ang mga salita o pahayag nagpapakita ng damdamin sa akdang “KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”. Tukuyin kumg ito’y positibong emosyon o negatibong emosyon. Salitang nagpapakita damdamin ng Positibo o negatibong emosyon 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng damdamin o emosyon at ekis (x) kung hindi. 1. Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan, paghakbang na pinuhunan ng pawis, dugo at luha. 2. Paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pagamba at panganib. 3. Kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pagmamahal. 4. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton. 5. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan. E. Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap kung paano mapaigting pa at mapanatili ang pagmamahal natin sa ating kultura. _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ ___________________________________________________. VI. Pagtataya Panuto: Ihayag ang iyong sariling damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng isang tula na may kaugnayan sa kinakaharap na pandemiya (Covid 19) ng bansa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Pamantayan sa Pagsulat: 1. May kawili-wiling pamagat 2. Mabisang naipahayag ang damdamin sa tula. 3. Angkop at wasto ang mga salitang ginamit sa pagbuo. 4. Paggamit ng wastong bantas at pagsasaalang-alang ng kalinisan sa pagsulat. VII. Pangwakas Panuto: Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t-ibang kultura ng mga Pilipino na patuloy pa ring isinasagawa sa kasalukuyan. VIII. Mga Sanggunian Panitikang Asyano 9 Brainly.ph Inihanda ni: AILEEN B. FERRIOLS Teacher I Bamban National High School, Masinloc Susi sa Pagwawasto: PAGTALAKAY 1. Noon, ngayon at bukas 2. NOON • Kulturang may ritmo ng pag-awit • May kislot ng pagsayaw • May haplos ng pag-aalay • May lambing ng panunuyo • May tangis ng pamamaalam NGAYON • Kapuri-puring ugali at marangal na kilos • Pagsamba at prusisyon • Pasko at pistang-bayan • Kulturang pinapaawit ng pasyon at pagsasabuhay sa Poon • Kulturang ipinupunla ng tradisyon: Pampamilya, pangeskuwela, pampolitika, panrehiyon, at pambansa. BUKAS • Kulturang gagalang sa mga bata at matatanda • Rerespeto sa mga babae at may kapansanan • Kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran • Awiting bayan at katutubong sayaw • Pagsasadula at pagbabalagtasan 3. Iba-iba ang sagot ng bata GAWAIN A. Iba-iba ang sagot ng bata B. Iba-iba ang sagot ng bata C. Iba-iba ang sagot ng bata D. 1. / 2. / 3. / 4. x 5. x E. Iba-iba ang sagot ng bata PAGSUSULIT Iba-iba ang sagot ng bata PANGWAKAS Iba-iba ang sagot ng bata