To our hardworking principal, _________. Sir! To our barangay captain, ______________! To our high-esteemed guest of honor and speaker, to our dedicated teachers, proud parents, fellow graduates, guests, ladies and gentlemen. Good afternoon po! Today is a day to be thankful and to be inspired. I am beyond blessed and grateful to have the opportunity to speak in front of everyone. Madalas man akong akong kainin ng stage fright, narito ako ngayon, nakatayo at taos pusong nagpapasalamat sa mga taong patuloy na naniniwala sa aking kakayahan. Itinataas ko ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal sa handog niyang pang-araw-araw na kalakasan ng ating mga katawan, tatag ng isip, tibay ng loob, at kaligtasan. Sa aking pamilya at mga magulang, mama at papa, na laging nariyan at patuloy na gumagabay upang makamit ko ang aking mga pangarap. Sa kabila ng kahirapan, hindi niyo kami pinababayaan at patuloy ninyong itinataguyod ang aming pag-aaral at pangangailangan. Hindi man tayo mayaman, hindi matatawaran ng kahit anong salapi ang inyong mga sakripisyo at pagmamahal upang masiguro ang aming kapakanan at magandang kinabukasan. Maraming Salamat po sa inyo at ipinagmamalaki kong kayo ang mga magulang ko! Sa aming mga guro na walang sawang nagbibigay ng inspirasyon, aral at gabay sa amin, maramingmaraming Salamat po. Ipagpaumanhin po ninyo ang anim na taon ninyong pagtitiis sa katigasan ng aming mga ulo, kaingayan, kakulitan at katamaran. Baon namin sa aming pagtatapos ang mga aral na natutunan naming sa inyo para sa tatahakin naming landas. Isang karangalan ang makapagtapos sa nagiisang gaudencio B. Dumalo National High School. At eto na nga, classmates! Finally, natapos din natin. Nagawa din natin! Binago man ng pandemya ang lahat at naging laking module tayo, nagawa nating makapagtapos Dahil sa ating tiyaga at pagsasakripisyo! Dalawang taon tayong sinubok ng COVID-19! Ngunit hindi ito hadlang upang tayo’y hindi makapag aral, marami tayong natutunan mula sa ating mga guro. Nakapagbigay din tayo ng pagpapahalaga sa oras na nakakasama natin ang ating pamilya, mas nabibigyan natin ang ating sarili ng quality time, nadiscover natin ang ating mga talento at creativity sa pagtitiktok, Instagram, facebook at iba pa. Nagamay din natin ang multi-tasking skills sa zoom :D Umusbong ang self love at marami-rami din ang nag-glow up! Hindi man tayo kadalasang nagsasama-sama di tulad noong bago magpandemya, buo parin ang ating koneksyon sa isa’t-isa. Nakakalungkot lang isipin na hindi natin nadagdagan ang mga magagandang alaala na tayo’y magkakasama bago tayo tuluyang umalis sa paaralang ito. Sabi nga nila, hindi ito ang huli. Nagsisimula palang tayong bumuo ng pangarap natin at papunta na tayo sa exciting part. Wag sana nating kalimutan ang lahat ng ating mga natutunan mula sa ating mga guro at mga magulang. Dalhin natin ang ito sa tatahakin nating landas. Sa pagtatapos nating ito, Isang pinto naman ang magbubukas para sa ating hinahanarap, ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin ang lahat sa ating buhay. Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito at tuluyang maabot ang ating mga pangarap. Binabati ko kayo ng maligayang pagtatapos! CONGRATULATIONS DGBDNHS! CONGATULATIONS PROUD PARENT! CONGRATULATIONS BATCH 2022! Muli, Maraming Salamat po!