Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT Pangalan: _________________________ Baitang/Pangkat: _______________ Paaralan: _________________________ Petsa: __________________________ GAWAING PAGKATUTO EPP5 (Q4 - Wk 6) Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansyang Pagkain (Almusal, Tanghalian, at Hapunan) ayon sa Badget ng Pamilya I. Panimula Ang Gawaing Pagkatuto na ito ay ginawa upang lubos na masubok ang inyong kaalaman sa pamamahala sa pagpaplano at pagluluto ng masustansyang pagkain (almusal, tanghalian, at hapunan) ng naaayon sa badget ng pamilya. Inaasahan din na ikaw ay makagawa ng simpleng menu o talaan ng mga putahe na masustansya, mura, masarap, sapat, at angkop na pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan. II. Kasanayang Pampagkatuto Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian, at hapunan) ayon sa badget ng pamulya. (EPP5HE-01-24) III. Layunin Pagkatapos ng Gawaing Pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nakakapagplano ng pagluluto ng masustansiyang pagkain ayon sa badget ng pamilya; 2. Nakakagawa ng menu para sa isang araw batay sa food pyramid/pangkat ng pagkain; at 3. Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian, at hapunan). 1 IV. Pagtalakay Ang pagkain ang pinakamahalagang kailangan ng mga tao upang maisagawa ang mga pang – araw – araw na gawain. Dito nanggagaling ang enerhiya at lakas natin upang magampanan nang maayos at epektibo ang ating mga tungkulin. Malaki ang epekto ng pagkain sa kalusugan ng isang tao kaya kailangan ito ay masustansya at sapat sa buong maghapon. Pagpaplano ng Masustansyang Pagkain Para sa Pamilya Mahalaga ang kaalaman sa pamamahala ng pagkain, kailangan ang wastong kaalaman hinggil sa pagpaplano ng pagkain ng mag – anak. Maraming bagay ang isinasaalang – alang upang maayos na maisakatuparan ito. Ilan dito ay ang mga pinaglalaanan, pangangailangan, salaping nakalaan, at tagal ng paghahanda. Narito ang ilang mahahalagang salik na dapat isaalang – alang sa paghahanda ng pagkain: • Talaan ng mga Putahe (Menu Pattern). Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi para sa tiyak na age group. Ang tradisyonal na food-based menu pattern ay ang agahan, tanghalian, at hapunan. Mahalaga ang menu pattern sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya dahil napag – iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain. • Resipi. Ito ang talaan ng mga sangkap at pamamaraan para sa paghahanda ng isang lulutuing putahe o ihahandang pagkain. Tiyaking kompleto ang mga gagamiting sangkap sa pagluluto upang tuloy – tuloy ang paghahanda. • Menu. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan. • Sustansyang nakukuha sa pagkain. Kailangan may mga sustansiya ang mga pagkaing ihahanda. Mahlagang bigyang – pansin ang food pyramid upang maging gabay sa paghahanda ng pagkain upang matiyak na wasto Source: www.google.com Food Pyramid 2 ang pagkain na ihahain. Ang unang bahagi ng pyramid ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates. Ito ay mga pagkaing pangunahing pinagkukunan ng enerhiya na siyang ginagamit ng katawan sa pang-araw-araw na gawain. Ang mga pagkaing ito rin ay kabilang sa pangkat na Go Foods. Ang ikalawang bahagi naman ng pyramid ay binubuo ng mga prutas at gulay. Ito ay mga pagkaing nagpapalakas ng resistensiya laban sa sakit. Kabilang ang mga pagkaing ito sa pangkat na Glow Foods. Ang ikatlong bahagi ng pyramid ay binubuo ng mga produktong sagana sa protina gaya ng itlog, keso, karne at iba pa. Tumutulong ito sa pagpapalakas ng buto at kalamnan. Kabilang ang mga pagkaing ito sa pangkat Grow Foods. Ang pinakataas na bahagi naman ng pyramid ay binubuo ng mga pagkaing mamantika at matatamis. Kabilang dito ang mga kendi, mantikilya, at mga panghimagas. • Badyet para sa pagkain. Ibinabatay ang pagkaing ihahanda sa perang gugugulin na nakalaan para sa lulutuing pagkain. • Laki ng mag – anak. Laging isaalang – alang ang bilang, edad, at kasarian ng bawat kasapi ng mag – anak sa paghahanda ng pagkain. • Kagustuhan ng mag – anak. Mas mainam kung ang pagkaing ihahanda ay gusto ng lahat. • Panahon. Higit na magana kumain kapag malamig o tag – ulan ang panahon kaysa tag – init. • Oras na gugugulin sa paghahanda ng pagkain. Kailangang sapat ang oras sa gagawing paghahanda at pagluluto. Laging isaalng – ilang ang oras ng paghahanda kung ito ba ay agahan, tanghalian, o hapunan. Kailangang ihanda nang maaga ang lahat ng mga sangkap na gagamitin para hindi guhulin sa oras ng pagkain. • Lutuing ihahain. Dapat malaman kung gaano kadali o kakomplikado ang mga pagkaing iluluto o ihahanda. Iwasan ang pag – uulit ng pagkain sa isang kainan. Mga Uri ng Pagkaing Dapat Ihanda • Agahan – Ito ang unang pagkain sa loob ng isang araw. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Inihahanda ng almusal ang 3 katawan para sa mga gawaing sinisimulan sa umaga pagkalipas ng mahabang oras na walang ang tiyan sa buong magdamag. Ito ay maaaring ihain mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga. Maaaring ito ay magaan o light, katamtaman o medium, at mabigat o heavy ayon sa gawain ng kakain. • Tanghalian – Inihahain ito mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon. Bahagi ng tanghalian ang sabaw, kanin, ulam na sagana sa protina, gulay, at himagas. • Hapunan – Maaari itong ihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi. Katulad ng tanghalian ang pattern ng ginagamit sa hapunan. Tingnan ang halimbawa ng Menu o Meal Pattern sa isang araw. Araw Agahan Saging Daing ng bangus at kamatis Sinangag Tsokolate Tanghalian Cream of corn soup Adobong manok Ginisang ampalaya Kanin Pakwan Hapunan Sinigang na baboy Kanin Pinya V. Mga Gawain Gawain # 1: Kumpletuhin ang talahanayan. Pangkatin ang mga pagkain sa ibaba ayon sa tatlong pangkat. karne tinapay papaya isda kakanin okra kalabasa gatas itlog manga Pangkat Go Pangkat Glow 4 manok patola kamote cereals pasta Pangkat Grow Gawain # 2: Ayusin ang mga titik sa bawat bilang upang malaman kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang nabuong salita sa patlang. (umne trneapt) ______________1. Batayan ng mga pagkain na dapat ihanda sa agahan, tanghalian, at hapunan. (ganhaa) ______________2. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. (spiire) ______________3. Talaan ng mga sangkap at paraan ng pagluluto. (ofod driypam) (rgwo dfoo) ______________4. Gabay sa paggawa ng menu. ______________5. Tumutulong sa paglaki ng katawan. (nmeu) ______________6. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan. (tyeadb) ______________7. Nakalaang guguguling perang nakalaan para sa lulutuing pagkain. (haanlignta) ______________8. Inihahain ito mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon. (hyboracetesdra) ______________9. Sustansyang taglay ng mga pagkaing nasa pangkat Go. (nnapuah) ______________10. Maaari itong ihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi. Gawain #3 Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag sa bawat pangungusap at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang. _______1. Gawing batayan ang tatlong pangkat ng pagkain sa paghahanda ng pagkain ng mag-anak. _______2. Pumili ng pagkain ng naaayon sa badyet ng pamilya. _______3. Higit na maganang kumain kapag mainit ang panahon kasya malamig. _______4. Pagsabayin ang mga putahe na nangangailangan ng parehong sangkap na gagamitin. 5 _______5. Bigyang halaga ang mga kagustuhan at pagkaing kailangan ng mag-anak. _______6. Magplano ng menu na madaling baguhin kung kinakailangan. _______7. Nakakaubos ng lakas, panahon, at pera sa pamimili ang paghahanda ng pagkain. _______8. Ang hapunan ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. _______9. Mas mainam kung ang pagkaing ihahanda ay ang gusto lamang ni Nanay. _______10. Dapat ding isaalang-alang kung gaano kadali o kakomplikado ang mga pagkaing iluluto o ihahanda VI. Pagsusulit Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang. _______1. Ang mga sumusunod ay mga pagkaing inihahain tuwing almusal maliban sa isa, alin dito? A. Champrado w/ tuyo C. mechado B. Sinangag D. gatas _______2. Sa anong pangkat ng pagkain nabibilang ang prutas at gulay? A. Grow B. Glow C. Go D. Fats _______3. Ito ang mga pagkaing bumubuo sa pinakataas na bahagi ng food Pyramid. A. pagkaing sagana sa protina B. mga gulay at prutas C. pagkaing mamantika at matatamis D. pagkaing mayaman sa carbohydrates _______4. Laging isaalang – alang ang bilamg, edad, at kasarian ng bawat kasapi ng mag-anak. Ito ay tumutukoy sa? A. Badyet para sa pagkain C. Lutuing ihahain B. Oras na gugugulin sa pagluluto D. Laki ng mag-anak _______5. Ito ay isang diyagram na gabay at nahahti sa seksiyon upang ipakita ang inirerekomendang paggamit sa bawat pangkat o grupo ng pagkain. A. Food pyramid B. Resipi C. Menu pattern D. Menu 6 _______6. Ito ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates. Anong pangkat ng pagkain ang mag ito? A. Go foods B. Glow foods C. Grow foods D. Fats _______7. Sustansiyang taglay ng mga pagkaing nasa pangkat grow. A. Carbohydrates C. Bitamina at mineral B. Protina D. Fats _______8. Ang mga sumusunod ay mga salik na dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pagkain maliban sa isa. Alin ito? A. Panahon B. Badyet C. Resipi D. Kagustuhan ng Nanay _______9. Katulad ng tanghalian ang pattern na ginagamit dito. A. Agahan B. Tanghalian C. Hapunan D. Mirienda _______10. Bakit kailangang matiyak na masustansiya, sapat at gusto ng pamilya ang pagkaing ating inihahanda? A. Para mapakain sa mga alagang pusa at aso B. Para matiyak na maubos at walang maaksaya sa mga pagkaing ating ihahain C. Upang masira at hindi na makain ang mga ito VII. Pangwakas Gumawa ng sariling “meal plan o menu pattern” para sa inyong pamilya sa loob ng isang linggo. Araw Agahan Tanghalian 7 Hapunan Rubrics sa Paggawa ng Meal Plan/Talaan ng Putahi Pamantayan 5 1. Nakabatay sa Food Pyramid at sa Tatlong Batayan Pangkat ng Pagkain 2. Isinaalang – alang ang mga edad ng kakain. 3. Nasa bagyet ng pamilya ang nakatalang mga putahe. 4. Madali, masustansiya, hindi komplikado ang paghahanda sa nakatalang mga putahe. 5. Angkop sa agahan, tanghalian, at hapunan at nasa balance diet. Kabuuang Puntos 8 4 Iskor 3 2 1 VII. Mga Sanggunian Peralta G. et al. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, pages 158 - 161 https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/menu-plan-107786213 Makabuluhang Pantahanan at Pangkabuhayan 6 https://www.youtube.com/watch?v=GlT5Awsa7Ko https://images.google.com/ https://commons.deped.gov.ph/grades/c2500ed6-0d49-4627-92e1-038467f83b1f 9 Menu pattern agahan resipi food pyramid grow food menu badyet tanghalian carbohydrates hapunan Maaring iba-iba ang sagot 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. C B C D A A B D C B Pagsusulit 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 10 Pangwakas ngkat Go Pasta Kamote Tinapay Kakanin cereals Tama Mali Mali Tama Tama Mali Mali Mali Tama 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Tama 1. Gawain 3 Pangkat Grow Isda Manok Itlog Gatas karne Pangkat Glow Okra Papaya Patola Kalabasa Manga Gawain 1 Gawain 2 IX. Susi sa Pagwawasto X. Grupo ng Tagapaglinang Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pagkatuto Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Aiza G. Tiamzon Anthony Rayley M. Cabigting, DEM Jemima S. Dadulla, Fe M. Aquino, Louella M. Oira Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI Leandro C. Canlas, PhD, CESE Elizabeth O. Latorilla, PhD Sonny N. De Guzman, EdD Anthony Rayley M. Cabigting, DEM Remedios C. Gerente For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Division of Mabalacat P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga Telefax: (045) 331-8143 E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph 11