Araling Panlipunan 2 ( Week 1 ) Layunin: Naipapaliwanag ang konsepto ng komunidad. Itambal ang mga larawan na nasa Hanay A sa mga salita na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng 1. sagot. tamang Hanay A d e b Hanay B 1. a. Pamilihan 2. b. Simbahan c. Paaralan 3. d. Tahanan a 4. c 5. e. Pook-libangan f. Health Center Iguhit ang bituin kung ang larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran at buwan naman kung hindi. 1.________ 2._______ 3.______ 4.______ 5.______ Ano ang komunidad? Ang komunidad ay binubuo ng mga pangkat ng mga tao na nakatira sa isang lugar o pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan. Tahanan Paaralan Simbahan Pamilihan PookLibangan Dito naglilibang at naglalaro ang mga bata kapag walang pasok. Kasama ang kanilang mga magulang. BahayPamahalaan Ospital Saan natin matatagpuan ang komunidad? Kapatagan Kabundukan Tabing- Ilog Talampas Industriyal Lungsod Sagutin: Ano-ano ang mga bumubuo sa Komunidad? Saan maaaring matagpuan ang kumunidad? Ano ang kahulugan ng komunidad? Ating Tandaan: Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan. Ang komunidad ay binubuo ng tahanan, paaralan, bahay-pamahalaan, simbahan, ospital, pooklibangan at pamilihan. May ibang komunidad na hindi lahat makikita ito. Maaring matagpuan sa tabing dagat o ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan ang isang komunidad. Gawain 1 Iguhit ang masayang mukha sa loob ng kahon kung ito ay tumutukoy sa kahulugan ng komunidad at malungkot na mukha naman kung hindi. 1. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at nakikisalamuha sa isa’t -isa at naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at kalagayang pisikal. 2. Ang komunidad ay maaaring matagpuan sa tabing-dagat o ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan. 3. Ang komunidad ay hindi mahalaga sa isang batang katulad ko. 4. Masayang manirahan sa komunidad na maayos at tahimik. 5. Ang uri ng pamumuhay sa komunidad ay naaayon sa kaniyang kapaligiran. Gawain 2: Isulat sa loob ng kahon ang mga lugar na kung saan maaaring makita ang isang komunidad at kulayan ng dilaw ang iyong kinabibilangang komunidad Pag-alam ang sa Natutunan Buuin ang usapan.Isulat sagot sa papel. Ano ang kahulugan mo ng komunidad? Ang komunidad ay binubuo ng mga ________________ ________________ ________________ Ang kinaroroonan ng isang komunidad ay maaaring nasa ________________ _________________ Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng komunidad? a. Ang komunidad ay binubuo ng mga puno, halaman at mga hayop. b. Ang bumubuo sa isang komunidad ay ang mga pulo, lalawigan at lungsod. c. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan. d. Ang mga pamilihan, sambahan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at panahanan ay magkakaibang komunidad. 2. Alin ang hindi kabilang sa komunidad? a. pamilihan c. simbahan b. kusina d. paaralan 3. Kung ikaw ay malapit sa sakahan ng mga palay, saang komunidad ka nabibilang? a. kapatagan c. tabing ilog b. lungsod d.talampas 4. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang iyong komunidad? a.Sumunod sa mga alituntunin ng aking komunidad. b. Panatilihing maayos ang kapaligiran ng komunidad c. Tumulong sa mga gawaing pangkaayusan ng komunidad. d. Lahat ng nabanggit 5. Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang iyong kaibigan na nagtatapon ng basura kahit saan? a. Pagtatawan ko ang aking kaibigan na nagtapon ng basura. b. Pagsasabihan ko ang aking kaibigan na huwag magtapon ng basura sa kahit saang lugar. c. Gagayahin ko ang aking kaibigan. d. Lahat ng nabanggit. Panuto: Kompletuhin ang kaisipan sa ibaba. Bilang isang bata, ipapakita ko ang aking pagpapahalaga sa komunidad sa pamamagitan ng _________________ ________________________at Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na iwasan ang ___________________________________ upang mapanatiling maayos ang aking komunidad.