Uploaded by Jobert Simbolas

uri-ng-pangungusap-lp-4th-quarter

advertisement
lOMoAR cPSD| 15513743
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 4
I-
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.
2. Nakakabuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri.
3. Nagagamit ang wastong bantas sa iba’t-ibang uri ng pangungusap.
4. Nasasabi ang kahalagahan ng iba’t-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
II-
Paksang Aralin:
Uri ng Pangungusap
Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide sa Filipino 4, Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4,
Online Resources Gabay ng Mag-aaral
Kagamitan:
Kartolina, Pentel pen, Larawan, Biswal ayds, Power point Presentation
Subject Integrated:
ESP
Values: Pagiging matulungin
III1.
2.
3.
4.
5.
Pamamaraan:
Gawaing Guro
Gawaing Mag-aaral
Panalangin
Pagtsetsek ng liban at hindi liban
Pagbati
Balik-aral
Anu-ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?
(Simuno at Panaguri)
Pagganyak
Kayo ba ay nakaranas ng tumulong
sa iba?
Opo, Ma’am.
Paano?
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain.
Okay. Ano pa?
Tumutulong sa gawaing bahay.
Ipakita ang larawan ng mga
taong nasa evacuation center.
Ano ang inyong nakikita sa larawan?
Mga tao,pagkain at plastic bag.
lOMoAR cPSD| 15513743
Magaling!
Ano ang ginagawa ng mga tao
sa larawan na ito? Cathy.
Nagbabalot ng pagkain.
Magaling! Salamat sa iyo Cathy.
Ano pa? Justin.
Pumipila ang mga tao.
Saan sila pumipila?
Sa Evacuation center.
Tama! Magaling mga bata.
May Babasahin tayong dialogo pero
bago iyon, bigyan muna natin ng kahulugan
ang mga sumusunod na salita.
Paghambingin ang mga salita sa Hanay A
sa salitang kasingkahulugan nito sa Hanay B.
A
B
1. plastic bag
a. magbalot
2. impake
b. taong mapagkakatiwalaan
3. pakete
c. lalagyan ng gamit.
4. kaibigan
d. isang balot ng lalagyan.
6. Panlinang na Gawain
Gawain 1: Ngayon, magbasa tayo ng dialogo tungkol sa mga batang nag nais na tumulong sa
kanilang kapwa. Babasahin ko samantalang kayo ay makikinig. Pagkatapos kong magbasa, pipili
ako sa inyo ng anim upang gampanan ang nasa dialogo.
Sitwasyun:
Nagkayayaan ang magkaibigan na pumunta sa relief center upang tumulong sa pag-aayos
ng damit at pagkain na dadalhin sa evacuation center.
Janet:
Magandang umaga po. Ako po si Janet at sila po
ang aking mga kaibigan. Tutulong po kami sa inyo.
Bb. Luz:
Naku! Salamat naman sa inyo. Sige, doon kayo pumunta sa bandang
dulo sa kanan ng silid. Paki-ayos ang mga damit at pagkain doon.
lOMoAR cPSD| 15513743
Lea:
Jenny, tayo ang maglagay ng tig-dalawang pakete ng noodles sa lahat
ng plastic bag.
Rosa:
Lino, Eldy, kayo naman ang magtimbang ng sampung kilo ng bigas.
Sila Ferdie at Fina naman ang mag-aayos ng mga damit.
Janet:
Eh ako, ano ang gagawin ko?
Myrna:
Janet, magtali ka ng mga supot na kanilang gagawin.
Nang matapos ang kanilang gawain …
Rosa:
Bb. Luz, aalis na po kami. Natapos na po naming i-impake ang mga
gamit at pagkain na ibinigay ninyo sa amin.
Bb. Luz:
Maraming salamat sa inyo ha. Maliliit man kayo ay Malaking tulong
naman ang ibinigay ninyo para mapadali ang aming Gawain.
Lino:
Walang anuman po.
Mga Gabay na Katanungan:
Sinu-sino ang nag-uusap sa napakinggang
dialogo? Andrew
Ang nag-uusap sa dula-dulaan ay sina Janet,
Lino, Myrna, Bb. Luz, Rosa at Lea.
Tama! Salamat Andrew.
Saan nagpunta ang magkakaibigan?
Mercy.
Ano ang ginawa nila sa Relief center?
Angela.
Nagpunta sila sa Relief Center
Nagpunta sila doon para tumulong.
Tama! Salamat Angela.
Ipaskil sa pisara ang mga sumusunod na pangungusap tungkol sa dialogo. Talakayin ang bawat
pangungusap at ilahad ang bagong talakayan tungkol sa iba’t ibang uri ng pangungusap.
1.
2.
3.
4.
Tutulong po kami sa inyo.
Eh ako, ano ang gagawin ko?
Naku! Salamat naman sa inyo.
Magtali ka ng mga supot na kanilang gagawin.
lOMoAR cPSD| 15513743
7. Paglalahad:
Kung ang grupo ng pinagsama-samang mga salita ay may mensahe o diwa, tinatawag natin
itong pangungusap.
Ang pangungusap ay may apat sa uri: Pasalaysay, Patanong, Pakiusap o pautos at Padamdam.
Pasalaysay – kung ang pangungusap ay naglalarawan
o nagkukuwento tungkol sa isa o mga panganglan.
Nagtatapos ito sa tuldok. ( . )
Halimbawa:
Tumatakbo ang bata sa bahay.
Nagsasayaw sina Lolo at Lola.
Nakatulog kagabi si Abby habang nagbabasa ng aklat.
Ano ang isinasaad sa tatlong pangungusap?
Samantha.
Naglalarawan po sa tao.
Ano ang bantas na ginagamit sa hulihan ng
pangungusap?
Tuldok po.
Tama!
Patanong – kung ang pangungusap ay may
tinatanong tungkol sa isang bagay, tao o
pangyayari. Nagtatapos ito sa tandang pananong. ( ? )
Halimbawa:
Sino ang tumatakbo?
Saan nagsasayaw sina Lolo at Lola?
Kailan nakatulog si Abby?
Ano ang isinasaad sa tatlong pangungusap?
Celin.
Nagtatanong po sa isang bagay o
pangyayari.
Tama! Salamat Celin.
Ano ang bantas na ginagamit sa hulihan ng
Pangungusap? Julius.
Tama!
Pakiusap o Pautos – kung tayo ay nakikiusap o
nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang
isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o
salitang kilos at nagtatapos sa tuldok. ( . )
Halimbawa:
Tandang pananong po.
lOMoAR cPSD| 15513743
Sundan mo ang bata sa bahay.
Hanapin mo sina Lolo at Lola.
Pakikuha ng aklat sa mesa.
Ano ang isinasaad sa tatlong pangungusap?
Sandy.
Isinasaad sa mga pangungusap na yan ay
nagbibigay utos o nakikiusap upang gawin
ang isang bagay.
Magalaing! Salamat Sandy.
Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng
pangungusap?
Tuldok po.
Tama!
Padamdam – kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng damdamin, ginagamitan natin ang pangungusap
na ito tuwing tayo ay galit, masaya, malungkot o takot.
Halimbawa:
Takbo! May malaking aso.
Aray! Ang sakit ng kamay ko.
Yehey! Pupunta kami sa Baguio.
Ano ang isinasaad sa mga pangungusap? Ria.
Nagsasaad ng pagpapakita ng
damdamin o emosyon.
Tama! Salamat Ria.
Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng pangungusap?
Carlo.
Padamdam po.
Magaling!
8. Pagsasanay:
Gawain 1:
Ipakita ang iba’t-ibang larawan. Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng
pangungusap gamit ang apat na uri ng pangungusap.
Pangkatang Gawain
Gawain 2: Panuto: Ipangkat ang mag-aaral sa lima, atasan ang mga mag-aaral sa
iba’t – ibang Gawain tungkol sa apat na uri ng pangungusap.
Pangkat 1:
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na
titik PS (Pasalaysay), PT (Patanong), PD (Padamdam), PU (Pautos) at PK (Pakiusap).
1. Saan po tayo pupunta?
lOMoAR cPSD| 15513743
2.
3.
4.
5.
Wow! Ang sarap ng ice cream!
Ang ganda ng mga bulaklak.
Pakitulungan ang matanda sa pagtawid sa kalsada.
Kunin mo ang susi sa mesa.
Pangkat 2:
Panuto: Gumawa ng limang salita na pautos tungkol sa paglilinis ng inyong bahay.
Pangkat 3:
Panuto: Anu-ano ang ang iba’t -ibang uri ng pangungusap? Sumulat ng tig-isang
halimbawa ng bawat uri.
Pangkat 4:
Panuto: Buuin ang mga pangungusap na pasalaysay tungkol sa iyong sarili.
Ako ay si
.
Ako ay
taong gulang na.
Nakatira ako sa
Ako ay nasa
baitang.
Paglaki ko gusto ko maging isang
.
.
9. Paglalahat:
Ilan ang mga iba’t-ibang uri ng
Pangungusap?
Anu-ano ang iba’t-ibang uri
ng pangungusap?
Apat po Ma’am.
Pasalaysay, Patanong, Pautos o Pakiusap
at Padamdam.
Magbigay ng halimbawa.
PS -Dito tayo sasakay ng dyip.
PT- Ano ang iyong kinakain?
PU- Kumuha ka nga baso sa
kusina.
PK- Pakihua ng baso sa kusina.
PD- Saklolo! May sunog!
Mahalaga ba malalaman natin
ang iba’t-ibang uri ng pangungusap
ayon sa gamit? Bakit?
Tama! Magaling mga bata!
IV-
Pagtataya:
Opo, para malaman natin kung
nagtatanong, nagsasalaysay,nag-uutos o
nagpapahiwatig ng kanyang damdamin o
emosyon sa isang pangungusap.
lOMoAR cPSD| 15513743
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos o Pakiusap,
Patanong at Padamdam.
1. Si Lisa ay matalinong bata.
a. Pasalaysay
b. Patanong
2. Hay Naku! Kayo na ang mag-usap!
a. Pasalaysay
b. Patanong
3. Saan ka pupunta?
a. Pasalaysay
b. Patanong
4. Pakiabot po ng lapis ko.
a. Pasalaysay
b. Patanong
5. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan.
a. Pasalaysay
b. Patanong
6. Naku! May sunog!
a. Pasalaysay
b. Patanong
7. Kumain na tayo.
a. Pasalaysay
b. Patanong
8. Napatingin ako sa tatay.
a. Pasalaysay
b. Patanong
9. Kailan ang iyong kaarawan?
a. Pasalaysay
b. Patanong
10. Pakihawakan ng maayos ang papel.
a. Pasalaysay
b. Patanong
V-
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
c. Pautos o Pakiusap
d.Padamdam
Takdang Aralin:
Sumulat ng tig-dadalawang halimbawa ng pangungusap na pasalaysay, pakiusap o
pautos, patanong at padamdam. Gawin ito sa Kuwaderno.
Inihanda ni:
LORIMAE P. VALLEJOS
Teacher Applicant
Download