5 ARALING PANLIPUNAN QUARTER 4 – MODULE 1 Ang mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino Alamin Ang modyul na ito ay sadyang isinulat para sa iyo. Hangad naming sa pamamagitan nito ikaw ay makapagpapahayag nang may pagmamalaki sa mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Ang mga pagsasanay na ginamit dito ay tiyak na mapapalawak pa ang iyong kaalaman bilang mag-aaral sa ikalimang baitang. Mahalagang malaman ang mga naunang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ang modyul na ito ay tumatalakay sa: 1. Mga Karanasan at Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako 2. Okupasyon ng mga British sa Maynila noong 1762 3. Pag-aalsa ni Pule noong 1840-1841 4. Mga Pag-aalsa nina Diego Silang, Hermano Pule at Francisco Dagohoy 5. Mga Pag-aalsang Ekonomiko at Politikal MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto): Naipapaliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. K to 12 BEC CG AP5PKB-Iva-b-1 Matapos mong basahin at gawin ang mga pagsasanay sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: 1. matatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan; 2. masusuri ang mga naunang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino; 3. maipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang tugon ng mga Pilipino sa kolonyalismo. 1 Tuklasin Mga Naunang Pag-aalsa Laban sa mga Espanyol PANGYAYARI Mga karanasan at pagtutol sa Monopolyo sa tabako PALIWANAG Matatandaan na noong 1782, ang monopolyo sa tabako ay ipinatupad sa Pilipinas bilang pagkukunan ng karagdagang kita ng Spain gayundin ng pamahalaang Espanya sa Pilipinas. Naging maganda ang layunin ng pamahalaan sa pagsisimula ng monopolyo sa tabako sa Pilipinas. Upang pagaanin ang situwasyon ng monopolyo, ang produksiyon ng tabako ay ginawang bahagi ng programang ekonomiko ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas. Sa halip na sa malaking plantasyon, inilipat ito sa maliliit na magsasaka na https://bit.ly/38IWD9X nagtatanim lamang sa kani- kanilang maliliit na lupa. Naging mapang-abuso ang mga kolektor. Taong 1882 nang tuluyang ipatigil ang operasyon ng monopolyo sa tabako sa Pilipinas. Pag-aalsang agraryo noong 1745 Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ng mga lupa mula sa mga katutubo, isang pag-aalsa ang sumiklab sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at Nasugbu sa Batangas sa pagitan ng 1745 at 1746. Ito ay umabot sa mga karatig lalawigan ng Laguna at Cavite, maging sa Bulacan. Ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle https://images.app.goo.gl/pve1sh24z26qkz3fA at mga orden ang mga lupang pamana sa kanilang mga ninuno o ancestral domain. Okupasyon ng mga Ingles sa Maynila Mula 1756 hanggang 1763, isang tunggalian ang noong 1762 naganap sa pagitan ng mga bansa sa Europe na tinatawag na Seven Years War. Ito ay nag-ugat sa tunggalian sa kapangyarihan ng Great Britain at France. Mula Setyembre hanggang Oktubre ay tuloy-tuloy ang isinagawang pananakay ng mga British sa Intramuros, sa https://images.app.goo.gl/pexxauCVuY2QuipL8 tinatawag na Battle of Manila (1762). Nagwakas ang 2 Seven Years War sa paglagda sa Treaty of Paris noong Pebrero 10, 1763. (Gabuat et al.,2016) Pag-aalsa ni Diego Silang Nagkaroon ng pag-aaklas ang mga Ilocano sa pangunguna ni Diego Silang. Noong Disyembre 14, 1762 ay matagumpay niyang napaalis sa Ilocos ang mga pinunong Espanyol. Walang tulong na dumating upang saklolohan ang pangkat ni Silang, at tanging isang maliit na kanyon ang ipinadala ng mga British bilang simbolo https://images.app.goo.gl/d1wSzTH4rJuBV6zo6 Pakikipagkasundo ni Alimuddin I sa mga British Sultan ng kanilang pagkakaibigan. Si Sultan Alimuddin I ay lumagda naman sa isang kasunduan sa mga British kung saan ang kapalit ng kaniyang kalayaan (mula sa pagkakakulong sa Fort Santiago) ay tutulungan niya ang mga dayuhan sa mga adhikain nitong mapasok ng East India Company ang Sultanato ng Sulu. https://images.app.goo.gl/yc5e6NbEy62qXz Pag-aalsa ni Hermano Pule noong 1840-1841 Maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon ay ang Pag-aalsa ni Hermano Pule na naganap mula Hunyo 1840 hanggang Nobyembre 1841 sa pamumuno ni Apolinario dela Cruz. Noong 1832, itinatag niya sa Lucban ang Confradia de San Jose, isang kapatirang panrelihiyon na kinabibilangan ng mga Indio. Labis itong ikinagalit at tinutulan ng pamahalaang Espanyol sa pamumuno ni Gobernador –Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri. Ipinakulong siya at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. https://images.app.goo.gl/J5LoMpxwqhch9x4J7 Ang kaniyang katawan ay pinagputol-putol at ibinandera ng mga Espanyol sa publiko upang magsilbing babala sa mga magnanais na lumaban sa pamahalaan. Mga Pag-aalsang Politikal Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamatataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan nila ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espirituwal. Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang 3 mga dating datu at babaylan upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan. https://images.app.goo.gl/WCZzW2GkGyvG (Gabuat et al., 2016) 1w4d Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy Itinuring na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744. Higit na nagpaalab sa galit ni Dagohoy ay ang hindi pagpapahintulot ng isang prayleng Jesuit na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na si Sagarino - isang Constable na namatay sa pagtugis ng isang tulisan. Dahil dito, hinimok ni Dagohoy ang iba https://images.app.goo.gl/S97N9sth9QEZGypQ7 pang Boholano na mag-aklas laban sa mga Espanyol. Tumagal ang pag-aalsa hanggang 1829. Mga Pag-aalsang Ekonomiko Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Pilipino ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopolyo at kalakalang galyon. https://images.app.goo.gl/5XKS7CY4jF28JbBd6 Mga Dahilan ng Pagkakabigo ng Pag-aalsa 1. Pagiging watak –watak ng Pilipinas. Ang pag-aalsa ay mula sa iba’t ibang magkakalayo at maliliit na mga lugar sa Pilipinas kaya mas madali itong nasugpo ng mga Espanyol. Ang mga lugar at mamamayang nakilahok sa pag-aalsa ay walang pagkakaisa, samantalang ang kalaban ay iisa, ang mga Espanyol. Maliban pa dito, ang mga mayayamang angkan ng mga Pilipino ay hindi sumuporta sa mga pagkilos dahil sa pangambang mawala ang tinatamasang mga pribilehiyo mula sa mga Espanyol. 2. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma. Hindi kinayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa sopistikado at makabagong mga armas ng mga Espanyol. Kalimitan sa mga sandatang gamit ng mga Pilipino ay yari sa katutubong materyales gaya ng bolo, tabak at sibak. Dagdag pa, ang mga sundalong Espanyol ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa pakikidigma kumpara sa mga katutubong Pilipino. (Gabuat et al.,2016) 4 3. Kawalan ng maaayos na komunikasyon. Resulta rin ng topograpiya ng Pilipinas, hindi naging madali para sa mga Pilipino ang magpadala ng mensahe tungkol sa mga pag-aalsang isasagawa mula sa isang bayan patungong karatig bayan, lalo na sa mga liblib na bundok at kagubatan. 4. Pagkakaiba ng wika at diyalekto. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang wika at diyalektong ginagamit sa iba’t ibang isla at lalawigan sa Pilipinas ay isang dahilan upang mahirapang magkaroon ng maayos na komunikasyon at mahirapang manghikayat o magdagdag ng lalahok sa pag-aalsa. 5. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo. Dala marahil ng mga pananakot at mga pangakong kayamanan at pribilehiyo mula sa mga Espanyol, may mga katutubong nakipagtulungan sa mga mananakop upang masupil o hindi matuloy ang mga pag-aalsa. Ibinalita nila sa pamahalaan ang mga napipintong rebelyon at isinuplong ang kanilang mga kasama. (Gabuat et al.,2016, p. 231) Gawain 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng panaklong ang mga salitang binibigyang-kahulugan sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. (Ancestral Domain, Mersenaryo, Sepoy, Basi) ang tawag sa lupang pamana ng mga ninuno. 2. Isang kapatirang panrelihiyon na kinabibilangan ng mga indio ay ang (polo, Galyon, sapilitang paggawa, Confradia de San Jose). 3. Tunggalian sa pagitan ng mga bansa sa Europe na nag-ugat sa tunggalian sa Kapangyarihan ng Great Britain at France. (Battle of Manila, Seven Years War, World War, Treaty of Paris) 4. (Battle of Manila, Treaty of Paris, Labanan sa Mactan, Pag-aalsa) ang pananalakay ng mga British sa Intramuros. 5. Nangyayari ito dahil sa pag-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa kinauukulan. (pag-aalsa, pagkakasuduan, pagmamalabis, pagkakapatiran) 5 Gawain 2 Panuto: Tukuyin kung sino-sinong mga bayani ang namuno sa bawat pag-aalsa at buoin ang pangalan ng angkop na bayani. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1.Nagtatag ng Confradia de San Jose. N OMAHER LEPU 2.Nagpatupad ng monopoly ng tabako S E J O C O B A S 3.Namuno sa pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas laban sa mga Espanyol C O C I S F R A N G O D A H O Y 4.Nanguna sa pag-aaklas ng mga Ilocano bunsod ng malabis na pagbabayad ng mga Katutubo sa mga Espanyol. G O D I E L A N G S I 5.Tumayong Gobernor-Heneral ng kolonya noong Oktubre 6, 1762 na namuno laban sa pananakop ng British sa Maynila Arsobispo G U E L M I J O R O Gawain 3 Panuto: Piliin ang salitang hindi kabilang sa pangkat at ipaliwanag kung bakit ito naiiba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pagtutol sa Monopolyo ng Tabako, Pagtutol sa Bagong Patakarang Agraryo, Okupasyon ng mga British sa Manila, Pag-aalsang Panrelihiyon ______________________________________________________________________ 2. Francisco Dagohoy, Diego Silang, Hermano Pule, Jose Rizal _______________________________________________________________________ 3. monopolyo, sapilitang paggawa, pagbubuwis, sapilitang pagbibinyag _______________________________________________________________________ 4. Kawalan ng maayos na komunikasyon pagiging watak-watak ng Pilipinas. Pagkakaiba ng diyalekto at wika. Pagkakaroon ng hindi maayos na tirahan ______________________________________________________________________ 5. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Sultan Aimuddin 1, Apolinario Mabini _____________________________________________________ 6 Tayahin I. Panuto: Hanapin sa hanay B ang taon kung kailan naganap ang pag-aalsa sa hanay A. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B ________1. Pag-aalsang Agraryo A.1762 ________2. Pag-aalsang ni Diego Silang B.1745 ________3. Pag-aalsang ni Hermano Pule C.1744 ________4.Pag-aalsang Politikal D.1840 ________5. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy E.1574 ________6. Karanasan at Pagtutol sa Monopolyo F.1782 ng Tabako G.1735 II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Bakit hindi maganda ang epekto ng monopolyo sa tabako sa Pilipinas? A. mapang-abuso ang mga kolektor B. ipinatupad ito upang may karagdagang kita ang Spain C. hindi binibigay ang tamang kabayaran sa mga magsasaka D. lahat ng nabanggit 2. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa. A. kakulangan sa pondo B. pagkakaiba ng wika at diyalekto C. pagiging watak-watak ng Piipinas D. kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma 3. Ang pag –aalsa ni Francisco Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit ito nagtagal? A. marami siyang tauhan B. marami siyang armas C. marami siyang pera D. hindi siya nawalan ng pag-asa sa pakikipaglaban 7 4. Alin ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino? A. yumaman ang mga Espanyol B. lumaganap ang kalakalan ng tabako C. nagkaroon ng monopoly ng tabako. D. humirap ang pamumuhay ng mga magsasaka 5. Noong 1745, sumiklab ang pag-aalsang agraryo sa Katagalugan. Ano-ano ang mga dahilan ng pag-aalsang ito? I. dulot ng pang-aabuso sa agraryo II. pagpuslit ng mga magsasaka ng kanilang ani III. pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa katutubo IV. nangako ng mga Espanyol sa mga magsasaka ngunit hindi natupad A. I at II B. III at IV C. I at III D. I at IV 6. Ang lahat ay dahilan ng pag-aalsang ekonomiko maliban sa isa. A. monopolyo B. Sapilitang Paggawa C. mataas na buwis C. magandang pamamalakad ng mga prayle 7. Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan dahil dito nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga datu at babaylan. Anong pag-aalsang inilalarawan? A. Mga Pag-aalsang Politikal B. Mga Pag-aalsang Pangrelihiyon C. Mga Pag-aalsang Pangekonomiko D. Mga Pag-aalsang Agraryo 8. Alin sa mga pag-aalsa ang maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang Pangrelihiyon? A. Pag-aalsa ni Hermano Pule B. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy C. Pag-aalsa ni Diego Silang D. Pag-aalsa ni Datu Bancao 9. Ano ang dahilan kung bakit lumagda sa isang kasunduan sa mga British si Sultan Alimuddin? A. upang siya’y bigyan ng mataas na katungkulan B. kapalit ng kanyang kalayaan C. ipaglaban ang kanyang adhikain D. upang sila’y sumapi sa reihiyong kanyang kinabibilangan 8 Sagot sa mga Gawain Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 1.ancestral domain 2.Confradia de San Jose 3.Seven Years War 4.Battle of Manila 5.pag-aalsa 1. Hermano Pule 2. Jose Basco 3.Francisco Dagohoy 4. Diego Silang 5.Miguel Rojo 1.Pag-aalsang Pangreihiyon 2.Jose Rizal 3.sapilitang pagbibinyag 4.pagkakaroon ng maayos na tirahan 5.Sultan Alimuddin 1 Sanggunian: A. Aklat Gabuat, Maria Analyn P. et. al, 2016, Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa, Quezon City, Philippines, Vibal Group Inc. B. Website/s https://bit.ly/38IWD9X https://images.app.goo.gl/pve1sh24z26qkz3fA https://images.app.goo.gl/pexxauCVuY2QuipL8 https://images.app.goo.gl/d1wSzTH4rJuBV6zo6 https://images.app.goo.gl/yc5e6NbEy62qXz https://images.app.goo.gl/J5LoMpxwqhch9x4J7 https://images.app.goo.gl/WCZzW2GkGyvG1w4d https://images.app.goo.gl/S97N9sth9QEZGypQ7 https://images.app.goo.gl/5XKS7CY4jF28JbBd6 BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL Manunulat: Myrna B. Paras Tagasuri: A. Pangdistrito Dr. Neil V. Gavina Percy B.Pariñas B. Pangdibisyon Dr. Marilex A. Tercias Luzviminda S. Dizon Dr. Ma. Ruby L. Caballero Olivia L. Delos Santos Analisa M. Mulato Tagalapat: Tagapamahala: Dr.Prescila N. Magpili Noemi D.Andrada Dr. Marcelina B. Megal Mrs. Agnes M. Ceralde Marlyne S. Asuncion Dr. Lea C. Cacayan Marissa S. Quinto Myrna B. Paras Dr. Nelda S. Rabang Nida C. Bautista Frederick V. Agayo Jacqueline D. Calosa Geni M. Sarmiento Dr. Danilo C. Sison Dr. Wifredo E. Sindayen Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras Dr. Maybelene C. Bautista 9 Sagot sa Tayahin I. 1.B 2.A 3.D 4.F 5.C 6.F II. 1.D 2.A 3.D 4.D 5.C 6.C 7.A 8.A 9.B 10