n laa a ah m a L BI I B P G g A in ar N a I g IP Pa I ND I H I 4 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul:1 Linggo 1 Ang Pamamahala sa Aking Bansa Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan -Modyul 1 : Ang Pamamahala sa Aking Bansa Unang Limbag, 2020 Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio Development Team of the Module Author: Anthony Sol F. Macatana Editor: Nicolasa R. Taronzon Reviewer: Cecil A. Inggotan, PSDS Chona H. Dilangen Susan I. Alavanza Illustrator: Fernando A. Ombayan Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso Management Team: Chairperson: Rebonfamil R. Baguio Schools Division Superintendent Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr. Asst. Schools Division Superintendent Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan Analisa C. Unabia, EPS – LRMS Israel C. Adrigado - PDO Inilimbag sa Pilipinas ng: Joan Sirica V. Camposo, Librarian II Department of Education - Division of Valencia City Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709 Telefax: (088) 828-4615 Website: deped-valencia.org 4 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul :1 Linggo 1 Ang Pamamahala sa Aking Bansa Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna, komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa region10@deped.gov.ph. Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at rekomendasyon. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Panimula Ang modyul na ito ay sadyang inilaan para sa Ikaapat na Baitang. Ang mga aralin ay ibinatay sa mga kasanayang nakapaloob sa kompetensi ng Kagawaran ng Edukasyon. Inaasahang ito ay tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto sa asignaturang Araling Panlipunan. Ang mga gawain sa bawat aralin ay naaayon sa kakayahan ng mga batang mag-aaral sa baitang na ito. Kawili-wili at may pagka-malikhain ang mga gawain upang mapukaw ang isip at damdamin ng mga bata sa bawat paksang tatalakayin. Maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng “Activity Notebook” o papel sa pagsasagawa/pagsagot sa mga gawain at pagtataya. Magsisilbi itong Portfolio ng mga mag-aaral na maaaring gamitin ng guro sa pagdisenyo ng interbensyon at programa, pagbuo ng mga bago at angkop na araling gawain, at pagbibigay ng kaukulang marka. Madaling masusundan at mauunawaan ang modyul na ito. Mga Tala Para sa Guro Ang Aaaakkjj Mga kaguro malugod nating gabayan ang mga mag- aaral sa pag-gamit ng Modyul na ito sa Araling Panlipunan na sadyang inilalaan para sa Ikaapat na baitang. Maraming salamat po! i Alamin Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo nang gawin ang mga sumusunod: Mga layunin sa pagkatuto: 1. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan. 2. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas. • Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). • Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at lokal) • Natutukoy ang mga namumuno ng bansa. •Natatalakay ang pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan ng mga namumuno ng bansa. Paano matuto sa Modyul na ito: Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga sumusunod na hakbang: • Basahin at unawain nang mabuti ang mga aralin. • Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at pagsasanay. • Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay. ii Icons sa Modyul na ito Alamin Subukin Ang bahaging ito ay naglalaman ng layunin sa pagkatuto na inihanda upang maging gabay sa iyong pagkatuto. Ito ay mga pagsasanay na sasagutin upang masukat ang iyong dating kaalaman at sa paksang tatalakayin Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan sa nakaraang aralin at sa iyong bagong matututunan Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa pamamagitan ng gawaing pagkatuto bago ilahad ang paksang tatalakayin Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan ng gawain sa pagkatuto upang malinang ang iyong natuklasan sa pag-unawa sa konsepto. Ito ay mga karagdagang gawain na inihanda para sa iyo upang ikaw ay magiging bihasa sa mga kasanayan. Pagyamanin Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang maproseso ang inyong natutunan mula sa aralin. Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang maipakita ang iyong mga natutunan na kasanayan at kaalaman at ito ay magamit sa totoong sitwasyon. Ang pagtatayang ito ay ginamit upang masusi ang inyong antas ng kasanayan sa pagkamit ng layunin sa pagkatuto Ito ay mga karagdagang gawaing pagkatuto na dinisenyo upang mas mahasa ang iyong kasanayan at kaalaman. Tayahin Karagdagang Gawain iii Subukin Sa panimulang pagsusulit na ito, halika’t tingnan natin ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. Pagtuunan mo ng pansin ang mga sumusunod na mga katanungan at sadya nating alamin ang wastong mga kasagutan sa pagtuklas ng mga aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Maari mo nang simulan ang pagsubok. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang Tama kung ang ibig sabihin ng pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook. 1. Saklaw ng pambansang pamahalaan ang buong teritoryo na nasasakupan ng ating bansa. _____ 2. Mayroong dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas. _____ 3. Binubuo ng mga piling hurado Ang Sangay na Tagapagbatas._____ 4. Ang Sangay ng Tagapagpaganap ay pinamumunuan ng Punong Mahistrado. _____ 5. Ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan ay magkakaugnay. _____ 6. Kinabibilangan ng mga mambabatas ang Sangay ng Tagapaghukom. _____ 7. Nangunguna ang pambansang pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa para sa mga mamamayan nito. _____ 8. Ang Sangay ng Tagapagbatas ay nahahati sa dalawang kapulungan. _____ 9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan. _____ 10. Ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino maging yaong nasa ibang bansa ang laging tinitiyak ng pambansang pamahalaan. _____ iv iv Aralin 2 Ang Pambansang Pamahalaan at ang Kahalagahan Nito Sa nakaraang yunit ay natutunan mo ang tungkol sa lipunan, kultura at ekonomiya ng ating bansa. Kaakibat nito ang kahalagahan ng lipunan bilang yunit na kinabibilangan mo, natin at ng bawat mamamayang Pilipino. Napag-alaman mo rin ang kultura ng ibat-ibang rehiyon, na lalong nagpayaman sa ating sariling kultura at humubog sa atin bilang mga Pilipino. https://www.officialgazette.gov.ph Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo. Sa makatuwid, ito ay isang institusyong kumikilos upang maisakatuparan ang lahat ng mga adhikain ng bansa at ng mga mamamayan. Napakahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang pamahalaan dahil ito ang nangunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa. Gayundin, 9 ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito. Balikan Upang matukoy ang taglay mong kaalaman sa araling ito, halina’t balikan natin ang iyong mga nalalaman tungkol sa ating pamahalaan. Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan. 1. Sino ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa kasalukuyan? 2. Sino naman ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng ating bansa? 3. Ilang kapulungan mayroon ang Sangay ng Tagapagbatas? 4. Ano naman Tagapagbatas? ang mga kapulungang nasa Sangay ng 5. Sino ang tumatayong pinuno ng Sangay ng Tagapaghukom? Tuklasin Ang nasa ibaba ay ilan lamang sa mga mahahalagang naglilingkod sa ating pamahalaan. Kilalanin natin sila. Panuto: Punan ng tamang letra upang mabuo nang tama ang bawat salita. 1. __ en __ d __ __ 2. __ __ n __ r __ si __t __ 3. __ a __ g __ l __ 4. P __ ng __ la __ an __ Pa __ __ u __ o 5. P __ n __ __ g M __ __ i __ tr __ __ __ 10 Suriin Ang mga Sangay ng Ating Pamahalaan Ang Sangay ng Tagapagpaganap (Ehekutibo) malacanang.gov.ph/about/malacanang Ang Sangay ng Tagapagpaganap ang may tungkulin na naglalayong ipatupad ang mga batas ng bansa upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamamayan. Ang tungkuling ito ay nakaatas sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, at mga kasapi ng Gabinete na binubuo ng mga kalihim ng iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan. Ang Pangulo ay inihalal na mamuno ng anim (6) na taon at hindi maaaring mahalal ulit bilang Pangulo. Alinsunod sa Konstitusyon, kapangyarihan ng Pangulo ang humirang ng mga kalihim ng bawat ahensiya, kasama na ang embahador, konsul at iba pang mga opisyal na isinasaad ng Saligang Batas. Bilang punong Kumander ng Sandatahang Lakas, kung kakailanganin ay maaaring iatas ng Pangulo ang pagsupil sa anumang karahasan, pananalakay o paghihimagsik at isailalim ang bansa sa batas militar. Taglay rin ng Pangulo ang veto power o kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso. Siya rin ang pumipili ng punong mahistrado ng Korte Suprema, gayundin sa mababang hukuman, mula sa talaan ng Judicial and Bar Council. 11 Ang Sangay ng Tagapagbatas (Lehislatura) Ang Sangay ng Tagapagbatas ang may tungkulin na gumawa, bumuo, at magpatibay ng mga batas. Isa itong lupong bikameral na binubuo ng Mataas na Kapulungan, ang Senado, at ang Mababang Kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Kongreso. Binubuo ng dalawamput apat (24) na Senador ang Senado, inihalal ang kalahati nito bawat tatlong taon. Sa gayon naglilingkod ang bawat Senador sa loob ng anim na taon. Ang Senado www.senate.gov.ph Binubuo ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng hindi lalagpas sa dalawang daan at limampung (250) mambabatas. May dalawang uri ng mga mambabatas: ang pandistrito at ang pansektor na mga kinatawan. Kinakatawan ng isang pandistritong mambabatas ang isang partikular na heograpikong distrito ng bansa. Binubuo ng isa o higit pa na distritong kongresyunal ang lahat ng mga lalawigan sa bansa. May mga sarili ding mga distritong kongresyunal ang ilang mga lungsod, kasama ang ibang lungsod na may dalawa o higit pang kinatawan. 12 Ang Kongreso www.congress.gov.ph/search Kinakatawan naman ng pansektor na mambabatas ang minoryang sektor ng populasyon na sa kasalukuyan ay mayroong animnapung (60) bilang. Binibigyan ng pansin ang mga pangkat ng minorya na ito upang magkaroon ng kinatawan sa kongreso, kung sakaling hindi maayos ang kanilang representasyon sa pamamagitan ng distritong kinatawan. Kilala rin bilang kinatawang party list, kinakatawan ng mga pang-sektor na mambabatas ang mga unyon ng manggagawa, pangkat na nagsusulong ng mga karapatan, at iba pang kapisanan. Maliban sa paggawa ng batas ay nakasalalay rin sa Kongreso ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa mga gagawing batas at ang pagsuri sa pambansang badyet, kabilang nito ang espesyal na kapangyarihan. Halimbawa, ang pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa ay kapangyarihan ng Senado at ang pagsasampa naman ng kasong impeachment o pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay kapangyarihan ng Kongreso. 13 Ang Sangay ng Tagahukom (Hudikatura) Ang Sangay ng Tagapaghukom ay pinangungunahan ng Korte Suprema na may kapangyarihan na nagbibigay interpretasyon ng batas at litisin ang mga kaso at gawaing labag sa batas. Ang Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema ay binubuo ng punong mahistrado at labing apat (14) pang kasamahang mahistrado na pawang hinirang. Dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mababang hukuman, maging ang dalawang sangay ng pamahalaan kung may tanong tungkol sa legalidad ng batas. The image part with relationship ID rId52 was not found in the file. The image part with relationship ID rId52 was not found in the file. The image part with relationship ID rId52 was not found in the file. https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/judiciary/ang-korte-suprema Ang pamahalaan ay bumubuo ng mga programa sa iba-ibang larangan na karaniwang nababatay sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan. Tinitiyak nito na maunlad ang ekonomiya ng bansa, kaya ito rin ang nangangasiwa ng pambansang badyet. Siniseguro rin ng pambansang pamahalaan ang karapatan ng bawat mamamayan ay napapangalagaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan, pangkalusugan, pangkultura, pansibil at pampulitika. Kahit nasa labas ng bansa ang isang mamamayang Pilipino ay may kaparaanan ang pamahalaan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala. 14 Pagyamanin Panuto: Tingnan mo ang dayagram sa ibaba. Maari mo bang isulat sa loob nito ang kahalagahan ng pambansang pamahalaan? Isulat ang sagot sa iyong activity notebook. Kahalagahan ng Pambansang Pamahalaan 15 Isaisip Panuto: Maari mo bang tukuyin kung sa anong sangay ng pamahalaan napabilang ang mga sumusunod na kapangyarihan na nakatala sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng katumbas na kasagutan na makikita sa kahon. a. Sangay na Tagaganap b. Sangay na Tagapagbatas c. Senado d. Kongreso e. Sangay na Tagapaghukom 1. Ito ang tinatawag na mataas na kapulungan. 2. Ano itong tinagurian na mababang kapulungan? 3. Ito ang sangay ng pamahalaan na binubuo ng mataas at mababang kapulungan. 4. Ang sangay ng pamahalaan na nagbibigay kahulugan sa mga batas ng bansa. 5. Ang sangay ng pamahalaan na ito ay ang nagpapatupad ng mga batas ng bansa. 16 Isagawa Panuto: Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa sumusunod na sitwasyon. A. Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang pamamahalaan? ________________________________________________________ B. Maari mo bang ipaliwanag ang istruktura ng ating pamahalaan at ang mga kapangyarihan na kaakibat ng bawat sangay nito? ________________________________________________________ Tayahin Panuto: Tingnan natin ang iyong napag-aralan. Ilagay ang tamang sagot sa bawat patlang sa ibaba. Isulat ito sa iyong activity notebook. Ang 1.___________________________ ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang 2.________________. Ang Sangay ng Tagapagpaganap ang may tungkulin na naglalayong ipatupad ang mga 3.___________ ng bansa upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat 4._________________. Ang 5.______________ at 6._________________ay inihalal na mamuno ng 7._______ na taon at hindi maaaring mahalal muli. Ang 8._____________________ ang may tungkulin na gumawa, bumuo, at magpatibay ng mga batas. Isa itong lupong 9._______________ na binubuo ng Mataas na Kapulungan, ang Senado, at ang Mababang Kapulungan, ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Kongreso. Ang Sangay ng Tagapaghukom ay pinangungunahan ng 10.___________________ na may kapangyarihan na nagbibigay interpretasyon ng batas at litisin ang mga kaso at gawaing labag sa batas. 17 Karagdagang Gawain Panuto: Isulat sa loob ng kahon na makikita sa ibaba ang kapangyarihang taglay ng bawat sangay ng pamahalaan. Isulat kung sino ang pangulo nito sa bawat sangay na nasa itaas nito. Kapangyarihan ng Tatlong Sangay ng Pamahalaan Sangay ng Tagapagpaganap Sangay ng Tagapagbatas 18 Sangay ng Tagapaghukom 19 Tayahin 1. Pamahalaan o Gobyerno 2. Teritoryo 3. Batas 4. Mamamayan o Pilipino 5. Pangulo 6. Pangalawang Pangulo 7. Anim (6) 8. Sangay na Tagapagbatas 9. Bikameral 10. Korte Suprema Tuklasin 1. Senador 2. Kongresista 3. Pangulo 4. Pangalawang Pangulo 5. Punong Mahistrado Balikan 1. Rodrigo Roa Duterte 2. Maria Leonor Gerona Robredo 3. Dalawa 4. Mataas na Kapulungan o Senado at Mababang Kapulungan o Kongreso 5. Punong Mahistrado Subukin 1. Tama 2. Mali 3. Mali 4. Mali 5. Tama 6. Mali 7. Tama 8. Tama 9. Tama 10. Tama Isaisip 1. E 2. C 3. B 4. D 5. A Susi sa Pagwawasto Sanggunian Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R., (2015). Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education-Intructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS). Dado, Belen P., Gozun, Ruth A., Magsino, Rodante S., Manalo, Maria Lucia L., Nabaza, Jose B., Naval, Evelyn P., (2015). Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Department of EducationIntructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). 20 For inquiries and feedback, please write or call: Department of Education – Division of Valencia City Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709 Telefax: (088) 828 - 4615