Uploaded by vincent jeremy deleon

panitikan aa

advertisement
De Leon, Vincent Jeremy Eriber
July 2, 2022
Bakit nga ba tayo mayroong mga awiting bayan? Pano ito nakatagal sa pagsubok ng
panahon. Malamang ay karamihan sa ati’y di na nabibigyan ng pansin ang tunay na
kahalagahan ng pagkakaroon ng mga awiting bayan, ngunit kung titingnan ito nang
masinsinan, ang ating mga awiting bayan marahil ang nagbuo ng ating pagkatao bilang
Pilipino.
Dinadala ng awiting bayan ang tradisyon ng ating mga ninuno, ang kanilang kultura at
ibang ibang mga gawain na kanilang nakasanayan. Sa pamamagitan ng awiting bayan
ay nakakarating sa atin sa kasalukuyan ang imahe kung ano sila noong panahon nila.
Mahirap bigyan ng pansin kung iisipin mo kung gaano tayo kaunlad ngayon kaysa sa
kanila noon ngunit marahil dito ay mas makikita din natin kung gaano sila kasaya sa
mas simpleng pamumuhay.
Patuloy na naipapasa ang awiting bayan sa ating henerasyon dahil ito ang pinaka
esensya na ating pagkapilipino. Mahalagang parte kung pano tayo nabuo at ang onti
onting pagbabago. Sa aking palagay ay ito marahil ang pinaka importante klase ng
literatura dahil mas makikilala mo ang iyong mga ninuno, ang kanilang pinagdaanan at
naging saya o libangan. Tumulong ito para mas makilala mo ang iyong identity bilang
isang Pilipino, malaman ang iyong ugat bilang isang Pinoy.
Download