GurongNagsasanay : Zyra Lou Ugtong Punong Guro : Beverly B. Dionio Asignatura : AralingPanlipunan Bilang : VI Istratehiya : 4A’s I. Inaasahang Bunga: a. Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay. II. Paksang Aralin: Pagatatalakay Sa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay Sanggunian: EPP 5 AG5 OC-5 1.5, 1.5.1 Kagamitan: larawan,tunayna bagay Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kakayahan ng mga kababaihan III. Istratehiya Gawaing Guro A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. Anu-anong uri ng mga tanim na nakikita ninyo sa ating gulayan sa paaralan at sa inyong mga bakuran? B. Paghahabi sa layunin ng aralin: Gawaing Bata Ang mga tanim na aming nakikita sa ating gulayan sa paaralan at sa aming bakuran ay mga talong, kamatis, sili, okra, ampalaya, saluyot, kalabasa, kangkong, upo, patola, alugbati, petsay, mustasa, sitaw, patani. Sa inyong palagay, ang mga gulay ba na ito ay mananatiling magaganda na wala tayong gagawin? Ano ang ating gagawin sa kanila? C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin: Hindi po ma’am? Alam ba ninyo ang awitin na Paru-paro Bukid? May inihanda akong awit dito tungkol sa pagaalaga ng mga tanim sa himig ng paru-paro bukid. Maaaring tumayo lahat at ating awitin. May napansin ba kayo sa ating awit tungkol sa pag-aalaga ng mga tanim? Tukuyin ang mga ito. Opo, Ma’am. Aalagaan po ma’am? Pag-awit ng mga bata. Opo, ma’am. Pag-aalis ng damo, padidilig ng halaman, paglalagay nga abono o pataba, sinsinin ang lupa. D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalakad ng bagong kasanayan #1. Anu-ano ang mga napapansin ninyo sa dalawang paso ng tanim dito sa harapan? Tama! Ano kaya ang kailangan ng tanim na nasa paso na nalalanta? Magaling! E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalakad ng bagong kasanayan #2. Ang isang halaman sa paso ay nalalanta at sa isang paso ay buhay na buhay. Sa pag-aalaga ng mga pananim, kailangan ba ng malinis na tubig ang gamitin sa pagdidilig?Bakit?Kung opo ang sagot.Bakit?Kung hindi na kailangan.Bakit? Magaling! F. Paglinang sa kalikasan Hindi po ma’am, dahil kung minsan ay kumukuha tayo ng tubig sa fish pond para pandilig sa ating mga tanim. Tulad ng mga halaman, kailangan din ba natin ang tubig?anong klaseng tubig?bakit kailangan natin ang malinis na tubig? Opo ma’am. Malinis po ma’am. Para hindi po tayo magkasakit ma’am. Tubig po ma’am. G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay. Sino sa inyo ang magsasaka ang kanilang mga magulang? Napapansin ba ninyo kung paanno nila inaalagaan ang kanilang mga tanim? Tulad ng mga halaman, kailangan din nating pangalagaan ang ating katawan tulad ng pagligo araw-araw, pagkain ng sapat at masustansya at iba pa. H. Paglalahad ng Aralin: paggamit ng powerpoint Ako po ma’am. Opo ma’am. 1.Pagsasanay: Paligsahan Pangkatin kayo sa tatlong grupo, pipili ako ng lima sa unang grupo na magagaling gumuhit, pipili ako ng lima sa pangalawang grupo na magagaling sa pagbuo ng mga salita at ang pangatlong grupo ay magagaling sa pagtatambal o matching type. 2. Paglalahat: Mula sa ating napag-aralan, Anuano ang mga masistemang pangangalaga ng tanim ng mga gulay. 1. Pagbubungkal 2. Pagdidilig 3. Paglalagay ng abono 4. Pag-aalis ng damo 5. Sinsinin ang lupa 6. Paglalagay ng tabing 7. Paglalagay ng Bakod o tulos 8. Pagpuksa sa mga peste at kulisap 3. Pagpapahalaga: Bakit mahalaga ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay. Sabi nga nila pag may itinanim may aanihin. Kapag maganda ang ani, maganda rin ang kita at ito ay nakakatulong sa pag-unlad ng ating kabuhayan. I. Pagtataya ng Aralin: Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Sa paghahalaman, binibigyan ng pansin ang wastong paghahanda at pangangalaga ng tanim upang maging mabuti ang pagtubo ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang maging mabuti ang pagtubo ng halaman.Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang mga halaman? a. Mga kahoy b. Mga bulok na binhi c. Abonong organiko d. Mga nasirang pagkain 2. Maayos na ang punlang pananim na inaalagaan ang mga bata ngunit ibig pa nilang maging malago ang mga ito. Ano ang dapat nilang gawin? a. Diligin ng sobrang tubig b. Sugpuin ang mga peste’t kulisap c. Bisitahin ito ng madalas. d. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid nito. 3. Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga natutuhan mong wastong pangangalaga ng mga halaman.Alin ang di dapat? a. Paglagay ng sobrang tubig b. Pagpuksa sa mga peste at kulisap c. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok na bagay d. Paglagay ng bakod 4. Mahilig sa paghahalaman si Mang Abe. Marami siyang ipinunlang buto ng talong.Upang pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa mga sumusunod ang tamang oras ng paglipat ng punla? a. Pagsikat ng araw b. Katanghaliang tapat c. Hapon o kulimlim na ang araw d. Sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali 5. Lalong kailangan ang mga pananim ang wastong pagdidilig upang sila ay maging malusog at lumaking malago, kalian at anong oras dapat magdilig ng pananim? 1. Para maganda ang bunga 2. Para maganda ang kita 3. Para marami ang ani a. Araw-araw sa may bandang umga at hapon b. Araw-araw tuwing tanghaling tapat c. Minsan isang linggo at maaga d. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation Magtanong sa mga magulang o kapitbahay na mga agriculturist tungkol sa pangangalaga ng mga halaman.