Uploaded by CRISELDA BANTOG

Talasagutan QUIz1 MAEE 207

advertisement
TEST 1. PAGPAPALIWANAG :
Panuto : Basahin , unawain ang mga tanong bago ibigay ang inyong sagot . Ilakip sa
Google classwork .
1. Ano ang ibigsabihin ng “Ang Sibilisasyon ay hinubog at pinanday ng kamay ng
isang guro ?
Malaking panangutan ang nakaatang sa balikat ng isang guro. Maselangtungkulin
ang kanyang ginagampanan sa paghubog hindi lamang sa kaisipanat katangiang pisikal ng magaaral kundi ng buo nitong katauhan.
Dahil sa malaking pananagutang ito, ang guro ay nararapat magtaglay ngisang libo’t isang
mabubuting katangian at mag-angkin ng pupong libongkakayahan. At dahil ditto,
masasabing ang sibilisasyon ay hinubog at pinanday ng kamay ng isang guro.
2. Paano ang maging isang epektibo at malikhaing guro ?
Ang guro ay may mahalagang papel sa pagtututro at pag-aaral, na ang guro ay isa sa mga
mahahalagang kadahilanan sa paghubog ng pagkatao at pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang ga
sumusunod ay ang labindalawang katangiang dapat taglayin ng isang epektibong guro ayon sa
pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 na isinalin ni Villafuerte (2008)
Wlang itinatangi
May positibong Paguugali
May kahandahan
May Haplos-personal
Masayahin
Malikhain
Marunong tumanggap ng
pagkakamali
Mapagpatawad
May respeto
May mataas na ekspektasyon
Mapagmahal
Ipinadaramang kabilang ang
bawat mag-aaral
3. Paano ang guro naging isang fasiliteytor ?
Ang guro ay isang fasiliteytor sapagkat sila ay may mga kakayahan - na makakatulong sa
mga studyante na gawin ang isang bagay sa isang tiyak na paraan. Ito ay sining na nagdadala sa
mga nasa wastong gulang para sa pag-aaral, sapamamagitan ng pagtulong sa kanila na matuto sa
pamamagitan ng pagtuklas sa sarili. Ito ay tungkol sa pagpapalakas sa mga mag-aaral. Ito ay
nagsasangkot ng pagpapaubaya sa kinalabasan ng isang proseso at pagbibigayng responsibilidad
sa grupo ng mag-aaral.
9. Teacher
4. Sa iyong palagay ano-ano ang mahahalagang hakbang sa pagtuturo ?
Mula sa mga artikulo na aking nabasa, masasabi kung ang mga sumususnod ang mga
mahahalang hakbang sa pagtuturo an gating kailangan bilang guro:







Pagtuturo sa mga kakayahan, kawilihan, pangangailangan ng mag-aaral.
Pagbuo ng mga layuninng makatutugon sa tinutukoy na mga pngangailangan.
Pagpili ng mga nararapat na kagamitanng angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga
mag-aaral.
Paghahanda ng pagkatutong sitwasyunal at pagpili ng nararapat na istratehiyasa
pagtuturo.
Paghahanda ng mga yunit instruksyunal at banghay-aralin
Pagganyak sa mga mag-aaral sa aktibong pakikilahok sa mga Gawain
Ebalwasyon sa mga nagging performance ng mga mag-aaral ( pasalita o pasulat na
pagsusulit )
5. Paano mo ginagamit ang Intrinsik at Ekstrinsik na pagganyak sa karanasan mo sa
iyong pagtuturo ? Ipaliwanag .
Sa aking pgtuturo ginagamit ko ang intrinsic at ekstinsic na pagganyak sa mga mag-aaral upang
lalo silang mbigyan ng motibasyon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Halimbawa na lang
ay ang pagtatanong sa kanila ng kung ano ang dahilan at patuloy nilang binibigay ang kanilang
kakayahan sa pag-aaral.
6. Ipaliwanag , “ Ang tagumpay ay matatamo kung patuloy na kikilalanin ang
pagkakaiba ng bawat tao”
Ang bawat tao ay may kanya kanyang pamamaraan at may kanya kanyang abilidad.
Maaaring ang talento ko ay hindi katulad ng iyo, o maaaring ang iyo ay wala ako. Ngunit kung
minsan ang ating pagkakaiba ang susi pa papunta sa ating tagumpay. Ang kawalan ko at kawalan
mo ang daan upang masaad ang ating kilos, paraan upang tayo ay maging isa at maging bilang
ako. Tila mas pinatibay at mas piaunlad gamit ang makamundo nating pag iisip, malikhain tila
nga. Katulad ng dalawang magkasintahan sa isang relasyon, na tila pinagbuklod ng oras at
panahon, pinupunan ng bawat isa ang kanilang kakulangan. Hinaharap ang agos ng pagsubok,
hindi bilang sila kundi bilang iisa. Tila isang malinaw na paglalahad gamit ang kanya kanyang
lakas, tila ikaw ay bulag at sila ay nagsisilbing liwanag. Bagamat tayoy magkakaiba sa kahit anu
pa mang aspekto ngunit sa isang anda ay iisa parin ang ating dahilan, maaaring magkaka-iba
ngunit itoy isang paraan upang tayoy magtagumpay sa kabila ng kahirapan ng buhay, ang
magbuklod bilang isa at harapin ang sakit na matatamo sa bawat paglalakbay. Dahil sa gitna ng
dilim ay may mahahanap na liwanag at sa bawat suliranin ay may matatamong kasagutan.
7. Pumili ng 2 sa siyam na balangkas ng Multiple Intelligences , na nasa katauhan mo
bilang isang guro . Ipaliwanag .
Masasabi kung gamit ang dalawang balangkas ng Multiple Intelligences na nasa katauhan ko
bilang isang guro ay mas nagagalingan ko ang pagtuturo at naibabahagi ko ng may ayos, sigla at
kawiliwili ang aking kakayahan at kaalaman.
Ang dalawang balangkas ng Multiple Intelligences na nasa katauhan ko bilang isang guro ay
ang mga sumusunod.
Visual-spatial Intelligence - Ito ang kakayahang umunawa sa mga visual at spatial na kaisipan.
Ito ang kakayahang kumilala ng kulay, hugis, anyo at espasyo. Kakayahan din ito na bumuo ng
mga larawan o imahe sa isipan. Nakikita ng mag-aaral na may ganitong talino ang kaugnayan ng
bagay at espasyo pati na nag paghahalo ng tumpak na kulay. Kabilang dito ang pagguhit,
pagkukulay, pagsasaayos ng mga hugis , chart, larawan, bulliten board at iba pa.
Bodily-kinesthetic Intelligence - Tumutukoy ito sa talino sa paggamit ng katawan sa pag-papahayag ng
kaisipan o dam-damin at sa paglutas ng prob-lema. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay at aktibong
gawaing pisikal. Kabilang dito ang motor skills o kakayahan gaya ng coordination, flexibility at balance.
Nadede-belop din ito sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing pisikal tulad ng pagsayaw, pag-arte, isports,
paggawa ng mga mekanikal na proyekto at iba pa.
8. Ano ang kurikulum ?
Ang kurikulum ay mula sa salitang Latin na “curere” na ang ibig sabihin ay “to run the
course of the race.”
Ang kurikulum ay ang mga kursong pag-aaralan, o kaya programang pag-aaralan.
Syllabus o Subject naman ang mga ito sa English.
Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumususnod.
a.
b.
c.
d.
Ang mga dapat matutunan ng mag-aaral
Ang paraan kung paano tyahin ang pagtuturo
Ang katangian ng mga magaaral kung paano sila matatanggap sa programa, at
Ang mga kagamitang panturo.
9. Talakayin ang kurikulum ng Pilipinas bago dumating ang mga kastila .
Ang pagtuturo sa loob ng tahanan ang mjga pangunahing gawain upang patuloy na
mabuhay.
10. Talakayin ang kurikulum sa panahon ng kastila .
Kurikulum sa PANAHON NG MGA KASTILA (1521-1898)


Sa unang panahon ng kastila ginamit na paaralan ang mga kumbento at mga pari
ang nagsilbing mga guro
Ginamit nila ang mga akda nilang mga dayuhan at isinalin sa wikang katutubo
upang palaganapin ang kristyanismo.

Ginamit nila ang mga isinalin na akda upang tururang bumasa , sumulat at
bumilang ang mga katutubo.
Download