Republic of the Philippines Department of Education Region IV – A CALABARZON DIVISION OF SAN PABLO CITY SAN JOAQUIN ELEMENTARY SCHOOL SY: 2021-2022 DAILY LESSON PLAN in MAPEH (HEALTH) V MODALITY: ONLINE DISTANCE LEARNING OBSERVATION NO. 2 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagaganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan) II. NILALAMAN KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Magaaral 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo I. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Demonstrates understanding of basic first aid principles and procedures for common injuries practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries 1. Explains the nature and objectives of first aid H5IS-IVa-34 MELC 27: Naipapaliwanag ang katangian at layunin ng pangunang lunas. 2. Discusses basic first aid principles H5IS-IVb-35 MELC 28: Natatalakay ang mga panuntunan ng pangunang lunas (first – aid) A. Nature and Objectives of First Aid B. First Aid Principles MELC & BOW HEALTH 5 and Curriculum Guide for Grade V LEAP Learners Packet Powerpoint Presentation, Video Lesson GAYAHIN MO ANG EMOJI KO! Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Gayahin ang TAMANG EMOJI kung ang isinasaad nito ay tama at MALING EMOJI naman kung hindi. ______1. Pagkagising ni Maria ay nag-ehersisyo muna siya upang kapag napagod na ay tubig ang kanyang iinumin at hindi kape. ______2. Naghanap ng maaaring mapagkakaabalahan si mang Nestor kaysa sa paninigarilyo. ______3. Kapag walang ginagawa si mang Oscar ay tumatambay siya sa kanto kung saan naroroon ang mga grupo ng mga manginginom at maninigarilyo. ______4. Ginagawa ni Canor na abala ang kanyang sarili sa simbahan upang hindi malulong sa bawal na gamot sa kanilang lugar. ______5. Umiiwas si Randy sa mga nag uumpukan sa kanilang lugar. (Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.) Literacy: Hayaang basahin ng mga mag-aaral ang bawat pangungusap bago magsagot. B. Paghahabi sa layunin ng aralin TREASURE HUNT (Ipakilala ang magkapatid na sina “Hunter” at “Huntra” na silang bibida sa larong treasure hunt.) Sabihin: “Mga bata narito ang magkapatid na sina Hunter at Huntra upang makipaglaro sa inyo. Nais nilang makuha ang treasure chest na nagtataglay ng kayamanan na ibabahagi rin nila sa inyo. Ngunit, makukuha lamang nila ito sa oras na matapos nila ang treasure hunting activity.” (Pumili ng dalawang bat ana siyang magbabasa ng mga dayalogo nina Hunter at Huntra.) Hunter: Mga kaibigan, narito ako at ang aking kapatid na si Huntra upang magpatulong na matapos namin ang Treasure Hunting Activity. Huntra: Ang larong ito ay may siyam (9) na level na kinapapalooban ng 9 na hamon na dapat nating malagpasan sa pamamagitan ng pagsagot nang tama upang makapunta sa susunod na level. Hunter: Sa oras na matapos ang lahat ng level ay matagumpay nating makukuha ang treasure chest na taglay ang kayamanan na siyang ibabahagi rin namin sa inyo. Huntra: Masaya kaming makasama kayong lahat. Kaya naman magsimula na tayo at ating alamin ang mga panuntunan sa larong ito. (Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga hamon sa bawat level ng larong treasure hunt.) Mga Hamon (Challenges): English Integration: Types of Text Structure Use of Cause and Effect Use of Problem and Solution Hunter: Mga kaibigan, nakuha na natin ang treasure chest. At ngayong hawak na natin ang kayamanan ay atin itong buksan at alamin kung ano nga ba ang laman nito. Pero bago yun, nais ko lamang magpasalamat sa pagtulong ninyong lahat. Huntra: Tama! Sa muli nating pagkikita mga kaibigan, samasama ulit tayong magtutulungan.Excited na ako kaya tara na buksan na natin ito! TREASURE CHEST (KAYAMANAN): C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Itanong: (WH Questions) 1. Naniniwala ba kayo na ang LIFE o BUHAY ay isang kayamanan? 2. Bakit maituturing na kayamanan o hindi kayamanan ang buhay? 3. Batay sa larong Treasure Hunt, ano-ano ang mga kasagutan na inyong nalaman sa bawat hamon? 4. Kailan ginagamit ang mga kagamitan tulad ng towel, sabon, alcohol, yelo at first aid kit? 5. Ano-ano ang mga sakuna o pinsala na nabanggit sa laro? 6. Paano ninyo maiuugnay ang mga salitang kaligtasan at buhay gamit ang mga kasagutan na nakuha sa bawat hamon? 7. Sa pamamagitan ng mga kaugnayan ng bawat kasagutan sa laro, ano sa inyong palagay ang ating tatalakayin ngayon? (Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.) Sabihin: Ang buhay ay maituturing na isang kayamanan dahil ito ay biyaya ng ating Diyos. At bilang kayamanan ay kinakailangan natin itong pahalagahan at pangalagaan. Dahil dito, nararapat lamang na masiguro ang kaligtasan ng ating buhay. Kaya naman sa oras na may mga sakuna o pinsala ay mahalagang alam natin ang mga pangunang lunas. D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 BINGO: Pangunang Lunas Edition (Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Gamit ang bingo card -Pangunang Lunas Edition, sasabihin ng bawat miyembro ang kanilang mga naranasan na pinsala o sakuna. Sa tulong ng guro, siya ang magmamarka kung ano-anong mga pinsala o sakuna ang binanggit ng bawat miyembro. Ang grupo na may pinakamaraming marka sa bingo card ang siyang mananalo.) Sabihin: Ang mga sakuna o pinsala na makikita natin sa bingo card ay ilan lamang sa mga karaniwang nararanasan na mga tao sa kanilang pamumuhay. Ang mga ito ay hindi maiiwasan at minsan ay sadyang nangyayari sa hindi inaasahang panahon. Sa tulong ng pangunang lunas na ating tatalakayin ngayon, malaki ang posibilidad na masiguro ang kaligtasan ng isang taong nakakaranas ng mga ito. (Talakayin ang katangian at layunin ng pangunang lunas) PANGUNANG LUNAS May mahalagang papel na ginagampanan sa kaligtasan ng isang tao likha ng aksidente o anupamang di magandang sirkumstansya. Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong at pangangalaga sa taong napinsala ng sakuna at karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doctor. Ito ay isa ring malaking tulong na pampakalma at pampabawas sa kirot na nararamdaman sa pinsalang tinamo ng isang tao. Napakahalaga upang mapatagal ang buhay ng isang tao. Sa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nasugatan, nakagat ng hayop o insekto, napaso, nagtamo ng sunog sa katawan, o nalason ng kinaing pagkain, naiibsan ang kirot o sakit na nararamdaman habang hinihintay ang pagkalinga ng propesyonal. Ang mga may malay na mga tao ay makapagpapanatili ng pagkabukas ng sarili nilang daanan ng hininga subalit ang mga walang malay ay walang kakayahang panatilihin ito, at nararapat lamang na walang balakid o hadlang sa dadaanan ng hangin sa pamamagitan ng ilong at bibig. Maiiwasan ang dagdag pinsala kung ang taong tutulong o maglalapat ng pangunang lunas o first aid ay may sapat na kaalaman at sumailalim sa isang aralin. Ang sakuna ay di inaasahang pangyayari. Hindi natin kayang masabi kung saan o kailan ito mangyayari, gayundin ang biglaang karamdaman. Napakahalaga ng may kaalaman sa pangunang lunas upang handa sa anumang uri ng pangyayari. Ang tatlong pangunahing mga layunin ng paunang tulongpanlunas, na mas kilala bilang 3P (tatlong P) ay ang mga sumusunod: • Pagpapanatili ng buhay (Ingles: Preserve life) • Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Ingles: Prevent further injury or illness) • Pagtataguyod sa paggaling (Ingles: Promote recovery) E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Magpakita ng mga larawan ng mga halimbawa ng pinsala o sakuna.) Itanong: Nakakita ka na ba ng taong biktima ng aksidente o sakuna? Kung sakaling makakakita ka, tutulungan mo ba sya? Sabihin: Isa sa mga karaniwang dahilan ng pag aatubili ng pagtulong sa mga biktima ng sakuna o karamdaman ay ang kaba at takot. Iniisip natin na baka sa halip na makatulong ay makapagpalala pa tayo ng sitwasyon. Dapat nating alamin at sundin ang mga panuntunan ng Pangunang lunas. MGA PANUNTUNAN NG PANGUNANG LUNAS 1.Tiyakin na ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala. Kinakailangang maging mapanuri. Alamin kung ano ang karamdaman ng pasyente. Kung ito ay karaniwan lamang na sakit katulad ng sugat, balinguyngoy, kagat ng insekto at paso kaagad itong lapatan ng pangunang lunas. Subalit kung ang biktima ay nabalian, o napilayan, hindi ito dapat kaagad agad na inaalis sa pwesto. Hintayin ang mga bihasa sa paglapat ng pangunang lunas. 2. Unang isaalang alang ang kaligtasan ng biktima. Alisin ang mga bagay na hindi nakakatulong sa kanyang kakomportablehan. Gawin ito ng di maaapektuhan ang biktima. 3. Magsagawa ng pangunahing pagsusuri. Unahing suriin ang mga bagay na may kaugnayan sa pagdaloy ng hangin, ang bibig at ang ilong. Kung walang balakid sa hangin, isunod ang pagsuri sa pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat na malaman kung kailangan ng biktima ang Resusitasyong Kardyopulmunaryo o CPR. 4. Isagawa ang madaliang aksyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Dapat tandaan ang hakbang sa pagbibigay ng pangunang tulong panlunas. Isa isip ang A-B-C: A- Airway o daanan ng Hangin B- Breathing o Paghinga C- Circulation o pagdaloy ng dugo sa katawan Ito naman ang 3B: B- Breathing o buga ng pag hinga ( bantay hininga ) B- Bleeding o Balong ng Dugo Broken Bones o Baling buto 5. Humingi ng Tulong Kapag walang sapat na kaalaman sa paglalapat ng unang lunas, huwag mag -atubiling humingi ng tulong sa mga eksperto o espesyalista upang makapagsalbang isa o mahigit pang buhay. F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment) Panuto: Sabihin o isulat ang katagang “may tama ka!” kung wasto ang isinasaad na paliwanag ng bawat pangungusap at “mali yan!” kung hindi wasto. _______ 1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakakapagpanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang tao. _______2. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala o paglubha ng mga pinsalang natamo o naramdaman. _______ 3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadaragdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala. _______ 4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay ng isang tao. _______ 5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at kasanayan. (Purihin ang mga bata sa kanilang pagsagot nang tama.) G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Panuto: Ipakita ang pagpapahalaga at paraan kung paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunan tungkol sa pangunang lunas maging ang mga panuntunan nito. Basahin at unawain ang pangyayari na ibinigay ng guro na siyang bibigyan mo ng kasagutan sa pamamagitan ng pagpili ng isang aktibidad mula sa mga sumusunod ayon sa iyong nais, talento o kakayahan.” (5 minuto) Umalis ng bahay ang iyong magulang. Kayo lamang ng bunso mong kapatid ang naiwan. Kinakailangan mong mag init ng tubig para sa gatas ng nagugutom mong kapatid. Sa paglalagay mo ng tubig sa termos ay aksidenteng napatapon ang tubig at nabanlian ang iyong kamay. Anong pangunang lunas ang iyong gagawin upang di ito lumala? 1. 2. 3. 4. 5. 6. Journal/Diary Entry (Interpersonal) Balita/tula/impromptu (Linguistic) Graph with analysis. (Logical/Mathematical) Essay /Sanaysay (Naturalist) Malikhaing slogan (spatial) Kanta/awitin sa tonong “Ako ay may Lobo” (Musical Rhythmic) 7. Interview sa mga kasamahan sa tahanan (Interpersonal) 8. Pag-arte/Sayaw (Bodily Kinesthetic) H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pangunang lunas? Ano-ano ang tatlong pangunahing layunin ng paunang tulong-panlunas na mas kilala bilang 3P? Ano-ano ang limang panuntunan ng pangunang lunas? Ano ang ibig sabihin ng A, B, C? Ano naman ang ibig sabihin ng 3B? Paano nakakatulong ang pangunang lunas sa kaligtasan at buhay ng tao? Bakit mahalaga ang pangunang lunas? I. Pagtataya ng Aralin I. PANUTO: Suriin at bilugan ang salita na tumutukoy sa bawat pangungusap. Mga Panuntunan ng Pangunahing Lunas 1. Tiyakin na ligtas na lapatan ng (tulong / pagsusuri / pangunang lunas / biktima / aksyon o kilos) ang biktima ng pinsala. 2. Unang isaalang alang ang kaligtasan ng (tulong / pagsusuri / pangunang lunas / biktima / aksyon o kilos). 3. Magsagawa ng pangunahing (tulong / pagsusuri / pangunang lunas / biktima / aksyon o kilos). 4. Isagawa ang madaliang (tulong / pagsusuri / pangunang lunas / biktima / aksyon o kilos). 5. Humingi ng (tulong / pagsusuri / pangunang lunas / biktima / aksyon o kilos). II. Panuto: Ibigay ang kahulugan o ibig sabihin ng mga sumusunod. ABC 3Bs 1. A - ________________ 2. B - ________________ 3. C - ________________ J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation 4. B - ________________ 5. B - ________________ 6. B - ________________ Panuto: Batay sa mga tinalakay tungkol sa mga kagamitang pambahay, isagawa at sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay na may kaugnayan sa iba’t ibang asignatura. I. ESP Integration: Paano mo maipapakita ang paraan ng pasasalamat sa Diyos sa oras na nailigtas ang iyong buhay sa pamamagitan ng pangunang lunas? II. English Integration: Gumawa ng sanaysay na may 3 talata tungkol sa pangunahing lunas. III. EPP: Magbigay ng isang pangyayari kung saan maaaring magkaroon ng sakuna o pinsala sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-industriya (elektrikal, kahoy, metal at kawayan). Isulat kung anong pangunang lunas ang gagawin mo sa oras na mangyari ito. V. MGA TALA VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin D. Bilang ng mga magaaral na magpapatuloy sa remediation E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? Prepared by: SAIRA T. AGENCIA Teacher II Observed by: VINIA R. LAGOS Master Teacher I