COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION INTEGRATION Banghay-aralin sa sa Araling Panlipunan Grado 9 Ikaapat na Markahan I. Pamantayan sa Pagkatuto Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran. (AP9MSP-IVb-3) Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga katangian ng mamamayang Pilipino pagkamit ng pambansang kaunlaran. 2. Nasusuri ang iba’t ibang katangian at gampanin para pambansang kaunlaran. 3. Nakabubuo ng isang panata/pangako bilang pagpapahalaga sama - samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng journal. sa sa sa sa Pamantayan sa Pagkatuto (CSE) Demonstrate ability to be involved in collective and cooperative activities towards improving the community and the society (S7A). II. Nilalaman/Paksa: Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran III. Sanggunian: Ekonomiks, Deped Modyul para sa Mag- aaral, pahina 353-355 Department of Education, Culture and Sports (DECS)(n.d.) Project EASE Module Pasig City DECS Ako’y Isang Mabuting Pilipino ni: Noel Cabangon Ekonomiks, Deped Modyul para sa Mag- aaral, pahina 359 IV. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain Pagganyak Gawain 1: Suri-Liriko Magpaparinig ng awit na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. 1 Ako’y Isang Mabuting Pilipino Ni: Noel Cabangon Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan [Repeat chorus] Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasok Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan ‘pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan Paalala sa Guro: Kung hindi maipaparinig ang maaari itong ipabasa, ipatula o ipaawit sa mga mag-aaral ang “Ako’y Isang Mabuting Pilipino.” Maaaring ipakita ng guro ang sipi ng awitin sa paglalagay nito sa pisara gamit ang manila paper/paggamit ng iba pang kagamitan. Mga pamprosesong tanong: 1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awit? 2. Ano - ano ang katangian at gawain ng mabuting Pilipino ang binanggit sa awit? B. Aktibiti: Gawain 2: Kapit-Bisig! Pamamaraan sa pagsasagawa ng gawain: 1. Ipapangkat ang klase ayon sa bilang ng mga mag-aaral. 2. Bibigyan ang bawat grupo ng dalawang minuto para basahin ang bahagi ng teksto na inihanda at ibinigay ng guro ukol sa katangian at estratehiya na nagsusulong ng pambansang kaunlaran. (Annex A) 3. Isusulat ng mga mag-aaral sa manila paper o cartolina ang kanilang jingle gamit ang itinakdang pormat ng guro. 2 4. Aatasan ang bawat pangkat na magsagawa ng kanilang presentasyon ayon sa kanilang napiling estratehiya o pamamaraan. a. role playing b. news casting c. jingle d. pantomime 5. Gagamitin ang pamantayan sa pagmamarka/rubriks para sa pagmamarka ng pagtatanghal (Annex B) Mga Tanong: 1. Ano ang iyong naramdaman habang isinasagawa ang pagtatanghal? 2. Ano anong gawain ang naipakita ng bawat pangkat na nagpapahayag ng pagpapaunlad ng bansa? C. Analisis: Mga Tanong: 1. Alin sa mga ipinakita sa gawain ang nagpapahayag ng samasamang pagkilos para sa pambansang kaunlaran? 2. Bakit kailangang magkaroon tayo ng ideya sa mga estratehiya na nagsusulong para sa pambansang kaunlaran. D. Abstraksyon Teksto para sa paksang - aralin. MGA KATANGIAN NG PILIPINO NA MAKATUTULONG SA PAGUNLAD NG BANSA 1. MAPANAGUTAN a. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makatutulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan. Halimbawa: a. libreng edukasyon b. murang programang pangkalusugan c. pagpapagawa ng tulay at kalsada d. pampublikong gusali katulad ng paaralan b. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon, maliit man o Malaki, sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa 3 loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho. Halimbawa: a. Pagpili ng tamang kandidato b. Ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga nandaraya sa metro o kuntador ng kuryente c. Makilahok at makiisa sa iba’t ibang gawaing pambarangay. 2. MAABILIDAD a. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad. Hal. Maagang pag-iimpok b. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang makontrol ng mga Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan. 3. MAKABANSA a. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. b. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino. 4. MAALAM a. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. b. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng 4 malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad. Pinagkukunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS)(n.d.)Project EASE Module Pasig City DECS Mga tanong : 1. Sino-sino ang may gampanin na kumilos para sa pagpapaunlad ng bansa? 2. Ano -ano ang iminumungkahing estratehiya /pamamaraan na makatutulong sa pag-unlad ng bansa? 3. Paano makatutulong ang sama- samang pagkilos sa pagpapaunlad ng bansa? Paalala sa Guro: Karagdagang impormasyon upang mabigyan ng pansin ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng kaunlarang pantao para sa sama-samang pagkilos sa pagsusulong ng pambansang kaunlaran. E. Aplikasyon Gawain 3: Commitment Wall 1. Sa isang manila paper, ang buong klase ay gagawa ng Commitment Wall. 2. Ang guro at ang lahat ng mag-aaral ay lalagda upang ipakita ang kanilang lubos na pakikiisa at sama-samang pagkilos bilang mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran. Paalaala sa guro: Maaaring ihanda ng guro ang manila paper na gagamitin sa naturang gawain.Maaari ding lagyan ng guro ng disenyo ang gagamiting manila paper. F. Pangwakas: Gawain 4: Ang Aking Panata Gagawa ang mga mag-aaral ng isang panata ng pagiging isang mabuting Pilipino. Pagkatapos ay hahanap ang guro ng ilang mag-aaral na boluntaryong magbabasa ng kanilang panata. Halimbawa: Ako si ________________ ay nanganagako na tutulong at makikiisa sa mga gawain na magpapaangat at magpapaunlad ng ating bansa. Ako ay magiging mabuting halimbawa ng isang kabataang mag-aaral na magsisikap at mangangarap na makapag- ambag ng mga mabubuting gawa para sa pag -unlad ng ating bansa. Hindi ako lalabag sa mga batas na dapat sundin. Makikibahagi at makikialam ako sa usaping panlipunan at 5 sisikapin kong lagi akong magiging tapat sa lahat ng aspekto ng aking buhay. _________________________ Pangalan at Lagda Paalaala sa guro: Para sa layunin ng integrasyon, kinakailangang malinaw na maipahayag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng sama -samang pagkilos para sa pagsulong ng pambansang kaunlaran. V. Repleksyon VI. Mga Tala 6 Annex A Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pagunlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pagunlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan. Ayon kina Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development (12th Edition, 2015), ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan. Ito rin ang binibigyang-diin ng United Nation Development Programme (UNDP). Ang mga indikasyon ng pag-unlad ay dapat nakatuon sa tao bilang tunay na kayamanan ng bansa. Ang estado ng kanyang kalusugan, paglinang ng kakayahan at pagkilala sa kaniyang karapatan ay nagtataglay ng mas malinaw na mensahe tungkol sa pagunlad higit sa mga datos o numero. Ang pagkilala at pagtanggap sa iba’t ibang kasarian at oryentasyon ay isang indikasyon ng mataas na kaunlarang pantao ng isang bansa. Ipinapahiwatig nito ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga na bunga ng pinagsama-samang pagsisikap ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng edukasyon at pamilya. Hango sa aklat nina: Todaro at Smith na Economic Development (12th Edition, 2015) 7 Annex B Rubriks sa Pagmamarka sa Gawain 2 (Para sa Role Play) Pamantayan Iskrip Lubhang kasiya – siya 5 puntos Ipinakita nang buong husay ang pagkakagawa ng iskrip sa role play Kasiya-kasiya 3 puntos Hindi kasiya siya 1 puntos Mahusay ang pagpapakita ng role play subalit may kaunting kainangan. Hindi gaanong malinaw ang script ang script sa role play. Teamwork at Partisipasyon Kasama lahat ng kasapi ng pangkat sa role play. Kasama lahat ng kasapi ng pangkat sa role play subalit may kalituhan ang ilan sa kanilang pagganap. May mga kasapi sa pangkat na hindi nakitaan ng pag ganap. Pagganap ng tauhan Makatotohanan at kapanipaniwala ang pagkakaganap ng mga tauhan mula sa pananalita,galaw at ekspresyon ng mukha. Mahusay na paglalarawan ang realidad ng role play. Hindi gaanong makatotohananat kapani-paniwala ang pagganap ng mga tauhan ng mga tauhan mula sa pananalita,galaw at ekspresyon ng mukha. Hindi makatotohanan at kapanipaniwala ang pagkakaganp ng mga tauhan mula sa pananalita,galaw at ekspresyon ng mukha. Kabuuang Iskor= 15 Paalaala sa Guro: Ang rubriks na ito ay mungkahi lamang, maaaring magkasundo ang mag-aaral at guro sa rubriks na gagamitin. 8