Uploaded by voamouradelle.lao

worksheet salitang pamilyar at di-pamilyar slow

advertisement
Learning Activity Sheets (LAS)
Pangalan ng mag-aaral: __________________________________________
Baitang: ______________________________________________________
Pangkat:_______________________________________________________
Petsa:_________________________________________________________
SALITANG PAMILYAR AT DI-PAMILYAR
Pamagat
Panimula
Ang pamilyar na salita ay ang mga salitang palasak na sa iyong pandinig o lagi
mo ng naririnig sa araw-araw.
Halimbawa ng pamilyar na salita at ang kahulugan nito:
1. tanaw-tingin sa malayo
2. titigan- tingnan ng matagal
3. pananaw- paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay
Ang di-pamilyar na salita ay mga salitang hindi laging naririnig sa araw-araw.
Halimbawa ng di-pamilyar na salita at ang mga kahulugan nito:
1. nakabadha- nakahiwatig o nakakita
2. matangkakal- marunong tumingin, gumagabay
3. lumilinggatong- nagbibigay ng kaguluhan sa isip
Paano magbigay ng kahulugan sa pamilyar at di pamilyar na salita?
Una, basahin at unawain ang binabasa.
Ikalawa, pansinin ang mga salitang ginamit sa pangungusap.
Ikatlo, ang mga salitang ginamit (context clue) ang magbibigay tulong upang higit
na maiintindihan ang pamilyar at di-pamilyar na salita.
Halimbawa:
Sumilip ang dalaga sa durungawan upang Makita ang taong naghaharana.
durungawan-bintana
Kasanayang Pampagkatuto at koda:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan. F4WG-IIb-1.12
Gawin Natin
Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
loob ng bawat pangungusap. Piliin ang mga salita na nasa loob ng scroll.
1. Humahangos siyang kumilos ngayon
nang malamang tanghali na.
________________________
2. Marami silang tumugon sa panawagan
ng isang may mabuting kalooban.
________________________
3. Kung sila ay magdidili-dili pa, maaring
may mapahamak na mga bata.
________________________
4. Bumili sila ng bagong bag para ihandog
sa mga bata sa Pamonglo.
________________________
5. Balewala sa kanila ang pagod at hirap na
dinanas sa nilipatang lugar sapagkat ang
mahalaga ay magkaroon sila ng inaasam
na katahimikan.
________________________
importante
nagmamadali
magpapatumpik-tumpik
sumagot
ibigay
paglalambing
Mga sanggunian:
Junrey H. Tadlas/Mitchell E. Emboltura, Division of Valencia City. Ikalawang
Markahan- Modyul 3: Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar Sanhi at Bunga, pahina 23
Susi sa Pagwawasto
Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
loob ng bawat pangungusap. Piliin ang mga salita na nasa loob ng scroll.
1. Humahangos siyang kumilos ngayon nang malamang tanghali na.
nagmamadali
2. Marami silang tumugon sa panawagan ng isang may mabuting kalooban.
sumagot
3. Kung sila ay magdidili-dili pa, maaring may mapahamak na mga bata.
magpapatumpik-tumpik
4. Bumili sila ng bagong bag para ihandog sa mga bata sa Pamonglo.
ibigay
5. Balewala sa kanila ang pagod at hirap na dinanas sa nilipatang lugar
sapagkat ang mahalaga ay magkaroon sila ng inaasam na katahimikan.
Importante.
Inihanda ni:
VO AMOUR ADELLE C. LAO
Teacher III
Iniwasto ni:
ARMANDO D. BAGOLBOL
Head Teacher III
Download