Republic of the Philippines Department of Education REGION X- NORTHERN MINDANAO SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY PRIMITIVO R. QUIMPO MEMORIAL SCHOOL Hindang, Iligan City A Detailed Lesson Plan for Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 I. LAYUNIN: 1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran Pagiging mapanagutan Pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa nga programang pangkapaligiran 2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan Pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kapaligiran II. PAKSANG-ARALIN: A. Deskripsyon: 1. Kasanayan: Pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran 2. Nilalaman: maikling kuwento Sanggunian: Kagamitan: ESP5PPP-IIId-27 powerpoint presentation III. PAMAMARAAN: Teacher’s Activity A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Pagbibigay ng Gawain: Panuto: Iligay ang tsek (✓) kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis (✗) naman kung hindi. ___1. Huwag isagawa ang drop, cover and hold kapag lumilindol. ___2. Magtanim ng mga puno at halaman upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding baha. ___3. kung aalis ng inyong tahanan siguraduhing nakatanggal o unplugged ang mga saksakan ng de-koryenteng kagamitan o appliances. ___4. Siguraduhing nakahanda ang mga survival kit. ___5. Ipagwalang bahala ang mga babalang narinig tungkol sa paparating ng bagyo. 2. Pagganyak Pagpapakita ng mga larawan: Pag-aralan ang nasa larawan. Sabihin ang salitang TAMA kung ang larawan ay nagpapakita ng panganga sa kalikasan at MALI naman kung hindi. Learners’ Activity Republic of the Philippines Department of Education REGION X- NORTHERN MINDANAO SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY PRIMITIVO R. QUIMPO MEMORIAL SCHOOL Hindang, Iligan City B. Paglalahad 1. Paglalahad ng isang kwento ni Gina W. David, “ANG AMING FIELD TRIP” 2. Itanong: a. Ano ang napansin ni Petra sa kanilang pamamasyal? b. kanais nais bang tularan si Petra? D. Panglinang na Kasanayan Pangkatin ang mga bata: group 1 – nagpapakita ng pamayanang malinis ang kapaligiran group 2 – nagpapakita ng kung anong mangyayari sa maruming paligid E. Paglalahat Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay dapat bigyan ng pansin at hindi pinababayaan. Kapag hinayaan nating na masira ito, magdudulot ito ng masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng matinding pagbaha, polusyon , pagguho ng lupa, at marami pang iba na makasasama sa kalikasan. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na dapat gampanan. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod: 1. Huwag magtapon ng basura kung saansaa; ilagay ito sa tamang lalagyan. 2. Magtanim ng mga puno at halaman na makatututlong upang maging sariwa at malinis ang hangin. 3. Pantilihing malinis ang mga daluyan ng tubig. 4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran. 5. Pagiging mapanuri sa mga iligal na gawain na nasisira sa kapaligiran. G. Pagpapahalaga: Paano ninyo mapangangalaan ang ating kapaligiran? Republic of the Philippines Department of Education REGION X- NORTHERN MINDANAO SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY PRIMITIVO R. QUIMPO MEMORIAL SCHOOL Hindang, Iligan City IV. PAGTATAYA: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at malungkot na mukha 🙁naman kung hindi. ___1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang pamayanan. ___2. pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin sa halip na ito ay itapon. ___3. pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat. ___4. Pagsunod sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa panganagalaga ng kapaligiran. ___5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di nabubulok. V. TAKDANG-ARALIN: Kung sakaling ikaw ay gagagwa at magpapatupad ng batas para sa inyong pamayanan, ano ito at paano mo ipapatupad? Prepared by: MAY D. ARAPOC Teacher I Noted: JOEGIE R. BALANAY School Head