Kape pa! Isinulat ni Katherine Mitch B. Santos “Isa pang kape!” ani ni Shai – isang kolehiyo – matapos niyang ibaba ang pangatlong tasa. Wala pa siyang tulog sapagkat hindi pa siya tapos sa mga aktibidad at papasok pa siya. Ganito ang madalas na senaryo sa buhay ni Shai – puyat at minsan pa’y nalilipasan ng gutom. “Hindi ka ba sasama? Kaarawan ng tita mo ngayon,” tanong ni Ina, ang nanay ni Shai. “Hindi na po muna. Marami pa po akong tatapusin,” sagot ni Shai. Maraming pagsasalo-salo na rin pala ang hindi napupuntahan ni Shai sapagkat kailangan niyang mag-aral, gumawa ng aktibidad at iba pa. “Pagod na ako!” pag-ungol ni Shai. “Parang hindi natatapos ang mga gawain. Matatapos ko ang isa may ibibigay nanaman!” dagdag niya pa. Akala ni Shai ay walang nakarinig sa kaniyang hinaing kaya’t nagulat siya ng biglang may nagsalita sa kaniyang likod. “Ganiyan talaga ang pag-aaral. Marami kang isasakripisyo ngunit pasaan bat maabot mo rin nag tagumpay. Laban lang anak, Padayon!” ani ni Ina. “Gusto ko ng kape!” malakas na sigaw ng isang guro matapos niyang magturo. “Tara Shai, bili tayo?” aya ng isa pang guro sa sumigaw. Ngumiti lang si Shai at sinabing, “tara sa bahay na lang, doon may libreng kape, may lamay sa kapitbahay.”