Uploaded by emimanuel09

EDITORYAL Kahirapan at Korupsyon

advertisement
Kahirapan at Korupsyon: Matutuldukan ba o patuloy na matatamasa?
“Mananatili pa ba ang dating mahirap na pamumuhay o kikitilin ng mga bagong
mamumuno ang kahirapan?”
Nalalapit na ang buwan ng eleksyon ngayong 2022. Bawat kandidatura ay may
kanya-kanyang istilo sa pangangampanya makaakit lamang ng mga botante.
Ngayong panahon ng pandemya, tiyak na maraming pagbabago sa
pangangampanya. Hindi naging hadlang sa bawat kandidatura ang pandemya
upang ipaabot ang kani-kanilang plataporma. Umingay muli ang social media
dahil sa mainit na usaping ito. May karapatan ang lahat ng botante mula nang
maibalik ang demokrasya.
Ngunit sa kabila ng marami nang nagdaang eleksyon, patuloy pa rin ang
paghihikahos ng mga pamilyang Pilipino. Korapsyon ang dahilan kung bakit
marami pa rin ang naghihirap sa kasalukuyan. Dahil kinukurakot ang pera sa
kaban, nauubos ang pondo na dapat ay gagamitin sa serbisyo sa mamamayan.
Kaya bago bilugan ang balota, siguruduhing ang napili ay makatutulong para
sa ikauunlad ng mamamayan at may kakayahang makagawa ng ikabubuti
para sa sambayanan. Kung hindi makikitaan ng ganitong kuwalipikasyon ang
kandidato, mahalagang basehan ang dignidad ng bawat kandidato.
Sa una ay magmumukha siyang maamong tupa na kapag nakaupo na ay mas
masahol pa sa mabangis na leon at buwaya. Mahalagang paalala sa bawat
botante, maging maingat sa pagpili ng mga taong iboboto.
Download