Uploaded by toto_oquendo

6 STEPS IN BUYING A LOT

advertisement
Edward Albano
edtsoSrnopua6620a0500,0o1et10b662r92c2O9c ta
·
6 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas
(Philippines)
Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real
estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at
sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang
UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.
Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa
REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo
ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga
PASANIN (problema) yang lupang yan:
nakaprenda/nakasanlamay nagki-CLAIM na iba
Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang
kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa
kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba.
Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga
PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.
Step 2
Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa
nang Relocation survey sa Mga Boundaries para ma
check kong ok ba ang Actual ground wala bang
structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa
Property na iyung Bibilhin.
Step 3
Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema,
ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of
SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng
DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda",
pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka
nung bumibili at inonotarized yon.
Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng
unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY
STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng
pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY
STAMPS.
Step 5
Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang
magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX.
Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.
At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF
AUTHORITY TO REGISTER, isang certification na
sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng
lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang
pangalan ng titulo dyan doon sa bumili.
Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF
AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa
Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin
ng Register of Deeds, heto ang huling bayad,
Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong
mahal yon, hayan na, kukunin na ng Register of
Deeds lahat.
Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at
maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng follow-up.
Dahil nga sa Register of Deeds, medyo tatagal yan.
Kaya kelangan ng follow-up ng follow-up.
#FilipinoHomes
#TRD
Download