BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN Ano ang iyong ideya tungkol sa Panitikan at Kasaysayan? Ano ang kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan? Bakit dapat pag-aralan ang Panitikan ng Pilipinas? Ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary, “Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao. Ayon kay G. Azarias, “Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha. Ayon kay G. Abadilla, “Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik. Ayon naman kay Luz A. de Dios, ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian. Ang panitikan ay kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi. Dito nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng mga tao tulad ng kalungkutan, kaligayahan, galit, pag-ibig, paghihiganti at iba pa. Ang panitikan ay siyang nagpapahiwatig ng tunay na pagkatao ng bawat tao. Samakatuwid, ang panitikang Filipino ay nagpapahiwatig din ng tunay na pagkatao ng bawat Pilipino. Ang panitikan ay maaaring nasusulat o di nasusulat. Ang mga di nasusulat ay yaong mga ulat na di nalikom dahil sa ang kultura ay lubhang matanda na at dahil na rin sa kalagayan ng mga ninuno natin noon. Ang nakasulat na panitikan ng Pilipinas ay mayroon lamang apat na raang taong gulang, maikling panahon kung ihahambing sa panitikan ng maraming bansa. Magkaugnay ang kasaysayan at panitikan. Ito ay dalawang bagay na laging magkaagapay. Nasusulat sa kasaysayan ang tunay na nagaganap sa bawat panahon. Ang mga manunulat at makata ay sumusulat ng kanilang akda mula sa tunay na nakikita sa paligid subalit ito’y nilalagyan ng palamuti upang maging kagila-gilalas o higit na kaakit-akit, na siyang ipinagkaiba sa kasaysayan. Layunin at dahilan ng pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pahalagahan ang sariling panitikan. Ang mga sumusunod ang siyang mga dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang panitikan ng bansa. 1. Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng kanyang pagkalahi, ang sariling kalinangan at mga minanang yaman ng isip. 2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang kalawakan, kalakasan at kahinaan ng kanilang pag-uugali at paniniwala. 3. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay, nagkamali at nagtagumpay; at dahil dito ay maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang kabutihan. 4. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y magkaroon ng pagsasanay sa paglinang ng kakayahan at kasanayan sa pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian. 5. Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang pagkalahi. 6. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika. PAHAPYAW NA PAGTUNTON SA LITERATURANG FILIPINO SA IBA’T IBANG PANAHON Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno natin ay mayroon nang sariling kakayahan at bago pa sakupin ng imperyo ng Madjapahit noong ika-14 na siglo. Ang Literaturang Filipino ay naiiba sa kabuuan. Nagsimula ito sa tradisyong pasalita. Ang mga kalapit bansa tulad ng Malaysia, Cambodia, Indonesia at Arabia ay may kani-kaniyang ambag sa ating panitikan. Ang mga ito ay nasa anyong awiting-bayan, alamat, karunungang bayan at iba-ibang uri ng tula. Taong 1521 nang maligaw si Ferdinand Magellan sa ating dalampasigan, subalit tuluyang sinakop at inalipin ng mga Kastila ang mga Pilipino noong taong 1565. Pinamunuan ito ni Miguel Lopez de Legaspi na sa dalawang kamay ay may hawak na espada at krus. Espada upang turuan daw ng tamang paraan ng pamamahala ang ating mga ninuno at ang krus ay upang matutuhan at makilala ang tunay na Diyos. Pinalaganap ng mga Kastila ang tradisyong Europa na napapaloob sa komedya, sarswela, kurido, awit, pasyon at tungkol sa mga santo. Taong 1872 nang magsimulang mag-alsa ang mga Pilipino sa pangunguna ni Sarhento La Madrid, subalit ilang oras lamang at napatay rin sila agad. Sinamantala ng mga prayleng Kastila ito at sinangkot nila ang tatlong Paring Martir. Dito na nagsimula ang pagsulat ng mga propagandista sa pangunguna ni Gat. Jose Rizal. Ginamit ang Tagalog, Kastila at iba’t ibang wikain sa pagsulat ng mga nobela, tula, sanaysay at ibang akda sa mga pahayagang Tagalog at Kastila. Ang mga akda ay punung-puno ng damdaming makabayan at nagbunsod sa mga Pilipino upang magkaisa at nagwakas sa Himagsikan. Sa panahon ng Himagsikan noong 1896, taon nang barilin sa Bagumbayan si Gat. Jose P. Rizal noong Disyembre 30, nagbago ang paksa ng mga panitikan. Naging maapoy, mapanuligsa at mapaghamon, puno ng pag-ibig sa bayan, paghahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa mga dayuhan. Taong 1898 nang tuluyang lumisan ang mga Kastila sa bansa subalit nasa ilalim pa rin tayo ng kapangyarihan ng mga banyagang Amerikano. Mula sa taong 1898 hanggang 1941, tayo ay kunwaring tinulungan at pinalaya ng mga Amerikano sa kamay ng mga Kastila. Namuhunan ang mga Amerikano. Sa tratado ng Paris noong Disyembre 10, 1898, napagkasunduang bilhin ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila. Dito lumitaw ang tunay na kulay at pakay ng Amerika sa Pilipinas. Tatayo ang Amerika bilang ama ng Pilipinas gaya ng pagtayo bilang ina ng Pilipinas ang Espanya noong panahon nila. Ngunit naging mas masahol pa ang pamamalakad ng mga Kano kaysa sa mga Kastila. Itinuring tayong Indio ng mga Kastila subalit baboy damo naman ang tingin ng mga Kano sa atin. Naghasa muli ng itak ang mga Pilipino. Nabalingan ang panulat at ipinakita ang pabugsu-bugsong tema ng kalayaan. Sa pananakop ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay patuloy pa rin sa panunuligsang makikita sa mga akdang isinulat sa wikang Ingles, Tagalog at iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Madaling natuto ng Ingles ang mga Pilipino kaya sa loob ng humigit kumulang ng dalawampung taon ay nagsisisulat na sila ng mga tula, sanaysay, maikling kuwento at nobela sa Ingles. Dito nagsimulang umunlad ang panitikang Pilipino sa Ingles. Taong 1942 – 1945, naging napakasaklap ng buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Gutom, kawalang katiyakan sa buhay at kawalang pag-asa ang masasalamin sa kanilang mga mata. Punung-puno ng paghihinagpis ang bawat tahanan dahil sa kawalang pusong pamamalakad ng mga Hapones. Sa panahong ito namulaklak ang panitikang Tagalog sa utos ng Hapon at gamitin ang sariling wika sa panulat. Natuto ng Haiku ang mga Pilipino. Taong 1946 hanggang sa kasalukuyan ay Panahon ng Republika. Masalimuot ang mga pangyayari sa panahong ito. Untiunting itinayo ang moog na sinira ng digmaan. Mga masasakit na alaala ng kahapon na ang tanging gamot ay malalalim na buntong-hininga. Namamalasak sa mga katha ang kabiguan, kalupitan at masaklap na karanasan. Ang dekada-50 ay nagkaroon ng sigla sa panulat dahil sa KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca, na itinatag ni Don Carlos Palanca ng La Tondeña Incorporada. Ang dekada-60 ay ang pagbibinhi ng aktibismo. Naging magulo ang kapaligiran at dumami ang katiwalian. Ang dekada-70 ay nauso ang paghawak ng mga plakard, barikada at pagbulagta ng mga walang buhay sa kalsada. Ibinaba ang Batas Militar. Hanggang magkaisa ang bayan sa EDSA sa buwan ng Pebrero taong 1986. Ang sumunod ay isang kasaysayang nadagdag sa ating lahi. Sa kasalukuyan, dalawang wika ang ginagamit sa pagsulat ng panitikan: Ingles at Filipino. Dahil may kinikilala na tayong wikang pambansa, ang Filipino, ay lubusan ng ginagamit, pinalalaganap at itinuturo sa lahat ng antas ng pag-aaral. Unti-unti na tayong nakabuo ng pambansang panitikang naglalarawan ng tunay na layunin, damdamin at hangarin ng bayan. KAURIANG PANLAHAT NG PANITIKAN Ang mga akdang pampanitikan ay mauuri sa dalawang anyong panlahat: TULA AT TULUYAN Ang Prosa o Tuluyan ay malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa ng prosa o tuluyan ay ang mga sumusunod: 1. Dula – naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at tinatanghal sa tanghalan. 2. Nobela – nagsasalaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa isang mahabang panahon. 3. Maikling Kuwento – nagtataglay ng isang kakintalang nilikha ng mga hindi karaniwang pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita. 4. Alamat – nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. 5. Pabula – ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral. 6. Anekdota – salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa buhay ng tao. Ito’y kapupulutan din ng aral. Ang Patula ay binubuo ng pahayag na may sukat at tugma. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod samantalang ang tugma ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. Ang patula ay nahahati sa apat na uri. 1. Tulang Pandamdamin o Liriko Pastoral – naglalarawan ng buhay sa bukid. Soneto – naglalaman ito ng labing-apat na taludtod. Oda – isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay. Elehiya – tula ng panimdim o kalungkutan dahil sa kamatayan. Dalit – imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen. 2. Tulang Pasalaysay Epiko – nagsasalaysay ng di kapanipaniwalang kabayanihan ng isang tao. Kurido – hango sa alamat ng Europa. Awit – hango sa haraya ng may-akda. 3. Tulang Pandulaan Moro-moro – paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyanong humahantong sa pagbibinyag sa mga Muslim. Panuluyan – pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng matutuluyan. 4. Tulang Patnigan Balagtasan – tagisan ng talinong patula. Duplo – ginaganap sa bakuran ng namatayan. Karagatan – hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing. Batutian – sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa. ANG TEORYANG SOSYOLOHIKAL AT MGA URI NITO Teoryang Sosyolohikal a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. b. Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda. Pananaw Sosyolohikal 1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan. 2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa rito. 3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan. Pananaw Sosyolohikal Ang lapit-sosyolohikal ay naaangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa Pilipinas. Sa pagkapit sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang tanghalan, mananatiling may lugar ang lapit-sosyolohikal sa panlasa at pakikibaka ng mamamayan. Sa sosyolohikal na pananaw, mas malawak ang perspektib na pagsusuri ng isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at naging katangian ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito. Sa ganitong lapit ay pinagtitibay ng pahayag ng likhang-sining at lipunan. Ang isang akda ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng manunulat na nabubuhay sa isang panahon na may partikular na katangiang humubog sa kanyang pagkatao. Sa pagsusuring sosyolohikal, hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang nagluwal ng akdang yaon. Ayon nga kay Tainer, isang manunulat na Pranses: Ang panitikan ay bunga ng sandali, ng lahi at ng panahon at kapaligiran. Sa isang pagsusuring Sosyolohikal, tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa pagtatakda ng sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito. Kung gagamitin ang pananaw na ito sa pagsusuri ng panitikan, mainam na mapag-aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng awtor. Hindi lamang into internal na pagsusuri ng akda, kundi pati na rin ng mga eksternal na salik na nakaiimpluwensya rito. URI NG TEORYANG SOSYOLOHIKAL 1. Madilim na Panahon (Dark Ages) - walang kakayahan ang mga tao na mag-isip tulad ng mga tao ngayon. Di sila pwede magkwestiyon ng kung ano-ano dahil ang mga may karapatan lang na gawin ang mga ganito ay ang mga nakapag-aral. Kumbaga sobrang makapangyarihan sila sa paraan na kaya nilang mang-impluwensya ng maraming tao. Kung ano ang ideal concept ng society sa pananaw nila, yun yung inihahain nila sa mga tao. 2. Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment) - sa panahong ito naman ay nagsimula na sila na baguhin ang ganoong (walang kakayahan ang tao na mag-isip) sistema ng lipunan. Nagsimula na sila magisip at magkwestiyon sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Mayroon na sila ngayong kalayaang mag-isip. Dito rin sa panahon na ito dumagungdong ang mga pangalan ng mga sosyolohistang nakapagbigay ng ambag sa konsepto ng sosyolohiya. Nariyan si Jean Jacques Roseau na nagsabi na kailangan mag-aklas ng mga tao kung tingin nila mali ang sistema ng lipunan; Voltaire na nagsabi na may karapatan ang mga tao na mag-rebelde kung ang gobyerno ay hindi na naibibigay ang mga pangangailangan nila; at si Wollstone Craft na nagbigay ng boses sa mga kababaihan. 3. Himagsikang Pranses (French Revolution) nagkaroon na ngayon ng ideya ang mga tao sa na mag-aklas dahil sa maling pamumuno at isinasakatuparan na nila ang mga ito, at sa huli namayani ang kanilang pagtutulungan. Ang aral na maaarinating mahihinuha sa pangyayaring ito ay kaisipang kayang gumawa ng pagbabago ng mga tao laban sa maling sistema ng lipunan kung magsasama-sama. 4. Himagsikang Industriyal (Industrial Revolution) - umuusbong ang konsepto ng kapitalismo. Naniniwala ito sa konseptong pribadong pagmamay-ari bilang karapatan ng mamamayan. Masigla ang kompetisyon sa kapitalismo sapagkat lahat ay maaaring magmay-ari ng mga salik ng produksiyon basta sila ay may produksiyon at kapital. 5. Klasikong Romantisismo (Classical Romanticism) - pinaliwanag nito na kaya gumulo ang lipunan dahil pinakikialaman ng mga tao ang kagustuhan at batas ng Manlilikha. May mga tauhan sa akda na higit pang makapangyarihan ang tao kaysa Diyos na lumikha sa kaniya. Naniniwala ang tao na kasabay siyang isinilang ng kapangyarihan na taglay niya at hindi ito kaloob sa kaniya ninoman. 6. Namamalaging Romantisismo (Conservative Romanticists) - sinasangayunan nila na kaya gumulo ang lipunan dahil sa pagwasak ng nagdaang sistema. Sila ay naglalayong panatilihin ang pangkasalukuyang sistema para manumbalik ang kaayusan sa lipunan. Ang tanging tunay na kaalaman ay kaalaman na batay sa aktuwal na kahulugan ng karanasan. Ang ganitong kaalaman ay maaaring dumating lamang mula sa paninindigan ng teorya sa pamamagitan ng pang-agham na pamamaraan. 7. Pasulong (Progressive) - ayon sa ilang Sosyolohista, magiging maayos lamang ang sistema ng lipunan kung magkakaroon ng pagbabago rito. Kung kaya’t patuloy na ngang nagbago ang mga sistema ngayon at nabuo ang sistemang panlipunan natin ngayon. Ang uring ito ay bukas sa lahat ng posibilidad sa lahat ng salik na makatutulong sa pag-unlad ay isinasaalang-alang. BATAYANG KAALAMAN SA LIPUNAN SOSYEDAD / LIPUNAN – tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at Gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago – Emile Durkheim. (Mooney, 2011) Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sap ag-aagawan ng mga tao ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan – Karl Marx (Panopio, 2007) Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at tungkulin. Nuunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan – Charles Cooley (Mooney, 2011) ELEMENTO NG LIPUNAN Tao o Mamamayan – ang pinakamahalagang elemento ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop ng lipunan. Teritoryo – lawak ng nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao. Pamahalaan – ahensiya na nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan. Soberenya – pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas. BUMUBUO SA LIPUNAN: Istrukturang Panlipunan Kultura MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN 1. Institusyon – isang organisadong Sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Pamilya Edukasyon Ekonomiya Relihiyon Pamahalaan 2. Social Group – tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at binubuo ng isang ugnayang panlipunan. 3. Status – tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan. Ascribed Status – nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay isilang. Achieved Status – nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kanyang pagsusumikap. 4. Gampanin (Roles) – tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kanyang gingalawan. Kultura – ay isang kumplikadong Sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Ito ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang kabuuang gawain ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. URI NG KULTURA Materyal – binubuo ng mga gusali, likhangsining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan na likha ng tao. Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sap ag-unawa sa kultura ng isang lipunan. Hindi Materyal – kabilang dito ang mga batas, gawi, ideya, paniniwala at norms ng isang grupo ng mga tao. MGA ELEMENTO NG KULTURA 1. Paniniwala (Beliefs) – tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. 2. Pagpapahalaga (Values) – maituturing itong batayan ng isang grupo kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Ito ang batayan kung ano ang tama at mali, kung ano ang nararapat at hindi nararapat. 3. NORMS – tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan. Folkways – ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Mores – tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mores magdudulot ng mga legal na parusa. 4. Simbolo – ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging possible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan. Tungkol sa awtor/tagasalin: Si RUBY V. GAMBOA-ALCANTARA ay isang guro, manunulat at kritiko mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman, Quezon City. Siya ang awtor ng aklat na Ritwal at Diksiyonaryong Hiligaynon-Filipino. Siya ay naging aktibong kasapi ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Ano ang naging reaksyon mo matapos basahin ang akdang Miliminas? Ito ang tawag sa mga taong naninirahan sa Miliminas. -Ito ang tawag nila sa kanilang pera. -Ito naman ang tawag nila sa taong may isang milyong mik o higit pa. Patungkol naman sa kanilang pananamit, hindi maikakailang ilang panahon nalang, halos lahat ng mga tao sa lahat ng mga urbang lugar at iilan sa mga rural, ay inoordinaryo na ang mga mini at micro-skirt. Halos pati mga kaluluwa nila ay luwang-luwa na sa mga kasuotang ito. Hindi ba sila nababahalang baka madisgrasya pa silang mapagsamantalahan? Iyan rin ang isa pang dahilan kung bakit sa mga ilalim na ng tulay tumitira ang iba sa atin: ang pagdami ng populasyon. Sa panahon natin ngayon, maraming umuusong porma at mga damit, at marami rin ang mga nakikiuso sa mga ito. Hindi na ito naiiba sa miliminas sapagkat kung sino pa ang mga nagsusuot ng maiiksing damit at shorts, sila pa ang maganda at sexy sa paningin. Equality before the kilo… Kung sa Miliminas ay may timbangan ang mga sasakyan upang malaman kung magkano ang pamasahe, sa atin ay wala, ngunit minsan maraming konduktor o driver ang kumukuha ng higit pa sa pamasahe at hindi nagbibigay ng discount. At ang mga matataba minsan ay nagbabayad ng doble sa pamasahe dahil doble ang kanilang inokupang upuan. Not Overspeeding… Sa sitwasyong pantrapiko naman. nakasaad sa kuwento ang kanilang ordinansang naghuhuli sa mga hindi nagpapatakbo ng matulin. Napakasalungat ngayon: si Mamang Tsuper kung magpatakbo ay parang wala nang bukas. Harurot dito, doon, sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Nawawala na rin ang respeto nila sa kapwa drayber. Bakit ba hinahahayaan nalang natin ito? Kung patungkol sa siguridad, hindi tayo nag-iingat. Mahal ang ating buhay, pagkat ang iba sa atin ay nagpapawalang bahala lamang. Bulok na ito, bakit pa natin pinapairal? Patubig, ito ang isa sa mga problema natin ngayon. Mayroong tubig, hindi ngalang natutugunan ang mga konsyumer ng mabuti. Para naming hindi nagbabayad ang mga konsyumer, at kung magrereklamo pa sila, hindi kaagad natutugunan. Maraming tubig, ngunit pinagkakait nila ang mga ito. Nakasaad ito sa kuwento dahil napansin ng mayakda ang problema. Tubig nga lang. Ngunit napakalaking bagay na ito para mabuhay. Putol-putol na rin ngayon ang supply ng kuryente. Bakit pati sa kuryente mayroong katiwaliang nagaganap? Mga mayayaman abot mil. na ang binabayaran, ngunit si Juan maliit nga lang ang konsumo, mabilis pang putulan, at madalas, mataas ang binabayaran kahit kaunti lamang ang konsumo. SIDEWALK Minsan, nakapanood ako ng balita. Aksidente ang nagaganap sa balita, pero hindi ko maiwasang mapansin ang kanilang kalsada. Totoo nga’ng malalapad ang kalsada nila. Ngunit sa isang iglap ay kumitid na. Dahil sa mga nagbebenta sa mga sidewalk ay ang tigas talaga ng mga ulo. Nilalaanan na nga sila ng pamahalaan ng puwesto, bumabalik at bumabalik pa rin sila sa mga sidewalk. Minsan, kasalanan rin ng gobyerno dahil hindi na nila napagtutuonan ng pansin ang sinasabi nilang maliit lang na problemang ito. Anti-Genuine Commission – para sa paghuli ng mga nagpaparami o tumatanggap ng mga lagay na genuine money, genuine law atbp. Maraming peke ang nagkalat ngayon. Sikat sa mga ito ay ang tinatawag nating“Pirated DVD” na, oo, mura nga. Kaso nakapanood rin ako minsan ng mga ganyan. Hindi na nga malinaw, hindi mo pa maintindihan kung ano ang sinasabi nila. Mura nga, hindi naman sulit. Marami pang ibang bagay. Tulad ng mga nacarnap na sasakyan, nakaw na mga gamit na binibenta, mga alahas na hinoldap, cell phone, mga pekeng gamit, lahat lahat na. Sabi ko nga, mura lang siya. Ngunit mabilis naman masira. Hindi mo mapapakinabangan nang matagal. At iyong mga nakaw na gamit naman, maaari ka pang makulong. Buwaya ng Bansa – matataas na opisyal ng Pamahalaan. - sinisipa sa likod at tatanggap ng suhol sa kanyang mga transaksyon. Outstanding Buwaya of the Year – ang batayan ang makapal na likod dahil sa madalas na pagsipa. Nakasaad rin sa kuwento ang bulok ng “style” na gobyerno sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Hindi naman iba ang “Pork barrel” sa atin. Isang halimbawa lang ito ng mga pwede pang gawin ng mga nasa taas sa mga mamamayan. Kung ako tatanungin niyo, bilang lang ang mga matitino sa taas. Halos lahat manloloko, mga kickback artist. Kaya ang mga nasa baba (gaya ng mga SK), unti-unti na ring sumusunod sa hindi magagandang imahe ng mga ito. Sa pamahalaan ngayon, iba ang pinagtutuonan ng pansin. Mga napapapatupad na batas ay iyong mga walang kuwenta. Walang magagawa upang umunlad ang Pilipinas ngunit ipinatutupad. Wala nang maisip ang mga nasa itaas. Nagpapatupad ba sila ng ganoong klase ng batas ay dahil nakakabenepisyo sila o wala na silang maisip na mas kapakinabang na batas dahil alam nilang baka hindi na sila makakurakot? Mga Sinasamba… Tila raw mga relihiyoso ang mga taga Miliminas. Totoo nga kaya? Medyo. Medyo may hawig ang mga sumusunod na babanggitin ko sa sitwasyon natin ngayon. Mga sinasamba ng Milimino: Mik; Buwaya; Santasa. Mik, ngayon, nasisilaw na tayo sa kayamanan at hindi na nililingon ang ating nasa likuran. Sa sobrang ignorante nating, sila na ang mga naaapakan. Buwaya: tayo pa ang may kasalanan sa kanilang ginagawang pagkurakot sa kaban natin. Santasa: bilang na bilang na lang ang mga nagsisimba. Laganap ang krimen. Laganap ang mga illegal na gawain. Ito na ang tinatawag na Pilipinas ngayon. Isang letra lang ang diperesya sa Miliminas. HUES DE PAUPAS -ginugwardyahan ang mga walang kasalanan -malaki ang mga kulungan, at ibinibilanggo ang mga walang sala, at nakakalaya ang mga may sala. -VERY IMPORTANT PRISONER (VIP) KOMISYON NG KALOKOHAN “Eleksyon na ibinoto sa bala” -nagbabatuhan ng putik ang magkalaban na pulitika -DAPAT magsinungaling, magbato ng putik, magmura, mangako ng mga hindi matutupad -hindi na iniisip ang iboboto -INIISIP nila ang naipon na bala, pinakamaraming pera, mga napatay nilang kampon. Mga Politiko… May nagkalat na sakit ngayon sa mga politiko. Sa simula ng eleksyon, normal lang ang nagbabait-baitan, maraming pinapangako, maraming pinapatupad at pinapagawa. Basta’t sa eleksyon, makita lang nila ang kanilang pangalan sa listahan ng mga nanalo. Ngunit anong nangyayari pagtapos nito? Tila nagka amnesia na. Walang maalala sa lahat ng napakarami nilang pangako. Isang halimbawa nito ay ang mga pinapatayo nilang kalsada at tulay. Kita naman natin kung ano ang ginagawa nila. Sisimulang giba-in ang sabi nilang lubak-lubak na daan, pagkatapos ay iiwan o kaya naman ay substandard ang mga materyales na ginagamit upang sa susunod ng mga taon ay maaari na naman nila itong ipagawa ulit. BANTOG NA BALIW -ito ay may imbensyon na TABLETA na iinumin ng mag-asawa upang magkaanak ng isang babae at isang INSTANT BABY na ipinagbubuntis lamang sa loob ng 24 na oras. BAYANI -ang bagong milimino… -pinatutungkulan ng papuri ay ang mga ismagler, namomorsyento, kickback artist, mga mayayamang nang-aapi sa mahihirap, mga nangaagaw ng lupa ng may lupa. ALAGAD SA BAYAN -ang mga gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang kasamahan, kinukutya, at inaalis sa trabaho. DUNGIS NG LIPUNAN -ito ay ang mga kabataang malalawak mag-isip -ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Ang simpatya ng mahihirap ay nakuha nila.