Sakit na Coronavirus (COVID-19) Ang Coronavirus Disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakít na dulot ng isang bagong coronavirus na ipinakilala kamakailan sa mga tao sa unang pagkakataon. Tinatawag itong pandemic ng World Health Organization (WHO) dahil kumalat na ang virus sa buong mundo. Halos 80% na tao na may COVID-19 ay may banayad na sintomas. Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang mga impeksyon tulad ng MERSCoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop. Mga sanhi ng COVID-19 Ang "Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)" ay tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na naganap sa Wuhan, Lalawigan ng Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa kalusugan ng Mainland, isang novel coronavirus ay napagalamang mikrobyong sanhi ng sakit. Page 1 of 10 Ang mga Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na matatagpuan sa parehong hayop at tao. Ang ilang mga nahawaang tao at kilalang sanhi ng sakit na mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas matinding sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Ang pangunahing paraan kung paano mahahawaan ay sa pamamagitan ng maliliit na patak, ang virus ay maaari ring makahawa sa pamamagitan ng direktang paghawak. Ang "yugto ng inkubasyon" ay nangangahulugan na ang panahon sa pagitan ng pagkahawa sa virus at simula ng pagkakaroon ng mga sintomas ng sakit. Ang karamihan sa tinatantiyang yugto ng COVID-19 inkubasyon ay may saklaw na mula 1 hanggang 14 na araw, na kadalasan ay humigitkumulang sa 5 araw. Itong mga pagtatantiya ay maa-update habang dumarami ang data na naidadagdag. Maaaring mahawa ang sinuman, anuman ang edad, ng COVID-19. Ang mga grupong may mataas na tsansang magkaroon ng malubhang karamdaman ay ang sumusunod: Mga taong 65 taong gulang at pataas (ating mga lolo at lola) Mga táong dati nang may karamdaman (halimbawa: alta presyon, sakít sa puso at baga, o diabetes) Mga may lubhang mapanganib na pagbubuntis (halimbawa: mga babaeng may edad 17 at mas bata, may edad 35 at mas matanda, mga may dati nang karamdaman) Mga Sintomas ng COVID-19 Ang ilang taong may impeksyon na COVID-19 ay hindi masyadong nagkasakit. Ang iba ay malubhang nagkasakit. Ilan sa mga sintomas ay: ▪ Ubo ▪ Pangangapos ng paghinga ▪ Lagnat ▪ Panginginig ▪ Pananakit ng ulo ▪ Pananakit ng kalamnan ▪ Pananakit ng lalamunan ▪ Pagkawala ng panlasa o pang-amoy Hindi madalas, ang mga tao ay maaaring sumakit ang tiyan, magsusuka, o magtae. Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas. Tumawag sa iyong Page 2 of 10 doktor o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapasuri. Tumawag sa kanila kung mayroon kang mga sintomas o nababahala sa iyong mga sintomas. ANG SAKIT NA CORONAV IRUS 2019 (COVID - 19, CORONAVIRUS DISEASE 2019) 2 ng 2 Ang mga taong may banayad na sakit ay maaaring manatili sa bahay habang sila ay nagpapagaling. Lumabas lamang kung kukuha ng medikal na pangangalaga. Tumawag sa iyong doktor o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan bago ka pumunta. Testing ng Covid-19 Ginagawa ang testing upang kumpirmahin kung mayroon kang COVID-19. Mahalaga ito upang malaman ng mga health worker kung paano epektibong gagamutin ang mga pasyente. Ang mga tututukan natin ay ang: 1. Mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19 2. Mga taong may exposure at interaksyon sa taong kumpirmadong may COVID-19 3. Mga taong naglakbay o nanggaling sa mga lugar na may lokal na transmission ng COVID19 4. Mga taong kabilang sa grupo ng mga mas nanganganib magkaroon ng malubhang sakit (nakatatanda, mga may comorbidities, atbp.) 5. Healthcare workers Page 3 of 10 Lunas sa sakit na COVID-19 Page 4 of 10 Sa ngayon, wala pang lunas para sa COVID-19 subalit maaaring gamutin ang inyong mga sintomas upang mapabilis ang inyong paggaling sa COVID-19. Karamihan sa mga tao (mahigit 80%) ay magkakaroon ng bahagyang karamdaman at hindi mangangailangang pumunta ng ospital. Kung may nararamdamang sintomas, kumonsulta sa isang healthcare worker upang kayo ay magabayan ng sapat at tama. Papayuhan kayo kung anong home treatment ang maaari ninyong gawin o ia-advice kayong pumunta sa isang temporary treatment and monitoring facility sa inyong lugar. Hindi kinakailangang pumunta agad sa hospital kung hindi naman malala ang inyong symptoms. Uminom lamang ng gamot na inireseta sa inyo ng healthcare worker na inyong kinonsulta. Huwag po uminom ng antibiotics at iba pang gamot kung walang payo mula sa kanila. Ang lahat ng iba pang mga paraan ng paggamot ay hindi pa naaprubahan o itinataguyod ng WHO at DOH. Bisitahin ang Fact Check page ng website na ito upang mapatunayan ang mga tsismis na nababasa online. Para sa lagnat Kung ikaw ay may lagnat, maaaring gawin ang mga sumusunod: Page 5 of 10 1. Bantayan ang iyong temperatura kada 4 na oras. Uminom ng paracetamol kung ang temperatura ay mahigit sa 37.5 degrees celsius. Maaari itong inumin kada 4 na oras kung patuloy ang lagnat. 2. Maligo araw-araw kung kaya at posible. 3. Huwag magsuot ng doble-dobleng damit o magkumot nang labis-labis. 4. Siguraduhing maayos ang daloy ng hangin sa kwarto. Buksan ang bintana o gumamit ng electric fan. 5. Uminom ng maraming tubig, fresh fruit juice, at mild na tsaa. Para sa ubo at sore throat Kung meron po kayong ubo at sore throat: 1. Siguraduhin ang pag-inom ng mga niresetang gamot. Sundin ang payo at inumin ito sa tamang oras. 2. Uminom ng maraming tubig. 3. Iwasan ang mga bagay na maaaring magpalala ng inyong sintomas, gaya ng alikabok, pollen, pabango at balahibo ng hayop. 4. Maaaring gawin ang mga sumusunod upang mawala ang iyong mga sintomas (tandaan: hindi ito gamot sa inyong sakit): o o o Uminom ng salabat o iba pang tsaa upang mabawasan ang kati o hapdi ng lalamunan. Magmumog ng maligamgam na tubig na may kaunting asin upang mabawasan ang kati o hapdi. Gumamit ng lozenges o cough drops para sa lalamunan. Mga pwedeng gawin kung nanghihina ang katawan 1. Kumain nang regular. Maaari humigop ng sabaw o lugaw kung nahihirapan sa pagnguya o paglunok. 2. Siguruhin na mayroong sapat na pahinga at tulog (hindi kukulangin sa 7-8 na oras kada araw). Kailangan mo ng lakas upang labanan ang virus. 3. Kung naninirahang mag-isa, regular na magpakumusta sa mga kaibigan at kamag-anak. 4. Maghanda ng mekanismo para maalerto ang ibang tao kung bigla kang mahulog o nadapa (magsuot ng bell o iba pang maiingay na kagamitan) 5. Gumamit ng tsinelas na hindi madulas ang swelas upang maiwasan ang pagkahulog at aksidente. Mga kailangang bantayan Habang ginagawa po natin ang mga ito, bantayan po natin kung tayo ay nakakaranas ng mga sumusunod: Nahihirapan sa paghinga Page 6 of 10 Hinihingal Tuluy-tuloy at matinding pananakit o pagbigat ng dibdib Pagkalito o pagkabalisa, tutulog-tulog, hirap gumising, nawawala sa sarili, at Pangingitim ng labi o mukha. Ito ay mga malubhang sintomas. Tawagan ang lokal na BHERT o ang DOH hotline - (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network subscribers. Tutulungan ka nila kung kailangan mo ng medikal na atensyon at kung kailangan mai-refer sa pinakamalapit na ospital. Panatilihing malakas ang katawan! Magkaroon nang sapat na tulog araw-araw. Matulog nang hindi bababa sa 7-8 na oras. Kumain nang masusustansyang pagkain tulad ng itlog, gulay at prutas. Uminom nang hindi bababa sa 1.5 litro ng tubig araw-araw. Iwasan ang madalas na paginom ng alak at kape. Huwag manigarilyo. Iwasang mahawaan ang iba! Hangga’t maaari, ihiwalay ang sarili sa ibang kasama sa bahay. Protektahan sila laban sa virus. Kung kailangang lumapit sa kasama sa bahay o lalabas ng bahay, magsuot ng face mask at panatilihin ang isang metrong distansya sa mga tao. Paalalahanan ang nangangalaga sa iyo na magsuot lagi ng mask kung lalapitan ka. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based sanitizers. Takpan ang bibig at ilong gamit ang tissue kapag umuubo o bumabahing. Itapon ng maayos ang mga nagamit na tissue at agad maghugas ng kamay. Huwag ipagamit sa iba ang mga personal na gamit tulad ng tuwalya, sapin ng kama, pinggan at kubyertos. I-disinfect araw-araw ang mga lugar na pinaglalagian ng mga kasama sa bahay. Paraan para maiwasan ang sakit na COVID-19 Page 7 of 10 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Dahil lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang Page 8 of 10 bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulotng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Page 9 of 10 Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID19 sa lagnat at tuyong ubo. Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili. SUBMITTED BY: HEALTH AND SAFETY OFFICER NOTED BY: ADMIN MANAGER Page 10 of 10