Uploaded by Ostan Love

Ang kulturang p-WPS Office

advertisement
Ang kulturang popular ay mga bagong bagay, gawain o aktibidadis na nauuso sa tao o
maaaring pina-uuso ng tao na kung saan tinatangkilik ng bawat isa sa atin upang tayo ay
maging angkop o maki-ayon sa lipunan na ating ginagalawan.Paraan din ito upang tayo ay
maging epektibong mamamayan sa komunidad, maging functional na miyembro ng lipunan o
functional as group. Tayong mga Pilipino ay likas na sumusunod sa uso at mahilig mag-pauso
dahil ito ang paraan natin upang maging "in" o tanggap tayo sa nakararami .Katulad nalang sa
aking komunidad, uso ang paggamit ng Facebook. Ang Facebook ang pinakasikat na online
social media website sa Pilipinas. Kaya't hindi maipagkakaila na sa aming lugar ay hindi
maimpluwensyahan ang mga tao dahil halos lahat ng Pilipino mapabata man o matanda, ay
may alam sa Facebook at marunong gumawa ng sari-sariling account. Sa tulong ng Facebook,
madali tayong makakakonekta at makakapagbahagi sa ating mga kaibigan at pamilya
online.Kaya't ang social networking site na ito ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na
pamumuhay at naging parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang
mga ito na produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating pagkatao.Ang Facebook ay
ginawa ni Mark Zuckerberg noong 2004, habang siya ay nag-aaral pa sa Harvard University sa
America. Ginawa lang talaga ang Facebook para sa mga college students doon ngunit sa
kadahilanang marami ang nakatuklas at magandang gamitin kaya ay mabilis ang naging laganap
nito sa mundo sa dulot na rin nang pag-iimpluwensya ng tao sa isa't-isa. Ayon sa pag-aaral ng
mga eksperto ay mayroong isang bilyong tao na ang gumagamit nito sa buong mundo.
Sa aking panayam sa aking Kapatid isa sa kabataan sa aming lugar ,ang facebook ay tinuturing
niyang kaaliwan dahil nakakainteraksyon siya sa iba't- ibang mga tao sa iba't- ibang panig rin ng
mundo.Ayon sa kanya na ayon rin sa nakararaming kabataan na totoo rin naman ang Facebook
ay maraming pweding gawin o panggagamitan na kung saan pweding makapag post ng kahit
ano tulad ng katatawan,makapagpalaganap ng mga impormasyon,makapagpahayag ng
saloobin o emosyon ,makaupload ng mga litrato na siya rin namang nagustuhan ng mga
gumagamit nito .Dahil na rin sa maganda nitong kalidad at mababa lamang ang megabites nito
na kayang-kaya sa mga may mababang kapasidad ng storage ng selpon ,bukod rito ay
madaling e access o e download.Gayunpaman,bilang siya ay mag aaral malaking tulong sa
kanya ang paggamit ng Facebook dahil may mga impormasyon siyang makukuha na magagamit
niya sa kanyang paaralan at madaling makapaginteraksyon sa kanyang mga kaklase at guro.
Gayunpaman,ang facebook ay ginawa noong 2004 at may mga tao na nakiuso din na mula
noong taong iyon ay kanila ring natuklasan ngunit iilan lamang sila. Ang ibang matatanda
ngayon ay hindi nila alam kung paano gamitin dahil sa sadyang hindi sila mahilig dito ngunit
alam nila ang salitang facebook . Lalo na ang mga matatanda sa mga probinsiya na taliwas sa
mga bagong teknilohiya o nauuso .Gayundin ,iilan na lamang sa matatanda ang walang alam sa
paggamit ng facebook sa mga lungsod at sadyang ilan sa matatanda ay ayaw talaga sa
facebook ngunit kung gustuhin man nila ay marunong naman sila kapag turuan.Tulad ng
panayam ko sa aking tatay na kahit 64 ang edad ay gusto niya ring makiuso dahil nakikita
niyang may magandang dulot ang paggamit ng Facebook sa kanya.Gaya na lamang ng mapadali
siyang makapagkomunikasyon sa aking mga tito,tita o mga mahal niya sa buhay na malayo sa
kanya ,nakapagbibigay aliw din ito sa kanya dahil may mga nakikita siyang bago tulad ng mga
videos at mga litrato ng kung anu-ano,madali siyang makakuha ng mga impormasyon,makapaguupload ng kanyang mga larawan kasama ang aking nanay ,ganoon din kaming mga anak
niya.Hindi siya ganoon ka eksperto sa mga iba't- ibang bahagi ng Facebook ngunit may alam
siya kung paano gamitin ito.
Dahil sa moderno na ang mundo ,makateknolohiya na ang Sistema ay maasahan mo talagang
maraming mga bagong uusbong na teknolohiya ,gawain o aktibidadis na siyang magiging
kultura na sa atin sa kalaunan.
Dahil sa tayo ay tao,lalong-lalo na tayo ay Pilipino mahilig maki-uso ,gumawa at mag palaganap
ng mga uso at tayo ay mausisa sa mga mga bagay-bagay ay talagang uusbong ang mga
kulturang popular tulad na nga lamang ng Facebook .Likas sa atin ang pagka-mausisa ,ang mag
explore ng mga bago na kung saan tayo ay magiging masaya ,madaling matuto o may
matutuhan at gustong alamin ang mga nangyayari sa Mundo .
Para sa mga guro at bilang magiging guro sa susunod ay dapat tingnan ang mga kulturang
popular na ito bilang mga kasangkapan sa pagtuturo para sa madaling pagkatuto ng kanyang
mga mag aaral.Ang mga kabataan ngayon ay mas madali na kasi matuto at matalino dulot na
rin ng modernisasyon .Tulad ng paggamit ng Facebook sa kanyang pagtuturo lalo na ngayon ay
pandemya ,Hindi tayo Maka labas-labas para matuto o gawin ang ating mga gusto.Pero sa
pamamagitan ng Facebook Kahit sa loob ka man ng iyong bahay ay may matutunan at
makapaginteraksyon ka pa rin sa lahat . Ang Facebook ay pweding- pwedi na gamitin ng guro sa
kanyang pagtuturo at makapag-komunikasyon sa kanyang mag aaral. Tulad halimbawa ng paglive na pagklase sa Facebook,paggawa ng mga pages or groups na pwedi doon mag upload at
magpagawa sa mag aaral ng mga gawain na tulad ng ginagawa rin sa classroom ngunit Virtual
lamang at pweding maka-meet virtually ang mga guro't estudyante.Dahil tayo ay guro o
magiging guro sa susunod dapat tayo ay maging innovative sa ating estratihiya sa pagtuturo
para sa pagkatuto ng ating mga tuturuan o mag aaral.
Download