Uploaded by KENT FREDERICK GOLE

K Drama Impluwensya sa Mag-aaral ng Kolehiyo

advertisement
Abstrak
Ang kwalitatibong pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbatid
at pag-alam ng mga K-Drama at ang impluwensya nito sa mga
mag-aaral sa kolehiyo. Sa pananaliksik ang limang
nangungunang K-Drama na nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral
ay ang Love Alarm, Sweet Home, Dr. Romantic, Vincenzo, at
Crash Landing On You na may paksang pag-ibig, pamilya,
pagbabago sa sarili, pagmamalasakit, pakikipagsapalaran, at
pagkakaibigan. Inilahad ang impluwensya ng K-Drama sa mga
mag-aaral sa aspeto ng pananamit, kosmetiko, at pagkain.
Natuklasan na naiimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga
“fasionable” at pagiging malikhain ng mga Korean artist sa
kanilang pananamit at dumagdag pa ang estilo o porma;
naiimpluwensyahan din ang mga mag-aaral sa kosmetiko sa
advertisement o anunsyo na kanilang nakikita sa mga drama
at lalo na ang mga skin care routine ng mga artista na
ginagawa sa drama. Sinusubukan at tinitikman rin ng mga
mag-aaral ang mga pagkaing koreano na kanilang nakikita
habang pinapapanood ang drama at natuto rin silang gumawa
ng kimchi at subukan ang gawain sa pagkain ng mukbang at
samgyeopsal.
Mga Susing Salita: K-Drama, impluwensya, kultura
Download