Uploaded by ariel.andresio

PANANALIKSIK

advertisement
I. Makabuluhang Pag-aaral sa Kulturang Pilipino at Kahalagahan nito sa
Buhay ng Tao sa Panahon ng Pandemya
Ariel F. Pandili
Grade 11-HUMSS 2(PYTHAGORAS)
S. Y. 2021-2022
arielpandili492@gmail.com
II. Rasyunal
Ang pag-aaral sa kulturang pilipino ay paraan upang mapaunlad ang ating tradisyon. At dito rin
makikita ang pagkakakilanlan natin. Nagbibigay ito sa atin at maging sa komunidad ng ideolohiya. At dito
rin masasailalim ang mga taong naninirahan sa isang lugar. Gayundin,itinuturing din ang kultura na
bintana ng nakaraan at may mapupulot din tayo sa ating kultura na mga aral,kaugalian, at tradisyon na
nakakatulong mismo sa ating buhay upang magsilbing gabay.
III. Layunin ng pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral nang ating kultura dahil dito tayo nagsimula at upang makilala natin ang
ating sarili bilang pilipino. Layunin din nitong magbuklod sa atin upang malaman at maintindihan natin ang
mga gawain noong unang panahon. Para malaman natin kung saan tayo nagmula,at para maunawaan
natin ang kahalagahan ng kultura.
IV. Mga tiyak na layunin
Ang pakay sa pag-aaral ng kulturang pilipino ay upang maipakita ang pagpapahalaga sa ating kultura
at ang pagtangkilik nito. Mahalaga na gamitin at isabuhay natin ang kulturang pilipino sapagkat ito
lamang ang paraan upang mapalago at mapagyabong natin ang ating kultura. Mahalaga din ito sa atin
lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Dito natin maipapakita ang ating kultura kagaya nalamang ng
pagtutulong-tulong ng bawat isa upang makaahon sa panahon ng pandemya. At kapag patuloy natin na
ginagamit ang ating kultura ay tiyak na mas lalo pa itong uunlad.
V. Metodolohiya
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang epekto ng makabulahang pag-aaral ng kulturang
pilipino at kahalagahan nito sa tao sa panahon ng pandemya. Kailangan pumili ng limang partisipante na
makikilahok sa panayam na isinasagawa. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay galing sa junior high
school. Ang bawat isa sa respondente ay iinterbyuhin upang maka-kalap ng impormasyon na
makakatulong sa ginagawang pag-aaral.
VI. Kahalagahan ng pananaliksik
Ang pananaliksik sa kulturang pilipino ay mahalaga upang mas maunawaan at maintindihan natin
ang kasaysayan at pagbabago nito. Mahalaga ang pag-aaral nang kulturang pilipino upang
mapahalagahan natin ang ating kultura at tangkilikin ito. At upang mas mapaunlad pa nang lalo ang ating
kultura ay kailangan na magpatuloy tayo sa pagtangkilik nito.
VII. Mga inaasahang bunga




Para mapanatili ang pagtangkilik sa kulturang pilipino hindi dahil pilipino ka lang kung hindi para
maisalin ang kulturang nakagisnan mo sa susunod na henerasyon.
Upang mapaunlad ang sariling gawa ng pilipino.
Makakatulong na ibahagi at paunlarin ang dating kinagisnan.
Upang makatulong sa pagresolba ng pagtanggal ng kulturang banyaga sa kulturang pilipino.
I.PAGTUTURO AT PAGKATUTONG WIKANG FILIPINO SA BAGONG
NORMAL
Maicah Chezza Jeanne F. Cam HUMSS-2 PHYTHAGORAS
Il.Rasyunal
Sa kabila ng pandemyang dumating nabigyang halaga parin ang mga estudyante para ipagpatuloy ang kanilang pagaaral sa pamamagitan ng blended learning na ipinalathala ng pamahalaan para ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga
estudyante, sa pamamagitan nito mapupinan parin ang kaalamang dapat matutunan ng estudyante.Ang blended
learning ay isinagawa para makabenipisyo ang mga estudyante ng may mga kakulangan ng mga kagamitan sa pagaaral para mabigyang pansin ang mga estudyante sa pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino.
Ill.Layunin ng pag-aaral
Ngayon na bagong normal, Layunin nito ang magpalawak ng kaisipan ng mga tao upang umunlad ang sarili at
kapaligirang ginagalawan. Mahalaga ang pag-aaral sapagkat isa itong kayamanan na hinding-hindi mananakaw ng
sinuman.
lV.Mga Tiyak na Layunin
Layunin nito na nabigyang pansin ang pag-aaral ng mga estudyante at ang mga sumusunod:

Mabigyang halaga ang mga estudyante na maturuan ng wikang filipino

Maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante

Mapunan ang mga pagkukulang at mapalawak ang pagkatuto ng mga estudyante
V.Metodolohiya
Ang paghahanap ng impormasyong nasaliksik ay sa paraan ng pangangalap sa balita at internet ,dito makikita
ang mga detalyadong impormasyon tulad ng pansariling eksperensiya kaalaman at mga saloobin tungkol sa
pagtuturo ng wikang filipino at paano ito makakatulong sa estudyante.
Vl.Kahalagahan ng pananaliksik
Nagpapayaman ng kaisian-lumawak ang kaisipan ng nananaliksik dahil sa walang humpay na pagbabasa ,
pagsusulat ,nanunulat at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
Lumawak ang karanasan- napapalawak ang eksperensiya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil
marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng datos,pagbasa at paggalugad sa mga kaugnay na literatura.
Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang tiwala at respeto sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan
ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog
dito ang kanyang kamalayan sa larangan pananaliksik.
Vll.Mga inaasahang bunga
Maisagawa ang mga napanaliksik para maging maayos ang kalalabasan ng mga isinagawang hakbang lalo na ang
maituro ang wikang filipino dahil dito sumisimbolo ang ating pagka-pilipino at para luminang ang kakayahan ng mga
estudyante sa dapat nilang matutunan at maitawid nila ang kanilang kinabukasan pagdating ng panahon.
I-Makabuluhang Pag-aaral sa Kulturang Pilipino at Kahalagahan nito sa
Buhay ng Tao sa Panahon ng Pandemya
Sheharrah F. Cam
II.Rasyunal
Sa panahon ngayon,tumitindi ang kampanya ng internalisasyon lalo na sa halos lahat ng larangan,
naisasantabi na ang kahalagahan ng sariling yamang wika at kultura ng ating bansa.Nakakalimutan at nabbabaliwala
na ang importansya ng ating pagiging iba,ang ating pagka Pilipino.
III.Layunin ng pag-aaral
Ang wika at kultura nating mga Pilipino ay lagi't-laging ipinalalagay na mababa at di kapantay ng mga sumulong
na kalakaran sa daigdig dahil hindi nakakaagapay sa pamantayang global na hindi kumikilala sa mga katangiang
panloob ng bawat bansa.
IV.Mga tiyak na layunin
Kailangang pahalagahan natin at bigyang pansin ang pag-aaral sa kulturang Pilipino lalong-lalo na sa panahong
ito ng pandemya.Ito ay isang paraan upang mas magkaroon tayo ng kumpiyansa at kamulatan sa mga bagay na
kailangan nating pahalagahan.
V.Metodolohiya
Tulad ng kinakaharap nating sitwasyon ngayon ay dapat tayo'y maging matibay at matatag sa pagharap ng
hamon.Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay siyang magiging daan tungo sa maayos na samahan.
VI.Kahalagahan ng pananaliksik
Ito'y isa ring paraan upang maging isa,magkaisa at magtulungan.Dito makikita ang tibay at lakas ng loob nating
mga Pilipino.At upang patunayan ang kakayahan nating makipagsabayan sa lahat at ipakitang kaya rin nating
pasanin ang pagsubok at bumangon.
VII.Mga inaasahang bunga
Kaya't ang makabuluhang pag-aaral ng ating kultura ay mahalaga sapagkat ito ang sumasalamin sa kung sino at
ano tayo bilang isang Pilipino.Palagi nating tandaan at huwag kalilimutan ang ating naiibang katangian sa kabila ng
mababang turing sa atin.Huwag nating hayaang tapakan ng iba dahil lamang sa pagpapabaya ng ating sariling
kultura.Sa halip ay mas bigyan ito ng halaga.
I. Pagtuturo at Pagkatuto ng Wikang Filipino sa Bagong Normal
Jhezzarie M. Ferrel HUMSS 2-PYTHAGORAS
II. Rasyunal
Ang wikang Filipino ay isa sa sumisimbolo bilang isang Pilipino.Ang pagtuturo at pagkatuto rito lalo na
ngayong bagong normal ay isa sa paraan patungo sa kaunlaran nito.Ito ay mahalagang maituro sa bawat indibidwal
upang ang bawat isa ay may kaalaman.Mahalaga ring matuto tayo ng wikang Filipino dahil ito ay isa sa mga
tumatayong pundasyon upang umunlad ito at lalo na sa mga kabaatan upang maabot ang kani-kanilang hangarin.
III. Layunin ng pag-aaral
Ang pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino sa bagong normal ay may mga layunin,isa na rito ay:
Maipabatid sa bawat isa ang kahalagahan ng wikang Filipino sa bagong normal
Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
IV. Mga tiyak na Layunin




Makapagbigay ng ilang estratehiya tungkol sa mabisang pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino
Matukoy ang kahalagahan ng wikang Filipino
Matukoy ang papel ng guro at estudyante sa pagtuturo at pagkatuto ng wika
Malinang ang matalino at mapanuring paggamit ng wikang Filipino
V. Metodolohiya
Ang pananaliksik na isinagawa ay nabuo dahil sa masusing pag-aaral tungkol sa napiling usapin at pagsusuri
sa mga inpormasyong nakalap.Ang pananaliksik ay hindi madali kaya kailangan suriing mabuti ang mga
impormasyong kaugnay sa ating sinasaliksik.
VI. Kahalagahan ng Pananaliksik




Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay:
Matukoy ang ugnayan ng guro at estudyante sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino
Makapagbahagi ng kaalaman sa bawat indibidwal
Mapaunlad ang wikang Filipino sa mabisang pamamaraan
Makamit ang kaunlaran ng wika hindi lang sa atin kundi pati sa ibang sulok ng bansa.
VII. Mga inaasahang bunga
Ang inaasahang bunga ng pananaliksik na ito ay mabatid at maipalaganap sa lahat ang kahalagahan ng
pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino laong-lalo na ngayong bagong normal. Inaasahang magtagumpay ang mga
layunin nito at mapadali ang pag-unlad ng wikang Filipino.
Download