Si German V. Gervacio ay guro ng wika at panitikan sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Isa sa mga unang naka-TOMA (Ten Outstanding MSU-IIT Alumni). Siya ay estudyante ng Ph.D. Malikhaing Pagsulat sa UP-Diliman, miyembro ng Board of Directors ng Mindanao Creative Writers Group, Inc. at Resident Panelist ng Iligan National Writers Workshop. National fellow din siya sa tula ng 50th (2011) UP Likhaan National Writers Workshop. Ilan sa mga napagwagian na niya ay mga Palanca Award sa tula, maikling kathang pambata at maikling kuwento, at ang HomeLife Magazine National Poetry Competition. Katha niya ang Hari Manawari, Si Tanya, Ang Uwak na Gustong Pumuti, Babuyan Island at 101 Bugtong na Hindi Alam ng Titser Mo. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Hari Manawari (Adbentyur II). Isang araw nasa bubungan si Aya at Gen. Kakatapos lang ng ulan sa oras na iyon at basa ang bubungan. Sinapinan ni Gen ng sombrero ang uupuan ni Aya at yung sinelas naman ni Gen ang kanyang inupuan. Habang sila ay nag-uusap sinabi ni Gen na ang mga butuin ay madami Kumpul-kumpol at maningning. Pero hindi sila nakapagbibigay ng liwanag sa daigdig. Parang nandiyan lamang sila para purihin at hangaan. Parang kapag lalo mong hinahangaan, ay lalong nagniningning, nagmamaling at lalong nagyayabang. Kaya daw, ayaw ni Gen sa mga bituin dahil Kung nagbibigay man sila ng liwanag ay kailangan naman itong suklian ng paghanga. Tinanong naman ni Aya si Gen kung ano ba ang gusto nito, sabi naman ni Gen na mas gusto niya ang Bulalakaw dahil Maaring saglit lang siyang nagbigay ng liwanag pero katumbas naman iyon ng kanyang buhay. At bigla-bigla na lamang siyang maglalaho, na para bang nahihiyang mapasalamatan. Maaring sa isang dulong ng kalawakan siya hihimlay ngunit makakaasa kang siya’y babalik. Bukas? Sa isang taon? O sa iba pang panahon. Babalik siya habang nabubuhay ang daigdig sa dilim ng mga butuin.” Hanggang sa Gumraduate na si Aya at Gen. niligarohan ni Aya si Gen ng Isang sumbrerong pambeysbol dahil Napansin daw niyang lumang-luma na ang sinusuot nitong sombrero. Samantalang Isang kard naman ang handog ni Gen kay Aya at mas nahihiya ito kaysa nagmamagaling na sabihin na ang kard ay sariling gawa niya, at pagbirong sinabi niya na wala ka kasing siyang pambili. Noong tiningnan iyon ni Aya ay napahanga siya sa galling magdrawing ni Gen. Sa pambungad ng kard ay may nakadrawing na dalawang batang nakaupo sa damuhan at nakasandal sa puno. Tinitingala nila ang isang bulalakaw na humihiwa sa madilim na kalawakan. Nakasulat din sa kard ang pagbati ni Gen at mga pangarap niya na sana maabot ni Aya ang mga hangad nito sa buhay.