DIVISION OF GEN. TRIAS CITY Project ISuLAT – ACTIVTY SHEETS in FILIPINO (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets) Baitang 7 –Ikaapat na Markahan MELC 46 Pangalan: ________________________________________Baitang – Seksyon : _______ Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor: _____ Fokus Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa: a. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan. Inabel Mga Tauhan sa Ibong Adarna Don Fernando Donya Valeriana Don Pedro Don Diego Don Juan Prinsesa Leonora Donya Juana Donya Maria Ibong Adarna Ermitanyo Serpiyente makatarungang hari ng Kahariang Berbanya. butihing kabiyak ni Don Fernando at reyna ng kahariang Berbanya. Siya ang mapagmahal na ina nina Don Pedro, Diego at Juan. Panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana. Ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana. Ikatlo at bunsong anak nina Don Fernando at Donya Valeriana sa Kaharian ng Berbanya. Siya ay likas na mabuti kung kaya’t paborito siya ng hari. dalagang nakatira sa kahariang matatagpuan sa ilalim ng mahiwagang balon. nakatatandang kapatid ni Prinsesa Leonora Magandang dalagang inibig ni Don Juan. Anak siya ni Haring Salermo ng Reino Delos Cristal. mahiwagang ibong tanging lunas sa hindi maipaliwanag na sakit ni Don Fernando. Matandang ketonging nilimusan ng pagkain ni Don Juan. Siya din ang naging daan upang mahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna. Nagtataglay ng pitong ulo. Tagapangalaga ni Prinsesa Leonora. Panuto: Tukuyin ang katangian ng mga tauhan sa koridong Ibong Adarna ayon sa ipinahihiwatig ng mga kaganapan sa mga piling saknong sa bawat bilang. – 5 puntos 1 DIVISION OF GEN. TRIAS CITY Project ISuLAT – ACTIVTY SHEETS in FILIPINO (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets) 1. Sa saknong na ito, sino ang tauhang tinutukoy at ano ang ugali/ katangiang ipinakikita rito? 115“Ama ko’y iyong tulutan ang bunso mo’y magpaalam, ako ang hahanap naman sa iyo pong kagamutan. a. Si Don Juan, ipinakikita rito kung gaano siya kamapamahiin. b. Si Don Juan, ipinakikita rito ang pagkukusa upang mahanap ang lunas sa sakit ng kaniyang ama. c. Si Don Pedro, ipinakikita rito kung gaano siya kamapamahiin. d. Si Don Diego, ipinakikita rito ang pagkukusa upang mahanap ang lunas sa sakit ng kaniyang ama. 2. Sa parteng ito inihayag ang pambubugbog ng magkapatid sa kanilang bunso upang palabasing sila ang nakahuli sa Ibong Adarna. Ano ang pinakamalapit na dahilan kung bakit nagawa nina Don Pedro at Don Diego ang kataksilang ito? 257 Sa palasyo nang dumating ang magkapatid na taksil sa ama’y agad na nagturing: “Ang Adarna’y dala namin!" a. Dahil sa kanilang pagiging taksil. b. Dahil sa inggit at kahihiyan sa sandaling lumabas ang totoong nangyari. c. Dahil sa ibig nilang pakasalan ang mga prinsesa sa ilalim ng balong kanilang natagpuan. d. Dahil sa ibig nang magkapatid na Don Pedro at Diego na mapakinggan ang tinig ng ibon. 3. Ito ang naging reaksiyon ng hari nang makita ang mahiwagang ibon na dala ng magkapatid na taksil. Ano ang ipinakikitang katangian ng ibon sa saknong na ito? 264“Ito baga ang Adarna?” Naitanong sa dalawa; “Kung ito nga’y ano baga’t Pagkapangit pala niya!” a. b. c. d. Pagiging pasaway Pagiging mapagtanim ng galit kaya ito nagpalit ng anyo Pagiging palaasar kaya’t pinapangit niya ang kaniyang anyo Pagiging tapat ng ibon sa taong nakahuli sa kaniya, pahiwatig din ito nang pag-aalala niya kay Don Juan. 4-5. Ito ang panawagan ni Prinsesa Leonora sa kaniyang mga panalangin nang ang minamahal na si Don Juan ay muling pagtaksilan ng mga kapatid. 2 DIVISION OF GEN. TRIAS CITY Project ISuLAT – ACTIVTY SHEETS in FILIPINO (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets) 791“Pag-asa ko, aking giliw, buhay ka at darating din, darating ka’t hahanguin si Leonora sa hilahil.” 4. Ano ang pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakabold sa huling taludtod? a. pagtangis b. pagkatakot c. pangamba d. pagdurusa 5. Ano ang mahihinuhang emosyon sa saknong na ito? a. pag-asa at pighati b. pagkadismaya at pagkaligalig c. pag-asa sa kabila ng lumbay d. lahat ng nabanggit Lingap (Gawaing Pasulat #1) Panuto: Inaasahan kong nabasa mo na at may kaalaman ka na sa Koridong Ibong Adarna. Sa pamamagitan ng iyong pagkaunawa, itala ang limang tauhang nakikita mong karapat-dapat tularan ng kapwa mo kabataan. Ilarawan sila isaisa at magtala ng mga patunay mula sa akda. – 5 puntos 1. 2. 3. 4. 5. (Paggampan # 1) PANUTO: Sumulat ng isang malayang tula tungkol sa katangian ng isang paboritong karakter sa binasang korido. Ang tula ay hindi hihigit sa limang saknong at hindi bababa sa tatlong saknong. Lumikha ng isang magandang pamagat para dito. – 5 puntoS 3