School Teacher Teaching Date Southville 8C ES Grade Level JEANNY ROSE M JACINTO June 3, 2022 Teaching Time I. LAYUNIN A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman) B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap) C. Most Essential Learning Competencies(MELC) (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC D. Enabling Competencies (Pagpapaganang Kasanayan) (Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.) II. NILALAMAN III. KAGAMITAN PANTURO A. Mga Sanggunian a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral c. Mga Pahina sa Teksbuk d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan IV. PAMAMARAAN A. Introduction (Panimula) Learning Area Quarter No. of Days Grade 2 MATHEMATICS Quarter 4 2 The learner deepens understanding of pictographs without and with scales The learner is able to interpret simple representations of data (pictographs without and with scales) Infers and interprets data presented in a pictograph without and with scales. M2SP-IVi-3.2 Infers and Interprets Data na Ipinakita sa Pictograph ng With or Without Scales MELC pahina 205, Budget of Work pahina 153 Modyul pahina 34-38 K to 12 LM pahina 284-286 https://www.youtube.com/watch?v=DS3W9W LIxlQ Powerpoint presentation, activity sheet, sagutang papel Kamustahan Tayo: Tatawag ang guro ng mag-aaral na maglalahad ng napapanahong isyu na may kinalaman sa may sitwasyon ng bansa tulad ng pananatili sa tahanan upang maging ligtas sa kumakalat na sakit. Magkaroon ng tatlong minutong talakayan tungkol dito. Maaaring talakayin ang mga pang-arawarawnagawain sa loob ng tahanan. Kamusta mga bata? Ano-ano ang mga paghahanda na inyong ginawa bago kayo pumasok sa ating klase? Pagsasanay (Solve Mentally!) Panuto: Tatawag ang guro ng mag-aaral na pipili sa mga larawan na may bilang na sasagutan. Basahin ang nakasulat na bilang at sagutin. Maging handa ang bawat isa sa pagsagot. 2, 4, -__,8 10, ___, 30, 40 5, 10, -15, __ 3, __, 9, 12 2, 3, 4, __, 6 Balikan Natin Suriing mabuti ang ilustrasyon ng isang kabuoang lupain sa Barangay San Isidro. Ang lupain ay hinati sa 4 at minarkahan ng A, B, C, at D. Gamit ang maliit na square sa ibaba, sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang kabuoang area sa lupain ng San Isidro na minarkahan ng A? 2. Ano ang kabuoang area sa lupain ng San Isidro na minarkahan ng B? 3. Ano ang kabuoang area sa lupain ng San Isidro na minarkahan ng C? 4. Ano ang kabuoang area sa lupain ng San Isidro na minarkahan ng D? 5. Ano ang kabuoang area ng lupain ng San Isidro A, B, C at D? Naunawaan na ba mga bata ang pagkuha ng Area gamit ang Square-tile units? Simulan ang aralin sa pagpapakita ng larawan na nasa powerpoint. Tingnan ninyo ang mga larawan sa ibaba. Ano ang mga nakikita ninyo? Sabihin: Ang mga sumusunod na larawan ay mga kalendaryo ng Abril, Mayo, Hunyo at Hulyo sa taong ito. Ngayon mga bata susuriin natin ang bawat buwan kung ano-ano ang mga holidays o mga idineklarang walang pasok sa sa bawat buwan. Buwan ng Abril/April April 1- Huwebes Santo April 2- Biyernes Santo April 9- Araw ng Kagitingan Buwan ng Mayo/May Mayo1- Araw ng Manggawa Buwan ng Hunyo/June Hunyo 11- idineklarang walang pasok sa buong Lalawigan ng Rizal (121st Founding anniversary sa darating na Hunyo 11. Ito ay unang itanaguyod ang Lalawigan ng Rizal noong Hunyo 11, 1901 na kahit isang siglo na ang nakalipas, pero puno pa rin ng pagmamahal tayong mga Rizaleňos para sa bayan natin. Hunyo 12- Araw ng Kalayaan Buwan ng Hulyo/ July Hulyo 12-Eid al-Adha Ipabilang sa mga bata ang bilang ng mga araw na walang pasok bawat buwan. Ipakita ang tsart. HOLIDAY/ WALANG PASOK Bilang ng araw Buwan III I II I Abril Mayo Hunyo Hulyo Tulungan ang mga batang mag-isip batay sa mga simbolo ng bawat buwan. Picture Graph/Grapiko ng Larawan HOLIDAY B i 5 l a n g 4 3 2 1 n g a r a Abril Mayo Hunyo Hulyo w B. Development (Pagpapaunlad) https://www.youtube.com/watch?v=DS3W9W LIxlQ Ipaawit sa mga bata ang Skip Counting by 2s, 5s, and 10s. Itanong sa mga bata: Ano-ano ang mga punong makikita sa inyong lugar? Nakakita na ba kayo ng punong niyog? Ano-ano kaya ang makukuha natin sa puno ng niyog? May malaking tulong ba ito sa buhay ng tao? Itanong sa mga bata kung nakapunta na sila sa Sitio Wawa, San Rafael, Rodriguez, Rizal. Ipakita ang larawan. Basahin ang kuwento. Ang Plantasyon ng Niyog ni Don Juan sa Sitio Wawa, San Rafael Si Don Juan ang may taniman ng niyog sa Sitio Wawa, San Rafael, Rodriguez, Rizal. Noong buwan ng Enero hanggang Mayo siya ay nagtanim ng mga puno ng niyog. Tingnan natin ang pictograph ng kaniyang mga itinanim bawat buwan. Ito ay isang halimbawa ng pictorgraph. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang pamagat ng pictograph? 2. Sino ang may Plantasyon ng Niyog? 3. Saan makikita ang Plantasyon ng Niyog? 4. Ano ang larawan o simbolong ginamit sa pictograph? 5. Ano-ano ang label na ginamit? 6. Ilang buwan nagtanim si Don Juan? 7. Ano ang katumbas na bilang ng bawat puno? 8. Anong buwan ang may pinakamaraming naitanim na puno ng niyog? 9. Anong buwan ang may pinakakaunting naitanim na puno ng niyog? Ipaliwanag sa mga bata na ang pictograph ay grap na gumagamit ng mga larawan o mga simbolo upang ipakita ang mga datos. Ang key or legend ay ang deskripsiyon ng larawan o ilustrasyon. Maiinterpreta natin ang pictograph gamit ang legend. Magpakita ng larawan ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Gumawa ng tally chart ayon sa sumusunod na pictograph. Sagutin ang mga tanong kaugnay dito. Mga Mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C na gumagamit ng Computer Room. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang pamagat ng pictograph? 2. Ilang bata ang gumagamit ng computer tuwing Lunes sa Paaralang Elementary ng Southville 8C? 3. Ilan naman ang gumagamit ng computer tuwing Biyernes sa Paaralang Elementary ng Southville 8C? 4. Anong araw ang may pinakamaraming bilang ng bata na gumagamit ng computer room sa Paaralang Elementary ng Southville 8C? 5. Anong mga araw ang may parehong bilang ng mga mag-aaral na gumagamit ng computer room? 6. Ano ang kabuoang bilang ng mga batang gumagamit ng computer room mula Lunes hanggang Biyernes sa Paaralang Elementary ng Southville 8C? C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Basahin ang maikling kuwento. Boy Scouts ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C Barangay Clean Up Nagkaroon nang programa ang Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal na tinatawag na Barangay Clean Up na lalahukan ng mga kabataang mag-aaral ng iba’t ibang paraalan sa Barangay San Isidro sa loob ng isang linggo. Bilang pakikiisa, ang pangkat ng Boy Scouts na mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C ay makikilahok sa nasabing programa. Makikita sa talaan ng mga Boy Scouts ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C na nakilahok sa programang Barangay Clean Up sa loob ng isang linggo. Ipagawa sa mga bata ang tally chart ayon sa pictograph ng Boy Scouts Barangay Clean Up. Araw Tala Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado D. Assimilation (Paglalapat) Gawain sa Pagkakatuto Bilang 3 Gumawa ng tally chart ayon sa sumusunod na pictograph. Sagutin ang mga tanong kaugnay dito. Bilang ng mga natanggap na premyo ng mga mag-aaral sa ikalawang Baitang pangkat Neptune sa patimpalak na “Let a Million Flower Bloom Project” ng Paaralang Elementarya ng Southville 8C Pangalan Premyo/ Award Laila Elsa Joyce Robbie Carl Legend: = 3 awards Mga Tanong: 1. Ano ang pamagat ng pictograph? 2. Ano-ano ang label sa pictograph? 3. Ano ang simbolo na ginamit sa pictograph? 4. Ilang mag-aaral ang nakatanggap ng paper stars? 5. Ilang premyo o award ang katumbas ng isang bituin? 6. Sino-sino ang nakatanggap ng may pinakamaraming premyo? 7. Sino ang nakatanggap ng pinakakaunting premyo? 8. Ano ang kabuoang bilang ng premyo o awards sa buwang ito? 9. Sino-sino ang pinakamahusay sa limang (5 ) mag-aaral? Ipaliwanag muli sa mga bata ang ibig sabihin ng pictograph. Ipabasa: Ang pictograph ay grap na gumagamit ng mga larawan o mga simbolo upang ipakita ang mga datos. Ang key or legend ay ang deskripsiyon ng larawan o ilustrasyon. Maiinterpreta natin ang pictograph gamit ang legend. Kumuha ng malinis na papel. Sagutin ang mga sumusunod. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 Gamitin ang impormasyon sa tally chart upang mapunan ang pictograph. Iguhit ang isang (1) sa bawat 2 bata. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Tally Chart Pictograph: Paboritong Meryenda ng Mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Southville 8C Paboritong Meryenda ng Mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Southville 8C Key: Ang isang (1) mag-aaral. ay kumakatawan sa 2 Panuto: Base sa Tally Chart sa Pictograph, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang pinakapaboritong meryenda ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Southville 8C? a. Pizza b. Tinapay c. Spaghetti 2. Ano ang hindi paborito ng mga mag-aaral na meryenda? a. Tinapay b. Sandwich c. Pizza 3. Ilang mag-aaral ang may gusto ng sandwich? a. 4 b. 6 c. 8 4. Ilang mag-aaral ang may gusto ng spaghetti at tinapay? a. 16 b. 12 c. 14 5. Ano ang kabuoang bilang ng mga magaaral Paaralang Elementarya ng Southville 8C? a. 34 b. 30 c. 32 Gawaing Bahay Ang sumusunod ay talaan ng mga miyembro ng Paaralang Elementarya ng southville 8C Sports Club. Gumawa ng Pictograph gamit ang talaang ito. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Paboritong Laro Name of Sport Number of Students Badminton 20 Basketball 35 Volleyball 18 Taekwondo 15 Baseball 24 V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt: Naunawaan ko na_______________________ Nabatid ko na ________________________ Inihanda ni: JEANNY ROSE M. JACINTO Teacher I