Uploaded by Jeffrey Farillas

Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY

advertisement
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis,
City of San Fernando, 2000 Pampanga
Akda
ATIENZA
Akdani:
ni: VERONICA
VERONICA D. ATIENZA
Guhitni:
ni: JONAS
JONAS B. NAVARRO
NAVARRO
Guhit
Disenyo ni:
ni: REY
REY MAR
MAR V. HIPOLITO
Disenyo
HIPOLITO
Ang Sikreto ni Lito
Aklat Pang-komiks: Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto
Para sa Katapatang Pang-Akademiko
Edisyon 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
komiks na ito ay nangangailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar
Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks
Manunulat: Veronica D. Atienza
Editor: Ma. Editha R. Caparas
Garry M. Achacoso
Mga Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor
Rose C. Mas
Mary Anne C. Angeles
John Paul C. Paje
Mark G. Asuncion
Tagaguhit: Tagalapat:
Jonas B. Navarro
Rey Mar V. Hipolito
Tagapamahala:
Librada M. Rubio
Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip
Michelle A. Mejica
Manolito B. Basilio
Garry M. Achacoso
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis City of San Fernando, (P)
Telefax (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Sa paaralan kung saan nag-aaral si
Lito, kinuha ni Aling Susan ang mga
modyul ng kaniyang anak.
Pag-uwi ni Aling Susan galing sa
paaralan, agad niyang ibinigay kay
Lito ang mga modyul.
Magandang umaga
po, Gng. Cruz!
Magandang umaga rin po.
Ito po ang mga modyul
ng inyong anak para sa
linggong ito.
Anak, pag-aralan at
sagutan mo na ang
mga iyan.
Saka na ako
magsasagot. Makapaglaro
nga muna.
Anak, bakit puro
paglalaro ang
inaatupag mo?
Ano ba iyan,
ang dami namang
sasagutan.
Mas masaya talagang
maglaro ng online game kaysa
magsagot ng modyul.
Ako po ang bahala
Inay, magsasagot po
ako mamaya.
1
Marami namang
mapagkukuhanan ng sagot
sa mga modyul.
Ilang araw pa ang lumipas ay hindi
pa rin naumpisahan ni Lito ang
pagsagot sa kaniyang mga modyul.
Aha! Alam ko na!
Naku! Wala pa akong
nauumpisahang sagutan
sa mga ito.
Madali lang akong
makakukuha ng sagot dito!
Ayan may nakuha
na akong mga sagot!
Marami palang
makokopyang sagot dito
sa Online Kopyahan.
2
Sinubukan din niyang manghingi ng
sagot mula sa kaniyang mga kaklase
sa kanilang pribadong group chat.
Maaasahan talaga
ang mga kaklase ko pagdating
sa kopyahan.
3
Isa-isa rin niyang tiningnan ang
mga susi sa pagwawasto na
nakalagay sa mga modyul.
Kokopyahin ko na lang
ang mga ito para hindi na ako
mahirapang mag-isip ng sagot!
Kinopya nga ni Lito ang mga sagot
na nakalagay sa modyul sa iba’t
ibang asignatura.
4
Samantala, isang proyekto
ang hindi magawa ni Lito.
Aha! Alam ko na kung
sino ang makatutulong
sa akin!
Naku! Ang hirap
namang gawin nito!
Matawagan nga
si Jose. Kayang-kaya
niyang gawin ang proyekto ko.
Babayaran ko na lang siya.
Hello, Jose! Gawin mo
na lang ang proyekto
ko. Magbabayad na
lang ako sa iyo.
Sige, tawagan na lang kita
kapag natapos ko na.
Nang matapos ang proyekto, kinuha ito
ni Aling Susan sa bahay nina Jose at
ibinigay ang bayad dito.
5
Isa naman sa mga gawain nila para sa asignaturang
Filipino ay ang pagsulat ng sanaysay.
Tinatamad akong
sumulat ng sanaysay.
Sumulat ng isang sanaysay
tungkol sa mga health workers
ngayong panahon ng pandemya.
Alam ko na kung
saan ako makakukuha
ng mga halimbawa!
Ano kaya ang isusulat ko
sa sanaysay? Hmmm...
Hahanap na lang ako
sa internet ng sanaysay at
kokopyahin ko!
Papalitan ko na lang
ang ibang salita para hindi
naman halata.
6
Isang araw bago ang
pasahan ay kinumusta
ni Aling Susan ang mga
sinagutang modyul ni Lito.
Tingnan ko nga
kung nasagutan na niya
ang mga ito.
Naku! May ilan pang
modyul na hindi pa nasasagutan
si Lito!
Lito, tapusin mo na ang
pagsagot sa mga modyul mo.
zZZZ
zzzz
Ako na nga lang ang
magsasagot ng mga ito.
7
Sumapit ang araw ng pasahan ng
modyul.
I-check ko na ang
sagot ng mga bata.
Naku, mukhang
nagkopyahan ang ilan sa
kanila!
Magandang umaga po.
Maganda
ang isinulat
na sanaysay
ni Lito.
Hindi maaaring
magpatuloy ang ganitong
gawain ng mga mag-aaral.
Dapat itong maitama!
Nabasa ko
na ito sa
internet!
8
Kinabukasan, nag-post ang kanilang guro
ng paalaala tungkol sa Online Kumustahan.
Haaaaaaay,
bakit kailangan pa
ang Online Kumustahan?
Tiiiiiiing!
Mag-reply na
nga rin ako.
Masaya ngang naglaro
si Lito ng kaniyang
paboritong online game.
Tara ‘tol, mag-online ka na
para makapaglaro tayo.
9
Sumapit ang alas-tres at tumunog
ang cellphone ni Lito habang
naglalaro siya.
Hello, bakit ba?
Ano ba iyan?
Naglalaro eh!
Online Kumustahan na,
hinahanap ka ni Ma’am!
Nagcheck siya ng attendance.
Hala, nakalimutan ko!
Magandang hapon po, Ma’am.
Pasensiya na po nahuli ako.
Magandang hapon din
sa iyo, Lito.
10
Sige, ituloy natin
ang kumustahan
natin.
Nagpatuloy ang Online Kumustahan
ng klase nila Lito.
Siya nga pala, nabasa ko na
ang mga sanaysay na ipinasa ninyo
tungkol sa mga health workers
at gusto kong batiin ang mga
nagpakita ng kahusayan sa pagsulat.
Ha! Ako po?
Isa na nga rito
ang sanaysay na
ginawa ni Lito.
Oo Lito, isa ang gawain mo sa
magagandang sanaysay na
nabasa ko.
Maaari mo bang ibahagi sa
amin kung paano mo ginawa
ang iyong sanaysay?
Ah..eh…Ma’am..ano po..
Hindi ko na po maalala
Ma’am.
Ganoon ba? Hindi
bale, baka sa susunod na
gawain ay makapagbahagi
ka na.
Huwag ka
nang mahiya
Lito, para magsilbing
inspirasyon ito
sa mga kaklase
mo.
11
Sa sumunod na Online Kumustahan ni Gng. Cruz sa klase nina Lito
ay tinalakay niya ang kahalagahan ng katapatan.
Magandang umaga sa inyong
lahat! Kumusta kayo?
Mabuti naman po Ma’am.
Paano ninyo mapananatili
ang inyong katapatan sa
pag-aaral sa panahong ito?
Babasahin ko pong mabuti
ang mga aralin sa modyul at
sisikaping sagutan ang mga ito.
Tama ang inyong mga
naging sagot!
Hindi ko po ipagagawa sa
iba ang aking mga gawain.
12
Nagpatuloy pa ang talakayan ni Gng. Cruz sa kaniyang klase.
Narito ang ilan sa mga paalaala at
paraan upang mapanatili ninyo ang
katapatan sa inyong pag-aaral.
Sikaping makapagbigay
ng sariling sagot sa mga
gawain sa modyul. Huwag
din ninyong kokopyahin ang
mga sagot na nakalagay sa
Susi sa Pagwawasto.
Mali rin na ipagawa sa
iba ang inyong mga
gawain lalo na kung may
kapalit na bayad.
Huwag ding kumuha at kumopya
ng gawain ng iba mula sa internet.
Naunawaan ba ninyo?
Iwasan din ang pangongopya
at pagpapakopya ng inyong
mga sagot.
Opo Ma’am.
Tandaan ninyo, ang
pandaraya ay hindi maganda.
13
Dahil sa nangyari, naisip ni
Lito na mali ang kaniyang mga
nagawa. Isang araw ay nagpadala
siya ng mensahe kay Gng. Cruz.
May mensahe si Lito,
ano kaya ito?
Tiiing!
Simula noon ay pinagsikapang
sagutan ni Lito ang kaniyang
mga modyul at gawain nang
may katapatan.
Mas masarap nga
sa pakiramdam kapag hindi
nandaraya.
WAKAS
14
Alam mo ba?
Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng
pandaraya o maling gawain na nakahahadlang sa pagsukat
ng tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga
mag-aaral. Hindi dapat gawin ng mga mag-aaral na
tulad mo ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat hindi
ito makatutulong sa paglinang at paghubog ng iyong
kaalaman at kasanayan. Narito ang ilan sa mga anyo nito:
1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit o pagkuha
ng anomang impormasyon, kagamitan, sanggunian o mga
kasanayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampagkatuto
mula sa iba. Halimbawa nito ay pangongopya ng
sagot mula sa ibang mag-aaral sa isang pagsusulit.
Kabilang din dito ang pagpayag ng isang mag-aaral na
kopyahin ng kapwa mag-aaral ang kaniyang sagot.
2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng pandaraya kung
saan kinukuha o ginagamit ang ideya, pananalita, disenyo,
sining, musika o iba pang mga likha at inaangkin ang
mga ito nang hindi kinikilala ang pinanggalingan o
hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari ng mga ito.
3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon (Falsification)
- Tumutukoy sa hindi awtorisadong paggawa o pagbabago
ng mga impormasyon sa mga gawaing pang-akademiko.
Halimbawa, paglikha ng hindi makatotohanang datos na
dapat ay magmumula sa isang aktuwal na eksperimento
o pag-iimbento ng sanggunian ng mga impormasyon.
4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay pangingialam o paninira
sa gawa ng iba upang mahadlangan ang matagumpay na
paggawa o pagtapos sa isang gawaing pang-akademiko.
Ang paninira sa likhang sining, eksperimento o disenyo
ng iba ay maituturing na pananabotahe. Ang hindi
pakikilahok o hindi pag-aambag sa isang pangkatang
proyekto ay masasabi ring isang uri ng sabotahe.
5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) Isang anyo ng academic dishonesty na maaaring
maganap alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:
• pagpapagawa sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya
upang matapos ang isang gawain nang walang kapalit
• paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa isang
free essay website at aangkinin bilang sariling likha
• isang takdang gawaing ginawa ng ibang tao nang may
kapalit na bayad.
Sanggunian:
Department of Education. 2021. “PROMOTING ACADEMIC HONESTY (DM-OUCI-2021-395)”.
Pasig City: Department of Education.
Hanapin at Tukuyin
Panuto: Hanapin mo sa word box ang mga salitang may kaugnayan
sa Academic Dishonesty. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Umiikot ang kuwento kay Lito, isang mag-aaral sa ikapitong
baitang na nahihirapan sa kaniyang pag-aaral ngayong panahon
ng pandemya. Ang pagwawalang-bahala at hindi pagtutuon
ng pansin sa pag-aaral ang lalong nagpahirap sa kaniya na
gawin at tapusin ang mga gawain sa paaralan. Dahil sa labis
na pagkabahala at kagipitan sa oras, naisip at nagawa niya ang
mga sikretong gawain upang makapagpasa sa nakatakdang
araw ng pasahan sa paaralan. Hindi nagtagal at natuklasan ng
kaniyang gurong si Gng. Cruz ang kaniyang ginawa. Ano kaya ang
sikreto ni Lito at anong pangyayari ang makapagpapabago rito?
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education- Regional Office III
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management Section (LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis,City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Download