Uploaded by Reynadevilla0214

FIL1 (2)

advertisement
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
GAWAING PASULAT
MODYUL 1
De Villa, Rey Nalyn G.
Bsma1-1
IKA-UNANG MUNGKAHI
IKA-PITONG
MUNGKAHI
Unang-una napaka importante na
sa murang edad pa lang ng isang bata ay
naiintindihan at nagagamit na ang wikang
Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy
na paglinang sa kakayahan ng mga bata na
magamit ito araw-araw
sakanilangpamumuhay. Sa paraang
komunikatibo kailangang maipagamit ang
wikang filipino. Sa pag-aaral ng Filipino,
hindi sapat na matukoy ng mga bata ang
mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas
magiging makabuluhan kung ipagagamit
ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba
.Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang
kanilang kaalaman at kakayahan sa
pagsasalita ng Filipino.
Pang huli upang tumaasang tingin ng mga
mag-aaral sa wikang pambansa, dapat gamitin ang Filipino sa
pananaliksik-panlipunan sa tingin ko mapapairal ang maka-Filipinong
pananaliksik sa pagpili ng mga paksa sa konteksto ng kalagayang
pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa. “Dapat may kabuluhan at
mapanghamon ang mga paksang sasaliksikin dahil ang pananaliksik ay
para sa kapuwa at sa lipunan at hindi pansarili lamang. Naniniwala din
ako na sa pamamagitan ngpagpili ng wika sa pananaliksik, maiuugnay
ang personal na aspirasiyon ng mga tao o mag aaral para
bayan.Mahalaga rin talakayin sa loob ng silid-aralan o lipunan ang mga
responsibilidad ng mananaliksik, kung saan tampok ang mga suliranin
na pilit hinahanapn ang solusyon. Kung kaya gaya nga ng nabanggit ko
nakap halaga na mas gamitin natin ang sariling wika natin dahi sa
pamamagitan ng sariling wika ang laman ng damdamin, ang lalim ng
pagkatao, ang katangian ng ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng
kultura at sining, ang kabihasaan sa anumang larangan at ang
katotohanan ng pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing
kaparaananupang maging isang ganap na tao
ang isang tao at maging isang ganapna
bansa ang isang bansa.
IKA- ANIM NA MUNGKAHI
Pangalawa dapat natin kaugalian na
ginagamit parati ang wika, na sa ganoon ay
magiging matatag ang pundasyon ng mga salita
natin ay siyang magagamit sa pag-unawa sa
maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang
mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas
o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig
tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang
Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa
pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin
ang maaaring pag ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng
pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagkaPilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan
ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit
ang wikang Filipino?
MGA MUNGKAHI PARA
MAPA-UNLAD ANG
PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO SA
PANANALIKSIK
Pang lima mahalagaang pagkakaroon
ng malalim na pag-unawa at tamang paggamit ng Wikang
Filipino sa pakikipag-ugnayan at pananaliksik
higit lalo sa mga usapin patungkol sa kaunlaran,kapayapaan
at katarungan. Ang pundasyon ng isang bansa ay lalong
sadyang matibay kung ang mga mamamayan ay
nagkakaunawaan gamit ang isang wika.Ang wika ang siyang
nagbubuklod sa ating mga adhikain. Kasabay ng ating
pagpapayabong sa Pambansang Wika, hinihikayat din ang
pagpapahalaga at paggamit nito sa atingkomunidad,tahanan
at paaralan. Ang wika ang kasangkapan sa pagpapadaloy
ng kultura, ang kultura naman ang humuhubog
sa kung paano gumagana ang wika sa tiyak na lipunan o
pangkat-tao, at ang wika naman ang linggwistikong sagisag
ng mamamayang nagsasalita nito na nagbubuklod ng
kalinangang pinagsasaluhan kaya napakaimportante na
gamitin at mahalin natin ang sariling atin.
IKALAWANG MUNGKAHI
Pangatlo ay
ang paggamit ng wikang filipino sa pagaaral
at dapat isinusulong ang pagsasalin at
paggawa ng mga libro sa wikang Filipino. Sa
usapin ng pagsasalin, mahalaga na isa
konteksto ang mga ideya sa karansan ng mga
Pilipino para mas madali itong maintindihan.
Marami pa tayong hindi natutuklasan sa
kasaysayan, sa kultura natin, na kailangan
tuklasin ng mga mag-aaral sa siyensya at
eknolohiya. Mahalaga din na ang mga
estudyante’t propesor ng mga unibersidad at
paaralan ay nagkakaisa sa pagpapalawak at
paggamit ng wikang Filipino. Importante rin na
alisin ang makitid na pagtingin sa ating wika at
magsama-sama upangitaguyod ang Filipino
bilang pambansang wika.
Pang-apat napa-kaimportanteng na mas
mahalin at gamitin natin ang wikang filipino at
hindi ang ibang wika pakikipag-ugnayan.
Bagama’t batid ko na marami sa atin ngayon
ang nahuhumaling o mas tinatangkilik ang
paggamit ng wikang banyaga o ingles ngunit
hindi ito na dapat gawing kaugalian ang
paggamit wikang ingles ay hindi sagot o
solusyon sa pag unlad.Sapagkat ang wika,
alin mang bansa sa sangsinukob at siyang
ginagamit na mabisang kasangkapan sa
pagpapahayag ng kanilang damdamin, sa
pagtuklas ng karunugan at pagtatangol ng
karapatan.Ang wika ay ang katali sa ating
kultura. Ito ay nagsisilbing instrumento sa
pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
IKA-TATLONG
MUNGKAHI
IKA-APAT NA MUNGKAHI
Download