Ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman kaya’t kailangang pahalagahan. Paulit-ulit man nating naririnig ang salawikaing ito, hindi pa rin maikaka-ila ang katotohanang taglay nito. Ngunit sa panahon ng pandemyang ito, paano kung hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala sa’tin kundi maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus, anong mas pipiliin mo? Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong dinadagsa tayo ng masasamang balita, mahirap umiwas sa pag-aalala para sa iyong sarili, maging sa mga mahal sa buhay. Lalo na ngayon at may kinakaharap tayong pandemya na hindi natin alam kung kalian matatapos. Isang malaking isyu sa gitna ng ating kinakaharap na pandemya ay ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang school year. Naging mainit ang usapin patungkol sa pagbukas ng klase nitong Agosto. Ang mga estudyante at magulang ay naghahanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic. Hinaing ng mga tao na hindi kaya ng marami sa ating kababayan ang online learning dahil sa dagdag na gastusin sa pagbili ng mga gadget at pang-load para sa internet. Dulot na rin ng kawalan ng trabaho at kakulangan sa tulong pinansyal, maraming mga pamilya ang naghihikahos para lamang makaraos sa araw-araw. Kung mayroon man na natatanggap na ayuda, ito’y kulang na kulang sapagka’t kailangan itong ipambayad sa mga utang sa kuryente at tubig sa mga nagdaang buwan, at kailangan magtabi ng pera para sa pagkain at iba pang pangangailangan. Isa pang problema ang kawalan ng maayos na internet connection, kung mayroon mang matibay na signal na nakukuha. Marami rin ang hindi makaka-akses sa mga educational resources lalo kung online lamang ang mga ito at walang mga pang-estudyanteng pasilidad sa mga lokalidad. Batid naman ng pamahalaan ng edukasyon na may gantong magiging problema kaya’t ginagawan nila ang lahat para lang mabigay ang tulong na kailangan ng bawat magulang at estudyante. Panawagan din nila na bigyan lang ng ilang buwan at baka mas gumaan paunti-unti ang sitwasyon. At mas mahirap naman kung matitigil sa bahay na walang natutunan ang mga bata. At higit sa lahat mahalaga na magkaroon ng matinding suporta ang mga guro at mga magulang.Para sa mga guro, dapat lang na ibigay din sa kanila ang kanilang pangangailangan at suporta dahil hindi din madali sa kanila ang mabigat na pagbabago ng paraan ng pagtuturo ngayon at dapat lang din na taasan ang kanilang sahod.Para sa mga magulang, lalo na yung pinagsasabay ang pag aasikaso sa mga bata pagtuturo, at pagta-trabaho, mahalaga ang suporta ni mister o misis o ng kung sinoman ang inyong kaagapay sa pagpapalaki sa inyong mga anak. At para sa mga mga estudyante kapakanan nila ang dapat nating inuuna. Dapat lang na nauunawan ng mga guro ang pinag dadaan ng mg