Uploaded by celineee0000

litfinals

advertisement
Aralin 1: University of Batangas Mission, Vision, Philosophy, Goals and Objectives
Ang araling ito ay tumatalakay sa PVMGO ng unibersidad. Binibigyang pansin ang mga
adhikain at layunin ng unibersidad hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa
komunidad.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nabibigkas nang pasalita ang PVMGO ng unibersidad.
2. Naisasabuhay ang pilosopiya, misyon , bisyon at layunin ng universidad.
3. Naisasapuso ang PVMGO sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng
malikhaing gawain.
Paunang Pagtataya:
Susing Tanong: Ano ang hangarin at layunin ng unibersidad sa iyo bilang isang magaaral at paano ito makatutulong sa iyo sa pag -abot ng iyong mga pangarap?
Mga Kagamitan/Nilalaman
Philosophy
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution,
believes in the pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation
and improvement of the Philippine society. It has faith in the dignity of the human
person, in the democratic process, in the reward for individual excellence, and in the
freedom of a person to worship God according to his conscience. Thus, the institution
believes that the development of the individual as a person and worker is an effective
means in building a better family, community and nation, and a better world.
Vision
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve
the broader community through quality education.
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment.
Goals
1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer
projects can be implemented with the direct and indirect involvement of the UB
family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination
and cooperation with services and welfare organizations.
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts,
health and safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc.
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or
individual through enhancement programs like group dynamics, recollections,
retreats, etc.
5. To support environmental awareness and management programs and other
community development projects.
Objectives
1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of
truth, and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of
instructional delivery.
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational
process that will enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities
and systems development;
6. Ensure financial viability and profitability
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional
and global labor environment; and
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development
Aralin 2: Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
Ang araling ito ay tumatalakay sa kahulugan ng panitikan gayundin sa iba’t ibang uri
nito. Inisa-isa rin ang mga katangian ng mabuting akdang pampanitikan at ang
kahalagahang panlipunan ng matalino at epektibong panunuring pampanitikan.
Sa katapusan ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan na:
Naipahahayag ang kahulugan at mga uri ng panitikan.
Naipaliliwanag ang batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan
at ang mga katangian ng isang mabuting manunuri ng panitikan.
3. Naipahahayag ang mga isyung panlipunan na kasalukuyang
pinapaksa sa mga akdang pampanitikan.
4. Naipahahayag nang may kasiningan ang mga kaalaman sa
pamamagitan ng paglikha ng isang tula.
1.
2.
Paunang Pagtataya
Alamin natin ang iyong sariling pagpapakahulugan at pang-unawa sa salitang Panitikan.
Punan ng iyong kasagutan ang mga kahon sa ibaba.
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng panitikan – mula sa mga unang akdang
pasalita hanggang sa mga kathang nakasulat. Nariyan ang mag bugtong at sawikain, ang
relihiyosong mga tula, ang pasyon, ang makukulay na awit at korido, ang mga akdang
rebolusyonaryo sa huling mga dekada ng ika-19 na dantaon, ang mga nobela at maikling
kwento, ang iba’t ibang uri ng dula, sanaysay, at ilan pang mga anyong pampanitikan.
Bagamat ang sistematikong pagkalap ng mga akda at ang pagsasaaklat ng mga ito ay
nagaganap pa rin sa kasalukuyan, marami nang pagtatangka na magbigay ng pagsusuri
sa naturang mga akda na tinaguriang panitikan.
Sa mga aklat na ginamit sa kolehiyo at unibersidad sa pagtuturo ng katutubong
panitikan, maraming sagot na ibinigay sa mga sumusunod na mahahalagang
katanungan: Ano ang panitikan? Ano ang kaugnayan nito sa buhay? Ano-anong mga
elemento ang bumubuo rito?
Kabilang sa mga kinagawiang sagot ang mga sumusunod na pormulasyon:
• Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o
representasyon ng buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan
• Ito ay isang likhang-isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga
upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.
• Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na
mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
• Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga
adhika at simulain, bukod sa pagiging instrumento sa pagbuo ng karakter
ng tao.
Iba pang kahulugan:
• Ang panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan.
• Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng
kanyang puso at isip.
• Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at
pinasisigla rin nito ang damdaming pagpapahalaga sa minanang
kultura na binuo ng mga henyo ng ating lahi.
• Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika ay hindi
lamang lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito ay
kuhanan-impukan ng alinmang kultura.” Nilalaman at iniingatan nito ang
sining, karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
Ano SOSLIT
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na
nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na
tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman
at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o
marhinalisado, at iba pa.
Anyo at Uri ng Panitikan
Ating muling alamin ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang link sa ibaba.
Link: https://quizlet.com/45736496/flashcards
Ang salitang panitikan ay nagmula sa panlaping PANG-na nagiging PAN-kapag
inuunlapi sa salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK,
na nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na ang
ibig sabihin ay proseso o paraan. Samakatuwid,
PANG+TITIK= PAN+TITIK= PANITIK+AN = PANITIKAN
Ang panitikan ay nahahati sa dalawang anyo.
1. TULUYAN o PROSA. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pangungusap at mga talatang may iisang
diwa.
2. PATULA o PANULAAN. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa di-karaniwang
takbo ng pangungusap. Ito ay may sukat at tugma at nabubuo sa pamamagitan
ng mga taludtod na nabubuo sa isang saknong.
Mga Genre o Uri ng Panitikan
Ang dalawang anyo ng panitikan na nabanggit sa itaas ay binubuo ng mga uri ng
panitikan. Ang tiyak na uri ng panitikan ay tinatawag na GENRE. Bawat genre ay
naglalahad at nagsasalaysay ng iba’t ibang layunin at pumapaksa sa maraming uri ng
bagay o pilosopiya. https://www.coursehero.com/file/28308819/Lektyur-Panitikanpdf/
1. Mga Akdang Tuluyan
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
h.
i.
https://tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/2014/10/25/ang-panitikan-at-mgauri/
Alamat - pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
Anekdota - tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao
Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba’t ibang kabanata
Pabula - mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan
Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral
Maikling Kwento - isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang
Dula - nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
Sanaysay – isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal
na kuru-kuro ng may-akda.
Talambuhay - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari o impormasyon
Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado
k. Kuwentong-bayan - karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain
l. Balita - mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang
lugar o bansa.
1.
j.
1. Mga Akdang Patula
https://ebalagat.wordpress.com/2016/11/24/mga-akdang-patula/
a.
Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
b. Awit at Korido - Naglalaman ang isang awitin ng bahaging pang-tinig na
ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko),
karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika. Ang korido ay isang
uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng
mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na
linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.
c. Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
d. Ballad - ang ballad ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
e. Sawikain – idyoma, moto, salawikain
f. Bugtong - pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
g. Kantahin - (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig
ng lugar sa bansa
h. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral
at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga
kabataan
Panunuring Pampanitikan
Pag-alam. Pagtantiya. Pagtimbang. Pagbusisi. Pagsipat.
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates hinggil
sa panunuring pampanitikan, kinikilates ng Pilipino ang isang bagay para alamin o di kaya
ay tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may
kabuluhan.
Sa kulturang Pilipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung
ano ang iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito. Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o
sinisipat para makitang mabuti ang hindi agad nakikita sa unang tingin.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula,
maikling kwento, nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang
akda upang makabuo ng kahulugan at pagpapahalaga kaugnay nito.
Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain
ng kristisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa
itong espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kristisismo sa
kabuuuang produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi
dito.
Katangian ng Isang Akdang Pampanitikan
• Alamin ang mga katangian ng isang akdang pampanitikan gamit ang link sa
ibaba.
• Link:
•
•
Katangian ng Mabuting Kritiko
Ang mga sumusunod ang mga katangian ng isang mabuting kritiko:
• Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
• Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
• Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
• Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
• Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
• Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan
ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
• Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit
Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
Sa panunuri, nakikita ang bumubuo sa pagkatao ng mga Pilipino, kung ano ang
pinahahalagahan niya, at kung ano ang suliraning kinasasangkutan niya. Napapalutang
nito kung ano ang klase ng pamumuhay niya.
Sinusuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga
tanong na:
• Ano ang sinasabi ng akda?
• Paano ito sinabi?
• Kailan ito nasulat?
•
Sino ang sumulat?
• Para kanino ito isinulat?
Sa iyong mga gagawing pagsusuri sa asignaturang ito, maaari mong gamitin ang
mga katanungan sa ibaba upang higit pang mapalalim ang iyong pagkaunawa.
• Anong karanasan na siyang paksa ng representasyon ng mga akdang
binasa ang tinutukoy sa pagbasa?
• Paano inilalarawan o nirerepresenta ang karanasan?
• Ano-anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa mga
akda?
• Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan mo?
• Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
• Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga tauhan?
• Ano-ano ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?
• Kaninong ideolohiya ang sinusuportahan o di kaya ay kinokontra ng
akda?
• Paano ito nagagawa ng teksto?
Para sa mga estudyante, ang kaalaman at kasanayang magmumula sa panunuri
ng panitikan ay hindi lamang magpapatalas sa mapanuring pag-iisip. Hahamon din ito sa
aktibong pagsali sa mahahalagang usapin katulad ng pagbubuo ng kaalaman para
makilala ng Pilipino ang kanyang sarili, ang kanyang pagkalahi at pagkabansa, para sa
panlipunang pagbabago.
Pansariling Pagtataya:
1. Ano ang mahalagang gampanin ng panunuring pampanitikan sa patuloy na
pagpapayaman ng sining at literatura?
2. Paano nakatutulong ang panitikan sa paghubog, paglago, at pagbabago ng
lipunan?
3. Sa iyong palagay, anong mga pagpapahalaga ang maaari mong matutunan sa
pag-aaral at panunuri ng isang akda?
4. Pagkilala sa May-Akda
5. Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng
kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.
6. Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria
Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat
na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong
dekada 50. Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High
School), Philippine Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na
Philippine Normal University ngayon), at University of Santo Tomas. Nagturo siyá
nang 46 taon sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at
Arellano High School, at naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa PNC.
7. Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of
the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post
Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri
sa sikolohiya ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong
Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang
Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling kuwento at sanaysay sa
Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na koleksiyon ay nasa
Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang Mga
Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang
asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga
Sanaysay, Mga Dula noong 1992.
8. Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga
timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding
PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award
ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng
mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong
1992.
Liham sa Kabataan ng Taong 2070
ni Genoveva Edroza-Matute
Ika-2 ng Abril, 1970
Sa Iyo, Kabataan ng 2070,
Mula sa pusod ng malalim na pag-iisa ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa. sinulat ko a
kong kong hakdawin ang isang nuong dantaon, ng ating salinlahi upang iabot sa iyo kabataan, ang bu
na sa karumihan at katiwalian at madlang kasalanan na kamay. Upang humingi ng kapatawaran sa ib
umamot ng anag-ag ng pag-asa sa gitna ng kalituhan ng kasalukuyang panahon.
Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May pangkat na da
bulaklak at papuri sa Bantayog doon ni Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tu
"Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunong namama
sa lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa telang galing sa Hongkong. At tapos na ang A
upang ilabas na muli sa isang taon. Ang mga baro’t saya, at barongs, pati na wika.
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang dating itinagur
allergic, pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog,
salitang Barong-Tagalog. Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag maram
Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) n
Barongs ay hindi magiging barongs (mabilis)? Paano nga pala ninyo malalaman, Kabataan ng 2070
Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng pagsasalita, kahit ng sariling wika,
Crowd? Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino n
Romyulow; ang Pedro ay Pedrow; ang Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay
may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng pangalan ko, at nagtanong sa akin, "Are you, Mrs
Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong mo? Talag
salita ng ingles na parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog
lamang. Yan ang lumitaw sa isang pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano
na Pilipina. Ni hindi para sa mga utusan sa mga aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aks
iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit pa ganito, "yu et na, Rechard... ha. Ay wil
gagamit ng Filipino.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa inyong panah
wika, kaya sa kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididigh
sa amin, pagkain kasangkap. Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng
kabataan. Wala na ang banyangang sumakop, matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na k
iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam, kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawa
ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan? Naunahan na kami ng malayung-malay
na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat na ngang g
Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng maasahan, hindi n
Amerikano-makapangyarihang dolar, masarap na pagllabay ng walang gugul, sarisaring Iskolarship
deplomacy. Oo,kabataan ng 2070, saaming panahon ay "status symbol" parin ang humingi ng pauma
pambansa. Kalakaran parin sa mataas na pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang magtalum
at mag-Ingles na pagkatapos. Karangalan pa ring hindi raw maisaulo ang poambansang Awit sa Fil
pagiging guro, oo, magiging guro, napagkaisahan sa puliong ng mga mag-aaral " hindi pa panahon u
at isang "matalinong magiging guro ang humingi ng tuldok na ayos" (point of order) at "akin ang sahi
lamang sa pamamagitan ng di-matapos-tapos na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring dalubhas
nang lumipat na sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa kanyang mga kasamahan, "O, ano
Paunang Pagtataya
Suriin ang nilalaman ng tula at sikapin na masagutan ang mga gabay na tanong.
Bata, Bata, Ano ang Pangarap Mo?
ni Ben Beltran, SVD
Brasong payat ang unan, banig mo ay karton
Nanginginig ka sa ginaw, sa higaang kariton
Damit mo na gusgusin, hindi na nalabhan
Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan.
Mga batang lansangan sa gubat na aspalto
Lahat panay sabog sa solvent o shabu
Ang iba’y nagtitinda ng tsiklet, sigarilyo
O sariling katawan sa dayuhang milyonaryo.
Refrain:
Bata, bata, ano ang pangarap mo?
Paglaki mo kaya ika’y maging ano?
Naglipana sa kalye, mga musmos na tulad mo
May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno.
Sa lipunan ng mga pipi, bulag at bingi
Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
Pag-asa ka ng bayan, tadhana’y malagim
Hinigop ng buhawi, nilamon ng dilim.
Gabay sa Pagsusuri
1. Sino ang persona sa tula? Paano mo ito nasabi?
2. Ano ang larawan ng bata sa akda?
3. Paanong higit na nailalarawan ang kalagayan ng bata sa indayog ng pagbasa sa
tula?
4. Anong mga imahen sa tula ang ginamit na nagpatingkad sa mensahe nito?
5. Aling taludtod o saknong sa tula ang nagbigay ng pinakamalinaw na larawan ng
kahirapan? Ipaliwanag ang napili.
Mga Kagamitan/Nilalaman
Panitikan Hinggil sa Kahirapan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao at ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang kahirapan ay ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa
sa mga sitwasyon na kinakaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan
lalo na ang mga kabataan. Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi
nakakamtan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang
araw-araw.
Ang mga taong nakakaranas ng kahirapan ay paminsan umaasa na lamang sa gobyerno
dahil sila ay nawawalan na ng pag-asa at inaasahan nila na magagawan ng solusyon
ang kanilang kinalalagyan, ngunit ang inaasahan nilang tulong ay paminsan nagiging
sanhi ng korupsyon. At ang iba naman ay hinahayaan na lang na kainin sila ng kahirapan.
Ano nga ba ang permanenteng solusyon para dito? May solusyon nga ba talaga?.
Ang isang tao mahirap man o mayaman ay may karapatang makatanggap ng payak na
pangangailangan katulad ng pangangalagang pangkalusugan, malinis na tubig, sapat na
pagkain sa pang-araw-araw, at malinis na kapaligiran. Ngunit bakit hindi sila
nakakatanggap nito kung ito ay isang karapatang panlahat?
ANYO NG KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang
isang halaga o ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolute na kahirapan ang
kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang
makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang
pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang
pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng
pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi
kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga
karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay
maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng
korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos
ng utak/kaalaman ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalusugan
Paano nasusukat ang Kahirapan?
Ayon sa United Nations (UN) nasusukat ang kahirapan bilang absolute o relative.
Ang absolute na kahirapan ay sumusukat sa kahirapan kaugnay ng dami ng pera o
halagang kakailanganin para matugunan ang mga batayang pangangailangan tulad ng
pagkain, pabahay at pananamit o basic needs. Ang relative na kahirapan naman ay
nagbibigay kahulugan sa kahirapan batay sa ugnayan nito sa ekonomikong
kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan. Halimbawa, maaaring ituring na
mahirap ang isang tao kung ang kanyang estado ng pamumuhay ay mas mababa
kaysa sa itinakdang karaniwang antas ng pamumuhay sa isang lugar (Habitat, 2019,
Bernales, 2020).
Mula sa tala ng multi-dimentional poverty index (MPI) may apat na dimensiyon
ang sinusuri upang tukuyin ang kahirapan sa Pilipinas: 1)edukasyon, 2) kalusugan at
nutrisyon, 3) pabahay, tubig at sanitasyon, at 4) trabaho.
SANHI NG KAHIRAPAN
KAKULANGAN SA EDUKASYON
Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay
ang kakulangan sa edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat
na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya. Edukasyon ay importante dahil
ito ay ang tanging yaman na hindi kailanman mananakaw. Ito ang nakakapag-hulma sa
ating kaisipan at kakayahang maging matagumpay sa buhay. Ang kawalan ng
edukasyon ay nakakapagdulot ng kamangmangan sa mga kabataan. Kadalasan nating
sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit ano ang mangyayari sa
ating kinabukasan kung ang kabataan sa mga hirap na bayan ay tila hindi nakapag-
tatapos? Dahil dito, ang karamihan sa kanila ay napipilitang mag hanap ng trabaho
kung saan ang sahod ay mababa lamang.
KAWALAN NG TRABAHO
Ito ang nagdudulot sa kahirapan. Ukol sa ating ekonomiya at sa overpopulation,
hindi na sapat ang bilang ng trabaho sa dami ng mga nagtatapos. Dahil dito wala silang
pagkakakitaan upang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa pang araw-araw na
pangagailangan.
EPEKTO SA KABATAAN
Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang mga
kadalasang epekto nito ay ang:
MAAGANG PAGBUBUNTIS
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis
dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at
kung ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga
pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa dahil mas lalong nadadagdagan
ang nanganganak .
KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN
Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang
pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay
may kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain.
Paglalagom:
Magkakaiba ang mukha ng kahirapan; ito ay dahil sa magkakaiba rin ang danas sa
penomenong siyang isa sa pinakapangunahin at batayang suliranin ng maraming bansa
sa mundo. May kahirapan maging sa mga mauunlad na bansa, ngunit higit ang
kahirapan sa mga tinatawag na third world at developing countries. Magkakaiba rin ang
pamantayan sa pagsukat ng kahirapan sa iba’t ibang mga bansa, bagaman mayroong
mga rekomendadong panukat sa insidente ng kahirapan sa daigdig.
Efren R. Abueg
Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring
librong pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964),
Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973).
Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob
sa kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at
1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad
Balagtas (1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at
Mangangatha sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman,
nagwagi siya sa timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit
niya ang unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958.
Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang
akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972),
Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (197477), Ateneo de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor siya sa De La
Salle University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL,
1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at
direktor ng Philippine Folklore Society. http://panitikan.ph/2013/05/15/efren-abueg/
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng akda ni Efren R. Abueg.
MABANGIS NA LUNGSOD
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumant
araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng
unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat a
na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lam
ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katul
walang kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roo
na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taon
na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng
sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman
simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya s
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na
loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tuno
ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot
“Mama... Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay
napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan ni A
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan
untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simba
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kan
maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpi
At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno
kaniyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakarar
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papal
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manap
napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Asng pang
nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwag
mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na ap
ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niya
pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na
palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang
nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lu
ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala,
“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawa
pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya r
biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang ap
Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matand
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula’y marahan, n
ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumik
paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siy
sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng
ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simb
kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyan
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting la
laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na
ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa ka
Mga Kagamitan/Nilalaman
Pagkilala sa May-Akda
DOMINADOR B. MIRASOL
Siya ay anak ng mag-asawang Aklanon at Bikolana na nagkaugat sa Tondo.
Manggagawa sa lagarian ang kanyang ama, kaya’t bukod sa mga estero, barungbarong
at mga looban ay karaniwan na ring tanawin sa kanya ang mga troso at kusutan. Ang
mga paksang hinango mula sa kanyang nilikhang kapaligiran ay hindi katakatakang
matuklasan sa marami ng kanyang isinulat na akda.
Nagsimula siyang sumulat noong labingwalong taong gulang, naging patnugot siya ng
pitak sa Pilipino ng “The Quezonian” pahayagang pang-estudyante ng MLQ University.
Pagkaraang makapag-aral doon ng journalism ay naging kagawad siya ng Aliwan, at
nang lumaon ay ng Liwayway.
Isa siya sa mga sinanay na kabataang manunulat ng palihang pampanitikan sa ilalim ng
noo’y direktor ng editoryal ng Liwayway si Agustin C. Fabian. Mula roon, ay gumawa siya
ng sariling pangalan sa panitikan.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca Memorial
Awards. Unang Gantimpala noong 1964 sa kanyang kuwentong “Mga Aso sa Lagarian”
gayundin ang kanyang “Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak” noong 1970.
Kabilang sa kanyang mga isinulat na nobela ay ang : Apoy sa Madaling Araw” ko-awtor
si Rogelio L. Ordonez na nagtamo ng pangalawang gantimpala sa timpalak ng nobela ng
Liwayway noong 1963. “Mga Halik sa Alikabok” unang gantimpala noong 1966 at
“Magkabiyak ng Larawan” na nalathala rin sa Liwayway noong 1973-1974.
Naging lecturer sa Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, kaugnay siya
sa kasalukuyan sa DPI at magpahanggang ngayon ay patuloy pang may hinahanap sa
buhay.
Paksang Aralin: Eli, Eli Lama Sabachthani? Ni Dominador Mirasol
Serye ng kawalang-pag-asa sa buhay ni Elias. Nakulong dahil sa pagpatay nang
ipinagtanggol si Celia sa manggagahasa; mala-hayop ang pagtrato sa bilanggong
menor-de-edad sa Welfareville; lupit na buhay sa bilangguan dahil sa pagkain, sanidad,
at siksikang espasyo; at ang iniihiang pagkain para sa mga preso. Nakapatay muli si
Elias at inilipat naman sa Deathrow. Sa pagbitay, nagkaroon ng bagong pag-asa si
Elias: sa pagbabanyuhay.
LIT 1 MODYUL 3
Continue
Aralin 1: Mga Uri at Halimbawa ng Karapatang Pantao; Mga Piling
Akda hinggil sa Karapatang Pantao
Aralin 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa ang mga
pangunahing pangangailangan bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating
karapatan bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan.
Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibubuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa mga akdang pampanitikan
tungkol sa karapatang pantao.
2. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayan ng lipunan gayundin ang pagkilala sa may akda.
3. Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin ng akdang nabasa sa pasulat na gawain.
4. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng
mga makabuluhang akdang pampanitikang nakatuon sa karapatang pantao.
Mga Kagamitan/Nilalaman:
Ang isyu sa karapatang pantao ay nananatili pa ring isang mainit na usapin sa
bawat bansa sa mundo. Sa katunayan, ayon sa United for Human Rights(2019), tila
malayo pa sa katotohanan na maipatupad ang Universal Declaration of Human Rights sa
iba’t ibang bansa dahil sa tumitinding karahasan at pang-aabusong nararanasan lalo na
sa mga bansang mahihirap. Patunay rin dito ang ulat ng Amnesty International 2017’s
World Report na nagsasabing nararanasan pa rin lalong-lalo sa kontinente ng Africa at
ilang bansa sa Asya ang represyon, pang-aabuso at pagpatay.
Ano nga ba ang Mga Karapatang Pantao?
Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian na
naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado
bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan.
Karaniwang nauunawaan sila bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan "na
nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya" at "na likas sa lahat
ng mga tao", anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon,
lahi, o anumang iba pang kalagayan. Angkop sila saanman at kailanman sa diwa ng
pagiging pansansinukob, at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay ito
sa lahat. Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng
batas at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang
pantao ng iba, at karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung
resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari; halimbawa, maaaring
kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto,
pagpapahirap, at pagbitay.
Naging napakamaimpluwensya ang doktrina ng karapatang pantao sa larangan
ng pandaigdigang batas at sa loob ng mga pandaigdigan at panrehiyonal na institusyon.
Binubuo ng mga kilos ng mga estado at di-pampamahalaang organisasyon ang isang
batayan ng patakarang pampubliko sa buong mundo. Iminumungkahi ng ideya ng
karapatang pantao na "kung maaaring sabihin na may karaniwang wikang moral ang
pahayag pangmadla ng pandaigdigang lipunan tuwing kapayapaan, ito ay yaong sa
karapatang pantao". Patuloy ang mga matibay na pag-angkin na ginawa ng doktrina ng
karapatang pantao sa pagpupukaw ng maraming pag-aalinlangan at debate tungkol sa
nilalaman, kaurian at katwiran ng karapatang pantao hanggang sa panahong ito. Ang
eksaktong kahulugan ng salitang karapatan ay kontrobersyal at paksa ng patuloy na
debateng pilosopikal; habang nagkakaisa na sumasaklaw ang karapatang pantao sa
malawakang uri ng mga karapatan tulad ng karapatan sa makatarungang paglilitis,
proteksyon mula sa pang-aalipin, kalayaan sa pananalita o karapatan sa edukasyon, may
di-pagkakasundo tungkol sa alin ng mga tanging karapatan ang dapat maisasama sa
pangkalahatang balangkas ng karapatang pantao; iminumungkahi ng iilang palaisip na
ang karapatang pantao ay dapat saligang kahilingan upang maiwasan ang mga
pinakamalubhang kaso ng abuso, habang itinuturing ito ng iba bilang mas mataas na
pamantayan.
Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya
ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga
karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng
mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang
pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan.
Uri ng Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan.
Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari ng mga
indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga
karapatang ito at ang sibil o pulitikal na karapatan, ang panlipunan, pangkabuhayan, at
kultural na karapatan.
1.
1. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at
mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang karapatang
mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan, maghanapbuhay at
mamili ng hanapbuhay.
2. Karapatang Politikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso
ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa
referendum at plebisito.
3. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa
isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
4. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.
5. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural
ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao na bumuo ng
pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at pangkultural na pagunlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng
malusog na kapaligiran.
MGA HALIMBAWA NG KARAPATANG PANTAO
•
•
•
•
•
•
Kalayaan sa pagsasalita
Pagkakapantay- pantay sa harap ng batas
Karapatang makapaghanap-buhay
Karapatan sa pagkain
Karapatang makilahok sa kalinangan
Karapatan sa edukasyon
Pagpapalawig ng Aralin
AKDA 1:
Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang
tumatak at nag-iwan ng latay ng pagpapaalaala sa pangyayaring naghihimagsik,
lumalaban at sumasalungat ang mga mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan.
Maraming akda ang naisulat sa bawat yugto, panahon na naghihihmagsik, ngunit dahil
sa mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang nang paglalathala at karamihan
sa mga manunulat na ito ay ipinakulong.
Tinalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika.
Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin.
Madarama sa simbahan, sa paaralan at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag
asa ng mga manunulat sa pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga
magulang bilang awtoridad o mga taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang
naghihimagsik bilang kalaban na pabigat sa hinihingi nilang pagbabago.
Sumangga ang panitikang ito sa pagsasaad na dapat gawin upang lutasin ang suliranin.
Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga
hinaing, damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubukold ng kanilang
damdamin, nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na
mapaghimagsik ang panitikan kung ito’y tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng
lipunan, tuwirang humahamon sa umiiral na panahon, maaaring ito ay laban sa maling
pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura, relihiyon at moralidad.
Pagkilala sa May-akda:
Talambuhay ni
KA AMADO V. HERNANDEZ
Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata, at National Artist for Literature
“Sa aking piita’y hindi pumupurol ang lumang panulat, / bawa’t isang titik, may tunog ng
punlo at talim ng tabak.” — Amado V. Hernandez, “Bartolina” (Sinaliksik at sinulat ni
Gregorio V. Bituin Jr. )
ISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat,
nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang
si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng
Pilipinas.
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging
tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang
kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang
makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay
nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa
pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling
Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang
makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung
taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang
editor nito.
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938,
ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award.
Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa
Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang
Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan
na
Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga
Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.
Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild
(PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging
pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947.
Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga manggagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram
Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO,
nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine
Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang
kaunaunahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong
1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na
Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!”
at “Ibagsak ang Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa.
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa
kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon,
Impormasyon at Panana-liksik. Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa
kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado.
Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo)
bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion
complexed with other crimes”.
Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang
taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy,
Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang
kanyang koleksyon ng mga tula, ang “Isang Dipang Langit”.
Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at
noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala. Mula 1958 hanggang 1961,
nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula.
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa
Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng
NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers
meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa
London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay
isang “war criminal” sa Biyetnam.
Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang
muli at naging editor ng Ang Masa. Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong
Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang
Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas.
Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito:
1. Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan)
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal)
Isang Dipang Langit (Koleksyon ng Tula)
Luha ng Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal)
Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970
Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento
Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda
Upang inyong mabasa ang paksang aralin, narito ang sipi ng maikling kwentong
isinulat ni Amado V. Hernandez “Langaw sa Isang Basong Gatas”.
/files/5357507/langaaawww(4).pdf
Gabay sa Pagsusuri:
Bilang pag-unawa sa iyong nabasang akda, atin munang bigyan ng pansin ang laman
ng maikling kwento:
1.
2.
Sino-sino nga ba ang mga tauhang nagbigay buhay sa akda?
Ano-ano nga ba ang mga pangyayaring pumukaw sa iyong damdamin matapos mong
mabasa ito?
3. Kung ang isang basong gatas ay ihahalintulad sa mga pagbabago at pag-unlad na
nagaganap sa ating lipunan, ano kaya ang ipinahihiwatig ng Langaw sa pamagat ?
AKDA 2:
Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao / TULA
PAGKILALA SA MAY- AKDA:
Maraming manunulat ang naniniwala at kumikilala sa panulat bilang isang malalim na
bolo na makakasugat sa manhid nating lipunan at walang pakialam na pamahalaan. Isa
na rito si Rogelio L. Ordoñez na kilala at kinikilala sa kanyang kontribusyon sa panulaan
at panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na
lipunan. Ang kanyang mga tula at dula ay ilan lamang sa mga akdang tunay na
naghihimagsik at sumasalungat sa tahimik na bibig ng ibang manunulat. Tunay na
nagpakita ng paghihimagsik laban sa pang-aapi ng mga maimpluwensya at
makapangyarihan sa pamahalaan, inilalarawan at iminumulat ang mga maralita sa
kaapihan ng ating lipunang ginagalawan.
Isang premyadong manunulat si ROGELIO L. ORDOÑEZ – kuwentista’t nobelista,
makata’t peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento,
Gantimpalang Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang
Alagad ni Balagtas sa literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa
sanaysay at Gawad Alejandro G. Abadilla bilang “malikhaing manunulat at militanteng
peryodista.” Pinarangalan din siya ng probinsiya ng Cavite bilang Progresibong
Caviteño sa larangan ng panitikan, at ng mismong bayan niya ng Imus bilang
natatanging taga-Imus sa literatura. Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64
Poetry Collective ng titulong MAKATA NG BAYAN “dahil sa kanyang panulaang
masugid na nagsusulong sa mga adhikain at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo
na yaong nakararaming isinadlak ng hari-hariang iilan sa mga imburnal at pusali ng
lipunan.” Sa pagdiriwang ng Poesia 2011, pinarangalan siya ng Pamantasang De La
Salle (Dasmarinas) “sa kanyang natatanging ambag sa pagpapalago ng kamalayang
panlipunan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino… sa malalim na pagsusuri sa
kalagayang pambansa… at kinikilala ang kanyang kontribusyon sa panulaan at
panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na
lipunan.” Sa paggunita sa ika-107 taong anibersaryo ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas, ginawaran siya noong Set. 30, 2011 ng plake ng karangalang “namumukod at
bantog na manunulat na, sa pamamagitan ng kanyang prolipikong panulat, ay patuloy
na nagbibigay-dangal sa Unibersidad at, bilang nobelista at makata, natanghal ang
kanyang sarili na isa sa pangunahing tagapag-ambag sa ikayayaman ng Literatura ng
Pilipinas.”
Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kapag nabasa mo ang tulang Di
Na Ako Makahabi ng Tula na isinulat ni Rogelio L. Ordonez. Ngunit gaano nga ba ang
iyong kaalaman kapag sinabi nating isang tula.
Sa bahaging ito, matutunghayan natin ang halimbawa ng isang akdang pampanitikan,
ang tula - inaasahang higit na mauunawaan at mapapahalagahan ang iyong kaalaman
bilang isang mag-aaral, gayundin ang iyong pagiging isang Pilipno.
Narito ang sipi ng ng tulang isinulat ni Rogelio L. Ordonez.
Di na Ako Makahabi ng Tula
Ilang araw na akong nakatulala
sa papawiring makulimlim
di ako makahabi ng tula
tumakas at nagliwaliw ang mga salita
nagkagutay-gutay papel ng kamalayan
mga metapora’y pumailanlang
sa kalawakang nilunok ng dilim
mga imaheng mapagmulat at matulain
at mga talinghagang dapat arukin
ibinartolina sa kagubatan ng pangamba
at sa kabukirang di sibulan ng pag-asa
ibig pang gahasain ng mga buntala.
di na ako makahabi ng tula
pilantod na ang mga taludtod
mga saknong ay uugud-ugod
di tuloy makaakyat sa gulod
mga eskinita ng parnaso’y di mayakap
dibdib ng bangketa’y di malamutak
kinulaba mga mata at di makita
luha’t pawis ng manggagawa’t magsasaka
di marinig hinagpis ng mga sawimpalad
paano tutulain pa epiko ng pakikibaka
ng sambayanang masa kung mga daliri’y
ikinadena’t dinurog ng dusa?
muli akong maglulunoy sa iyong mga alaala
muli kong sasamyuin mga pulang rosas
sa ulilang hardin ng mga pangarap
muli kong idadampi ang palad
sa nagnaknak na sugat ng mga dantaon
muli’t muli kong palalanguyin ang diwa
sa ilog ng dugo at luha
at magbabanyuhay ang lahat
muling aalingawngaw singasing ng punglo
atungal ng kulog at bombang pumutok
saka lamang, oo, saka lamang
makahahabi ako ng tulang
magsasabog ng mga talulot ng apoy
sa puso’t diwa ng uring busabos at dayukdok!
Gabay sa Pagsusuri:
1. Paano magiging makabuluhan para sa mga katulad mong mag-aaral na pag-aralan ang
tulang Di Na Ako Makahabi ng Tula bilang bahagi ng akdang pampanitikan?
2. Bakit mahalaga para sa mga mag-aaral at guro ang alamin at makialam sa usaping
mayroon ang tulang nabasa?
Paglalagom
Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya
ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang karapatang pantao ay ang mga
karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng
mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang
pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan.
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ng walang dahilan ay lumabag sa ating
karapatan bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan.
Aralin 1: KONSEPTO O KAHULUGAN NG KASARIAN
Ang araling ito ay naglalaman ng mga terminolohiyang nagpapaliwanag at nagbibigay
kahulugan sa mga tiyak na terminong inilahad hinggil sa kasariaan.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nagugunita ang bawat konsepto o kahulugan ng salitang kasarian hinggil sa
paksang mayroon ang aralin.
2. Nailalahad ang sariling pananaw sa mga karapatang indibidwal ng bawat
kasarian.
3. Naipahahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa mga anyo ng
diskriminasyon ayon sa kasarian.
Paunang Pagtataya
Isa sa mga naging mainit na isyu sa lipunang Pilipino ay ang tungkol sa mga
usaping pang-kasarian lalo‘t higit ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao ayon sa
kanilang kasarian.
Mayroong iba't ibang tungkulin ang isang babae at lalaki. Mayroong tungkulin sa
tahanan, kapaligiran, bayan, pamilya, lipunan, eskwelahan o paaralan at marami pang
iba.
Ang mga babae ay inaasahan na maging mapag-intindi o mapag-unawa, mapangalaga at maalalahanin. Kung ikaw ay may asawa't mga anak na, inaasahan na ikaw ay
magiging maunawain dahil kadalasan ang mga anak ay makukulit at pasaway. Dahil
bilang ilaw ng tahanan, ikaw ang magsisilbing unang guro ng iyong mga anak upang sila
ay maihanda sa mga gawain ng paaralan. Ito ay isang halimbawa ng tungkulin sa
pamilya. Inaasahan ring ikaw ay maging responsable, dahil ikaw ang nanay, inaasahan
na ikaw ang gagawa ng mga gawain ng isang tipikal na maybahay, ito ay isang halimbawa
ng tungkulin sa tahanan.
Ganoon rin kung ikaw ay nag-aaral o isang estudyante pa lamang, inaasahan na
ikaw ay magiging masipag at matiyaga. Ikaw ay nararapat lamang na mag-aral nang
mabuti upang ikaw ay magkaroon nang magandang kinabukasan, ito ay isang halimbawa
ng tungkulin sa paaralan. Nararapat lamang din na ikaw ay tumulong sa iyong magulang
sa mga gawaing bahay, ito ay isa rin sa mga halimbawa ng tungkulin sa tahanan.
Katulad ng mga babae, mayroon ding mga tungkulin ang mga lalaki.
Kung ikaw ay may asawa't anak na, inaasahan na ikaw ang magtatrabaho o
magtataguyod sa iyong pamilya. Ang Ama ang sentro o ang padre de pamilya. Dahil
bilang haligi ng tahanan, nararapat lamang na ang ama ang magtatrabaho upang may
maipakain at may maibigay na pera para sa pang-araw- araw na gastusin. Ito ay isang
halimbawa ng tungkulin sa pamilya.
Kung ikaw ay lalaki, ikaw rin ay inaasahan na magbuhat ng mga mabibigat na
bagay sa kadahilanang mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ito ay isang
halimbawa ng tungkulin sa lipunan.
Kung susuriin sa pangkalahatang, lalo na sa panahong ngayon, pumaparehas na
ang tungkulin ng babae at lalaki sa paaralan o eskwelahan, maging sa lipunan.
KABAN NG ARAL
Panuto. Punan ang KWL chart hinggil sa isyung pangkasarian ng mga hinihinging
impormasyon.
What I KNOW
1.
2.
3.
What I WANT TO KNOW
1.
2.
3.
What I LEARNED
1.
2.
3.
Madalas mapagpalit ang pakahulugan sa ilang mga terminolohiya, kaya marapat
lamang na ito ay gawan nang paglilinaw. Narito ang ilan sa mga konsepto at kanilang
kahulugan:
•
SEX O SEKSUWALIDAD – tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian na nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ang ating seksuwalidad ay natatalaga sa pamamagitan
ng ating Genetic inheritance o ang pinagmulan ng lahi. Ang ating genes naman ay
nagtataglay ng ating mga biyolohikal na katangian na ating mamamana at naipapasa sa
mga salinlahi sa pamamagitan ng pagsusupil.
•
GENDER O KASARIAN – tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa
seksuwalidad. Ang mga ideya natin tungkol sa kasarian ay ating natututuhan mula sa
lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Ang seksuwalidad ang tukuyin pinapangkat
ang mga tao bilang ―”babae” at ― “lalaki”. Kung kasarian ang ginagamit na termino ay
― “pambabae” o ― “panlalaki”
ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION) - tumutukoy sa pisikal at
emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para pa sa isa pang
indibidwal.
•
•
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY) - kinikilala bilang malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex nya nang siya‘y ipanganak. Kabilang dito ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
•
HETEROSEKSUWAL (HETEROSEXUAL) – tumutukoy sa mga taong nagkakanasang
seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian; mga lalaki na ang gustong makatalik ay
babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
HOMOSEKSUWAL (HOMOSEXUAL) – tumutukoy sa mga taong nagkakaroon ng seksuwal
na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian; mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang seksuwal na
kapareha.
LESBIAN (TOMBOY) – tumutukoy sa mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki;
mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
•
•
•
GAY (BAKLA) – tumutukoy sa mga lalaking nakakaramdam ng atraksiyon sa kanilang
kapwa lalaki; may ilan na nagdadamit at kumikilos na parang babae.
•
BISEXUAL (BISEKSUWAL) – tumutukoy sa mga taong nakakaramdam ng atraksiyon sa
dalawang kasarian.
•
ASEXUAL (ASEKSUWAL) – tumutukoy sa mga taong walang nararamdamang atraksiyong
seksuwal sa anumang kasarian.
TRANSGENDER (TRANSGENDER) – tumutukoy sa isang tao na nakakaramdam na siya
ay nabubuhay sa maling katawan; ang kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma.
•
KARAPATAN SA PAGPILI NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD
Ang ilang mga karapatang ipinaglaban ng mga homoseksuwal sa buong mundo ay:
•
•
•
Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban
Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benipisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kasal na heteroseksuwal at sa kanilang mga anak; at
Karapatang mabuhay nang malaya at walang diskriminasyon
Pagpapalawig sa Aralin
PANANAW SA HOMOSEKSUWALIDAD NG MGA PILIPINO
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinaka-tumatanggap sa mga LGBT
(gay-friendly nation). Sa isang pandaigdigang pag- aaral na kinabibilangan ng 39 na
bansa, pansampu ang Pilipinas sa 17 bansang tumatanggap sa homoseksuwalidad.
Sa kabilang dako, masasabi na Malaki ang impluwensiya ng Simbahang Romano
Katoliko sa pananaw ng mga Pilipino laban sa homoseksuwalidad. Sa pamumuno ng
Catholic Bishop‘s Conferences of the Philippies (CBCP), ang Simbahang Katoliko ay
aktibo sa pagkontra sa pagbibigay ng mga karapatan sa mga pangkat-LGBT. Ang mga
konserbatibong Pilipino, pati na rin ang mga Muslim, ay naniniwala na ang homoseksuwal
ay immoral. Ganito rin ang ibang sektang Romano tulad ng Jesus is Lord Church ni Bro.
Eddie Villanueva .
RELIHIYON AT PANANAW NG IBA TUNGKOL SA HOMOSEKSUWALIDAD
May mga pangunahing relihiyon sa mundo ang naninindigang salungat sa kanilang
paniniwala ang pagiging homoseksuwal. Dahil sa ganitong paniniwala, tinutuligsa nila
ang mga homoseksuwal. Hinuhusgahan nila ang homoseksuwal at naniniwalang ito ay
makasalanan.
Sa kabilang dako, mayroon na ring mga lipunang may liberal na pag-iisip at
tinatanggap na rin ang kultura ng homoseksuwal.
DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN
Ang mga pagkakaiba at hindi pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa
ating lipunan tulad ng aspektong politikal, pang-hanapbuhay, at maging sa tahanan.
•
•
•
Sa politika, may pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang politikal sa
pamahalaan, komunidad at institusyon.
Sa tahanan, may pagkakaiba rin ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa
ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
Sa panghanapbuhay, ang pang- aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan at
homoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan.
MGA ANYO NG DISKRIMINASYON AYON SA KASARIAN
•
•
•
•
Hindi pagtanggap sa trabaho
Mga pang-iinsulto at pangungutya
Hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
Bullying sa paaralan
Narito ang link kung saan maaaring mai-download ang akdang Eli Eli Lama
Sabachthani ni Dominador Mirasol.
https://drive.google.com/file/d/1ygU1SdwusTSZ5e0GoIDjVjByugLN_7D/view?fbclid=IwAR3gXmH_lamqgz0fat7Kb6aXUEwUVIoe7yL5kCAb7dYfP0
IuPMN5ltTk2X4
LIT 1 MODYUL 4
Continue
Aralin 2: Liham ni Pinay Mula sa Brunei ni Ruth Elynia S. Mabanglo
LESSON 2: Liham ni Pinay Mula sa Brunei ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Ito ay isang akdang tula na tumatalakay sa kalagayan ng kababaihan noon at ngayon sa
iba’t ibang lawak at antas ng lipunang Pilipino.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na
1. Naiisa-isa ang mga gampanin ng isang maybahay.
2. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa akda na nagpapahiwatig sa kalagayang
kababaihan.
3. Nailalahad ang realidad ng buhay ng kababaihan na nakapaloob sa akda at ang sariling
opinyon sa kalagayan ng kababaihan ngayon.
Paunang Pagtataya
Gaano mo kakilala ang iyong ina? Magbigay ng isang sitwasyon na kinailangan mo ang
kalinga o pansin ng iyong ina? Ihanda ang iyong kasagutan at ilahad sa klase.
Pagbasa at Pagsusuri sa Akda
Liham ni Pinay mula sa Brunei
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Ako’y guro, asawa at ina.
Isang babae--pupol ng pabango, pulbos at seda,
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.
Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera,
Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.
Naghihintay siya ng kape
At naninigarilyo,
Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro,
Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.
Hindi siya nag-aangat ng mukha
Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata.
Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,
Inaaliw kung mainit ang ulo.
Wala siyang paliwanag
Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,
Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo
Kapag umaalis ako ng Linggo.
Ayaw niya ng galunggong at saluyot
Kahit pipis ang sobreng inabot,
Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
Kahit ang pangrenta’y laging kulang.
Ako’y guro, asawa at ina.
Isang babae-- napapagal sa pagiging babae.
Itinakda ng kabahaging
Masumpa sa walis, labada’t oyayi
Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
Iyo’t iyon din ang ruta ng araw-araw-Kabagutang nakalatag sa kahabaan
Ng bahay at paaralan,
Ng kusina’t higaan.
May karapatan ba akong magmukmok?
Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
May beerhouse at massage parlor na tambayan
Ang kabiyak kong nag-aasam,
Nasa bintana ako’t maghihintay.
Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,
May krus ang dila ko’t di makapangusap.
Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,
Itinotodo ko ang bolyum ng radyo.
Napagod yata ako’t nanghinawa,
Nagsikap mangibang-lupa.
Noon ako nanaginip na nakapantalon,
Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.
Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag,
Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas.
Aaminin kong ako’y nangungulila
Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.
Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto,
Sa telepono’y nabubusog ang puso.
Umiiyak ako noong una,
Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.
Ito lamang ang sagot,
Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.
Pansariling Pagtataya:
1.
2.
3.
4.
Sino ang persona sa tula o sino ang nagsasalita sa tula? Ilarawan siya.
Sino ang lalaking binabanggit sa tula? Ilarawan siya.
Ano ang ginawa ng persona sa tula nang siya ay mapagod at manghinawa?
Ano na ang kasalukuyang kalagayan ng persona sa tula? Ilarawan.
Pagbubuod
Sa loob ng maraming taon, ang pigura ng maybahay ay nauugnay sa babae na
inilaan ang kanyang sarili nang eksklusibo sa mga gawaing bahay, habang ang asawa
ay lumabas upang magtrabaho at kumita ng pera na pinapayagan upang suportahan ang
pamilya sa pananalapi. Sa ngayon ay karaniwan na sa kababaihan na kumuha ng mga
trabaho na katumbas ng sa kalalakihan : iyon ay, nagtatrabaho na rin sila nang may
bayad, maging o hindi sila gumagawa ng gawaing bahay. Sa parehong paraan, lalong
karaniwan sa kalalakihan na magsagawa ng mga gawain sa sambahayan na hindi nila
inako noong nakaraan panahon, dahil kadalasang gawaing bahay ay isinagawa ng
maybahay.
LESSON 1: Mga Isyung Pangmanggagawa at kaugnay na Panitikan
Ang araling ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng mga manggagawa sa pagpapaunlad
ng pambansang ekonomiya. Binibigyang pansin rin ang mga isyu at suliranin na kanilang
kinaharap at patuloy na pinaglalabanan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng
makabuluhang akdang pampanitikan na sumasalamin sa kanilang kalagayan.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na
tumatalakay sa mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka.
2. Naibubuod ang mga mahahalagang pangyayari o kaisipan sa bawat akdang
binasa/mababasa.
3. Napalulutang ang mga sanhi at bunga ng mga suliranin na mayroon sa akda.
4. Natutukoy ang mga napapanahong isyu at suliranin na kinakaharap ng mga
manggagawa.
5. Nakapagpapahayag ng saloobin kaugnay ng mga isyu at akdang tinalakay sa
pamamagitan ng pagkiha ng isang bidyo.
Paunang Gawain
Bilang introduksyon sa paksang tatalakayin, panoorin ang bidyo tungkol sa mga
manggagawang Pinoy gamit ang link sa ibaba.
Manggagawang Pilipino. Link:
Sang-ayon ka ba sa iyong napanood tungkol sa mga manggagawang Pinoy?
Maituturing mo rin ba silang mga bayani ng makabagong panahon? Maiisigaw mo rin
ba ang mga katagang “Hoy!Pinoy ako.” ng may buong pagmamalaki?
Maituturing na katuwang sa pagbabago ang mga manggagawang Pilipino.
Kinikilala ang kanilang abilidad at husay sa iba’t ibang larangan dahil na rin sa kanilang
talento, kasipagan, lakas ng loob, matibay na pananalig sa sarili, at tibay ng
pananampalataya. Kaalinsabay ng kanilang pagsisikap ay ang pangarap na mabigyan
ng maginhawang buhay ang kanilang mga pamilya at ang bunga ng kanilang
pagsisikap ay ang katuparan ng mga pangarap ng kapwa nila Pilipino.
Subalit sa kabilang banda, hindi maisasantabi na may mga isyu at suliraning
kinakaharap ang mga manggagawang Pinoy na kinakailangang mabigyan pansin,
aksyon, at solusyon.
Mga Kagamitan/Nilalaman
Manggagawa. Ang manggagawa ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya. Sila ay may
malaking bahaging ginagampanan sa industriya. Ang lupa at kapital bilang salik ng
produksiyon ay hindi malilinang kung walang manggagawa. Ang pagkonsumo at
produksiyon ay patuloy na nagaganap dahil sa pagpupunyagi ng mga manggagawa.
Sila ang buhay at sandigan ng pag-unlad ng industriya. Ang literal na kahulugan ng
manggagawa ay isang taong gumagawa ng isang partikular na trabaho.
Magsasaka. Isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng
mga hayop at nabubuhay na mga organisasyong gagamitin bilang pagkain at bilang
hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang hanapbuhay para sa mga tao magbuhat
na magsimula o magkaroon ng kabihasnan.
Isyung Pambansa. Mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa loob ng bansa na
may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng pamilya,
simbahan, pamahalaan, paaralan at ekonomiya.
Ang mga problema ng mga manggagawa ay nagbubunyag ng kadena ng mga
sanhi at epekto na nauugnay sa pang-ekonomiya, pampulitika at kulturang mga
kadahilanan. Isang komprehensibong pagsusuri ng mga problemang ito ang maaaring
magbigay ng kasangkapan sa mga manggagawa, kaya may pangangailangan na
maunawaan ang istruktural at moral na batayan ng mga isyu.
Pitong Batayang Problema ng mga Manggagawa
•
•
•
•
•
•
•
Mababang Sahod
Kondisyon sa Paggawa
Hindi Makataong Pagtrato
Walang Seguridad sa Trabaho
Underemployment
Diskriminasyon
Kawalan ng Organisadong Unyon
Mababang Sahod. Noong 1889, inayos ng mga Pilipino ang unang unyon ng paggawa
upang igiit ang karapatan ng mga manggagawa sa isang makatarungang sahod.
Ngayon, pagkatapos ng mas mababa sa isang siglo ng pakikibakang panlipunan ang
mga kondisyon ay mananatiling hindi mapigilan.
Ang rate ng sahod sa Pilipinas ay mababa kumpara sa mga nasa ibang bansa;
sa Estados Unidos, ang rate ng sahod ay labing pitong beses kaysa sa sahod sa
Pilipinas; sa mga binuo bansa, sampung beses pa; at sa les binuo mga bansa, apat na
beses pa. Hindi nakakagulat na malaman, sa isang survey na isinasagawa ng Union
Bank of Switzerland na naglalagay ng sahod ng mga manggagawang Pilipino
pangalawa hanggang sa pinakamababa sa mundo.
Kondisyon sa Paggawa. Pinilit na magdusa sa ilalim ng mahirap na mga kondisyon sa
pagtatrabaho kapalit kawalan ng trabaho at kalaunan pagkagutom, ang mga
manggagawang Pilipino ay matagal na binawian ng karapatan sa buhay at tungkulin
upang magtrabaho.
Hindi sapat na pisikal na pasilidad at panukalang pangkaligtasan sa trabaho ang
pagkakalantad sa mapanganib na kemikal, hindi makatuwirang iskedyul ng trabaho,
hindi makatarungang kabayaran, hindi sapat na mga benepisyo sa iwanan, limitado,
kung hindi kawalan ng pagkakataon para sa personal at propesyonal na paglago, at
hindi matatag na katayuan sa pagtatrabaho - ito ay ilan lamang sa mga hindi
makatarungang mga kondisyon sa pagtatrabaho na pasanin ng mga manggagawang
Pilipino.
Hindi Makataong Pagtrato. Direktang nauugnay sa mahirap na mga kondisyon sa
pagtatrabaho ay ang mga mapang-api na gawi na ipinataw sa mga manggagawa ng
mga tagapag-empleyo na minamaliit sa paggawa bilang mga materyal na instrumento
lamang ng kapital na akumulasyon. Kabilang sa mga hindi makataong kasanayan ng
mga tagapag-empleyo ang kabiguan na ipatupad ang sahod at mga kabayaran tulad ng
ipinanukala ng batas, sexual harassment, pang-aabuso sa katawan, mga ilegal na
pagpapaalis, at iba pang mga problema na nagmula sa mahirap na mga kondisyon sa
pagtatrabaho.
Kahalagahan ng Paggawa o Manggagawa
•
•
•
•
•
•
Lumilikha ng mga produkto na kailangan ng bansa
Pinoproseso ang mga hilaw na material ng agrikultura
Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya
Lumilinang ng likas na yaman
Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan
Konsyumer ng mga produkto
Ang mga sumusunod na akdang pampanitikan ay tumatalakay sa mga isyung
pangmanggagawa at kaugnay na iba pang suliraning pambansa. Basahin ang mga ito
at sagutan ang mga katanungan sa pagsusuri na matatagpuan sa katapusan ng bawat
akda.
Akda Bilang 1:
Kanino Ko Ibubulong?
pluma at papel ni Rogelio L. Ordonez
(Tula)
kanino ko ibubulong
alimura ng utak na kumukulo
at himagsik ng pusong nagdurugo?
kanino ko ibubulong
himutok at pagdaramdam
ng mga katawang inilugmok ng karimlan
sa mga bangketa ng kalunsuran?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng bitukang nabalumbon
tagulaylay ng mga matang luhaan
lagi’t laging nakatitig sa kawalan
ng papawiring walang hanggan?
kanino ko ibubulong
lagutok ng mga buto
ng pawisang katawan ng obrerong
inalipin ng kasakiman?
kanino ko ibubulong
daing ng butuhang mga bisig
ng sakadang nakaluhod sa tubuhan
at magsasakang naninimdim sa palayan?
kanino ko ibubulong
hinagpis ng munting mga daliring
nagkakalkal ng basurahan
para magkalaman ang tiyan?
maririnig kaya ito
ng diyos ni abraham
o ng uring mayamang walang pakiramdam?
maulinigan kaya ito ng binging lipunang
namanhid na yata ang budhi’t isipan?
kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng lahing sumisiksik sa kamalayan
at mga eksena’y nagmamartsa sa kaisipan?
ibulong ko na lamang kaya
sa naglilingkisang cadena de amor
sa limot na’t ulilang libingan
sa ragasa ng marahas na habagat
sa madawag na kaparangan
sa lagaslas ng mga ilog
sa dibdib ng kabundukan
sa mahamog na mga bulaklak
sa pusod ng kagubatan
sa dagundong ng alon
sa naninimdim na pasigan
sa tungayaw ng kulog
at sagitsit ng kidlat
sa makulimlim na kalawakan?
kanino ko ibubulong ang lahat-lahat?
sa singasing ba ng mga punglo
upang malinaw na marinig, maunawaan
ng uring gahaman at tampalasan
litanya ng dusa’t bagabag
ng nakabartolinang mga sawimpalad?
kanino ko nga ba ibubulong
dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
walang pakialam sa kinabukasan
ng bansang hinuthot angking kayamanan?
tiyak mga bulong ko’y mauunawaan
ng mga kadugo at kauri lamang
kataling-pusod at kaisang-diwa
sa kalbaryo ng dusa’t dalita
walang hinahangad kundi makalaya
sa tanikala ng pagkatimawa
laging bumabangon sa pagkagupiling
upang milyong sulo ay paglagablabin!
oo, mga kauring sakbibi
ng dusa’t dalita…
“ang daing ng maralita
ay maririnig lamang
ng kapwa maralita.”
Gabay sa Pagsusuri
1. Ano ang kahulugan ng sumusunod na salitang ginamit sa tula?
2.
3.
1.
2.
3.
a. Alimura
4.
a. Nabalumbon
5.
a. Tagulaylay
6.
a. Obrero
7.
a. Singasing
8.
a. Tampalasan
9.
10.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
Ano ang sentral na paksa ng tula?
Sino ang nagsasalita sa tula? Paano mo iyon nasabi?
Ano-anong simbolismo ang mababasa sa tula? Ipaliwanag ang bawat isa.
Ano-anong suliranin ng mga manggagawa ang nabanggit sa tula? Bakit kaya nila ito
nararanasan?
10. Paano ipinakita sa tula ang ugnayan ng kahirapan at pagiging manggagawa?
Ipaliwanag.
Pansariling Pagtataya:
Upang higit na mapalalim ang iyong pagkaunawa sa mga akdang nabasa, ilahad ang
iyong mga kasagutan sa mga sumusnod na katanungan:
1. Gaano kahalaga ang ambag ng mga manggagawa at magsasakang Pinoy sa
pambansang ekonomiya?
2. Bakit mahalaga na maituring na isyung pambansa ang mga isyung pangmanggagawa?
3. Sa iyong palagay, ano ang partikular na suliraning pangmanggagawa ang dapat na
agarang binibigyang pansin at solusyon ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
Paglalagom:
Ang mga isyung pangmanggagawa at pangmagsasaka ay dapat na ituring na mga isyung
pambansa. Nakasalalay sa mga manggagawa ang pambansang ekonomiya.
Nakasalalay naman sa mga magsasaka ang pambansang agrikultura. Kapwa may
ambag ang dalawang sektor sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Kung kaya ang
ano mang isyung kinakaharap ng bawat isa ay nararapat lang maikintal sa kamalayan ng
bawat Pilipino.
References:
Agimat. KM17 Asintadong Panitikan. Retrieved from https://bit.ly/30IdwxL
Aklatang Bayan. Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64). Retrieved from https://bit.ly/2WVLZI2
Bernales, Rolando A. et.al. (2020) SOSEDAD at LITERATURA o Panitikang Panlipunan.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Domingo, D. (2014, October 2). Ang Pagsusuri sa Panitikang Pilipino sa Panahon ng
Kontemporaryo. Slideshare. https://www.slideshare.net/dennimardomingo/pagsusuri-sapanitikang-pilipino-sa-panahon
MASO Katipunan ng Panitikan ng mga Uring Manggagawa. (n.d.).
http://panitikangmanggagawa.blogspot.com/
Mendoza, K. [Kim Zeus Mendoza]. (2018, March 1). Manggagawang Pilipino [Video]. Youtube.
https://bit.ly/39rBaCm
Ordoñez, R. (2015, August 24). Kanino Ko Ibubulong?. Pluma at Papel. Retrieved from
https://plumaatpapel.wordpress.com/2015/08/23/kanino-ko-ibubulong/
PANITIKAN.COM.PH. (n.d.) Mga Ibong Mandaragit (Buod).
https://www.panitikan.com.ph/mga-ibong-mandaragit-buod
Platumlist. PROTESTULA: Salita ang Panlaban. Retrieved from https://bit.ly/2BsKeug
Tudla Productions. (2014, September 11). Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita [Video]. Youtube.
https://bit.ly/2D14NhU
Unknown. (2015, August 8) Tata Selo Ni: Rogelio Sikat [web log].
http://solomonannkristy.blogspot.com/2015/08/tata-selo-nirogelio-sikat.html
Viuda, M.C. (2019, September 7). [Opinion] Ang Magsasaka: Salamin ng kasipagan - at ng
kahirapan. Rappler. https://www.rappler.com/voices/ispeak/magsasaka-kasipagankahirapan
Contact English (US)
Aralin 1: Ang mga Pangkat Minorya ng Pilipinas at kaugnay na Panitikan
Ang araling ito ay naglalarawan sa mga minorities gayundin ang sitwasyon at suliranin
na kanilang nararansan na siya namang sinasalamin ng tulang Katutubo.
Sa dulo ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikang na nakatuon sa
pangkat minorya.
2. Naihahanay ang mga suliranin mula sa akdang tumatalakay sa pangkat
minorya.
3. Naiuugnay ang mga damdamin at imaheng nabuo sa akda sa kasalukuyang
kalagayan ng mga pangkat minorya sa bansa.
4. Nakapagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa pangkat minorya na
naglalahad ng kabuluhang panlipunan ng isang akdang pampanitikan.
Paunang Pagtataya:
Ating silipin ang ilang kaalaman tungkol sa pangkat minorya ng Pilipinas. I-click lamang
ang link at sagutan ang maikling pagsusulit.
Link:
https://quizlet.com/479399183/flashcardshttps://quizlet.com/479399183/flashcards
Mga Kagamitan / Nilalaman:
Ang Pangkat Minorya
“Madali tayong mamangha na makita ang mga pambansang minorya na isinasabuhay pa
rin ang kanilang kultura. Nagdaan ang daan-daang taon ng magiting na pagharap sa
kolonyalismo, mga digmaang pandaigdig, at hanggang sa kasalukuyan, nahaharap din
sila sa mga problemang katulad ng kalakhan ng mga mamamayang Pilipino.”.
Larawang hinango mula sa https://bit.ly/2ORE2io
Anong damdamin ang ipinapakita ng larawan sa itaas? Ano ang mga natatanging
pagkakakilanlan ng mga katutubo?
Ang katutubo o minorities ay naglalarawan o tumutukoy sa mga pangkat etniko na
sama-samang namumuhay sa isang lugar o rehiyon. Sa pamamagitang ng kanilang
pamumuhay ay naipapamalas nila ang kultura at kasaysayan na nagbubuklod at naguugnay sa kanila.
Sa kabila ng modernisasyon ay kapansin-pansin pa rin ang pagpapanatili nila ng
natatanging katutubong kultura ng ating mga ninuno. Hindi maitatanggi ang
napakahalaga nilang kontribusyon sa pagpreserba at patuloy na pagpapayaman ng
ating kultura at tradisyon. Subalit sa kabila ng natatatanging kontribusyong ito,
kadalasa’y sila pa rin ang nababalewala, nagiging biktima ng diskriminasyon sa
benepisyong pampubliko, at humaharap sa mga pagsubok gaya ng pakikipaglaban nila
para sa kanilang ancestral domains at likas na yaman, gayundin sa pagsulong nila sa
kanilang mga karapatan.
Para kanino nga ba ang ating bayan? Ito ba’y para sa mga nasa kabihasnan lamang o
para sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng bansa?
Basahin ang mga sumusunod na akda at sagutan ang mga katanungan sa pagsusuri.
Akda Bilang 1:
“Katutubo” ni Tatay Remo Fenis
Ang tulang “Katutubo” ay sinulat ni Tatay Remo Fenis o Tatay Remo na isang
environmentalistang manunulat. Masasabing ang akda ay naglalayong bigyang pansin
ang mga pangkat minoryang walang boses at hindi lubusang kinikilala sa lipunan.
Alamin ang mga partikular na suliraning pinatutungkulan sa akda na kinasasangkutan
ng mga katutubo. Basahin mabuti ang sipi ng tula sa ibaba at isaalang-alang ang mga
gabay na katanungan sa pagbabasa.
Tula
Katutubo
ni Tatay Remo Fenis
Habang lahat ay hindi nakatingin
Habang sa kanila ay walang pumapansin
Mga Gabay na Katanungan
Iniisa-isa silang patahimikin
Silang pinagkakaisahang ng mga
magagaling
Sino ang tinutukoy sa tula? Sa paanong
paraan sila pinapatahimik?
Balingan ng pansin lamang kung
kailangan
Hahangaan tuwing may kasiyahan sa
bayan
Sa iyong palagay, sino ang “magagaling”
na pinatutungkulan sa akda?
Makulay nilang kultura at kasuotan.
Ibinibida sa mga dayuhan
Kailan lamang binibigyang pansin at
paghanga ang mga katutubo?
Ngayon ay anong kalagayan nila?
Nung dumako ang iba-ibang
pananampalataya
Nilisan ang dalampasiga’t kapatagan
Upang tanngapin ang mga dayuhanng
nakikipagkaibigan
Sila ba ngayon ay nasaan?
Anong yugto sa kasaysayan ang
binabanggit sa bahaging ito ng tula?
Ni kahit pagkilala man lang sa karapatan
Ay di maibigay pilit pang pinagkakaitan
Hindi naging marahas dahil subok na
mahal ang kapayapaan
Ngayon si katutubo ay nasaan?
Sino bang may gawa ng kanilang
kalagayan?
Mula sa kaliwa hanggang sa dulong
kanan
Pare-parehong sila’y hinahamak at di
kilala tunay na pagkakilanlan
Hindi naman nagmamaka-awa kahit ito’y
kalapastangan na
Sa bawat buhay na naibuwis ay binhing
tutubo na pag-asa
Ano ang iyong kasagutan sa mga may
salungguhit na katanungan?
Mag-aalsa sila, magbubuklod sila
pagdating ng araw
Anong damdamin ang ipinapahayag sa
mga huling taludtod ng tula?
Sisingilin isa-isa ang mga makasalanan
sa mundong ibabaw.
Pansariling Pagtataya: Sa pangkalahatan, saan mo maihahalintulad ang estado ng
pamumuhay ng mga pangkat minorya sa ating bansa?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______
Pansariling Pagtataya:
Bilang mag- aaral na naging bukas ang isipan sa iba't ibang suliraning panlipunan na
natalakay sa mga nagdaang buwan, ano ang maaari mong maging kontribusyon upang
mabago ang sitwasyong nailarawan sa mga akdang iyong nabasa sa araling ito?
Pagpapalalim ng Nilalaman:
Upang higit pang mapalalim ang mensahe ng akda at mas mabigyang- linaw ang
katotohanan sa likod ng paglalahad sa mga nararanasan ng mga pangkat minorya sa
bansa, ating balikan ang isyu tungkol sa tangkang pagpapasara ng Lumad schools sa
Mindanao. Panoorin ang bidyo gamit ang link sa ibaba.
Link:
Sang-ayon ka ba sa ideyang ipinahayag na ang suliranin at laban ng mga Lumad ay
suliranin at laban din ng bawat Pilipino? Ipaliwanag
Download