Uploaded by Eliza Joy Gundran

SINESOS eliza

advertisement
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
Magtala ng mga salita na naglalarawan sa politikal at ekonomikal na
kalagayan ng Metro Manila. Magtala ng hindi kukulangin sa sampu.
Kailan naganap ang tinutukoy mong salita o pangyayari?
Pangyayari
Kahirapan
Prostitusyon/GRO
Kailan
(2 pts bawat isa)
Sa kabuuan ng pelikula, masasalamin ang matinding
kahirapan sa lumulukob sa Metro Manila. Makikita ang
masalimuot na pamumuhay sa lugar sa pamamagitan ng
mga taong naninirahan sa mga lansangan at mga gutay gutay na tahanan, gayundin ang mga naging suliranin na
sinuong nina Oscar at Mai para lamang mairaos ang
bawat araw.
Bunsod ng kahirapan, labag man sa kalooban ngunit
pikit-matang namasukan si Mai bilang isang GRO sa isang
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
Kidnapping
Mataas
Populasyon
bar para may maihain sa lapag. May mga eksena din sa
pelikula na kung saan makikita kung paano itinataya ng
mga kababaihan ang kanilang dignidad sa pagsayaw at
pag - akit ng mga kustomer para lamang kumita.
Ang pangyayaring ito ay naipakita noong isang
gabingsumaglit ang pamilya Ramirez sa tabi ng kalsada.
May isang babaeng malayang naglalakad sa gitna
kaldasa nang biglang hinintuan siya ng mga lalaking
sakay ng itim na kotse at tahasan siyang isinakay sa
sasakyan.
na Batay sa Pelikula, mailalarawan din ang mataas na
populasyon sa Metro Maynila na naipakita aa mga eksena
kung saan siksikan ang mga tao sa mga pamilihan at
maging sa mga lansangan.
Iskwater
Kaugnay sa kahirapang hinakaharap ng karamihan sa
Metro Manila, batay sa pelikula, talamak din ang iskwater
sa lugar kung saan ang mga taong nasa laylayan ng
lipunan ay nakatira at nagtitiyaga sa mga bahay na
mag-kakadikit dikit at gutay-gutay. Bagama't sira - sira
ngunit pinagtitiisan na lamang nila kaysa manirahan sa
kalsada.
Kawalan
Hustisya
ng Hindi nabigyang hustisiya ang pagkamatay ni Biboy at
Oscar sa kamay ng isang lalaking may kapansanan sa
mata sapagkat ang naturang kriminal ay nakakatakas pa
rin.
Maruming
Pamumulitika/
Korapsyon
Sa unang araw na pagtatrabaho ni Oscar bilang driver ng
isang armoured truck, ay nakasama niya si Ong at sa
kalagitnaan ng byahe nila ay nagkaroon sila ng
pag-uusap. Dito ay nabanggit ni Ong na sadyang talamak
ang
nakawan
tuwing
eleksiyon.
Sa
kaniyang
salita,ipinahihiwatig ni Ong na may mga pulitikong
nagnanakaw sa kaban ng bayan para gamitin sa
pangangampanya at pairalin ang marurumi nilang taktika
sa pamamagitan ng pera. Sa aking pananaw, nais din
niyang ipahiwatig na ang mga pulitiko ay hindi likas na
mayaman at mas nagiging mayaman sila tuwing sila'y
nasa posisyon.
Iligal na Droga
Base sa pelikula, naipakita rin ang pag-iral ng illigal na
droga sa parte ng Metro Manila. Ang eksenang ito ay
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
naganap nang minsang manghatid sina Oscar at Ong ng
money box sa isang hotel. Sa eksenang ito ay ipinakita
ang ilang mga taong naroon sa silid na sumisinghot ng
shabu at lango na sa mga ipinagbabawal na gamot.
Kawalan ng Regular
na Trabaho at Hindi
Pantay na Bayad sa
Serbisyo
Isa sa mga unang naging suliranin ni Oscar sa pagdating
nila sa Metro Manila ay ang paghahanap ng regular na
trabaho sapagkat walang sapat na opurtunidad para dito o
'di kaya'y mayroon may ay napupuno din kaagad. Isang
araw, sa pag-aakalang kikita siya kahit sa mababang
halaga ay naprisinta siya, kasama ng tatlo pang mga lalaki
na magbuhat ng mga bato. Sa kasamaang palad, ang
serbisyong inilaan niya sa trabahong ito ay walang
karampatang bayad. Bagkus ay binigyan lamang sila ng
tinapay at tubig bilang bayad, kung kaya't hindi
makatarungan.
Oportunista at
Mapagsamantala
Dahil nga sanay sina Oscar sa buhay probinsiya, hindi sila
gaanong maalam o namulat tungkol sa sistema at
kalarang umiiral sa Metro Manila, dahilan upang malinlang
sila ng mga taong nakakasalamula nila. Una na rito ay ang
matandang lalaking nag-endorso ng una nilang tinirahan
na pagmamay-ari di umano ng kaniyang kaibigan.
Bagamat kulang at pumayag silang manirahan ang
pamilya Ramizez sa halagang Pho 1200.00 Ngunit wala
pa man ding isang araw ay pinalayas sila ng isang pulis.
Kasunod ay tila nagpatay-malisya na ang matandang
lalaki na animo'y hindi nakakilala si Oscar. Sunod ay ang
pagkukrus ng landas nila ni Ong. Si Ong ang tumulong
kay Oscar na magkaroon ng trabaho at tahanan at
unti-unting makabangon mula sa kinasasadlakan nila.
Itinuring niya itong kaibigan at pinagkatiwalaan sapagkat
walang ibang ipikita si Ong kundi kabutihan at
pagmamalasakit. Ngunit, ang karakter ni Ong ay may
madilim na itinatago. Natuklasan ni Oscar ang balak
niyang magpa-hold up para makuha ang susi ng isang
money box sa processing center. Sa pagkakataong ito'y
hindi makapalag si Oscar sapagkat i-friname up niya ito,
kaya't kapag nagkabukingan, siya ang mananagot.
Kriminalidad
(Pagpatay)
Nasaksihan din sa pelikula ang marahas na pagpatay. Ito
ay isang krimen na naranasan ni Ong at ng kaniyang
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
dating partner na si Biboy, gayundin ang ama ni Alfred na
walang habas na binaril sa ulo at namatay sa kamay ng
nga walang konsensiya. Ang nakakalungkot pa rito ay ang
pagkamatay nila ay hindi nabigyan ng hustisya sapagkat
nagawa pa rin ng mga kriminal na takasan ang
kaparusahang dapat na ipataw sa kanila.
Pinag-aralan mo ang paraan ng pagsusuri ng pelikula sa mga naunang modyul. Subukan
mong suriin ang “Metro Manila” ayon sa sumusunod na tanong.
1. Magtala ng mga insidente sa pelikula na naglalarawan sa kagandahan at ‘di
kaaya-ayang pangyayaring natunghayan sa pelikula. (10 pts)
Isa sa pinakakaaya - ayang pangyayaring natunghayan ko
sa pelikula ay ang pananatiling resoponsable ni Oscar
bilang padre de pamilya sa kabila ng paghihikahos ng
kanilang pamilya. Kahit anong trabaho, maliit man ang kita
basta’t marangal ay handa siyang pasukin.
Isang kaaya - ayang pangyayari din ang ipinakitang
katatagan nina Oscar at Mai bilang mag - asawa at mga
magulang. Sinubok man sila ng panahon ngunit naging
sandigan nila ang isa’t isa at pinagtibay sila ng kanilang
pagmamahal.
Naglalarawan
kagandahan
.Sa katauhan ni Mai naipakita ang ang imahe ng isang
sa mapagmahal na inang handang magsakripisyo para sa
kaniyang mga anak.
Matutunghayan din sa pelikula ang kabutihan ng puso ni
Angel Ramirez nang iligtas at kupkipin niya ang isang kuting
na noo'y sinasaktan ng mga bata. Dito makikita na hirap
man ang buhay, ngunit maayos na napapalaki at natuturuan
ng magandang asal ni Oscar at Mai ang kanilang anak.
Ang pagiging matapat ni Oscar sa sagot niya nong siya ay
na-interbyu. Batay sa kaniyang mga sagot, mababakas na
hindi niya ikinakahiya ang buhay na mayroon ang pamilya
nila.
Ang pagiging tapat ni Oscar sa kaniyang asawa. Nang
siya'y maging kartero ay sinubukan siyang akitin ni Dora
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
ngunit hindi siya nagpadala sa tukso at iniwan na lamang
ang babae.
Ang pagbili ng mga aning palay sa mababang presyo. Sa
paningin ko ay hindi ito makatarungan lalo sa parte ng mga
magsasakang gaya ni Oscar.
Ang pagiging GRO ni Mai sa isang glad. Mabuti man ang
kaniyang intensyon ngunit mali ang pamamaraan niya
upang kumita ng pera, lalo pa't dinadala niya ang kaniyang
mga anak sa bar na kung saan sa kanilang kamusmusan ay
nakikita na nila ang tambad na katawan ng mga
kababaihan.
Ang pagpapalayas ng isang pulis sa pamilya Ramirez sa
nirentahan nilang tirahan. Hindi ito kaaya-aya sapagkat
idinahilan ng pulis na ang lugar na iyon ay iskwater na
siyang pagmamay-ari ng gobyerno kung kaya't napilitang
umalis sila Mai. Pagkalabas lamang ng kanilang bahay ay
may bagong pamilyang pinatira sa bahay ding iyon, isang
Naglalarawan
sa bagay na taliwas sa mga sinambit ng pulis na
‘di
kaaya-ayang nagpapahiwatig ng paggamit niya sa kanyang katayuan
pangyayari
upang linlangin ang mga nasa baba niya.
Ang pagiging mapanlinlang at mapagsamantala ni Ong.
Lubos siyang nirerespeto at pinagkakatiwalaan ni Oscar at
itinuturing na kaibigan ngunit sa likod nito ay may masama
siyang balak. Inilagay niya si Oscar sa isang delikadong
sitwasyon kapalit ng mga kabutihang nagawa niya para dito.
Noong namatay si Ong, si Oscar ang naging kartero upang
ihatid ang mga gamit ng yumaong kaibigan. Ngunit hindi
mababakas kay Dora ang pagdadalamhati sa pagkawala ng
kaniyang asawa. Bagkus ay binalak pa nitong akitin si
Oscar.
Natunghayan ko din ang hindi patas na pagbibigay bayad
sa serbisyo ng mga manggagawa. Ito ay naipakita noong
binigyan ng tubig at tinapay ang mga lalaking nagbuhat ng
mga malalaking bato, kasama na si Oscar bilang bayad sa
ginawa nilang trabaho.
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
2. Sino sa mga tauhan ang higit mong hinahangaan at bakit? (5 pts)
Sa pelikulang Metro Manila, higit kong hinangaan ang karakter ni Oscar
Ramirez. Hindi lang siya mapagmahal kundi siya rin ay isang amang may
paninindigan at hangarin para sa kaniyang pamilya. Sa kabila ng hamon ng
kahirapan sa kanilang pamilya at insultuhin man siya ng mga tao ay hindi niya
dinungisan ang kaniyang kamay at dignidad. Kahanga - hanga rin na hindi
niya ikinakahiya ang trabaho niya bilang isang magsasaka. Sa hangarin
niyang mairaos ang kaniyang pamilya sa putik n kinasasadlakan nila ay
isinakripisyo niya ang kaniyang buhay. Sa kahuli - hulian, magnanakaw man
ang tingin sa kaniya ng mga kasapi niya sa trabaho ngunit masasabi kong
nagig matagumpay siya bilang padre de pamilya.
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
Aplikasyon
3. Suriin ang politikal at ekonomikal na aspeto ng Metro Manila ayon sa pelikula.
Umiiral na Sabwatan/
Koneksyon. Isa sa mga hindi
inaasahang pangyayari ay ang
pakikipagsabwatan ni Ong sa
mga holdaper. Malinis na
ipinapakita nito hindi lahat ng
mga alagad ng batas ay mabuti
ang hangarin at tapat sa
tungkulin dahil gaya ni Ong ay
pansariling interes lamang niya
ang kaniyang inisip.
Korapsyon. Sa pagsasaad ni Oscar bilang isang pulis na
alagad ng batas ay nabanggit niya ang tungkol sa nakawang
nagaganap tuwing eleksyon. Gumagamit ng pera ang mga
pulitiko sa pangangampanya na siya ring ibubulsa nila
kapag sila'y napaubo
sa kapangyarihan.
c
Tiwaling Alagad ng Batas Sa pelikula ay may mga insidente kung
saan ginamit ng isang pulis ang kanyang katayuan upang magkaroong
ng awtoridad at kontrol na palayasin ang isang pamilya. Gayundin ang
pagmamanipula ni Ong kay Oscar na inakala niyang tapat sa serbisyo.
POLITIKAL
GUNDRAN, ELIZA JOY R.
BSCE 2E
Kahirapan. Ito ay isa sa
mga isyung pang ekonomiya ang ipinakita
sa pelikula. Makikita isto
sa mga squatter areas
maging sa mga taong
nakatira sa lansangan.
Kawalan ng Regular na Trabah at Di Makatarungang
Pagpapasahod. Sa pelikula makikita ang ilang mga taong
walang trabaho at naghihintay lamang ng mga sideline jobs
na kadalasan ay pinag - aagawan din. Gayundin ay ang
mababa o walang bayad sa serbisyong nilaan ng mga
manggagawa.Ito marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit
napakarami ang naghihirap.
c
Prostitusyon/Pag- G - GRO. Dahil nga sa kahirapan as buhay,
karamihan sa mga tao ay hindi nakakapagdesisyon ng tama, dahilan
upang kumapit sa patalim. Ito ay nangyari sa Pelikula kung saan pikit matang pinasok ni Mai ang mundo ng GRO. HIndi lang siya ngunit
napakaraming kababaihan ang itinataya ang dignidad para lamang
kumita.
EKONOMIKAL
Download