Uploaded by anjingunciano

FIL2 MASUSING BANGHAY-ARALIN FINAL

advertisement
Masusing Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino
sa Ikatlong Baitang
Ipinasa Nina
Habon, Limuel
Tinaza, Angelica
Alvarez, Maureen Kaye
Dumlao, KC
Ipinasa Kay:
Dr. Eden A. Bueno
2022
Masusing Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino
sa Ikatlong Baitang
I. Mga Layunin
a. Nasasagot ang mga tanong ayon sa pinakinggang kwento.
b. Napagkakasunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa napakinggang kwento.
c. Naipapakita ang pagiging malinis sa mga gawaing pangklase.
*Pagkamakakalikasan
II. Paksa
Paksa: Maikling Kwento: “Mariang Tilapya’ ni Maria Castillo-David
Sanggunian: Batang Pinoy Ako 3, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino,
pp.118
Mga Kagamirtan: Mga larawan, laptop, powerpoint presentation, projector/TV
III. Pamamaraan
Gawaing Guro
A. Paunang Gawain
1. Paghahanda
Magandang umaga mga bata!
Gawaing Mag-Aaral
Magandang umaga po ma’am!
Bago natin umpisahan ang ating klase,
maaari bang pulutin niyo muna ang mga
kalat at ayusin ang inyong mga upuan?
(Pinulot ng mga barta ang mga lata at
inayos ang kanilang mga upuan.)
Okey na ba lahat?
Opo ma’am.
2. Balik-Aral
Mga bata, natatandaan niyo pa ba ang
pinag-aralan nating kwento kahapon?
Opo ma’am.
Tungkol saan ito?
Tungkol po sa langgam at tipaklong
ma’am.
Tama! Anong katangian ang makikita
kay langgam?
Pagkamatiyaga po ma’am.
Tumpak! Ano namang katangian ang
makikita kay tipaklong?
Katamaran po ma’am.
Magaling! Ano ang ginagawa ni langgam
noong nakita siya ni tipaklong?
Nag-iimbak po ng pagkain para sa tagulan ma’am.
Mahusay! Ano naman ang ginagawa ni
tipaklong noong nakita siya ni langgam?
Naglalaro at patalon-talon po sa damuhan
ma’am.
Napakagaling! Nang dumating ang tagulan, ano ang nangyari kay tipaklong?
Wala po siyang makain ma’am pero
naisip niya si langgam sa mga oras na
iyon.
Napakahusay! Ang tatalino naman ng
mga mag-aaral ko. Talagang nakinig
kayo kahapon. Palakpakan ang inyong (Ang mga bata ay nagsipalakpakan.)
mga sarili.
B. Pagganyak
Mga bata, bago natin simulan ang ating
talakayan sa araw na ito ay Yey! Masaya yan ma’am.
magbubugtongan muna tayo.
Ang mga makakasagot ng aking bugtong
ay may premyo. At makukuha nila ito Okey po ma’am.
pagkatapos ng ating klase.
Unang bugtong.
Hindi hayop, hindi bagay pero pag
uminom ng tubig hindi nito nauubos.
Ilog po ma’am.
Tumpak! Ikalawang bugtong.
Maganda pag inaalagaan, pag hindi,
nakakasira ito ng kalusugan.
Kalikasan po ma’am.
Tama! Ikatlong bugtong.
Naksalubong ko sa daan, nagtanong ako
sumagot naman.
Tao po ma’am.
Magaling! Ikaapat na bugtong.
Meron dito, meron doon, mabaho at may
sari-saring amoy.
Basura po ma’am.
Mahusay! Ikalimang bugtong.
Mas maliit kaysa balyena, ngunit mas
malaki kaysa sa dilis.
Tilapya po ma’am.
Napakagaling! Ang tatalino niyo talaga
grabe! Nagustuhan niyo ba ang
bugtongan?
Sobrang nagustuhan po ma’am.
Okay! Mga bata, ang ating aralin ay may
kinalaman sa mga bugtong na inyong
sinagot kanina tulad ng ilog, kalikasan,
tao, at iba pa.
C. Paglalahad
(Ididikit ng guro ang isang larawan sa
pisara.)
(Tahimik na pinagmasdan at inaral ng
mga bata kung ano ang nasa larawan na
idinikit ng kanilang guro.)
Mga bata, ano ang nakikita niyo sa
larawang aking idinikit sa pisara?
Ang nasa larawan po na inyong idinikit
sa pisara ay isa pong ilog ma’am.
Magaling! Anu-ano ang mga nakikita
niyo sa ilog? Magbigay nga kayo ng
halimbawa ng mga hayop na nakatira sa Kuhol po ma’am.
ilog mga bata.
Tumpak! Ano pa?
Tama! Ano pa?
Magaling! Ano pa?
Mahusay! Ano pa?
Palaka po ma’am.
Alimango po ma’am.
Hito po ma’am.
Tilapya po ma’am.
Napakagaling! Meron pa ba?
Okey. Bakit mahalaga ang ilog?
Wala na po ma’am.
Dahil may mga iba’t ibang hayop na
naninirahan po dito ma’am katulad ng
mga isda (tilapya, hito, atbp.), alimango,
kuhol, palaka, at iba pa ma’am.
Napakahusay! Ngayon, may ididikit ako
ulit na isa pang larawan at sasagutin niyo Opo ma’am.
mamaya ang aking mga katanungan.
(Ang mga bata ay tahimik na
pinagmasdan at inaral kung ano ang nasa
larawan na kakadikit lang ng kanilang
guto.)
Anong hayop ito mga bata?
Tama! Ano ang pangalan ng isdang ito?
Magaling! Saan ito nakatira?
Ang hayop po na iyan ay ang isda
ma’am.
Tilapya po ma’am.
Sa ilog po ma’am.
Mahusay! Pakilarawan nga ang tahanan
Ang tahanan po ng tilapya ay sa ilalim ng
ng tilapya.
ilog kung saan dito rin makikita ang iba
pang mga hayop tulad ng mga kuhol,
hito, alimango, at mga corals na
naninirahan rin dito.
Napakahusay niyo mga bata! At ang
isdang inyong tinutukoy ay may
kinalaman sa aralin natin ngayong araw
na ito. Palakpakan ang inyong mga sarili. (Ang mga bata ay nagsipalakpakan.)
Ngayon ay ating tatalakayin ang
kwentong
pinamagatang
Mariang
Tilapya. Humanda na dahil pagkatapos
ng aralin, kayo ay inaasahang masagot
ang mga tanong ayon sa pinakinggang
kwento, mapagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari ayon sa napakinggang
kwento, at maipapakita ang pagiging
malinis sa mga gawaing pangklase.
Naiintindihan niyo ba mga bata?
Naiintindihan po namin ma’am.
D. Pag-alis ng Sagabal
Bago ko simulang basahin at bago ninyo
simulang pakinggan ang kwento ay inyo
munang pag-aralan ang ilan sa mga
salitang nakapaloob rito.
Mayroong tatlong salitang inyong
matututunan. Magpapakita ako ng
larawan sa bawat salita upang maging
batayan ninyo sa paghalaw ng kahulugan
nito. Naiintindihan ba mga bata?
Opo ma’am.
Narito ang unang salita, pakibasa nga.
(Isusulat ng guro sa pisara ang salita.)
Himutok po.
Ngayon, pagmasdan ang larawan. Ano
ang inyong nakikita?
(Ipresenta ng guro ang larawan.)
Mayroon pong mga nagwewelga ma’am.
Tama! Ano sa tingin ninyo ang layunin
nila?
Maglabas po ng hinaing at problema
ma’am.
Magaling! Batay sa larawan at inyong
mga kasagutan tungkol dito, ano ang
kahulugan ng salitang “himutok”?
Ang salitang himutok po ay ang paglabas
ng hinaing o problema.
Mahusay! Gamitin nga ang salitang
himutok sa pangungusap.
May himutok si Danilo sa kaniyang
magulang dahil hindi siya naibili ng
paborito niyang laruan.
Pangalawangt salita, pakibasa.
(Isusulat ng guro ang salita sa pisara.)
Humupa po.
Ngayon, pagmasdan ang larawan. Ano
ang inyong nakikita?
(Ipresenta ng guro ang larawan.)
Ang ulan po ay unti-unting tumigil o
nawala.
Tama! Batay sa larawan, ano ang
kahulugan ng salitang “humupa”?
Ang
salitang
humupa
po
ngangahulugang tumigil o nawala.
ay
Napakagaling! Gamitin nga ang salitang
humupa sa pangungusap.
Huminto na ang bagyo, humupa na rin
ang malakas na ulan.
Pangatlong salita, pakibasa.
(Isusulat ng guro ang salita sa pisara.)
Pagdungaw po.
Ngayon, pagmasdan ang larawan. Ano
ang inyong nakikita?
(Ipresenta ng guro ang larawan.)
Isa pong batang babae na sumisilip sa
bintana ang nasa larawan ma’am.
Magaling! Batay sa larawan, ano ang
Ang salitang pagdungaw po ay
kahulugan ng salitang “pagdungaw”?
nangangahulugang pagsilip o pagsulyap
sa bintana.
Mahusay! Gamitin nga ang salitang
Siya ay dumungaw sa pintuan nang
pagdungaw sa pangungusap.
tawagin siya ng kaniyang ama.
E. Pagganyak na Tanong
Alam kong may ideya na kayo sa ating
aralin ngayon, ngunit narito ang ilang
mga katanungan na tiyak ito’y
magbibigay linaw para sa inyo.
Basahin ang mga pagganyak na tanong na
nasa pisara.
Pakibasa ang unang tanong Mark?
Ang pangalawang tanong naman Levi?
Paano nagsimula
kwento?
at
nagtapos
ang
Bakit hinihimutok ni Mariang Tilapya
ang basura ng mga tao?
Ang ikatlo o huling tanong naman
Natalia?
Bakit palihim na ngumiti si Rosa sa
pagtatapos ng kwento?
F. Pakikinig
Ngayon ay umupo kayo nang maayos at
makinig nang mabuti. Aking babasahin
ang kwentong ating tatalakayin na
pinamagatang “Mariang Tilapya”.
(Binasa na ng guro ang kwento.)
(Ang mga bata ay nakinig nang mabuti sa
kanilang guro na nagbabasa ng kwento.)
G. Pagsagot sa mga Tanong
Talakayin nating maigi ang maikling
kwentong inyong napakinggan. Sagutan
ninyo ang aking mga katanungan.
Maliwanag ba?
Opo.
Ano ang pamagat ng kwento?
Ang kwento po
“Mariang Tilapya.
ay
pinamagatang
Tama! Kailan at saan nangyari ang
kwento?
Ang kwento ay nangyari sa isang umaga
sa tabing-ilog.
Mahusay! Para sa mas interaktibong
pagsagot ay papangkatin ko kayo ng
limang miyembro kada grupo. Bibigyan
ko kayo ng limang katanungang
sasagutan ninyo bilang isang grupo sa
loob ng limang minuto. Talakayin ninyo
bilang isang grupo ang mga katanungan
at bumuo ng mga sagot. Pagkatapos ay
ibabahagi ito sa klase. Maliwanag ba?
Opo.
Heto ang mga katanungan:
 Paano nagsimula at nagtapos ang
kwento?
 Bakit hinihimutok ni Mariang
Tilapya ang basura ng mga tao?
 Ano ang nangyari pagkatapos
mangako ni Rosa na tutulungan niya
si Mariang Tilapya?
 Ano ang paksang-diwa at kaisipan ng
kwento?

Bakit palihim na ngumiti si Rosa sa
pagtatapos ng kwento
….……
Tapos na ba ang lahat?
Opo.
Kung ganun ay atin ng sagutin ang mga
katanungan.
Bawat
pangkat
ay
magbabahagi ng sagot.
(Tumawag ng isang miyembro ang guro
sa bawat pangkat na sasagot sa tanong.)
Paano nagsimula at nagtapos
kwentong inyong napakinggan?
ang
Ang kwento ay nagsimula ng si Rosa ay
tinawag at kausapin ng isang munting
Tilapya na nagngangalang Maria mula sa
ilog at ito ay nagtapos ng humupa ang
baha at lumabas lahat ng mga tao sa
kanilang bahay dala ang mga kagamitan
sa paglilinis.
Tama! Bakit hinihimutok ni Mariang
Tilapya ang basura ng mga tao ?
Hinihimutok ni Mariang Tilapya ang
basura ng mga tao dahil naitatapon ang
mga ito sa ilog na nakakapatay sa mga
isda.
Mahusay! Ano ang nangyari pagkatapos
nangako si Rosa na tutulungan niya si
Mariang Tilapya?
Pagkatapos mangako si Rosa sa isda ay
bigla
itong
nagising
dahil
sa
nakakabinging patak ng ulan at
napagtantong panaginip pala ang
nangyari.
Tumpak! Ano ang paksang-diwa at
kaisipan ng kwento?
Ang paksang-diwa po ng kwento ay
pagkamakakalikasan at ang mensahe po
nito ay “Kalikasan pangalagaan para sa
kinabukasan”.
Magaling! Huling katanungan. Bakit
palihim na ngumiti si Rosa sa pagtatapos
ng kwento?
Palihim na ngumiti si Rosa sa pagtatapos
ng kwento dahil nagka-isa ang mga tao sa
paglilinis ng kanilang kapaligiran. Sa huli
ay kahit panaginip lang ay matutuwa si
Mariang tilapya sa nangyari.
Magagaling mga bata! Palakpakan ang (Ang mga bata ay nagsipalakpakan.)
inyong mga sarili.
H. Pagpapahalaga
Pagmasdan ang larawan. Sa tingin ninyo,
bakit kaya humingi ng tulong si Mariang Si Mariang tilapya ay humingi ng tulong
tilapya kay Rosa?
kay Rosa dahil sobrang marumi na ang
ilog na kanyang tirahan. Ang mga maliliit
at itlog pa lamang na isda ay namamatay
na rin dahil sa labis na dumi ng ilog.
Kung ikaw si Rosa, makikinig ka ba sa
isda? Bakit?
Oo. Dahil mawawala ang mga isda at
masisira ang ilog kung patuloy ang
pagtatapon ng basura ng mga tao.
Totoo nga kaya ang winika ni Mariang
tilapya na kung patuloy ang pang-aabuso
ng mga tao ay mawawala nang tuluyan
ang likas na yamang tubig? Ipaliwanag
ang sagot.
Totoo ang winika ni Mariang tilapya
dahil walang yamang tubig ang uusbong
at mabubuhay sa maruming ilog. Kapag
tambak ng basura ang ilog ay maglalaho
ang mga halamang tubig, malalason ang
mga isda, at matutuyo ang ilog.
Bakit mahalaga ang kalikasan gaya ng
ilog na tahanan ni Mariang tilapya?
Mahalaga ang kalikasan dahil ito ang
pinagkukunan ng pangangailangan at
kabuhayan ng mga tao gaya ng ilog na
pinagmumulan ng mga makakain.
Sa inyong palagay, anu-ano ang mga
dapat gawin upang mapangalagaan ang Upang mapangalagaan ang kalikasan ay
ating kalikasan?
nararapat na itapon ang mga basura sa
tamang lalagyan.
Tama! Ano pa?
Mahusay! Ano pa?
Tumpak! Ano pa?
Magtanim po ng mga puno at protektahan
ang mga ito.
Linisan ang kapaligiran at ipalaganap ang
tamang paghihiwalay at pagtatapon ng
basura.
Magtipid sa paggamit ng tubig at
kuryente.
Magaling! Huli ay magbigay ng inyong
sariling
karanasan
ng
pagkamakakalikasan.
Hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na (Magbabahagi ang mga mag-aaral ng
magbahagi ng kanilang karanasan.)
kanilang sariling karanasan sa pagiging
makakalikasan.)
Kahanga-hanga ang inyong ginawa para
sa kalikasan. Nawa’y pagbutihin niyo pa
ang pagiging makakalikasan. Magagaling
mga bata! Palakpakan ang inyong mga
sarili.
(Ang mga bata ay nagsipalakpakan.)
IV. Pagtataya
A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
A. Ang Tilapya
B. Mariang Tilapya
C. Ang Kalikasan
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
A. Sina Rosa at Mariang Tilapya
B. Sina Lino at Kyle
C. Sina Joy at Liam
3. Ano ang pangalan ng isdang nagsasalita sa kwento?
A. Rosa
B. Mariang Tilapya
C. Jojo
4. Saan narinig ni Rosa ang isang munting tinig?
A. Sa tabing-ilog
B. Sa lawa
C. Sa dagat
5. Bakit tinawag ni Mariang Tilapya si rosa?
A. Dahil may ichichika ito.
B. Dahil gusto niya itong makita.
C. Dahil nais niyang tulungan silang mga nakatirandoon sa ilog.
6. Sa napakinggang kwento, ano ang mangyayari sa ilog kung patuloy
ang mga tao sa masamang gawain?
A. Mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig.
B. Gsgsnds sng ilog.
C. Lilinis ang ilog.
7. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang kalikasan?
A. Magtapon ng basura sa kung saan-saan.
B. Putulin ang mga puno.
C. Linisan ang kapaligiran at ipalaganap ang tamang
paghihiwalay at pagtatapon ng basura.
8. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin para mapangalagaan ang
kalikasan. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.
B. Magtanim ng mga puno.
C. Hayaang nakakalat at nakatapon ang mga basura sa kung
saan
9. Ano ang mangyayari kung masisira ang ating kalikasan?
A. Lahat tayo ay uunlad.
B. Lahat tayo ay maaapektuhan.
C. Lahat tayo ay magsasaya.
10. Ano ang ibig sabihin ng katagang “Kalikasan pangalagaan para sa
kinabukasan”?
A. Ang kalikasan ay ating alagaan upang kalusugan ay di
maapektuhan.
B. Ang kalikasan ay ating alagaan upang tayo’y magiging
maunlad.
C. Ang kalikasan ay ating alagaan upang marating natin ang
magandang kinabukasan.
B. Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ayusin ito
mula simula hanggang wakas sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang sa
patlang ng mga pangyayari sa kwento.
_____ Humingi ng tulong si Mariang Tilapya upang tigilan ang
problema sa basura ang mga tao.
_____ Nagtulungan ang mga tao sa paglilinis ng kanilang kapaligiran
matapos ang baha.
_____ Sumang-ayong tumulong si Rosa sa problema ni Mariang
Tilapya.
_____ Naglalakad si Rosa ng biglang tinawag siya ng isdang
nagngangalang Mariang Tilapya.
_____ Biglang nagising si Rosa sa malakas na ulan at napagtanto na
panaginip lang pala ang nangyari.
V. Takdang-Aralin
Panuto:
Sa isang buong papel, gumuhit ng isda at ilog. Kulayan ito at
ipasa bukas sa mismong oras ng klase natin.
Download