Uploaded by sharlifaith5

1654158685232 UCSP(8)

advertisement
Sharlimar Faith Calimutan. 11 STEM-A. UCSP MELC 8
Ang Paaralan
Simula noon, ang matuto ay mahalaga
Kaya naman, edukasyon ay naimbento
Ang edukasyon rin ay sa paaralan sumisentro
na tinuturing ding hardin ng kaalaman sa pagbabago
Paaralan, lugar ng kay raming dahilang binubuo,
Lugar ng kay raming isipang naghahangad ng pagsulong,
Kay raming alaalang pinapasadahan ang pagbabago,
Mga alaalang nagmistulang mananatili sa kaibutaran ng ating mga puso.
Dito nanunuot ang mga katangi-tanging mga ngiti,
mga halakhak pati na rin ang mga makabuluhang paghikbi
ng mga kabataang hilaw pa ang isipan
At nanabik pa sa epekto ng katotohanan.
Masisilayan rito ang mga pagsubok at mga angking kalaban,
Mga kabalastugan at mga inaasahan ng sambayanan,
Kaya dito pinaliliwanag ang mga batas at kultura
Na nag-iiwan ng mga katanungan sa madla
Oh, paaralan, ang marangya mong diwa ay isang ningas,
Isang apoy na nagpapatakbo sa makina ng pag-unlad,
Oh, paaralan, nasa iyong piling ang konsepto at pamantayan ng ligaya
Sa pagkatuto at pagkakamaling patuloy na tinatama.
Sa munti mong misyon, paniniwala ni Rizal ay nagbubunga,
Wari'y kabataang pag-asa ng bayan ay iyong kinakasama
Hinuhubog mo ang pagsagot sa pangangailangan ng masa,
Pinapaahon mo ang mga Pilipinong lugmok sa pagdurusa.
Sa iyong taimtim na awit, naghihimig ang pagkakaisa,
Miski diskriminasyon at masamang asal at mga pagpapahalaga,
ay natutunaw ng sapat na pagsasanay ng hustisya
Hustisyang sa paaralan pinatitibay at hinuhulma.
Kaya naman ating pangalagaan ang paaralan,
Tayo'y lumahok sa mga aktibidad nito pati mga programa,
Tangkilikin ito at maging produktibong mag-aaral,
Mahalin nang lubos at sa pag-angat nito ay sumama.
Download