Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong Tatlong Mahahalagang Elementong Kailangan Upang Maging Maayos, Organisado, at Epektibo ang Isang Pulong Memorandum - isang kasulatang nagbibigay kabatiran ukol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. (Sudprasert, 2014) - dito nakasaad ang LAYUNIN ng gagawing pulong, hindi na kailangan ang ideya o suhestiyon ng iba sapagkat PINAL na ang nasabing desisyon o proyekto - inilalahad ng PAHAPYAW ang tatalakayi - sa pamamagitan nito, nagiging MALINAW sa mga dadalo kung ano ang inaasahan sa kanila - HINDI ISANG LIHAM 00:0201:14 Kahilingan, Kabatiran, Pagtugon Tatlong Uri ng Memorandum (Bargo, 2014) Puti kulay ng memo na ginagamit sa pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon Pink o Rosas kulay ng memo na ginagamit para sa request o order galing sa purchasing department Dilaw o Luntian kulay ng memo na ginagamit para sa memo na nanggagaling sa marketing at accounting department Mga Bahagi ng Memorandum 1. Letterhead (logo at pangalan ng kompanya, organisasyon, lugar, telepono) 2. Para sa/kay 3. Mula kay 4. Petsa (25 Nobye,bre 2015) 5. Paksa 6. Mensahe (Sitwasyon, Problema, Solusyon, Paggalang o Pasasalamat) 7. Lagda Adyenda - nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong - impormasyon-> paksang tatalakayin, taong magtatalakay, oras na ilalaan - nagtatakda ng balangkas ng pulong - nagbibigay pagkakataon sa mga kasapi na makapaghanda - nagsisilbing talaan o tseklist - nakatutulong upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayi Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda 1. Alalahaning ang paksa ay maaaring magmula sa iba 2. Magpadala ng memo 3. Siguraduhing nakuha ang mga naisin ng mga tagapagsalita 4. Gumawa ng balangkas 5. ipadala ang sipi ng adyenda sa mga dadalo 6. Sundin ang nasabing adyenda Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda 1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda 2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa 3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan 4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda 5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda Katitikan ng Pulong - opisyal na tala ng pulong - isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong - opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos - higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingan na naitala at naisulat - hindi lamang gawain ng kalihim kundi ng bawat isa ay maaari Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 1. Heading (pangalan ng kompanya, petsa,lokasyon, oras nagsimula) 2. Mga kalahok o dumalo (sino nanguna pati mga dumalo) 3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong 4. Action items o usaping napagkasunduan (mahahalagang tala, nanguna at desisyon) 5. Pabalita o patalastas (ex. suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong) 6. Iskedyul ng susunod na pulong 7. Pagtatapos (anong oras nagwakas) 00:0101:14 Upgrade to remove ads Only $35.99/year Sudpraset (2014), ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: 1.Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong. 2.Umupo malapit sa tagapanguna o presidente ng pulong. 3.May sipi ng mga pangalan na dadalo sa pulong. 4. Handa sa sipi at katitikan nang nakaraang pulong. 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda. 6. Nagtataglay ng tumpak na heading. 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesiyunan. 10. Isulat o isaayos agad ang katitikan pagkatapo ulat, salaysay, resolusyon Tatlong Uri o Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ulat ng Katitikan - Lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. - Maging ang pangalan ng taong nagsalita at paksang tinalakay ay nakatala Salaysay ng Katitikan - Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye. Ito ay maituturing na legal na dokumento. Resolusyon ng Katitikan - Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye. Ito ay maituturing na legal na dokumento Pagkatapos ng Pulong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong 1. Gawin o buuin agad ang katitikan ng pulong. 2.Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon. 3.Itala kung anong oras nagsimula at natapos. 4. Ilagay ang isinumite ni... 5. Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan. 6. Ipasa sa kinauukulan