Republic of the Philippines Department of Education Region VIII SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR Gen. Mac Arthur National Agricultural School Gen. Mac Arthur Eastern Samar PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1st Quarter/2nd Semester WEEK 1&2 Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _______________________ Taon at Seksiyon: ______________________________ Puntos: _____________________ PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ayon sa kanya ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game”. a. Goodman c. Wixson b. Aristotle d. Gray 2. Inalam ni Anna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong nabasa noong elementarya. Anong antas ng pagbasa ang makikita sa sitwasyon? a. Mapagsiyasat c. Analitikal b. Primarya d. Sintopikal 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi sa pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa habang nagbabasa? a. Pagtantiya sa Bilis ng Pagbasa c. Previewing b. Paghihinuha d. Pagbuo ng koneksiyon 4. Sumulat si Marem sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito. Anong antas ng pagbasa ang ipinamalas ni Marem? a. Mapagsiyasat c. Analitikal b. Primarya d. Sintopikal 5. Sa antas na ito ng pagbasa, nauunawaan ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. a. Mapagsiyasat c. Analitikal b. Primarya d. Sintopikal 6. Anong teksto ang naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa? a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Persuweysib b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Naratibo 7. Ang mga sumusunod ay layunin ng manunulat sa pagsulat ng tekstong impormatibo, maliban sa isa; a. Mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa b. Maunawaan ang mga pangyayari na mahirap ipaliwanag c. Maglarawan sa mga bagay-bagay na makikita sa paligid d. Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyan 8. Nagpunta si Jaxon sa silid aklatan upang magbasa ng aklat tungkol sa Global Warming. Anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang babasahing aklat ni Jaxon? a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari b. Pagpapaliwanag c. Pangkasaysayan d. Pag-uulat pang-impormasyon 9. Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto. a. Pagbibigay ng depinisyon b. Paglilista ng Klasipikasyon c. Sanhi at Bunga d. Paghahambing 10. Isa sa mga katangian ng tekstong impormatibo ay ang pagkakaroon ng kaugnayan sa bawat talata. Sa mga sumusunod na pahayag, alin sa mga ito ang nagpapakita ng kaugnayan sa bawat talata? a. Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan, at ng mamamayan sa bansang ito ay hindi lamang nagsasaad ng ligaya at tuwa. b. Sa gitna ng pandemya maraming Pilipino pa rin ang umaalis ng bansa upang mangamuhan sa mga dayuhan. Maraming Pilipino rin ang nagkakasakit. c. Ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga batang Pilipino ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral. d. Mabilis ang naging takbo ng mga araw, hindi ko man lang namalayan wala kana pala sa aking kanlungan. Prepared by: VANESSA D. YAPE Subject Teacher ANSWERS KEY 1. A 2. B 3. C 4. D 5. A 6. B 7. C 8. D 9. A 10. A