Republic of the Philippines Department of Education DIVISION OF EASTERN SAMAR GEN. MAC ARTHUR NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL Gen. Mac Arthur Eastern Samar Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Week 1/1st Quarter/2nd Semester Layunin: Pagkatapos ng talakayang ito ang mga mag-aaral ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod: Naipaliliwanag ang kahulugan at pangunahing layunin ng mapanuring pagbasa; at Natutukoy ang iba’t ibang Uri at Antas ng Pagbasa. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. (F11PB – IIIa – 98) Nilalaman ARALIN 1 Batayang Kaalaman Sa Mapanuring Pagbasa Pagganyak: Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling kaalaman o opinion sa salitang PAGBASA. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1 tungkol Tuklasin Kahulugan ng Pagbasa Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks ng kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon (Anderson et al. (1985). Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng: imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa - Wixson et al. (1987). Isang proseso ng pagkuha,pagkilala at pag-unawa ng mga nakaimbak at nakasulat na impormasyon o datos. Isang representasyon ng wika bilang simbolo na maeeksamin ng mata o mahahawakan. Braille – pagbabasa ng mga bulag Notasyon o Pictogram – mga signs o simbolo Isang psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa (Goodman 1957, 1971, 1973). Ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito (Hank,1983). Apat na Hakbang sa Proseso ng Pagbasa 1. 2. 3. 4. (William S. Gray) Persepsiyon – pagkilala sa mga salitang nakalimbag. Komprehensiyon – pag-unawa sa nabuong mga konsepto mula sa mga nakalimbag na mga salita. Aplikasyon – paghuhusga at emosyonal na pagtugon. Integrasyon – pagsasama ng bagong ideya sa personal na karanasan. Antas ng Pagbasa Tinukoy nina Mortimer Adler at Charles Van Doren sa kanilang aklat na How to Read a Book ang Apat na Antas ng Pagbasa. 1. Primaryang Antas – ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng; (a) Petsa; (b) Setting; (c) Lugar; (d) Mga Tauhan. 2. Mapagsiyasat na Pagbasa – sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito. Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto upang matukoy kung kakailanganin at kung maaari itong basahin nang mas malalim. o Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito. 3. Analitikal na Antas (Analytical) – Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. 4. Sintopikal na Antas (Syntopical) – Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon na inimbento at ginamit niya sa aklat na A Syntopicon: An Index to the Great Ideas (1952) na nangangahulugang “Koleksiyon ng mga paksa”. - Tumutukoy sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. Limang Hakbang tungo sa Sintopikal na Pagbasa 2 1. Pagsisiyasat – Kailangang tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan. 2. Asimilasyon – tinutukoy ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan. 3. Mga Tanong – tinutukoy ang mga katanungang nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda. 4. Mga Isyu – lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol sa partikular na suliranin. 5. Kumbersasyon – nakakapag-ambag ng bagong kaalaman na hindi inuulit ang sinasabi ng mga naunang eksperto. Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa 1. Bago Magbasa sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin. nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre. kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat. 2. Habang Nagbabasa Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2) Biswalisasyon ng binabasa; 3) Pagbuo ng koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5) Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6) Muling pagbasa; 7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto. Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa. 3. Pagkatapos Magbasa Nakapaloob sa bahaging ito ang: 1. Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa. 2. Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa. 3. Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa. Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto. Pagpapahalaga: Karanasan ko, Iuugnay ko! 3 Panuto: Magtala ng dalawang pinakapaborito mong aklat/ babasahin at punan ng mga karanasang maiuugnay mo sa iyong mapanuring pagbabasa. Isulat ang mga hinihiling na impormasyon sa talahanayan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Una Ikalawa Titulo/Pamagat May-akda Wika Buod Pagtataya A. Panuto: Tukuyin kung anong ANTAS ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. a. b. c. d. Primarya Mapagsiyasat Analitikal Sintopikal e. _____1. Nakita ni Mauen na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa. _____2. Inalam ni Anna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong nabasa noong elementarya. _____3. Galit ang naramdaman ni Brian nang mabasa ang balita tungkkol sa insidente sa Mamasapano. _____4. Gumawa si Laya ng anotasyon ng mga sanggunian bilang paghahanda sa gagawing pananaliksik. _____5. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan. B. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na kasanayan ay ginagawa bago, habang, o pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. a. Bago Magbasa b. Habang Nagbabasa c. Pagkatapos Magbasa _____1. Pagbuo ng mga biswal na imahen. _____2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa layunin ng pagbasa. _____3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto. _____4. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi. _____5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat. _____6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat. _____7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa pamamagitan ng paguugnay sa iba pang impormasyong ibinibigay ng teksto. _____8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda. _____9. Paghihinuha. _____10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. 4 Sanggunian De Laza, Crizel Sicat. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines: REX Book Store, 2016. Dayal, Alma M. at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Prepared by: VANESSA D. YAPE Subject Teacher SUSI SA PAGWAWASTO 5 A. PANIMULANG PAGTATAYA PAGGANYAK – 5pts. PAGPAPAHALAGA – 5pts. PAGTATAYA 1. 2. 3. 4. 5. A A B D C 1. B 2. A 3. B 4. B 5. C 6. C 7. B 8. C 9. B 10. B 6