Uploaded by victoria li

V ONLINE CLASS LESSON PLAN (Autosaved)

advertisement
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Zarraga National High School
Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo
Marso 11, 2022
BANGHAY ARALIN SAPAKITANG-TURO
FILIPINO 8
Indicator:
1. Applies knowledge of content within and across curriculum teaching areas,
2. Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the special educational needs
of learners on difficult circumstances including: geographical isolation; chronic illness;
displacement to armed conflict, urban resetlement or disaster; child abuse and child
labor practices
3. Select, develops, organizes, and uses appropriate teaching and learning resources,
including ICT, to address learning goals.
Kompetinsi:
Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30), Naiuulat nang
maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIa-c-30), at Nagagamit ang iba’t
ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa (F8PUIIIa-c-30)
I.
Layunin:
A. Natutukoy ng mga positibo at negatibong pahayag.
B. Nakapabibigay ng mga patunay sa argumento gamit ang nakalap na datos sa
pananaliksik.
C. Nakabubuo ng isang komentaryo batay sa nilikom na datos.
II.
Paksang-Aralin:
A. Paksa: Estratehiya sa pananaliksik/ Positibo at Negatibong pahayag.
B. Kagamitan: Laptop, Cellphone
C. Sanggunian: Modyul sa ikatlong kwarter- Ikaanim na Linggo Filipino 8
D. Pagsanib ng Aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga, Araling Panlipunan
at ICT
E. Pagpapahalaga: Social awareness, Angkop na pagbuo ng mga katanungan sa isang
panayam
III.
Pamamaraan:
A. Balik-Aral:
Magandang araw sa inyong lahat! Unang-una sa lahat nais kong
magpasalamat sa inyong lahat sa pagtanggap ng masasabi kong hamon na
magkaroon kayo ng online class ngayong araw. Sinisigurado ko sa inyo na
magiging makabuluhan ang ating klase ngayong araw.
Bago natin talakayin ang bagong aralin, balikan muna natin ang pinag-aralan
ninyo sa nakaraang modyul na ipinadala sa inyo.
1. Ano nga ba ang nakaraang araling sinagutan/ pinag-aralan ninyo?
2. Maaari ba kayong magbigay ng mahahalagang detalye patungkol sa
aralin na ito?
3. .
B. Pagganyak:
Pakinggan ang pahayag ng mga komentarista. Tukuyin kung alin sa mga ito
ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw. Ilista ang mga ito at pagkatapos
ay tatanungin ko ang ilan sa inyo upang magbahagi ng kanilang sagot.
(Insert voice over)
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang
mamamahayag, sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang KABOSES MO.
Roel:
Magandang umagasa inyong lahat!
Macky:
Magandang umaga partner!
Roel:
Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na
hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky:
Oo partner. Naku, sabi ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa yan kahit pa nakapikit!
Roel:
Sinabi mo pa, partner!
Macky:
Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel:
Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng
gobyerno.
Macky:
Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!
Roel:
Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga
na walang itinatago yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa
bayan.
Macky:
Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw iyan sa mahahalagang
desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel:
Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga iyan dahil magiging mas maingat sila sa
pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky:
Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tanada III, “Pag
hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.”
Roel:
Naku! Naloko na!
1. Ano-anong positibong pahayag ang narinig sa komentaryong panradyo?
2. Ano namang negatibong pahayag ang narinig ninyo?
3. Sa tingin ninyo ano ang mahalagang dulot ng wastong pananaliksik sa pagbibigay
ng komentaryo?
C. Paglalahad:
Makikita sa pahayag ng mga komentarista ang masasabi nating mga positibo
at negatibong pahayag na kadalasang naririnig hindi lamang sa komentaryo
sa radyo ngunit makikita at maririnig din sa mga panayam sa telebisyon. Ang
komentaryong inyong narinig ay hindi basta-basta isinasahimpapawid at
ibinabalita nang walang ginagawang masusing pananaliksik.
D. Pagtalakay:
Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at
telebisyon ay ang pagpili ng paksang tatalakayin at palabas. Maaaring isipin
na katulad din ito ng pagpili sa mga sasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay
sa isang proyekto. Sa bahaging ito susuriin natin kung papaano tayo
matutulungan ng ilang gawain nila sa ating pananaliksik.
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:
1. Politika
2. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
3. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
4. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
5. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang
tagapakinig
Hindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa iba’t ibang
pamamaraan ng mga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig.
Subalit hindi nila maaaring kunin sa kung saan lang ang kanilang
impormasyon. Dahil dito, mayroon silang mananaliksik tungkol sa mga
paksang gustong pakinggan ng mga tagasubaybay. Ang sarbey at panayam
ang maaari nilang gamitin sa kanilang pananaliksik.
Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagsasarbey:
1. Multiple Choice- mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey.
Pagpapapili ng sagot sa mga titik sa katanungan ng survey.
Halimbawa:
Tingnan nang mabuti ang sitwasyon. Alin sa mga sumusunod na
pangungusap ang sa tingin mong sasabihin mo?
1. Katatapos lang ng iyong klase. Tinawag ka ng kaibigan mo para
kumain ng tanghalian.
a. “Wait lang! may pinapakuha pa si ma’am sa may Xerox.”
b. “Sandali lang! may pinapakuha pa si ma’am sa may Xerox.”
c. “Please wait for me! I’ll just get something from the Xerox.”
2. Pagpapakilala sa mga sinasang-ayunan- Listahan na nagpapahayag ng
kanilang mga sinasang-ayunan at di-sinasang-ayunan.
Halimbawa:
Punan ng ekis (x) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, DS
kung hindi sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Pahayag
SA W DS
1. Napakalakas ng wikang gamit ko ang aking
loob.
2. Madali akong naiintindihan sa wikang
ginagamit ko.
3. Hindi nakalilito ang wikang ginagamit ko.
3. Likert Scale- Paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili
niya.
Halimbawa:
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas
malapit sa ingles at 5 bilang malapit sa Filipino.
Ingles
Filipino
1-------------2--------------3--------------4---------------5
Panayam
Ang pakikipagpanayam ay isa sa mapagkukunan ng impormasyon sa ating
pananaliksik. Maaari rin namang komunsulta sa mga libro o sa internet
subalit mas makatotohanan ang impormasyon na manggaling mismo sa
isang mapagkakatiwalaang batis. Ito ang tinatawag na pangunahing batis ng
impormasyon.
Bago simulan ang pananaliksik, ito ang mga dapat tandaan sa
pakikipanayam:
1. Paghahanda para sa panayam
 Magpaalam o humingi ng permiso sa taong kapanayam
 Kilalanin ang taong kakapanayamin
2. Pakikipanayam
 Maging magalang
 Magtanong nang maayos
 Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa
 Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam
3. Pagkatapos ng panayam
 Magpasalamat
 Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam.
(Indicator 1 Applies knowledge of content within and across curriculum teaching areas.)
(Araling Panlipunan)
E. Pagsusuri:
Panuto:Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangyayari na
isinasaalang-alang ang mga wastong pamamaraan sa pakikipanayam. Pindutin ang
heart na emoji ( ) kung wasto ang pamamaraang isinasaad at broken heart ( )
naman kung sakaling taliwas sa mga dapat gawin na pamamaraan.
1. Naatasan si Pepito na kapanayamin ang isang kandidato na natatakbo sa parating
na eleksyon, bago gawin ang naturang panayam, nagpadala muna siya sa naturang
kandidato ng liham ng paghingi ng pahintulot para sa naturang panayam.
2. Humingi ng pahintulot ang manunulat na si Jessa sa kanyang kinapayam kung
maaaring makunan ng recording ang kanilang pag-uusap upang Sa ganoon
mabalikan niya ang ilang makakaligtaaang detalye sa kanilang panayam.
3. Habang nakikipanayam sa sikat na manlalato ng table tennis, ay mas pinagtuunan
ng pansin ni Cara ang pagkain ng kanyang inorder na cake at nalimutang itanong ang
ilang mahahalagang tanong para sa kanyang segment sa radyo.
4. Bago pa ang araw ng panayam ay pinag-aaralan at kinilala nang mabuti ni Henry
ang kanyang kakapanayamin para sa kanyang komentaryong segment sa telebisyon.
5. Dahil sa pagmamadali, nakalimutang magpasalamat at magpaalam ni Reporter
Gee sa kanyang kinapanayam dahil sa dadaluhang salu-salu kasama ang ilang
malapit na kaibigan sa media.
6. Tutok na tutok si Reporter Dino sa mga sagot ng mga tatakbong kandidato para sa
pagkapangulo sa ginanap na debate.
7. Laking gulat ng sikat na si Greg sa llang mga personal na katanungan na sa kanya
ng reporter ng radyo na hindi naisama sa mga katanungan sa liham na ipinadala sa
kanya para sa naturang panayam
8. Hindi inaasahan ng Sarhento ang ambush interview sa kanya ng Isang reporter sa
isang pampublikong lugar dahilan ng pagkakaroon ng komusyon.
9. Ikinagalak ng estudyanteng si Karen ang pagpapaunlak ng panayam ng kaniyang
hinahangaang manunulat matapos niya itong padalhan ng imbitasyon para sa
naturang panayam para sa kanyang proyekto sa paaralan.
10. Labis ang pasasalamat ni Joy sa kanyang kinapanayam matapos ng kanilang
paguusap, tunay niya itong ikinagalak.
Nawa’y nalibang kayo sa gawaing ito at inyong natandaan ang mga dapat na
isaalang-alang sa pakikipanayam upang makalikom ng wasto at balidong datos.
F. Paglalapat:
Panuto: mangalap ng mga datos hinggil sa mga sumusunod na usapin. Sa
pamamagitan ng paglikom ng datos , subukang bigyang patunay ang mga argumento
o usapin. Maaaring gamitin ang inyong cellphone at mag research patungkol dito at
maaari ring kapanayamin ang miyembro ng iyong pamilya hinggil sa mga patunay na
iyong pwedeng maging kasagutan. Isulat o esend ito sa ating GC pagkatapos ng ating
klase.
Unang Usapin:
“Sa Panahon ng Pandemya, WE HEAL AS ONE”
Magbigay ng patunay hinggil sa sama-samang pagbangon ng ating bansa laban sa
CoVid19
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
Ikalawang Usapin:
“Ang Edukasyon ay Susi sa Magandang Kinabukasan”
Magbigay ng patunay hinggil sa pahayag sa itaas tungkol sa dulot ng edukasyon
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
Ikatlong Usapin:
“Kapag may Itinanim May Bubunutin”
Magbigay ng patunay hinggil sa salawikain at ang kaugnayan nito sa buhay
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
(Indicator 3 Select, develops, organizes, and uses appropriate teaching and learning resources,
including ICT, to address learning goals.)
IV.
Ebalwasyon:
Panuto: Basahin at unawain ang nais ipahiwatig ng gawain. Isulat ang inyong sagot sa
inyong sagutang papel at siguraduhing maipasa ito sa itinakdang araw ng retrieval of
modules.
Bilang mag-aaral sa panahon ng pandemya, ano ang tatlong pinakamahalagang
katangiang dapat mong taglayin upang mapagtagumpayan ang iyong pag-aaral sa
kabilang kasalukuyang sitwasyon batay sa pananaw MO, ng iyong ina at AMA, isang
katangian sa bawat miyembro.
Tatlong Katangiang Dapat Taglayin
Batay sa iyong INA
Batay sa iyong AMA
Batay sa panananaw mo.
Pahayag o paliwanang
(Indicator 2 Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the special educational
needs of learners on difficult circumstances including: geographical isolation; chronic illness;
displacement to armed conflict, urban resetlement or disaster; child abuse and child labor practices)
V.
Takdang-Aralin
Panuto: Batay sa nilikom na datos sa GAWAIN A, bumuo ng isang komentaryo na kung
ano ang dapat mong taglayin na katangian upang mapagtagumpayan ang pag-aaral sa
kabila ng kasalukuyang sitwasyon. Isulat ang inyong sagot sa hiwalay na papel.
Inihanda ni:
Vinna Elieza S. Perlado
Practice Teacher
Ninutahan ni:
Barbara M. Oberio
Teacher I –Filipino Department
Download