KAHIRAPAN Kahirapan sa pilipinas Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. http://chinee-blogkoto.blogspot.com/p/kahirapan-sa-pilipinas.html?m=1 Mga pamilyang Pinoy, malubhang naapektuhan ng pandemic sa ASEAN: survey Wala nang panggastos ang senior citizen na si Anita Calpito matapos matigil sa trabaho ang kaniyang mister bilang tricycle driver dahil sa quarantine. Gipit din ang anak na babae ni Calpito, na kailangan pang mangupahan sa maliit na kuwarto para mapalapit sa trabaho. "Hindi po namin alam kung saan namin kukunin ang pang-araw-araw namin na panggastos," ani Calpito. "May nag-aaral akong apo, ang nanay naman single parent... wala na kaming pambili ng gadget para sa kanila," aniya. Base sa isang survey na inilabas kamakailan ng Asian Development Bank Institute, mas maraming pamilya sa Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan dahil sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia. Pito sa bawat 10 household na sinurvey ang nagsabi na may nawalan ng trabaho o nabawasan ng kita sa kanilang pamilya dahil sa pandemya. https://news.abs-cbn.com/amp/news/09/20/20/mga-pamilyang-pinoy-malubhang-naapektuhan-ngpandemic-sa-asean-survey TEENAGE PREGNANCY Mga menor de edad na nabubuntis patuloy na dumarami MAYNILA – Tuloy ang pagsirit ng bilang ng mga batang maagang nagiging magulang lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang isyu ng teenage pregnancy, sabi ng Commission on Population (Popcom), isang krisis na kailangang bilisan ang solusyon lalo at 47 sa bawat 1,000 nanganganak ngayon ay menor de edad. "Lumalabas sa pag-aaral na ito, itong mga kabataan na nagsisimula ng pamilya habang menor de edad, sila ang malamang na maiiwan sa pag-unlad ng bayan... Ang mga pamilyang Pilipino na pinangungunahan ng mga batang ina na menor edad ang pinakadukhang pamilyang Pilipino sa ating lipunan," sabi ni Popcom executive director Juan Antonio Perez III. https://news.abs-cbn.com/amp/news/02/17/21/mga-menor-de-edad-na-nabubuntis-patuloy-nadumarami DROGA AT PAGKALULONG SA MASAMANG BISYO 2 patay, 11 timbog sa mga operasyon kontra droga sa Bulacan Dalawa ang napatay habang 11 ang nasakote sa magkakasunod na anti-illegal drugs operation sa Bulacan nitong Miyerkoles. Sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Tabing-ilog, sa Marilao, Bulacan alas 10:20 ng gabi, napatay ang mga suspek na kinilalang sina Edison Lim Dizon at kasama niyang si Gaudioso Juarez Jr. Sa palitan ng droga, naghinala umano ang mga suspek na pulis ang mga katransaksyon kaya kaagad sila bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba. Sa palitan ng putok, napatay ang dalawa. Bukod sa mga baril at bala, nakuha sa mga napatay ang 22 sachet ng shabu, illegal drug paraphernalia, at buy-bust money. Pitong suspek naman ang huli sa droga sa magkakahiwalay na sa mga bayan ng Obando, Balagtas, San Miguel, San Rafael, Malolos at Baliwag. Nasa 17 sachet ng shabu ang nakuha sa mga naaresto. Apat na suspek din ang naaktuhang gumagamit ng shabu sa Brgy. Poblacion 2, sa Marilao. Nakumpiska ang 7 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. Kinasuhan na ang lahat ng nahuli ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao https://news.abs-cbn.com/amp/news/03/26/21/2-patay-11-timbog-sa-mga-operasyon-kontra-droga-sabulacan Kuwento ng isang dating drug addict (Unang labas) NASA high school ako nang magsimulang mag-drugs. Dahil sa barkada kaya ako nalulong. Una kong natikman ang "damo". Wow hanep! Para akong nasa alapaap. Pasa-pasa ang isang stick. Kung maaari ay wala nang usok na makawala at dapat singhutin na lahat. Saglit lang at kagat na ang epekto ng damo. Nanginginit ang mga mata ko. subalit kakaiba naman ang gaan na idinulot sa aking katawan. Pakiramdam ko’y dinuduyan. Masarap. Subok pa. Tikim pa hanggang sa hanap-hanapin ko na. Hindi na ako maawat sa katagalan. Kung minsa’y tawa ako nang tawa. Hindi mapigilan. Iyon pala ay nagti-trip na ako. Nawawala na sa sarili dahil sa epekto ng "damo". https://www.philstar.com/true-confessions/2002/05/18/161301/kuwento-ng-isang-dating-drug-addictunang-labas/amp/ KRIMEN 13-anyos na suspek sa pagpatay sa 5-anyos na babae, umamin umano sa krimen Umamin umano sa krimen ang 13-anyos na lalaki na suspek sa pagpatay at posibleng panghahalay pa sa limang-taong-gulang na babae sa San Jose del Monte, Bulacan. Paliwanag niya, nagawa niya ang krimen dahil napikon siya sa madalas daw na pang-aasar ng biktima. Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing kinunan ng pahayag sa himpilan ng pulisya ang minor de edad na suspek, at dito ay inamin umano sa ginawang pagpatay at paghalay sa biktimang si Mariel Cruz. https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/619318/13-anyos-na-suspek-sa-pagpataysa-5-anyos-na-babae-umamin-umano-sa-krimen/story/?amp KAWALAN NG HUSTISYA Hustisya, panawagan ng pamilya ng pinaslang na kagawad sa Batangas BATANGAS CITY - Katarungan ang panawagan ng pamilya at katrabaho ng pinatay na kagawad ng Barangay Wawa na si Remar Caballero. Nagpupuyos sa galit si Catherine Caballero sa pumatay sa kaniyang asawa. “Sobra po ang ginawa sa kaniya. Hindi po talaga siya binuhay. Brutal ang ginawa. Brutal ang ginawa sa asawa ko. Walang awa,” sabi ni Catherine. Ayon kay Catherine, hindi lamang responsableng haligi ng tahanan ang asawa, kundi masipag din sa kaniyang tungkulin sa barangay. https://news.abs-cbn.com/amp/news/08/26/20/hustisya-panawagan-ng-pamilya-ng-pinaslang-nakagawad-sa-batangas