ST. ANTHONY’S COLLEGE San Jose, Antique Liberal- Arts Education Department GEC 111: INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG PILIPINAS ARALIN 13 REHIYON I (I L O C O S) LALAWIGAN KABISERA Ilocos Norte Laoag Ilocos Sur Fernandina/ Vigan La Union San Fernando Pangasinan Lingayen Ang Rehiyon 1 ay makikita sa Hilagang-Kanluran ng Luzon at maituturing na may pinakamahabang baybaying dagat at matatarik na bangin. Ito ay nagsisilbing lagusan ng dalawampu’t siyam na ilog na ang tubig ay dumadaloy patungong Dagat Timog Tsina. “ILOKANO” ang tawag sa lipi na naninirahan sa Rehiyon I. “SAMTOY” ang tawag sa wika ng mga Ilokano na nagmula sa salitang “SAOMI DATOY” na ibig sabihin ay “Wika namin ito”. “IBANAG at GADDANG” “ILOKANO at PANGALATOK” ang ilan pa sa wikang sinsalita rito. “KURDITAN” ang tawag sa kanilang panitikan na nagmula sa salitan KURDIT na ang ibig sabihin ay sumulat. “TINGGUIAN/ITNEG” ang tawag sa mga mamamayang katutubo ng mga nasa Rehiyon 1. Tingguian- tumutukoy sa “ mga tao sa bundok” at nagmula sa katagang Tingue na nangangahulugang mountaineers. Itneg- katumbas ng Tingguian sa salitang Samtoy. Ang mga mamamayan sa Rehiton 1 ay bihasa sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong na tinatawag nilang burnay (yari sa semento at buhangin) at lalagyan ng bulaklak o plorera (yari sa luwad) Inabel o KUMOT- ILOKANO ay tawag sa isang tanyag na kumot na gawa/yari sa Ilocos. Kilala rin ang Rehiyon sa pagsasayaw ng TADEK- katawagan sa folk dance ng mga Ilokano kun saan ipinapakita dito ang pagiging malikhain sa kasuotan ng mga kalalakihan at kababaihan. ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT NG REHIYON I 1. LEONA FLORENTINO Isinilang sa Villa Fernandina (Vigan) noong Abril 1849. Natuto at naging bihasa sa pagsusulat dahil sa kanyang sariling pagsisikap at kakayahan. Ilan sa kanyang mga akda: Ruknuknoy (Dedication) Agpaay Ken Carmen (For Carmen) Pinagpadaka (Bidding Goodbye) Nalpay a Namnama (Frustrated Hope) Saibbek (Sob) 2. PEDRO BUKANEG Isinilang na isang bulag at pinaniniwalaang inilagay sa basket ng kanyang ina at ipinaanod sa ilog. Napulot ng isang babaeng taga-kapatagan at ipinaampon kay Padre Geronimo Cavero. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “ natagpuan/napulot sa Itneg”. Ang Bucanegan na isinasagawa ng mga Ilokano ay ipinangalan alinsunod sa kanya bilang pagpaparangal. Ilan sa kanyang mga akda: Dalleg Ti Amionan (Dallang of the North) Pampanunot ken Patay (Thought of Death) Biag ni Lam-ang (Life of Lam-ang) 3. JOSE ASIA BRAGADO Kilalang nobelista at tumanggap ng mga gantimpala sa pagsusulat kabilang na rito ang Pedro Bukaneg Award mula sa GUMIL Filipinas noong 1993. Ilan sa kanyang mga akda: Pamulinawen Buneng (Bolo/Itak) Kaaragi ti Nasipnget a Rabii (Like the Dark Night) AKDANG PAMPANITIKAN NG REHIYON I Burburtia/Burtia Ang tawag sa bugtong ng mga Ilokano. Arinkenken Paglisahan ng mga lalaki at babae na ang tema ay tungkol sa karapatan at responsibilidad. Pabitla Katawagang ginagamit ng mga taga-Pangasinan sa kanilang bugtong. Hele o Duayaya Awit na pampatulog sa bata Pagsasao Ang tawag sa Kawikaan ng mga Ilokano. Arasaas Ang tawag sa bulong ng mga Ilokano. Dung-aw Ang tawag ng mga Ilokano sa kanilang awit para sa patay. Ito ay nagpapakita ng pagdadalamhati ng mga namatayan habang nakaburol ang namatay. Ito ay awiting nagpapahayag ng kwento ng bayani. Sarita Ang tawag ng mga Ilokano sa kanilang maikling kwento. Cancionan Isang uri ng debate ng mga taga-Pangasinan na nilalapatan ng tama at wastong himig sa isang pagtatanghal. Tradisyon ng mga Ilokano na isang uri ng paawit na sagutan.Kadalasang makikita sa mga kasal, binyag at iba pang pagtitipon. Isang awit ng pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihan sa panghaharana. Bucanegan Ang tawag sa balagtasan ng mga Ilokano bilang parangal kay Pedro Bucaneg. Pinagbiag Dallot Badeng MGA KILALANG AKDANG PAMPANITIKAN Doctrina Christiana Sinulat ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva noong 1593. Kauna-unahang aklat ng mga Ilokano at kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nailimbag sa Pilipinas sa pamamagitan ng silograpiko. Isinulat sa wikang Samtoy ni Padre Francisco Lopez Barlaan at Josaphat (Vida de San Barlaan Y Josaphat) Akda ito sa tagalog ni Pagre Antonio de Borja at isinalin sa salitang Ilokano o Samtoy at sa anyong patula ni Padre Agustin Mejia noong 1621 Ipinalagay na kauna-unahang nobelang nailimbag sa Pilipinas. Ito ay batay sa Sulat sa Griyego ni San Juan Damasceno na naglalaman ng “ Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Malaoualhating Barlaan at Josaphat (1780)” Novena de Nuestra Senora de la Caridad que se Venera en la Iglesia del Pueblo de Bantay Ito ang kauna-unahang novena na nailimbag sa Pilipinas. Isinulat ni Padre Juan Bautista Arenos. Arte de la Lengua Iloca Kauna-unahang akdang pangwika tungkol sa wikang Ilokano. Isinulat ni Padre Francisco Lopez noong 1627. Pamulinawen Isang uri ng kantahing bayan at pinakakilalang akdang pampanitikan na Badeng. Ang awit ay ukol kay Pamulinawen, isang magandang babaeng may matigas na puso na parang bato. Kahit gaano kasugid ang lalaki sa panunuyo sa kaniya ay di niya ito binibigyan ng atensyon. Apay a Pinatayda ni Naw Simon (Bakit nila Pinatay si Don Simon) Isinulat ni Leon Pichay noong 1935. Kauna-unahang nobelang paniniktik. Manang Biday Isang popular na pangharanang awit na katutubo sa Kailokohan. Naglalahad ito ng marubdob na pagsinta ng isang binata sa isang dilag na tinawag na Mánang Bidáy (Aling Biday). Sumasagisag sa kaugalian ng kababaihang Filipino—maganda, balingkinitan, ngunit mayumi at mahirap suyuin. Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) Isang epikong tula ng mga Ilokano mula sa rehiyon ng Ilokos. Sinalaysay at sinulat sa orihinal na wikang Samtoy, pinapaniwalaang na pinaghalong gawa ito ng iba't ibang mga lumilikha ng tula na pinasa sa pamamagitan ng mga salinlahi, at unang sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunula na si Pedro Bucaneg. CAR CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION/ PAMPANGASIWAANG REHIYON NG CORDILLERA LALAWIGAN KABISERA Abra Bangued Apayao Cabugao Benguet Ifugao Trinidad Lagawe Kalinga Tabuk Mountain Province Bontoc Ang CAR ay tinaguriang nagsasariling rehiyon at ang sentro ng kulturang Ifugao. Nabuo ang rehiyon sa bisa ng RA 6766 na naging batas noong Oktubre 23, 1988. Ang mga katutubo ay binubuo ng mga BONTOK at IBALOY (Benguet), IFUGAO at ISNEG (Apayao), KALINGA, KANKANAY/KANKANA-EY at TINGUIAN (Abra). Binansagan ng mga dayuhan ang mga mamamayan bilang Igorot na may kaakibat na kahulugan noon bilang mga sanggano at walang pinag-aralan. Tinawag na mga Animista ang mga Isneg dahil sila ay naniniwala sa mga ispiritu. Kilala rin sa pagkakaroon ng babaeng pari o priestess na siyang nagsasagawa ng mga ritwal tulad ng sayam at pilday (isang ritwal na ginagawa pagkatapos ng isang matagumpay na pamumugot ng ulo). Kordey isang ritwal ng mga taga-Benguet ns ginagawa upang maging mayaman at mataba ang kanilang lupa. Tohungas isang seremonya mula sa Benguet ng paghihiganti sa mga di nakikitang kaaway (ghost enemies). Kabunian- ang nag-iisang Diyos ng mga Diyos na kinikilala ng mga taga-Ifugao. Canao/Canyaw isang tradisyon para sa mga Ibaloi at Kankana-ey na nagpaparangal sa ispiritu ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng pagkatay ng hayop. Gabbuk isang pagdiriwang ng pagbibinyag bilang pormal na pagpapakilala sa unang anak sa mga ispiritung naninirahan sa kanilang paligid. Bawi bahay-tanggulan ng mga Kalinga. Takba ay isang sinaunang tampiping panlikod na pinaglalagyan ng kanilang mga kagamitan at pagkain. Ampung isang ritwal mula sa Mt. Province na isinasagawa dahil sa pagkawala ng kanilang butil. Begnas isang seremonya na isinasagawa upang hingin ang pagpapala sa mga asawa at para sa pamayanan. ANG PANITIKAN NG CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION Ang Panitikan ng CAR ay panitikang pasalita at nahahati sa dalawang uri: pangritwal at di-pangritwal. Pangritwal- maaari lamang gamitin sa mga ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Di-pangritwal- kinabibilangan ng may mga pormang secular na maaaring gamitin sa iba’t ibang ordinaryong okasyon. EPIKO: Hudhud- tungkol sa pinaka dakilang bayani ng Gonhandan na si Aliguyon. Nagsasaad ng matandang kultura, pamumuhay at pakikipagsapalaran ng mga bayaning Ifugao. Alim- kalimitang ginagamit sa ritwal sa mga namatay, may sakit, paggawa at paglagay ng hagabi (isangmalaking bangko), malakihang pagdiriwang at pag-aani. Ulalim- mahabang awit na kinakanta ng mga babae at lalaki. Naglalaman ito ng temang romansa, kakaibang kagalingan sa mga gawain, kapangyarihang kahima-himala at mga matagumpay na pakikipagsapalaran at pakikidigma. Bindian- ang epikong ito ay nasasalaysay ng pag-iibigan ni Bindian at ni Bugan. Kanag Kababagowan- ang epikong ito ay ginagamit tuwing mag-aani na nagsisilbing kasiyahan ng mga trabahador. MGA AWIT: Salidommay- kalimitang ginagamit sa panliligaw, kasalan, pista, pagdiriwang ng kapayapaan, masaganang ani at mga biglaang kasiyahan. Dodong-ay- katulad rin ng salidommay, ito ay ginagamit din sa iba’t ibang pagdiriwang. Dujung- para sa libing ng isang namatay Bajun at Chajang- inaawit sa pakikipagdigmang ritwal. Tubag- inaawit sa pagkakasundo ng kapayapaan. Ayoweng at Charngek -inaawit tuwing nagtatrabaho sa palayan. REHIYON II (LAMBAK NG CAGAYAN) LALAWIGAN KABISERA Batanes Basco Cagayan Tuguegarao City Isabela Nueva Vizcaya Ilagan Bayombong Quirino Cabarroguis Ang Rehiyon 2 ay ang malawak at mayaman na lupain ng mga lalawiagan sa Cagayan Valley at ng mga Pulo ng Batanes. Nagtataglay ang rehiyon ng 93 munisipalidad at matatagpuan dito ang labing-isang ilog. Nakilala ang lupain ng Rehiyon 2 bilang “Lupain ng Tabako” sa Pilipinas dahil sa matatabang lupa rito na angkop sa pagtatanim ng tabako. Ang mga katutubo sa Rehiyon ay ang mga: Ibatan (Batanes), Gaddang at Ibanag (Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya), Dumagat, Isneg, Ita, Igorot. Ang mga kanilang wikang ginagamit ay: Ilocano, Tagalog, Pangasinense, Kapampangan, Yogad, Ibanag ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT NG REHIYON II 1. GREG LACONSAY Isang Ilokanong patnugot at manunulat sa Pilipinas na tubong Natividad, Pangasinan. Noong 1966, isa siyang punongpatnugot ng magasing Bannawag at naging asistenteng-direktor na pang-editoryal siya ng Liwayway Publishing, Inc., at nang lumaon ay naging ganap na direktor pang-editoryal ng buong palimbagan ng Liwayway nang sumapit ang 1977. Ilan sa kanyang mga akda: Iloku-English-Tagalog Dictionary Simplified Iloko Grammar Hala, Kuliglig, Kanta! 2. BENJAMIN M. PASCUAL Nagmula sa Laoag, Ilocos Norte. Isinalin niya sa Ingles ang epikong Biag ni Lam-ang. Isinalin din niya sa wikang Iluko ang Rubaiyat ni Oyam Khayyam. Kabilang rin siya sa nag-edit ng Pamulinawen. Naging Tagapayong legal ng Gumil, Metro Manila. Ilan sa kanyang mga akda: Ang mga Lawin Ang Kalupi 3. REYNALDO A. DUGUE Nagmula sa Candon, Ilocos Sur.Isang manunulat ng maikling kuwento, tula, nobela, sanaysay, iskrip sa radio, telebisyon, pelikula at komiks. Nakapaglathala na siya ng mahigit na 300 Kuwento sa Bannawag, Liwayway, Pambata, Parent’s Diges, Asia Magazine, observer, Sagisag, Focus Philippine at Giliw Magasin. Maituturing na isang premyadong manunulat. Ilan sa kanyang mga akda: Ang Gamugamo sa Lampara ni Julio Madarang Kandong ANG PANITIKAN NG REHIYON 2 Palavvuh (Ibanag) Ilalagunut (Gaddang) Unoni Lalenut Lallao Ang tawag ng mga katutubo sa kanilang bugtong. Ginagamit bilang isang anyong pang-kasiyahan o tagisan ng talino. Katumbas ng kasabihan sa mga Ibanag. Maaring nasa anyong prosa o maaari rin itong patula. Ang taguri ng mga Gaddang sa kanilang salawikain Ang tawag ng mga Gaddang sa kanilang mga tula Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" Tinaguriang isa sa pinakatanyag na Epiko ng Cagayan. Salomon Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” (instrumentong may limang kuwerdas). Verzo Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. REHIYON III (GITNANG LUZON) LALAWIGAN KABISERA Aurora Baler Bataan Balanga Bulacan Nueva Ecija Malolos Palayan Pampanga San Fernando Tarlac Tarlac Zambales Iba Ang Rehiyon III ay kilala sa karaniwang tawag na Gitnang Kapatagan (Central Plains) at itinuturing na Palabigasan ng bansang Pilipinas (Rice Granary of the Philippines). May apat na etno-linggwistikong pangkat ang Rehiyon: Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Pangasinense. Ang lalawigan ng Tarlac ay tinaguriang “Melting Pot” ng rehiyon. Ang lalawigan ng Aurora ay hango sa pangalan ng asawa ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na nagkaroon ng bisa sa ilalim ng R.A. Blg. 648 noong 1979. Kilala ang Rehiyon III sa pagkakaroon ng malaking bahagi sa ating kasaysayan: 1. Ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac ay kasama sa walong lalawigang nag-alsa at naghimagsik laban sa mga Kastila noong 1896. 2. Ang lalawigan ng Bataan ay bumagsak sa kamay ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nag hudyat ng pagkakaroon ng Death March o Martsa ng Kamatayan noong Abril 9, 1941. 3. Ang pagpapatayo ng Dambana ng Kagitingan. Mga katutubo sa Gitanang Luzon: Kankana-an, Oblayos, Igorot, Dumagat, Seyas at Ilongis. AGODA o ang Parada sa Ilog ng Bocaue, Bulacan ay ipinagdiriwang upang magbigay parangal sa kanilang patron, Our Lady of La Naval. Makikita rin dito ang Pista ng Pagluhod sa Kalabaw, Pagsasayaw sa Obando, Santacuzan at Harana. MGA KILALANG TAO MULA SA REHIYON III 1. FRANCISCO BALAGTAS (Bulacan)- kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog. 2. JUAN CRISOSTOMO SOTTO- Ama ng Panitikang Kapampangan 3. DIOSDADO MACAPAGAL (Pampanga)- isa sa naging pangulo ng Pilipinas at kilala ring manunulat ng tula. 4. GLORIA MACAPAGAL ARROYO- naging pangulo rin ng Pilipinas. 5. NICANOR ABELARDO (Bulacan)- musikero at kompositor 6. MARCELO H. DEL PILAR- isang propagandista 7. BERT “TAWA” MARCELO- politico at artista 8. REGINE VELASQUEZ-ALCASID- tinaguriang The Asia’s Songbird ILAN SA MGA KILALANG MANUNULAT NG REHIYON III 1. VIRGILIO S. ALMARIO Kabilang si G. Almario sa pangkat ng mga makata ng bagong panahon. Kilala siya sa kanyang sagisag panulat na Rio Alma. Sa pamamagitan ng wikang ginagamit niya ay nababakas ang makabagong pananaw at pagbibigay kahulugan sa buhay. Sa kasalukuyan, siya ang chairman/tagapangulo ng KWF/Komisyon ng Wikang Filipino. Ilan sa kanyang mga akda: Elehiya sa Isang Rebelde Makinasyon (1968) Peregrinasyon Agunyas-Lunsod sa Abril 2. ANICETO DELA MERCED Si Padre Merced ay isa sa mga unang sumulat ng Pasyon. Kinakitaan ang kanyang akda ng kahusayan ng mga saknong at kadalisayan sa paggamit ng mga pananalita. Ilan sa kanyang mga akda: Pasyon de Nuestra Jesucristo Landmark of Tagalog Poetry 3. CIRIO H. PANGANIBAN Itinuturing siyang tunay at matibay na haligi ng Literaturang Pilipino. Isa siyang makata, mandudula, kwentista, mambabalarila. Isa siya sa mga naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Ilan sa kanyang mga akda: Sariling Wika Bunga ng Kasalanan Veronidia Sa Kabukiran 4. VALERIANO HERNADEZ PENA Siya ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Unang natutunan ang kartilya mula sa kanyang kapitbahay. Naging manunulat siya sa isang sikat noon na pahayagan, ang Muling Pagsilang. Ginamit niya ang sagisag panulat na Kinting Kulirat sa kanyang mga akda. Tinagurian din siyang si Tandang Anong. Bukod sa pagiging nobelista siya ay kinilala rin bilang isang makata. Ilan sa kanyang mga akda: Nena at Neneng Ang Kasal na Naurong Ang Luha ni Choleng Luha ng Panulat 5. MARCELO H. DEL PILAR Kinilalang mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya ng Diariong Tagalog noong 1892. Naging tagapatnugot din siya sa pahayagang La Solidaridad at naging epektibong tagapamansag ng kilusang propaganda noon panahon ng Kastila. Siya ay isang abogado na nakilala sa sagisag panulat na Plaridel. Ilan sa kanyang mga akda: Dasalan at Tocsohan Caiigat Cayo Caiingat Cayo Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Kadakilaan ng Dios 6. HERMOGENES ILAGAN Ama ng Sarswelang Tagalog ANG PANITIKAN NG REHIYON III Basulto Ito ay naglalaman ng mga matatalinhagang salita na karaniwang ginagamit sa pagpapastol. Diparan Naglalaman ng mga salawikain at kasabihan ng mga Kapampangan. Goso Tumutukoy sa moralistikong aspeto ng kanilang kalinangan. Karagatan Inihahayag sa paraang patula na nag-ugat sa isang kasaysayan ng prinsesa na sinadyang maghulog ng singsing upang makahanap ng katipan. Pamuri Ito ay nag-ugat sa salitang puri at inihahanay sa isang uri ng awit ng pag-ibig ng mga Kapampangan Duplo Nilalaro sa lamay ng patay kung saan nagpapaligsahan ang mga kalahok sa pagpapakita ng kanilang husay sa pagtula. Sapataya Awiting nag-uuganay sa mga Kapampangan sa kanilang paniniwalang politikal. May himig na pangangatwiran at pagtatalo sa saliw ng sayaw gamit ang kastanyete. Kumidya Hango sa pag-iibigan ng prinsipe at prinsesa at kalimiting nagpapakita ng labanan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim Paninta Awit bilang pagpaparangal sa mga sa isang hayop, bagay, lugar o tao na kanilang labis na pinapahalagahan. Zarzuela Impluwensya ng mga kastila na nagugat sa lugar kung saan una itong itinanghal sa Espanya. Pang- obra Nagpapakita ng pagpapahalaga sa gawain.