SLIDE #1 Una, Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming naiimbentong platform upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay ang Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, Tinder at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga sentimyento, opinyon o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa. Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng management ng mga nasabing online platforms ang usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang mga ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan. SLIDE #2 Katanungan: Mas gusto mo bang makipag usap/makipagkomunikasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba't ibang plataporma sa social media o mas gusto mo ang personal na interaksyon? Upang magkaroon kayo ng kalinawan ng isipan sa pagsagot ng katanungang ito. Makinig at matuto sa mga susunod pang leksyur! SLIDE #3 Karagdagang kaalaman, ayon sa Rappler, sa taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa parehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan ng mga Pilipino ang pagiging online. Ilan ditto sa pamamaraan ng paggamit sa Facebook ay propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango sa pangalan ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya, pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo. Halimbwa nalamang sa kasulukyang pangyayari lalo’t nalalapit na ang halalan 2022, samu’t saring poster at iba pang political campaign ang inyong makikita sa facebook. Isa ang facebook sa mga malalaking midyum na higit na makakatulong sa mga tao halimbawa nalang sa mga pulitika upang kanilang mas maipakilala ang kanilang sarili at mailahad ang kanilang layunin sa publiko. Bukod pa sa mga nabanggit, nauuso rin ngayon ang mga dating application gaya ng Tinder at Grinder. Ang Tinder ay isang platform na nag-uugnay sa mga taong nais makikilala ng ibang taong maaari nilang maka-date o maging kasintahan. Malimit itong ginagamit ng mga straight o heterosexulas, dahil ang mga homosexual naman ay mas pinipili ang Grinder. Ipinakikita ng app na ito ang mga miyembro na malapit sa iyong lokasyon. Binibigyan ka nila ng pagkakataong ipakita ang iyong interes sa ibang miyembro sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan, at kawalan naman ng interes sa pamamagitan ng pag-swipe pakaliwa. Sa kabila nang aking mga nailahad na impormasyon tungkol sa dalwang application na ito ay nararapat na maging matalino ka sa pagpili ng mga tao na iyong kakausapin. SLIDE #4 Kaugnay nang aking unang nabanggit tungkol sa pagiging matalinong netizen, pinalalabnaw naman nito ang kalidad ng mga relasyon. Sa kaso ng mga dating app, kung gaano kabilis nabubuo ang relasyon sa platform na ito, ganoon din ito kabilis natatapos. Nagiging disposable ang mga relasyon dahil sa availability ng iba pang posibleng partner. Ang mga online predator na nanamantala sa bata at hindi gaanong aral na miyembro nito ay masasabing isang banta rin sa paggamit ng mga nasabing social media site. Kung walang gabay mula sa nakatatanda, maaari ding maging sanhi ng pagkakalantad sa mga sensitibong paksa ang mga bata sa Internet. Ang pagbebenta ng mga gamit sa social media ay talamak din. Naging malaking salik din ito ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa puntong nakabase ang relasyon sa mga interaksyon sa mga app na ito, gaya ng oversharing na malimit ginagawa upang kumalap ng simpatiya imbes na lutasin ang problema sa mas pribadong pamamaraan. Naging madali at talamak ang pagpapakalat ng tinatawag na fake news o misimpormasyon, dahilan upang lalong lumaganap ang pagkakahatihati ng mga tao pagdating sa opinyon at paniniwala dahil na rin sa demokratisasyon ng impormasyon sa social media. Nananatili ring dominante ang wikang Ingles sa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, at iba pa dahil sa kagustuhan ng mga developer ng social media sites na ito na maabot ang mas malaking audience. Ito ay sa kabila ng ilang pagtatangka na bigyan ng option ang mga gumagamit ng mga nasabing app na isalin ang content nito sa Filipino. Isinabatas bunsod ng mga nabanggit at ang iba pang mali at abusadong paggamit sa social media ang Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law of 2012. Naglalayon itong hadalangan at patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng krimen sa Internet. Patuloy rin ang ginagawang pagtuturo ng literasi sa midya sa mga paaralan at unibersidad sa Pilipinas bilang tugon sa hamon ng nagbabagong panahon. Sa katunayan, bahagi ng kurikulum sa Senior Hig School ang Media and Information Literacy. SLIDE #5 Napapabilang sa dalawang kategorya ang ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyon. Ano mang tiyak na sitwasyon ang kinasasangkutan,mainam na sagutin ang sumusunod na mga katanungan upang magabayan at matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa. Ngunit bago masagot ang ilang katanungan sa mga susunod pang slide ay mayroong kasanayan ang mag uulat sa pagsasalita. Lahat ng tao ay nagsimulang matutong magsalita sa kinagisnang tahanan, wika nga, mga magulang ang unang nagturo sa atin nito at ito ay lalo nating pinahusay nangpumasok sa paaralan. Ang pag-uulat ay bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag usap sa mga taong may tagging kaalaman upang magmasid sa mga bagay-bagay. SLIDE #6 Unang katanungan na dapat masagot upang maging mas epektibo ang pakikipag ugnayan sa kapwa, “Ano ang layunin ng komunikasyon?”. Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnay kung natitiyak sa simula pa lamang ang inaasahang outcome. Sa kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang malinaw ang tunguhin upang maging handa ang mga kalahok at upang maging mahusay ang paggamit sa oras, kagamitan, at iba pang resources. Ang layuning ito ang magiging balangkas nang taong makikipag ugnayan o mag uulat. Sa pamamagitan ng layunin, magiging handa at alerto ang tagapagsalita sa dapat na maging daloy at output ng pakikipag komunikasyon. SLIDE #7 Sunod na katanungan, “Paano padaraanin ang impormasyon?” Ang daluyan ng komunikasyon ay maigi ring isaalang-alang. May mga sensitibong mensahe na nagtatakda ng personal na interaksyon. Kung ang gagamiting daluyan ay gaya ng social media o malakihang kongreso o kumperensya, mas magiging mabili at matipid naman ang pagpapalaganap ng mga hindi gaanong sensitibong mensahe. Kaugnay nito, mahalagang tukuyin kung sa paanong paraan ihahayag ang impormasyon sa kausap - galit, pasigaw, malumanay, mabilis, pasulat, pasalita, at iba pa. Sa konseptong ito, dapat isa alang alang kung sino ang mga audience- kanilang interes at maaaring pag-uugali o lebel ng pagiisip at pagtanggap ng mga impormasyon. Kung sa tingin mo sila ay halos kabataan, mas mainam gamiting midyum ang social media sapagkat sila ay mas nagbibigay interes sa bagay na ito sa paraang malumanay. Sa kabuuan, ito ang ilan sa mga dapat tandaan upang matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa. Ganap na paghahanda, maayos na paglikom ng mga datos at impormasyon, magandang pag buo ng ulat at maliwanag na pagbabahagi ng nakalap na impormasyon.