DALUMATFIL Dalumat ng/sa Filipino PANGKATANG GAWAIN Analisis Blg. 1 PANGKAT LUNTIAN BSCE - 2B Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pangunahing Detalye ng Papel/Pelikula: (Kapag Akademikong Papel, tanging Taon at Panulat lamang) Taon: 2020 Produksiyon: Direksiyon: Panulat: Rommel V. Espejo at Marianne R. De Vera Sinematograpiya: Disenyo: Tunog: Nagsiganap: Mga batayang impormasyon mula sa papel/pelikula: ↪ Sining biswal ↪ Globalisasyon ↪ Kulturang popular ↪ Cyberspace ↪ Soap opera ↪ Multiple character ↪ telebisyon ↪ Konseptong patriyarkal ↪ Teorya ng Pagtanggap ↪ Depamaliyarisasyon ↪ Ideolohiyang Maternal ↪ Ideological State Apparatus ↪ Feminismong konsepto ↪ Stereotypes Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel 1 Sining biswal ang tawag sa mga anyo ng sining tulad ng pagpipinta, pagguhit, printmaking, sculpture, ceramics, photography, video, filmmaking, disenyo, crafts at architecture. Isa ngang sining biswal ang sinuri ng mga kritiko na sampung episode ng teleseryeng Wild Flower na isang pelikula/teleserye na ipinalabas sa Channel 2 ABS-CBN. Sinuri ng mga kritiko ang teleserye gamit ang kanilang matatagpuan sa istilo, kaniya-kaniyang perspektiba, unang pahina, ikainterpretasyon, opinyon, at pagpapakahulugan unang talata sa mga nailahad na mga konteksto, danas at naratibo ng paksa o eksenang tinalakay at binigyan ng buhay. Sa pagsusuri ng teleserye, dumaloy ang kuro-kuro, nagkaroon ng positibo at negatibong pagsang-ayon at dipagsang-ayon, at pagtugon o pagrebelde sa kaisipan na binibigyang katuturan ng mga mananaliksik. 2 Ang globalisasyon ay ang proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ito rin ang pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga aspekto ng ekonomiya, politika, kultura at kapaligiran. Makikita sa papel na ang lumalawak na pagsasama-sama ng tao at ng lugar sa daigdig ay nagdulot ng sanga-sangang pagbabago sa usaping-ekonomiya, politika, kultura, edukasyon, midya at feminista. matatagpuan sa unang pahina, ikaapat na talata Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel Bilang Buod 2 Apektado ang midya ng sa usaping globalisasyon sapagkat nagagamit ang midya bilang isntrumento ng pagsisiwalat ng katotohanan at maging sa paghahatid ng kasinungalingan. Sa pagsipat sa teleserye, nasuri kung paano gumanap ang midya bilang larang na naging lunsaran sa daloy ng iba’tibang anyo at paghuhulma sa gahum ng babae sa lipunan. 3 Kinagigiliwan ngayon ang mga Kulturang popular, ito ang mga kulturang naimpluwensyahan ng midya, ng mamimili, at ng komersyo, at may malaking epekto sa pangaraw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Sinasabi na may malaking impluwensiya ito sa buhay ng mga tao, positibo man o negatibong aspekto, malaki ang epekto ng midya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil sa arawaraw na panonood ng telebisyon, nagkakaroon matatagpuan sa ng pagbabago sa kaniyang mundong unang pahina, talata ginagalawan at kung paano siya makitungo sa ika-anim realidad at sa mundo ng birtuwalidad o teknolohiya. Habang tumatagal hindi natin namamalayan na nilalamon na tayo ng mga kulturang popular sapagkat naiimpluwensyahan nito ang ating gawi, istilo ng pamumuhay, at pag-iisip ngunit mabuting halimbawa din ito ng pagpapalaganap ng mga palabas na kinagigiliwan ng mga manonood at pampatanggal pagod sa maghapong babad sa trabaho. matatagpuan sa unang pahina, ikaapat na talata Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel 4 Ang Cyberspace ay tumutukoy sa birtuwal na mundo ng kompyuter. Sinasabi sa akademikong papel, ayon sa aklat ni Pe-Pua, kaugnay sa pahayag ni Nery,na ang hindi maiwasang paggamit ng modernong teknolohiya tulad ng kompyuter na kung saan matatagpuan sa maaaring makapanood ng iba’t-ibang palabas unang pahina, ika ay isang malaking batayan na malaki ang walong talata naidudulot ng midya sa buhay ng tao. Ang pakikinig sa radyo, panonood ng pelikula at mga dokumentaryo ay senyales o repleksyon ng patuloy na pakikisalamuha ng tao sa mundo ng midya. 5 Soap opera, isang anyo ng sining na binubuo ng mga pagganap sa entablado na nakalapat sa musika. Sinasabi sa akademikong papel na nagsimula noong 1930 hanggang sa kasalukuyan, ay hindi matatawaran ang paghillig ng mga tao sa soap opera. Sa pamamagitan ng mga soap opera ay nabibigyang tinig ang mga babae, halimbawa ang mga may bahay o ilaw ng tahanan o mga kababaihan sa bahay. Nagsimula bilang drama ang soap opera na inisponsor ng mga kompanyang gumagawa ng sabon at tumawid ang soap opera sa telebisyon at hanggang ngayon ay itinuturing na isa sa mahahalagang anyo ng kulturang popular na tinatangkilik ng maraming manonood. matatagpuan sa ikalawang pahina, ika-sampung talata Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod 5 Binibigyang representasyon o itinatampok nito ang mga gampanin ng mga kababaihan kaya unti-unting naririnig ang tinig ng mga babae at naipapamalas ang kanilang mga kakayahan, kalakasan, at gampanin sa tahanan at maging sa lipunang kanilang kinabibilangan. 6 Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel matatagpuan sa ikalawang pahina, ika-sampung talata Multiple character ay ang pagganap sa mga teleserye ng hindi lang iisang karakter ang ginagampanan kundi higit pa. Mapapansin natin sa kasalukuyan na marami nang mga pelikula o mga teleserye ang hindi lamang maybahay ang karakter na ginagampanan ng mga babae kundi marami pa na nagpapakita ng kanilang kalakasan at kakayahan na untiunting bumabasag sa de-kahong imahen ng mga babae na mahina, pang-bahay lang, walang alam at iba pa. Sa pag-usbong ng mga pelikulang matatagpuan sa nagtatampok ng mga kababaihan na may pahina ikalawa, talata multiple character, nagiging mapanghamon na labing-isa ang mga karakter nila sa kasalukuyan, nagiging matapang, at hindi na mahina. Isa lamang ang Wild Flower sa produkto ng midya na may taliwas sa pamamaraan sa pagbuo ng isang palabas na kung saan ipinakita rito ang iba’t-ibang karakter ni Ivy Aguas o Lily Cruz sa pelikula na siyang bumasag sa imahe ng babae. Isa siyang inaapi at mang-aapi. Isang babaeng matapang at kayang magdesisyon sa kaniyang sarili. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel 6 Hindi nakadepende sa iba kundi kayang tumayo sa sarili nitong mga paa. Binali nito ang tradisyunal na sistema ng teleseryeng Pilipino. Isang kwentong sumasalamin sa politika at kung paano sisirain ang lahat alangalang sa hangaring pagharian ang Ardiente. matatagpuan sa pahina ikalawa, talata labing-isa 7 Sa telebisyon mapapanood ang iba’t-ibang palabas tulad ng pelikula, drama iba pa na siyang kinahuhumalingan ng mga Pilipino. Sa pagpasok ng teleseryeng Wild Flower ay marami ang nahumaling sa panood sa telebisyon sapagkat maraming Pilipino ang nagustuhan ang karakter na ginampanan ni Maja Salvador. Marami ang natuwa, nainis, nagagalit at iba pang emosyon kapag matatagpuan sa pinapanood ang teleserye sapagkat pahina ika-dalawa, nakakarelate dahil marahil ang buhay natin ay talata ikalabing-apat hindi maipagkakailang maihahalintulad din sa isang teleserye na minsan may komedya, minsan aksyon, katatakutan at kadalasan ay drama. Ang telebisyon ay isaag mahalagang uri ng libangan ng mga Pilipino na nakatutulong upang hubugin ang kamalayan, at nagbibigay din ng epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng manonood. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel Bilang Buod 8 Ang konseptong patriyarkal ay isang sistemang panlipunan kung saan ang mga lalaki ay nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno pampulitika, moral na awtoridad, pribilehiyo ng lipunan at pagkontrol ng ari-arian. Mula sa pagsusuri ng mga mananaliksik, makikita na ang teleseryeng Wild Flower ay nagpamalas ng taliwas sa konseptong patriyarkal, na kahit babae ay kayang manungkulan, maging matapang, at maghiganti, kamtin ang hustisya para sa kaniyang mga mahal sa buhay, at kumontrol ng ari-arian at iyan ay ipinakita sa karakter ni Maja Salvador na hindi lamang lalaki ang kayang mamuno kundi maging ng isang babae tulad niya na bumangon mula sa masalimuot na nakaraan. matatagpuan sa ikatlong pahina, ikalabing-pitong talata. 9 Teorya ng Pagtanggap ang pagbibigay kapangyarihan sa mambabasa bilang isang mahalagang elemento sa paglikha ng kahulugan. Mula sa papel, nagkaroon ng malawak na pang-unawa ang mga nakapanood sa teleseryeng Wild Flower gayundin ang mga kritiko ng pagkukumpara sa estado o kalagayan ng mga babae noon at sa kasalukuyan. matatagpuan sa ikatlong pahina, ikadalawampu’t dalwang talata Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel 9 Sila bilang manonood/mambabasa, ay nakabuo ng kaisipan at pang-unawa sa karakter na ginampanan at doon naguumpisa ang pagsusuri o paglikha ng kahulugan mula sa napanood na palabas. Mula sa ating napanood ay bubuo tayo ng panibagong imahe na siyang maglalarawan sa ating napanood. Tulad sa pagsusuri ng papel, nasaliksik at naunawaan ang malawak na komparasyon sa kababihan noon at ngayon. matatagpuan sa ikatlong pahina, ikadalawampu’t dalwang talata 10 Depamaliyarisasyon naman ang pag-alis ng tao sa kinamihasnang paraan ng pagtingin sa likha na kung saan sinisipat ang teksto mula sa isang higit na dinamikong posisyon. Namulat ang mga nakapanood ng teleseryeng Wild Flower sa kung ano nga ba ang tunay na kakayahan ng mga kababaihan na nakakubli na hindi nabibigyang pansin noon at ngayon ay unti-unting naipapamalas ng mga kababaihan sapagkat nabibigyan na sila ng kahalagahan at kalayaang maipakita ang kanilang kakayahan. Binasag nito ang ideya o konsepto at imahe sa kinasanayang paglalarawan sa kanila na noon ay mahina, pantahanan, walang alam o mahina at iba pa. Sa teleseryeng ito mas naging pokus at nangibabaw ang kalakasan, kakayahan, at kagalingan ng isang babae na nagpabago sa paningin ng marami. matatagpuan sa ikatlong pahina, ika dalawamput dalawang talata Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Bilang Buod 11 Ideolohiyang Maternal ang ideolohiya o kaisipan tungkol sa isang ina o babae, bilang batayan sa pag-isa-isa ng katangian, kalakasan, at kahinaan ng mga babaeng karaker sa teleseryeng Wild Flower. Nasalamin sa teleserye ang katauhan ni Sunshine Cruz bilang ina ni Maja Salvador na isang larawan ng isang makalumang in ana ginagampanan nag tungkulin at responsibilidad bilang ina. Ang sakripisyong ipinakita ay para sa pagtupad ng ambisyon ng anak na hindi mapapasubalian. 12 Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel matatagpuan sa ikalimang pahina Idelogical State Apparatus naman ang sistema ng pagpapatupad ng ideolohiya ng mga naghaharing-uri habang banayad na sinusuyo ang mga tao para tanggapin ang sistema. Sa pagsusuri ng mga mananaliksik sa teleserye ay nasipat ang gahum ng mga kababihan. Isang matatagpuan sa sistema na bago sa mga manonood sapagkat ikalimang pahina, ika kadalasang ipinapalabas sa telebisyon na ang tatlumpong talata 1. kababaihan ay inaauso, sunud-sunuran sa mga lalaki, pero ngayon ay nabigyang pansin ang kalakasan ng mga kababaihan sa teleserye. Ang ideolohiya o kaisipang ito ay unti-unting tinatanggap ng lipunan. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pahina at numero ng talatang pinagbatayan mula sa papel Bilang Buod 13 Feminismong Pananaw naman kung pinagtutuunan nito ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Naging layunin ng teleserye na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan. Naipakilala ang mga kalakasan at kakayahang pambabae at naiangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Ang pangunahing tauhan sa teleserye ay isang babae na siyang bumasag sa de-kahong imahe ng kababaihan. 14 Stereotypes o estereotipo (sa tagalog) ay isang ideya o pahayag tungkol sa lahat ng miyembro ng isang grupo o pagkakataon ng isang sitwasyon. Kadalasan ito ay isang hindi makatarungang paniniwala na lahat ng tao o bagay na may iisang partikular na katangian ay pare-pareho lamang. Ipinakita sa ilang episode ng teleserye ang palaging paglalarawan sa mga kababaihan na mahina, marupok, pantahanan, matatagpuan sa ikamasama, emosyonal, at tanga ang mga babae. anim na pahina Mayroon rin namang mga eksena at linyang nagpapakita ng pagtuligsa sa kalagayan ng babae sa lipunan gaya ng maling pagtrato sa mga kababaihan at stereotypes subalit nanaig ang pagpapalutang sa kalakasan at kakayahang pambabae at iniangat ng palabas ang totoong teleserye ng buhay ng lipunan ng mga kababaihan. matatagpuan sa ikaanim na pahina Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Mga batayang impormasyon mula sa papel/pelikula: 1. Sang-ayon ako na sa pamamagitan ng Sining Biswal gaya ng pagpapalabas sa mga teleserye o pelikula ay nakakapagbigay aliw at libangan sa mga manonood, nahuhubog ang kanilang kamalayan sa nangyayari sa lipunan at nagkakaroon ng malawak na pang-unawa sa kaganapan paligid, at sa karakter na ginagampanan ng mga tauhan. 2. Hindi natin maikakaila na sa pagpasok ng makabagong teknolohiya bunsod ng globalisasyon ay maraming manonood ang nahuhumaling sa mga palabas sa telebisyon subalit ang lumalawak na pagsasama-sama ng tao at ng lugar sa daigdig ay nagdudulot ng pagbabago at apektado ang midya sa usaping globalisasyon. Kaya dapat maging maingat tayo sa paggamit ng teknolohiya sa pagpapalaganap ng impormasyon. 3. Tunay na malaki ang impluwensiya ng mga kulturang popular na naging parte na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. 4. Napakalaking tulong ng cyberspace sa kasalukuyan dahil nasasaksihan natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran at nakakapanood tayo ng mga teleserye na may malaking impak sa ating mga buhay. 5. Sang-ayon ako sa paglikha ng mga soap operas dahil pinapalutang nito ang gampanin at kalakasan ng mga kababaihan at napapalago nito ang pagtitiwala ng mga babae sa kanilang mga sariling kakayahan dahil nabibigyang puwang sila sa lipunan. 6. Maraming uri ng stereotype o stereotipo at isa na nga dito ang gender or sex stereotype na kung saan ay hindi ako sang-ayon sapagkat dinitiktahan mo kung ano lang kayang gawin ng isang tao at bibigay ito ng negatibong imahe sa isang tao o grupo. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pagsusuri sa Konteksto ng Papel: Katotohanan at hindi mga pagpapalagay 1. Ano ang istilo ng awtor sa pagsulat? Ipaliwanag. Batay sa pagsusuri ng aming grupo, ang mga istilo na ginamit ng awtor sa pagsulat ay Akademik, Teknikal, at Referensyal. Una, ang akademik, ito ay ang intelektwal na uri ng pagsulat. Kailangan ng maiging pagtatalakay at pagaaral sa isang paksa upang magawa ito ng tama. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Sa akda nina G. Rommel at Bb. Marianne mapapansin natin na ang bawat talata ay naglalaman ng iba't ibang kaalaman tungkol sa feminismong pananaw. Tagumpay ang mga manunulat na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa mga mangbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga piling piling salita at isinasaalang - alang din ang target na mambabasa. Pangalawang istilo ng pagsulat na aming napansin na ginamit ng awtor ay ang teknikal. Ito ay uri ng panunulat na ekspositori o nagpapaliwanag. Direkta at tiyak ang mga salitang gagamitin at “teknikal” kaya mayroon itong sariling sintax na hindi maiintindihan kung walang konteksto. Ang akda ay propesyunal, madaling basahin, at nagbibigay ng ekspositori ng impormasyon sa teknikal na layunin. Pangatlo ay ang Referensyal. Ito ay ang estilo ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Kung ating mapapansin sa ikaanim na pahina ng akda, nakapaloob dito ang rekomendasyon ng mga manunulat kung saan iminumungkahi nila ang iba pang sanngunian para mas mapag-aralan at maunawaan pa ang isang paksa. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" 2. Paano sinipat ng mga manunulat/mananaliksik ang gahum ng kababaihan sa pelikulang Wildflower? Magbigay ng mga patunay na konsepto mula sa papel na magpapatunay sa inyong sagot. Sinipat ng mga manunulat ang iba't ibang gahum ng kababaihan sa pamamagitan ng pagkukumpara ng kanilang kakayahan, katangian, kalakasan at kahinaan. Isinalaysay ng mga manunulat kung ano ang pagkakaiba ng mga babae noon sa mga soap opera at dito sa teleseryeng wild flower. Nakatulong din ang mga teorya upang masipat ng maayos ang iba't ibang gahum ng kababaihan. Dahil ang mga teorya ay nagpapaliwanag ng estado ng mga kababaihan at higit ang lahat ang pagbasag sa imahe ng wild flower sa imahe ng kababaihan na nakikila noon. Inilahad ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral ang pagkakaiba ng katangian ni Sunshine Cruz bilang si Camia na ina ni Maja Salvador sa teleserye at ni Emilia. Si Sunshine Cruz o Camia ang larawan ng isang makalumang ina na ginagampanan lamang ang tungkulin bilang ina. Ina na handang maging martir alang-alang sa anak, pagpapaliwanag ni Fanny Garcia patungkol sa isang ina. Samantala, si Emilia naman ang pagpapakahulugan ng paglalarawan ni Lualhati Bautista sa isang babae na hindi dapat humahantong sa pagkatali at sa pag-iintindi lamang sa kaniyang mga anak ngunit isang babae bilang asawa, ina, at may kapangyarihan sa gobyerno. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" 3. Ano ang komparatibong salaysay na nagbigay puntos sa Pamagat o konsepto ng Ang teleserye ng totoong buhay at ang buhay ng totoong teleserye? Kaugnay sa pahayag ni Nery (2011) Malaki ang naidudulot ng midya sa buhay ng isang tao. Kaya nitong baguhin ang kaisipan at gawi ng tao sa lipunan. -dahil kapag ang tao ay naiiugnay ang kanyang sarili sa isang karakter sa programa maaari niya itong maisabuhay at magamit sa pakikisalamuha at pakikipag ugnay sa iba pang tao. Sa pag-aaral ni Aranda (2014) ang telebisyon ay isang mahalagang uri ng gampanin sa paghubog ng kamalayan ng tao at kung paano niya tinitingnan at hinuhugis ang mundo. Sa puntong ito, naging bahagi na ng buhay ng bawat tahananang Pilipino ang panonood ng teleserye. Dahil bahagi na ito ng ating pang-araw-araw na pamumuhay, hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang telebisyon upang masubaybayan lamang ang mga minimithing panoorin, ang mga teleserye. Para kasing mababaliw tayo sa kalungkutan kung wala ang telebisyon para magbigay saya at aliw sa atin lalo't higit kay husay ng iniidolo nating mga bida o kontrabida sa teleseryeng sinusubaybayan. Sa munting sandaling panonood natin ng telebisyon, may mga kwentong aakit at aakit sa ating kamalayan sa tulong ng angkop na tunog, larawan, iniidolong karakter at maging linyang hindi malilimutan na kinukuha ang ating paniniwala. 4. Ano-ano ang ganap at danas ng mga kababaihan dahil sa dikotomiyang nananahan sa lipunang Pilipino? Ang mga dikotomiyang nararanasan ng mga kababaihan ngayon ay ang mag sumusunod: Mga babaeng hindi pinapayagan kapag dis-oras ng gabi dahil sa paniniwala ng mga magulang na ang babae ay dapat nasa bahay na bago lumubog ang araw. Mga babaeng hindi pinapayagan ng kanilang asawa na mag trabaho dahil sa paniniwalang ang mga asawang babae ay dapat nag-aalaga at naglilinis sa bahay lamang. Sa ngayon, may mga kababaihan pa ring nalilimitahan sa paglahok sa larangan ng isports. Sa ngayon, may iilan pa ring kababaihan na nalilimitahan ang pagpili ng kurso dahil sa paniniwalang mahina ang mga babae. ➡ ➡ ➡ ➡ Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" 5. Paano sinuri ang Pelikula sa teoryang pampanitikan na nasasalamin sa ginawang pagsusuri. Sa pamamagitan ng mga teorya nakatulong ito sa mga mananaliksik upang mas masuri at maipagkumpara ang iba't ibang uri ng kababaihan. Gumamit din sila ng mga teorya upang mas lalong makita ang pagkamasining ng may akda sa kaniyang gawa. Higit sa lahat ang mga teorya ay nakatulog upang mas lalong mabigyang diin ang pamagat ng akademikong papel. Sa pagsuri ng pelikula maraming ginamit na teorya ngunit mas nabigyang diin ang paggamit ng teoryang Feminismo, dahil naka pokus ang pagsusuri sa gahum ng kababaihan. Babae ang mga itinatampok rito, bukod dito talagang lantad ang pagganap ng kababaihan hindi lamang basta taga sunod bagkus sila ang main character at nag rerepresenta sa kababaihan naipakita nito ang mga katibayan "tulad ng paglaban ng bida para maipakita ang kalakasan at kakayahang pambabae at naiangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan" upang makonsidera bilang isang teoryang Femenismo. Rebyu ng "Ang Teleserye ng Totoong Buhay at ang Buhay ng Totoong Teleserye: Pagsipat sa Gahum ng Kababaihan sa Teleseryeng Wild Flower" Pangkat Luntian Almazan, Rem Marjorie Cabria, Danilo Jr. Chan, Darlene Khaye Mingua, Michael Prepose, Rosalyn Viernes, Justine Mga Kaugnay na Pag-aaral at Batayang Sanggunian: https://tl.unionpedia.org/Sining-biswal https://jayelsays.blogspot.com/2020/11/kulturang-popular.html?m=1 https://www.encyclopedia.com/social-sciences/dictionaries-thesauruses-picturesand-press-releases/ideological-state-apparatus https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-estereotipo https://tl.theastrologypage.com/cyberspace Puwang na nais bigyang-pansin: Isa sa nais naming bigyang-pansin ay ang pang-apat na naitala ng mga may makda sa rekomendasyon. Ang ipinakitang hegemonya ng kababaihan sa mga episode ng palabas ay masasabing hindi makatotohanang representasyon ng kababaihan sa ating lipunan. Sa totoong mundo, hindit ito ang repleksiyon ng mga babaeng palaban sa ideyal na lipunan. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsaliksik ng karakter ng mga babaeng may katulad na danas kay Lily Cruz para na rin sa balidasyon ng mga imaheng ipinapalabas sa telebisyon ay nagaganap na rin sa kontemporaryong panahon. Ipinakita sa Wild flower ang kahinaan, at ang kalakasan ni Maja Salvador sa palabas nghnit ito ay hindi naman nagpapakita ng representasyon ng babae ngayon sa ating lipunan. Hindi ganoon na babae ang nakikita natin ngayon. Oo maaari na may mga katulad ngunit hindi ganoon ang pagkilos at galaw kay Lily Cruz na ipinalbas sa Wild Flower. Tama din yung rekomendasyon na dapat magsaliksalik pa ng ibang karakter ng mga kababaihan na may katulad na danas kay Lily Cruz sa panahon natin ngayon ng sa gayon malaman natin ang totoong pagkakaiba ng teleserye ng totoong buhay sa buhay ng totoong teleserye.