Uploaded by glyzel Agguire

Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito

advertisement
Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng
pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Ito’y pag-unawa sa wika ng may akda ng mga nakasulat na simbolo.
Ito ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag. c.
EKSPOSITORI . PAGBASA
Ang tunay na lunas sa aking palagay ay ang wastong edukasyon sa mga nais mag-asawa. Ang pag-aasawa
nang hindi handa’y dapat tukuying mali. Ngunit kung pahihintulutan ang diborsyo, mawawalan ng
saysay ang ganitong edukasyon. Inaalis ng diborsyo ang pangangailangang magpataw ng disiplina sa
sarili, ang pangangailangang magkaraoon ng prinsipyo sa buhay. Ito ang mga mabibigat na dahilang
moral laban sa diborsyo. b. ARGUMENTATIBO
Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay… mabuhay nang mapayapa, mabuhay nang marangal, at
mabuhay nang maunlad. Magagawa lamang natin ito kung ang wikang ating ginagamit sa araw-araw ng
buhay saanmang larangan ay ang wikang Filipino. Naniniwala ako na ang wikang Filipino ang isa sa mga
susi upang di na makawala pa sa ating mga kamay ang mga karapatang ito. b. ARGUMENTATIBO
Dahil sa pagsulat, napapanataling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang
bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng
kanilang bansa. d. ARGUMENTATIBO
Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng kanilang maliit na dampa.
Namatay ang mga halaman, natuyo ang lupa at walang tubig ang batis at ilog. Lumaganap ang taggutom. Dumating ang panahon na nagluwal ng sanggol ang babae kaya’t napilitan silang maghanap ng
pagkain. Nilibot nila ang kagubatan, pinasyal ang burol at inakyat ang tuktok ng bundok. Sa kanilang
pagkagulat ay nakakita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis na dahon at may maliit na
bunga iyon. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon. a. NARATIBO
Makapangyarihan ang wika. Maaari itong maging kasangkapan ng pang-aalipin kung paano ginamit ng
mga Amerikano ang wikang Ingles nang alipinin nila ang ating bansa may dekada na ang nakalilipas.
Ngunit ang wika ay maaari ring maging wika ng pagpapalaya kung paanong ginamit ng mga Indones ang
Bahasa Indonesia at isigaw nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tunair! Sa layon nilang palayain ang
kanilang sarili sa kamay ng mga mananakop na Olandes. a. ARGUMENTATIBO
Maraming gawain ngayon ang nangangailangan ng kaalaman sa kompyuter. Napabibilis ang at
nagkakaroon ng ganap na kawastuhan sa pagtupad ng mga gawaing iyon. Ang salitang kompyuter ay
nagmula sa salitang-ugat na compute. Katumbas ito ng tuos, kwenta o kalkula kung isasalin sa Filipino.
Ang mga nabanggit na termino ay para lamang sa gawaing pangmatematika. Subalit ano nga ba ang
kompyuter? b. NARATIBO EKSPOSITORI
Ngunit magkaiba ang taglay na kagandahan ng dalwang ito. Taglay ni Pia ang karisma ng isang mestisang
Pilipina, samantalang tubong-Bicol naman si Catriona na kung iisipin ay simpleng paru-paro lamang sa
isang ilawan. b. DESKRIPTIBO
Saanmang bahagi natin ito tingnan, malinaw na nagpapakita na ang nabigong coup ay isang paglabag sa
batas sapagkat ito’y di makatarungang pagtira sa pamahalaang konstitusyonal na lehitimong itinatag ng
higit na nakararaming mamamayan sa pamamagitan ng demokratikong eleksyon. Kung gayon, walang
ibang paraan upang mapalitan ito ng diktaturya at pasistang military. c. ARGUMENTATIBO
Totoong kailangan ng tao ang salapi sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Hindi siya
mabubuhay nang maayos sa daigdig na ito kung wala siyang salapi. Ngunit may mga pangyayaring ang
salapi ang nagiging ugat ng mga kasamaan. Maraming tao ang nagpapatayan, marami ang nakukulong
dahil sa pagnanakaw at marami ring pamilya ang nawawasak nang dahil sa salapi. Hindi na dapat na
maging gahaman sa salapi sapagkat magbubunga ito ng kapahamakan at maaaring humantong sa
kamatayan. c. EKSPOSITORI
Download