ng N oli M e T Ángere ni J osÉ R izal Pinagaan nina: Alita I. Tepace, Ph.D. Roderick L. Torres Zenaida S. Badua Rosalinda M. Cupcupin Koordineytor Magdalena O. Jocson Patnugot Alab ng Lahi Noli Me Tángere ni José Rizal Pinagaang na Edisyon 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 ISBN 978-971-07-2717-9 Karapatang-ari © 2011 ng Vibal Publishing House, Inc. at nina Alita I. Tepace, Ph.D., Roderick L. Torres, at Zenaida S. Badua. Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin. Lahat ng ilustrasyon na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng Vibal Publishing House, Inc. at di-maaaring kopyahin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot ang tagapaglathala. Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Punong Tanggapan: Tanggapang Panrehiyon: v Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines 0290 Nivel Hills, Lahug, Cebu City Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City, Philippines Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association of the Philippines; Association of South East Asian Publishers; Graphic Arts Technical Foundation. ii A ng kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (SEC 2010) na kasalukuyang ipinatutupad ay nagbibigay ng panibagong diin sa pagtuturo ng panitikan kasama na ang Noli Me Tángere bilang isang tunay na obra maestra. Pinahahalagahan ng bagong kurikulum ang panitikan bilang hanguan ng mga aral na dapat taglayin ng isang mag-aaral sa kaniyang buhay. Isang nobelang panlipunan ang Noli Me Tángere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. José P. Rizal. Naglalaman ng mga ugali, paniniwala, kahinaan, at katatagan ng mga Pilipino noong Panahon ng Español. Malikhaing inilarawan ang bawat pakikipagtunggali ng mga Pilipino sa lipunang ginalawan nila noon at maaaring hanggang sa kasalukuyan. Madarama ang suliranin at tagumpay lalo na ng mga pangunahing tauhan hanggang sa marating ang kasukdulan ng mga pangyayari. Upang mapahalagahan at maging mabisa ang pag-aaral ng akdang ito, ang bawat kabanata ay nagtataglay ng mga sumusunod: Balik-sulyap – Paggunita ito sa katatapos na aralin at kaugnayan nito sa bagong aralin. Trivia – Karagdagang kaalaman o paglilinaw ito sa mga salita at mga mahalagang impormasyon sa ilang bagay o lugar na binanggit sa nobela. Talasalitaan: Palawakin Natin – Isa itong paglinang at paghahawan ng sagabal sa kahulugan ng mga salita na ginamit sa nobela. Talakayin Natin – Sa bahaging ito sinusukat ang pagkaunawa sa binasang kabanata sa tulong ng mga tanong na may iba’t ibang antas. Suriin at Gawin Natin – May pagpapahalagang pampanitikan sa bahaging ito na sinusuri ang iba’t ibang elemento ng isang nobela. Pagyamanin Natin – Mga gawain ito na sumusubok sa pagiging malikhain ng mga mag-aaral. Malilinang din nito ang gawaing pananaliksik sa mga pangyayari na may kaugnayan sa ating bansa sa kasalukuyan. May mga kabanata na pinili na gagamitin ang i-learn.vibalpublishing.com upang lalo pang malinang ang mga kasanayan ng mga mag-aaral. Inaasahan po namin na ang pinagaang edisyon na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral sa pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang Noli Me Tángere. Mga May-akda iii Nilalaman Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 Isang Pagtitipon ........................................................................................ 2 Si Crisostomo Ibarra ................................................................................ 6 Ang Hapunan .............................................................................................. 10 Erehe at Pilibustero ................................................................................. 14 Pangarap sa Gabing Madilim ................................................................ 18 Si Kapitan Tiyago ...................................................................................... 20 Pag-uusap sa Asotea ................................................................................. 24 Mga Gunita .................................................................................................. 30 Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan ......................................................... 36 Ang Bayan ng San Diego ........................................................................ 40 Ang mga Makapangyarihan ................................................................... 44 Araw ng mga Patay .................................................................................. 48 Mga Babala ng Sigwa ............................................................................... 50 Si Pilosopo Tasyo ...................................................................................... 54 Ang mga Sakristan .................................................................................... 58 Si Sisa ............................................................................................................ 62 Si Basilio ...................................................................................................... 66 Mga Kaluluwang Nagdurusa .................................................................. 70 Mga Karanasan ng Isang Guro .............................................................. 74 Ang Pulong sa Tribunal .......................................................................... 78 Kasaysayan ng Isang Ina ......................................................................... 82 Mga Liwanag at Dilim .............................................................................. 86 Ang Pangingisda ....................................................................................... 90 Sa Gubat ....................................................................................................... 96 Sa Bahay ng Pilosopo .............................................................................. 102 Ang Bisperas ng Piyesta ......................................................................... 108 Sa Pagtatakipsilim .................................................................................... 112 Ilang Sulat ................................................................................................... 118 Ang Umaga .................................................................................................. 122 Sa Simbahan ................................................................................................ 126 Ang Sermon ................................................................................................ 130 Ang Panghugos .......................................................................................... 134 Malayang Isipan ......................................................................................... 138 iv Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata Kabanata 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 Ang Pananghalian .................................................................................... 142 Mga Kuro-kuro ........................................................................................... 146 Ang Unang Panganorin ........................................................................... 150 Ang Kapitan-Heneral ............................................................................... 152 Ang Prusisyon ............................................................................................ 156 Si Doña Consolacion ................................................................................ 160 Ang Karapatan at ang Lakas .................................................................. 164 Dalawang Panauhin .................................................................................. 168 Ang Mag-asawang de Espadaña ............................................................ 172 Mga Panukala ............................................................................................. 178 Paggugunam-gunam ng Kasalanan ...................................................... 182 Ang mga Pinag-uusig ............................................................................... 186 Ang Sabungan ............................................................................................ 190 Ang Dalawang Señora ............................................................................. 194 Ang Talinghaga .......................................................................................... 198 Tinig ng mga Pinag-uusig ....................................................................... 202 Ang Kaanak ni Elias ................................................................................. 208 Mga Pagbabago ......................................................................................... 214 Ang Baraha ng mga Patay at ang mga Anino .................................. 218 Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga ................................... 222 Lahat ng Lihim ay Nabubunyag ............................................................. 226 Ang Pagkakagulo ...................................................................................... 230 Mga Sabi-sabi at Pala-palagay .............................................................. 234 Vae Victis (Sa Aba ng mga Natalo) ...................................................... 238 Ang Isinumpa ............................................................................................. 242 Pag-ibig sa Bayan at Kapakanang Sarili ............................................ 246 Ikakasal si Maria Clara ............................................................................ 250 Ang Pamamaril sa Lawa ......................................................................... 258 Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso ............................................. 262 Ang Noche Buena ..................................................................................... 266 Katapusan .................................................................................................... Buod .............................................................................................................................. Isa Pang Dakilang Likha........................................................................................ 270 275 277 Mahahalagang Tala sa Pagbuo ng Noli Me Tángere................................... 279 Talahuluganan............................................................................................................ 281 v Maria Clara Anak ni Kapitan Tiyago; kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra Padre Damaso Verdolagas Dating Kura ng San Diego Juan Crisostomo Ibarra Anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria Clara Padre Bernardo Salvi Kura ng San Diego Elias Kapitan-Heneral Isang lalaking nagtatago sa batas; tagapagligtas ni Ibarra Kinatawan ng Hari ng España Pilosopo Tasyo Matandang may kakaibang isipan, kilos, at pakikitungo sa kapwa Don Santiago de los Santos Kinikilalang ama ni Maria Clara vi Sisa Ina nina Basilio at Crispin Don Tiburcio de Espadaña Español nagpapanggap na doktor; kabiyak ni Doña Victorina Basilio Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña Panganay na anak ni Sisa Maybahay ni Don Tiburcio na mahilig magpanggap na Taga-Europa Crispin Bunsong anak ni Sisa Tiya Isabel Pinsan ni Kapitan Tiyago; tagapag-alaga ni Maria Clara Don Alfonso Linares de Espadaña Tinyente Guevarra Tinyente ng mga Guardia Civil Pamangkin ni Don Tiburcio Padre Hernando de la Sibyla Doña Consolacion Kura ng Binundok Maybahay ng Alperes Alperes 1 Pinuno ng mga Guardia Civil Kabanata 1 Isang Pagtitipon Ang “Noli Me Tangere” ay isang nobelang panlipunan. Inihandog ito ni Dr. José P. Rizal sa kaniyang Inang-bayan, ang Pilipinas. Kilalanin ang mga tauhan sa nobelang ito. Balitang-balita sa Maynila ang paghahanda ni Don Santiago de los Santos ng hapunan sa isa sa mga huling araw ng Oktubre. Higit na kilala ang Don sa tawag na Kapitan Tiyago, isang taong bukas-palad at laan ang tahanan sa lahat. Halos mapuno ng panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago sa Daang kapitan – katumbas siya ng pinunong-bayan o municipal mayor; siya ang pangunahing puno ng bayan na hinihirang taon-taon mula sa mga maykaya; noong Panahon ng Español tinatawag din siyang gobernadorcillo anloague – katumbas sa Tagalog ng salitang anluwage na nangangahulugang karpintero Dominiko – prayleng kasanib ng kapatirang itinatag ni Sto. Domingo de Guzman Pransiskano – prayleng kasanib sa kapatirang itinatag ni San Francisco de Asis guardia civil – ito ang tinatawag ngayong pulis/alagad ng batas na nangangalaga sa katahimikan at kaayusan ng bayan erehe – tawag sa isang Kristiyanong sumuway at ayaw sumampalataya sa ilang bagay na ipinag-uutos ng Simbahang Katoliko Romano 2 Anloague. Ang pinsan niyang si Tiya Isabel, isang matandang babae, ang tanging tumatanggap sa mga panauhin. Nakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalaki. Pinakamaingay sa pangkat ng mga panauhin ang pangkat ng isang Dominiko, Pransiskano, at isang militar na Tinyente ng mga guardia civil. May katandaan na ang militar, hindi palakibo, maikling mangusap, at walang ligoy-ligoy. Ang Dominiko, si Padre Hernando de la Sibyla, ay kura ng Binundok at naging propesor sa San Juan de Letran. Siya ay bata pa, makisig, at matalino. Ang Pransiskano ay si Padre Damaso Verdolagas, na mas may edad na ngunit may kasiglahan pa rin, at may matipunong tindig tulad ng isang maharlikang Romano. May kagaspangan ang kaniyang tinig at walang habas magsalita. Kausap ni Padre Damaso ang isang Español na mapula ang buhok, si Ginoong Laruja. Kararating lang ng Ginoo sa Pilipinas. Isinalaysay ni Padre Damaso ang dalawampung taon niya sa San Diego. At bilang kura, kilala niya ang mga Indiyo na siyang tawag ng mga Español sa mga Pilipino. Wala kayong makikitang tao sa alinmang bahagi ng daigdig na tulad ng Indiyo sa pagpapabaya at pagkamasamanghilig. “Tayo po’y nasa bahay ng isang Indiyo,” ang wika ni Ginoong Laruja. “Huwag kayong mabahala, si Santiago’y di nagpapalagay na siya’y isang Indiyo,” ang tugon ni Padre Damaso sa nag-aalalang panauhin. “Ang bayan ay napapanganyaya na,” at napasuntok ang Kura sa kaniyang upuan. Buong pagkamanghang napatingin kay Padre Damaso ang lahat. “Anong ibig ninyong sabihin?” tanong ng Tinyente. “Ang ibig kong sabihin, kapag ang Kura ay nagpahukay ng bangkay ng isang erehe upang ipatapon, kahit ang Hari ay walang karapatang magparusa o makialam,” ang wika ng Pransiskano. “Ang Kapitan-Heneral ay kinatawan ng Hari,” ang sigaw ng Tinyente. “Ano bang Hari? Sa ganang amin, walang ibang Hari kundi ang tunay lamang.” “Bawiin ninyo ang inyong sinabi kundi bukas din ay ipagbibigay-alam ko ito sa Heneral!” “Sulong! Ipahahatid ko pa kayo sa aking karuwahe.” Trivia Paring Dominiko Paring Pransiskano Namagitan sa pag-uusap si Padre Sibyla. Sa himig pagtatanggol nito kay Padre Damaso at sa pangambang siya pa ang masisi, isiniwalat ng Tinyente kung bakit galit na galit si Padre Damaso sa Kapitan-Heneral. Ayon sa kaniya, habang wala si Padre Damaso sa San Diego, ang katulong niyang paring Pilipino ang nagpalibing sa bangkay ng isang marangal na Ginoo. Alam ni Padre Damaso na hindi ito nangungumpisal ngunit tapat naman ito sa kaniyang tungkulin at sa lipunan. Ang Don ay may bugtong na anak na pinag-aaral niya sa Europa. Nang magbalik sa San Diego si Padre Damaso, nagalit ito sa katulong na paring Pilipino. Ipinahukay ang bangkay upang ilipat ito kung saan. Umabot ito sa kaalaman ng Kapitan-Heneral kaya hiningi nitong parusahan si Padre Damaso. Inilipat ang Kura ng bayan — sa lalong mabuting bayan. Pagkawika nito’y lumisan na ang Tinyente. Nanumbalik ang katiwasayan. Hindi naglao’y dumating ang dalawang tao na nagtuloy sa bulwagan. 3 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Piliin sa kolum B ang kasingkahulugan ng mga salita sa kolum A. Isulat sa patlang ang letra ng wastong sagot. A B _____ 1. ligoy-ligoy a. nag-iisa _____ 2. habas b. kaingat-ingat _____ 3. napapanganyaya c. katahimikan _____ 4. bugtong d. sikot-sikot _____ 5. katiwasayan e. napapahamak B. Gamitin sa pangungusap ang salita sa bawat bilang. 1. ligoy-ligoy Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 2. habas Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 3. napapanganyaya Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 4. bugtong Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 5. katiwasayan Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ Talakayin Natin 1. Ilarawan ang bahay ni Kapitan Tiyago noong gabi ng pagtitipon. 2. Bakit nagkaroon ng handaan sa bahay ng Kapitan? 3. Sino ang tinatawag ni Padre Damaso na Indiyo? Ayon sa kaniya, ano-ano ang katangian nila? 4. Bakit labis ang galit ni Padre Damaso sa Kapitan-Heneral? 5. Bakit nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hapag-kainan? 6. Ano ang kahalagahan ng pagtitipon na iyon kay Kapitan Tiyago? 7. Isa-isahin ang kaugaliang Pilipino na ipinakita sa kabanata kapag may handaan, mga asal ng panauhin, at ang naghanda. 4 Suriin at Gawin Natin 1. Kilalanin at suriin ang mga tauhan sa kabanata. Gayahin ang nasa ibaba sa inyong notbuk at isulat ang katangian ng bawat tauhan. Katangian: Katangian: Katangian: Katangian: Katangian: Katangian: 2. Paano inihambing ni Dr. José P. Rizal ang bahay ni Kapitan Tiyago sa bansang Pilipinas? Isulat sa nakaguhit na mga larawan at parihaba ang hinihinging mga impormasyon. 3. Makatuwiran ba ang ginawang panlalait ni Padre Damaso sa mga Pilipino? Pangatuwiranan. 4. Kung ikaw ay naroon sa salusalong iyon, at narinig mo ang panlalait ni Padre Damaso sa mga Pilipino, paano mo sila ipagtatanggol? 5. Tama bang magalit si Padre Damaso sa Kapitan-Heneral? Patunayan. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa ilang Pilipinong naging tanyag sa buong mundo dahil sa kanilang kagalingan sa iba’t ibang larangan. Isulat sa coupon bond ang nasaliksik tungkol sa kanila. 2. Sumulat ng sanaysay. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maitaas pa ang dangal ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon? 5 Kabanata 2 Si Crisostomo Ibarra Balik-sulyap Isang pagtitipon ang idinaos ni Kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan sa Daang Anloague sa Binundok. Marami ang dumalo. Isa-isang kilalanin ang mga panauhin. Ang dumating ay si Kapitan Tiyago na hawak sa kamay ang isang binatang nakaluksa ang kasuotan. Siya’y si Juan Crisostomo Magsalin Ibarra na kagagaling lang sa Europa. Napatigagal si Padre Damaso, gayon din ang Tinyente. Humanga ang mga panauhin kay Ibarra. Sa kaniyang tikas at anyo, masisinag ang kaniyang magandang kalusugan at marangal na pag-uugali. Mababakas sa kaniyang masayang mukha ang pagkakaroon ng dugong Español sa kabila ng kaniyang pagkakayumanggi. “Aba! Sila ang Kura sa aking bayan, ang matalik na kaibigan ng aking ama,” ang masayang bati ng binata sa paring Pransiskano. Ang lahat ng paningin ay nabaling kay Padre Damaso na hindi man lamang tuminag sa kinauupuan nito. Ni hindi nito inabot ang nakalahad na palad ng binata. 6 “Patawarin ninyo ako. Tila ako’y nagkamali,” nagugulumihanang wika ng binata. “Hindi ka nagkakamali ngunit kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.” Iniurong ni Ibarra ang nakaunat na kamay at tumalikod. Napaharap siya kay Tinyente Guevarra na kanina pa nagmamasid sa kaniya. “Salamat at maluwalhati kayong nakarating sa sariling bayan. Nawa’y maging mapalad kayo nang higit sa inyong ama,” bati ng Tinyente na nanginginig ang tinig. “Nakilala at nakapulong ko ang iyong ama. Isa siya sa lalong marangal na nakilala ko.” “Ginoo, ang papuri ninyo sa aking ama’y pumaparam sa aking pag-aalinlangan tungkol sa kaniyang pagpanaw.” Lumayo ang Tinyente upang ilihim ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Naiwang nag-iisa sa bulwagan si Ibarra. Sapagkat walang nagpapakilala sa kaniya, ipinakilala niya ang sarili. Una, sa kadalagahan. “Ipahintulot ninyo sa akin,” aniya, “na labagin ko ang mahigpit na tuntunin sa kagandahang-asal. May pitong taon na akong wala sa sariling bayan. Sa aking pagbabalik, hindi ko matiis na di magpugay sa kaniyang pinakamahalagang hiyas, ang kaniyang kababaihan.” Walang naglakas ng loob na umimik sa mga dalaga kaya lumayo na lamang si Ibarra. Sa ikalawa nama’y sa kalalakihan na agad pumaligid sa kaniya at nagsipagbansag ng kani-kanilang pangalan. Ipinaliwanag ni Ibarra na kaugalian na sa Alemanya tuwing may pagtitipon, na kapag walang kakilala ang bisita o walang nagpakilala sa kaniya, ang bisita na mismo ang magpapakilala ng kaniyang sarili. Kaya humingi si Ibarra ng pahintulot na ipakilala ang kaniyang sarili – na sundin ang gayong kaugalian, hindi upang magpasok ng dayuhang kaugalian kundi dahil dala lamang ng pangangailangan. Isang ginoo, si Kapitan Tinong, ang nagpakilalang kaibigan niya si nakaluksa – damit ng tao na nagluluksa, karaniwang kulay itim tikas – paraan ng pagdadala ng sarili nakapulong – karaniwang pag-uusap ng dalawa o higit na tao; pagtitipong nauukol sa pagpapasya ng isang kapisanan o samahan Trivia Binondo Noon Binundok ang pinagmulan ng pangalan ng Binondo, na nangangahulugang bundok; liblib. Kapitan Tiyago at matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Inanyayahan niya ang binatang makasalo sa isang pananghalian kinabukasan. Nagpasalamat si Ibarra ngunit hindi siya makapagpapaunlak dahil uuwi siya sa San Diego sa araw ring iyon. Makaraan ang ilang sandali, isang utusan ang nagsabing nakahanda na ang hapunan. Lahat ay madaling dumulog sa hapag-kainan maliban sa mga babae lalo na ang mga Pilipina na kailangan pang pilitin. bulwagan – sa sinaunang kastilyo, bahay, o katulad na estruktura, pangunahing silid na ginagamit bilang kainan, tulugan, at tanggapan ng mga bisita Alemanya – bansa sa Gitnang Europa; Deutschland, Germany 7 Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa kasunod na kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. _____________ 1. Napatigagal si Padre Damaso nang dumating si Kapitan Tiyago kasama ang isang binatang nakaluksa. _____________ 2. Ang lahat ng paningin ay nabaling kay Padre Damaso na hindi man lamang tuminag sa kinauupuan nito. _____________ 3. Ayon kay Ibarra, ang papuri sa kaniyang ama ay pumaparam sa kaniyang _____________ 4. pag-aalinlangan tungkol sa pagkamatay nito. _____________ 5. Lumayo ang Tinyente upang ilihim ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. _____________ 6. Ang kalalakihan ay nagsilapit kay Ibarra at nagsipagbansag ng kani-kanilang pangalan. _____________ 7. Si Ibarra ay nagulumihanan nang hindi inabot ni Padre Damaso ang kamay upang makipagkamay. _____________ 8. Sa tikas ni Ibarra ay masisinag ang kaniyang magandang kalusugan at marangal na pag-uugali. _____________ 9. Mababakas sa mukha ni Ibarra ang pagkakaroon ng dugong Español sa kabila ng kaniyang pagkakayumanggi. _____________ 10. Ipinagpasalamat ng Tinyente ang maluwalhating pagdating ni Ibarra sa bayan. mababanaag kumilos pangamba nag-aalis ligtas pagtulo natigilan naguluhan makikita nagsabi Talakayin Natin 1. Ano-ano ang naging reaksiyon ng mga panauhin nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Ibarra? 2. Bakit napatigagal si Padre Damaso sa pagkakita kay Ibarra? 3. Ano ang nais ipahiwatig ni Padre Damaso sa kaniyang winikang, “Hindi ka nagkakamali ngunit kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama”? 4. Bakit naluha ang Tinyente matapos ang pag-uusap nila ni Ibarra? 5. Bakit nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at binatang bisita ni Kapitan Tiyago? 6. Paano tinanggap ng mga dalaga ang pagpapakilala ni Ibarra? 8 Suriin at Gawin Natin 1. Suriin ang katangian ng sumusunod na mga tauhan batay sa kanilang kilos at pananalita. Sundin ang pormat sa tsart. Gawin sa notbuk. Tauhan 1. Ibarra 2. Padre Damaso 3. Tinyente Guevarra 4. Kapitan Tinong Katangian 2. Sumasang-ayon ka ba o hindi sa naging asal ng sumusunod na tauhan sa kanilang pakikipag-usap kay Ibarra? Ipaliwanag ang kasagutan. Sang-ayon/ Di-Sang-ayon 1. Padre Damaso 2. Tinyente Guevarra 3. Kapitan Tinong Bakit? 3. Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging reaksiyon mo sa sumusunod na sitwasyon: a. Naiwan kang mag-isa sa bulwagan dahil walang nagpapakilala at kumakausap sa iyo. Reaksiyon: b. Sinabi ni Padre Damaso na, “Kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.” Reaksiyon: c. Ipinahayag ni Tinyente Guevarra na, “Nawa’y maging mapalad kayo nang higit sa inyong ama.” Reaksiyon: Pagyamanin Natin 1. Sa isang coupon bond, sumulat ng isang talata tungkol sa maaaring kahihinatnan nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Padre Damaso at Ibarra. 2. Magsaliksik tungkol sa mga paraan ng pagtanggap ng mga bisita sa isang salusalo gayundin sa bansang Europa at Pilipinas. Paghambingin ang mga ito. 9 Kabanata 3 Ang Hapunan Balik-sulyap Dumating si Kapitan Tiyago na hawak sa kamay ang isang lalaking nakaluksa ang kasuotan. Siya’y si Juan Crisostomo Magsalin Ibarra. Paano tinanggap ng mga panauhin si Ibarra? Nagtungo na sa hapag-kainan ang mga panauhin. Sabay na dumulog sa kabisera sina Padre Sibyla at Padre Damaso ngunit nagkahiyaan pa at nagkahilian ang dalawa. “Ito’y para sa iyo, Padre Damaso, dahil sa iyong gulang, katungkulan, at kapangyarihan,” ani Padre Sibyla. “Hindi po naman katandaan ngunit kayo ang Kura ng bayan at Kompesor ng nasirang may-bahay.” kabisera – Ito ang tawag sa dalawang upuan sa magkabilang dulo ng mesang kainan. Dito karaniwang umuupo ang tatay, nanay, o ang may mataas na tungkulin sa lipunan. “Si Luculo ay di kumakain sa bahay ni Luculo.” — Si Lucio Licinio Luculo ay heneral na Romano na mahilig sa mararangyang pagkain at paghahanda. Minsan, ipinaghain siya ng kaniyang tagapagluto ng karaniwang pagkain lamang. Sa kaniyang galit, sinabi niyang may panauhin sila at sa oras na iyon si Luculo ay kumain sa bahay ni Luculo. 10 “Kung siya ninyong ipinag-uutos,” at umakmang uupo na si Padre Sibyla. “Hindi ko iniuutos,” ang hadlang ng Pransiskano na hindi bumibitiw sa silya. Nagtama ang paningin ng Dominiko at ng Tinyente. Inialok ng Kura sa Tinyente ang upuan bagama’t ito ay pabalat-bunga lamang sapagkat ipinalalagay niyang nakatataas ang mga prayle sa lalong mataas na pinuno ng pamahalaan. Tumanggi ang Tinyente dahil ayaw niyang mapagitna sa dalawang pari. Si Ibarra lamang ang nakaalaala sa may-bahay na saluhan sila sa pagkain. “Don Santiago, kami po’y inyong saluhan.” “Ang hapunang ito’y isang pasasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa iyong pagdating. Sadya po akong nagpaluto ng tinola para sa inyo. Isa pa, si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo,” ani Don Santiago. Nang ipamahagi ang tinola, ang napabigay kay Padre Damaso ay isang pinggang maraming upo at sabaw, leeg na walang balat, at maganit na pakpak ng manok samantalang ang sa iba ay hita at pitso. Kay Ibarra ay panay lamang-loob ang natapat. Sa inis ni Padre Damaso, niligis niya ng kutsara ang mga upo, humigop ng kaunting sabaw, at pabagsak na binitiwan sa pinggan ang kutsara saka itinulak ang kaniyang pinggan. Nag-uusap sina Ginoong Laruja at Ibarra. Pitong taong nawala sa Pilipinas si Ibarra kaya nasabi ni Ginoong Laruja na maaaring nalimot na ng binata ang Pilipinas. “Lagi ko pong naaalaala ang aking bayan. Ang bayan ko po ang tila nakalilimot na sa akin. Santaon na ngayong di ako nakatatanggap ng balita buhat dito kaya tulad ko’y isang dayuhan na di nakababatid kung paanong namatay ang kaniyang ama.” “A, ganoon pala!” bulalas ng Tinyente. “Aling bansa sa Europa ang naibigan ninyo?” tanong ni Ginoong Laruja. “Bukod po sa España na pangalawa kong bayan, ang alin mang bayan sa malayang Europa.” Nang mag-usisa si Ginoong Laruja kung ano ang nakatawag ng pansin ni Ibarra sa pamumuhay sa Europa, nagisip nang mahabang sandali si Ibarra bago sumagot. “Bago ako magtungo sa isang bayan, pinag-aaralan ko muna ang kaniyang kasaysayan at pagkatapos ang unti-unti nitong pagbabago sa ikasusulong nito. Lagi kong nakikita na ang kasaganaan at karukhaan ng mga bayan ay nababatay sa kanilang kalayaan o mga kagipitan. Samakatuwid, nababatay ang gayon sa mga pagsusumakit o sa pagiging makasarili ng kanilang mga ninuno.” “Wala ka bang nakita kundi iyan?” ang paaglahing tanong ni Padre Damaso. “Sayang ang ginugol mong salapi kung iyan lamang ang natutuhan mo. Iyan ay alam na ng lahat ng bata sa paaralan.” “Mga ginoo, hindi dapat ipagtaka ang sinabi ng aming dating Kura. Ito’y nagpapagunita sa aking kabataan. Salamat at binubuhay nila ang nakaraang panahong ipinagsalo nila ng aking ama sa aming maralitang hapag.” Nanginig si Padre Damaso. Nagpaalam naman si Ibarra yamang tapos na ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan. Bagama’t hindi siya umiinom ng alak, tumungga si Ibarra ng isang kopita para sa kabutihan ng España at Pilipinas. Pinigilan ni Kapitan Tiyago ang binata sapagkat darating si Maria Clara. “Paririto po ako bukas bago umalis. Mayroon lamang akong dadalawin na di maipagpapaliban.” Hindi na napigil ang binata at umalis na ito. “Nakita na ninyo,” ang wika ni Padre Damaso sa katabi. “Iyan ay kapalaluang bunga ng pag-aaral sa Europa ng kabataang Indiyo. Dapat itong ipagbawal ng pamahalaan…” 11 Talasalitaan: Palawakin Natin Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita na kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. __________________ 1. Sabay na dumulog sa kabisera sina Padre Sibyla (natggkganaini) at Padre Damaso ngunit nagkahiyaan pa at nagkahilian ang dalawa. __________________ 2. Inalok ng Kura sa Tinyente ang upuan bagama’t (gganapppaagp) ito ay pabalat-bunga lamang. __________________ 3. Sa inis ni Padre Damaso niligis niya ng kutsara (groundi) ang mga upo at pabagsak na binitiwan ito sa pinggan. __________________ 4. Lagi kong nakikita na ang kasaganaan at (apakirhan) karukhaan ng mga bayan ay may tiyak na kaugnayan sa kanilang ninuno. __________________ 5. Ayon kay Padre Damaso, nagbubunga lamang (nakyaagnab) ng kapalaluan ang pag-aaral sa ibang bansa. Talakayin Natin 1. Ano ang ibig ipakahulugan ng sabay na pagdulog sa kabisera nina Padre Sibyla at Padre Damaso? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. Bakit lalong tumindi ang galit ni Padre Damaso sa hapag-kainan? Tama ba ang kaniyang inasal? Bakit? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Paano pinaghahandaan ni Ibarra ang pagpunta sa ibang bayan? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Ipaliwanag ang sumusunod: a. “Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo.” b. “Lagi ko pong naaalaala ang aking bayan. Ang bayan ko po ang tila nakalilimot na sa akin.” c. “Lagi kong nakikita na ang kasaganaan at karukhaan ng mga bayan ay nababatay sa kanilang kalayaan o mga kagipitan. Samakatuwid, nababatay ang gayon sa mga pagsusumakit o sa pagiging makasarili ng kanilang mga ninuno.” 5. Bakit maagang umalis sa pagtitipon si Ibarra? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 12 Suriin at Gawin Natin 1. Suriin ang mga pangyayari sa hapag-kainan. Punan ang dayagram ng kinakailangang mga kasagutan. Gawin sa notbuk. Di-pagkakaunawaan Di-pagkakaunawaan Mga Taong Sangkot Mga Taong Sangkot Sariling Pananaw Sariling Pananaw 2. Magtala ng mga sitwasyon o pahayag batay sa kabanatang binasa na nagpapakita ng sumusunod na damdamin/emosyon. Damdamin/Emosyon 1. Galit 2. Tampo 3. Inis Sitwasyon/Pahayag 3. Sa iyong palagay, may maganda bang maidudulot sa bansa ang pag-aaral ng mga Pilipino sa ibang bansa? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin 1. Gumawa ng isang interbyu sa isang taong nakarating na sa ibang bansa (nagtrabaho o nag-aral). Pangalan:___________________________________________________ Bansang narating: ____________________________________________ Dahilan ng pag-alis: __________________________________________ Preparasyon bago umalis: ______________________________________ Naging karanasan sa ibang bansa: _______________________________ Negatibong epekto ng pag-alis: __________________________________ Positibong epekto ng pag-alis: ___________________________________ 2. Sumulat ng sanaysay. Anim na taon mula ngayon ay makapagtatapos ka ng pag-aaral sa kolehiyo. Alin ang pipiliin mo, ang makapagtrabaho sa ibang bansa o sa ating bayan? Bakit? 13 Kabanata 4 Erehe at Pilibustero Balik-sulyap Bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Ibarra, isang hapunan ang ibinigay ni Kapitan Tiyago. Sa hapag-kainan, minsan pang minaliit ni Padre Damaso ang binata. Bakit naging ganito ang pakikitungo ng Pransiskano sa binata? Lumakad si Ibarra na walang tiyak na patutunguhan. Nakarating siya sa liwasan ng Binundok. Ikinamangha ng binata ang kawalan ng pagbabago sa lugar na iyon pagkaraan ng pitong taong itinigil niya sa Europa. Naroon pa rin ang mga bahay na may pintang puti at bughaw, ang lumang orasan sa kampanaryo ng simbahan, at ang tindahan ng Tsino. Maging ang rehas na bakal na kaniyang binaluktot isang gabing nais niyang tularan ang mga batang walang pinag-aralan ay naroon pa rin. Wala man lamang nakaisip magtuwid nito. Tumuloy siya sa Daang Sacristia. Tulad ng dati, maririnig pa rin ang sigaw na “Sorbetes!” ng mga sorbetero. Ang mga huwepe ay siya pa huwepe – sulo o pananglaw na ginagamit sa paglalakad sa gabi o sa pagtitinda sa pamilihan o tindahan noong panahon ng Español; ang pinakataas nito’y sahing na karaniwang binabalot sa dahon ng sasa 14 ring umiilaw sa mga tindahan ng mga Tsino at sa mga babaeng nagtitinda ng pagkain at prutas. “Ito rin ang dating Tsino nang nakalipas na pitong taon at ang matandang babae — siya pa rin. Parang isang panaginip lamang ang mga naganap sa loob ng pitong taong itinira ko sa Europa. Maging ang batong ito ay hindi pa rin naaayos.” Ang tinutukoy rito ay ang bato sa bangketa sa panulukan ng Daang San Jacinto at Sacristia na tanggal pa rin sa dating kinalalagyan. Habang iniisip niyang ang tanging matatag sa Pilipinas, na isang lupaing walang katatagan, ay ang kawalan ng kaayusan ng lungsod, isang marahang dantay ng kamay ang kaniyang naramdaman sa balikat. Nang ito’y kaniyang lingunin, namalas niya ang Tinyenteng nakangiti sa kaniya. “Binata, mag-iingat kayo. Maging aral sa inyo ang nangyari sa inyong ama,” ang wika ng Tinyente. “Dito po’y hindi maaaring maging marangal nang di nabibilanggo.” Isinalaysay ng Tinyente ang mga pangyayari tungkol sa ama ni Ibarra habang sila’y naglalakad patungo sa kuwartel. “Gaya ng batid na ninyo, ang inyong ama ang pinakamayaman sa inyong bayan. Bagama’t iginagalang siya at minamahal ng marami, marami rin ang naiinggit at napopoot sa kaniya. Ang nuno ng inyong ama ay isang Español na tulad ng ibang naparito sa Pilipinas ay di nag-asal nang marapat. Ang mga taong ipinadadala rito ay mga taong walang kabuluhan sa España. Sa kasamaang palad, kaming mga Español na naparirito sa Pilipinas ay yaong hindi nararapat. Kung may mabuti, hindi naglalaon ay sumasama dahil na rin sa bayan. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng maraming kaaway na Español at prayle ng inyong ama. “Ilang buwan matapos ninyong lisanin ang Pilipinas, nagkasamaan ng loob si Padre Damaso at ang inyong ama. Pinaratangan niya si Don Rafael nang di-pangungumpisal gayong malaon na niyang alam ito. Mula sa pulpito ay pinasasaringan niya ang inyong ama.” Sandaling nagpahinga ang Tinyente sa pagsasalaysay. “Noon ay may isang Artilyero na itiniwalag sa tungkulin dahil sa masamang ugali at kamangmangan. Ginawa siyang maniningil ng buwis ng mga sasakyan kahit hindi siya marunong bumasa at sumulat. Natuklasan ito ng mga Indiyo kaya tumanggap siya ng masasakit na biro na lalong nakapagpasama ng kaniyang ugali. Iniaabot sa kaniya nang pabaliktad ang kasulatan, at lalagdaan naman niya ang puwang na walang sulat ng lagdang parang kinalkal ng manok. Pinagtatawanan siya ng mga batang mag-aaral. “Minsan, di na nakapagpigil ang Artilyero. Hinabol niya ang mga bata. Dahil sa matinding galit at di maabutan ang mga tumatakbo, pinukol niya ang mga bata ng kaniyang tungkod na tumama at sumugat sa isang magaaral. Patakbong nilapitan ng Artilyero ang bata at pinagsisipa. Di pa ito nasiyahan at iniamba ang kamay. Sa daraan naman si Don Rafael. Sinugod niya ang Artilyero at kinagalitan nang labis. Umakmang susuntok ang artilyero ngunit naagapan ito ng Don at ginamitan ng pambihirang lakas. Sumuray ang Artilyero, nabuwal pagkaraan ng ilang hakbang. Tumama ang ulo sa bato, sumuka ng dugo, at hindi na natauhan. Hindi naglaon at ito ay namatay. Ang bata ay pinangko ng inyong ama at dinala sa tribunal. kuwartel – himpilan ng kawal pilibustero – tawag sa taong kaaway ng mga prayle o simbahan at ng bayan; at ito rin ang tawag ng mga prayle sa mga Pilipinong may malayang isipan pulpito – bahagi o lugar sa loob ng simbahan na tinatayuan ng pari kapag nagsesermon artilyero – namamahala at nagpapaputok ng kanyon kapag may digmaan tribunal – 1. noong panahon ng Español, lupon ng mga pinuno sa isang munisipyo 2. ang pook na pinagpupulungan ng naturang lupon 15 “Nabilanggo ang inyong ama. Naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Pinaratangan siyang erehe at pilibustero, na siya’y bumabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, na siya’y nagtatago ng mga liham at larawan ng isang binitay na pari, at kung ano-ano pa. Dapat sana ay malaya na siya sapagkat pinatotohanan ng manggagamot na ang ikinamatay ng Artilyero ay pamumuo ng dugo sa ulo. Ngunit ang kayamanan at karangalan ng iyong ama ang naging hadlang sa kaniyang paglaya.” “Pinamahalaan ko ang kaniyang usapin sa pakiusap na rin ng inyong ama. Dumulog ako sa isang batikang manananggol na Pilipino ngunit tumanggi itong hawakan ang kaso sa pangambang siya’y madamay. Isang tanyag na abogadong Español ang aking nilapitan. Mahusay ang ginawa nitong pagtatanggol sa inyong ama. Subalit ang mga paratang na napasinungalingan na ay pinalitan ng ibang paratang. Si Don Rafael ay isinakdal sa pangangamkam ng bukirin, na kasabwat ng mga tulisan upang protektahan ang kaniyang pananim at mga hayop. Nagusot nang nagusot ang usapin, at pagkaraan ng isang taon, hindi na malaman ang tunay na sakdal sa kaniya. “Ang katuwiran ay nagtagumpay rin. Nang malapit na siyang lumaya, ang labis na sama ng loob sa mga taong walang utang na loob, ang mga pagtitiis at hirap sa loob ng bilangguan ay lubhang nagpahirap sa katawan ng inyong ama hanggang sa siya’y magkasakit at bawian ng buhay. Tanging ako lamang ang nakasaksi sa kaniyang pagkamatay.” Nasa tapat na sila ng kuwartel. Huminto ang Tinyente at iniabot sa binata ang kaniyang kamay. “Binata, isasalaysay sa inyo ni Kapitan Tiyago ang ibang pangyayari.” Sumakay sa kalesa si Ibarra at nagpahatid sa Fonda de Lala. Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap. 1. Si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso nang hindi pangungumpisal at pinaratangang erehe at pilibustero. 2. Isinakdal si Don Rafael sa salang pangangamkam ng mga bukirin gayong alam nilang hindi niya magagawa ang pangunguha nang hindi kaniya. 3. Mula sa pulpito ay pinasaringan ni Padre Damaso si Don Rafael at patuloy itong pinarurunggitan saan man sila magkita. 4. Sa tindi ng galit ay hinabol ng Artilyero ang bata at sa sobrang muhi ay pinukol nito ng kaniyang tungkod ang bata. 5. Napagbintangan si Don Rafael na kasabwat ng mga tulisan at kasapakat sa masasamang gawain nila. 16 Talakayin Natin A. 1. Ano ang mga patunay na walang pagbabagong naganap sa San Diego sa loob ng pitong taon? 2. Paano nalaman ni Ibarra ang hirap na dinanas ng kaniyang ama at ang dahilan ng pagkamatay nito? 3. Bakit humaba ang pagkakakulong ni Don Rafael gayong napatunayan na wala siyang pagkakasala? 4. Bakit hindi ipinagtanggol ng manananggol na Pilipino ang kaso ni Don Rafael? 5. Bakit itiniwalag ang Artilyero sa tungkulin at sa bandang huli ay tumanggap ng masasamang biro mula sa mga tao? B. Isalaysay sa pamamagitan ng Chain of Events Diagram ang mga nangyari kay Don Rafael mula sa pagkakasangkot sa isang kaso hanggang sa kaniyang pagkamatay. Hidwaan kay Padre Damaso Hidwaan sa Artilyero Pagkakabilanggo Patuloy na pagkakabilanggo Dahilan ng pagkamatay Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Ibarra, paano mo tatanggapin ang sinapit ng iyong ama? 2. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tao sa pagharap sa mga problema at mga katotohanan sa buhay? Taglay ba ni Ibarra ang mga katangiang ito? Maglahad ng mga patunay. 3. Magsalaysay ng ilang pangyayari na magpapatunay kung paano nakukuha ng isang taong nasasakdal o nagsasakdal ang hustisyang inaasam. Ang hustisya bang nakamit ay magkatulad noon at ngayon? Patunayan ang sagot. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa ilang Pilipinong nagkaroon ng katulad na karanasan ni Don Rafael. 2. Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kalagayan ng hustisya sa Pilipinas sa kasalukuyan. 17 Kabanata 5 Pangarap sa Gabing Madilim Balik-sulyap Nalaman ni Ibarra ang sinapit ng kaniyang amang si Don Rafael, na sa kabila ng kayamanan at karangalan nito ay maraming lihim na kaaway na mga Español at prayle. Sino ang pangunahin niyang kaaway? Ano ang ginawa niya sa kaniya? Pagdating ni Ibarra sa Fonda de Lala na pansamantala niyang tinutuluyan, tinungo niya agad ang kaniyang silid na nakaharap sa ilog. Naupo siya sa isang silyon at iginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid. Mula sa kaniyang durungawan, tanaw na tanaw ang kasayahan sa ibayo ng ilog. Kung hindi lamang abala ang kaniyang isipan, nakita sana niya, sa tulong ng largabista, si Maria Clara na dumating buhat sa beateryo. Natanaw sana ni Ibarra si Maria Clara na napakaganda at larawan ng kawalang-malay. Ang dalaga’y nasa gitna ng mga panauhin at umaani ng silyon – silyang may patungan ng mga braso largabista – teleskopyo beateryo – bahay na tinitirahan ng mga madre o ng mga babaeng iniuukol ang panahon sa kabanalan tanikalang bakal – sunod-sunod at nahuhubog na magkakabit na kawil, karaniwang yari sa metal 18 paghanga at mga papuri. Tanging si Padre Salvi, ang bagong Kura ng San Diego, ang hindi nabighani sa gayong masayang tanawin. Ang lahat ng ito’y hindi nakikita ni Ibarra. Ang nanaig sa kaniyang guniguni ay ang nakahahambal na larawan ng isang taong nanggigipuspos sa loob ng isang silid ng bilangguan. Nakaratay ang matandang may sakit, pabiling-biling sa lahat ng dako, at tinatawag ang isang pangalan. Naririnig paminsan-minsan ang kalansing ng isang tanikalang bakal at ang mga paghikbi. Samantala, sa isang malayong pook, naroon ang isang binatang nagsasaya sa piging, humahalakhak, at umiinom ng alak. Ang guniguni ni Ibarra’y nagkaroon ng katuturan: ang matandang bilanggong may sakit ay ang kaniyang ama at ang binata ay siya, at ngalan niya ang tinatawag. Ito ang tanging nakikita ni Ibarra sa kaniyang pag-iisa. Talasalitaan: Palawakin Natin Muling isulat ang mga pangungusap gamit ang katumbas ng salitang may salungguhit. Gawin sa iyong notbuk. 1. Nakahahambal na larawan ang nakita niya sa kaniyang guniguni. 2. Nakaratay ang matandang may sakit, pabiling-biling sa lahat ng dako, at tinatawag ang isang pangalan. 3. Ang guniguni ni Ibarra ay nagkaroon ng katuturan. 4. Natanaw sana ni Ibarra si Maria Clara na napakaganda at larawan ng kawalang-malay. 5. Labis siyang nanggigipuspos sa nasilayang aksidente. Talakayin Natin A. 1. Bakit hindi na hinintay ni Ibarra ang pagdating ni Maria Clara? 2. Paano tinanggap ng mga panauhin si Maria Clara? 3. Bakit lubhang hindi mapakali si Ibarra sa loob ng kaniyang tinutuluyan? B. Sa pag-iisa ni Ibarra, ano ang mga bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan? Isulat sa bawat speech balloon ng hinihinging kasagutan. Tularan ang Graphic Organizer at gawin sa notbuk. Don Rafael… Maria Clara… Bakit? Bakit? Ibarra Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, bakit hindi maalis sa isipan ni Ibarra ang nangyari sa ama? 2. Paano ipinakita ni Ibarra ang higit na pagmamahal sa magulang kaysa kasintahan? 3. Kung ikaw si Ibarra, paano mo tutugunan ang sitwasyong hindi mawaglit na pag-iisip sa ama? Pagyamanin Natin Ipakita ang iba’t ibang paraan kung paano maipakikita ang pagmamahal sa sariling ama sa tulong ng mga malikhaing gawain. Gawin itong pangkatan. Pangkat I – Pagsulat ng Sanaysay Pangkat IV – Pagguhit Pangkat II – Interpretatibong Sayaw Pangkat V – Pag-arte Pangkat III – Awit Pangkat VI – Monologo 19 Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Balik-sulyap Mula sa silid ni Ibarra sa Fonda de Lala, matatanaw ang kasayahan sa tahanan sa ibayo ng ilog. Ngunit ang kasayahang iyon at maging si Maria Clara ay hindi pansin ni Ibarra. Anong guniguni ang nananaig sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon? Isang pandak, di-kaputian, may bilugang mukha, at mataba si Kapitan Tiyago. Ayon sa mga humahanga sa kaniya, ang kaniyang katabaan ay dulot ng langit, ngunit sa kaniyang mga katunggali, iyon ay galing sa dugo ng mahihirap. Ang kaniyang pagkamukhang bata ay nagkukubli ng tunay niyang gulang, kaya inaakalang siya’y tatlumpu’t lima lamang. Ang mukha niya’y may anyong banal; ang mga mata niya ay maliliit at may maitim siyang buhok. Ipinalalagay na isa siya sa pinakamayaman sa Binundok dahil napakarami niyang ari-arian at mga negosyo. Isa rin siyang tanyag na asendero sa Pampanga at Laguna. asendero – may-ari ng asyenda o malaking pataniman apyan – opyum, pinatuyong katas ng poppy na may adiktibo at narkotikong epekto 20 Marami rin siyang paupahang bahay sa Rosario, Sto. Cristo, at Anloague. Ang kaniyang kalakal na apyan ay nagpanhik ng maraming salapi. Kinalakal din niya ang mga katungkulang ipinagbibili kaya nang panahong yaon, itinuturing siyang mayaman at kasundo ng lahat: ng Diyos, ng pamahalaan, at ng mga mamamayan. Na kasundo siya ng Diyos ay walang alinlangan. Nagagawa niyang bilhin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagpapamisa o pagpapadasal para sa kaniya. Lagi siyang bukas-palad sa ano mang donasyong hingin sa kaniya para sa simbahan. Walang alinlangang kasundo siya ng pamahalaan. Lagi siyang handang sumunod sa pinakamababa mang pinuno ng lahat ng mga tanggapan. Para sa kaniya, ano mang gawin o itakda ng mga Español ay tumpak at kapuri-puri. Kabilang siya sa umaalipusta sa mga Pilipino, na siya’y hindi isang Pilipino. Dalawang taon siyang naglingkod bilang kapitan o gobernadorcillo kahit hindi siya tunay na Español. Bugtong na anak ng isang may tubuhan sa Malabon si Kapitan Tiyago. Nakaririwasa ang mag-anak. Dahil sa kakuriputan ng ama, hindi siya pinagaral. Pumasok siya bilang katulong ng isang Dominiko na siyang matiyagang nagturo sa kaniya. Nang namatay ang kaniyang tagatangkilik at ang kaniyang ama, siya’y nangalakal na lamang. Napangasawa niya si Pia Alba, isang magandang dalagang taga-Sta. Cruz. Naging kawaksi niya ang asawa sa hanapbuhay hanggang sa yumaman at makilala sila sa lipunan. Nakabili sila ng malalawak na lupain sa San Diego. Ito ang naging daan para maging kaibigan niya ang kura na si Padre Damaso at si Don Rafael Ibarra na siyang pinakamayaman sa San Diego. Pagkatapos ng anim na taong pagsasama, wala pa rin silang supling. Kung saan-saan sila namanata hanggang sa ipinayo sa kanila ni Padre Damaso na sa Obando magtungo at dumalangin kay San Pascual Bailon para sa anak na lalaki. O kaya naman ay kina Nuestra Señora Maria de Salambaw at Santa Clara para sa anak na babae. Hindi nagluwat, si Pia Alba ay naglihi ngunit siya’y naging masasakitin. Nabalot ng kalungkutan ang kaniyang pagdadalantao hanggang sa siya’y mamatay sa panganganak. Isang napakagandang sanggol na babae ang kaniyang isinilang. Naiwan sa pangangalaga ni Tiya Isabel, na pinsan ni Kapitan Tiyago, ang bata. Si Padre Damaso ay siyang naging ninong sa binyag. Pinangalanang Maria Clara ang sanggol sa karangalan ng mga pintakasi sa Obando. Si Maria Clara’y may malalaking mata na kuha sa kaniyang ina, mamula-mula ang buhok, matangos ang ilong, may biloy sa mga pisngi, Obando – Isang lugar sa Bulacan na kung saan ay dinarayo ang mga imahen ni San Pascual Baylon, Nuestra Señora Maria de Salambaw, at Santa Clara ng mga mag-asawang hindi magkaanak. Pinaniniwalaan na kapag ang magasawa ay sumayaw sa piyesta ng Obando tuwing Mayo, sila ay mabibiyayaan ng anak. 21 at ang balat ay busilak na animo’y sibuyas. Ang tanging namana kay Kapitan Tiyago ay ang maliliit na tainga. Sa gulang na labing-apat, si Maria Clara’y ipinasok sa beateryo. Lumuluha siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa kababatang si Crisostomo na anak ni Don Rafael, hindi naglaon ay ipinadala naman ng ama nito sa Europa upang doon magaral. Nagkasundo sina Kapitan Tiyago at Don Rafael na ipakasal ang dalawa pagsapit ng takdang panahon. Ikinatuwa ng dalawa ang pangyayaring ito sapagkat talagang may pagtingin sila sa isa’t isa. Talasalitaan: Palawakin Natin Isulat sa patlang ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. ______________ 1. Kabilang si Kapitan Tiyago sa mga umaalipusta sa mga Pilipino. ______________ 2. Bugtong na anak ng isang may tubuhan sa Malabon si Kapitan Tiyago. ______________ 3. Nagmula sa nakaririwasang pamilya si Kapitan Tiyago. ______________ 4. Naging kawaksi ni Kapitan Tiyago ang asawang si Pia Alba sa hanapbuhay hanggang sila ay yumaman. ______________ 5. Kung saan-saan namanata ang mag-asawa upang magkaroon ng anak. ______________ 6. Namana ni Maria Clara ang kaniyang busilak na balat mula sa kaniyang ina. ______________ 7. Ang pagiging mukhang-bata ni Kapitan Tiyago ay nagkubli sa tunay niyang gulang. ______________ 8. Pinangalanang Maria Clara ang sanggol sa karangalan ng mga pintakasi sa Obando. B. Ikahon ang salitang magkasingkahulugan sa pangkat ng mga salita sa bawat bilang. 22 1. kalakal paninda dekorasyon pananim 2. ambag pamana donasyon kayamanan 3. kalugod-lugod kagulat-gulat kapuri-puri kahanga-hanga 4. umaaway umaalipusta humahamak nang-iisa 5. kawaksi katuwang kahanay kamukha 6. pamangkin supling kamag-anak anak 7. nagluwat nagtagal naghintay naabala 8. busilak mabuti tapat dalisay Talakayin Natin 1. Ilarawan si Kapitan Tiyago gamit ang Character Traits Diagram. Katangiang Pisikal: Katangiang Ekonomikal: Katangiang Panrelihiyon: Katangiang Politikal: 2. Bakit hindi nakapag-aral si Kapitan Tiyago? Paano siya natuto? 3. Sino si Pia Alba sa buhay ni Kapitan Tiyago? 4. Bakit kabilang ang Kapitan sa mga umaalipusta sa mga Pilipino? 5. Ilarawan si Maria Clara mula sa pagiging sanggol hanggang sa pagdadalaga niya. 6. Bakit maagang nagkalayo sina Maria Clara at Ibarra? Suriin at Gawin Natin 1. May kaugnayan ba ang pagiging matipid ng ama ni Kapitan Tiyago sa pagyaman niya? Bakit? 2. Kung ikaw si Kapitan Tiyago, ano ang gagawin mo kung sakaling hindi ka pinag-aral ng iyong ama dahil lamang sa labis na pagtitipid? Ipaliwanag. 3. Sa kasalukuyan sa ating lipunan, sino-sino ang maituturing na Kapitan Tiyago? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa pamamanata kina San Pascual Bailon, Nuestra Señora Maria de Salambaw, at Sta. Clara ng Obando, Bulacan ng mga mag-asawang hindi nagkakaanak. 2. Magsaliksik tungkol sa isang taong nagtagumpay at umunlad sa buhay buhat sa pagiging mahirap. Alamin ang kaniyang naging buhay at pagsusumikap upang maging matagumpay sa buhay. 23 Kabanata 7 Pag-uusap sa Asotea Balik-sulyap Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, si Kapitan Tiyago naman ang sa Binundok. Kasundo siya ng Diyos, ng pamahalaan, at ng mga tao. Paano nangyari ang pagiging kasundo niya ang Diyos? Nang umagang iyon, maagang nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel. Bahagya pa lamang nakaaalis sa altar ang prayle, nagyaya nang umuwi ang dalaga. Hindi ito minabuti ni Tiya Isabel kaya pinangaralan niya ang pamangkin. Muntik nang maitugon ni Maria Clara na “Ako’y patatawarin ng Diyos sapagkat Siya lamang ang nakatatalos ng puso ng isang dalaga.” Nagmamadali siyang umuwi dahil darating si Ibarra. Pagkatapos mag-agahan, upang huwag mainip, ipinagpatuloy ni Maria napapitlag – napaigtad ang katawan, lalo kung nagugulat yabag – tunog na likha ng paglakad o paghakbang asotea – balkonahe ng bahay, karaniwang yari sa bato o kongkreto 24 Clara ang pananahi. Bawat sasakyang magdaan ay nakapagpapasikdo ng kaniyang puso. Kinausap siya ni Kapitan Tiyago, “Dapat kang magpahinga muna sa lalawigan, Maria Clara. Ikaw ay namumutla. Ano sa palagay mo, sa Malabon o sa San Diego?” “Sa San Diego na, Pinsan. Maganda ang bahay natin doon. At isa pa’y malapit na ang piyesta.” Ikinatuwa ni Maria Clara ang mungkahi ng kaniyang Tiya. Yayakapin sana niya ito ngunit namutla siya at napapitlag sa pagtigil ng isang sasakyan. Napatda siya sa kaniyang kinatatayuan. Nang marinig ang yabag na papalapit sa hagdan na sinundan ng kilalang tinig, patakbo siyang pumasok sa silid. Hinagkan ang santong si San Antonio saka sumilip sa susian ng pinto upang makita ang anyo ng minamahal. Pumasok sa silid si Tiya Isabel at magiliw na niyaya siyang lumabas. Parang bata si Maria Clara sa pagkakaakay ni Tiya Isabel. Nag-usap ang mga mata ng magsing-irog. Pagkalipas ng ilang sandali, lumabas sila sa asotea upang doon mag-usap. “Ako ba’y lagi mong naaalaala? Hindi mo ba ako nalimot sa iyong mga paglalakbay?” tanong ni Maria Clara kay Ibarra. “Maaari ba kitang malimot? Maaari ko bang limutin ang isang sumpa? Minahal mo si Ina at minahal ka niyang parang tunay na anak. Sumumpa ako sa harap ng kaniyang bangkay na kita’y paliligayahin maging ano man ang kapalarang idulot sa akin ng tadhana. Ngayon ay inuulit kong muli sa iyo ang sumpang iyon.” Idinugtong pa ni Ibarra na saan man siya magtungo ay alaala at larawan ni Maria Clara ang kasama niya sa lahat ng sandali. Tanging aliw pa niya sa kaniyang pag-iisa. “Ikaw ay magandang larawan ng aking bayan at ng España. Sa iyo pinagpisan ang kariktan at dakilang asal ng dalawang lipi. Kaya ang pagibig ko sa iyo at sa Inang-bayan ay iisa.” “Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo,” nakangiting tugon ni Maria Clara, “ngunit sa loob ng beateryo ay lagi kitang naaalaala. Hindi rin kita malimot kahit ipinag-uutos ng aking kompesor at ako’y parusahan niya nang mabigat. Lagi kong naaalaala ang ating kamusmusan, ang ating paglalaro, ang ating pagtatampuhan, at pagkakagalit. “Minsan, nagalit ka sa akin nang totoo. Iginawa mo ako noon ng putong na bulaklak at inilagay mo sa aking ulo. Kinuha ito ng iyong ina, dinikdik, at inihalo sa gugo. Natawa ako nang umiyak ka at tawaging hangal pinagpisan – pinagsama lipi – pangkat ng mga tao na bumubuo sa isang pangkating etniko kompesor – paring tagakumpisal 25 ng iyong ina. Hindi mo na ako kinibo. Nang tayo’y pauwi na, kumuha ako ng dahon ng sambong at inilagay ko sa loob ng iyong sombrero upang di sumakit ang ulo mo. Napangiti ka at hinawakan ko ang iyong kamay at tayo ay bati na.” Napangiti si Crisostomo. Kinuha niya sa kaniyang kalupi ang isang munting balot ng papel. “Hayan ang dahon ng sambong. Iyan lang ang ibinigay mo sa akin.” Si Maria Clara naman ang dumukot sa tapat ng kaniyang dibdib ng kaisa-isang liham ni Ibarra na namamaalam. Nilaktawan ng dalaga ang matatamis na kasinungalingang sinulat ni Ibarra para sa kaniya. Ang binasa niya’y ang salaysay ni Ibarra tungkol sa huling pag-uusap nilang mag-ama. “Ibig ng aking ama na ako’y umalis at di niya pinansin ang aking mga pakiusap. ‘Ikaw ay lalaki,’ ang wika niya sa akin. ‘Hindi mo matututuhan sa sariling bayan ang karunungan ng buhay upang mapakinabangan ka niya balang-araw. Kung mananatili ka sa aking piling, maaari kang matulad sa sinabi ni Balagtas: Para ng halamang lumaki sa tubig, daho’y nalalanta munting di madilig, ikinaluluoy ang sandaling init… gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig. “Ipinagtapat ko sa aking ama ang dahilan ng di ko pag-alis — iniibig kita. Sandaling di umimik ang aking ama. Makaraang mag-isip, nagwikang ‘Ikaw ang tangi kong anak at dinaramdam ko ang iyong paglayo. Ikaw ang kaligayahan ng aking katandaan at sa iyong pag-alis ay maaaring di na tayo muling magkita. Ngunit titiisin ko ang aking pangungulila. Bata ka pa at ang hinaharap ay nabubuksan pa lang para sa iyo samantalang ako’y palubog na. Lumuluha ka at di makapagtiis ngayon para sa iyong kinabukasan at sa iyong bayan!’ Paluhod ko siyang niyakap, humingi ng tawad, at sinabi kong ako’y handa nang maglakbay.” Biglang napatayo si Ibarra. Napatigil sa pagbasa ng sulat ang dalaga. “Dahil sa iyo’y nalimutan kong may tungkulin akong dapat gampanan. Kailangan kong magtungo sa aking bayan. Bukas ay Araw ng mga Patay,” ang wika ni Ibarra. “Hindi kita pipigilin. Magkikita rin tayong muli. Ialay mo ang mga bulaklak na ito sa puntod ng iyong mga magulang,” ang wika ng dalaga at iniabot ang ilang pinitas na bulaklak. Pumasok sa silid-dalanginan ang dalaga. “Magtulos ka ng kandila para kina San Roque at San Rafael, ang patron ng mga manlalakbay,” ang utos ni Kapitan Tiyago sa anak na umiiyak sa larawan ng Birhen. Si Ibarra’y nanaog na kasabay sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel. Trivia Ang Sambong (Blumea balsamifera) ay halamang gamot na laganap sa Pilipinas. Nagpapagaling ito sa ilang karamdaman gaya ng ubo (pantanggal ng plema), sa nahihirapang umihi, sakit sa lalamunan, may kabag, sumasakit ang tiyan, at may rayuma. 26 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Buuin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Punan ng nawawalang letra ang bawat kahon. 1. Bawat dumaang sasakyan ay nagpapasikdo sa puso ni Maria Clara. A G P A B O 2. Napatda sa pagkakatayo ang dalaga at pinanlamigan ng katawan. T I L A 3. Diyos lamang ang nakatatalos sa puso ng isang dalaga. N K A A M 4. Nagtungo ang magsing-irog sa asotea upang doon sila mag-usap. B K O A H 5. Nagtulos ng kandila si Maria Clara para sa maluwalhating paglalakbay G R K ni Ibarra. N 6. Sa iyo pinagpisan ang kariktan at dakilang asal ng dalawang lipi. K G D A N 7. Hindi ito minabuti ni Tiya Isabel kaya pinangaralan niya ang pamangkin. P N S H N 8. Minsan nagalit ka sa akin nang totoo, iginawa mo ako ng putong O O A na bulaklak. 9. Nag-usap ang mga mata ng magsing-irog. M G K N H N 10. Pumasok sa silid-dalanginan ang dalaga upang magtulos ng kandila. S L D - S L N B. Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot. ___________ 1. Kapag sinabing nakatatalos, may nalalaman ang isang tao. ___________ 2. Kapag inaakay ang isang tao, maaaring siya ay mahina. ___________ 3. Napapitlag siya, sapagkat nagulat siya. ___________ 4. Kinaiinisan ang taong magiliw. ___________ 5. Isang bahagi ng bahay ang asotea. 27 Talakayin Natin 1. Bakit parang nagmamadali sa pagsimba si Maria Clara? 2. Ilarawan si Maria Clara habang hinihintay ang pagdating ni Ibarra. 3. Paano pinatunayan nina Ibarra at Maria Clara na hindi nila nalimot ang isa’t isa? 4. Isulat sa dayagram ang hinihinging mga impormasyon. Pagbabalik-tanaw sa Nakaraan 5. Bakit nais ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa ibang bansa? 6. Ipaliwanag na kahit labag sa kalooban ay tinupad pa rin ni Ibarra ang kagustuhan ng ama. Suriin at Gawin Natin 1. Ipaliwanag ang sumusunod na saknong at ilang pahayag. a. “Para ng halamang lumaki sa tubig, daho’y nalalanta munting di madilig, ikinaluluoy ang sandaling init… gayundin ang pusong sa tuwi’y maniig.” b. “Maaari ko bang limutin ang isang sumpa? Minahal mo si Ina at minahal ka niyang parang tunay na anak. Sumumpa ako sa harap ng kaniyang bangkay na kita’y paliligayahin maging ano man ang kapalarang idulot sa akin ng tadhana. Ngayon ay inuulit kong muli sa iyo ang sumpang iyon.” c. “Ikaw ay magandang larawan ng aking bayan at ng España. Sa iyo pinagpisan ang kariktan at dakilang asal ng dalawang lipi. Kaya ang pag-ibig ko sa iyo at sa Inang-bayan ay iisa.” 2. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita ni Ibarra at Maria Clara sa binasang kabanata? 28 Pagyamanin Natin A. Gumawa ng interbyu sa mga mag-asawang nasa edad 20-29; 30-39; 40-49; 50-59; 60-69, ukol sa pagliligawan nila bago sila naging mag-asawa. Itala ang nakuhang mga impormasyon sa kasunod na tsart. Edad Ligawan/Suyuan 20-29 30-39 40-49 50-59 60-69 1. Batay sa nakuhang mga impormasyon, may pagkakaiba ba ang paraan ng panliligaw noon at ngayon? Ipaliwanag. 2. Alin sa mga paraang nakalap ang sa iyong palagay ang higit na kasiyasiya? Bakit? B. Itala sa tsart ang mga dapat panatilihin at dapat iwaksi sa panliligaw. Panliligaw Dapat Panatilihin Dapat Iwaksi Sa paglinang sa kasanayang detalyadong paglalarawan sa pag-uusap nina Ibarra at Maria Clara sa Asotea, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 29 Kabanata 8 Mga Gunita Balik-sulyap Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t magkasintahang Ibarra at Maria Clara. Nanatili silang tapat at hindi nakalilimot sa isa’t isa. Paano ito pinatunayan ng dalaga’t binata? Nakapagpasaya nang bahagya kay Ibarra ang tanawing namamalas habang tumatakbo ang kaniyang sasakyan sa isang masiglang arabal ng Maynila. Ang mga karumata at kalesang paroo’t parito, ang mga Pilipino, Tsino, at Europeo na nakagayak ng sari-sariling kasuotan, ang mga babaeng nagtitinda ng mga prutas, ang mga Tsinong kargador, ang mga ahente, ang mga ponda at restawran, ang mga karitong hila ng kalabaw — ang mga ito’y pawang pumupukaw ng mga gunitang nahihimlay. Walang pagbabago sa mga lansangan. Hindi pa ito nalalatagan ng ponda – kainan San Gabriel – Plaza de Cervantes ito ngayon na nasa pagitan ng mga daang Rosario at Juan Luna sa Binondo Escolta – dito nakatayo noon ang malalaking tindahan sa Maynila; nasa dakong kanan ito ng Pasig mula sa purok ng Sta. Cruz hanggang Plaza Moraga 30 bato. Kapag tag-araw, nakahihilam ang mga alikabok. Kapag maghapon namang umulan, ito ay nagiging lubak. Naraanan din ni Ibarra ang mga bilanggong nakatanikalang nagpipison ng mga bato. Namamalas niya ang poot sa kanilang mukha tuwing darapo sa kanila ang baston ng tanod. Nagunita niya ang isang pangyayaring sumugat sa kaniyang alaala. Nakatimbuwang sa ilalim ng isang kariton ang isang bilanggong patay at sa malapit ay patuloy sa paggawa ang dalawang bilanggo. Ang wika ng isa, “Ngayo’y ikaw, bukas ay kami naman.” Naparaan siya sa San Gabriel. Napansin niyang ang mga punong Talisay rito ay lalong nabansot. Ang Escolta naman ay hindi na gaanong maganda ngayon. Nakita niya ang dumaraang magagarang sasakyan. Kinalululanan ang mga ito ng mga inaantok pang mga kawani, mga militar, mga Tsino, at mga paring walang kibo. Namataan niya sa mga nagdaraang sasakyan si Padre Damaso. Nakakunot ang noo at pormal ang anyo ng pari. Mabilis na nakalayo ang sasakyan nito. Sa isang karitela ay naroon naman si Kapitan Tinong. Masayang bumati sa kaniya ang kapitan. Kasama niya ang kaniyang maybahay at dalawang anak na babae. Pagkababa ng tulay, ang mga kabayo ay napadakong Sabana. Naroon sa gawing kabila ang pagawaan ng tabako sa Arroceros. Ito ay nakapagpaalaala sa pagkahilo niya minsan dahil sa masamang amoy ng tabako. Nagawi siya sa Jardin Botanico. Hindi niya naiwasang ihambing ito sa mga hardin botanico (botanical gardens) sa Europa. Lubhang kaakitakit ang sa Europa. Tila nag-aanyaya ito sa mga tao upang ito ay malasin. Dito naman sa Pilipinas ay napakahirap mapasupling ang halaman at mapamukadkad ang mga bulaklak. Namalas din niya ang Matandang Maynila na naliligid ng nilulumot na muralya. Tumanaw si Ibarra sa kalautan ng dagat. Naibulong niya sa sariling, “Naroon ang Europa at mga bansang walang hinto sa pagsulong, sa pagtuklas ng kaunlaran.” Pagdaan naman sa Bagumbayan, ibinalik niya ang kaniyang isipan sa nagdaang panahon. Nagunita ni Ibarra ang tagubilin ng kaniyang gurong pari bago siya umalis. “Ang karunungan ay para sa mga tao, ngunit iyan ay natatamo lamang ng mga may puso. Pinagsikapan kong Escolta Noon Trivia Isang kilalang lugar ang Escolta sa Maynila. Noong panahon ng pananakop ng Español-Americano, kilala ang Escolta bilang komersiyal na distrito sa Maynila. Nakuha ang pangalang Escolta noong ika-19 na siglo nang ang isang Kapitan-Heneral na isang Español na tuwing naglalakad sa nasabing lugar ay napakaraming escort at sumisigaw ang mga tao ng “Escorts” tuwing sila ay dumadaan; at nang lumaon tinawag na itong Escolta. Sa kasalukuyan, isang abalang komersiyal na lugar pa rin ang Escolta ngunit hindi na para sa pamimili. Gayunpaman, makikita pa rin ang Escolta Ngayon mga sinaunang dekorasyon na likhangsining sa nasabing lugar. Halos mga bangko at kumukumpuni ng iba’t ibang bagay ang makikita na sa Escolta. ituro sa iyo ang aking nalalaman upang iyon ay isalin sa iba. Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan, kaya’t ikaw ay paroon sa kanilang bayan upang tumuklas ng ginto. Gayon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto.” Sabana – nasasakop ng Plaza Lawton at daang P. Burgos ang Paseo de la Sabana Jardin Botanico – Ang dating tawag sa Mehan Garden na kauna-unahang botanical garden sa buong Asya at matatagpuan sa Maynila; taong 1913 nang palitan ang pangalan at isinunod kay John C. Mehan, ang Park Superintendent 31 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Hanapin sa puzzle ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. 1. Nagdaan ang kaniyang sasakyan sa masayang arabal ng Maynila. 2-3. Ang kaniyang mga namalas ay nagpagunita sa nahihimlay niyang alaala. 4. Ang alikabok ay nagpapaubo at humihilam sa mga mata ng mga tao. 5. Sa ilalim ng isang kariton ay nakatimbuwang ang isang patay na bilanggo. 6. Lalong nabansot ang mga punong Talisay sa San Gabriel. 7. Naroon ang Matandang Maynila na napaliligiran ng nilulumot na muralya. 8. Nasalubong niya ang ilang Pilipino, Tsino, at Europeo na nakagayak ng sari-sarili nilang kasuotan. 9. Mahirap daw magpasupling ang mga halaman dito hindi tulad sa Europa. 10. Tila nag-aanyaya ito sa mga tao upang ito ay malasin. P E R A N G N A G P A P A H A P D I N S N A U O L O S A N L A R A K A N I D I B S R M O T S G N M A T A O A I N G N A N T N K A S O O E U A G A B N A N I Y O R N U A A N T K N K D N A G U T A G R A E L G T A T L U M I I T M U P U A N K G D M A K U A U V N P A N A N A K A L A A N A N I S A I Q L T N D A N A T E A U T I P N T I G A L M O A K N A T U T U L O A I I E I I L A H Y O O M A I M N G O Y B A A S W A H G A O A E B S R G O A M L P A T U B O N B A K A B B K A T H S B T A I B I D B C I B G N A K A B I S S A A I A Y K O S I Y O K I H I S B. Bilugan ang salitang hindi kapangkat ng iba pang salita sa bawat bilang. 1. 32 nakagayak 2. malalaki 3. nagawi nakatala magagara napapunta nakaayos magaganda napadako nakadekorasyon kaakit-akit napatakbo Talakayin Natin 1. Isulat sa dayagram ang paglalarawan sa bawat lugar na pinuntahan ni Ibarra. Samahan si Ibarra sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang arabal ng Maynila. Ibarra 2. Sa kabuuan, paano inilarawan ang Maynila? 3. Bakit nalungkot si Ibarra sa pagdaan niya sa ilang lansangan sa Maynila? 4. Bakit napawi ang magagandang alaala ni Ibarra nang maparaan sa Jardin Botanico? 5. Habang naghihirap ang ating bayan, ano naman ang nangyayari sa Europa at iba pang bansa ayon sa kabanata? 33 Suriin at Gawin Natin 1. Ipaliwanag ang sumusunod na katagang inihabilin ng kaniyang gurong pari. a. “Ang karunungan ay para sa tao, ngunit iyan ay natatamo lamang ng mga may puso.” b. “Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan, kaya’t ikaw ay paroon sa kanilang bayan upang tumuklas ng ginto.” c. “Gayon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto.” 2. Sa iyong palagay, ang pagtatamo ba ng karunungan ay katiyakan ng pagunlad ng bayan? Ipaliwanag ang kasagutan. 3. Gaano kahalaga sa iyo ang karunungan? 4. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pag-unlad ng bayan? 5. Gumuhit ng karikatura ng mga taong sa iyong palagay ay may angking katalinuhan na makatutulong sa pag-unlad ng bayan. Ipaliwanag ang sagot. 34 Isang ______________________ Isang ______________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Paliwanag: __________________ Paliwanag: __________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Maynila mula sa panahon ng mga Español hanggang sa kasalukuyan. Itala ang mga pagbabagong ito sa ibaba. Mga Pagbabago sa Maynila 2. Kung iuugnay mo ang iyong sarili sa mga pagbabagong nagaganap sa inyong lugar, ano ang maaaring maging kontribusyon mo sa nasabing mga pagbabago? Itala ang sagot sa ibaba. 35 Kabanata 9 Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan Balik-sulyap Maraming nahihimlay na alaala ang muling nanariwa sa gunita ni Ibarra nang magdaan ang kaniyang sasakyan sa isang arabal ng Maynila. Ano-ano ang kaniyang nakita? Bakit nawala ang magaganda niyang gunita? Sakay ng isang magarang sasakyan, nagtungo sa tahanan ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso. Paalis naman sina Maria Clara at Tiya Isabel upang kunin ang mga gamit ng dalaga sa beateryo. Pagkatapos ng maikling pagbati sa mag-ale at pagtatanong kung saan pupunta ang mga ito, bubulong-bulong na pumanhik ng bahay ang Kura. “Tingnan natin kung sino ang makapangyayari,” ang narinig ng magale na ibinulong ni Padre Damaso. Dahil sa ginawa ng prayle, inakala nina Tiya Isabel at Maria Clara na may isinasaulo itong sermon. Nagbigay-galang si Kapitan Tiyago kay Padre Damaso pagkakita niya sa pari. Subalit hindi man lamang ito binigyang-pansin ng prayle. Tinawag niya kaagad ang pansin ng Kapitan. 36 “Santiago!” ang bungad ni Padre Damaso. “May mahalagang bagay tayong pag-uusapan,” ang makapangyarihang dagdag pa nito. Dahil sa tinuran ng prayle, naligalig si Kapitan Tiyago. Hindi na siya makapangusap, sa halip, naging sunod-sunuran ito sa prayle. Nagsara sila ng pinto at lihim na nag-usap. Samantala, matapos magmisa, nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng kanilang korporasyon na nasa loob ng Maynila. Pagdating niya roon, natambad sa kaniyang paningin ang isang matandang paring may sakit. Payat at maputla ang pari. Nakaupo ito sa isang silyon habang nagbabata ng kaniyang paghihirap. “Ipagkaloob sa inyo ng Diyos ang inyong maagang paggaling,” ang may habag na bati ni Padre Sibyla. Ibinalita ni Padre Sibyla sa matandang pari ang nangyaring pagkakaalitan nina Padre Damaso at Ibarra. Ikinamangha ito ng may sakit. “Si Ibarra ang mapapangasawa ni Maria Clara na anak ni Kapitan Tiyago. Siya ay mayaman at inaasahan kong hindi niya iibigin ang magkaroon ng kaaway na makahahadlang sa kaniyang kayamanan at kaligayahan,” patuloy pa ni Padre Sibyla. “Kung gayon, si Ibarra ay buongbuong magiging atin,” ang nasisiyahang tugon ng matandang pari. “Ngunit, lalong makabubuti sa ating korporasyon kung siya’y magiging kaaway.” Bagama’t nagtaka si Padre Sibyla, nakinig pa rin siya sa mga pahayag ng matandang pari. “Makabubuti sa atin ang pagtuligsa kaysa walang saysay na papuri ng mga kaibigan na ating nasusuhulan. Habang tayo ay tinutuligsa, iisipin ng pamahalaan na tayo’y hadlang sa paglaya ng mga Indiyo kaya tayo ay pananatilihin. Makikita rin natin ang ating kahinaan. Namumulat na ang mga Indiyo. Dapat na nating itigil ang pagmamalabis. Wala nang papasok na salapi sa ating simbahan. At pag tayo ay naghirap, hindi na tayo paniniwalaan.” Samantalang nag-uusap ang dalawang prayle, patuloy rin ang paguusap nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago. “Napagsabihan na kita, Santiago. Alam mo na kung ano ang ibig kong Trivia Ang kalesa [calesa o karitela (horse-drivencarriage)] ay unang ipinakilala ng mga Español noong ika-18 siglo. Kalimitang ginagamit ng mga Español na may mataas na katungkulan sa gobyerno o mayayamang Pilipino (Ilustrados) bilang personal na transportasyon. Sa ngayon, ang kalesa ay bihira na lamang makikita sa lansangan ng Maynila maliban sa mga pook panturista tulad ng Intramuros at Binondo. mangyari,” ang mariing sabi ni Padre Damaso sa kausap bago umalis. “Lahat ng ito ay naiwasan sana kung naisangguni mo sa akin, kung hindi ka nagsinungaling nang itanong ko sa iyo ang mga bagay na ito. Sikapin mong huwag nang maulit ang ganyang kabalbalan.” Nagugulumihanan si Kapitan Tiyago. Paroo’t parito ito sa bulwagan pagkaalis ng prayle. Makailang sandali pa ay nagtuloy ito sa silid-dalanginan at pinagpapatay ang mga kandilang pinasindihan para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra. “May panahon pa at ang lakbayin ay napakahaba,” bulong ni Kapitan Tiyago sa sarili. 37 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa salitang italisado sa bawat bilang. Gamitin sa sariling pangungusap pagkatapos. Isulat sa notbuk. 1. natambad sa paningin – (nakita, nahayag, nalantad, nalitaw) 2. nagbabata ng paghihirap – (nagsasabi, nakararanas, nagdurusa, nagtitiis) 3. pag-aalitan ni Padre Damaso at Ibarra – (pagtutunggalian, pagsasagutan, pagkakagulo, pag-aaway) 4. itigil na ang pagmamalabis – (paghihirap, panghahamak, pang-iinsulto, pang-aabuso) 5. maluwalhating paglalakbay – (masaya, ligtas, maayos, mapayapa) Talakayin Natin 1. Sa iyong palagay, bakit nagsadya at nakipag-usap si Padre Damaso kay Kapitan Tiyago? 2. Ano ang maaaring tinutukoy ni Padre Damaso na hindi isinasangguni sa kaniya ni Kapitan Tiyago? 3. Kung ikaw si Padre Sibyla, ano ang magiging interpretasyon mo sa mga sinabi ng matandang pari? “Si Ibarra ay buong-buong magiging atin.” “Ngunit, lalong makabubuti sa ating korporasyon kung siya’y magiging kaaway.” Padre Sibyla Matandang Pari “Makabubuti sa atin ang pagtuligsa kaysa walang saysay na papuri ng mga kaibigan na ating nasusuhulan.” “Pag tayo ay naghirap, hindi na tayo paniniwalaan.” “Dapat na nating itigil ang pagmamalabis. Wala nang papasok na salapi sa ating simbahan.” 4. Bigyan ng pakahulugan ang pagpatay sa mga kandilang pinasindihan ni Kapitan Tiyago para kay Ibarra. 38 Suriin at Gawin Natin 1. Batay sa mga sinabi ng matandang pari, anong uri ng pagkatao mayroon siya? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. Sa sariling pananaw, ipaliwanag ang winika ng matandang pari, “Makabubuti sa atin ang pagtuligsa kaysa walang saysay na papuri ng mga kaibigan na ating nasusuhulan.” ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Kung ikaw si Kapitan Tiyago, ano ang ibig sabihin ng sinabi mong, “May panahon pa at ang lakbayin ay napakahaba”? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Ano ang iyong maaaring reaksiyon sa mga sinabi ng matandang pari? Sasang-ayon ka ba o hindi? Ipaliwanag. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin A. Sa pamamagitan ng Diad, bumuo ng maiikling diyalogo na ang daloy o takbo ng pag-uusap ay nakapokus sa usapan nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago. B. Dugtungan ang sumusunod na pahayag. 1. Natutuhan ko sa binasang kabanata __________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Pahahalagahan ko ang aking natutuhan sa pamamagitan ng ______ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 39 Kabanata 10 Ang Bayan ng San Diego Balik-sulyap Napayapa ang damdamin at isipan ni Maria Clara nang ipag-utos ni Kapitan Tiyago na magsindi ng dalawang kandila sa mga pintakasi ng mga manlalakbay para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego. Kung gayon, bakit pagkatapos nilang mag-usap at pagkaalis ni Padre Damaso, pinatay ni Kapitan Tiyago ang mga kandila? Ang bayan ng San Diego ay halos nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Ang mga naninirahan dito ay mga magsasaka at ang inaaning palay, asukal, kape, at mga bungangkahoy ay iniluluwas sa ibang bayan at ipinagbibili sa mga Tsino nang murang-mura. Nakapagsasamantala sa napakamurang pagkakabili ang mga Tsino sa mga kalakal ng mga taga-San Diego dahil sa kahangalan ng mga tagarito at pagkakaroon ng masasamang bisyo. Mula sa simboryo ay matatanaw ang buong kabayanan na lubhang kaaya-aya sa paningin. Sa pamamagitan ng mga uri ng puno at krus na kanilang palatandaan, natutunton ng mga batang nagsisiakyat sa simboryo ang kani-kanilang tahanan. Matatanaw rin ang isang ilog na animo’y isang malaking ahas na 40 nahihimlay sa ibabaw ng luntiang bukirin. Unti-unting kumikipot ang ilog sa mga pook na may mataas na pampang at malalaking puno. Pagkaraan dito ay biglang luluwang at aagos sa ilang pook sa kapatagan. Sa malayo-layo ay may isang kubo na sa pagitan nito at ng kabilang pampang ay daanan ng mga tao sa kanilang pagtawid-tawid sa ilog. Ang higit na kapansin-pansin sa tanawing iyon ay ang tila isang malapulong gubat na nasa gitna ng kabukiran. Nagdidilim ang nasabing gubat dahil sa mayayabong at malalaking punongkahoy na kinakapitan ng makapal na lumot at ng sala-salabat na baging na nakayakap sa malalabay na sanga. Sa bitak ng mga puno ay nagsitubo ang mga kabuti at dapo. Ang gubat na iyon ay nababalot ng katangi-tanging alamat. Dati ay Trivia Ang balete (genus Ficus) ay punongkahoy na mayamungmong; maraming tila baging na sanga. kakaunti pa ang naninirahan doon kaya naglipana ang maiilap na hayop. Dumating umano roon ang isang matandang Español na may nanlalalim na mata at matatas managalog. Nang matuklasan ng matanda ang isang pook na dinadaluyan ng tubig na mainit, pinagpilitan niyang bilhin ang gubat sa mga taong nagsasabing sila ang may-ari nito. Binayaran niya ang mga ito ng hiyas, damit, at salapi. Hindi naglaon, biglang nawalang parang bula ang matandang Español. Walang nakatatalos ng nangyari sa kaniya. Nang siya’y matagpuan ng ilang pastol, siya’y bangkay nang nakabitin sa sanga ng isang puno ng balete. Mula noon, pinagkakatakutan na ang nasabing gubat. Umano’y may nakikita roong ilaw at kung minsan naman ay may naririnig silang panaghoy. Napabalita ring isang binatang manliligaw ang nagawi roon na pagkaraan ng magdamag na pamamalagi sa gubat ay namatay kinaumagahan dahil sa matinding lagnat. Anupa’t ang gubat ay nagkaroon ng sariling alamat. Pagkalipas ng ilang buwan, isang binatang mestisong Español ang dumating doon na nagsabing anak siya ng yumao. Siya’y si Don Saturnino na ang hinarap na gawain ay pagsasaka. Masipag at walang kibo si Don Saturnino, ngunit kung minsan ay mapusok at malupit. Ang isa niyang ginawa ay ang pagbabakod ng mga pader sa libingan ng kaniyang ama. Nang tumanda na si Don Saturnino ay saka pa lamang niya naisip na magasawa. Ang napangasawa niya’y isang taga-Maynila. Sila’y nagkaanak ng isang lalaki na pinangalanan nilang Rafael. Sila ang naging magulang ni Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Pagsasaka rin ang naibigang gawain ni Don Rafael. Napamahal siya sa mga tagabukid dahil sa kaniyang mabuting pakikisama. Sa pananagana ng mga pananim, dumami rin ang naninirahan doon. Ang lalong malaking bahagi ng gubat ay naging ganap na bayan. Naging maunlad na rin ang bayan ng San Diego. Nang mamatay ang kanilang Kura Paroko na isang paring Pilipino, ang pumalit dito ay isang Kurang Español — si Padre Damaso. 41 Talasalitaan: Palawakin Natin Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. ___________________ 1. Ang bayan ng San Diego ay nasa baybayin ng isang lawa. ___________________ 2. Dahil sa kanilang masasamang bisyo, sila’y napagsasamantalahan ng mga Tsino. ___________________ 3. Inaabuso ng mga Tsino at mga Español ang kahangalan ng mga taga-San Diego. ___________________ 4. Mula sa simboryo ng simbahan, matatanaw ang buong bayan ng San Diego. ___________________ 5. Isang matandang Español na matatas managalog ang dumating at bumili sa gubat. ___________________ 6. Di umano’y may nakikita roong ilaw at kung minsan naman ay may naririnig silang panaghoy. ___________________ 7. Walang nakatatalos sa pagkamatay ng matandang Español. ___________________ 8. Matatanaw ang isang ilog na animo’y isang malaking ahas na nakahimlay sa bukirin. ___________________ 9. Nagdidilim ang gubat dahil sa mayayabong na punongkahoy. ___________________10. Ang mga inaaning palay ay iniluluwas sa ibang bayan. Talakayin Natin 1. Ilarawan ang San Diego ayon sa pisikal, ekonomikal, at kaligirang sosyal nito. 2. Ano ang kaugnayan ni Ibarra sa matandang Español na nasa alamat? Kilalanin ang mga taong nag-uugnay sa kanila. Matandang Español Don Saturnino Don Rafael Ibarra 3. Paano naging bayan ang isang gubat tulad ng San Diego? 4. Tungkol saan ang alamat ng gubat na tinukoy sa kabanata? 5. Bakit nakapananamantala ang mga Tsino sa mga magsasaka at negosyanteng Pilipino? 42 Suriin at Gawin Natin 1. Noong nayon pa lamang ang San Diego, paring Pilipino ang kura sa pook na ito. Nang ito ay umunlad at naging bayan, paring Español ang pinamahala sa parokya. Ano ang ipinahihiwatig nito? Sang-ayon ka ba sa ganitong sistema? Pangatuwiranan. 2. Anong magagandang katangian ang ipinamalas nina Don Rafael at Don Saturnino? Taglay pa ba ito ng mga Pilipino ngayon? 3. Ibigay ang mga positibo at maaaring negatibong epekto ng kaunlaran sa isang lugar. Itala sa tsart. Kaunlaran Positibo Negatibo Pagyamanin Natin 1. Iguhit ang bayan ng San Diego nang ayon sa sariling interpretasyon. Ilagay sa 1/8 illustration board. 2. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa sariling barangay nang ayon sa: a. pinagmulan b. pagbabago • pisikal • lipunan • ekonomikal 43 Kabanata 11 Ang mga Makapangyarihan Balik-sulyap Maganda ang kasaysayan ng San Diego. Sa gitna ng kabukiran ay may isang gubat na naibigan at binili ng isang matandang Español. Hindi naglaon, ang gubat ay nabalot ng alamat at kinatatakutan. Bakit ito kinatatakutan? Hindi maituturing na cacique o makapangyarihan si Don Rafael Ibarra bagama’t siya ang pinakamayaman sa San Diego at iginagalang ng lahat. Ito’y dahil sa pagtataglay niya ng magandang pag-uugali at hindi nagbibigay-halaga sa mga ginawang pagtulong sa kapwa. Wala siyang kaaway sa bayan. Hindi rin maaaring sabihing makapangyarihan si Kapitan Tiyago bagama’t siya’y sinasalubong ng banda ng musiko at inaalayan ng masasarap na pagkain at iba’t ibang pasalubong kapag dumarating sa San Diego. Ang katotohanan ay madalas siyang tawanan o palihim na tawaging Sakristang Tiyago. Ang Gobernadorcillo o Kapitan ng bayan ay lalong hindi matatawag na makapangyarihan. Siya’y utusan lamang na maaaring kagalitan ng Alkalde Mayor. Ang katungkulang iyon ay pinagsakitan niyang bilhin ng 44 limang libong piso lakip ang maraming pakiusap. Ang San Diego ay maihahambing sa Roma. May pagkakaiba nga lamang sapagkat ang Roma ay may coliseo at mga bantayog na marmol samantalang ang San Diego ay may sabungang pawid at mga dingding na sawali. Ang kapangyarihan ng Kura ng San Diego ay halos katulad ng sa Papa sa Batikano at ang sa Alperes ng mga guardia civil ay katulad naman ng sa Hari sa Italya. Ang dalawang makapangyarihang ito’y madalas magkapingkian dahil sa pagnanasang mapangibabawan ng isa ang isa. Si Padre Bernardo Salvi ang Kurang humalili kay Padre Damaso nang ang huli ay alisin sa San Diego. Bata pa si Padre Salvi, payat at sakitin. Ang malimit niyang pag-aayuno at pangingilin ay nakapagpapaputla sa kaniya at nakapagpapahina sa kaniyang nerbyos. Ito rin umano ang dahilan, ayon sa mga nakapupuna sa Kura, kung bakit masamang hangin ang laging umaakyat sa ulo nito. Malaki ang kaibhan niya sa pinalitang Kura. Hindi siya gasinong mapusok at hindi nananakit. Sa oras ng kaniyang pagsesermon ay hindi niya pinapayagang lumabas ng simbahan ang sinuman, kaya’t ipinasasara niya ang pintuan nito. Sukat na pinagmumulta niya ang utusan kung sakaling ito’y nagkulang sa kaniyang mga gawain. Mahilig siya sa pangingilin at pag-aayuno. Ang tanging kaaway ni Padre Salvi ay ang Alperes, ang puno ng mga guardia civil. Ang pinakamatinding kapariwaraang dumating sa buhay ng Alperes ay ang pagkakapag-asawa nito kay Doña Consolacion, isang Pilipinang mahilig magkolorete nang makapal at gumamit ng pintura sa pagaayos. Dahil sa kasawiang ito, umisip ng iba’t ibang paraan ang Alperes tulad ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw habang siya’y nasa lilim, o kaya’y ang paghahambalos at pambubugbog sa asawa. Ang malimit nilang pag-aaway at pagtutungayawan ay isang panoorin sa mga kapitbahay nila. Bagama’t mahigpit na magkaaway ang Kura at ang Alperes, sila naman ay nagbabatian nang buong giliw at parang walang hidwaan. Ngunit kapag nakatalikod na, ang isa’t isa ay gumagawa ng sari-sarili nilang paraan upang makapaghiganti sa bawat isa. Kapag namataan ng Kura ang Alperes na pumasok ng simbahan, palihim niyang iniuutos sa sakristang isara ang pinto ng simbahan upang walang makalabas at saka niya pasisimulan ang mahabang sermon. Sa gayon, ang Alperes ay magtutungayaw paglabas ng simbahan. Upang makaganti naman, ipahuhuli ng Alperes ang alila ng Kura o ang sakristan at ito’y ipapipiit, ipalalamog, o papaglinisin ng kuwartel at pati ng kaniyang sariling bahay na minsan-minsan lamang nalilinisan. Kapag nagsumbong sa Kura ang mga napiit, minumultahan pa rin niya ang mga ito dahil sa kanilang pagkukulang sa tungkulin. Pagkatapos ay pawawalan ni Padre Salvi ang kaniyang mga tupa upang makapanira ng mga tanim ng Alperes. Ang paboritong kuwento ng Alperes tungkol sa Kura ay ang pagdudulot nito ng inuming sikulate (tsokolate ngayon) sa panauhin. Kapag sinabing magluto ka ng sikulate e, ang idudulot ng alila ay malapot at kapag sikulate a, ang idudulot ng alila ay malabnaw. Ang dalawang ito, ang Kura at ang Alperes, ang mga cacique o makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Roma – punong lungsod ng Italya, na nakilala dahil ito ang naging sentro ng Imperyong Romano; ang isa sa pinakamalakas, pinakamatatag, pinakamalawak, at pinakamatagal na imperyo sa kasaysayan ng mundo tsokolate e – tumutukoy sa salitang espeso (Español) na ibig sabihin ay malapot o makapal tsokolate a – tumutukoy sa salitang aguado (Español) na ibig sabihin ay maraming tubig; agua mula sa salitang Español na tubig ang katumbas sa Filipino 45 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Piliin ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat pangungusap. 1. Isa siyang matapat at maaasahang cacique sa aming distrito. a. makapangyarihan c. mayaman b. mapagkawanggawa d. pilantropo 2. Maraming Katoliko ngayon ang hindi na nangingilin at nag-aayuno. a. hindi kumakain c. hindi nagsisimba b. hindi nangungumpisal d. hindi nakikinabang 3. Tunay na isang kapariwaraan ang malulong ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot. a. kamatayan c. kasawian b. kahangalan d. kabiguan 4. Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, ang kanilang hidwaan ay naayos din. a. usapan c. di-pagbabati b. pagtatalo d. di-pagkakaunawaan 5. Dahil sa walang tigil niyang paghahambalos sa bata, ito’y napahandusay at nawalan ng malay. a. paghahampas c. pagpapalo b. paghahagupit d. pagbabambo B. Gamitin ang mga italisadong salita sa sariling pangungusap. Isulat sa notbuk. Talakayin Natin 1. Gamit ang isang Graphic Organizer, magtala ng mga salitang kaugnay ng salitang KAPANGYARIHAN. 46 2. Bakit hindi itinuturing na makapangyarihan sa bayan ng San Diego ang sumusunod? Dahilan 1. Don Rafael 2. Kapitan Tiyago 3. Gobernadorcillo 3. Sino-sino ang makapangyarihan sa San Diego? Patunayan ang kanilang pagiging makapangyarihan. 4. Sa pamamagitan ng Venn Diagram, paghambingin ang San Diego at Roma. San Diego Roma 5. Paano naiiba si Padre Salvi kay Padre Damaso? Sa iyong palagay, sino ang dapat na panigan sa dalawang kura? Ipaliwanag. 6. Bakit maituturing na malaking kasawian sa Alperes na naging asawa niya si Doña Consolacion? Paano niya inaalis sa isip ang kasawiang ito? Suriin at Gawin Natin 1. Ano ang pagpapahalagang ibig bigyang-pansin sa kabanatang ito? Ipaliwanag. 2. Sa iyong palagay, ano ang mga responsibilidad ng isang tao na kaakibat ng kapangyarihan? Ipaliwanag. 3. Karapat-dapat bang maging isang punong-bayan ang Kura? ang Alperes? Pangatuwiranan. 4. Ano-ano ang katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pinuno? Ipaliwanag. 5. Kung ikaw ay isang punong-bayan, ano ang unang-una mong gagawin para sa iyong bayan? Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa mga taong-simbahan, tulad ng pari, pastor, at iba pa na pumasok sa larangan ng politika. Magsaliksik tungkol sa mga naging tagumpay nila at implikasyon nito sa mga taong pinamunuan nila. 2. Sa pamamagitan ng simposyum, anyayahan ang isang pinuno, maaaring ang punongguro sa inyong paaralan, barangay chairman, o sinumang opisyal ng isang ahensiya. Itanong ang mga karanasan niya sa pamumuno. Talakayin sa klase. 47 Kabanata 12 Araw ng mga Patay Balik-sulyap Dalawang pangkat ang may hawak ng kapangyarihan sa bayan ng San Diego. Ang unang pangkat ay pinamumunuan ng Alperes ng mga guardia civil at ang ikalawa ay ang pinamumunuan ng Kura Paroko ng simbahan. Nais mangibabaw ang kapangyarihan ng bawat isa kaya naman kung ano-ano ang naiisip na paraan upang makapaghiganti sa bawat isa. Ang libingan ng San Diego ay nasa dakong kanluran sa gitna ng palayan. May isang malaking krus sa gitna ng libingan na itinuntong sa bato. Sa paanan ng krus ay nakatambak ang mga buto at bungo ng mga patay. Sa kabila ng mga nakasulat sa mga puntod, halos walang naniniwala na nagpapahinga ang mga pumanaw at lalong kakaunti ang naniniwala na nagpapahinga sila nang mapayapa. Sa pagpasok sa libingan, may dalawang taong naghuhukay. Ang isa ay tila datihan nang sepulturero dahil parang walang anuman dito ang paghuhukay ng bangkay at paghahagis Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Punan ng nawawalang letra ang mga kahon. 1. Inutusan ng kurang malaki ang sepulturero na hukayin ang isang bangkay. T A I I 2. Tumalima agad sa utos ang sepulturero. S M O 3. Nangangani sa paghukay ang bagong sepulturero. N D I I 4. Pamanghang nag-usisa ang sepulturero sa kasama. A T N 5. Magtutulos na lamang ng kandila ang mga kaanak na hindi makita ang kanilang patay. M 48 I R ng mga buto. Ang kaniyang kasama naman ay nangangani pa at lura nang lura at walang patid ang paghitit ng sigarilyo. “Sa ibang lugar na tayo maghukay. Ito’y bagong-bago pa at sariwangsariwa,” ang wika ng kasama ng sepulturero. “Napakaselan mo naman. Di lalo na kung ikaw ang inutusang humukay ng bangkay na dalawampung araw pa lamang naililibing.” “E, bakit mo naman hinukay?” pamanghang usisa ng kasama ng sepulturero. “Paano’y iniutos sa akin ng kurang malaki. Maaari ka bang hindi tumalima sa kaniya?” “Hindi na ako makapaghuhukay. Malamang na hindi ako makatulog nang ilang araw,” ang wika ng kasama na nanginginig ang tinig. Trivia Ang Araw ng mga Patay ay pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawa tuwing Nobyembre 1 sa pamamagitan ng misa, pagdalaw, pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod, bagama’t tuwing Nobyembre 2 ang Araw ng mga Kaluluwa. Napupuno na ng mga tao ang libingan palibhasa’y Araw ng mga Patay. Marami ang naghahanap ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay. Kapag hindi makita ay lumuluhod na lamang sila sa maibigang lugar, magtutulos ng kandila, at magdarasal nang taimtim. Talakayin Natin 1. Ilarawan ang libingan sa San Diego. 2. Ano ang pagkakaiba ng dalawang sepulturero? 3. Isalaysay ang pinag-usapan ng dalawang sepulturero. 4. Bakit hindi makita ng iba ang libingan ng kanilang mga mahal sa buhay? Ano ang ipinahihiwatig nito? Suriin at Gawin Natin Sa kasalukuyan, paano ginugunita ng mga Pilipino ang namatay na kaanak? Magkatulad ba ang paraan ng paggunita sa mga patay noon at ngayon? Patunayan. Pagyamanin Natin Magsaliksik ng tungkol sa cremation. Ibigay ang kabutihan at di-kabutihang naidudulot nito. Gawin sa pamamagitan ng isang debate. 49 Kabanata 13 Mga Babala ng Sigwa Balik-sulyap Ang libingan ng San Diego ay nasa dakong kanluran sa gitna ng mga palayan. Sa may pagpasok ng libingan, may dalawang sepulturero na naghuhukay at naguusap. Sa kanilang pag-uusap, naihayag nila ang katiwaliang nangyayari sa libingan. Anong katiwalian ang nagaganap dito? Isang karuwahe ang huminto sa tapat ng libingan. Bumaba si Ibarra kasunod ang isang matandang lalaking utusan. Pinaalis niya ang sasakyan at tumungo sa libingan. “Hindi na po ako nakabalik dahil ako’y nagkasakit at maraming ginawa,” nahihiyang sabi ng matanda. “Sinabi po ni Kapitan Tiyago na siya na ang magpapagawa ng nitso. Ngunit tinamnan ko po ng bulaklak at nilagyan ng krus ang puntod.” Ang matanda ay natubigan at napatigil. Naghahanap siya ng mga bakas sa lupa ngunit walang krus saanmang dako roon. Malungkot na minasdan ng binata ang nababagabag na matanda. garrote – salitang Español na nangangahulugang malaking pamalo o pambambo; ito ang itinawag kay Padre Damaso dahil sa kaniyang pamamalo 50 “Natatandaan ko po ang libing. May sakit noon ang sepulturero kaya ang kasama niya ang naghukay,” wika ng matanda. “Tanungin po natin siya.” Nilapitan nila ang sepulturero at nagtanong dito. “Masasabi ba ninyo sa amin kung alin ang libing ng may isang krus doon?” ang tanong ng matanda. “Opo, iyong malaki?” “Iyon nga,” anang matandang utusan. “At ang libing po’y may mga tanim na adelfa, sampagita, at pensamyento?” “Iyon nga,” anang matandang utusan. “Ang krus po ay sinunog ko na sa utos ng kurang malaki, si Padre Garrote, ang namamalo!” “Sabihin mo kung saan ang pinaglibingan. Tiyak na natatandaan ninyo ito,” ang usisa ni Ibarra. Trivia Ang Adelfa (Nerium oleander) ay palumpong na tumataas nang 1-3 metro, balahibuin ang hugis sibat na dahon, at may dilaw, puti, o pulang bulaklak. Mahinahong sumagot ang sepulturero na ipinahukay sa kaniya ng kurang malaki ang bangkay upang ilipat sa libingan ng mga Tsino. “Umuulan noon at totoong mabigat ang bangkay kaya…” Sinunggaban siya ni Ibarra at niyugyog. “Huwag kayong magalit, Ginoo. Hindi ko siya inilibing sa libingan ng mga Tsino. Ninais ko pang siya’y malunod kaysa mapasama sa mga Tsino kaya itinapon ko sa tubig ang bangkay.” Hinawakan nang mahigpit ni Ibarra ang dalawang balikat ng sepulturero saka tiningnang mabuti sa anyong di-malirip. “Ikaw ay isang sawimpalad lamang,” ang wika ni Ibarra at parang baliw na mabilis na lumayo. Hindi niya pansin ang mga napagtapakang mga buto, puntod, at mga krus. Palubog na ang araw. Makapal ang dilim ng ulan sa dakong Silangan. Matuling lumakad si Ibarra na wala ni isang patak na luha o himutok man lamang. Tila siya may tinatakasan — ang anino ng ama o ang sigwang palapit. Hindi naglaon ay abot-tanaw na ang matandang bahay ng mga Ibarra ngunit hindi ito pansin ng binata. Nakatuon ang kaniyang paningin sa prayleng masasalubong — Si Padre Salvi, ang kura ng San Diego. Dinaluhong ni Ibarra ang Kura at idiniin ang mga kamay sa balikat nito. “Ano ang ginawa mo sa aking ama?” ang nangangatal na tanong ng binata. Hindi makasagot sa masidhing takot ang Kura. Inulit ni Ibarra ang kaniyang tanong habang dinidiinan ang balikat ng Kura hanggang sa untiunting nababaluktot ang katawan nito. Nagpumilit itong sumagot. “Kayo’y nagkakamali… Wala po akong ginawa sa inyong ama.” “Anong wala?” ang wika ni Ibarra habang patuloy na ipinagdiinan ang Kura hanggang sa mapaluhod ito. “Hindi po ako, kundi si Padre Damaso, ang aking pinalitan.” “A!” ang nasabi ng binata sabay bitiw sa pari; tinampal ang kaniyang noo at matuling nagtuloy ng bahay. Dumating naman noon ang utusan. Tinulungan nitong tumayo ang Kura. 51 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng bawat pangungusap. 1. Ang matandang lalaking utusan ay natubigan at natigilan nang hindi makita ang puntod ni Don Rafael. 2. Dahil sa lubhang nababalisa, napilitang magtanong sa sepulturero ang nababagabag na utusan. 3. Di-malirip ng binata ang sinapit na kapalaran ng libing ng kaniyang ama dahil siya ay walang maisip na naging pagkakamali nito. 4. Ang sepulturero ay sawimpalad na dapat na unawain dahil hindi niya ibig makaranas ng pagiging bigo sa buhay. 5. Pagkakita ni Ibarra sa Kura ng San Diego, ito’y kaniyang dinaluhong at sinugod na galit na galit. Talakayin Natin 1. Sa pamamagitan ng Chain of Events Diagram, isa-isahin ang mahalagang pangyayari sa kabanata. 2. Bakit hindi makita ni Ibarra ang puntod ng ama? 3. Paano nalaman ni Ibarra ang kinasapitan ng labi ng ama? 4. Bakit Padre Garrote ang taguri kay Padre Damaso? 5. Bakit sinabi ng sepulturero na, “Ninais ko pong siya’y malunod kaysa mapasama sa mga Tsino kaya itinapon ko sa tubig ang bangkay”? 6. Isulat sa patlang ang pahiwatig sa sumusunod na pahayag. a. “Ang krus po ay sinunog ko na sa utos ng kurang malaki.” _________________________________________________________ b. “Umuulan noon at totoong mabigat ang bangkay kaya…” _________________________________________________________ c. “Ikaw ay isang sawimpalad lamang.” _________________________________________________________ d. Inulit ni Ibarra ang kaniyang tanong habang dinidiinan ang balikat ng Kura hanggang sa unti-unting nabaluktot ang katawan nito. _________________________________________________________ 52 Suriin at Gawin Natin 1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pamagat ng kabanata na, “Mga Babala ng Sigwa.” ___________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. Ano ang magagandang kaugaliang Pilipino ang inilahad sa binasang kabanata? ___________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Paano hinarap ni Padre Salvi ang ginawa sa kaniya ni Ibarra? Ilahad ito. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Kung ikaw si Ibarra, ano ang iyong magiging reaksiyon sa nangyari sa labi ng iyong ama? _______________________________________________ ____________________________________________________________ 5. Sa iyong palagay, bakit ipinalipat ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Tsino? ______________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin A. Magpangkatan sa tatlo at magpakita ng dula sa sumusunod na paksa. Pangkat I – Pag-uusap ng matandang utusan ni Ibarra at ng sepulturero kaugnay ng libing ng ama ni Ibarra Pangkat II – Paghaharap nina Ibarra at Padre Salvi na inaakala ng binatang ito ang nagpahukay sa libing ng kaniyang ama Pangkat III – Maaaring kasunod na mangyayari sa pagsugod at pagdaluhong ni Ibarra kay Padre Salvi B. Sa pamamagitan ng Rank Order, sino ang mga taong lalapitan kapag iyong natuklasan na nawawala ang libingan ng iyong mahal sa buhay? Iranggo sila nang ayon sa kung sino ang dapat mauna. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod. Ipaliwanag ang ginawang pagraranggo. _____ Barangay Chairman na sumasakop sa sementeryo _____ Nangangasiwa sa tanggapan ng sementeryo _____ Tanggapan sa City Hall o Municipal Hall na namamahala sa sementeryo _____ Sepulturero na namamahala sa mga puntod 53 Kabanata 14 Si Pilosopo Tasyo Balik-sulyap Hindi na nakita pa ni Ibarra ang libingan ng kaniyang ama sapagkat ipinahukay na ito ng kurang malaki. Parang wala sa sarili ang binata na lumakad pauwi sa kaniyang bahay nang masalubong ang Kura ng San Diego, si Padre Salvi. Ano ang ginawa ni Ibarra sa Kura? Bakit? Isang matandang lalaki ang naglalakad noon sa lansangan nang walang tiyak na paroroonan. Siya’y si Don Anastacio. Pilosopo Tasyo ang taguri sa kaniya ng mga may pinag-aralan at nakauunawa sa kaniyang kaisipan. Si Tasyo, ang baliw, ang tawag sa kaniya ng mga walang pinag-aralan dahil sa kakaiba niyang isipan, kilos, at pakikitungo sa tao. Dating nag-aaral ng Pilosopiya si Pilosopo Tasyo ngunit huminto dahil sa pagsunod sa kaniyang ina. Natatakot ang kaniyang ina na makalimot sa Diyos ang kaniyang anak kapag naging marunong ito. Pinapili siya ng ina: magpari o huminto ng pag-aaral. Palibhasa’y may kasintahan na, iniPilosopiya – ang kritikal na pag-aaral ng mga pangunahing prinsipyo at konsepto ng partikular na sangay ng kaalaman, lalo ang pananaw sa pagpapaganda at pagsasaayos nito sigwa – unos 54 wan niya ang paaralan at nag-asawa. Pagkaraan ng isang taon, nabalo si Pilosopo Tasyo. Sa labis na pangungulila at upang huwag malulong sa sabong, ibinuhos niya ang kaniyang panahon sa pagbabasa at pagbili ng mga aklat. Napabayaan niya ang kaniyang kayamanan at ari-arian. Hindi naglaon, naghirap si Pilosopo Tasyo. Nang hapong iyon ay may babala ng darating na sigwa. Nagtataka ang mga nakakasalubong ng matanda sapagkat parang masaya ito sa pagdating ng sigwa. “Tila masaya kayo,” bati ng isang nakasalubong. “Talaga po, dahil may isa akong pag-asa.” “Ano pong pag-asa iyon?” “Ang sigwa!” “Naghihintay ako ng lalong mabuting bagay. Ilang lintik na papatay ng mga tao at susunog ng mga bahay!” ang seryosong sagot ni Pilosopo Tasyo. “Hingin na ninyo ang delubyo! Siyang nararapat sa ating lahat. Sampung taon ko nang iminumungkahi sa bagong kapitan ang pagbili ng pararayos o panghuli ng kidlat. Sa halip, ang binibili nila ay mga paputok at kuwitis at pambayad sa repike ng mga kampana na ayon sa agham ay mapanganib lumapit sa batingaw kapag kumikidlat.” Nagmamadaling umalis ang kausap ni Pilosopo Tasyo nang gumuhit ang matatalim at nakasisilaw na kidlat. Humahalakhak namang nagpatuloy sa paglalakad ang matanda. Pagdaan niya sa simbahan, niyaya niyang umuwi ang naroroong dalawang bata na sasampuin at pipituhing taon. “Sumama na kayo sa akin, mga bata. Ipinagluto kayo ng inyong ina ng isang masaganang hapunan,” ang wika ng pilosopo sa mga bata. “Ayaw po kaming paalisin ng Sakristan Mayor hanggang ikawalo ng gabi,” ang tugon ng malaki. “Umaasa akong makasisingil ng aking sahod upang maibigay sa aking ina.” “Saan kayo pupunta ngayon?” “Sa kampanaryo po upang dupikalin ang mga batingaw para sa mga kaluluwa.” “Mag-iingat kayo. Huwag kayong lalapit sa batingaw kapag kumukulog at kumikidlat.” Nagpatuloy sa paglalakad ang pilosopo hanggang sa maparaan siya sa bahay ni Don Filipo Lino. Inanyayahan siya nitong dumaan muna. Napag-usapan nila ang nangyari kay Don Rafael na isang malaking dagok kay Ibarra. Nagkibit lamang ng balikat ang matanda. “Hindi po ninyo ikinabahala ang ganyang pangyayari?” tanong ni Aling Doray. “Isa ako sa anim na taong nakipaglibing sa namatay. Ako ang nagharap sa Kapitan-Heneral sa ginawang kalapastanganan sa labi ng Don. Bagama’t para sa akin, ang pagbibigay-dangal sa isang mabuting tao ay habang buhay pa siya, hindi kung patay na.” Nagawi ang usapan nila tungkol sa purgatoryo. Ayon kay Pilosopo Tasyo, makabubuti ang paniniwala sa purgatoryo sapagkat nagiging tagapagugnay ito ng namatay sa mga nabubuhay na tao at daan upang magpakabuti ang tao habang nabubuhay pa. Sunod-sunod na gumuhit sa himpapawid ang nakasisilaw na mga kidlat kasama ng nakatutulig na mga kulog. delubyo – malaking baha, malakas na buhos ng ulan pararayos – barilya na panghuli ng kidlat at proteksiyon ng bahay o gusali laban sa tudla ng kidlat kapag maunos repike – tunog ng batingaw, kalembang ng kampana dupikalin – sunod-sunod na pagpapatugtog ng kampana purgatoryo – sa doktrinang Katoliko Romano, pansamantalang kalagayan o pook para sa paglilinis ng kaluluwa sa pamamagitan ng pagpurga sa mga kasalanang pinagsisihan at pinatawad na ngunit hindi pa pinagdusahan nang sapat 55 Talasalitaan: Palawakin Natin Ayusin ang mga letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. __________________ 1. Matalim at nakasisilaw na mga lintik ang gumuhit (alkdti) sa himpapawid. __________________ 2. Kadalasan (ibaaknibgin) na kulog. may kasama itong nakatutulig __________________ 3. Talagang mapanganib ngayon sa isang dalaga (oakdlied) ang maglakad nang nag-iisa sa dilim ng gabi. __________________ 4. Isang malaking kalapastanganan ang yurakan (gkpmhaaa) ang dangal at katauhan ng isang tao. __________________ 5. Ang sunod-sunod na mga problemang iyan ay (aawiaksn) mariing dagok sa buhay ng bagong mag-asawa. Talakayin Natin 1. Sa pamamagitan ng Character Traits Diagram, kilalanin si Pilosopo Tasyo. Pilosopo Tasyo Nakaraan Edukasyon: Kasalukuyan Kabuhayan: Buhay may Asawa: Pagkatao: Pagiging Balo: 2. Paano mapatutunayan na si Pilosopo Tasyo ay may kakaibang talino? 3. Bakit sa kabila ng babalang may paparating na sigwa ay tila masaya pa si Pilosopo Tasyo? 4. Ipaliwanag ang paniniwala ni Pilosopo Tasyo tungkol sa: a. Purgatoryo b. Pagbibigay-dangal sa isang mabuting tao 56 Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong pananaw, si Pilosopo Tasyo ba ay baliw o sadyang matalino? Ipaliwanag. 2. Ipaliwanag ang sinabi ni Pilosopo Tasyo na, “Ang pagbibigay-dangal para sa mabuting tao ay habang buhay pa siya, hindi kung patay na.” 3. Sa iyong palagay, dapat bang makialam ang mga magulang sa pagpili ng kurso ng anak? Bakit? 4. Pumili ng isang bahagi sa kabanata na nagpapakita ng paniniwala ni Pilosopo Tasyo sa iba’t ibang bagay. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsasatao. 5. Itala sa tsart ang mga positibo at negatibong katangian ni Pilosopo Tasyo. Ipaliwanag kung bakit positibo at negatibo ang mga ito. Positibo Paliwanag: Negatibo _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa mga dahilan ng pagiging mapanganib sa paglapit sa mga kampana kapag kumikidlat. Iulat sa klase. 2. Manood ng video sa pagtalakay ng isang resource speaker tungkol sa purgatoryo. Maaaring pari, madre, seminarista, o guro na nagtuturo ng kursong Teolohiya. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa pahayag ng resource speaker. 57 Kabanata 15 Ang mga Sakristan Balik-sulyap Si Don Anastacio ay nakikitang naglilibot sa mga lansangan na walang tiyak na paroroonan. Kilala siya sa tawag na Pilosopo Tasyo at baliw. Sino ang nagpapalagay na siya’y pilosopo? na siya’y baliw? Bakit ganoon ang palagay sa kaniya? Nag-ibayo ang unos. Dumadagundong ang mga kulog na pinangungunahan ng matatalim na kidlat. Bumubuhos ang ulan na hinahagupit ng hangin. Malagim ang tugtog ng batingaw na malungkot na tila dumaraing at tumatangis. Nasa ikalawang palapag ng kampanaryo ang magkapatid na sakristan… sina Crispin at Basilio. Ang maliit at nakababata ay si Crispin na may pagkamatatakutin. Ang malaki at nakatatanda naman ay si Basilio na may likas na lakas ng loob. Magkawangki ang dalawa sa kanilang anyo at pananamit na tagpi-tagpi na kababakasan ng kanilang kahirapan. Isang upod na kandila ang pananglaw nila sa madilim na sulok ng kampanaryo. “Batakin mo nang maigi ang lubid, Crispin,” ang utos ni Basilio sa kapatid. Binatak ng nakababatang si Crispin ang lubid at narinig ang isang mahinang tugtog na wari’y hinaing na 58 biglang naglaho. “Sana nasa bahay tayo kasama ni Inang,” ang wika niya. “Doon ay hindi na ako mapagbibintangang nagnakaw. Hindi papayag si Inang… kung malalaman niyang pinapalo ako rito.” Hindi sumagot si Basilio, na wari’y nag-iisip nang malalim. “Habang buhay na lamang ba tayong ganito, Kaka?” ang dugtong pa ni Crispin. “Sana pagdating ko sa bahay bukas ay magkasakit ako nang matagal upang maalagaan ako ni Inang at huwag nang pabalikin pa. Sa gayon, di na ako mapapalo. Mabuti pa nga, Kaka, magkasakit tayong dalawa.” “Huwag!” ang tutol ni Basilio. “Wala tayong makakain at mamamatay si Inang sa sama ng loob.” “Magkano ang sasahurin mo sa buwang ito, Kaka?” ang tanong ni Crispin. “Dalawang piso lamang dahil ako’y minultahan.” “Bayaran mo na kaya ang sinasabing ninakaw ko. Bayaran mo na, ha?” “Naloloko ka ba, Crispin? Walang maibibili ng pagkain si Inang. Sabi ng Sakristan Mayor ay dalawang onsa ang ninakaw mo. Ang dalawang onsa ay tatlumpu’t dalawang piso.” “Ang dalawang onsa ay tatlumpu’t dalawang piso!” Nang hindi mabilang ni Crispin sa kaniyang mga daliri ang tatlumpu’t dalawang piso, sinabi niyang mabuti pang ninakaw na niya ito upang may mailabas siya o patayin man siya ay may magugugol ang kaniyang ina at kapatid. “Ang inaalaala ko’y makagagalitan ka ni Inang pag nalaman ito,” ang wika ni Basilio. Si Crispin ay umiiyak na sumagot, “Kung maniniwala si Inang ay ikaw na ang bahalang magsabi na ang Sakristan Mayor ay nagsisinungaling. Lahat sila’y sinungaling. Ikaw na lamang ang umuwi. Ayokong umuwi. Sabihin mo kay Inang na ako’y may sakit.” “Tumahan ka na, Crispin.” Biglang lumitaw ang Sakristan Mayor. Minultahan si Basilio dahil sa paputol-putol ang pagtugtog niya ng kampana. Mabalasik na sinabi ng Sakristan Mayor na maiiwan si Crispin hanggang hindi nito inililitaw ang ninakaw. Si Basilio ay hindi makauuwi sa ikawalo ng gabi kundi sa ikasampu gayong ikasiyam pa lamang ay bawal nang maglakad. Hinawakan ni Basilio ang kamay ni Crispin nang hinawakan ng Sakristan Mayor ang braso ni Crispin para kaladkarin. Tinampal naman ng Sakristan Mayor nang tangkain nitong pigilan ang kamay ni Crispin upang ipagtanggol ang kapatid. Nagpatibuwal si Crispin at humagulgol na nagsabing, “Huwag mo akong iiwan, Kaka! Papatayin nila ako!” Ngunit tuloy-tuloy na kinaladkad ng Sakristan Mayor ang bata. Napatigagal si Basilio. Narinig niya ang kalabog ng katawan ni Crispin sa mga baitang ng hagdan. Narinig din niya ang ilang tampal, ilang pigil na hiyaw, at mga impit na daing. Pagkatapos ay katahimikan. Pigil ang hininga ni Basilio habang pinarurusahan ang kapatid. Nakakuyom ang mga kamay at, “Kailan pa kaya ako maaaring makapag-araro?” ang nagngingitngit na bulong nito sa sarili. Upang makauwi, kinalag niya ang lubid ng batingaw na nasa ikatlong palapag. Itinali niya ang isang dulo sa pinakaposte ng barandilya at siya ay nagpadausdos. Nang tumila ang ulan at mapawi nang kaunti ang kadiliman, isang sigaw na sinundan ng dalawang putok ang narinig buhat sa lansangan. Ngunit walang pumansin dito. onsa – salaping ginto na katumbas ng labinganim na piso noong panahon ng Español 59 Talasalitaan: Palawakin Natin Magsulat ng dalawang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay gamitin ang salita sa sariling pangungusap. 1. Magkawangki ang magkapatid sa anyo at sa tagpi-tagping pananamit. Magkawangki Pangungusap: 2. Ang mahinang tunog ng kampana ay parang hinaing ng isang naghihirap. hinaing Pangungusap: 3. Napatigagal si Basilio sa narinig na kalabog ng katawan ni Crispin. Napatigagal Pangungusap: 4. Narinig ni Basilio ang mga impit na sigaw ng kaniyang kapatid. impit Pangungusap: 5. Nang tumila ang ulan, isang sigaw at dalawang putok ang narinig sa lansangan. tumila Pangungusap: 60 Talakayin Natin 1. Batay sa teksto ng kabanata, ilarawan ang magkapatid na sakristan. Isulat sa tsart ang katangian ng bawat isa. Basilio Crispin 2. Anong uri ng pamumuhay mayroon ang magkapatid? 3. Bakit nasabi ni Crispin na sana magkasakit siya nang matagal? 4. Ano ang ibinintang kay Crispin? Sa iyong palagay, ito ba ay may katotohanan? 5. Bakit ayaw nang umuwi ng bahay ni Crispin? 6. Bakit pinagmulta ng Sakristan Mayor si Basilio? 7. Ipaliwanag ang pahayag ni Basilio na, “Kailan pa kaya ako maaaring makapagararo?” Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Basilio, paano mo tatanggapin ang ginawang pagpaparusa kay Crispin? Paano mo siya ipagtatanggol? 2. Anong karapatang pambata ang nilabag sa kabanatang ito? Ipaliwanag. 3. Paano ka makatutulong sa mga batang katulad nina Basilio at Crispin? 4. Sa kasalukuyan, kanino maaaring ihambing ang kapalaran ng magkapatid na Crispin at Basilio? Pagyamanin Natin A. Magpangkatan sa walo. Sa pamamagitan ng tableau, ipakita ang iba’t ibang paglabag sa karapatan ng mga kabataan at mga paraang dapat gawin upang matulungan ang mga kabataang nakaranas ng paglabag nito. Ang unang apat na pangkat ang gagawa ng unang sitwasyon. Ang kasunod na apat na pangkat ang gagawa naman ng tableau tungkol sa ikalawang sitwasyon. B. Hanapin sa Family Code ng ating bansa ang mga karapatang pambata na nalalabag sa ating lipunan. Ano ang mga ahensiya o sangay ng pamahalaan ang dapat mangalaga sa mga batang nalalabag ang mga karapatan? 61 Kabanata 16 Si Sisa Balik-sulyap Ang magkapatid na sakristan ay sina Crispin at Basilio. Si Crispin, ang bunso, ay pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan kaya ayaw pauwiin hangga’t hindi niya ito inililitaw. Si Basilio, ang panganay, ay minultahan dahil sa paputolputol na pagtugtog ng batingaw kaya hindi makauuwi sa ikawalo ng gabi at sa halip ay sa ikasampu ng gabi. Ano ang ginawa ng Sakristan Mayor kay Crispin? Paano nakatakas si Basilio? Madilim ang gabi. Mahimbing nang natutulog ang mga taga-San Diego matapos ang paggunita sa kanilang mga patay. Sina Crispin at Basilio ay nakatira sa labas ng bayan. Ang ina nilang si Sisa ay nakapag-asawa ng isang lalaking iresponsable, palaboy, at sugarol. Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama, nilustay na nito ang mga alahas ni Sisa dahil sa kaniyang bisyo at nang wala nang maitustos dito, sinimulan nang pagbuhatan ng kamay ng asawa. Dahil sa kahinaan ng loob at pamamayani ng puso kaysa pagiisip, walang ginawa si Sisa kundi ang palaboy – lagalag sugarol – tao na madalas magsugal baboy-ramo – ilahas na baboy (Sus celebensis) na magaspang ang balahibo at karaniwang kulay itim 62 umiyak. Para sa kaniya, ang asawa ang kaniyang Bathala at ang mga anak ang kaniyang mga anghel. Sinamantala ng lalaki ang takot at labis na pagmamahal ni Sisa sa kaniya. Lalo niya itong pinakitaan ng makahayop na asal. Nang gabing yaon, si Sisa’y naghahanda ng masarap na hapunan para sa darating na mga anak. Bumili siya ng tuyong tawilis at namitas ng pinakamagagandang kamatis sa kaniyang halamanan. Ihahain niya ito kay Crispin na alam niyang gustong-gusto nito. Ang inihanda naman niya para kay Basilio ay ang tapang baboy-ramo at isang hita ng patong-bundok na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo. Nagsaing siya ng maputing bigas na inani niya sa bukid. Bata pa si Sisa at mababakas sa mukha niya na siya’y maganda at kabigha-bighani. May gandang kayumangging kaligatan si Sisa; mapupungay ang mga mata, may maayos na hubog ng ilong, may mga labing kaaya-aya ang hugis, at may malago’t maitim na buhok. Nang gabing iyon, nakikini-kinita ni Sisa ang magiging kasiyahan ng kaniyang mga anak sa inihanda niyang hapunan. Ngunit dumating nang hindi inaasahan ang kaniyang asawa. Buong pagkahayok na kinain nito ang inihanda niya para sa mga anak. Habang pinagmamasdan ang asawang kumakain, pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala naman siyang magawa kundi ang magsawalang-kibo. Nang busog na ang lalaki, saka lang nito naitanong ang mga anak na ikinangiti ni Sisa. Nakaramdam siya ng kabusugan dahil dito. Para kay Sisa, banggitin o hanapin man lamang ng asawa ang kanilang mga anak ay isa nang kasiyahan. Naisip niyang tiisin na lamang ang gutom sapagkat ang natirang pagkain ay hindi na magkakasya sa tatlong katao. Pagkakain, kinuha ng lalaki ang kaniyang tinali at anyong aalis na. “Hindi mo ba hihintayin ang mga anak mo? tanong ni Sisa sa asawa. “Ayon kay Pilosopo Tasyo, si Crispin ay nakababasa na at marahil, maguuwi ng kaniyang sahod si Basilio,” pagbabalita ni Sisa. Napatigil ang lalaki nang marinig iyon. “Kung gayon, ipagbukod mo ako ng piso,” ang sabi nito at lumabas na ng dampa. Napaiyak si Sisa subalit pinahid agad ang luha nang maalaalang darating ang mga anak. “Darating na nga pala ang mga anak kong mababait. Tiyak Trivia Ang tawilis (Harengula tawilis) ay uri ng sardinas na nabubuhay sa tubig-tabang. gutom na ang mga iyon. Kailangang maipaghanda ko ulit sila ng makakain. Mauunawaan naman nila na kinain ng kanilang ama ang inihanda kong hapunan para sa kanila.” Nagsaing siyang muli at inihaw ang tatlong tuyong tawilis na natira. “…mga gutom na darating… mahaba ang lakarin at ang mga sikmurang gutom ay walang puso…” Umaawit siya ng kundiman habang muling naghihintay sa pagdating ng mga anak. Saglit siyang tumitigil sa pag-awit at pilit na inaaninaw sa kadiliman kung may dumarating. Nanalangin siya sa Mahal na Birhen at sa Diyos na pangalagaan ang kaniyang mga anak. Walang kawawaan ang kaniyang pagdarasal sapagkat gumigiit sa kaniyang isipan ang mga anak. “Inang, buksan ninyo ang pinto! Buksan ninyo, Inang,” ang walang ano-ano’y narinig ni Sisa na hangos na tawag ni Basilio mula sa labas. Si Sisa ay kinilabutan. dampa – bahay ng mahirap, karaniwang maliit at gawa sa marupok na materyales kundiman – tradisyonal at malamyos na awit 63 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang sagot. kasiya-siya labis na kagutuman maibigay masama ginamit tumahimik kaakit-akit inubos inaaninag makikita sumisiksik ________________ 1. Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama, nilustay na ng asawa ang mga pera ni Sisa kasama ang napagbilhan ng mga alahas. ________________ 2. Nang wala na siyang maitustos sa bisyo ng asawa, si Sisa’y sinimulan nang saktan nito. ________________ 3. Hayagan nang ipinakita ng asawa kay Sisa ang kaniyang makahayop na ugali’t asal. ________________ 4. Ang hapunang inihanda ni Sisa para sa mga anak ay buong pagkahayok na kinain ng kaniyang asawa. ________________ 5. Kahit sa pagdarasal, pilit na gumigiit sa isipan ni Sisa ang kaniyang mga anak. ________________ 6. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagdurusang dinaranas. ________________ 7. Kabigha-bighani ang kaniyang angking kagandahan. ________________ 8. Wala siyang nagawa kundi magsawalang-kibo na lang sa inasal ng asawa. ________________ 9. Saglit na tumigil si Sisa sa pagdarasal at pilit na inaaninaw sa kadiliman kung may mga dumarating. ________________ 10. Si Sisa ay may labing kaaya-aya ang hugis. B. Lagyan ng ekis (✗) ang salita o mga salitang hindi kapangkat ng iba pang salita sa bawat bilang. 64 1. nilustay inubos ginastos ibinigay 2. mababakas mababakat maaaninag makikita 3. mag-isip tumahimik magsawalang-kibo hindi magsalita 4. katuwaan kasiyahan kasiglahan kaligayahan 5. walang puso walang awa walang habag walang iniisip 6. umuukilkil sumisingit tumatanim gumigiit Talakayin Natin 1. Ilarawan si Sisa bilang asawa, bilang ina, gayundin ang pisikal na anyo niya. 2. Ilarawan ang asawa ni Sisa bilang asawa at ama. 3. Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa kaniyang asawa? Pangatuwiranan. 4. Sa iyong palagay, bakit kinilabutan si Sisa nang marinig ang tawag ni Basilio? Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Sisa, ano ang gagawin mo sa iyong asawa? Alin ang mas papairalin mo, isip o puso? Bakit? 2. Paano inilarawan ni Rizal ang kababaihang Pilipino batay sa katauhan ni Sisa? 3. Sa pamamagitan ng T-chart, ilahad ang pagkakaiba ng kababaihang Pilipino noon at ngayon. Kababaihang Pilipino Noon Ngayon 4. May nilabag bang karapatan kay Sisa bilang babae, ina, at asawa? Patunayan. Pagyamanin Natin Magkaroon ng debate tungkol sa paksang, “Dapat Bang Magkaroon ng Pantay na Karapatan ang Babae at Lalaki?” Bawat pangkat ay bibigyan nang sapat na panahon upang paghandaan ang mga ipapahayag. 65 Kabanata 17 Si Basilio Balik-sulyap Mababakas pa rin sa mukha ni Sisa ang kaniyang kagandahan noong kabataan niya. Isa siyang mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio subalit walang suwerte sa lalaking kaniyang napangasawa. Anong uri ng asawa at ama ang lalaking nabanggit? Nang buksan ni Sisa ang pinto, bumagsak si Basilio sa mga bisig niya. Nanlamig si Sisa nang makitang si Basilio lamang ang dumating. Napipilan siya ng lakas nang makita ang masaganang dugong umaagos sa noo ng anak. “Anak ko,” ang kaniyang nasambit. “Huwag kayong matakot, Inang. Si Crispin ay naiwan sa kumbento,” ang wika ni Basilio. “Naiwan? At siya ba’y buhay?” Isang malamlam na titig na nangangahulugang ‘opo’ ang naging sagot ng anak. Naibsan ang pag-aalala ni Sisa. quien vive – salitang Español na nangangahulugang “Sino ang nariyan?” punglo – bala dumaplis – pasagi o pahaging ang pagtama pampahilom – gamit para sa paggaling ng sugat 66 “Salamat at buhay si Crispin. Ngunit bakit ka may sugat?” “Ako po’y nagtanan, Inang, nang kaladkarin ng Sakristan Mayor si Crispin at ayaw akong paalisin kundi ikasampu ng gabi. Nakasalubong ko sa bayan ang ilang kawal at nang sigawan ako ng quien vive, ako’y nagtatakbo. Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.” “Sadyang walang puso ang mga guardia civil,” may hinanakit na wika ni Sisa. “Hindi na nila inisip ang magiging damdamin ng isang ina.” Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at nilagyan ng pampahilom. Hiniling ni Basilio sa ina na ipaglihim ang nangyari sa kaniya. Nang usisain siya tungkol sa hindi pag-uwi ni Crispin, sinabi niyang ito’y pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsang ginto. Ngunit inilihim niya sa ina ang pagpaparusa kay Crispin. Hindi makapaniwala si Sisa sa gayong paratang sa mabait na anak. Kapwa napaiyak ang mag-ina. Nang ibalita ni Sisa sa anak na dumating ang ama nito, napatuon karaka ang paningin ni Basilio sa mukha at kamay ni Sisa. Naunawaan ito ni Sisa at kumirot ang kaniyang dibdib. “Hindi ba mabuting tayong tatlo na lamang — kayo, si Crispin, at ako, ang magsama-sama?” tanong ni Basilio. Nagbuntung-hininga nang malalim si Sisa. Nang nakahiga na, naglalaro sa isipan ni Basilio si Crispin na nasa isang madilim na sulok ng kumbento at takot na takot. Umuukilkil sa kaniyang pandinig ang mga daing at sigaw ng kapatid. Sa kapagalan ng katawan at isip, nakatulog din si Basilio. Saglit pa lamang naiidlip, nanaginip si Basilio na may hawak na yantok ang Kura. Nagtago si Crispin sa likod ng Sakristan Mayor subalit lalo siyang inilantad sa galit na Kura. Hinagupit siya ng Kura ng yantok. Nang hindi na makatiis ang bata, kinagat niya ang kamay ng Kura. Napasigaw ang Kura at nabitiwan ang yantok. Sinunggaban ng Sakristan Mayor ang tungkod at pinalo sa ulo ang bata na ikinabuwal nito. Pinagtatadyakan siya ng Kura ngunit ang bata ay hindi na kumikilos. Nagising si Sisa sa pag-iyak ni Basilio. Ngunit hindi sinabi ni Basilio ang napanaginipan. Sa halip, ipinagtapat niyang ayaw na niyang magsakristan. Trivia Ang yantok ay galing sa isang uri ng palma (genus Calamus) na may mahahaba at magkakadugtong na sanga. “Bukas po, sunduin na ninyo si Crispin. Kunin na rin po ninyo ang aking sahod at sabihing ayaw ko nang magsakristan. Ipapakiusap ko kay Don Crisostomo Ibarra na tanggapin akong tagapastol ng kaniyang mga baka at kalabaw. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo. Mabait si Don Crisostomo. Baka bigyan niya ako ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o kaya’y isang bulo. Kapag maaari na akong mag-araro, ako ay magsasaka. Lahat ng gawain ng isang lalaki ng tahanan ay gagampanan ko. Di ba mainam iyon, Inang?” “Oo, Anak,” ang sagot ni Sisa. Napuna ng ina na sa balak ng anak ay hindi kasama ang kanilang ama. sinunggaban – biglang dinakma o inagaw ang isang bagay ikinabuwal – natumba at napahiga tagapastol – tagapag-alaga ng hayop, gaya ng tupa, kalabaw, at kabayo bulo – anak ng kalabaw o baka 67 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Isulat ang kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa bawat pangungusap sa pamamagitan ng krossalita. 2 1 N A 4 N P 3 N H I 6 H A 5 G A B S N T Pahalang Pababa 1. Napipilan ang lakas ni Sisa nang makitang may dugong umaagos sa noo ni Basilio. 2. Dahil sa kapagalan ng katawan, nahapo rin ang isipan ni Basilio. 3. Dahil sa maraming dugo na nawala kay Basilio, naging sanhi ito ng kaniyang panlalata. 4. Naibsan ang pag-aalala ni Sisa kay Crispin nang sabihin ni Basilio na ito ay buhay pa. 6. Walang awang hinahagupit ng Kura ang nanginginig at takot na takot na bata. 5. Umuukilkil sa pandinig niya ang daing at sigaw ng nakababatang kapatid. B. Ikahon ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat bilang. 1. umaagos dumadaloy kumakapal sumasama 2. inilihim inalam isinulat itinago 3. paalala pasabi paratang bintang 4. nababahala naiidlip nakakatulog nananaginip 5. napuna napatingin napadako napansin 6. ikinagulat ikinabuwal ikinadapa ikinatumba 7. baril sandata punglo bala 8. walang puso walang alam walang pakialam walang awa 9. ikinabuwal ikinatumba ikinadapa ikinaupo 10. sahod kinita pabuya ambag 68 Talakayin Natin 1. Ilarawan si Basilio bilang anak at kapatid. 2. Ano ang nangyari kay Basilio mula sa pagtakas niya sa kumbento hanggang sa pagdating sa kanilang bahay? Kumbento Guardia Civil Bahay Pangyayari Pangyayari Pangyayari 3. Ano ang balak ni Basilio para sa kaniyang ina at kapatid na si Crispin? Ano ang kapansin-pansin sa kaniyang balak? Ipaliwanag ang sagot. 4. Bigyang-kahulugan ang sumusunod: a. panaginip ni Basilio b. pagtutuon ng paningin ni Basilio sa mukha at kamay ng ina nang malamang dumating ang ama 5. Bakit hindi sinabi ni Basilio sa kaniyang ina ang totoong nangyari sa kanila ni Crispin? Suriin at Gawin Natin 1. May dapat bang sisihin sa naging karanasan nina Sisa, Basilio, at Crispin? Pangatuwiranan ang sagot. Ano ang mensaheng ibig iparating sa pamilyang Pilipino ng mga naranasan ni Sisa at ng kaniyang pamilya? 2. Ilarawan ang damdamin ni Sisa habang hinahanap ang bunsong anak na si Crispin. 3. Masisisi mo ba si Basilio sa pagwawalang-bahala niya sa kaniyang ama? Pangatuwiranan. 4. Ano ang maipapayo mo sa mga anak na may amang katulad ng kay Basilio? Pagyamanin Natin 1. Gumupit ng larawan ng iyong ama at ina. Idikit sa coupon bond. Sumulat ng isang sanaysay na maglalarawan sa kanila at mga bagay na nagawa nila para sa inyong pamilya. 2. Gumawa ng tiglilimang pamantayan para sa pagiging mabuting ama at ina batay sa kasabihang, “Ang ama ang haligi at ang ina ang ilaw ng tahanan.” 69 Kabanata 18 Mga Kaluluwang Nagdurusa Balik-sulyap Isang mapagmahal na anak at kapatid si Basilio. Nang gabing iyon, ipinagtapat niya sa ina na ayaw na niyang magsakristan. Inilahad niya sa ina ang mga balak niya para sa kanilang mag-iina na hindi kasama ang ama. Bakit hindi kasama sa mga plano niya ang ama? Masisisi ba siya? Halos ikapito na ng umaga nang makatapos si Padre Salvi sa kaniyang ikatlo at huling misa para sa mga kaluluwa. Matamlay ang prayle kaya inakala ng mga manang na may sakit ito. Ni hindi nito iniabot ang kamay sa mga manong at manang na ibig magmano sa kaniya. Walang kibo si Padre Salvi habang naghuhubad ng kaniyang kasuotan. Dahil sa inaasal ng prayle, nabahala ang mga sakristan na baka tumindi ang kaniyang sumpong at mumul- sumpong – pag-iral ng anuman nang biglaan tulad ng sakit, inis, pagkabaliw, at iba pa indulgencia – pagpapatawad sa kaparusahang may takdang panahon dahil sa kasalanang nagawa ng isang tao matapos na ito’y pagsisihan. sikapat – salapi noong panahon ng Español na katumbas ng 12 1/2 sentimo coadjutor – katulong na pari ng Kura Paroko 70 tahan sila. Ibinunton nila ang sisi sa magkapatid na Basilio at Crispin. Napuna rin ni Hermana Sepa ang hindi pag-upo ng Kura sa kumpisalan. Ibig niya sanang mangumpisal at makinabang upang magkamit ng indulgencia. Pinag-usapan ng kababaihan ang iba’t ibang paraan ng pagtatamo nito. Nakaupo ang ilang babae sa mga upuan sa silong ng ginawang silid-aralan. Paglabas ng pari upang bumalik sa kumbento, nagsitayo sila at akmang hahalik sa kaniyang kamay subalit tila namumuhi sa kanila ang pari kaya hindi na sila lumapit. “Nawalan kaya ng sikapat ang kuripot?” ang nasabi ni Hermana Rufa. Naroon sila upang ipaalam kung sino kina Padre Damaso, Padre Martin, o ang coadjutor ang ibig nilang magsermon sa kanilang piyesta. Sasabihin nilang si Padre Damaso ang napili nila. Siyang pagdating ni Sisa na may sunong na bakol. Nagbigay-galang ito sa mga naroon at tumuloy na sa itaas. Habang pumapanhik, kinakabahan si Sisa. Hindi niya alam kung paano ipagtatanggol si Crispin; kung paano mapahuhupa ang galit ng Kura. Nang siya’y paakyat, inaasamasam niyang marinig ang tinig ng anak subalit tahimik na tahimik kaya tumuloy siya sa kusina. Naroon ang mga sakristan at katulong na bantulot na tumanggap sa kaniya. Gayunman, itinanong niya sa tagaluto kung saan ilalagay ang kaniyang dala. Namitas siya ng pinakamainam na gulay sa kaniyang taniman at nangalap ng mga usbong ng pako para sa Kura na alam niyang paborito nitong gawing ensalada. “Diyan…kahit saan diyan,” ang pawalang-bahalang sagot kay Sisa. “Maaari po bang makausap ang Kura?” tanong ni Sisa sa isang utusan. “Hindi maaari. May sakit ang Kura.” “Kung gayo’y makita ko man lamang si Crispin,” giit ni Sisa. “Huwag mo nang ipagkailang si Crispin ay nasa inyong bahay.” “Si Basilio ay nasa bahay subalit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…” ang samo ni Sisa. “Naiwan nga ngunit nagtanan din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyong bahay.” Hindi nakakibo si Sisa. Trivia Ang pako o eletso (Athyrium esculentum) ay isang uri ng halaman na karaniwang nabubuhay sa tabi ng ilog o kaya’y sapa. Marami ang uri nito — isa na ito sa naigugulay ang talbos. Ang iba naman ay pandekorasyon sa mga pagdiriwang. “Mabuti kayong asawa ngunit masasama ang mga anak ninyo tulad ng kanilang ama. Lalo na iyong maliit. Baka higtan pa niya ang kaniyang ama,” ang pakutyang sabad ng tagapagluto. Napahagulgol si Sisa at napaupo sa isang bangko. “Hindi ba ninyo alam na may sakit ang Kura? Sa lansangan kayo magiiyak. Sulong!” ang taboy ng tagaluto. Ipinagtulakan si Sisa upang mapababa. Tinakpan niya ng panyo ang kaniyang mukha at pinigil ang pag-iyak. Nang nasa lansangan na, luminga-linga siya sa kaniyang paligid. Mabilis siyang lumayo na tila may binabalak. bakol – malaking basket na maluwang ang bibig, masinsin ang pagkakalala, at may apat na sulok bantulot – urong-sulong samo – madamdaming paghiling na gawin o ibigay ang isang bagay 71 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Buuin ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang salitang angkop dito. Isulat ang sagot sa patlang. nagmana matamlay inaasam-asam ensalada namumuhi indulgencia pinakamainam ipinagtulakan magnanakaw napahagulgol 1. Maaaring may karamdaman ang Kura kaya siya _______________. 2. Namitas si Sisa ng mga usbong ng pako para sa Kura na alam niyang paboritong gawing _______________. 3. Ang mga anak ni Sisa ay napagbintangang mga _______________. 4. Sinasabi na sa ama raw _______________ ang kasamaan ng magkapatid. 5. Ang _______________ ang tanging kailangan ng mga taong nagkasala at humihingi ng kapatawaran. 6. Sa pagpanhik ni Sisa sa kumbento ay _______________ niyang marinig ang tinig ng anak na si Crispin. 7. Akmang hahalik sa kamay ng Kura ang kababaihan ngunit sila’y hindi na lumapit dahil tila ang Kura ay _______________ sa kanila. 8. Dahil sa hindi magagandang narinig ni Sisa patungkol sa mga anak, siya ay napaupo at _______________ na lamang. 9. Si Sisa ay _______________ ng tagapagluto upang mapababa. 10. Namitas si Sisa ng _______________ na gulay mula sa bakuran upang ibigay sa Kura. B. Hanapin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salita o pariralang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. buong lugod maingay na maingay umiimik gastador napatayo natatawa _________________ 1. Walang kibo si Padre Salvi habang naghuhubad ng kasuotan. _________________ 2. Nawalan kaya ng sikapat ang kuripot? _________________ 3. Tahimik na tahimik kaya tumuloy si Sisa sa kusina. _________________ 4. Naroon ang mga sakristan at katulong na bantulot na tumanggap sa kaniya. _________________ 5. Napahagulgol si Sisa at napaupo sa isang bangko. 72 Talakayin Natin 1. Bakit matamlay si Padre Salvi? Ano ang maaaring naging dahilan nito? 2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “indulgencia”. Ano ang paniniwala ng mga nakatatanda tungkol dito? 3. Ano-ano ang napansin ng mga tao na patunay na may dinadala o dinaramdam ang Kura? Isulat ang mga kasagutan sa loob ng mga parihaba. 4. Ano ang ipinakahulugan ng pagdadala ng mga gulay ni Sisa kay Padre Salvi? 5. Ano-ano ang kaugaliang Pilipino ang ipinakikita sa kabanatang ito? Punan ang tsart ng mga hinihinging kasagutan. Gawin sa notbuk. Kaugalian Positibo Negatibo Ipaliwanag Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, ano ang maaaring nangyari kay Crispin? Bakit? 2. Tama ba ang inasal ng tagapagluto at utusan kay Sisa? Pangatuwiranan. 3. Kung ikaw si Sisa, pupunta ka rin ba sa kumbento upang kausapin ang Kura? Ipaliwanag ang sagot. 4. Paano pinatunayan ni Sisa na siya ay isang ulirang ina? 5. Ibigay ang sariling reaksiyon tungkol sa sumusunod: a. “Nagiging masama ang anak kung ang ama o ina ay masama.” b. “Ang paghingi ng pabor ay may kaakibat na handog.” Pagyamanin Natin 1. Interbyuhin ang isang ina. Itanong kung paano niya pinalaki ang kaniyang mga anak. Ano-ano ang masasabing kadakilaan na nagawa niya para sa mga anak? 2. Sumulat ng isang sanaysay na ibabatay sa paksang, “Bakit Dakila ang Aking Ina?” Isulat sa iyong notbuk. 73 Kabanata 19 Mga Karanasan ng Isang Guro Balik-sulyap Nagtungo si Sisa sa kumbento upang makausap ang Kura at makita ang anak na si Crispin. Subalit may sakit ang Kura at wala roon ang anak. Ayon sa isang utusan, si Crispin ay nagtanan din pagkatapos nitong magnakaw sa kumbento. Naniwala ba si Sisa sa sinabi ng utusan? Bakit? Tahimik na tahimik ang lawang napapaligiran ng mga bundok. Sa isang gulod, makikitang nag-uusap si Ibarra at ang Guro. Itinuro ng Guro kay Ibarra kung saan itinapon ang bangkay ni Don Rafael. Ipinagtapat ng Guro na marami siyang utang na loob sa ama ni Ibarra; kung paano siya kinupkop at binigyan ng mga kailangan sa ikauunlad ng pagtuturo, ang pagbibigay nito ng kaunting halaga para sa mahihirap, at pagbibigay ng mga aklat at papel. Isiniwalat ng Guro ang kalagayan ng kaniyang mga tinuturuan. Mahigit na dalawang daan ang nakatalang mag-aaral subalit dalawampu’t lima lamang ang pumapasok. “Bakit gayon na lamang ang bilang ng mga pumapasok?” ang tanong ni Ibarra. Atubili ang Gurong magtapat. Sa gayon, sinabi ni Ibarra, “Matagal kong pinag-isipan ang bagay na 74 ito. Ang katuparan ng mga balak ng aking ama ang higit na mahalaga kaysa iyakan ko siya o ipaghiganti kaya. Ang kaniyang bangkay ay nasa sinapupunan ng kalikasan. Ang kaaway niya’y ang taong-bayan at isang pari. Pinatatawad ko ang una dahil sa kanilang kamangmangan; at ang pari dahil sa kaniyang pag-uugali at nais kong igalang ang relihiyong nagturo sa lipunan.” “Mabuti po ang inyong tinuran, Ginoong Ibarra,” ang nagagalak na sabi ng Guro. “Malaki po ang inyong maitutulong sa kinakaharap kong mga suliranin hinggil sa pagtuturo.” Isa-isang inilahad ng Guro ang kaniyang mga suliranin. Una, walang pangganyak o pang-akit sa mga batang nag-aaral. Ikalawa, ang kakapusan ng mga pangangailangan at iba pang alalahanin. Walang mapapala ang mga bata sa wikang Español na hindi nila nauunawaan. Tinanong ni Ibarra ang Guro kung hindi niya nilapatan ang gayong kasamaan. Sinabi ng Gurong nagiisa siyang nakikibaka sa mga maling palagay. Wala silang bahay-paaralan. Nagliliksyon sila sa silong ng kumbento. Pinasukan niya ng pagbabago ang pagtuturo. Sinimulan niyang ituro ang wikang Español. Gumamit siya ng isang paraang magaan at ito’y naging mabisa. Ngunit ipinatawag siya ni Padre Damaso. Siya’y nilait at sinabihang huwag gamitin ang wikang Español na hindi para sa kaniya. “Umakyat ang dugo sa aking ulo at isang kidlat ang nagpadilim sa aking isip,” ang sabi ng Guro. Nilulon ng Guro ang paghamak na ito. Kung siya’y sumagot ay mawawalan siya ng hanapbuhay at magagalit sa kaniya ang lahat. Lahat ay tinatanggap niya upang mabuhay sila ng kaniyang ina. “Hindi ko maaaring sabihin sa aking ina ang totoo. Kailangang ipakita ko na nasisiyahan ako sa tatlong taon niyang pagpapakahirap para lamang ako maging guro.” “At dahil sa ganitong balakid, nawalan na kayo ng pag-asa?” tanong ni Ibarra. “Buhat nang ako’y alipustain ng pari, sinuri ko ang aking sarili at natuklasan kong ako’y mangmang. Nanghiram ako ng mga aklat kay Pilosopo Tasyo. Ang mga bagong kaisipang natutuhan ko’y nakapagpabago sa aking pagtuturo. Itinigil ko ang paggamit ng pamalo. Upang maikintal ang isang ideya sa utak ng bata, kailangang maghari ang kapayapaan sa loob at labas. Ang pagbabagong ito’y napuna ng marami. Ipinatawag akong muli ng Kura. Ipinagamit nila muli sa akin ang pamalo at kung hindi ay isusumbong ako sa Alkalde.” “Pati mga magulang ay nagsabing kailangang gamitin ang pamalo kaya napilitan akong gamiting muli ang pamamalo. Sa awa ko sa mga batang nag-aaral, umuwi ako sa amin. Humingi ako ng payo kay Pilosopo Tasyo na nagsabing, ‘Humihingi ng palo ang mga magulang? Bakit hindi sila ang iyong pinalo?’ ” “Sumunod ako sa aking kapalaran tulad ng isang bangkay na kinaladkad ng alon,” ang sabi pa ng Guro. Nagkasakit ang Guro at nang siya’y magbalik sa paaralan, ikalimang bahagi na lamang ng kaniyang tinuturuan ang natira. Tinanong ni Ibarra ang Guro kung nasisiyahan siya sa bagong tinuturuan. Sumagot ang Guro na wala siyang magagawa. Napalitan na si Padre Damaso kaya inakala niyang mapabubuti na ang kaniyang pagtuturo. Pinagsikapan niyang ituro ang Kasaysayan ng Pilipinas, ang mga aralin tungkol sa Asal at Heograpiya sa wikang Tagalog, subalit ipinatawag siya ng bagong Kura at sinabing unahin niya ang Relihiyon. “Huwag kayong masyadong magalaala,” ang sabi ni Ibarra. “Inaanyayahan ako ng Tinyente Mayor na dumalo sa pulong sa tribunal. Baka sakaling malutas ang inyong suliranin doon.” Ngunit ang Guro’y nag-aalaala pa rin. 75 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang letra ng naiibang salita sa pangkat sa bawat bilang. 1. a. isiniwalat b. ipinagtapat c. iminungkahi 2. a. atubili b. alalahanin c. alanganin 3. a. mapapala b. mahihingi c. mahihita 4. a. nakikibaka b. nakikipaglaban c. nakikigulo 5. a. inabuso b. hinamak c. nilait 6. a. pinigil b. balakid c. hadlang 7. a. tahimik b. tiwasay c. taimtim 8. a. katuparan b. katiyakan c. kaganapan 9. a. nagliliksyon b. nag-aaral c. nagtuturo b. kakulangan c. kakapusan 10. a. kakaunti Talakayin Natin 1. Bakit sinabi ng Guro kay Ibarra na malaki ang utang na loob niya kay Don Rafael? 2. Ilarawan ang kalagayan ng edukasyon at mga suliraning hinaharap nito batay sa sinabi ng Guro. Gamitin ang Problem/Solution Outline. Suliranin 1. 2. Solusyon Epekto ng Solusyon 1. 1. 2. 2. 3. Epekto ng Suliranin 1. 2. 3. 3. Aling bahagi ng kabanata ang nagpapakita ng pakikipagtunggali ng Guro sa sistemang kinabibilangan niya? 4. May karapatan ba ang Kura na makialam sa pamamaraan ng pagtuturo sa paaralan? Ipaliwanag ang sagot. 5. Bakit kaya sa dinami-dami ng suliraning kinaharap ng Guro ay hindi siya tumigil sa pagtuturo? 76 Suriin at Gawin Natin 1. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ng Guro na tanggapin na lamang ang lahat ng pang-aalipusta sa kaniya ng Kura? Ipaliwanag. 2. Paghambingin ang sistema ng edukasyon noon at ngayon. Noon Ngayon Paraan ng Pagtuturo Asignatura Pasilidad Guro 3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pamamaraan ng pagtuturo noon at ngayon? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin 1. Gumawa ng isang pag-aaral ukol sa mga suliranin ng edukasyon sa kasalukuyan. Tukuyin ang mga problema na pangkabuuan sa bansa. Kasalukuyang Lagay ng Edukasyon sa Bansa 2. Umisip ng kongkretong solusyon para sa nasabing mga suliranin. 77 Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal Balik-sulyap Nag-usap si Ibarra at ang Guro. Nalaman ni Ibarra kung saan nalibing ang kaniyang ama at ang mga naging karanasan at mga suliranin ng Guro sa pagtuturo sa San Diego. Sa kabila ng mga paglait at pag-alipusta ng Kura sa Guro, nagtiis siya at hindi umalis sa pagtuturo. Ano ang dahilan ng Guro? Ang tribunal ay bulwagan ng mga nagpupulong at nagpapasya. May dalawang lapian dito, ang Konserbador, na binubuo ng matatanda, at ang Liberal, na binubuo ng mga kabataan. Hindi sila nakikisalamuha sa isa’t isa sapagkat sila’y nagiiringan. Si Don Filipo Lino, ang Tinyente Mayor at pinuno ng Liberal, ay nagpahayag ng kawalang-tiwala sa Kapitan ng bayan. Tila raw may balak itong antalahin hanggang huling oras ang pagtatalo tungkol sa gugugulin sa piyesta. Sinabi ng isang kabataan na naiwan daw ang Kapitan sa kumbento upang kausapin ang Kura. Hindi ito alumana ng mga kasama niya dahil sa balak ni Don Filipo na iharap sa pulong ang balak ng matatanda. Tiyak na maglapian – samahang pampolitika ng mga manghahalal o pangkat ng mga tao na nagkakaisa ng layunin o kuro-kuro 78 kakaroon ng salungatan ang matatanda at ang kabataan. Nalilito ang ibang kasamahan na hindi nakauunawa ng gustong mangyari ni Don Filipo. Kaya sinabi niyang sumangguni sila kay Pilosopo Tasyo. Sinabi raw ng Pilosopo: “Namumuhi sa inyo ang inyong mga kalaban. Ano mang imungkahi ninyo ay sasalungatin nila. Kapag natalo kayo, ipasok ninyo sa isang kasapi ang ibig ninyong imungkahi at tiyak na sasangayunan ng mga kalaban, kailangang ilihim ito.” May sumabat at nagsabing siya ang magmumungkahi sa balak ng kalaban. Tumahimik sila nang dumating si Ibarra at ang Guro ng paaralan. Sinundan sila ng Kapitan na ang anyo’y may sama ng loob. Nagsimula na ang pulong. “Mga ginoo,” ang wika ng Kapitan sa mahinang tinig. “Pinangahasan ko kayong anyayahan sa pulong na ito dahil kailangang idaos ang piyesta ng patron ng San Diego sa ika-12 ng buwang ito. Ngayon ay ika-2 na…” Inubo ang Kapitan kaya itinigil niya ang kaniyang pagsasalita. Tumayo si Kapitan Basilio, ang pinuno ng Konserbador at katunggali ni Don Filipo. Hiningi na ang bawat magbibigay ng palagay ay gawin sa maliwanag, maikli, at tuwirang paraan. Inanyayahan ng Kapitan na magsalita ang may ibig. Nagmungkahi si Don Filipo ng marangya at maaksayang pagdiriwang; may dula, kuwitis, apat na hermano mayor, sabong, at iba’t ibang sugal. Ang lahat ay nagalit kay Don Filipo. Tinutulan ni Don Valentino ang iminungkahi at iniurong ito ni Don Filipo. Sinang-ayunan ng lahat ang mungkahi ng isang binatang kabesa na magkaroon ng panooring hindi magugol. Dalawang komedya ang pagpipilian. Ang perang makakalap ay hindi lalabas ng bayan. Ito raw ay gagamiting gantimpala sa iba’t ibang paligsahan. Nang matapos ang palitang-kuro, nagsalita ang Kapitan. “Sang-ayon din ako nang lubos…ngunit ang Kura. Iba ang kaniyang gusto.” “Sino ang gagasta sa piyesta? Ang Kura ba o tayo? Mayroon ba siyang ibinigay kahit isang kuwalta?” ang mahayap na tanong ni Pilosopo Tasyo. “At ano ang gusto ng Kura?” ang tanong muli ni Kapitan Basilio. Ang gusto raw ng Kura ay anim na prusisyon, tatlong misa mayor, at tatlong sermon. At kung may lalabis na salapi ay komedya sa Tondo na sasalitan ng awitan. Tinanggihan ito ng kabataan at ilang matatanda. Iginiit ng Kapitan na iyon ang gusto ng Kura at nakapangako na siya na iyon ay masusunod. Sinisi nila ang Kapitan kung bakit hindi kaagad sinabi iyon. Idinahilan niyang nawalan siya ng pagkakataon dahil kay Kapitan Basilio. Ayon sa ilang matatanda, dapat silang sumunod at kung hindi ay ipabibilanggo sila ng Alkalde. Binabawi ng kabataan ang kanilang abuloy subalit nailak nang lahat ito. Lumapit si Don Filipo sa Kapitan at nagwika, “Kinalimutan ko ang aking sarili sa mabuting layunin. Kayo naman, kinalimutan ninyo ang karangalan ng pagkatao dahil sa masamang layunin at inyong ipinahamak ang lahat.” Nang pauwi na, lumapit ang Pilosopo kay Don Filipo at sinabi, “Tayo ang may kasalanan. Hindi ninyo tinutulan nang bigyan tayo ng pinunong alipin at ako’y nakalimot din sa aking tungkulin.” kuwitis – paputok na pumapaimbulog paitaas kapag sinindihan, karaniwang ginagamit na pansenyas sa pagdiriwang hermano mayor – isang maginoo na karaniwang mariwasa at relihiyoso na hinihirang na mamahala sa pagdiriwang ng piyesta sabong – labanan ng mga tandang na may tari, karaniwang may pustahan ilak – (nailak) pagkalap o paghingi ng ambag o kontribusyon 79 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Ayusin ang mga letra sa kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan ng mga parirala sa bawat bilang. BTIRLANU 1. Bahay-pamahalaan ______________________________ NAAMLUA 2. di-binibigyang-pansin ______________________________ OAEMDYK 3. palabas ng katutubong kultura ______________________________ SAIKKIUMAHNALA 4. nakikisama ______________________________ LINGIPI 5. antalahin ______________________________ HRMNEAAMYROA 6. tagapamahala ng piyesta ______________________________ BAUSMAT 7. humalo sa usapan ______________________________ NUGTIANLAASS 8. tututulan ______________________________ ANG-NANGIIIR 9. nagkakagalit ______________________________ HIKANGMU 10. suhestiyon ______________________________ B. Suriin kung magkasingkahulugan ang pares ng salita. Isulat ang tsek (✓) sa kolum ng wastong sagot. Tama 1. bulwagan – plasa 2. kawalang-tiwala – hindi naniniwala 3. gugugulin – gagastusin 4. nalilito – nauunawaan 5. namumuhi – natutuwa 6. nagmumungkahi – nagpapanukala 7. palagay – kuro-kuro 8. gantimpala – pabuya 9. lubos – labis 10. ipinahamak – pinapurihan 80 Mali Talakayin Natin 1. Ilarawan ang tribunal na may dalawang lapian. Tribunal Konserbador Liberal 2. Ano ang karaniwang nangyayari sa pagpupulong sa tribunal? 3. Ilahad ang paraan na ginamit ng kabataan sa pagbibigay ng kanilang mungkahi? 4. Isa-isahin ang mungkahi na gagawin sa pagdiriwang ng piyesta sa San Diego. Gawing gabay ang dayagram. Gawin sa notbuk. Liberal Konserbador Kura Mga Ipatutupad 5. Wasto ba ang ginawang paraan ng pagpili ng mga gagawin sa piyesta? Bakit? 6. Paano ipinahayag ni Don Filipo ang sama ng loob sa Kapitan? Ano ang ibig sabihin ng kaniyang ipinahayag? 7. Bakit sinisisi ni Pilosopo Tasyo ang sarili? Suriin at Gawin Natin 1. Sa pagbuo ng isang desisyon ng isang pangkat o asosasyon, kailangan bang magkaroon ng pulong ang lahat ng kasapi? Bakit? 2. Ibigay ang reaksiyon kung dapat bang magkaroon ng gampanin ang simbahan sa pagdiriwang ng mga piyesta sa ating bansa. Pangatuwiranan. 3. Ano ang sariling pananaw sa labis na paghahanda ng mga Pilipino kapag may piyesta sa isang lugar? Pagyamanin Natin Magpangkatan sa lima. Ipagpalagay na kasapi ang bawat pangkat sa isang komite na maghahanda ng iba’t ibang programa o gawain para sa pagdiriwang ng isang piyesta. Isasama sa pagpaplano ang tungkol sa mga pagkakagastusan, pagiging malikhain, at pagiging makatotohanan ng mga gawain. 81 Kabanata 21 Kasaysayan ng Isang Ina Balik-sulyap Nagkaroon ng pulong sa tribunal upang pag-usapan ang piyesta ng San Diego. Nawalang-saysay ang mainit na pagtatalo para sa karapat-dapat na mungkahi sapagkat iba ang gusto ng Kura na siyang dapat masunod. Ano ba ang gusto ng Kura para sa pagdiriwang ng piyesta? Nagtatatakbong pauwi si Sisa na gulong-gulo ang isip. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kaniyang buhay. Gumigitaw sa kaniyang isipan ang pagnanais na mailigtas ang kaniyang mga anak. Paano? Hindi magtatanong ang mga ina ng paraan kapag ang mga anak ang kasangkot. Nang malapit na sa kaniyang bahay, natanaw niya ang dalawang guardia civil. Ganoon na lamang ang kaniyang panghihilakbot. Batid niya ang kalupitan ng mga ito, ang katigasan ng kanilang puso. Hindi tao ang mga guardia civil; mga guardia civil lamang sila. Hindi sila dumidinig ng mga samo at nahirati nang makakita ng luha. Tumingala siya sa langit. Huminto siya upang mapigil ang panginginig ng katawan. Nagpasalamat siya sa Diyos nang makita niyang walang kasama ang mga ito bagama’t dala nila ang inahing manok na pinatataba. Gusto sanang magtago ni Sisa ngunit tinawag siya ng isang guardia 82 civil. Takot na takot na lumapit si Sisa na hindi nakuhang magsalita. “Magtapat ka at kung hindi ay itatali ka namin sa puno at babarilin nang dalawang ulit,” ang wikang nagbabanta ng isang guardia civil. “Ikaw ba ang ina ng magnanakaw?” ang wika ng guardia civil. “Nasaan ang salaping ibinigay sa iyo kagabi ng mga anak mo?” “Ang salapi...” “Huwag kang magsinungaling at masasaktan ka. Huhulihin sana namin ang malaki ngunit nakatakas. Saan mo itinago ang maliit?” ang dugtong ng isa. “Ginoo, matagal ko na pong hindi nakikita si Crispin. Inakala kong makikita ko siya sa kumbento kaninang umaga subalit sabi roon sa akin...” Nagkatinginan nang makahulugan ang dalawang guardia civil bago nagwika ang isa ng “Tama na! Ibigay mo sa amin ang salapi at pababayaan ka na namin.” “Ginoo, hindi po magnanakaw ang mga anak ko kahit sila’y nagugutom. Sanay na po kaming magtiis ng gutom. Kahit halughugin ninyo ang aming bahay at gawin ninyo sa amin ang gusto ninyong gawin kung may makikita kayo kahit na sikapat. Walang iniwang salapi si Basilio. Hindi po magnanakaw ang lahat ng mahihirap.” “Ayaw mong magsabi nang totoo? Kung gayo’y isasama ka namin at hindi pawawalan hanggang hindi isinasauli ng iyong mga anak ang kanilang ninakaw.” Pilit na isinama si Sisa ng mga guardia civil. Sa kabila ng kaniyang pagsusumamo at pagluha ay hindi napahinuhod ni Sisa ang mga ito. Nakiusap siyang mauna siya nang kaunti ngunit sa pag-aakalang tatakas siya, pinagitnaan siya ng mga ito hanggang sa bayan. Pumayag ang mga guardia civil na mauna siya ng dalawampung hakbang sa bayan subalit hindi siya maaaring tumigil. Lubusan siyang nawalan ng pag-asa at nakaramdam ng malaking kahihiyan. Tinakpan niya ng panyo ang kaniyang mukha. Pagdating sa bayan ay pinahintulutan siyang mauna. Siyang paglabas ng mga taong nagsimba kaya binilisan ni Sisa ang paglakad, ngunit nawalan ito ng kabuluhan. Nakita pa rin siya. Naglakad siya na parang wala sa sarili kaya sinigawan siya ng guardia civil. Nakapasok siya sa kuwartel nang hindi niya namamalayan. Magulo ang kuwartel. Maraming guardia civil, mga babae, mga baboy, at mga manok. May mga sundalong nananahi ng kanilang damit. Ang iba’y tumutulong sa paglilinis ng mga kasuotan at sandata habang umaawit. Tinanong ng guardia civil kung nasaan ang sarhento at kung ipinagbigay-alam na sa Alperes ang pagdating nila. Walang kumibo. Pagkaraan ng dalawang oras na paghihintay sa isang sulok ng kuwartel, si Sisa’y pinawalan ng Alperes. Pinalayas si Sisa at halos ipagtulakan dahil ayaw niyang kumilos. Tanghaling tapat na noon kaya nagmamadali siyang naglakad pauwi. Nang makarating siya sa kaniyang bahay, pumasok siyang walang kibo at lumakad-lakad sa lahat ng dako. Pumunta siya sa bahay ni Pilosopo Tasyo subalit wala ang matanda. Bumalik siya sa kaniyang dampa. Tumingala siya at nakita ang isang punit na piraso ng damit ni Basilio. Nasa dulo ito ng bila ng dingding na nasa tabi ng bangin. Kinuha niya ito at inaninaw sa sikat ng araw. Tila hindi niya pansin ang bahid ng dugo sa punit na damit. Nawawala na siya sa sarili. Nagpatuloy siya sa paglilibotlibot habang sumisigaw at umuungol sa kakaibang tinig hanggang abutin siya ng gabi. Kinabukasan, nakita na lamang si Sisa na pagala-gala, ngingitingiti, umaawit, at nakikipag-usap sa lahat ng nilalang ng kalikasan. gumigitaw – lumilitaw, sumusulpot nahirati – namihasa; nakaugalian sikapat – noong panahon ng Español, katumbas ng labindalawa at kalahating sentimo inaninaw – pagtingin nang malapit at masusi sa isang bagay 83 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap. 1. Ang panghihilakbot na nadama ni Sisa sa pagkakita sa mga guardia civil ay pagkatakot na dagliang naparam nang dumaan sa kumbento. 2. Kahit halughugin nila ang buong bahay at halungkatin ang mga gamit nila ay hindi makikita ang kanilang hinahanap. 3. Noong una ay hindi napahinuhod ni Sisa ang mga guardia civil, ngunit sa bandang huli ay napasang-ayon na rin niya ang mga ito. 4. Hindi pinansin ng mga guardia civil ang pagsusumamo ni Sisa. Ngunit hindi nagtagal, dahil sa kaniyang pagluha at pagmamakaawa ay pinagbigyan ang kaniyang hiling. 5. Pagdating sa bayan ay pinahintulutan si Sisa na mauna ng dalawampung hakbang at pinayagang hindi sumabay sa mga guardia civil. Talakayin Natin 1. Isalaysay sa pamamagitan ng Story Map ang mga nangyari kay Sisa mula sa pag-alis ng kumbento hanggang sa pagbalik sa kanilang dampa. to en b m Ku Pagkakita sa Guardia Civil Bahay ni Pilosopo Tasyo Paghuli kay Sisa Pagpapalayas kay Sisa Epekto ng Pangyayari Pagdala sa Kuwartel Dampa 2. Bakit nagmamadaling umuwi si Sisa mula sa kumbento? 3. Ilarawan si Sisa nang makita ang mga guardia civil. 4. Nang hindi makita ang magkapatid, ano ang ginawa ng mga guardia civil? 5. Ilarawan ang kuwartel. 6. Magbigay ng mga pangyayari o palatandaan na unti-unti nang nawala sa katinuan si Sisa. 84 Suriin at Gawin Natin 1. Ibigay ang sariling kaisipan tungkol sa sumusunod na pangyayari. bintang na pagnanakaw sa magkapatid ginawang pagdakip kay Sisa na wala namang kasalanan kapirasong damit ni Basilio na may bahid ng dugo 2. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, magbigay ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kawalan ng hustisya noong panahong sakop ang Pilipinas ng mga Español. 1. 2. 3. ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ 3. Kung ikaw si Sisa, paano mo dadalhin ang suliraning iyong kinakaharap? 4. May mga kagaya pa ba ni Sisa at magkapatid na Crispin at Basilio sa kasalukuyan? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin Magpangkatan sa anim. Ipakita ang buhay ni Sisa sa iba’t ibang pamaraan. Pangkat I – Dance Drama Pangkat II – Maikling Dula Pangkat III – Tableau Pangkat IV – Tula Pangkat V – Radio Drama Pangkat VI – Monologo Linangin ang kasanayan sa pag-iisa-isa sa naging damdamin ni Sisa sa lahat ng suliraning naranasan niya, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 85 Kabanata 22 Mga Liwanag at Dilim Balik-sulyap Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag-aalaala sa mga anak, ang isipan ni Sisa’y lubhang naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala-gala, ngumingiti-ngiti, umaawit, at kinakausap ang lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawa-awang si Sisa ay nabaliw. Bakit siya nabaliw? Sino ang dapat sisihin? Tatlong araw na ang nakalilipas buhat nang mabaliw si Sisa. Kaalinsabay nito, abalang-abala naman ang bayan ng San Diego sa paghahanda para sa piyesta. Sari-saring palagay at sabisabi ang kumalat tungkol sa Kapitan, Tinyente Mayor, at kabataan. Hindi rin nawawala ang sisihan. Ikinagalak ng marami ang pagdating ni Maria Clara na kasama si Tiya Isabel. Kinagigiliwan nila ang dalaga at hinahangaan ang kaniyang kagandahan. Pinagtatakhan naman nila ang pagbabagong ugali ni Padre Salvi. Madalas itong natitigilan habang nagmimisa. Hindi siya nakikipag-usap sa mga nangungumpisal at tila lalo siyang namamayat at nagwawalangkibo. pahatid-kawad – mensahe o anumang ibig ipabatid nang madalian sa kinauukulang nasa malayo sa pamamagitan ng kable o telegrapo 86 Nagpadala ng pahatid-kawad ng pagbati sa mag-ale si Ibarra ngunit walang paliwanag ang kaniyang pagalis. May nagpapalagay na siya’y ikinulong dahil sa ginawa niya kay Padre Salvi noong Araw ng mga Patay. Ang pala-palagay ay lalong nagkakulay nang sa kinahapunan ng ikatlong araw ay nakitang bumaba si Ibarra sa isang karuwahe sa harapan ng bahay nina Maria Clara. Magalang na bumati ang binata sa isang paring papunta rin doon. Sa gitna ng kaakit-akit na tahanan nina Maria Clara ay nag-uusap ang magkasintahan. “Bukas, bago magbukangliwayway ay mangyayari ang iyong nais. Ihahanda ko ang lahat ngayong gabi upang walang magkulang,” ang pangako ni Ibarra sa dalaga. “Kung gayon ay sulatan mo ang aking mga kaibigang dalaga upang dumalo. Sikapin mong huwag makadalo ang Kura.” “At bakit?” “Palagay ko’y binabantayan niya ako. Natatakot ako sa matatalim at malulungkot na matang nakatitig sa akin. Sa kaniyang pakikipag-usap, hindi ko siya maunawaan. Itinatanong niya kung napapanaginipan ko raw ang mga sulat buhat sa aking ina. Sa wari ko siya’y baliw. Ayon sa kaibigan kong sina Sinang at kinakapatid kong Andeng, siya raw ay nawawala sa sarili dahil hindi kumakain at naliligo at nabubuhay siya sa dilim. Tiyakin mong hindi siya kasama.” Sinabi ni Ibarra na hindi maaaring hindi anyayahan ang Kura sapagkat ito’y nakaugalian na. Sinabi rin ng binata na ang pari ay nasa tahanan ng dalaga at nagpamalas naman ng kabutihan sa kaniya. Binanggit din niya sa dalaga na nang sangguniin ng Alkalde ang Kura tungkol sa kaniya, panay papuri ang iniukol nito sa kaniya. Sa hindi pag-imik ng dalaga ay ipinangako ni Ibarra na hindi niya isasama ang Kura sa kanilang bangka. Siyang paglapit sa kanila ng Kura at nagwika ito ng, “Malamig ang hangin. Ang dapuan ngayon ng sipon ay di gagaling agad.” “Para sa amin po’y hindi. Ang gabi ay kalugod-lugod at ang hangin ay masarap. Ang mga buwang ito’y ang tagsibol at taglagas sa amin. Nalalagas din ang mga dahon subalit ang mga bulaklak ay laging sumisipot,” ang sagot ni Ibarra. Ang usapan ay nabago at si Maria Clara ay tumayo na. Inanyayahan ni Ibarra ang pari sa kasayahang pambukid na inihanda nila. Tinanggap ng pari ang paanyaya ngunit sinabi niyang tatanghaliin siya. “Masuwerte kayo’t kayo’y malaya,” ang sabi ng pari. Madilim na nang magpaalam si Ibarra upang ihanda ang mga pangangailangan sa idaraos na salusalo kinabukasan. Lumapit sa kaniya ang isang lalaki at bumati nang magalang. Ito ang asawa ni Sisa na humihingi ng tulong sa kaniya para sa asawa at mga anak. Dahil sa nagmamadali si Ibarra, sinabi niyang sumunod na lamang ito sa kaniya at isalaysay ang mga pangyayari. matalim (matatalim) – matalas, nauukol sa kalagayang tumatalab kinakapatid – relasyon ng mga anak ng magkumpare at magkumare sa binyag, kumpil, o kasal tagsibol – sa mga bansang nasa katamtamang temperatura, panahong nagsisimulang tumubo o sumibol ang mga halaman, mula 21 Marso hanggang 21 Hulyo taglagas – sa mga bansang nasa katamtamang temperatura, panahon ng pagkalagas ng mga dahon, mula 21 Setyembre hanggang 21 Disyembre sumisipot – lumilitaw 87 Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkasingkahulugan. Itala ito sa kasunod na mga patlang. kalugod-lugod nagulo naligalig nagpakita magbubukang-liwayway tinanong sinangguni kasiya-siya magmamadaling-araw nagpamalas 1. _________________________ at _________________________ 2. _________________________ at _________________________ 3. _________________________ at _________________________ 4. _________________________ at _________________________ 5. _________________________ at _________________________ Talakayin Natin 1. Isulat sa dayagram ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng mga pangyayari sa kabanata. 2. Bakit biglang nabago ang mga gawi ni Padre Salvi? Ano ang naging epekto nito? 3. Bakit kay Ibarra humihingi ng tulong ang asawa ni Sisa? 4. Sa iyong palagay, bakit palaging nakasubaybay si Padre Salvi kay Maria Clara? 88 Suriin at Gawin Natin 1. Ano-anong katangian ng bawat tauhan ang katanggap-tanggap at di-katanggap-tanggap? Ipaliwanag. Katanggap-tanggap Di-katanggap-tanggap Padre Salvi Ibarra Maria Clara 2. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata na, “Mga Liwanag at Dilim.” 3. Kung ikaw si Padre Salvi, paano mo haharapin si Ibarra gayong nagkaroon kayo ng di-pagkakaunawaan? 4. Ibigay ang sariling palagay ukol sa sinabi ni Ibarra na, “Ang mga buwang ito’y ang tagsibol at taglagas sa amin. Nalalagas din ang mga dahon subalit ang mga bulaklak ay laging sumisipot.” Pagyamanin Natin 1. Sumulat ng isang komposisyon na ang paksa ay “Mga Liwanag at Dilim sa Aking Buhay.” 2. Kumuha ng kapareha. Ang kapareha ang maglalahad ng mga pamantayan kung paano ang wastong pakikipagkapwa. Pagkatapos nito, itatala ninyo ang mga bagay na ginagawa sa wastong pakikipagkapwa. Magkaroon kayo ng brainstorming. Ilahad sa klase ang bunga ng inyong pag-uusap. 89 Kabanata 23 Ang Pangingisda Balik-sulyap Nagkaroon ng anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik naman si Ibarra sa bahay nina Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw. Ibinalita ni Ibarra na matutupad na kinabukasan ang ipinangako niyang piyestang pambukid. Bakit ayaw paanyayahan ni Maria Clara si Padre Salvi sa piyestang pambukid? Madilim-dilim pa ay lumakad nang patungong lawa ang limang dalagang magkakaibigan – sina Maria Clara, Sinang, Victoria, Iday, at Neneng. Naiilawan sila ng mga huwepe. Masisiglang nag-uusap, nagtatawanan, nagkukurutan, nagbubulungan, at naghahalakhakan ang magkakaibigan. sulong sigsig – ilawang yari sa kawayang hinati na may dagta alpa – malaking instrumentong hugis tatsulok, tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit sa isang serye ng kuwerdas na iba’t iba ang haba akurdiyon – portabol na instrumentong maaaring may tekladong tulad ng sa piyano, tinutugtog sa pamamagitan ng pagbubuka at pagtitiklop sa tila pileges na bahaging nagbubuga ng hangin sa mga dilang metal tambuli – isang uri ng katutubong trumpetang yari sa sungay ng kalabaw pasak – anumang bagay na ipinasok at ipinantakip sa butas 90 Noon ay dumarating naman ang pangkat ng mga binata na may dalang sulong sigsig. Tahimik silang lumalakad sa saliw ng isang gitara. Nang magkita ang dalawang pangkat, tumahimik ang mga dalaga samantalang ang mga binata naman ay nakangiting nakipag-usap at nagsibati. Natuwa at humanga ang mga dalaga sa dalawang magkakabit na malalaking bangka. Napapalamutian ang mga ito. Sa bangkang higit na mainam ay may alpa, gitara, akurdiyon, at tambuli. Sa kabilang bangka naman ay naroon ang lutuan at pang-almusal. Inihiwalay ng mga ina ang mga dalaga sa mga binata. Dahan-dahang lumayo ang dalawang bangka sa pampang. Lahat ay tahimik hanggang sabihin ni Albino, ang dating seminarista, na maging maingat ang kasama at tapakang mabuti ang pasak na kaniyang tinutuntungan. May butas pala ang bangka. Nabahala ang mga babae at nagkagulo nang bahagya hanggang sa lumipat ang mga binata sa kabilang bangka. Nagpares-pares sila, si Ibarra sa tabi ni Maria Clara, si Albino sa piling ni Victoria, at ang iba’y sa tabi ng kani-kanilang nililigawan. Dahil sa ganda ng umaga, naghari ang kasayahan. Tanging ang piloto ng bangka ang tahimik at hindi pansin ang kasayahan. Siya’y isang binatang may matipunong katawan at nakaaakit na mukha. Napuna ni Maria Clara na minamasdan siya ng binata kapag ang dalaga’y hindi nakatingin. Naawa si Maria Clara at binigyan niya ang piloto ng ilang galyetas. Wari’y nagtaka ang piloto ngunit kumuha rin siya ng isa bago nagpasalamat. Nakita ni Maria Clara ang mga tagak na papalapit sa bangka. “Namumugad ba sa bundok ang mga ibong iyan?” ang tanong ni Maria Clara sa piloto. “Marahil po, subalit hanggang ngayon ay wala pang nakakikita ng kanilang pugad,” ang tugon ng piloto. “Wala po bang pugad ang mga ibong iyan?” “Ipinalalagay ko pong may pugad ang mga ibong iyan sapagkat kung wala, sila’y magiging pinakasawimpalad. May nagsasabi pang ang pugad ng mga ibong iyon ay di nakikita, sa gayo’y may galing na di makikita ang sinumang nag-iingat niyon. Magkakaroon siya ng tagabulag. Ang mga pugad namang iyan ay nakikita lamang sa salamin ng tubig.” Nag-isip si Maria Clara sa sinabi ng piloto. Dumating sila sa baklad. Itinali ang mga bangka sa isang kawayan. Ipinahanda ni Tiya Isabel ang mga lulutuin. Habang naghihintay, hinawakan ni Iday ang alpa at pinakanta nila si Victoria. Hiniling din nilang umawit si Maria Clara subalit sinabi niyang lahat ng awit niya ay malulungkot. “Hindi bale! Hindi bale!” ang sabay-sabay na sabi ng lahat. Kaya tinugtog ng dalaga ang alpa. Inawit niya sa tinig na puno ng damdamin ang “Awit ni Maria Clara.” Kaytamis mabuhay sa sariling bayan Doon ang lahat ay ating kaibigan Kaytamis ng simoy sa sariling bayan Doon ay masarap maging ang kamatayan Masusuyong halik sa labi ng ina Ang namumulatan sa bawat umaga Malugod na yakap sa dibdib ng ina May ngiti lagi na sa kanilang mata Kaytamis mamatay ng dahil sa bayan Doon ang lahat ay ating kaibigan Mapait ang hangin sa isang nilalang Kung siya’y walang bayan, ina, kasintahan. tagak – ibon (Bubulcus ibis coromandus) na puti, may mahabang leeg, tuka, binti, at kuko at may malapad at malakas na bagwis baklad – panghuli ng isda, may dingding na sadyang panlaban sa tubig, at tumitigil sa tubigan panalok – panghuli ng isda na hugis salok 91 Trivia Ang galyetas ay tinapay na karaniwang parisukat, malutong, hindi gaanong matamis, at sinasangkapan ng patatas. Ang awit ay lumikha ng kalungkutan. Ang lahat ay nakatanaw sa malayo, walang kagalaw-galaw hanggang natulig sila sa tunog ng tambuli ni Albino. Nanumbalik ang kasayahan. Wala ni isa mang isdang nahuli sa lambat nang itaas ng mangingisda ang panalok. Nagtaka ang lahat. Sinubok ni Albinong sumalok ngunit wala ring laman ang lambat. Humalili sa kaniya si Leon subalit napuna ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang panalok at nagwikang, “Buwaya!” Buwaya ang huli ng lambat. Nais nilang hulihin ang buwaya ngunit walang may lakas ng loob na gawin iyon. “Hindi pa ako nakakikita ng buwayang buhay,” ang marahang sabi ni Maria Clara. Maliksing kumilos ang piloto at lumundag sa loob ng pabahay na ang tanging dala’y lubid lamang. Nabahala ang mga babae hanggang sabihin ng matandang magbabangka na ang piloto ang pinakamahusay manghuli ng buwaya. 92 Tila may naghahamok sa ilalim ng tubig. Halos hindi na humihinga ang lahat. Lumitaw ang ulo ng piloto. Sinampahan niya ang buwaya na may lumot na sa likod. Ito’y nagpapapalag. Nang bubusalan ay humulagpos, nakawala at tumalon sa lawa na dala ang piloto. Mabilis na sumunod si Ibarra. Maya-maya’y nakitang namula ang tubig. Tumalon din ang mag-amang mangingisda subalit hindi pa sila lumulubog nang lumitaw si Ibarra na walang pinsala at ang piloto na may galos sa bisig. Muling lumitaw rin ang buwayang patay na. Gayon na lamang ang katuwaan ng lahat maliban kay Maria Clara na walang kibo. “Utang ko sa inyo ang aking buhay!” ang mapanglaw na wika ng piloto. “Totoo kayong mapusok. Huwag na muli ninyong tutuksuhin ang Diyos,” ang sabi ni Ibarra. “Kung di ka na lumitaw…!” ang bulong naman ni Maria Clara. “Kung di na ako lumitaw at ako’y sinundan mo, nakapiling ko na sana ang aking pamilya sa ilalim ng lawa,” ang tugon ni Ibarra. Nais ng matatandang babae na umuwi na. Naniniwala silang ang masamang simula ng araw ay sinusundan pa ng ibang kapahamakan. Napahinuhod naman sila nina Ibarra at Albino. Sa ikalawang baklad ay marami silang nahuli na niluto sa iba’t ibang putahe. Masaya silang nagsikain sa lilim ng mga punongkahoy sa may gubat na pag-aari ng mga Ibarra. Talasalitaan: Palawakin Natin A. Sagutin ang krossalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. 5 1 A 2 G A A 4 N N G N L S 3 N W 1. Napapalamutian ng mga dahon at bulaklak ang mga bangka. 2. Nabahala ang mga babae nang malamang may butas ang bangka. 3. Naaninag sa suot niyang manipis na baro ang siksik na dibdib. 4. Tila may naghahamok sa ilalim ng lawa. 5. Humulagpos ang buwaya nang ito ay binusalan sa bibig. B. Isulat sa patlang ang MKH kung magkasingkahulugan ang pares ng salita; MKS naman kung magkasalungat. _____ 1. lumundag – tumalon _____ 2. pinakamahusay – pinakamahina _____ 3. humulagpos – kumawala _____ 4. masisigla – masasaya _____ 5. humanga – pinintasan _____ 6. nagkagulo – naging tahimik _____ 7. kalungkutan – kasiyahan _____ 8. sumalok – umigib _____ 9. lumitaw – lumubog _____ 10. mabilis – mabagal C. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang binigyan ng kahulugan. 1. napapalamutian – _______________________________________ 2. nabahala – _______________________________________ 3. naaninag – _______________________________________ 4. naghahamok – _______________________________________ 5. busalan – _______________________________________ 93 Talakayin Natin 1. Isalaysay ang mga pangyayari sa kabanata sa pamamagitan ng sumusunod na elemento. Kasukdulan Suliranin Kakalasan Panimula Wakas 2. Ilarawan ang mga tauhan sa kabanata. Piloto Maria Clara Ibarra Albino 3. Ipaliwanag kung bakit kinakailangan pang ihiwalay ng mga magulang ang mga dalaga sa mga binata. 4. Bakit nagkagulo sa unang bahagi ng paglalakbay? 5. Bakit nangahas ang piloto na hulihin ang buwaya? 6. Paano nailigtas ni Ibarra ang piloto? 7. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni Ibarra na, “Kung di na ako lumitaw at ako’y sinundan mo, nakapiling ko na sana ang aking pamilya sa ilalim ng lawa”? Suriin at Gawin Natin 1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakikita sa kabanatang ito? May kahalagahan ba ito sa ating buhay? Pangatuwiranan. 2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng piloto na hulihin ang buwaya? Bakit? 3. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag mula sa binasang kabanata. a. “Ipinalalagay ko pong may pugad ang mga ibong iyan sapagkat kung wala, sila’y magiging pinakasawimpalad.” b. “May nagsasabi pang ang pugad ng mga ibong iyon ay di nakikita, sa gayo’y may galing na di makikita ang sinumang nag-iingat niyon.” c. “Ang mga pugad namang iyan ay nakikita lamang sa salamin ng tubig.” 4. Makatuwiran ba ang paghihigpit ng mga magulang sa mga anak na babae? Ipaliwanag. 94 Pagyamanin Natin 1. Itala sa tsart ang mga dapat na maging gawi at asal ng mga kabataan sa sumusunod na sitwasyon: Pamamasyal na Sakay ng Bangka Pagdiriwang ng Piyesta 2. Sa tulong ng Venn Diagram, paghambingin ang mga paraan ng pagdiriwang ng piyesta noon at ngayon. Noon Ngayon 3. Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanag pagkatapos. a. Ang tunay na ganda ng isang pagsasama-sama ay kababakasan ____ _________________________________________________________ Paliwanag: _______________________________________________ _______________________________________________ b. Anumang panganib na haharapin ay may katapat________________ _________________________________________________________ Paliwanag: _______________________________________________ _______________________________________________ c. Kaasalang ipinamamalas ng bawat anak, salamin ng______________ _________________________________________________________ Paliwanag: _______________________________________________ _______________________________________________ Sa paglinang ng kasanayan sa pag-iisa-isa ng mga detalye ng mahahalagang pangyayari sa binasang kabanata, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 95 Kabanata 24 Sa Gubat Balik-sulyap Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binata sa piyestang pambukid ni Ibarra. Sumakay sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang kumuha ng mga isdang kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka nila nang walang isda ang baklad. Bakit wala silang nakuhang isda sa baklad? Maagang nagmisa at nagpakumpisal si Padre Salvi. Ipinahanda niya ang kaniyang karuwahe at nagpahatid sa gubat na pagdarausan ng piyesta. Pinabalik niya rin kaagad ang karuwahe pagdating doon at naglakad na lamang. May narinig siyang matamis na tinig na kilalang-kilala niya. Nangubli siya sa isang punongkahoy at nakinig. Lumabas si Maria Clara, sariwa gaya ng isang rosas na kabubuka pa lamang. Wika nito, “Nais kong makatagpo ng isang pugad ng tagak. Gusto ko siyang tingnan nang di niya ako nakikita. Ibig ko siyang masundan sa lahat ng dako.” panibugho – agresibong pagtatanggol o pagbabantay, selos abito – kasuotan ng mga eklesyastiko tulad ng pari at madre 96 “Nais mo bang parisan ang pagmamanman ng Kura sa iyo?” ang dugtong ng isang masayang tinig. “Magiingat ka! Nakapagpapapayat ang panibugho.” Nakita niya sina Maria Clara, Sinang, at Victoria na naglalakad sa batis. Basa na ang laylayan ng damit ng mga ito. Lumabas sa kublihan ang Kura nang wala na ang mga dalaga. Nakita niya ang kinaroroonan ng mga dumalo sa piyestang pambukid. Binati siya ng lahat. “Napaano kayo, Padre?” ang tanong ng Alperes nang makitang galusan ang mukha ng Kura at marumi ang abito. “Ako po ay naligaw,” ang tugon ng pari. Nagdulot ng inumin ang mga dalaga. Ipinakita nila sa Kura ang buwaya. Samantala, biglang nawala ang piloto nang makita ang abito. Katatapos lamang maligo ni Maria Clara kaya lalong lumitaw ang kaniyang kagandahan. Iniukol niya ang unang ngiti kay Ibarra at ang unang pangungunot ng noo sa Kura. Sa oras ng pagkain, iisang mesa ang kainan ng mga makapangyarihan. Pinangunguluhan ito ni Ibarra. Hiwalay ang mga dalaga sa mga binata. Tinanong ni Padre Salvi ang Alperes kung kilala nito ang lumapastangan kay Padre Damaso. Sinagot naman ng Alperes ang tanong ng Kura kung sino ang salarin. Ayon sa Kura, ito rin daw ang bumugbog kay Padre Damaso kamakalawa ng gabi. Nagngangalang Elias ang salarin na siya ring naghagis sa Alperes sa lubak. Namutla ang Alperes. Dumating naman si Sisa. Iniutos ni Ibarra na pakainin ito subalit lumapit ito sa kinaroroonan ng Kura. Nabitiwan ng Kura ang hawak na kutsilyo nang makilala ang babae. Kumarimot naman ng takbo ang babae nang makita ang Alperes. Tinanong ng Alperes kung sino ang babae. “Isa siyang abang babaeng nabaliw sa labis na pagkatakot. Apat na araw na siyang ganyan,” ang paliwanag ni Don Filipo. “Iyan ba ang nagngangalang Sisa?” ang tanong ni Ibarra. “Hinuli po siya ng mga guardia civil upang linawin ang paratang sa mga anak,” ang patuloy ni Don Filipo. “Ano? Hindi po ba siya ang ina ng dalawa ninyong sakristan?” anang Alperes sa Kura. Ang Kura’y tumango. Ipinahanap ni Ibarra sa isang utusan si Sisa. Nangako rin siyang ipahahanap ang nawawalang anak nito. “Nakapagtataka, Padre Kura! Nawawala ang ilang piso ninyo at ipinagising nang maaga ang aking sarhento upang ipahanap. Nawawala ang dalawang sakristan at nanahimik kayo. At, Ginoong Kapitan, totoo po bang kayo rin ay…” ang wikang pauyam ng Alperes. Mamamagitan sana si Ibarra subalit pilit na sumagot ang Kura. “Batid po ba ninyo, Ginoong Alperes, nang gabing mawala ang mga bata ay may narinig na ilang putok?” “Ilang putok?” ang ulit ng Alperes. “Nakita na ninyo, batid kong hindi ninyo alam ang may kagagawan. Hindi ninyo nalalaman ang nangyayari sa inyong bahay subalit ibig ninyong mangaral at magturo sa iba ng kanilang tungkulin.” Inilahad ni Ibarra ang balak niyang ipagamot si Sisa. Humingi rin siya ng tulong sa paghanap sa mga anak nito. Nahinto ang pagkakagalit ng Kura at ng Alperes at nabaling sa ibang bagay ang usapan. Bumalik ang utusang humanap kay Sisa at sinabing hindi niya ito natagpuan. Pagkapananghali, hinamon ni Kapitan Basilio si Ibarra na maglaro ng lubak – hukay o uka sa daan kumarimot – kumaripas; mabilis na tumakbo abang – dukha pauyam – pangungutya 97 Trivia Ang telegrama ay mensaheng ipinadadala sa pamamagitan ng telegrapo at karaniwang inihahatid sa anyong nakasulat. ahedres. Napagkasunduan ng dalawa na kapag natalo si Kapitan Basilio, aakuin nito ang nagugol ni Ibarra sa usapin niya sa pagpapatayo ng paaralan na matagal nang pinapanukala ni Don Rafael noon pa mang ito ay nabubuhay. Habang naglalaro, tumanggap ng pahatid-kawad si Ibarra. Itinago niya ito nang hindi binubuksan at ipinagpatuloy ang paglalaro. Humingi ng labinlimang minuto si Kapitan Basilio upang pag-aralan ang susunod niyang galaw. Tumayo si Ibarra at lumapit sa mga dalagang masayang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. ahedres – laro ng dalawang tao na may tiglabing-anim na piyesa sa ibabaw ng isang tablero, chess Gulong ng Kapalaran – buhay na minsan ay masaya at minsan ay malungkot; tadhana ng buhay lukbutan – sisidlan ng salapi bayoneta – patalim na ikinakabit sa nguso ng riple mabalasik – malupit o mabagsik 98 Inilabas ni Ibarra sa kaniyang lukbutan ang telegrama. Ang nilalaman nito ay: “Bahay-paaralan, pinagtibay. Usapin ninyo, nanalo.” Ang kalahati ng telegrama ay iniabot ni Ibarra kay Maria Clara na nakakuha ng magandang kasagutan at sinabing ang paaralan ay handog niya sa mga bata ng San Diego. Ang kalahati ng pahatid-kawad ay ibinigay naman niya sa nakakuha ng pinakamasamang sagot. Si Sinang ang nakakuha nito. Lumayo na si Ibarra upang ipagpatuloy ang paglalaro ng ahedres. Lumapit ang Kura sa mga naglalaro ng Gulong ng Kapalaran at sinabing iyon ay kasalanan. Kinuha at pinunit niya ang aklat na siyang ikinagalit ng kabataan. Pagkatapos nito, ang Kura ay nagpaalam na. Naging tabla ang laban nina Kapitan Basilio at Ibarra kaya kahit panalo sa usapin, iniurong ito ni Ibarra. Walang ano-ano, dumating ang isang sarhento at apat na guardia civil na sandatahan at nakakasa ang mga bayoneta. Nagkagulo at nangatakot ang kababaihan. “Hinahanap namin ang piloto ng bangka. Siya si Elias, isang masamang tao. Hindi kayo dapat tumanggap ng masamang tao sa inyong handaan,” ang mabalasik na salita ng sarhento. “Hindi ko tungkuling ipagbigayalam sa inyo ang aking gawain. Tinatanggap ang lahat sa aming piyesta,” ang sabi ni Ibarra. Walang nagawa ang mga guardia civil kundi iwan ang kasayahan. Talasalitaan: Palawakin Natin Magtala sa mga kahon ng iba pang salita na kasingkahulugan ng punong salita sa bawat bilang. Gamitin sa pangungusap ang salitang binigyan ng kahulugan. 1. nangubli Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 2. pagmamanman : Pangungusap : : ____________________________________________ ____________________________________________ 3. pinagtibay Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 4. tabla Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 5. lumapastangan : Pangungusap : : ____________________________________________ ____________________________________________ 6. kublihan Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 7. galusan Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 8. salarin Pangungusap : : : ____________________________________________ ____________________________________________ 99 Talakayin Natin 1. Isalaysay ang pinag-uusapan ng mga dalaga sa may batis na narinig ni Padre Salvi. 2. Sa pamamagitan ng Events Organizer, isalaysay ang mga pangyayari at napagusapan mula sa kainan hanggang sa pagdating ng sarhento. Kainan: Paglalaro ng Ahedres: Pagdating ng Telegrama: Paglalaro ng Gulong ng Kapalaran: Pagdating ng Sarhento: 3. Bakit nagkakainitan ang Alperes at Kura? Alperes 4. Paano napigilan ni Ibarra ang pagtatalo ng Alperes at Kura? 5. Bakit nagalit ang mga kabataan kay Padre Salvi? 6. Paano natapos ang piyesta sa kagubatan? 100 Kura Suriin at Gawin Natin 1. Ano ang ibig sabihin ni Sinang sa kaniyang ipinahayag na, “Nais mo bang parisan ang pagmamanman ng Kura sa iyo? Mag-ingat ka! Nakapagpapapayat ang panibugho?” 2. Ano naman ang maibibigay na kahulugan sa pahayag na sinabi ni Maria Clara na, “Nais kong makatagpo ng isang pugad ng tagak. Gusto ko siyang tingnan nang di niya ako nakikita. Ibig ko siyang masundan sa lahat ng dako.” 3. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, anong pagkatao ang maaaring makita kay Ibarra? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, bakit natakot at nagtatakbo si Sisa nang makita ang Kura at Alperes? 5. Makatuwiran ba ang pagpunit ng Kura sa aklat ng Gulong ng Kapalaran? Pangatuwiranan. 6. Anong kulturang Pilipino ang ibig patunayan ni Dr. José P. Rizal sa paglalaro ng Gulong ng Kapalaran ng mga dalaga sa binasang kabanata? Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa paniniwala ng mga Pilipino sa kapalaran. Iulat sa klase. 2. Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanag pagkatapos. a. Tao ang gumagawa ng kapalaran kaya __________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ _____________________________________________ b. Kapalaran ng tao ay _________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ _____________________________________________ 101 Kabanata 25 Sa Bahay ng Pilosopo Balik-sulyap Idinaos ang piyestang pambukid ni Ibarra. Dumating ang Kura habang naglalakad sa batis sina Maria Clara. Nakinig siya sa pinag-uusapan ng mga dalaga. Nang magkita ang Kura at Alperes, ang pag-uusap nila’y nauwi sa pagtatalo. Habang naglalaro ng ahedres sina Kapitan Basilio at Ibarra, isang telegrama ang tinanggap ni Ibarra. Ano ang nilalaman ng telegrama? Kinabukasan, pagkatapos dalawin ang kaniyang mga lupain, si Ibarra’y nagsadya sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Maingat niyang tinalunton ang halamanan at pumasok siya sa nakabukas na pinto. Aalis na sana siya nang makitang nagsusulat ang matanda. Ngunit naanino siya nito. Sumusulat ang matanda ng jeroglifico. Ito’y upang hindi raw maunawaan sa ngayon ang kaniyang isinusulat. “At bakit po kayo sumusulat kung ayaw ninyong maunawaan?” “Ito po’y inilalaan ko sa susunod na salinlahi. Susunugin po ang lahat salinlahi – lipi o angkang nagbuhat sa isang matandang lahi; henerasyon kulang-palad – walang suwerte; malas, hindi buwenas paraluman – tawag sa magandang dalaga; dalagang kasintahan 102 kong aklat kung ito’y mababasa. Ang magsisisunod sa atin ay matatalino. Kapag nabasa nila ito, sasabihin nila na, ‘Hindi lahat ay natutulog sa gabi ng ating mga ninuno.’ Ano nga po pala ang sadya ninyo sa akin?” “Nais ko pong isangguni ang isang mahalagang bagay. Kahapon po nang hapon…” “Nadakip po ba ang kulang-palad na taong iyon?” ang singit ng matanda. “Si Elias po ba ang tinutukoy ninyo? Paano ninyo nabatid ito?” “Nakita ko pa ang paraluman ng guardia civil.” “Sino po ang paraluman ng guardia civil?” “Ang asawa ng Alperes na hindi ninyo inanyayahan sa inyong piyestang pambukid. Kumalat sa bayan ang nangyari tungkol sa buwaya kahapon ng umaga. Inakala ng paraluman ng guardia civil na ang piloto ay siyang naghagis sa kaniyang asawa sa putikan at nambugbog kay Padre Damaso. Nang dumating na lasing ang Alperes ay inutusan niya ang mga guardia civil na gambalain ang inyong piyesta upang maghiganti.” Napangiti si Ibarra saka kinuha ang isang kasulatan. “Kayo’y naging sanggunian ng aking ama kaya nais kong isangguni rin sa inyo ang nararapat kong gawin sa binabalak kong pagtatayo ng paaralan. Higit ninyong kilala ang mga mamamayan at ako’y katulad ng isang dayuhan sa aking bayan. Sino po ang dapat kong lapitan?” Siniyasat ng matanda ang kasulatan at nangilid ang kaniyang luha. “Ang pangarap ninyo’y pangarap ko rin na isang baliw kaya’t ang ipapayo ko sa inyo ay huwag akong sangguniin kailanman. Ang ikalawa kong maipapayo sa inyo ay sumangguni kayo sa Kura, sa Kapitan at sa lahat ng mayayaman. Kayo’y papayuhan nila ng masasamang payo datapwa’t ang pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin ninyo kunwari ang payo at ipakita ninyong ang inyong ginagawa ay ayon sa kanilang panukala.” Nag-isip si Ibarra bago sumagot. “Magandang payo ngunit mahirap gawin. Kailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan?” “Iyan ang sanhi kung bakit walang nasisiyahan sa hubad na katotohanan!” ang pakli ng matanda. “Tingnan ninyo Trivia Ang jeroglifico ay isang uri ng pagsulat na binubuo ng mga sagisag na naglalarawan ng mga bagay, mga letra ng mga salita, at mga pantig. ang nangyari sa Guro na ginanti ng kutya at pang-uyam. Matutulad kayo sa kaniya sapagkat sa una pa lamang ay sinugatan na ninyo ang damdamin ni Padre Damaso. Ito’y magiging sagabal sa iyo.” Sinabi ni Ibarra na hindi siya madaling matakot. Ipinaliwanag ng pilosopo kung gaano kalakas ang mga prayle. Sa hudyat ng prayle, maaaring magbago ang pasya ng Alkalde at mga ina. Sa kabila nito, nananalig pa rin si Ibarra na papanig sa kaniya ang bayan. “Nagkakasya na lamang tayo na makita ang taong-bayan na di dumaraing ni nagtitiis na tulad ng mga mamamayan ng ibang bansa…” ang wika ni Ibarra. panukala – balak, plano, mungkahi, hakbangin pakli – tugon na mabilis pang-uyam – pangungutya sa kapwa 103 “Ang bayan ay di dumaraing dahil ito’y pipi, natutulog kaya di kumikilos. Hindi naghihirap dahil hindi ninyo nakikita ang pagdurugo ng puso nito. Darating ang araw na magliliwanag ang kadiliman. Ang mga gumagawa ng masama ay maparurusahan nang kakila-kilabot!” ang paliwanag ng matandang pilosopo. Hindi raw ipahihintulot ng Diyos, ng pamahalaan, at ng relihiyon na dumating ang araw na iyan, ayon kay Ibarra. Idinugtong din nito na ang Pilipinas ay nananalig at umiibig sa España at ang España naman ay nagsisikap na makapagpasok ng mga pagbabago para rito. Inamin ito ng matandang pilosopo subalit ayon sa kaniya, nawawalan ito ng kabuluhan dahil sa masamang hilig ng lahat; ang pagnanasang yumaman agad at ang kamangmangan ng bayan. Hindi kilala ng pamahalaan ang bayan. napahinuhod – pumayag 104 Sumang-ayon si Ibarra na hindi kilala ng pamahalaan ang bayan, na may masasamang pinuno subalit mayroon din namang mabubuti. Muling idinako ni Ibarra ang usapan nila sa layunin sa pagdalaw sa matanda…ang paghingi ng payo. “Inuulit ko po, dito ay kailangang magyuko ng ulo o mapahamak,” ang sabi ng matanda. “Kung di ninyo malimutan ang nangyari sa inyong ama, ay kalimutan na ninyo ang inyong mga balak at humanap ng ibang paraan ng pagtulong sa mga kababayan.” Tinanong ni Ibarra si Pilosopo Tasyo kung wala itong ibang maipapayo. Dinala siya ng matanda sa bintana at winika, “Tularan ninyo ang rosas na hitik ng bulaklak at buko na sa pagdaraan ng hangin ay yumuyuko sa halip na magmatigas upang di mabali. Ang yumuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon.” Napahinuhod ang binata sa payo ng matanda at nagpaalam. Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa kolum B ang kasingkahulugan ng mga salita sa kolum A. Isulat ang letra ng sagot sa patlang. A B _____ 1. inilalaan a. umaangal _____ 2. gambalain b. inalam _____ 3. siniyasat c. tanungin _____ 4. tinalunton d. naniniwala _____ 5. nananalig e. abalahin _____ 6. naanino f. _____ 7. sagabal g. iniaalay _____ 8. dumaraing h. hadlang _____ 9. kulang-palad i. tinahak _____ 10. isangguni j. nakita sawi Talakayin Natin 1. Ano ang layunin ni Ibarra sa pagpunta kay Pilosopo Tasyo? 2. Bakit sa paraang jeroglifico ang paraan ng pagsulat ni Pilosopo Tasyo? 3. Batay sa isinangguni ni Ibarra, ano ang dalawang payo ni Pilosopo Tasyo? Bakit ganito ang kaniyang payo? Payo Dahilan ng Payo Payo Dahilan ng Payo 105 4. Ipaliwanag ang matatalinghagang pahayag ni Pilosopo Tasyo. Pilosopo Tasyo a. “Hindi lahat ay natutulog sa gabi ng ating mga ninuno.” b. “Darating ang araw na magliliwanag ang kadiliman. Ang mga gumagawa ng masama ay maparurusahan nang kakila-kilabot!” c. “Tularan ninyo ang rosas na hitik ng bulaklak at buko na sa pagdaraan ng hangin ay yumuyuko sa halip na magmatigas upang di mabali.” d. “Ang yumuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon.” Paliwanag 5. Ano ang ibig sabihin ni Pilosopo Tasyo nang sabihin niyang baka matulad lamang si Ibarra sa Guro? ________________________________________ _____________________________________________________________ 6. Ayon kay Pilosopo Tasyo, gaano raw kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle? ___________________________________________________ _____________________________________________________________ 7. Bakit daw nawawalan ng saysay ang pagbabagong ipinapasok ng España sa Pilipinas? ___________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 106 Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga payo ni Pilosopo Tasyo? Pangatuwiranan. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging reaksiyon mo sa payo ni Pilosopo Tasyo? Susundin mo ba ito o hindi? Ipaliwanag. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Sa iyong palagay, bakit hindi na naisip ni Ibarra na ipaghiganti ang masasamang nangyari sa ama? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Kung papipiliin ka, kaninong pangangatuwiran ang iyong papanigan? Kay Pilosopo Tasyo o kay Ibarra? Ipaliwanag. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 5. Mahalaga bang humingi ng payo sa matatanda? Bakit? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Magsaliksik ng matatalinghagang salita o pahayag na mababasa sa ibang nobelang Pilipino. Itala ang mga ito sa tsart gayundin ang pamagat at ang mayakda ng nobela. Matalinghagang Salita/Pahayag Pamagat ng Nobela May-akda Linangin ang kasanayan sa pagpapahalaga at pagpapaliwanag sa matatalinghagang pahayag na sinabi ni Pilosopo Tasyo, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 107 Kabanata 26 Ang Bisperas ng Piyesta Balik-sulyap Pagkatapos dumalaw sa kaniyang mga lupain, si Ibarra’y nagsadya sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo hinggil sa pagpapatayo niya ng paaralan. Gaya ng inaasahan, binigyan siya ng mga payo ni Pilosopo Tasyo. Noong una, parang hindi matanggap ni Ibarra ang mga ito subalit napahinuhod din siya. Ano ang dalawang payo ng pilosopo kay Ibarra? Paano niya isasagawa ang mga ito? Ikasampu ng Nobyembre, bisperas ng piyesta ng San Diego. Ang mga durungawan ay napapalamutian ng mga watawat at mga kurtinang ibaibang kulay. Ang tugtugan at putukan ay nananaig sa lahat ng dako. serbesa – alak na mula sa malt dukha – tao, pamilya, o pamayanang kulang na kulang sa mga pangangailangan sa buhay singkaban – may palamuting arko na ginagamit kung piyesta, maaaring nakatirik sa daanan o binubuhat kung prusisyon patyo – harapan ng simbahan na nababakuran tolda – magaspang na tela at ginagamit na kubong, layag, at iba pa liwasan – pook na bukas sa madla at karaniwang pinapasyalan kaluskos – pinagkayasan na pinaumbok at ginagamit na pampalamuti sa mga arkong kawayan. 108 Sa tahanan ng mga nakaririwasa ay makikita ang mga mesang puno ng masasarap na putahe, matatamis, at iba’t ibang bungangkahoy. Hindi nila nakaligtaang maghanda ng serbesa at sari-saring alak na sa Maynila pa binili. Lahat ng paghahanda ay iniuukol sa mga panauhing banyaga at sa mga Pilipino, mayaman man o dukha. Inihanda nila nang magara ang mga hapag-kainan. Inilabas din ang mga gamit na minana pa. Ang mga sahig ay parang salamin sa kintab. Ang mga bintana’y may sabit na parol na may iba’t ibang kulay. Ang masayang pook ng San Diego ay tinayuan ng mga arkong kawayan na kung tawagin ay singkaban. Ang mga ito’y may sari-saring pagkakagawa at naliligiran ng kaluskos. Sa daraanan ng prusisyon sa may patyo ng simbahan ay may isang malaki at mahal na toldang natutukuran ng mga kawayan. Sa liwasan ay nagtayo ng tanghalan. Masayang dinudupikal ang mga kampana. May limang banda ng musiko at tatlong orkestra. Nagdatingan din ang mga manunugal at mga tahur na handang ipagsapalaran ang kayamanan sa sabungan. “May limampung piso gabi-gabi ang Alperes. Si Kapitan Joaquin ay may dalang labingwalong libong piso. Magkakaroon ng liam-po at naghahanda ng sampung libong pisong puhunan si Carlos na isang Tsino. Darating ang malalaking magbigay ng pusta mula sa Tanauan at Lipa, Batangas. Sa taong ito, sila’y hindi matatalo ni Kapitan Tiyago. Tatlong misa ng pasasalamat ang pinagkagastahan niya. Nabalitang si Padre Damaso ang magbabangka sa mga sugal kinagabihan. Dinalhan ng mga kasama ang mga may-ari ng mga lupang sinasaka ng sari-saring pagkain at mga kahoy na panggatong. Naghahari rin ang kasiglahan sa itinatayong bahay-paaralan. Maraming manggagawa ang nagtatrabaho roon. Ang maestro de obras ay si Ñol Juan. Mayroon ding gumagawa ng panghugos sa pamamahala ng taong madilaw. Ipinagyayabang niya ang panghugos na itinatayo niya. Pinag-usapan ang dadalhin para sa ginagawang bahay-paaralan. May magdadala ng mga bulaklak. Si Kapitan Basilio ay uupa ng isang guro. Hiniling naman ng Kura na siya ang magiging ninong at magbabasbas sa unang bato ng paaralan. Sa kabila nito, ipinaalaala ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra ang isinulat ni Balagtas na: “Kung ang isalubong sa iyong pagdating Ay masayang mukha’t may pakitang giliw Lalong pag-ingata’t kaaway na lihim… Siyang isaisip na kakabakahin.” orkestra – pangkat ng manunugtog ng iba’t ibang instrumentong pangmusika, para sa pagtatanghal sa konsiyerto, opera, at katulad tahur – taong nag-aayos o tumutulong sa pagpupustahan sa isang sabungan liam-po – isang uri ng sugal maestro de obras – master builder o foreman sa Ingles; kapatas; noong panahon ng Español, opisyal sa bilangguan na nangangasiwa ng brigadang naglalaman ng 120 hanggang 160 na bilanggo 109 Talasalitaan: Palawakin Natin Hanapin at bilugan ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Maaaring pahalang, pababa, at pahilis ang pagsagot. N P A G K A I N U N L U B A I U K A A A N D A G A E M L A Y K N A A G M B N A A A Y U S A N A A I S O M Y O L G Y M B G M A Y A Y A M A N O A A O R E N N N N T G T L R O R A G G B A I A A N B N A K A L I M U T A N O 1. Nanaig ang kasiyahan sa mga nanood ng dula. 2. Hindi niya nakaligtaan na imbitahin ang mga kaibigan sa piyesta. 3. Ang mga durungawan ay napapalamutian ng mga kurtina. 4. Sa tahanan ng mga nakaririwasa ay makikita ang mga mesang puno ng masasarap na putahe. 5. Inihanda nila nang magara ang hapag-kainan. Talakayin Natin 1. Ilarawan ang paghahanda ng mga taga-San Diego sa bisperas ng piyesta. Isulat sa dayagram ang sagot. 110 2. Sa iyong palagay, bakit isinabay sa piyesta ang paglalagay ng unang bato ng paaralan? Sino-sino ang may tungkulin dito? Bakit? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Ano ang maaaring kahulugan ng paghiling ng Kura na siya ang magiging ninong at magbabasbas sa unang bato ng paaralan? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Ipaliwanag ang sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra: “Kung ang isalubong sa iyong pagdating Ay masayang mukha’t may pakitang giliw Lalong pag-ingata’t kaaway na lihim… Siyang isaisip na kakabakahin.” ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Suriin at Gawin Natin 1. Nakikita pa rin ba sa kasalukuyan ang magarbong paghahanda sa isang piyesta? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, wasto ba ang ginawa ni Padre Damaso na magbangka sa isang sugal? Pangatuwiranan. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Paano ipinakita ng mga Pilipino sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng kagandahang-loob? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin 1. Paano ninyo idinaraos ang piyesta sa inyong lugar? Itala ang ginagawang paghahanda at paraan ng pagdiriwang nito. 2. Magkaroon ng pagtatalo sa klase tungkol sa paksang, “Nararapat bang pagkagastusan nang malaki ang pagdiriwang ng piyesta?” 111 Kabanata 27 Sa Pagtatakipsilim Balik-sulyap Abalang-abala ang mga taga-San Diego sa paghahanda para sa piyesta. Ang mga daan ay nagagayakan ng mga arkong kawayan. Kaalinsabay ng piyesta ay ang paghahanda sa paglalagay ng unang bato sa itinatayong paaralan. Sino ang maestro de obras sa itinatayong paaralan? Sino ang gumagawa ng pambihirang panghugos? Napakalaking paghahanda ang isinasagawa sa bahay ni Kapitan Tiyago na mahilig sa karangyaan at pagpapamalas na siya’y maykaya. Naragdagan ito sa pagdating ni Maria Clara at ng mamanugangin. Pinuri sa isang pahayagan sa Maynila si Ibarra. Sinabing siya’y “Binatang bihasa at mayamang mamumuhunan, mabunying mapagkawanggawa, nag-aral, at umuwi sa Inang-bayan.” Nagkaroon tuloy si Kapitan Tiyago ng maalab na pagnanasang gayahin siya. Iniisip niya na magpatayo ng isang kumbento na siya lamang ang gagasta. Dumating sa tahanan ni Kapitan Tiyago ang mga kahon ng mamahaling pagkain at alak na galing sa bihasa – nakagawian, nakawilihan esmeralda – batong mamahalin, makinang, at kulay lunti 112 Europa, mga naglalakihang salamin, mga larawan, at piyano ng dalaga. Isang magandang agnos na gintong may mga esmeralda at brilyante ang handog ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara. Nasa loob nito ang maliit na piraso ng bangka ni San Pedro na sinakyan ng ating Panginoon noong Siya’y mangisda. Masaya ang pagkikita nina Ibarra at Kapitan Tiyago. Napag-usapan nila ang paaralan at iminungkahing itawag dito’y Paaralan ni San Francisco. Si Maria Clara naman ay niyaya ng mga kaibigang dalaga na mamasyal. Pinauuwi agad ni Kapitan Tiyago ang anak dahil sa doon daw maghahapunan si Padre Damaso. Niyaya rin ni Kapitan Tiyago si Ibarra na doon kumain ngunit sinabi ng binata na baka may dumating siyang panauhin. Sinabi ng matanda na isama ng binata ang kaniyang bisita nang magkaunawaan silang muli ni Padre Damaso. Hindi napahinuhod ang binata. Kasama si Ibarra sa pamamasyal ng mga dalaga. Si Ibarra’y binati ng ilan at ang lahat naman ay humanga sa kagandahan at kayumian ni Maria Clara. Maliwanag ang mga bahay. Lumilibot sa mga lansangan ang banda ng musiko. Nang matapat sila sa tahanan nina Sinang, nanaog kaagad ang dalaga at inanyayahan silang umakyat. Sumama na rin ito sa pamamasyal. Mula nang magpiyesta sa gubat, naging matalik na kaibigan at tagapagtanggol na ni Ibarra si Kapitan Basilio. Batid niyang nagtagumpay si Ibarra sa usapin tungkol sa pagpapatayo ng paaralan kaya tinangka ni Kapitan Basilio na ipawalang-bisa ang kaso batay sa napagkasunduan sa paglalaro ng ahedres. Hindi naman pumayag ang binata. Sa gayon, si Kapitan Basilio na lamang ang magbabayad sa guro para sa itinatayong paaralan. Naparaan ang mga dalaga at binata sa tapat ng kumbento. Maliwanag ang mga ilawang matagal nang hindi nasisindihan dahil sa kakuriputan ni Padre Salvi. Nakilala ni Maria Clara ang bilugang pangangatawan ni Padre Damaso sa tabi ni Padre Sibyla at ang walang katinag-tinag na si Padre Salvi. Naiiba ang bahay ng Alperes sapagkat walang ilaw at nakapinid ang mga durungawan nito. Isiniwalat ni Sinang ang pagkamuhi sa paraluman ng mga guardia civil dahil sa ginawang panghihimasok ng mga ito sa piyestang pambukid. Nakarating sila sa liwasan ng bayan. Sa isang sulok nito’y isang lalaking nakasalakot ang umaawit sa saliw ng kaniyang gitara. Pagkaawit, lumayo ang lalaki at iniwan ang kaniyang bakol. Ang mga babae’y lumapit at naglagay ng isda, bigas, bungangkahoy, at iba pang pagkain sa bakol. Nabatid ni Maria Clara kay Iday na isang ketongin ang lalaki at nilalayuan upang hindi makahawa. Ang taong iyon ay pinarusahan ng maraming palo nang iligtas nito ang isang batang nahulog sa kanal. Nahabag si Maria Clara sa ketongin. Hinubad nito ang agnos na kabibigay lamang ng ama at inilagay sa bakol. Ang ketongin ay lumapit sa bakol, dinampot ang hiyas, lumuhod, hinagkan ito, inalis ang salakot, at isinubsob ang ulo sa lupang tinuntungan ni Maria Clara. Nang mga sandaling iyon, lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan ang bisig ng ketongin. Sumigaw ang mga naroroon na paghiwalayin ang dalawa. Baka raw mahawa ang baliw ngunit wala namang makapangahas na lumapit. “Nakikita mo ba ang ilaw sa kampanaryo? Iyon ang anak kong si Basilio. kayumian – kahinhinan o kapinuhan ng asal 113 Nakikita mo ba ang ilaw sa kumbento? Iyon ang anak kong si Crispin.” Binitiwan ni Sisa ang ketongin at lumayong umaawit. Itinanong ni Maria Clara kay Ibarra kung ano na ang kaniyang nagawa para sa baliw. Ipinaliwanag ni Ibarra na wala pa sapagkat ilang araw na nawala at hindi matagpuan si Sisa. Isa pa, lubha siyang abala. Nangako raw ang Kura na ito’y tutulungan. May malaki raw malasakit ang Kura para sa baliw. Hindi pa natatapos magsalita si Ibarra nang makitang kinakaladkad ng mga guardia civil si Sisa. “Bakit ninyo siya hinuli? Anong kasalanan niya?” ang tanong ni Ibarra sa mga guardia civil. “Hindi ba ninyo nakikitang nanggugulo siya?” ang sagot ng guardia civil. “May mga tao palang hindi maligaya!” ang bulong ni Maria Clara at nagyaya nang umuwi. Napawi ang kaniyang kasiyahan. Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa loob ng kahon ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. _________________ 1. Isang mamahaling agnos ang bigay ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara. _________________ 2. Walang katinag-tinag sa pagkakatayo si Padre Salvi. _________________ 3. Galit pa rin si Sinang sa Kura dahil sa panghihimasok sa kanilang laro. _________________ 4-5. Nakapinid ang durungawan ng bahay ng Alperes. _________________ 6. Natuklasan ni Maria Clara na mayroong mga taong sawimpalad. _________________ 7. Si Ibarra ay isang taong mayaman, mapagkawanggawa, at matalino. _________________ 8. Iminungkahi na Paaralan ni San Francisco ang itawag sa itinatayong paaralan. _________________ 9. Nabatid ni Maria Clara na ang tumutugtog ay isang ketongin. _________________ 10. Inanyayahan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na kumain sa kanila upang magkaunawaan na sila ni Padre Damaso. 114 magkaayos kagalaw-galaw bigo nakasara pakikialam relikaryo nalaman matulungin ipinanukala bintana singsing naiinis Talakayin Natin 1. Bakit napakalaking handaan ang ginawa ni Kapitan Tiyago? 2. Bakit ibig gayahin ni Kapitan Tiyago si Ibarra? 3. Ilarawan ang pamamasyal nina Ibarra at Maria Clara sa tulong ng dayagram. 4. Sino ang lumapit sa ketongin? Ano ang kaniyang ginawa? 5. Bakit ibinigay ni Maria Clara sa ketongin ang kaniyang agnos? 6. Paano ipinakita ng ketongin ang kaniyang pasasalamat kay Maria Clara? 7. Ipaliwanag ang sumusunod na pangyayari. “May mga tao palang hindi maligaya!” ang bulong ni Maria Clara at nagyaya nang umuwi. Napawi ang kaniyang kasiyahan.” 115 Suriin at Gawin Natin 1. Tama ba ang ginawa o naging reaksiyon ng sumusunod na tauhan sa bawat sitwasyon? Pangatuwiranan. Tauhan Reaksiyon ng Tauhan Komento/Reaksiyon Ibarra: a. pagtanggi sa paanyaya ni Kapitan Tiyago na maghapunan b. paghuli kay Sisa ng mga guardia civil Sinang: • ikinuwento niya ang pagkamuhi sa asawa ng Alperes ng mga guardia civil Maria Clara: a. pagkakita sa ketongin b. paghuli kay Sisa Kapitan Tiyago: • pakikiharap kay Ibarra at pagsisikap na magkabati ang una at si Padre Damaso Ketongin: • pagkabigay ni Maria Clara ng agnos 2. Kung ikaw ang pinakamayaman sa inyong lugar, paano mo gugugulin ang bahagi ng iyong kayamanan? 116 Pagyamanin Natin 1. Magpangkatan sa walo. Bawat pangkat ay guguhit sa 1/4 illustration board ng dalawang mukha ng pagdiriwang ng piyesta sa ilang lugar sa ating bansa. 2. Magkaroon ng pananaliksik tungkol sa programa ng pamahalaan para sa mga taong may ketong. Iulat sa klase. 3. Magsaliksik tungkol sa isa sa sumusunod na pagdiriwang sa ating bansa. Sumulat ng maikling komposisyon tungkol dito. a. Kaamulan Festival, Malaybalay, Bukidnon b. Kadayawan Festival, Lungsod ng Davao c. Bangus Festival, Lungsod ng Dagupan d. Tuna Festival, Lungsod ng General Santos e. Sumakah Festival, Lungsod ng Antipolo f. Tsinelas Festival, Liliw, Laguna g. Anilag Festival (Ani ng Laguna), Lalawigan ng Laguna _________________________________________________ (Pamagat) 117 Kabanata 28 Ilang Sulat Balik-sulyap Inanyayahang mamasyal ng mga kaibigang dalaga si Maria Clara. Kasama nila si Ibarra. Sa liwasan, naawa si Maria Clara sa ketongin. Inilagay niya sa bakol nito ang agnos na kabibigay pa lamang ng kaniyang ama. Bakit niya ibinigay sa ketongin ang agnos? Anong katangian ang ipinamalas niya? Inilathala ng isang kilalang pahayagan sa Maynila kung paano idinaraos ng mga Pilipino ang kanilang Pinamahalaan ng mga paring Pransiskano ang maringal na pagdaraos ng piyesta sa San Diego. Maraming dumalo tulad ni Padre Hernando de la Sibyla at mga bantog at mayayamang kaginoohan ng Cavite, Batangas, at Maynila. Naroroon din ang mga Español na naninirahan sa lalawigan. Sinundo ng dalawang banda ng musiko na kasama ng ibang makapangyarihan at maraming tao ang Kura para sa isang masarap na hapunang inihanda ng Hermano Mayor. Pagkatapos nito, pumunta sila sa bahay ng mayaman at madasaling si Don Santiago de los Santos upang sunduin si Padre Damaso 118 piyesta. Ito’y para sa mga mambabasang banyaga na nagnanais makabatid nito. Ganito ang isinasaad: Verdolagas, Padre Hernando dela Sibyla, at iba pang tanyag na Español. Lalo nilang hinangaan ang magandang tagapagmana ng Kresong Pilipino. Nagpalabas ang mga kilalang artista. Ang mga nakauunawa lamang ng Español ang nakaaalam ng kanilang pinag-uusapan sa dula. Ang komedya sa Pilipino ang kinagigiliwan ng mga Pilipino. Labis na ipinagtaka ng lahat ang hindi pagdalo ni Ginoong Crisostomo Ibarra na namamahala sa paglalagay ng panulukang bato ng paaralang ipinatatayo niya. Kinabukasan, nang ika-11 ng umaga, idinaos ang prusisyon ng Birhen dela Paz, Santo Domingo, at San Diego. PagkaNagpakain si Kapitan Tiyago. Doon tapos ng prusisyon, sinimulan ang Misa muling humanga ang lahat sa karilagan ni Cantada. Nagsermon si Padre Manuel Maria Clara. Martin, isang Agustino, na hinangaan ng Sa ika-12 ng Nobyembre, na kaarawan lahat. ng piyesta, ay magdaraos na muli ng Pagkatapos ng misa ay pumanhik prusisyon sa gabi. Sa misa ay magsesersa kumbento at nagpamiryenda ang mon si Padre Damaso Verdolagas. Hermano Mayor. San Diego, ika-11 ng Nobyembre Isang liham naman ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-aanyaya na ito’y dumalo kaagad sa piyesta upang makahabol sa sugal. Ibinalita niyang binasag ni Padre Damaso sa isang suntok ang ilawan dahil sa pagkatalo nito. Ang Tsino na si Carlos ay nagpapanalo sa liampo dahil sa pandaraya. Samantala, ang kaniyang mga manok ay mabuti naman. Isang liham din ang tinanggap ni Ibarra. Crisostomo, Ilang araw mo na akong hindi dinadalaw. Ikaw raw ay may sakit kaya ipinagdasal kita at ipinagtirik ng dalawang kandila kahit sinabi ni Tatay na di naman mabigat ang sakit mo. Kagabi pa ako nayayamot dahil pinipilit nila akong tumugtog ng piyano at umawit. Marami palang nakayayamot na tao sa daigdig. Iiwan ko sana sila at magkukulong sa aking silid upang matulog kung di ako inaliw ni Padre Damaso at kinuwentuhan. Sabihin mo sa akin ang iyong lagay upang maipadalaw kita kay Tatay. Bayaan mong si Andeng ang maglaga ng iyong tsaa pagkat mahusay siya kaysa sa iyong utusan. Maria Clara Kresong Pilipino – ang tinutukoy rito ay si Kapitan Tiyago na isang mayamang Pilipino; ang kreso ay hango sa ngalang Croesus, isang mayamang hari ng Lydia sa Asia Minor, na ngayon ay bahagi ng Turkey Kresong Pilipino – ang tinutukoy rito ay si Kapitan Tiyago na isang mayamang Pilipino; ang kreso ay hango sa ngalang Croesus, isang mayamang hari ng Lydia sa Asia Minor, na ngayon ay bahagi ng Turkey Misa Cantada – misang inaawit ng pari at ng koro Agustino – kasapi sa ordeng Agustino; tagasunod ni San Agustin 119 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang letra ng kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang. 1. inilathala a. ipinakita c. ibinalita b. inilabas d. inihayag 2. karilagan a. kabaitan c. katapatan b. kagandahan d. katiwasayan 3. maringal a. marangal c. maayos b. marangya d. magarbo 4. binansagan a. sinabihan c. tinagurian b. binigyan d. pinintasan 5. makabatid a. makaalam c. makapagbalita b. makapagsabi d. makakilala Talakayin Natin 1. Paano inilarawan sa pahayagan sa Maynila ang pagdaraos ng piyesta sa San Diego? 2. Ilarawan ang mahahalagang pangyayari sa bisperas ng piyesta sa San Diego. 120 3. Bakit hinangaan ng mga tao si Kapitan Tiyago? 4. Ano ang nilalaman ng dalawang sulat na nabanggit? Kanino galing at para kanino ang mga ito? a. Para Kanino: Nilalaman: __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ Galing Kanino: b. Para Kanino: Nilalaman: __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ __________________________________________ Galing Kanino: __________________________________________ Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, totoo nga kayang may sakit si Ibarra kaya hindi nakadalo sa pagdiriwang ng piyesta? Pangatuwiranan. 2. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, ano ang mga bagay na dapat iwasto? Paano ito maiwawasto? Mga Bagay na Dapat Iwasto Pagwawasto 1. 2. 3. 3. Kung ikaw si Ibarra, dadalo ka ba sa pagdiriwang ng piyesta? Bakit? 4. Ano-ano ang magandang aral ang inilahad sa kabanatang ito? Ano ang kahalagahan nito sa buhay ng mga Pilipino? Pagyamanin Natin Kung ikaw si Maria Clara, ano ang ilalagay mo sa iyong liham kay Ibarra sa hindi nito pagdalo sa piyesta? Kung ikaw naman si Ibarra, paano mo sasagutin ang liham ni Maria Clara? Isulat sa papel ang mga liham. 121 Kabanata 29 Ang Umaga Balik-sulyap Ang pagdaraos ng piyesta ng San Diego ay inilathala ng isang kilalang pahayagan sa Maynila. Isang liham ang ipinadala ni Kapitan Manuel Aristorenas kay Luis Chiquito. Samantala, tumanggap naman ng liham si Ibarra mula kay Maria Clara. Madilim-dilim pa’y lumilibot na ang banda ng musiko upang pukawin ng magaganda nilang tugtugin ang mga napagod na mamamayan ng sinundang araw. Dumupikal ang mga kampana at ang alingawngaw ng mga paputok ay nagpapanumbalik sa kasayahan at kasiglahan. Ito na ang tunay na araw ng piyesta kaya inaasahang hihigitan nito ang kasayahan ng nakaraang araw. Naging mabili ang mga kandila dahil sa iba’t ibang kapatiran sa pananampalataya kaya kumita ang mga Tsino. Naisipan tuloy ng mga ito na pabinyag na bilang pasasalamat. Ang lahat ng mamamayan ay nagbihis nang magara at ginamit ang kanilang mga hiyas. Tanging si Pilosopo Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng dating kasuotan: suot pa piyeltro – makapal na kayong yari sa lana pardiyas – dahon (brim) ng sumbrero 122 rin niya ang dating sinamay na nakabutones hanggang leeg, sapatos na maluwang, at sombrerong piyeltro na malapad ang pardiyas. “Tila lalo kayong malungkot ngayon,” ang bati ng Tinyente Mayor. Paminsan-minsan ay magsaya tayo yaman din lamang na marami tayong dapat iluha.” “Ang pagsasaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Walang kabuluhan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na maraming mahihirap ang nangangailangan ng salapi,” anang matanda. “Batid ninyong ako’y kaisa ninyo sa inyong akala ngunit walang kabuluhan ang pagtutol ko sa Kura at Kapitan,” ang wika ni Don Filipo. “Magbitiw kayo ng tungkulin!” ang tugon ng Pilosopo at sabay lumayo. “Magbitiw sa tungkulin!” ang naibulong sa sarili ni Don Filipo at lumakad nang patungong simbahan. “Oo. Kung ang tungkuling ito ay di isang pasanin kundi isang karangalan. Oo, ako’y magbibitiw.” Punong-puno ng tao ang patyo ng simbahan. Hindi magkamayaw ang mga taong naglalabas-masok sa makipot na pinto ng simbahan. Maraming banda ang palibot-libot sa lahat ng dako. May lumilibot sa mga lansangang napapalamutian ng mga banderitas. May tumutugtog sa harap ng kumbento. Mayroon namang naghahatid sa mga pinunong bayan. Ang Hermano Mayor na hinirang sa araw na iyon ay inatasan ang mga utusan na maghanap sa mga lansangan ng mga taong maaanyayahan. Balanang matagpuan ay binabatak at pinipilit na uminom ng tsaa, tsokolate, o kaya’y maghimagas ng iba’t ibang matamis. Ang misa mayor ay idaraos na at si Padre Salvi ang magmimisa. Sa mga nagsisimba ay kabilang ang Alkalde, maraming Español at mga tanyag na tao. Dahil sa pamamalat ni Padre Damaso, tumanggi siya na magsermon ngunit napilitan din sapagkat siya lamang ang nakaaalam at nakapagaral ng buhay at mga himala ni San Diego. Hindi siya nag-agahan maliban sa ilang itlog na binati sa alak. Ang babaeng namamahala sa kumbento ang matiyagang nag-alaga sa kaniya. Hinilot nito ng langis ang kaniyang dibdib at binalot siya ng pranela. Ikawalo’t kalahati ng umaga nang lumabas ang prusisyon na idinaan sa ilalim ng tolda. Ang mga umii- law ay pawang nakaabitong ginggon. Ang abitong iyon ay nagdudulot ng maraming indulgencia lalo na kung ito’y sira-sira na. Sa kanilang suot na abito ay makikilala ang kanilang katayuan sa buhay: magagaspang na kayo ang sa mahihirap at mga sutla naman ang sa mayayaman. Nangunguna ang karo ni San Diego de Alcala na may palamuting pilak. Sumusunod ang kay San Francisco at ang Birhen dela Paz. Ang nasa ilalim ng palyo ay si Padre Salvi. Mukhang santo ang Kura sa pagdadaop ng mga palad, bahagyang pagyuko at pagtingin sa lupa, at sa paglamlam ng mga mata. Mahinay at dahan-dahan ang lakad ng prusisyon. Sinasaliwan ito ng tugtog na pansimbahan at mga paputok ng mga kuwitis. Tumigil sa tapat ng isang magarang bahay ang karong sinusundan ng palyo. Sa bintana ay naroroon ang Alkalde, si Kapitan Tiyago, Maria Clara, Ibarra, mga dalaga, at ilang Español. Sa pagkakatanaw na yaon ni Padre Salvi sa mga nasa bintana, hindi siya kababakasan ng anumang palatandaang kilala niya ang mga ito. Hindi rin siya kakikitaan ng anumang anyo ng pagbati sa mga kakilala — nagtaas lamang ito ng ulo at nagtuwid ng kaniyang tayo at katawan. ginggon – isang uri ng manipis na tela na may disenyong guhitan o pari-parisukat (checkered) palyo – takip na yari sa tela na ang mga gilid ay nakakabit sa tukod na dinadala upang masilungan ng pari o sinumang may dala 123 Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa loob ng pangungusap ang mga salitang magkasalungat ang kahulugan. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Maaga pa’y tumugtog na ang banda ng musiko upang magising ang nahihimbing pang mga taga-San Diego. _____________________________, _____________________________ 2. Mahinay ang lakad ng prusisyon na sinasaliwan nang mabilis na tugtugin. _____________________________, _____________________________ 3. Ang ginagawa nila ay paglulustay lamang ng salapi, samantalang maaaring magtipid sa gastusin sa handaan. _____________________________, _____________________________ 4. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagpasok at paglabas ng simbahan, ngunit hindi nagtagal sila ay inayos dahil sa magsisimula na ang misa. _____________________________, _____________________________ 5. Tumangging magsermon si Padre Damaso dahil siya ay minamalat ngunit nang pinakiusapan ay tinanggap din ang gawain. _____________________________, _____________________________ Talakayin Natin 1. Ilarawan ang kapaligiran ng San Diego sa araw ng piyesta. Isulat ang sagot sa bawat bilog. 2. Bakit kapansin-pansin si Pilosopo Tasyo nang araw na iyon? 3. Bakit pagbibitiw sa tungkulin ang naging payo ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo? 4. Bakit napilitan si Padre Damaso na magsermon kahit na siya ay minamalat? 5. Ipaliwanag ang naging pahayag nina Pilosopo Tasyo at Don Filipo sa isa’t isa. Magbigay ng mga patunay. 124 Suriin at Gawin Natin 1. Ibigay ang iyong pananaw ukol sa sumusunod na mga sitwasyon. a. Pagbibigay ng payo ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na magbitiw sa tungkulin ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________________________________ b. Hindi pagpapakita ng pagkilala ni Padre Salvi sa mga taong nasa bintana ng bahay ni Kapitan Tiyago ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ _________________________________________________ 2. Ano-anong katangiang Pilipino ang makikita sa sumusunod na tauhan? Ito ba ay positibo o negatibo? Ipaliwanag. Katangian a. Mga mamamayan b. Pilosopo Tasyo c. Hermano Mayor Positibo/ Negatibo Ipaliwanag Pagyamanin Natin Magpangkatan sa dalawa. Ipakita ang inyong interpretasyon ng pagdiriwang ng piyesta sa San Diego sa pamamagitan ng isang Human Diorama. 125 Kabanata 30 Sa Simbahan Balik-sulyap Idinaos ang prusisyon ng ika-8:30 ng umaga sa araw ng piyesta. Pawang nakaabitong ginggon ang umiilaw sa prusisyon. Si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo. Nang matapat ito sa bahay ni Kapitan Tiyago, sandali itong tumigil. Si Padre Salvi’y tumanaw sa may bintana nito subalit hindi nagpakita ng pagkilala sa mga taong nasa may bintana. Bakit? Punong-puno ng tao ang simbahan. Siksikan sa paglabas at pagpasok kaya nagkakatulakan, nagsisiksikan, naggigitgitan. Higit na siksikan sa kinaroroonan ng agua bendita. Malayo pa ay dumudukwang na ang mga pumapasok upang isawak ang mga daliri sa banal na tubig subalit naitutulak ng ibang lumalapit. Maririnig ang angil ng nayapakan at nasaktan ngunit hindi ito pansin ng mga tao sapagkat tuloy ang mga tulakan. Hindi halos makahinga ang mga tao sa init sa loob ng simbahan at sa agua bendita – sa Katolisismo, banal na tubig na ibinabasbas sa tuwing may binyag at iba pang ritwal ng simbahan dumudukwang – pag-abot na inilalapit ang katawan paharap angil – pagalit na ungol ng tao na nagpapakilala ng pagtanggi o pagtutol 126 masamang amoy ng pinagpawisang katawan ng tao. Ngunit kailangang magsimba at marinig ang sermon na pinagkagastahan ng mga taga-San Diego ng halagang dalawang daan at limampung piso. “Kaylaking halaga ng isang sermong mauuwi lamang sa isang tao,” ang wika ni Pilosopo Tasyo. “Ikatlong bahagi na iyan ng ibabayad sa komedya para sa tatlong gabi. Talaga ngang napakayayaman ninyo!” “Kung sisingilin kami ng isang libong piso para sa sermon ay babayaran din namin,” ang nayayamot na wika ng Guro ng isang kapatiran ni San Francisco. “Ang kaluluwa ng nakikinig ng sermon ay tutuloy sa langit ngunit ang kaluluwa ng nanonood ng komedya ay sa impiyerno.” “Kung sa bagay, tama nga kayo,” ganting tugon ni Pilosopo Tasyo. “Sa ganang akin ay talagang nakaaaliw ang sermon kaysa komedya.” Samantalang hinihintay ang Alkalde, walang lubay ang mga tao sa pagpaypay ng abaniko, sombrero, at panyo. Pawis na pawis ang mga tao at panay ang hikab. Ang mga bata’y nag-iiyakan at nagsisigawan. Si Ibarra ay nasa isang sulok. Sa utos ng Kura, pinaalis ng sakristan ang mga nasa altar mayor upang ilaan kay Maria Clara kaya doon nakaluhod ang dalaga. Si Kapitan Tiyago ay nakaluklok sa upuan ng mga makapangyarihan. Sa wakas, dumating din ang Alkalde na kasama ang kaniyang mga tauhan. Nakasuot ng pandegala ang Alkalde at napapalamutian ng banda ni Carlos III at sa dibdib ay nakasabit ang limang medalyang pangkarangalan. Hindi siya nakilala ng tao. Inakala naman ng isang magsasaka na siya ay isang guardia civil na nagsuot komedyante. “Hangal,” anang isa, “iya’y si Prinsipe Villardo na lumabas sa komedya kagabi.” Nagsimula ang misa. Tumayo ang mga nakaupo at nagising ang mga naiidlip sa tunog ng kampanilya at awit ng koro. Si Padre Salvi ay nasisiyahan sapagkat ang mga katulong niya ay dalawang Agustino. Dumating ang sandali ng pagsesermon. Ang tatlong pari ay namahinga. Ang lahat ay naghanda sa pakikinig. Dumating si Padre Damaso na pinangunahan ng dalawang sakristan Trivia Si Haring Carlos III ay ipinanganak noong Enero 20, 1716 at namatay noong Disyembre 14, 1788; nagsilbing Hari ng España. at sinusundan ng isang pari na may hawak ng malaking kuwaderno. Nang siya’y nasa itaas na ng pulpito, hinagod niya ng tingin ang buong paligid, tumikhim, at saka umubo. Napakindat siya nang makita si Ibarra. Ang ibig sabihin nito’y kasama siya sa pangangaralan. Nagpukol siya ng isang nasisiyahang tingin kay Padre Sibyla at isang nanlilibak na sulyap kay Padre Martin na nagsermon nang sinundang araw. Pagkatapos noo’y sinabi sa paring may hawak ng kuwaderno: “Humanda ka, kapatid.” Binuksan ng pari ang kuwaderno. abaniko – natitiklop na pamaypay na maaaring yari sa papel, tela, balahibo, at katulad banda – makitid at malapad-lapad na pandekorasyong sintas o laso na isinusuot nang paalampay sa balikat o paikot sa baywang komedyante – aktor ng komedya kuwaderno – anyong aklat na talaan pandegala – marangyang kasuotan sa mga tanging okasyon pulpito – bahagi ng simbahan na pinagsesermunan ng pari 127 Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Isinasawak ng mga tao ang kanilang kamay sa lalagyan ng banal na tubig sa pagpasok sa simbahan. a. inilulubog c. binabasa b. isinasawsaw d. dinadaiti _____ 2. Walang-lubay ang mga tao sa kapapaypay ng abaniko, sombrero, at panyo dahil sa init. a. walang hanggang c. walang hinto b. walang pagod d. walang tigil _____ 3. Nakaupo si Kapitan Tiyago sa luklukan ng mga makapangyarihan. a. upuan c. bangko c. pahingahan d. sopa _____ 4. Nagising ang mga naidlip nang tumunog ang kampanilya at umawit ang koro. a. naghihilik c. natutulog b. nananaginip d. nangangarap _____ 5. Isang sulyap na nanlilibak ang ipinukol ni Padre Damaso kay Padre Martin. a. nanunukso c. nanunuya b. namimintas d. nanghahamak Talakayin Natin 1. Ilarawan ang simbahan sa araw ng pagdiriwang ng piyesta. 2. Ano ang pananaw ng Guro ng kapatiran at ni Pilosopo Tasyo ukol sa pagbabayad sa sermon? Pagbabayad sa Sermon Guro 128 Pilopo Tasyo 3. Bakit naantala ang pagdiriwang ng misa? 4. Bakit napagkamalang isang guardia civil na nagsuot komedyante ang Alkalde? 5. Ibigay ang kahulugan ng mga ginawa ni Padre Damaso sa pagpanhik sa pulpito. Pagkindat nang makita si Ibarra: Pagpukol ng nasisiyahang tingin kay Padre Sibyla: Pagbibigay ng nanlilibak na tingin kay Padre Martin: Suriin at Gawin Natin 1. Paghambingin ang mga pangyayari sa loob ng simbahan noon at ngayon kapag may piyesta. Noon Ngayon 2. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga kilos at tingin ni Padre Damaso kay Ibarra, kay Padre Sibyla, at Padre Martin? 3. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng ipinahayag ni Pilosopo Tasyo na “Sa ganang akin ay talagang nakakaaliw ang sermon kaysa komedya”? Pagyamanin Natin Anyayahan ang isang pari, madre, o iba pang alagad ng simbahan. Hilingin na ilahad ang kasalukuyang katayuan ng simbahang Katoliko at pagpapatupad ng mga pinairal na mga batas ng simbahan. 129 Kabanata 31 Ang Sermon Balik-sulyap Dumating ang hinihintay ng lahat…ang sermon na binayaran ng dalawang daan at limampung piso. Pinangungunahan si Padre Damaso ng dalawang sakristan at isang prayle na may hawak ng malaking kuwaderno. Sa pulpito, napakindat si Padre Damaso nang makita si Ibarra at tinapunan ng nanlilibak na tingin si Padre Martin. Ano ang ibig sabihin ng kaniyang kindat at tingin? Nagsimula nang magsermon si Padre Damaso. Binigkas niya nang mahina at dahan-dahan ang sumusunod: “At ipinagkaloob Mo sa kanila ang Iyong di-malirip na diwa upang magpatuloy sa kanilang pangangaral, biniyayaan ng mana ang kanilang mga bibig, at ng tubig upang pawiin ang kanilang uhaw. “Mga pangungusap ng Panginoon na isinabibig ni Esdras, aklat II, kabanata ika-9, bersikulo 20.” Namutla at napalunok ng laway si Padre Martin dahil higit na mahusay ang panimula ni Padre Damaso kaysa kaniyang isinermon. Humanga naman si Padre Sibyla kay Padre Damaso. Ang unang bahagi ng sermon ay sa wikang Español at ang ikalawa ay sa Tagalog. Matapos magpugay sa Alkalde at iba pang nangaroroon, ini130 unat ni Padre Damaso ang kanang kamay sa dako ng malaking pinto ng simbahan. Inakala ng mga sakristan na iyon ay isang utos kaya dali-dali nilang isinara ang pinto ng simbahan. Naligalig ang Alperes nang ipininid ang pinto. Sinimulan na ang sermon. “Pakinggan at unawain ninyo ang mga salita ng Diyos na magpapaunlad sa inyo. Tingnan ninyo ang mga guardia civil ng kalangitan. Opo, Ginoong Alperes, higit silang makapangyarihan bagama’t ang armas nila ay krus na kahoy lamang!” At sinundan ito ng mga papuri kay San Diego. Marahil ay mahusay ngang gumamot ang babaeng namamahala sa kumbento dahil malakas at buongbuo na ang tinig ni Padre Damaso. Ang magandang panimula ng sermon ay sinundan ng mga alimura at tungayaw. Inabot ng antok at pagkainip ang mga tagapakinig. Sa kanila ay walang kawawaan ang karamihan sa mga sinasabi ng Kura at ang naiintindihan lamang nila’y ang salitang guardia civil, tulisan, San Diego, at San Francisco. Maging si Kapitan Tiyago ay nagsimulang maghikab. Si Maria Clara naman ay hindi nakikinig sapagkat ang isip ay na kay Ibarra na kalapit niya. Tumagal ang sermon sa Tagalog. Hindi pinaghandaan ng Kura ang sermon sa Tagalog sa paniniwalang ang mga Indiyo ay walang alam sa sining ng pagbigkas. Pawang sumpa, tungayaw, at parunggit ang naririnig sa nagsesermon. Hindi mapakali si Ibarra lalo na nang tukuyin ni Padre Damaso ang mga “makasalanang hindi nangungumpisal, ang mga namamatay sa bilangguan nang walang sakramento ng simbahan.” Nang-uuyam din ang prayle sa mga mestisong hambog, pilosopo, at mapagmataas dahil sa pagkakapag-aral sa Maynila at Europa. Sa halip na magmano sa mga prayle ay kinakamayan na lamang nila ang mga ito. “Dapat kayong layuan ng mga babae upang di na lumaganap pa ang binhi ng diyablo! Kung kayo’y may isang bahagi ng katawang humihila sa inyo sa pagkakasala, putulin ito at itapon sa apoy!” Lahat ng ito ay tiniis ni Ibarra. Nagtimpi siya at hindi nagpahalata. Bagama’t nagsisisigaw at nagkukukumpas si Padre Damaso, marami ang nakatulog at nagwalang-bahala. Isang lalaking nakatulog sa pakikinig ang napasandal kay Hermana Pute na ikinalukot ng abito nito. Binakya ng manang ang lalaki at minura. Dahil sa kaguluhan, lalong nagalit at nagmura si Padre Damaso. “Ito ba ang mapapala ko sa pangangaral nang buong umaga? Mga salbahe! Dito pa kayo sa bahay ng Diyos nag-aaway. Mga walang hiya!” Nagpatuloy pa ang sermon. Naghihilik na ang Alkalde samantalang si Maria Clara ay napayukayok na sa antok. Dalawang ulit nang pinatugtog ni Padre Salvi ang kuliling, hudyat na dapat nang tumigil ang Kura subalit kalahating oras pa ang itinagal ng pagsasalita. Habang patuloy ang misa, isang lalaki ang lumapit kay Ibarra. Nagbabala ito tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. “Sa paglalagay ng unang bato ng paaralan, huwag kayong lalapit sa batong ihuhugos sapagkat nakataya roon ang inyong buhay,” ang babala ng lalaki. Minasdan ni Ibarra ang lalaki. Nakilala niya si Elias, ang piloto, na agad lumayo at nawala sa karamihan ng tao. alimura – mapang-uyam at mapanlibak na pananalita tungayaw – nakaiinsultong salita tulisan – taguri sa mga bandido; mandarambong o magnanakaw parunggit – parinig sakramento – relihiyosong seremonya binhi – anumang pinagsisimulan ng buhay nagtimpi – pagpipigil sa sarili; pagpipigil sa emosyon, lunggati, at iba pa 131 Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Pagkatapos, bumuo ng pangungusap na gagamitin ang salitang pinag-aralan. 1. Nagpugay si Padre Damaso sa Alkalde, mga pari, at iba pang tagapakinig. Kahulugan: ____________________________________________ Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 2. Naligalig ang Alperes nang isara ng sakristan ang pinto ng simbahan. ____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 3. Hindi mapakali si Ibarra sa mga sermon ni Padre Damaso. ____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 4. Napayukayok na si Maria Clara sa matinding antok. ____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ 5. Napasandig kay Hermana Pute ang katabing lalaking nakatulog. ____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: ____________________________________________ ____________________________________________ Talakayin Natin 1. Ano ang paksa ng sermon ni Padre Damaso? Punan ang dayagram ng hinihinging kasagutan. 132 2. Bakit hinati ni Padre Damaso ang sermon? 3. Sino-sino ang pinaringgan ni Padre Damaso? Ano-ano ang kaniyang sinabi? 4. Ipaliwanag ang biglang pagkakagulo habang nagsesermon si Padre Damaso? 5. Bakit napakahaba ng sermon ni Padre Damaso? 6. Sino ang taong lumapit at bumulong kay Ibarra at ano ang sinabi niya sa binata? Suriiin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging reaksiyon mo sa pasaring ni Padre Damaso? 2. Tama ba ang inasal ni Hermana Pute? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pagbatikos ni Padre Damaso sa kaniyang kapwa? Pangatuwiranan. 4. Bakit masamang tingin ang inilaan ni Padre Damaso kay Padre Martin? 5. Paano ipinakita sa kabanata ang pagiging makapangyarihan ng isang tao sa lipunan? Pagyamanin Natin 1. Obserbahan at pakinggan ang sermon ng pari sa inyong parokya. Alamin ang pagkakahawig at pagkakaiba ng kanilang sermon at paraan ng pagsesermon na isinalaysay sa kabanata. Gumawa ng paghahambing. Itala sa tsart. Sermon ni Padre Damaso Sermon sa Sariling Parokya o Pangaral ng Ministro/Pastor 2. Magpanayam sa mga nagsisimba sa inyong parokya. Tanungin sila sa kahalagahan ng sermon at kung paano ito nakaapekto sa buhay nila. 133 Kabanata 32 Ang Panghugos Balik-sulyap Nagsimula na kahanga-hanga ang sermon ni Padre Damaso at nagwakas na kabagot-bagot. Kayrami ng kaniyang pinasaringan at hindi nakaligtas si Ibarra. Habang patuloy ang misa, isang lalaki ang lumapit at bumulong kay Ibarra. Ito ay si Elias. Ano ang ibinulong ni Elias kay Ibarra? Isang di-karaniwang panghugos na pantaas at pambaba ng mabibigat na bagay ang ginawa ng Taong Madilaw. Sa dulo ng tatlong malalaking lubid ay nakabitin ang isang malaking batumbuhay na may uka sa gitna. Ang batong iyon ay ikakama sa isang may uka ring bato na nasa hukay. Sa ukang ito ilalagay ang isang kahong kristal na paglalagyan ng mga kasuotan, ng mga pahayagan, mga medalya, salaping ginto, pilak, at iba pa. Lahat ng ito’y ipaloloob sa isang bumbong na panghugos – gamit pangbaba ng anuman mula sa mataas na kinalalagyan sa pamamagitan ng lubid na unti-unting pinauusos batumbuhay – maputi at matigas na batong kahawig ng marmol at sinasabing ito ay lumalaki kung kaya’t tinatawag na batumbuhay bumbong – silindrikong sisidlan, karaniwang gawa sa kawayan o binilot na karton, metal, o katulad Taong Madilaw – (El hombre amarillo) isa sa mga nagtangkang patayin si Crisostomo Ibarra 134 tingga upang magbalita sa darating na panahon. Minasdan ni Ñol Juan ang panghugos na ginawa ng Taong Madilaw. Labis siyang humanga rito. “Paano ninyo natutuhan ang paggawa ng ganitong makinarya?” tanong ni Ñol Juan. “Sa aking ama na natuto sa nuno ni Ginoong Crisostomo na si Don Saturnino.” “Hindi ko alam na si Don Saturnino…” “Siya’y lubhang maalam. Marunong siyang mamalo, gumising sa natutulog, at magpatulog sa gising.” Isang mahiwagang ngiti ang iniwan ng Taong Madilaw. Naparaan si Pilosopo Tasyo at nasabi sa sarili, “Marahil darating ang araw na iguguho ng kalikasan ang gusaling ito. Matutuklasan at huhukuman ang kalagayan ng bayan nang panahong ito.” Sa unang pagkakataon, isang malaking kasayahan ang inihanda ni Ibarra. Sa hapag ay naroon ang masarap at masaganang agahan. Sa saliw ng banda ng musiko ay dumating ang Alkalde, mga prayle, ang mga pinunong bayan maliban kay Padre Damaso. Kausap ng Alkalde si Ibarra. “Sa mabuting gawa ay maaasahan ninyo ang aking tulong,” ang wika ng Alkalde. Habang nalalapit sila sa ginagawang panghugos ay kinakabahan ang binata. Napatingin siya sa panghugos at nakita niya ang Taong Madilaw na yumukod sa kaniya matapos siyang titigan sumandali. Namataan niya si Elias na bahagyang kumindat sa kaniya upang ipaalaala ang ibinulong sa kaniya sa simbahan. Sinimulan ang seremonya. Tinanong ng Alkalde si Ibarra kung ibig niyang siya ang maglagay ng kaha sa hukay. Tumanggi si Ibarra. Sinabi ng binata na ayaw niyang agawan ng tungkulin ang Eskribano. Matapos ilagay ng Eskribano ang kaha sa uka, binasbasan ito ni Padre Salvi. Ang bawat isa’y naglagay ng palitada na pinangunahan ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle, at ni Kapitan Tiyago. Iuutos na sana sa Taong Madilaw ang paghuhugos ng batumbuhay nang maalaala ng Kura na hindi naglalagay ng palitada si Ibarra. “Baba na kayo kung hindi’y iuutos kong huwag ihugos ang bato,” utos ng Alkalde. Napilitan si Ibarrang bumaba sa hukay. Hindi na siya tumingin kay Elias. Siya’y walang kurap na nakatitig at sumusubaybay sa ikinikilos ng Taong Madilaw. Isang malakas na ugong ang narinig. Nalansag ang panghugos. Umalimpuyo ang makapal na alikabok. Nang ito’y mapawi, ang nakita na lamang na nakatayo sa gitna ng torno ay si Ibarra. Isang bangkay na natatabunan ng mga nagiba ang nasa paanan ng binata. Iyon ang Taong Madilaw. Iniutos ni Ibarra na hanguin ang bangkay. Nang marinig ni Maria Clara ang tinig ng binata, ito’y hinimatay. “Ipagsakdal ang namamahala ng gawaing ito,” ang sabi ng Alkalde. Hindi pumayag si Ibarra na mangyari ito. Nangako siya sa Alkalde na siya ang mananagot sa pagsisiyasat at sa kalagayan ni Ñol Juan. Matapos malaman ang kalagayan ni Maria Clara, matuling umuwi ng bahay si Ibarra upang magpalit ng damit. “Masamang simula,” ang nasabi ni Pilosopo Tasyo na nakasaksi sa lahat ng pangyayari. eskribano – tagatala nalansag – nabaklas o natanggal nang isa-isa ang mga piyesa o bahagi umalimpuyo – uliuli ng tubig, hangin, o usok palitada – pantay at malinis na pagsesemento ng sahig o pader; timpladong semento torno – makina o aparatong lalikan ng mga metal, kahoy na humahawak at nagpapaikot dito sa isang eheng pahalang sa isang kasangkapang humuhugis sa metal, kahoy, at iba pa; lalikan 135 Talasalitaan: Palawakin Natin Ayusin ang mga letra upang makabuo ng salita na kasingkahulugan ng mga salitang italisado sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. _________________ TAPAALLI 1. Ang batumbuhay ay ikakama sa isang batong may uka rin sa ibaba ng hukay. _________________ IIGBGNAI 2. Iguguho ng kalikasan ang gusaling iyan dahil sa katandaan. _________________ AAANNTW 3. Namataan niya si Elias at bahagya itong kumindat sa kaniya. _________________ DUSNNAYIEINBN 4. Binasbasan ni Padre Salvi ang kahang inilagay sa uka ng bato sa ibaba ng hukay. _________________ AKSAANW 5. Natabunan ng nalansag na panghugos ang bangkay ng Taong Madilaw. Talakayin Natin 1. Ilarawan ang panghugos na ginawa ng Taong Madilaw. 2. Ano ang nakalagay sa uka ng bato? Ano ang kabuluhan nito? 3. Sa iyong palagay, sino ang Taong Madilaw? 4. Paano natutuhan ng Taong Madilaw ang paggawa ng panghugos? 5. Ano ang ibig sabihin ng winika ni Pilosopo Tasyo: “Marahil darating ang araw na iguguho ng kalikasan ang gusaling ito. Matutuklasan at huhukuman ang kalagayan ng bayan nang panahong ito”? 6. Isalaysay mula sa simula ng paglalagay ng panghugos sa paaralang ipatatayo ni Ibarra hanggang sa nauwi ito sa seremonya gamit ang Scenes of Events Organizer. Panghugos 7. Paano nakatulong kay Ibarra ang babala ni Elias? 136 Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, may pananagutan ba si Ibarra sa pagkamatay ng Taong Madilaw? Pangatuwiranan. 2. Kung ikaw si Ibarra, bababa ka rin ba sa hukay gayong binalaan ka na ni Elias? Ipaliwanag. 3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag ng ilang tauhan. Pilosopo Tasyo: “Masamang simula.” Paliwanag: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Taong Madilaw: “Siya’y lubhang maalam. Marunong siyang mamalo, gumising sa natutulog, at magpatulog sa gising.” Isang mahiwagang ngiti ang iniwan ng Taong Madilaw. Paliwanag: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Alkalde: “Sa mabuting gawa ay maaasahan ninyo ang aking tulong.” Paliwanag: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Pagyamanin Natin Sa pamamagitan ng PIN (Positibo–Interesting (Kawili-wili)-Negatibo), itala sa tsart ang mga pangyayari sa binasang kabanata nang ayon sa kategorya nito. P-ositibo I-nteresting (Kawili-wili) N-egatibo 137 Kabanata 33 Malayang Isipan Balik-sulyap Nailigtas ni Elias si Ibarra sa tiyak na kamatayan sa pagbagsak ng panulukang bato. Sa halip, ang Taong Madilaw ang namatay. Umuwi si Ibarra upang magbihis. Hindi nagtagal, dumating si Elias. Ano kaya ang sadya niya kay Ibarra? Hindi pa natatapos sa pag-aayos si Ibarra nang may dumating siyang panauhin. Namangha siya pagkakita kay Elias. “Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin,” agaw ni Elias sa nahuhulaan na niyang sasabihin ni Ibarra. “Ang ginawa ko’y kabayaran sa pagkakaligtas ninyo sa akin. Namamanhik ako sa inyong huwag sasabihin kaninuman ang ibinulong ko sa inyo sa simbahan.” “Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo isusuplong,” tugon ni Ibarra. “Ito po’y hindi para sa kapakanan ko kundi para sa inyo. Alang-alang po sa inyong higit na kaligtasan, kailangang isipin ng inyong kaaway na wala kayong ingat at may tiwala sa sarili.” namamanhik – nagmakaawa pagtatangka – kilos sang-ayon sa isang layunin kinikilingan –pinapanigan 138 Binalaan ni Elias ang binata. “Magiingat kayo sa inyong mga kaaway.” “Ako, may kaaway?” hindi makapaniwalang pakli ni Ibarra. “Lahat po tayo’y may kaaway sapagkat ang tunggalian ay batas ng buhay,” wika ni Elias. Napatingin si Ibarra kay Elias. “Kayo’y hindi isang piloto, ni isang tagabukid lamang,” aniyang hindi maikubli ang paghanga sa binata. Ipinagtapat ni Elias kung paano niya natuklasan ang pagtatangka sa buhay ni Ibarra. Aniya, tinugaygayan niya ang Taong Madilaw. Narinig niyang sinabi nito sa kausap na, “Siya’y hindi magiging pakain sa isda tulad ng kaniyang ama. Makikita ninyo bukas.” Para kay Elias, ang pagkamatay ng Taong Madilaw ay hatol ng langit. “Kung nabuhay pa siya, maaaring nakatakas siya sa katarungang dapat sana ay walang kinikilingan. Ginusto po ng Diyos na pagdusahan niya ang masamang plano niya sa iba.” “Naniniwala rin ba kayo sa himala?” aniyang nakangiti. “Kung naniniwala ako sa mga himala, hindi sana ako naniniwala sa Diyos... Naniniwala ako sa Kaniya. Di miminsang nadama ko ang kamay Niya.” “Hindi po ba kayo naniniwala sa pagkakataon?” “Gaya rin ng paniniwala sa mga himala ang paniniwala sa pagkakataon. Kapwa naghahaka na hindi batid ng Diyos ang hinaharap. Ano po ba ang pagkakataon? Isang pangyayaring hindi lubusang nakita bago naganap. Ano po naman ang himala? Isang pagsalungat, isang pagbaligtad sa mga batas ng kalikasan…” “Sino po kayo?” muling tanong ni Ibarra. “Nakapag-aral ba kayo?” “Kailangan ko pong maniwalang mabuti sa Diyos sapagkat nawala na ang paniniwala ko sa tao,” tugon ni Elias na umiiwas sa tanong. “Ang Diyos, kahit may maraming kinatawan sa lupa ay hindi maaaring magsabing maliwanag ng kaniyang pasiya upang maayos ang katakottakot na paglalaban. Dapat na ang tao’y manaka-nakang humatol sa kaniyang kapwa,” ani Ibarra. “...upang gumawa nang mabuti, magsaayos at magpagaling, hindi magwasak sapagkat kung nagkamali siya ng hatol wala siyang kapangyarihang lunasan ang nagawa niyang masama.” Sa mga pahayag na ito ni Elias, lalong humanga si Ibarra sa binata. “Ingatan ninyo ang inyong sarili alang-alang sa bayan,” paalala ni Elias bago tuluyang umalis. himala – pangyayaring malinaw na salungat sa kinikilalang batas na siyentipiko naghahaka – naghihinala kinatawan – tao na binigyang pahintulot na gumanap ng isang tungkulin para sa isang tao o pangkat manaka-nakang – bihira; madalang lunasan – gawan ng paraang maiayos ang isang kaguluhan, alitan, suliranin, at iba pa 139 Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Binalaan ni Elias si Ibarra tungkol sa planong pagpatay sa kaniya. Kahulugan: ______________________________ 2. Lahat ng tao ay may kaaway sapagkat ang tunggalian ay batas ng buhay. Kahulugan: ______________________________ 3. Tinugaygayan ni Elias ang Taong Madilaw dahil sa nabatid niyang plano. Kahulugan: ______________________________ 4. Ipinangako ni Ibarra kay Elias na hindi niya ito isusuplong kaninuman. Kahulugan: ______________________________ 5. Namangha si Ibarra sa ipinakitang pag-uugali ni Elias. Kahulugan: ______________________________ Talakayin Natin 1. Bakit sadyang pinuntahan ni Elias si Ibarra? ____________________________________________________________ 2. Paano natuklasan ni Elias ang planong pagpatay kay Ibarra? ____________________________________________________________ 3. Ipaliwanag at patotohanan ang sumusunod na mga pahayag: a. “Lahat po tayo’y may kaaway sapagkat ang tunggalian ay batas ng buhay.” Paliwanag: Pagpapatotoo: b. “Kung nabuhay pa siya, maaaring nakatakas siya sa katarungang dapat sana ay walang kinikilingan. Ginusto po ng Diyos na pagdusahan niya ang masamang plano niya sa iba.” Paliwanag: Pagpapatotoo: 4. Ano ang nais ipaliwanag ng Taong Madilaw nang sinabi niya na: “Siya’y hindi magiging pakain sa isda tulad ng kaniyang ama. Makikita ninyo bukas.” ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 140 Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Elias, pagmamalasakitan mo rin ba si Ibarra? Ipaliwanag. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. Batay sa daloy ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra, anong uri ng tao si Elias? Bakit? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Patunayang likas sa mga Pilipino ang pagkilala ng utang na loob. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Kailan nagiging hindi maganda ang pagtanaw ng utang na loob? Ipaliwanag. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Sumulat ng isang sanaysay batay sa sariling karanasan tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa maayos na pagsulat ng sanaysay. 141 Kabanata 34 Ang Pananghalian Balik-sulyap Dumalaw si Elias sa bahay ni Ibarra na ikinahiya ng huli. Pinaalalahanan niyang muli si Ibarra na mag-ingat sa mga kaaway. Sa pag-uusap ni Elias at Ibarra. Labis na hinangaan ni Ibarra si Elias sa mga kaisipang ipinahayag ng binata. Naunawaan niya ang pagnanais ni Elias na mailigtas siya sa kapahamakan alang-alang sa bayan. Nanananghalian ang matataas na opisyal nang dumating ang pahatidkawad ng Kapitan-Heneral kay Kapitan Tiyago. Humingi siya ng pahintulot bago binasa ang telegrama na nagsasaad ng pagdating ng kaniyang Kamahalan nang hapong iyon at sa bahay niya tutuloy. Sa tinginan ng mga prayle ay mahuhulaan na iisa ang kanilang iniisip — ang hindi pagtuloy ng KapitanHeneral sa kumbento ay isang paghamak sa mga prayle. Naghihimagas na ang mga panauhin nang dumating si Padre Damaso kabisera – puwesto sa magkabilang dulo ng mahabang mesa Reverencia – paggalang, pagpipitagan; kagalang-galang; kapita-pitagan arkitektura – sining o agham ng pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali 142 na bahagyang nakangiti ngunit ngiting mapanlibak. Napalis ang ngiti nito nang makitang si Maria Clara ay nakaupo sa tabi ng Alkalde na nasa kabilang kabisera, katapat ni Ibarra. “Ipagpatuloy ninyo ang inyong usapan,” ang wika ni Padre Damaso. “Binabanggit po ni Ibarra ang arkitektong tumulong sa kaniyang panukala nang ang inyong Reverencia’y—” “Wala akong alam sa arkitektura ngunit ako ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan. Mahusay ang pagkakatayo nito ayon sa mag-aalahas nang isang araw ay makituloy ito sa kumbento. Ga-daling noo lamang ang kailangan upang makaguhit ng isang plano.” “Bago makapagpatayo ng isang gusali, isang perito o dalubhasa ang kailangan,” tugon ng Alkalde nang mapansing hindi kumikibo si Ibarra. “Mas hangal pa kayo sa mga Indiyo na nagpatayo ng kani-kanilang bahay kung hindi ninyo matutuhang itayo ang isang paaralang may apat na pader na may patong na bubong na sawali. Perrito o tuta lamang ang nangangailangan ng perito.” Namumutla si Ibarra ngunit patuloy sa wari’y pakikipag-usap kay Maria Clara. “Bakit ang uldog namin, ang pinakahamak ay nagpapatayo ng isang pagamutang mabuti, maganda, at mura? Ang hirap kasi sa mga Indiyo, kapag napunta sa Europa, itinuturing nang doktor ang sarili, patuloy na sabi ni Padre Damaso.” Sa kabila ng pagpatlang ng Alkalde, hindi maawat si Padre Damaso sa pagpapasaring kay Ibarra. “Lahat ng uhuging iyan na nagtutungo sa Europa ay nagwawakas gaya ng nararapat sa kanila. Buhay pa’y pinarurusahan na ang ganyang ulupong — ang magulang ay namamatay sa bilangguan na walang mahigang—” Hindi na natapos ng prayle ang kaniyang sasabihin. Nilundag na siya ni Ibarra sabay dagok sa ulo nito. Nabuwal si Padre Damaso at hinimatay. Walang nakakilos sa pagkabigla. Parang pinanawan na ng bait si Ibarra. Tinapakan niya sa leeg ang prayleng unti-unti nang nagkakamalay. Idinukwang niya ang kaniyang kamay sa isang matalim na kutsilyo. Nang magpilit bumangon si Padre Damaso, sinakal siya ni Ibarra, iwinagwag hanggang mapaluhod at mauklo. “Layo kayo! Huwag kayong lalapit kung di ninyo ibig mamatay! Siya’y iniwasan ko ngunit narito siya ngayon. Hatulan siya ng Diyos!” “Ikaw na alagad ng Diyos,” baling ng binata sa prayle, “puno ng kabanalan ang bibig ngunit ang puso’y lipos ng kaimbihan. Marahil di ka nagmahal ng sariling ama. Ngayo’y naririto siya sa kalooban ng Diyos. Marangal na tao ang aking ama. Batid iyan ng lahat! Bukas ang pinto niya sa lahat — pati sa paring ito na itinuring niyang kaibigan. Ngunit ano ang iginanti nito? Siniraan niya ang aking ama, pinagusig, at ginamit ang kapangyarihan ng kaniyang pagkapari, nilapastangan ang libingan ng aking ama, nilait ang kaniyang alaala at pati akong anak ay pinag-uusig din. Kanina, sa pulpito, muli niya akong hinamak. Nagtimpi ako, iniwasan ko siya ngunit hinamak niya ang banal na alaala ng aking ama. Kayong mga narito… nakita ba ninyong naglamay sa gawain ang inyong ama alang-alang sa inyo, na makipaghiwalay sa inyo alang-alang sa inyong kabutihan, namatay na namimighati sa isang bilangguan, umasam ulupong – uri ng ahas na kahawig ng kobra dagok – suntok na pababa o mula sa itaas iniwagwag –ipagpag; iwasiwas pinag-usig – inapi, pinahirapan naglamay – paggawa o pagtatrabaho sa gabi lugmok – nakaupo nang pahandusay o pasandal dahil sa lubos na panghihina o pagkawala ng malay 143 na mayakap kayo, naghanap ng aaliw sa kaniya, nag-iisa, at may karamdaman, samantalang nasa ibang bayan kayo... Pagkatapos, narinig ba ninyong siniraan ang kaniyang pangalan, natagpuan ba ninyong walang laman ang kaniyang puntod nang naisin ninyong manalangin sa harap nito? Hindi! Kayo, kayong nagmamahal sa inyong ama, magsikibo kayo! Di kayo kumikibo? Samakatuwid, ang taong ito’y binibigyang-sala ninyo!” Itinaas ni Ibarra ang kaniyang bisig ngunit pumagitna si Maria Clara. Pinigil ng malalambot na palad ang bisig na handang maghiganti. Tinitigan siya ni Ibarra na waring nababaliw. Unti-unting lumuwag ang mga daliri nito. Nabitiwan ang lugmok na katawan ni Padre Damaso at ang kutsilyo. Tinakpan ni Ibarra ng mga palad ang kaniyang mukha, matuling lumayo, at nawala sa karamihan ng mga taong naroroon. Talasalitaan: Palawakin Natin Tukuyin ang nawawalang mga letra upang mabuo ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. T E N G M A K A M T M A K S N G T A T N I M T G L T Y K R B S K A P 144 A G - M A P A L 1. Nanananghalian ang matataas na opisyal nang dumating ang pahatid-kawad ng KapitanHeneral kay Kapitan Tiyago. 2. Naghihimagas na ang mga panauhin nang dumating si Padre Damaso. 3. Kailangan ang perito sa pagtatayo ng isang gusali. 4. Ngiting mapanlibak ang inukol ni Padre Damaso sa mga panauhin. 5. Mahigpit na diniinan ni Ibarra si Padre Damaso sa balikat hanggang sa ito ay mapaluhod at mauklo. 6. Pawang pasaring kay Ibarra ang sinabi ni Padre Damaso. 7. Ang hindi pagtuloy ng KapitanHeneral sa kumbento ay isang paghamak sa mga prayle. 8. “Puno ng kabanalan ang bibig ngunit 9. ang puso’y lipos ng kaimbihan.” 10. “Nagtimpi ako, iniwasan ko siya ngunit hinamak niya ang banal na alaala ng aking ama.” Talakayin Natin 1. Gamit ang Step Ladder, ibuod ang mga pangyayari sa kabanata. Isulat sa notbuk. Kasukdulan Tunggalian Kakalasan Simula Wakas 2. Ano ang nilalaman ng telegrama? 3. Bakit may naramdamang hinanakit ang mga prayle pagkaraang malaman ang nilalaman ng telegrama? 4. Ano-ano ang napag-usapan ng mga panauhin habang sila ay kumakain? 5. Bakit hindi na nakapagpigil si Ibarra at biglang nilundag at dinagukan si Padre Damaso? 6. Paano napigilan si Ibarra sa kaniyang tangkang pagpatay kay Padre Damaso? Suriin at Gawin Natin 1. Bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ni Ibarra sa kaniyang ama? 2. Kung ikaw si Ibarra, ano ang gagawin mo kung iyong narinig ang mga panghahamak ni Padre Damaso sa inyong mag-ama? Ipaliwanag ang iyong gagawin? 3. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, ibigay ang katangian ng sumusunod na tauhan. Tauhan Katangian Patunay Alkalde Padre Damaso Prayle Maria Clara Ibarra 4. Paano mo pinahahalagahan ang iyong ama? 5. Ano ang mga aral na matututuhan sa binasang kabanata? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin Kumuha ng larawan ng sariling ama at idikit sa coupon bond. Sa ilalim ay sumulat ng isang komposisyon tungkol sa kaniya na ilalahad ang mga karanasang hindi malilimutan na kasama mo siya. Ano ang ginampanan niya sa iyong buhay na napakahalaga? 145 Kabanata 35 Mga Kuro-kuro Balik-sulyap Hindi pinatulan ni Ibarra ang mga parunggit ni Padre Damaso sa kaniya. Ngunit nang hamakin ng prayle ang alaala ni Don Rafael, nawalan na ng pagtitimpi ang binata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at inambaan ng kutsilyo. Naawat lamang si Ibarra dahil kay Maria Clara. Makatuwiran ba ang ginawa ni Ibarra? Iba’t ibang balita ang kumalat sa San Diego tungkol sa naganap na pananghalian. Diumano’y tigmak ng dugo si Padre Damaso at patay na! “Nagbayad lang siya ng utang,” ang sabi ng ilan na ang tinutukoy ay ang pakikipagbuntalan ni Padre Damaso sa isang binata. “Lumabas ang binata habang nagsesermon ang pari. Nang tanungin siya kung bakit, pakikipagbuntalan – pakikipagsuntukan, pakikipag-awayan Griyego – mamamayan, wika, o kultura ng Gresya sinabi niyang “Griyego” sa kaniya ang Tagalog. Sukat sa sinabing iyon, binuntal siya ng prayle. Nagpanuntukan ang dalawa.” May pumupula naman kay Ibarra. “Sana’y dinagdagan pa niya ang pagtitimpi,” ang wika ng Kapitan. “Ang sabihin ninyo, kung si Padre Damaso sana ay nagkaroon man lamang ng kalahati ng pagtitimpi ni Ibarra,” pagtatanggol ni Don Filipo sa binata. “Ang nangyari’y ang matanda’y nag-ugaling-bata at ang bata’y nagasal-matanda.” Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salitang italisado sa bawat bilang. Kasingkahulugan Tigmak ng dugo ang mukha Inaalipusta ng mga Español 146 Kasalungat “Hindi tutulungan ng bayan si Ibarra dahil malakas, mayaman, at laging may katuwiran ang mga prayle,” wika ng Kapitan, “habang ang mamamaya’y mahirap at watak-watak.” “Laging may katuwiran ang mga prayle sapagkat tayo rin ang laging nagbibigay-katuwiran sa kanila,” tugon ni Don Filipo. Sa panig ng mga ina, may nagsasabing pagkakaitan niya ng bendisyon ang anak kung gagawin nito ang inasal ni Ibarra. Ang iba’y hindi mapigil magbulalas na mamamatay siya sa sama ng loob. Tanging si Kapitana Maria ang sang-ayon sa ginawa ni Ibarra. Aniya, kung inalipusta ang alaala ng yumaong magulang, ikasisiya niya ang pagtatanggol ng mga anak sa kanilang magulang. “Ipagpatawad ninyo, may kaniyakaniyang paraan ng pagmamahal sa mga anak ang bawat ina. Nagmama- hal ang ilan alang-alang sa kanilang sarili, ang iba dahil anak sila, ang iba, alang-alang sa kanilang mga anak. Mabibilang ako sa huli,” ani Kapitana Maria. Sa kabilang dako, alalang-alala ang mga Tagabukid. Hindi na matutuloy ang pagtatayo ng paaralan. Tinawag na “pilibustero” ng mga Español si Ibarra. Isa sa kaumpok ang nagpaliwanag ng kahulugan ng pilibustero. “Ang anak ko’y di na magiging doktor, kundi magkakariton. Wala na! Hindi na magkakaroon ng paaralan!” bendisyon – basbas pilibustero – kalaban ng pamahalaan Kasingkahulugan Kasalungat Naubos na ang pagtitimpi Pumupula sa kaniyang ginawa Pagkakaitan ng bendisyon 147 Talakayin Natin 1. Ano ang balitang kumalat tungkol sa nangyaring pananghalian? 2. Isa-isahin ang naging reaksiyon ng mga tao tungkol sa pangyayaring naganap sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso. Kapitan Don Filipo Ibarra at Padre Damaso Mga Ina Kapitana Maria Tagabukid 3. Ayon sa Kapitan, bakit hindi makatutulong ang bayan kay Ibarra? 4. Ipaliwanag ang sumusunod na mga katagang binitiwan ni Don Filipo. a. “Ang nangyari’y ang matanda’y nag-ugaling-bata at ang bata’y nag-asal-matanda.” b. “Laging may katuwiran ang mga prayle sapagkat tayo rin ang laging nagbibigay-katuwiran sa kanila.” 148 Suriin at Gawin Natin 1. Ano-anong katangiang Pilipino ang ipinakita sa binasang kabanata? Tukuyin ang mga pangyayari sa kabanata bilang pagpapatunay sa bawat sagot. Katangian Positibo Pangyayari sa Kabanata Negatibo 2. Sa pangyayaring naganap sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso, sino ang dapat sisihin? Pangatuwiranan. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Sa iyong palagay, hanggang saan dapat ipagtanggol ng anak ang kaniyang ama? Ipaliwanag. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Sa tinuran ng mga Tagabukid, masasabi bang may pagpapahalaga sila sa edukasyon? Ipaliwanag. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Magkaroon ng debate tungkol sa paksang, “Tama ba o Hindi Dapat Lumaban sa Matanda ang Isang Nakababata?” 149 Kabanata 36 Ang Unang Panganorin Balik-sulyap Iba’t ibang balita ang kumalat sa pagtatangka ni Ibarra sa buhay ni Padre Damaso. May umaayon sa ginawa ni Ibarra; mayroon namang hindi. May mga nagpalagay na hindi matutuloy ang pagtatayo ng paaralan. Ano naman kaya ang ibubunga ng namagitan kina Padre Damaso at Ibarra sa pag-iibigan ng binata at ni Maria Clara? Walang patid ang pagluha ni Maria Clara sa kabila ng pag-alo ni Tiya Isabel at ni Andeng. Pinagbawalan si Maria Clara na makipag-usap kay Ibarra hanggang hindi ito naiibsan ng excomunion. “Aalisin din ang excomunion. Susulatan natin ang Papa. Maglilimos tayo nang malaki,” aliw ng Tiya. “Ako naman ang gagawa ng paraan upang magkausap kayo ni Ibarra,” wika naman ni Andeng. “Ikumpisal mo na lamang.” Dumating si Kapitan Tiyago buhat sa kumbento. Excomunion – Pagtatanggal ng karapatan sa isang tao na maging kasapi pa ng isang panrelihiyong komunidad. Kinokondena rin ng mga kasamahan sa simbahan ang taliwas na ginawa ng nasabing tao. Bilang parusa, hindi na siya dapat magpakita pa, makatitikim ng mga panghihiya, at hindi na maaaring tumanggap ng komunyon. Tatawagin na rin siyang excomunicado. 150 “Napanganyaya na ang lahat. Sirain ko raw ang kasunduan sa kasal nina Maria Clara at Ibarra. Hindi na makatutuntong sa bahay na ito si Ibarra. Kahit sinabi kong may limampung libong pisong utang ako rito. Kung hindi ako tatalima, pati ako ay lalapatan ng excomunion at malamang na ipabitay pa,” hinagpis ni Kapitan Tiyago. May binatang kamag-anak si Padre Damaso na kararating mula sa España. Ang nasabing binata ang inilalaan ng prayle para maging katipan ni Maria Clara. Walang inang madaingan ang dalaga. Tanging ang Mahal na Birhen ang nakaririnig ng kaniyang kalunoslunos na pagtangis. Dumating ang Kapitan-Heneral, hiniling nito na makaharap ang dalaga. Sa kabila ng taglay na dalamhati, napilitan si Maria Clarang ayusin ang sarili at harapin ang Kapitan-Heneral upang hindi maging kahiya-hiya ang ama. Talasalitaan:Palawakin Natin Bigyang-kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot sa notbuk. 1. Walang patid ang pagluha ni Maria Clara sa kabila ng pag-alo ni Tiya Isabel. 2. Pinagbawalan si Maria Clara na makipag-usap kay Ibarra hanggat hindi naaalisan ng excomunion ang binata. 3. Ayon kay Tiya Isabel, maglilimos sila upang masulatan ang Papa. 4. “Kung hindi ako tatalima pati ako ay lalapatan ng excomunion.” 5. May binatang kamag-anak si Padre Damaso na inilalaan ng prayle para maging katipan ni Maria Clara. Talakayin Natin 1. Bakit labis-labis ang pagluha ni Maria Clara? 2. Ano-ano ang naisip na paraan nina Tiya Isabel at Andeng upang mapahinahon si Maria Clara? 3. Sa pagdating ni Kapitan Tiyago mula sa kumbento, ano ang balitang hatid nito? Ilahad sa klase. Kapitan Tiyago âž Ipinag-utos ng mga prayle âž Mangyayari kapag hindi sumunod âž Sinabi ni Padre Damaso 4. Bakit napilitan si Maria Clara na harapin ang kadarating pa lamang na Kapitan-Heneral? Suriin at Gawin Natin 1. Makatuwiran ba ang parusang ibinigay kay Ibarra? Ipaliwanag. 2. Kung ikaw si Ibarra, paano mo tatanggapin ang parusang ito? 3. Sa iyong palagay, susundin ba ni Kapitan Tiyago ang ipinag-uutos sa kaniya ng mga prayle? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, nakaiimpluwensiya pa rin ba ang mga pari sa ating lipunan? Patunayan. Pagyamanin Natin Magkaroon ng interbyu sa isang pari na maaaring kakilala o inirekomenda ng ibang tao. Tanungin siya tungkol sa excomunion at ang mga bagay-bagay tungkol dito. Humandang iulat sa klase ang kinalabasan ng interbyu. 151 Kabanata 37 Ang Kapitan-Heneral Balik-sulyap Nilapatan ng excomunion si Ibarra dahil sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Pati si Kapitan Tiyago ay magiging excomulgado kung hindi niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria Clara at Ibarra. Ni hindi na maaaring kausapin ng binata si Maria Clara. Paano na ang pag-iibigan ng dalawa? Sa bahay ni Kapitan Tiyago tumuloy ang Kapitan-Heneral. Unang hinarap ng KapitanHeneral ang binatang nakalaban ni Padre Damaso noong umaga. Hindi minabuti, lalo na ni Padre Sibyla, na silang mga prayle ay paghintayin. Tangka na nilang umalis nang lumabas ang kagawad na kasunod ang binatang nakaaway ni Padre Damaso. Nanginginig ang binata nang pumasok sa bulwagan ngunit lumabas na masaya. “Maaari nang pumasok ang inyong mga Reverencia,” narinig nilang wika ng kagawad. “Sino po sa inyo si Padre Damaso?” kapagkaraka’y tanong ng KapitanHeneral na hindi man lang pinaupo ni kinumusta ang mga prayle. “May sakit po ang inyong lingkod, Kamahalan,” mapagpakumbabang 152 tugon ni Padre Salvi. “Naparito po kami sa inyo upang magbigay-galang at sa ngalan din po ng lingkod ng Inyong Kamahalan na nagkaroon ng kasawiang…” “Kung ang lahat ng lingkod ng Aking Kamahalan ay kagaya ng Reverencia ni Padre Damaso, minamabuti ko pong ako na rin ang maglingkod sa Aking Kamahalan,” patlang ng Kapitan-Heneral sa iba pang sasabihin ni Padre Salvi. “Magsiupo kayo,” pampalubagloob niya sa mga prayle. Pumasok si Maria Clara na akay ni Kapitan Tiyago. “Anak ba ninyo ang binibining ito?” pamanghang tanong ng Kapitan-Heneral. “At ng inyo pong Kamahalan, aking Heneral!” tugon ni Kapitan Tiyago. Pinasalamatan ng KapitanHeneral si Maria Clara sa pagpigil nito kay Ibarra sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Isusulat niya sa Hari ng España ang kapuri-puring inasal ng dalaga. “Bigyan ninyo ako ng pagkakataong ipakilala na ang katarungan ay di lamang marunong magparusa kundi marunong din namang gumantimpala at hindi palaging bulag,” pakiusap ng Kapitan. Ipinagbigay-alam ng kagawad ang pagdating ni Ibarra. “Ibig kong makausap nang sarilinan ang binatang iyan,” ang wika ng Kapitan-Heneral. “Kamahalan, nais po naming ipaalaala sa inyong si Ginoong Ibarra ay isang excomulgado,” pahayag ni Padre Salvi. “Hinahangad ko ang lubusang paggaling ni Padre Damaso,” hadlang agad ng Kapitan-Heneral. Nagsialis ang mga prayle na masama ang loob dahil sa malamig na pagtanggap sa kanila ng Kapitan- Heneral. At ang lahat ay dahil lamang kay Padre Damaso. Hindi inaasahan ni Ibarra ang magiliw na pagtanggap sa kaniya ng Kapitan-Heneral. Ikinasiya ng Kapitan-Heneral ang pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan. Hinahangaan din niya ang binata sa pagbibigay-dangal nito sa alaala ng magulang. Ipinangako rin ng KapitanHeneral na hihilingin niya sa Arsobispo na ibsan ang excomunion ni Ibarra. Nagkapalitan pa ng kuro-kuro at palagay ang dalawa. Lalong humanga ang Kapitan-Heneral sa isipan ni Ibarra gayon din sa pagbibitiw nito ng mga salita. “Ang inyong isipan at ang inyong napag-aralan ay di nababagay sa lupaing ito. Ipagbili ninyo ang lahat ng inyong mga ari-arian. Aalis ako sa loob ng isang buwan. Sumama kayo sa Europa,” alok ng Kapitan-Heneral. “Hiyang sa inyo ang singaw doon.” “Marami pong salamat. Ngunit ibig kong manirahan kung saan namuhay ang aking mga magulang.” 153 “Kayo ang unang lalaking nakausap ko sa lupaing ito!” buong paghangang nasabi ng Kapitan-Heneral. Sa pamamagitan ni Ibarra, nabatid ng Kapitan-Heneral na maaaring maging mabuting Español nang hindi kailangang iwaksi ang pagkamabuting Pilipino at pag-ibig sa bayan. “Sayang at ang binatang ito balang-araw ay…” nasabi pa sa sarili ng Kapitan-Heneral. Bago umalis, binating muli ng Kapitan-Heneral si Kapitan Tiyago hindi lamang sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak na dalaga, kundi dahil din sa kaniyang mamanugangin. “Ang pinakamabait na anak na babae ay siyang karapat-dapat makaisang-puso ng pinakamarangal na mamamayan sa Pilipinas. Kung kulang pa ang padrino, ibig kong maging isa pa sa mag-aanak,” pagmamagandang-loob ng Kapitan-Heneral. Isang “Opo, Ginoo” at nakaaawang ngiti ang itinugon ni Kapitan Tiyago. Hinanap ni Ibarra si Maria Clara dahil marami siyang sasabihin at ipagtatapat dito. Kumatok si Ibarra sa pinto ng isang silid na pinagmumulan ng masasayang tinig, ngunit hindi siya pinagbuksan. Sa halip, mahinang yabag papalapit sa pinto ang kaniyang narinig at ang pabulong na tinig ni Sinang. “Paroroon kami sa dulaan ngayong gabi. Isulat mo ang kailangang sabihin kay Maria Clara.” Takang-takang umalis si Ibarra. “Ano ang ibig sabihin nito?” naibulong niya sa sarili. Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa parirala sa bawat bilang. Gamitin ito sa sariling pangungusap. 1. kagalawad ng Kapitan-Heneral Kasingkahulugan: (utusan, kawal, tagapagsilbi, alalay) Pangungusap: _____________________________________________ 2. sa bulwagan nagtipon Kasingkahulugan: (silid, tanggapan, tanghalan, silid-pulungan) Pangungusap: _____________________________________________ 3. pampalubag-loob sa mga prayle Kasingkahulugan: (pagsidhi ng damdamin, pagbawas ng sama ng loob, pagbibigay, paggalang) Pangungusap: _____________________________________________ 4. ibsan ang excomunion Kasingkahulugan: (alisin, punan, bigyan, ipataw) Pangungusap: _____________________________________________ 5. malamig na pagtanggap Kasingkahulugan: (mainit, matamlay, mahusay, masigasig) Pangungusap: _____________________________________________ 154 Talakayin Natin 1. Bakit masama ang loob ng mga prayle sa Kapitan-Heneral? 2. Ano ang kapansin-pansin sa pag-uusap ng Kapitan-Heneral at ng mga prayle? Patunayan. 3. Talakayin ang pag-uusap ng Kapitan-Heneral at ni Ibarra. Bakit hinangaan ng Kapitan-Heneral si Ibarra? Paano ang pagtanggap ng KapitanHeneral kay Ibarra? Bakit hinikayat ng Kapitan-Heneral na sumama si Ibarra sa Europa? Ano ang maaaring ipakahulugan ng Kapitan-Heneral nang sinabi niya kay Ibarra na, “Kayo ang unang lalaking nakausap ko sa lupaing ito”? Ano-ano ang nadama ng KapitanHeneral sa pag-uusap nila ni Ibarra? 4. Bakit binati ng Kapitan-Heneral si Kapitan Tiyago sa pagkakaroon ng anak na gaya ni Maria Clara? 5. Ipaliwanag ang pahayag na, “Maaaring maging mabuting Español nang hindi kailangang iwaksi ang pagkamabuting Pilipino, at pag-ibig sa bayan.” 6. Ano ang maaaring pakahulugan ni Sinang nang pabulong nitong sinabi kay Ibarra na, “Paroroon kami sa dulaan ngayong gabi. Isulat mo ang kailangang sabihin kay Maria Clara.” Suriin at Gawin Natin 1. Batay sa iyong nabasa sa kabanata, ano ang pagkakilala mo sa KapitanHeneral? 2. Sa iyong palagay, bakit hindi naging maganda ang pagtanggap ng KapitanHeneral sa mga prayle? 3. Kung ikaw si Ibarra, tatanggapin mo ba ang alok ng Kapitan-Heneral na sumama sa kaniya sa Europa? Bakit? 4. Tama ba ang inasal ng Kapitan-Heneral sa mga prayle? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa katangian at gawain ng isang lider. 2. Pumili ng isang opisyal na hinahangaan. Maaaring lokal o pambansang opisyal. Talakayin ang naging paraan ng kaniyang pamumuno. 155 Kabanata 38 Ang Prusisyon Balik-sulyap Magaan ang loob ng Kapitan-Heneral kina Maria Clara at Ibarra. Nagpasalamat ang Kapitan-Heneral kay Maria Clara dahil sa pagkakapigil nito kay Ibarra sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Hinangaan naman ng Kapitan-Heneral si Ibarra sa mga pahayag ng binata na nagpapahiwatig ng katalinuhan, pagkamakabayan, at pagkamapagpakumbaba. Ngunit hinayang na hinayang ang Kapitan-Heneral kay Ibarra. Bakit? Lumabas sa simbahan kinagabihan ang ikaapat na prusisyon kasabay ng dupikal ng kampana at mga paputok. Lahat ng durungawan sa daraanan ng prusisyon ay naiilawan ng mga parol. Inanyayahan ng Kapitan ng bayan na sa kaniyang bahay manood ng prusisyon ang Kapitan-Heneral. Ngunit ibig ng Kapitan-Heneral na makinig ng loa kaya nanaog ito at naglakad na kasama sina Kapitan Tiyago, ang Alkalde, ang Alperes, at si Ibarra. Walang nagawa si Ibarra kundi ang sumunod sa Kapitan-Heneral bagama’t ang ibig niya ay sa bahay ni Kapitan Tiyago manood ng prusisyon. Doo’y inaasahan niyang matatagpuan loa – papuri sa banal na patrong santo siryales – mahabang kandelero agwasil – tagapangalaga ng kapayapaan (gaya ng pulis) 156 si Maria Clara na kasama ng kaniyang mga kaibigang dalaga; at sapagkat wala siyang magawa, umaasa pa rin siya na magkikita sila ng dalaga sa dulaan. Nangunguna ang guardia civil at mga maykapangyarihan sa bayan sa paghahawi ng daraanan patungo sa kubol na ipinatayo ng Kapitan ng bayan sa tapat ng kaniyang bahay. Sa kubol na ito bibigkasin ang loa para sa santong pintakasi. Maringal ang prusisyon na pinangungunahan ng mga siryales na pilak na kawad ng tatlong sakristan. Sumusunod dito ang mga guro at mag-aaral. Nasa likod nila ang mga batang may dalang makukulay na parol na sari-sari ang ayos. Naging kapuna-puna sa KapitanHeneral at kay Ibarra ang pamamalo ng agwasil at Tinyente sa mga nagsisiilaw upang huwag maputol ang linya. Pinapalo rin ang mga nagtatangkang umalis sa prusisyon. Sa mga mapagmasid, tulad ni Pilosopo Tasyo, kapansin-pansin ang mga gayak ng mga imahen. Nangunguna sa mga santo si San Juan Bautista na nasa lumang andas na kahoy. Sina San Francisco at Sta. Maria Magdalena ay nasa karo at naiilawan ng mga parol na bubog. Napakaganda ni Maria Magdalena. Nadaramtan ito ng burdadong damit na pinya at ang mga daliri’y puno ng singsing. Binabatak naman ng anim na kataong may katungkulan ang pintakasing si San Diego. Sa huli, ang Mahal na Birhen na pinangungunahan ng mga nakaabito. Nakasabit sa karo ng Birhen ang dalawang malapad na laso na hawak-hawak ng labindalawang sagala. Pagtapat ng karo sa kubol, nanggilalas ang lahat sa paglabas ng isang batang lalaking may pakpak, nakabota ng pangabayo, nakabanda, at nabibigkis sa baywang at nakasombrero nang may plumahe. May sumigaw na, “Ang Alkalde Mayor!” Ngunit hindi ito pinansin ng batang anghel. Buong gara niyang binigkas ang loa. Pagkatapos ng loa, nagpatuloy ang prusisyon. Natigil ang prusisyon pagtapat sa bahay nina Kapitan Tiyago. Lahat ay natahimik nang marinig ang tinig ni Maria Clara na umaawit ng Ave Maria ni Gonoud sa saliw ng sariling pagtugtog sa piyano. Damang-dama sa tinig ng dalaga ang matinding lumbay. Tila ito isang hinaing at hindi isang panalangin. Tumimo sa puso ni Ibarra Trivia Si Charles Gonoud ay isa sa pinakamahusay na kompositor ng France. Ang mga kilala sa likha niya ay Ave Maria, ang operang Faust, at Roméo et Juliette. Abito ng Pari Abito ng Madre ang damdamin ng awit ngunit natakot din siyang malaman ang dahilan ng gayong kalungkutan. Napatingin ang Kapitan-Heneral kay Ibarra. Naunawaan ng pinuno ang kalungkutan ng binata kaya inanyayahan niya itong saluhan siya sa hapunan upang pagusapan ang mga batang nawawala. nakaabito – nakadamit ng kasuotang ginagamit ng deboto sa isang partikular na santo o santa sagala – mga batang babaeng umiilaw sa prusisyon, nakaputi, at may koronang bulaklak sa ulo plumahe – balahibo ng ibon na nakadekorasyon sa sombrero 157 Talasalitaan: Palawakin Natin Buuin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Ayusin lamang ang mga letra at isulat ito sa patlang. _________________ NUOGT 1. Ginising ng dupikal ng kampana ang mga magsisimba. _________________ NAUTLG UAPPIR 2. Binigkas ng bata ang loa kay San Diego sa wikang Latin, Español, at Tagalog. _________________ NIGTUMN YUANULT 3. Nagpatayo ang Kapitan ng kubol na pagdarausan ng loa. _________________ TRAPON 4. Si San Diego ang pintakasing may piyesta sa araw na iyon. _________________ GLATANU 5. Nanggilalas ang lahat sa paglabas ng batang lalaking may pakpak. Talakayin Natin 1. Sa pamamagitan ng Events Organizer, ilahad ang mga pangyayari sa prusisyon. Simbahan Paglalarawan sa prusisyon Mga imahen Bahay ng Kapitan ng bayan (kubol) Bahay ni Kapitan Tiyago 2. Bakit atubiling sumama si Ibarra sa Kapitan-Heneral sa panonood ng prusisyon? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Paano napananatili ang maayos na daloy ng prusisyon? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Bakit nanggilalas ang mga tao sa pagsapit sa kubol? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 5. Ano ang nadama ni Ibarra nang marinig ang pag-awit ni Maria Clara? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 158 Suriin at Gawin Natin 1. Makatuwiran ba ang pamamaraan ng mga agwasil sa pagpapanatili ng kaayusan ng prusisyon? Pangatuwiranan. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay, bakit si Ibarra ang inanyayahang manood ng KapitanHeneral? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Bakit natakot si Ibarra na malaman ang dahilan ng kalungkutan ni Maria Clara? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng paraan ng pagkakaawit ni Maria Clara ng Ave Maria? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Isalaysay ang sariling karanasan tungkol sa pagsama sa isang prusisyon o makapanood nito. Ilahad ang mga puna tungkol dito. Kung hindi pa nakasama o nakapanood, maaaring interbyuhin ang isang kamag-aral o kakilala na nakadalo na sa isang prusisyon. Ibahagi sa klase ang kinalabasan ng interbyu. Karanasan/Gawain Puna Positibo o Negatibo 159 Kabanata 39 Si Doña Consolacion Balik-sulyap Sa prusisyon, kapansin-pansin ang diskriminasyon ng mga prayle. Ang mga paborito nilang santo ay magara ang kasuotan at ang gayak ng karo ay naiilawang mabuti. Sumama sa prusisyon ang matataas na pinuno at kilalang mamamayan. Ang iba ay nag-abang sa bintana ng kanilang bahay. Ngunit nasaan si Doña Consolacion? Nasaan nga ba ang paraluman ng guardia civil, si Doña Consolacion? Tulad ng nakagawian, siya ay nasa sala, nakaupo sa isang maluwang na silyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, pinagbawalan ng Alperes na lumabas ng bahay ang Doña. Sa yamot ng Doña, maaga pa’y ipinasara na niya ang mga bintana at pinakandaduhan ang mga pinto upang hindi marinig ang kasayahan sa labas. Nakamumuhi ang anyo ni Doña Consolacion. Nagngangalit sa kaniyang noo ang malaking ugat na waring dinadaluyan ng suka at apdo sa halip na dugo. Kulay talong ang kaniyang mga labi na sa tuwina’y may nakasupalpal na tabako. Nakasuot siya ng mumurahing pambahay at nakayayamot malasin. Alam ng Alperes na ang kaniyang asawa’y nakatatawang magbihis kaya nakahihiyang ipakita sa mga mahal na taong Español at nakaririwasang 160 tagalalawigan. Ngunit hindi gayon ang pagkakilala ni Doña Consolacion sa kaniyang sarili. Ang alam niya’y kaakit-akit siya, kilos-reyna, at magarang gumayak kaysa kay Maria Clara. Nag-iisa ang Doña kaya masusunod niya ang init ng ulo. Galit na galit siya at naghahanap ng mapagbubuntunan ng poot nang ubos-tindi at buong katampalasanan. Nasa bahay ng Alperes si Sisa nang gabing iyon. Hinuli ito sa paratang na panggugulo sa katahimikan. Naisipan ng baliw na awitin ang matatamis at malulungkot na kundimang natutuhan niya nang siya’y bata pa. Narinig ng Doña ang pag-awit ni Sisa kaya ipinatawag ito. Pumanhik si Sisa na hindi man lamang nagpugay sa Doña. Ikinagalit ito ni Doña Consolacion kaya dinukwang nito ang nakasabit na latigo ng asawa at, “Vamos, magcantar icau,” utos kay Sisa. Ugali ng Doña ang magpanggap na hindi siya marunong mag-Tagalog kaya inutal-utal niya ang pagsasalita nito para patunayang siya’y isang Oropea. “Sabihin mo sa babaeng ito na magkanta siya sa Tagalog,” utos ng Doña sa bantay dahil sa hindi siya maintindihan ni Sisa. Naintindihan ni Sisa ang bantay. Inawit niya ang “Kundiman ng Gabi.” Nang una’y nakangisi si Doña Consolacion ngunit unti-unti itong napalis. Waring tinablan siya sa awit. “Tigil! Nakahahapis sa akin ang kantang iyan.” Napansin ng Doña na nahantad sa bantay na siya’y marunong mag-Tagalog. Dahil sa pagkapahiya, hinarap nito si Sisa at hinutok ng latigo. “Baila, baila!” wika ng Doña kay Sisa. Naglulundag at nag-iindak siya upang gayahin ni Sisa. Ikinatuwa ni Sisa ang pag-indak na yaon ng Doña. Sa pagkapahiya, tumigil ang Doña at binalingan si Sisa. “Ngayon, ikaw naman ang sumayawsayaw!” Nilatigo ni Doña Consolacion si Sisa sa paa. Sa simula’y mahina at palakas nang palakas hanggang sa mabuwal ang baliw. Dalawang mariing palo sa likod ang nakapagpatindig kay Sisa. Nagisi ang manipis na baro nito at dumaloy ang dugo sa nabakbak na balat. Aliw na aliw si Doña Consolacion sa kaniyang kalapastanganan. Hindi niya namalayan ang pagdating ng Alperes gayong pasikad na binuksan nito ang pinto. Putlang-putla ang Alperes at nangangatal sa galit. Kitang-kita niya ang pangyayari at mabalasik na tinitigan ang asawa. Hindi siya kumikibo. “Ano ang nangyayari sa iyo?” tanong ng Doña. “Hindi ka man lamang nagmagandang gabi sa akin.” Sa halip na sumagot, tinawag ng Alperes ang bantay. “Dalhin mo ang baliw na ito,” ang utos nito. “Pabihisan mo siya kay Marta at gamutin. Pakanin siyang mabuti at bigyan ng mabuting hihigan. Ingatan siya at huwag lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.” Oropea – babaeng taga-Europa (European) napalis – naalis nangangatal – nanginginig (gaya ng tinig o katawan dahil sa ginaw, takot, galit, at iba pa) 161 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang letra ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang italisado. 1. Nagngangalit sa kaniyang noo ang malaking ugat. a. mapintog c. mataba b. nakausli d. kapansin-pansin 2. Nagpapanggap na Oropea ang Doña. a. umaarte c. nagsasanay b. nagkukunwari d. nagmamagaling 3. Naghahanap siya ng mapagbubuntunan ng galit. a. mapagbibigyan c. mapagdidiskitahan b. mapag-aalisan d. matatawag 4. Nakamumuhi ang anyo ng Doña. a. nakatatawa c. nakatutuwa b. nakaiinis d. nakawiwili 5. Nakahahapis ang awit ni Sisa. a. nakakabugnot c. nakaiinis b. nakalulungkot d. nakatatakot 6. Yamot na yamot ang Doña sa lahat ng nakikita. a. lungkot na lungkot c. alalang-alala b. bahalang-bahala d. inis na inis 7. Mabilis na dinukwang ng kawal ang nalaglag na panyo. a. inihagis c. pinunit b. inabot d. dinala 8. Nahantad sa lahat ang mga pangyayari. a. nabunyag c. naipagkaila b. nailagay d. naipaunawa 9. Mali ang paratang sa baliw. a. pagkakilala c. bintang b. tingin d. tanong 10. Umindak nang umindak si Sisa. a. tumawa nang tumawa c. lumundag nang lumundag b. gumalaw nang gumalaw d. sumayaw nang sumayaw 11. Pasikad na binuksan ng Alperes ang pinto. 162 a. padabog na sinipa c. paluhod na sinipa b. patadyak na sinipa d. paikot na sinipa Talakayin Natin 1. Ilarawan si Doña Consolacion. Isulat sa kasunod na dayagram ang sagot. Pisikal na kaanyuan: Ugali: Doña Consolacion Pagkakakilala ng iba: Pagkakakilala sa sarili: 2. Bakit kaya pinagbawalan ng Alperes na lumabas ng bahay ang Doña? 3. Ano ang dahilan at nag-uutal-utal sa pananagalog ang Doña? 4. Bakit napagbuntunan ng galit ng Doña si Sisa? 5. Ipaliwanag kung bakit nasa bahay ng Alperes si Sisa. 6. Tukuyin ang pagmamalupit na ginawa ng Doña kay Sisa. 7. Ano ang naging reaksiyon ng Alperes nang makita ang ginagawa ng Doña kay Sisa? Suriin at Gawin Natin 1. Tama bang pagbawalan ng Alperes na lumabas ng bahay ang asawa? Pangatuwiranan. 2. Sa iyong palagay, anong uri ng tao si Doña Consolacion? Ipaliwanag. 3. Dapat bang kapootan o kaawaan si Doña Consolacion? Pangatuwiranan. 4. Anong karapatang pantao ang nilabag ni Doña Consolacion? Bakit? 5. Sa iyong palagay, may kasalanan o may kinalaman ba ang Alperes sa naging pagkatao ng kaniyang asawa? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin Sa pamamagitan ng monologo, ipakita ang katauhan ni Doña Consolacion, Sisa, o ng Alperes. Iangkop sa kasarian ng mag-aaral ang magpapakita ng monologo. Ang paksa ay iikot lamang sa mga pangyayari sa kabanatang tinalakay. Mga isa hanggang dalawang minuto lamang ang laang panahon sa monologo. 163 Kabanata 40 Ang Karapatan at ang Lakas Balik-sulyap Lahat ay nagsaya sa araw ng piyesta ni San Diego maliban kay Doña Consolacion. Pinagbawalan siya ng Alperes na lumabas dahil sa nakahihiya niyang anyo at paguugali. Ang napagbuntunan ng Doña ng galit ay si Sisa na noon ay nakakulong sa bahay ng Alperes. May kinalaman kaya ang Alperes at ang kaniyang maybahay sa pagtatanghal ngayong gabi? Ikasampu ng gabi. Aliw na aliw ang mga tao sa panonood ng mga sinusuhang kuwitis na nagpapaningning sa kadiliman ng gabi. Patungo sa liwasan ang karamihan upang manood ng dula. Kausap noon ni Don Filipo si Pilosopo Tasyo. Si Don Filipo ang nangangasiwa sa pagpapalabas ng dula. “Ano ang gagawin ko? Hindi tinanggap ng Alkalde ang aking pagbibitiw. ‘Bakit, hindi ba kayo naniniwalang kaya ninyong gampanan ang inyong tungkulin?’ tanong niya sa akin.” “Ano ang isinagot ninyo?” “Ang lakas ng isang Tinyente Mayor kahit walang kakabu-kabuluhan ay kamukha rin ng sa kahit sinong sinusuhang – pagpapaningas 164 makapangyarihan. Ito’y nanggagaling sa itaas. Ang haring-hari ay tumanggap ng lakas sa bayan at ang bayan naman ay sa Diyos. Ang bagay pa namang ito ang wala sa akin,” ani Don Filipo. “Ayaw niyang makinig sa akin… pag-usapan na lang daw namin iyon pagkatapos ng piyesta.” “Gayon ba? Tulungan sana kayo ng Diyos,” sabi ni Pilosopo Tasyo. “Hindi kayo nanonood ng palabas?” “Salamat. Upang mangarap at gumawa ng kaululan ay sukat na ako sa aking sarili.” Naputol ang pag-uusap ng dalawa sa pagdating nina Maria Clara at ng kaniyang mga kaibigan. Inihatid sila ni Don Filipo sa kanilang upuan. Sumunod namang dumating si Padre Salvi, isang Pransiskano, at ilang Español. Sisimulan na ang palabas. Nakatuon ang pansin ng lahat sa tanghalan maliban kay Padre Salvi. Ang mga mata ng prayle ay nakapako kay Maria Clara na sa taglay na lungkot ay lalong tumingkad ang kagandahan. Magtatapos na ang unang bahagi ng pagtatanghal nang dumating si Ibarra. Umugong ang bulongbulungan at nabaling ang kanilang paningin kay Padre Salvi at Ibarra. Hindi ito pinansin ng binata. Malugod na bumati si Ibarra kina Maria Clara at panatag na naupo sa kanilang piling. Tumindig si Padre Salvi at lumapit kay Don Filipo upang hilingin sa Tinyente Mayor na paalisin si Ibarra sapagkat ito’y excomulgado. “Dinaramdam ko pong di ko kayo mapauunlakan,” tugon ni Don Filipo. “Isa sa nagbigay ng malaking abuloy si Ginoong Ibarra.” Ipinagpilitan ni Padre Salvi na nanganganib ang mga tao bagay na hindi naman sinang-ayunan ni Don Filipo. “Kailanman ay pinanagutan ko ang ano mang bagay na galing sa sarili kong kapasyahan… Ngunit ang munti kong kapangyarihan ay hindi magpapahintulot sa aking manghimasok sa mga bagay-bagay ng pananampalataya. Ang mga ayaw makasama si Ginoong Ibarra ay huwag siyang kausapin, hindi naman siya namimilit,” ani Don Filipo. “Kung hindi aalis si Ibarra, ako ang aalis,” pagbabanta ng Kura. Gayon na lamang ang pagsisisi niya dahil hindi siya pinigil ng kausap. Napilitang umalis si Padre Salvi kasama ng paring Pransiskano. Takang-taka si Ibarra lalo na nang sabihing kaya nagsialis ang mga pari ay dahil sa ayaw nilang makalapit ang isang excomulgado. “Bakit? Nabubuhay pa ba naman tayo sa Edad Media?” may pagtatakang tanong ni Ibarra. Tumindig at nagpaalam si Ibarra sa mga dalaga. Pinipigil siya ni Sinang ngunit nangako na lamang na siya’y babalik. Nag-ibayo ang bulungan nang umalis ang binata. Hindi pa natatagalang nakaalis si Ibarra nang dumating ang dalawang guardia civil na hinihiling na itigil na ang palabas sapagkat hindi makatulog ang Alperes at si Doña Consolacion. Hindi pumayag si Don Filipo sapagkat ang pagtatanghal ay may pahintulot ng Alkalde. Tinalikuran ni Don Filipo ang mga guardia civil na nagsialis naman. Matapos itanghal ang bahagi ng sarsuwela na totoong kinalugdan ng mga tao, lumabas sa entablado si Prinsipe Villardo na naghahamon sa mga Morong nagpiit sa kaniyang ama. Dito nagsimulang magkagulo ang mga tao. Nahinto ang pagtugtog ng musiko. Edad Media – panahong lumipas buhat sa dantaong V ng panahon ni Kristo hanggang sa taong 1453 na pagkakuha ng mga Turko sa Constantinople (ngayon ay Istanbul). sarsuwela – dulang musikal na naging popular sa dulo ng ika-19 dantaon, hango sa zarzuela ng España, at nagtatanghal ng mga bagay na tradisyonal sa Pilipinas entablado – tanghalan na pinagdarausan ng palatuntunan, dula, talumpati, at iba pa napiit – nabilanggo 165 Anupa’t laking kaguluhan ang nangyari. Nagkataon namang pabalik si Ibarra at hinahanap si Maria Clara. Nagsikapit kay Ibarra ang mga takot na dalaga samantalang panay naman ang pagdarasal ni Tiya Isabel. Nakita ng Tinyente si Ibarra at humingi ng tulong sa binata. Nagulumihanan ang binata at hindi malaman ang gagawin. Tatanggi sana siya ngunit malayo na ang Tinyente upang sumundo ng kuwadrilyero. Namataan ni Ibarra si Elias na noo’y nanonood sa nangyayari at waring hindi natitigatig. Nakiusap siya sa piloto. Nawala si Elias sa gitna ng maraming tao. Nagkaroon ng pagtatalo ngunit pagkuwa’y humupa kuwadrilyero – noong panahon ng Español, pulis na nakatalaga sa lalawigan mabanaagan – maaninaw, maanag-ag o maaninag ang ingay at unti-unting naghiwahiwalay ang mga tao at naghari ang katahimikan. Sa kabilang dako, hindi mapakali si Padre Salvi. Sising-sisi siya sa pagkakaalis sa dulaan. Pasilip-silip siya sa bintana at laging nakatanaw sa liwasan. Nang marinig niya ang kaguluhan at mabatid ang sanhi nito mula sa isang utusan, lumikot ang kaniyang guniguni. Nakikini-kinita niyang si Maria Clara’y walang malay sa mga bisig ni Ibarra at nawala sa dilim ang dalawa. Nagmamadaling nanaog si Padre Salvi na walang sombrero o baston. Wala nang tao sa dulaan. Patakbo niyang tinungo ang bahay ni Kapitan Tiyago. Para siyang nabunutan ng tinik nang mabanaagan niya sa nakapinid na bintana ang anino ni Maria Clara at ng Tiya Isabel nito. Dali-daling nagbalik sa kumbento si Padre Salvi na hindi pansin ang mga nakakasalubong. Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa kolum B ang kasingkahulugan ng mga salita sa kolum A. Isulat sa patlang ang letra ng wastong sagot. A _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ 166 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. gampanan nakatuon itanghal tumindig tumingkad nagulumihanan mapaunlakan nakapako nag-ibayo nabaling B a. b. c. d. e. f. g. h. i. j. nakatitig mapagbigyan nalipat naging masidhi nakatutok naguluhan gawin ipalabas tumayo nagningning Talakayin Natin 1. Tukuyin ang mga sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat ang sagot sa tsart na kasunod. Pagbibitiw Hiling ni Padre ni Don Filipo Salvi na paalisin sa katungkulan si Ibarra Pag-alis ng mga prayle sa dula Pagkakaroon ng kaguluhan sa dulaan Sanhi Bunga 2. Ano ang dahilan at tumanggi si Don Filipo na paalisin si Ibarra? 3. Ilarawan ang reaksiyon ng mga tao nang dumating si Ibarra. 4. Paano napahupa ang kaguluhan sa dulaan? 5. Bakit hindi mapakali si Padre Salvi nang siya ay bumalik ng kumbento? 6. Ano ang lalong nagpatindi sa pagkabalisa ni Padre Salvi nang malamang may kaguluhan sa dulaan? Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, bakit hindi tinanggap ng Alkalde ang pagbibitiw ni Don Filipo? 2. Makatuwiran bang paalisin ni Padre Salvi si Ibarra sa dulaan? Ipaliwanag. 3. Sang-ayon ka ba na hindi pinaalis ni Don Filipo si Ibarra sa dulaan? Ipaliwanag. 4. Kung ikaw si Ibarra, aalis ka rin ba matapos mong malaman na ikaw ang dahilan ng pag-alis ni Padre Salvi? Pangatuwiranan. 5. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata. Pagyamanin Natin Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang piyesta sa Pilipinas. Ano-ano ang paghahanda at gawaing ipinatutupad sa nasabing araw ng pagdiriwang? Iulat sa klase ang nasaliksik. 167 Kabanata 41 Dalawang Panauhin Balik-sulyap Naging marangya ang pagdiriwang ng araw ng piyesta ng San Diego. May misa at sermon sa araw, may prusisyon sa gabi, may mga paputok at mga kuwitis na sarisaring hugis at kulay. Nagkaroon ng pagtatanghal at dito nagmula ang kaguluhan. Paano nasawata ang gulo? Hindi makatulog si Ibarra kaya upang malibang, minabuti niyang gumawa sa kaniyang laboratoryo. Hindi nagtagal, isang utusan ang pumasok. “Ginoong Ibarra, may panauhin po kayong tagabukid,” ang pagbibigay-alam ng utusan. “Patuluyin mo,” ang utos ni Ibarra. Tumuloy ang sinasabing panauhin — si Elias na nanatiling hindi umiimik. “Kayo pala!” ang naibulalas ni Ibarra. “Ipagpaumanhin ninyong hindi ko kayo napuna agad dahil sa ginagawa kong mahalagang pagsubok.” “Hindi ko rin po ibig na kayo’y abalahin. Ibig kong malaman ninyo na ako’y pupunta ng Batangan. Baka may ipagbibilin kayo. Ipinaaalam ko rin sa 168 inyo na may sakit ang anak na dalaga ni Kapitan Tiyago,” malumanay na wika ni Elias. “Alam ba ninyo kung ano ang sakit niya?” ang tanong ni Ibarra. “Nilalagnat po. Ngayon, kung wala kayong ipagbibilin…” “Salamat, makarating sana kayong maluwalhati,” wika ni Ibarra. “Subalit may itatanong ako sa inyo na huwag ninyong sagutin kung hindi ninyo minamarapat. Paano ninyo nasawata ang kaguluhan kagabi?” ang tanong ni Ibarra na nakatitig sa kausap. “Simple lang po,” banayad na tugon ni Elias. “Ang nagpasimuno ng gulo ay magkapatid na anak ng lalaking napatay sa palo ng guardia civil. Nailigtas ko sila sa kamay ng pumaslang sa kanilang ama, kaya kapwa sila tumatanaw ng utang na loob sa akin. Pinagbigyan po nila ang aking pakiusap.” “Ano ang kahihinatnan ng dalawang anak ng lalaking pinatay sa palo?” “Papatayin din po silang tulad ng kanilang ama,” marahang tugon ni Elias at nang hindi umiimik si Ibarra ay nagpaalam na ito. Nakaramdam ng lungkot si Ibarra pagkaalis ni Elias. Sinisi niya ang sarili sa pagkakasakit ng kaniyang katipan. “A…ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkasakit. Ako ang dapat sisihin…ako!” Nagbihis siya at nanaog. Nasalubong niya ang isang maliit na lalaking may malaking peklat sa kaliwang pisngi. “Señor Ibarra, ako po si Lucas,” ang pagpapakilala ng lalaki, “ang kapatid ng taong namatay kahapon.” “Nakikiramay po ako.” Nanghihingi ito ng kabayaran para sa yumaong kapatid. “Ibig ko pong malaman kung magkano ang inyong ibabayad?” ang tanong ng lalaki. “Ibabayad?” ang pagkayamot na ulit ni Ibarra. “Nagmamadali ako ngayon, saka na natin pag-usapan iyan. Bumalik kayo mamayang hapon.” “Wala kayong panahon, Ginoo? Wala kayong panahon para sa patay?” ang painsultong tanong nito. “Magbalik kayo mamayang hapon. Kailangan kong dumalaw sa isang may sakit,” ang may pagtitimping paliwanag ni Ibarra. “A, dahil sa isang may sakit ay nalilimutan ninyo ang mga patay. Dahil ba sa kami’y mahirap…” “Huwag ninyong ubusin ang aking pasyensiya,” at nagmadaling nagpatuloy sa paglakad si Ibarra. “Apo ka nga ng taong nagpabilad sa araw sa aking ama! May dugo ka ngang gaya ng sa kaniya. Ngunit, kung mabuti kang magbayad, magkaibigan tayo!” ang bulong ni Lucas sa sarili. Trivia Batangan – Diyalekto na tinatawag na Tagalog Batangas. Maaari rin itong maging diyalekto sa ilang bahagi ng Quezon, Laguna, at Mindoro. Sinasabing makikilala ang diyalektong ito dahil sa punto nito at ang bokabularyo at gramatika ay halos katulad sa estilo ng matandang Tagalog. Hindi nakaugalian sa kolokyal na Batangan na magsalita ng Taglish o kaya’y gumamit ng mga salitang Ingles sapagkat ito ay nakaugnay sa Tagalog Maynila. Halimbawa: Istandard: Kain Batangan: Kain Pagkakabanghay: Istandard: Kumakain Kumakain ang bisita. Batangan: Nakain Nakain na ba ang bisita? Nakatutuwa ang pagkakabanghay ng pandiwa, ang magiging kahulugan na ay, “Kung kumain na ba ang bisita.” 169 Talasalitaan: Palawakin Natin Ayusin ang mga letra sa loob ng panaklong upang mabuo ang salita na kailangan sa pangungusap. (pinakat) 1. Sinisi ni Ibarra ang kaniyang sarili sa pagkakasakit ng kaniyang __________________. (uniallasb) 2. _________________ ni Ibarra ang tinitimping galit dahil sa pagkakasagot sa kaniya ng kapatid ng taong namatay. (aawasatn) 3. Pinagtakhan ni Ibarra kung paano ________________ ang gulo. (alsangupm) 4. Muntik nang mapatay ang dalawang lalaki ng guardia civil na _________________ sa kanilang ama. (tyolaarobro) 5. Upang malibang, minabuti ni Ibarrang gumawa sa kaniyang __________________. Talakayin Natin 1. Bakit hindi makatulog si Ibarra? Ano ang kaniyang ginawa upang malibang? 2. Suriin ang pagpunta ng dalawang panauhin kay Ibarra. Punan ang dayagram ng hinihinging kasagutan. 3. Paano napigil ni Elias ang kaguluhan sa dulaan? 4. Bakit lubos na nabahala si Ibarra sa ikinuwento ni Elias? 5. Ano ang ibig ipakahulugan ni Lucas sa kaniyang sinabing, “Kung mabuti kang magbayad ay magkaibigan tayo”? 170 Suriin at Gawin Natin 1. Suriin ang pagkatao ng mga tauhan sa kabanata. Gawin ang tsart sa ibaba. 2. Kung ikaw si Ibarra, maiinis ka rin ba kay Lucas? Bakit? 3. Tama ba ang sinabi ni Lucas kay Ibarra? Pangatuwiranan. 4. Sa iyong palagay, may pananagutan ba si Ibarra sa pagkamatay ng Taong Madilaw? Pangatuwiranan. 5. Ano ang ipinahihiwatig ng paglapit ni Lucas kay Ibarra maliban pa sa paghingi ng salapi sa pagkamatay ng kapatid, ang Taong Madilaw? Pagyamanin Natin 1. Mag-interbyu ng isang abogado kung may karapatan sa bayad-pinsala ang pamilya ng isang manggagawa na ang kaso ay katulad sa Taong Madilaw na tinukoy sa kabanata. 2. Magkaroon ng pagsasadula ng isang paglilitis sa loob ng hukuman na kahawig ng nangyari sa Taong Madilaw. Maaaring ang lilitisin ay si Ibarra. 3. Gawin ang teknik na In the Mirror, sa katauhan ng isang taong nakakulong ngunit wala namang kasalanan. 171 Kabanata 42 Ang Mag-asawang de Espadaña Balik-sulyap Nagkaroon ng dalawang panauhin si Ibarra — sina Elias at Lucas na magkaiba ang pakay. Si Elias, upang sabihing magtutungo siya sa Batangan at ibinalitang may sakit si Maria Clara; si Lucas, upang humingi ng kabayaran sa pagkamatay ng Taong Madilaw na kaniyang kapatid. Si Maria Clara man ay may tatlong panauhin. Sino-sino sila? Naghahari ang kalungkutan sa tahanan ni Kapitan Tiyago dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Nakasara lahat ng bintana. Nakatiyad kung lumakad ang mga tao at sa kusina lamang maaaring makapag-usap nang malakas. Pinag-uusapan nina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel kung aling santo ang dapat nilang abuluyan — ang Krus sa Tunasan na lumalaki o ang Krus sa Matahong na nagpapawis para sa madaling paggaling ni Maria Clara. Minabuti ni Kapitan Tiyago ang mag-abuloy sa dalawang krus para walang hinanakitan. Sa tahanan nina Kapitan Tiyago tutuloy sina Dr. Tiburcio de Espadaña at ang maybahay niyang si Doktora Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña. Kasama nila si Don Alfonso Linares de Espadaña, pamangkin ni Don Tiburcio. 172 Si Doña Victorina ay isang ginang na may apatnapung taong gulang ngunit kung ipamarali niya ay tatlumpu’t dalawang taon lamang siya. Maganda siya noong kaniyang kabataan — ayon din sa kaniya — kaya hindi niya pinansin ang maraming Pilipinong nanligaw sa kaniya. Umasa siyang makatatagpo ng dayuhang kasuyo. Pinalipas niya ang una, ikalawa, ikatlo, at ikaapat niyang kabataan. Sa kasamaang-palad, wala siyang nahuli sa kaniyang lambat. Subalit, bago nahuli ang lahat, nakilala niya si Don Tiburcio na isang Español. Si Don Tiburcio ay isang binatang Español na tatlumpu’t limang taong gulang ngunit matanda pang tingnan kay Doña Victorina. Naglakbay siya sa Pilipinas bilang mababang kawani ng adwana. Minalas siya na mabalian ng paa samantalang naglalakbay sa Bapor Salvadora. Natiwalag siya sa tungkulin ngunit ayaw na niyang bumalik sa España hanggang wala siyang natitipon. Isa pa’y nadala na siya sa buhay sa dagat. Kahit mahirap, si Don Tiburcio ay marangal kaya nahihiya siya sa pakikikain at sa halip na tumaba ay nangalirang. Wala siyang salapi, wala siyang natapos, ni wala siyang taglay na mga tagubilin. Napilitan siyang maghanapbuhay. Sa payo ng iba, nagtungo siya sa lalawigan at nagpanggap na doktor. Dati siyang nagtatrabaho sa ospital. Ngunit nakarating sa mga awtoridad ang kaniyang pagpapanggap, gayon din sa taong-bayan kaya nawalan siya ng pasyente. Halos magpalimos si Don Tiburcio upang mabuhay. Nang mabalitaan niyang isang mayamang babae ang naghahanap ng mapapangasawa, nabuhayan siya ng pag-asa. Ipinakiusap ng binata na siya’y ipakilala sa nasabing dalaga. Pagkaraan ng kalahating oras na pag-uusap, nagkasundo ang dalawa at nagpakasal. Pangarap ni Doña Victorina na makatagpo ng isang Español na di-gaanong pilay, digaanong utal, di-gaanong kalbo, digaanong lupaypay, at di tumatalsik ang laway kung magsalita kundi isang makisig at tanyag na binata. Ngunit ang ganitong uri ng Español ay hindi lumapit sa kaniya kailanman. Nabihisan nang maayos si Don Tiburcio. Labis na ikinasiya ng Doña ang pagmamahal at pangangalaga sa kaniya ng Don. Kaya ipinagpatahi niya ito ng mga kasuotan sa mga tanyag na sastre sa Maynila; gayundin ng magandang pustiso ng ngipin. Hindi rin nakaligtaan ni Doña Victorina ang kaniyang sarili. Gumamit siya ng kasuotang Europea at pati ayos ng kaniyang buhok ay isinunod niya sa ayos ng mga Española. Bilang pagbibigay-karangalan sa pangalan niya, dinagdagan ni Doña Victorina ng isang de ang apelyido ng kaniyang asawa kaya kung lumagda siya ay ganito: “Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña. Ang paggamit ng de ay isang kaugaliang Español na ang babaeng may-asawa ay isinasama ang apelyido sa apelyido ng lalaki. Pinagigitnaan ang pangalang ito ng de gaya ng Victorina de los Reyes de de Espadaña. Hindi naglaon, ipinalagay ng Doña na siya’y nagdadalantao kaya maglalakbay silang mag-asawa sa España. Ayaw niyang sa Pilipinas magsilang upang hindi matawag na revolucionario ang kaniyang anak. Hindi natuloy ang paglalakbay sapagkat talaga namang wala nang pag-asang magkaanak pa ang Doña. Sa hangad ni Doña Victorinang matawag na doktora, pinilit niya si adwana – noong panahon ng Español, sangay ng pamahalaan na naniningil ng buwis para sa iniaangkat at iniluluwas na kalakal at kargamento nangalirang – labis na kapayatan revolucionario – subersibo pildoras – maliit na tabletas mabuway – panghihina; kawalang katatagan 173 Don Tiburcio na magpanggap na isang doktor. Naging sunod-sunuran si Don Tiburcio sa asawa dahil ito ang may salapi. Pag nagalit sa kaniya ang Doña, nilalabnot nito ang kaniyang pustiso. Hahayaan siyang mahumpak ang mga pisngi ng isa o ilang araw. Tungkol naman kay Linares, siya’y pamangkin ni Don Tiburcio. Noong nagbabalak maglakbay sa España, naisip ni Doña Victorinang kumuha ng tagapamahalang Español ng kanilang ari-arian dahil wala siyang tiwala sa mga Pilipino. Naalala ni Don Tiburcio ang pamangkin niyang si Linares na nag-aaral ng abogasya sa Madrid. Ang binatang ito ang itinuturing na pinakamatalino sa kanilang angkan. Sinulatan nila si Linares at bago nabatid ng Doña na hindi siya magkakaanak ay nasa paglalayag na ang binata. Ang mga nabanggit ang tatlong panauhin ni Kapitan Tiyago. Trivia Ang Duke ay isang miyembro ng dugong bughaw na may tungkulin na mas mababa sa monarka, may kapangyarihang mamuno. Ang katungkulan ay nagmula sa salitang Latin na Dux Bellorum, isang salita na noong panahon ng Unang Romano ay ginagamit upang maglarawan ng mga katutubong lider na Germanic at Celtic War. Noong Gitnang Panahon, ang katungkulan ay nagpapahayag na kauna-unahang Monarkang Germanic. Ang mga Duke ang makapangyarihan sa mga lalawigan at superyor sa mga konte sa mga lungsod, hindi lumaon, sa feudal na Monarka, ito ang pinakamataas na kaagapay ng mga Hari. 174 Dumating si Padre Salvi kina Kapitan Tiyago habang sila ay nagaagahan. Ipinakilala ng Doña si Linares na kakambal ang lahat ng titulo. Ipinagyabang ni Doña Victorina na sa Madrid, si Linares ay kaibigan ng mga kinatawan ng bansa at duke. Inalam ni Linares kay Padre Salvi kung malapit lamang doon ang bahay ni Padre Damaso dahil may dadalhin siyang liham sa pari. Magtatapos na ang agahan nang magyaya si Doña Victorina na tingnan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Pumasok sila sa silid ng maysakit. May kadiliman ang silid. Nasa tabi ni Maria Clara ang dalawang kaibigan at si Andeng. Pinulsuhan ni Don Tiburcio ang dalaga, tiningnan ang dila, nagtanong ng ilang bagay at iiling-iling na nagsabing, “Ma-may-may sakit, ngunit maaaring mapagaling.” Ipinagbilin ni Dr. de Espadaña na sa umaga’y painumin ang maysakit ng liquien na may gatas, jarabe de altea, at dalawang pildoras de cinoglosa. Ganoon na lamang ang pagmamalaki ni Doña Victorina sa asawa. Ipinakilala ng Doña si Linares kay Maria Clara. Napansin ni Padre Salvi ang paghanga ni Linares kay Maria Clara. Dumating si Padre Damaso na malungkot at maputla. Kagagaling lang din niya sa sakit at ang unang dinalaw ay si Maria Clara. Iba na siya ngayon. Hindi tulad ng dating masalita at malusog. Wala na siyang imik at waring mabuway na sa paglakad. Talasalitaan: Palawakin Natin A. Buuin ang krossalita sa pamamagitan ng pagtukoy sa salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. 4 1 2 3 5 1. Naghari ang kalungkutan sa tahanan ni Kapitan Tiyago dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. 2. Madalas ipamarali ni Doña Victorina na siya ay tatlumpu’t dalawang taon lamang. 3. Si Don Tiburcio ay natiwalag sa tungkulin dahil sa aksidenteng pagkabali ng paa. 4. Hindi naglaon ay ipinalagay ni Doña Victorina na siya ay nagdadalantao. 5. Humpak ang pisngi kapag walang ngipin. B. Bilugan ang letra ng wastong kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pahayag. 1. Sa kasamaang-palad, hindi siya nagtagumpay sa ibig niyang gawin. a. hindi inaasahan c. hindi magandang pangyayari b. hindi napag-isipan d. hindi nakasunod 2. Walang naibigay na mga tagubilin si Don Tiburcio de Espadaña. a. habilin c. kapangyarihan b. paalala d. gagawin 3. Isang mababang kawani sa adwana si Don Tiburcio de Espadaña. a. superbisor c. empleyado b. administrador d. tagapamatnubay 4. Walang imik si Don Tiburcio kapag nagsasalita na ang asawa. a. hindi nakikinig c. hindi tumitingin b. hindi iniintindi d. hindi nagsasalita 5. Kapag nagalit sa asawa si Doña Victorina, nilalabnot ang pustiso nito. a. hinihila c. dinudukot b. binabasag d. tinatanggal 175 Talakayin Natin 1. Kilalanin ang mag-asawang de Espadaña. Katangiang Pisikal: Ugali: Pinagdaanan: Paano nagkatuluyan? Katangiang Pisikal: Ugali: Pinagdaanan: Paano nagkatuluyan? Doña Victorina Don Tiburcio 2. Ano ang naging balak gawin ni Kapitan Tiyago upang mapadali ang paggaling ni Maria Clara? 3. Bakit ibig ni Doña Victorina na magpanggap na doktor ang asawa? 4. Ipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang pagmamalaki ni Doña Victorina sa kaniyang asawa. 5. Ilarawan at ipaliwanag ang hitsura ni Padre Damaso nang dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago. 176 Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, may bisa ba ang balak ni Kapitan Tiyago upang mapagaling si Maria Clara? Ipaliwanag. 2. Bakit kaya kinakayan-kayanan lamang ni Doña Victorina ang asawa? Patunayan. 3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Don Tiburcio, magpapanggap ka rin bang doktor? Bakit? 4. Batay sa takbo ng mga pangyayari sa kabanata, ano ang pagkatao ni Doña Victorina? 5. Paano nagkakatulad sina Kapitan Tiyago at Doña Victorina? Pagyamanin Natin 1. Sumulat ng isang komposisyon na maglalahad kung paano magiging tapat ang isang mamamayan sa kaniyang bayan. ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ _________________________________________________ 2. Magsaliksik tungkol sa batas na nagbibigay ng parusa sa mga taong nagpapanggap tulad ng pagiging doktor. 177 Kabanata 43 Mga Panukala Balik-sulyap Tumuloy kina Kapitan Tiyago ang mag-asawang Don Tiburcio at Doña Victorina de Espadaña upang gamutin si Maria Clara. Kasama nila si Linares, ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio. Ano ang magiging kaugnayan ng binatang ito sa anak na dalaga ni Kapitan Tiyago? Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa may sakit. Hinawakan niya ang kamay ni Maria Clara at lumuluhang nagwikang, “Maria, anak ko, hindi ka mamamatay!” Tunay na nakabagbag sa puso ng prayle ang anyo ni Maria Clara. Walang sino mang nakakikilala kay Padre Damaso ang mag-aakalang siya pala’y may malambot na kalooban sa likod ng kaniyang anyong magaspang at bulgar. “Talagang napakamahal sa kaniya ang kaniyang inaanak,” ang naisaloob ng lahat. Nagtungo sa balkon ang Kura. At doon sa ilalim ng mga balag, para siyang isang batang nag-iiiyak. Nang matiwasay na ang Kura, lumapit si Doña Victorina upang ipakilala si Linares. Tiningnan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa si Linares bago kinuha ang sulat na iniaabot sa kaniya ng binata. Waring hindi niya nauunawaan ang 178 binasang liham kaya nagtanong ng, “Sino kayo?” “Ako po ang inaanak ng inyong bayaw na si Carlicos.” Tuwang-tuwa si Padre Damaso nang malamang si Linares ay inaanak ng kaniyang bayaw. “Hindi pa naglalaong tumanggap ako ng sulat buhat kay Carlicos. Hindi kita nakilala. Hindi ka pa ipinanganganak nang ako ay umalis ng España.” Niyakap ni Padre Damaso nang buong higpit ang binata. Lalo pa itong natuwa nang malamang tapos ng abogasya si Linares. “Isa kang manananggol! Hindi ko akalain. Wala sa ayos mo — para kang mahinhing babae.” Nagyao’t dito si Padre Damaso na bumubulong, “Isang asawa, isang asawa!” Ang mukha niya’y hindi malungkot ni masaya. Pormal na pormal at waring nag-iisip. “Halika, kakausapin natin si Santiago.” Namutla si Linares ngunit sumunod din kay Padre Damaso. Si Padre Salvi naman ang humalili sa pagyayao’t dito na nag-iisip nang siya’y pukawin ng pagmamagandang araw ni Lucas. “Padre, kapatid po ako ng namatay noong piyesta.” Pinilit nitong magiyak-iyakan habang isinasalaysay ang ginawa sa kaniya ni Ibarra. Sinipa raw siya ni Ibarra at sinabing hindi siya magbabayad sapagkat nanganib din ang buhay niya sa kagagawan ng kapatid nito. “Nagbalik po ako kahapon para kausapin siya ngunit nakaluwas na siya ng Maynila. Nag-iwan siya para sa akin ng limandaang piso at huwag na raw akong babalik kailanman! A, Padre, limandaang piso para sa kawawa kong kapatid, limandaang piso! A, Padre —” “Ano ngayon ang ibig mo?” paalipustang tanong ni Padre Salvi nang mahalata ang pagkukunwari ni Lucas. “Sabihin po ninyo kung ano ang nararapat kong gawin! Ang mga prayle ay laging nagbibigay ng mabubuting payo.” “Sino ang may sabi sa iyo? Hindi ka tagarito.” “Kilala po kayo, Padre, sa buong lalawigan!” Nandidilat na lumapit si Padre Salvi kay Lucas sabay turo sa lansangan. “Lumayas ka rito! Umuwi ka na. Magpasalamat ka kay Don Crisostomo Ibarra dahil hindi ka ipinabilanggo.” Nakalimutan ni Lucas ang kaniyang pagkukunwari at marahang nagwika, “Ang akala ko po’y — maaari po bang makausap si Padre Damaso?” Lalong nanggalaiti si Padre Salvi at nanginginig na ipinagtabuyan si Lucas. “Lumayas ka rito!” Bubulong-bulong na nanaog si Lucas. “Ang taong ito’y tulad din ng isang…kapag hindi nagbayad nang mabuti…Ang magbayad nang lalong mabuti ay…” Naglabasan ang lahat nang marinig ang pagsigaw ni Padre Salvi. “Isang nagpapalimos na ayaw magbatak ng buto,” paliwanag ng Kura sabay kuha ng baston at sombrero upang bumalik na sa kumbento. 179 Talasalitaan: Palawakin Natin Isulat sa patlang kung magkasalungat o magkasingkahulugan ang mga salitang nasa loob ng panaklong na ang unang salita ay ginamit sa pangungusap. ____________________ 1. Tunay na nakabagbag sa puso ng prayle ang anyo ni Maria Clara. (nakabagbag – nakapagalala) ____________________ 2. Walang mag-aakalang sa likod ng magaspang na ugali ni Padre Damaso ay may malambot na kalooban din siya. (magaspang – masama) ____________________ 3. Matiwasay na ang kalooban ng Kura nang ito ay humarap sa tao. (matiwasay – mapayapa) ____________________ 4. Pinukaw si Padre Salvi nang pagdating ni Lucas. (pinukaw – nahimbing) ____________________ 5. Lalong nanggalaiti si Padre Salvi kay Lucas. (nanggalaiti – naaliw) Talakayin Natin 1. Ano ang mga dahilan at inisip ng mga taong nakapaligid kay Padre Damaso na siya ay may mabuting kalooban? 2. Ipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang pagkakaiyak ni Padre Damaso sa kalagayan ni Maria Clara. 3. Bakit tuwang-tuwa si Padre Damaso nang makilala si Linares? 4. Ano ang ibig ipakahulugan ng sumusunod na sitwasyon? Sitwasyon 1. Pagluha ni Padre Damaso dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara 2. Pagnanais ni Padre Damaso na kausapin si Kapitan Tiyago kasama si Linares 3. Paglapit ni Lucas kay Padre Salvi 4. Pabulong na winika ni Lucas na, “Ang taong ito’y tulad din ng isang… kapag hindi nagbayad nang mabuti… Ang magbayad nang lalong mabuti ay…” 5. Paghahanap ni Lucas kay Padre Damaso pagkatapos kausapin si Padre Salvi Pagpapakahulugan 5. Bakit kinausap ni Lucas si Padre Salvi? 6. Ano ang maaaring nilalaman ng sulat na dala ni Linares? 180 Suriin at Gawin Natin 1. Ano ang pagkatao ng sumusunod na tauhan? Ilarawan sila bilang patunay. Tauhan a. Padre Damaso b. Linares c. Lucas d. Padre Salvi Patunay 2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Padre Salvi kay Lucas? Patunayan. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 3. Isa-isahin ang kaugaliang Pilipino na ipinakita sa binasang kabanata. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay, bakit “Mga Panukala” ang pamagat ng kabanatang ito? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Magkaroon ng debate tungkol sa paksang, “Dapat Ba o Hindi Dapat Ipagkasundo ng Magulang ang Anak sa Anak ng Kaibigan o Kakilala?” 181 Kabanata 44 Paggugunam-gunam ng Kasalanan Balik-sulyap May kaniya-kaniyang balak sina Padre Damaso, Padre Salvi, at Lucas — mga balak na pawang magdudulot ng kapighatian sa magkasintahang Ibarra at Maria Clara. Dahil sa tindi ng suliranin, nagkasakit ang dalaga. Ano kaya ang makapagpapagaling sa kaniya? Nabinat si Maria Clara pagkatapos mangumpisal. Sa kaniyang pagkahibang ay walang laging nasasambit ang dalaga kundi ang inang hindi nakilala. Lahat na ay ginawa upang gumaling siya. Nagpamisa at naglimos si Kapitan Tiyago sa lahat ng mapaghimalang santo. Nangako rin siyang hahandugan ng tungkod na ginto ang Birhen ng Antipolo upang bumaba ang lagnat ng anak. Patuloy ang pagpapainom ng jarabe de altea at liquien ni Dr. de Espadaña. Tuwangtuwa sa asawa si Doña Victorina nang tumighaw ang sakit ni Maria Clara. Kahit natatapakan ng Don ang buntot ng kaniyang saya ay hindi niya ito nilalabnutan ng pustiso. Isang hapon, habang nagmiminindal, pinag-uusapan ang pagkakalipat ni Padre Damaso sa Tayabas. 182 “Magdaramdam nito si Maria kapag nalaman niya sapagkat minamahal niya itong tulad ng isang ama,” ang wika ni Kapitan Tiyago. Sinulyapan siya ni Padre Salvi. Pinagtalunan sa hapag-kainan kung ano ang nakapagpatighaw sa malubhang karamdaman ni Maria Clara. “Kung hindi dahil sa amin, nasa langit na sana si Clarita at nagpupuri sa Diyos,” sabad ni Doña Victorina. “Ang busilak na kalooban ay higit na mabisa kaysa kung ano-anong gamot,” tutol ni Padre Salvi. “Hindi ko tinatawaran ang siyensiya, lalo na ang pagtistis, ngunit sinasabi sa banal na aklat na marami ang gumaling dahil sa pangungumpisal.” Iminungkahi ni Padre Salvi na mangumpisal na muli si Maria Clara sa gabing iyon ng kahit pinakamaliit niyang kasalanan. Mapadadali raw ang paggaling ng dalaga. “Ang lalong mainam ay makinabang siya bukas. Hahatdan ko siya ng viatico para mapadali ang kaniyang paggaling,” wika ng prayle. Samantala, sa silid ng maysakit, binabantayan si Maria Clara ng dalawa niyang kaibigan. Pinakain siya ni Sinang ng isang puting pildoras na kinuha sa isang bumbong na kristal at nagwikang, “Itigil na ang gamot pag ikaw ay namingi na.” “Sumulat ba siya uli?” ang tanong ng maysakit. “Marahil marami siyang ginagawa dahil nilalakad niya sa Obispo na maalis ang kaniyang excomunion,” aliw ni Sinang sa kaibigan. Natigil ang pag-uusap dahil sa pagpasok ni Tiya Isabel upang sabihing kukumpisaling muli ang dalaga nang gabing iyon. “Umalis muna kayo upang siya’y makapaggunam-gunam ng kaniyang mga kasalanan,” baling kay Sinang. Bumaling si Maria Clara kay Sinang na papaalis na. “Sulatan mo siya at sabihing limutin na ako.” Hindi na naunawaan ni Sinang ang ibig sabihin ni Maria Clara dahil sa papasok si Tiya Isabel upang tumulong sa paggugunam-gunam nito. Nagtulos si Tiya Isabel ng isang malaking kandila para sa Birhen ng Antipolo at dalawang maliit sa Nuestra Señora del Rosario at Nuestra Señora del Pilar. Trivia Nuestra Señora del Rosario ang patron sa simbahan ng Sto. Domingo; ang piyesta niya’y tinatawag na La Naval.; Ang birhen na ito ang nag-aangkin ng mahalagang hiyas na umaabot sa mahigit sa isang angaw (milyon) na piso. Nuestra Señora del Pilar ang patron ng simbahan ng Sta. Cruz, Maynila. Nasira ang simbahang ito noong lindol ng 1863. Nahulog ang birhen sa kinalalagyan ngunit hindi nasira gayong ito’y yari sa bato. Ang lupang kinabagsakan ay lumundo nang malaki dahil sa lakas ng pagkabagsak at sa bigat ng larawan. Matagal inabot ang pangungumpisal. Buhat sa malayo’y nagbabantay si Tiya Isabel. Napansin ng matandang babae na sa halip manainga si Padre Salvi sa sinasabi ng maysakit, hinarap ng Kura ang dalaga at tila ibig basahin sa magagandang mata ang mga iniisip nito. Pagkatapos ng kumpisal, mapapansing lumabas ng silid ang prayle na pigta ng pawis ang kunot na noo. Sa kaniyang anyo’y waring siya ang nangumpisal na hindi nagkamit ng kapatawaran. viatico (viaticum) – sa Katoliko Romano, komunyon na ibinibigay sa tao na malapit nang mamatay bumbong – sisidlan ng gamot at maliliit na importanteng bagay 183 Talasalitaan: Palawakin Natin Bigyang-kahulugan ang mga salitang italisado sa bawat bilang. Gamitin sa sariling pangungusap pagkatapos. 1. Kailangan ang tamang paggugunam-gunam ng mga kasalanan bago mangumpisal. Kahulugan: _____________________________________________ Pangungusap: _____________________________________________ _____________________________________________ 2. Ang malinis na budhi ay nakapagpapatighaw ng sakit. _____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: _____________________________________________ _____________________________________________ 3. Mas mabisa ang busilak na kalooban kaysa gamot. _____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: _____________________________________________ _____________________________________________ 4. Hahatiran ni Padre Salvi ng viatico si Maria Clara upang gumaling agad. _____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: _____________________________________________ _____________________________________________ 5. Lagi nang nasasambit ang inang hindi nakilala. _____________________________________________ Kahulugan: Pangungusap: _____________________________________________ _____________________________________________ Talakayin Natin 1. Isa-isahin ang paraang ginawa ni Kapitan Tiyago upang mapagaling si Maria Clara? 184 2. Itala ang mga paniniwala na magpapagaling kay Maria Clara. Ipaliwanag. 3. Paano inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara para sa pangungumpisal? 4. Bakit ganoon na lamang ang hitsura ni Padre Salvi nang ito ay natapos magpakumpisal? Suriin at Gawin Natin 1. Ano ang ibig ipahiwatig ni Maria Clara nang sabihin niya kay Sinang na, “Sulatan mo siya at sabihing limutin na ako”? 2. Sa iyong palagay, ano ang magpapagaling kay Maria Clara? Bakit? 3. Kung ikaw si Maria Clara, ipasasabi mo rin ba kay Ibarra na limutin ka na? Ipaliwanag. 4. Kung ikaw si Tiya Isabel, ano ang magiging reaksiyon mo sa nakita mong pamamaraan ng pagpapakumpisal ni Padre Salvi? 5. Pag-iisipan mo ba nang masama si Padre Salvi nang ito ay lumabas ng silid na pawis na pawis ang kunot na noo? Bakit? Pagyamanin Natin Sa loob ng dalawang minuto, magsalaysay ng karanasan na ipahahayag kung paano nakatulong sa paglutas ng iyong suliranin ang iyong pananampalataya. 185 Kabanata 45 Ang mga Pinag-uusig Balik-sulyap Lahat ay ginawa ng mga nagmamahal kay Maria Clara upang siya ay gumaling. Ipinadoktor, ipinagmisa, ipinagtulos ng kandila, at higit sa lahat, ipinagkumpisal at hinatdan ng viatico. Kay Elias nabalitaan ni Ibarra na nagkasakit si Maria Clara nang minsang dumalaw ang piloto upang ipaalam ang pagtungo niya sa Batangan. Ano at sino ang sadya ni Elias sa nabanggit na lalawigan? Banayad na naglalakad si Elias sa masukal na kagubatan. Pagsapit niya sa pook na may nagtatayugang batumbuhay na ang tuktok ay naliligid ng mga tumutubong puno, sinino si Elias ng isang lalaking may bunot na rebolber. Nang sabihin niyang siya’y si Elias, at si Kapitan Pablo ang hanap niya, sinamahan siya ng tanod. Pumasok sila sa yungib na naiilawan ng huwepe. Dinatnan nila rito ang may labindalawa o labinlima kataong pawang sandatahan. Nakahiga ang ilan at ang iba’y nakaupo. Pagdating ni Elias, nagtangka silang bumangon. Sa hudyat naman ng nagsama kay Elias sa yungib ay nagsitahimik ang lahat yungib – natural na hukay o silid sa ilalim ng lupa at may butas na maaaring pagdaanan ng sinumang papasok bigkis – tali 186 lalo na nang mapansing walang sandata ang binata. Nakita ni Elias ang isang matandang natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may dugo. “Bakit ganyan ang inyong kalagayan?” pansin ni Elias. Hinudyatan ng matanda ang mga kasama at nang sila na lamang dalawa ni Elias, nagwika ang matanda. “May anim na buwan na ang nakalilipas mula nang ikaw ay aking kupkupin sa aming tahanan. Noon, ako ang naawa sa iyo. Nagkapalit tayo ng kapalaran — ikaw naman ngayon ang naaawa sa akin.” “May labinlimang araw na ang nakararaan nang mabalitaan ko ang nangyari sa inyo. Pinaghahanap ko kayo noon din sa iba’t ibang bundok at halos nalibot ko na ang dalawang lalawigan.” “Minarapat kong tumakas upang hindi makasugat ng mga walang sala. Takot humarap sa akin ang aking mga kaaway. Ang inuutusan nila’y ang mga kulang-palad na wala namang masamang nagawa sa akin.” Sinabi ni Elias na hindi niya matagpuan isa man sa kaanak ng angkang naging sanhi ng kasawian ng kaniyang pamilya. Mamumuhay na siya sa piling ng mga di-binyagan sa Hilaga. “Sumama na kayo sa akin. Yamang kapwa tayo wala nang pamilya, ituring ninyo akong anak at kayo nama’y ituturing kong ama,” mungkahi ni Elias. Umiling-iling ang matanda bago nagsalita. Isinalaysay ni Kapitan Pablo na siya’y nagsikap, nagtiis, at naging masunurin noong kaniyang kabataan. Ito’y upang makapamuhay nang payapa at mapaghandaan ang kinabukasan ng tatlo niyang anak. Bakit siya pinag-uusig ngayon? Hinalay ang kaisa-isa niyang anak na babae. Hindi siya kumilos sapagkat ang nasira na ay hindi naman maibabalik sa dati. Ang tanging hangad niya ay iligtas na lamang ang ano mang nalalabi sa kaniya. Subalit inusig ng mga anak niyang lalaki ang may kagagawan. Nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak na lalaki ay idinawit. Ibinitin ito at pinahirapan hanggang sa mamatay. Ang isa naman ay hinuli at ibinuyo sa kaalipustahanan hanggang sa magpatiwakal. “Mga kaaway ko rin ang nagpaparami sa aking mga kabig. Pag may sapat na kaming lakas, bababa ako sa bayan upang ipadama ang bigat ng aking paghihiganti. Walang salang darating na ang araw na iyan o walang Diyos!” “Nauunawaan ko ang inyong damdamin sapagkat ako man ay biktima ng kawalang-katarungan. Ngunit sa pangambang makasakit ng isang walang sala ay minabuti kong limutin ang aking kasawian.” “Bata ka pa kaya madali kang makalilimot…at hindi ka pa namamatayan ng isa mang anak, ni nawalan ng huling pag-asa. Ngunit tinitiyak ko sa iyong hindi ako kikitil ng buhay ng isang walang sala. Katunayan, ang sugat na ito ay bunga ng pag-iwas kong mapatay ang isang kuwadrilyerong tumutupad lamang sa kaniyang tungkulin.” “May paraan pa, nakilala ko ang isang binatang mayaman, tapat, at makabayan. Siya’y malakas dahil sa kaibigan ng Kapitan-Heneral at maraming kaibigan sa Madrid. Pakikiusapan ko siyang pagdalhin ng karaingan ng bayan upang tayo’y bigyan ng lingap.” “Mayaman, ang sabi mo? A, ang mayaman ay walang iniisip kundi ang lalong magpayaman. Alam ko, sapagkat ako’y naging mayaman. At ipagpalagay mong nakatagpo siya ng mga kabig – tauhan o tagasunod lingap – pag-uukol ng pagtangkilik, pagaaruga, o pagsasaalang-alang sa isang bagay o kalagayan ng kinauukulan 187 kaibigan sa Madrid na magtatanggol sa atin, sa palagay mo ba’y pakikinggan ang ating karaingan?” “Subukin muna natin bago tayo gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagdanak ng dugo,” ani Elias. “At kung wala tayong mapala?” “Kapag wala tayong napala, ibilang ninyo akong isa sa inyong mga kabig. Ako ang unang mapapahamak sa pakikipaglaban,” pangako ni Elias. “Pagkaraan ng apat na araw, papuntahin ninyo sa baybayin ng San Diego ang isa ninyong tao at sasabihin ko sa kaniya ang kasagutan ng ginoo na inaasahan kong —” “Si Elias ay hindi mamamatay sapagkat isang Elias ang mamumuno kapag si Kapitan Pablo ay namatay na nasisiyahan sa paghihiganti,” pagwawakas ng matanda sa usapan. Talasalitaan: Palawakin Natin A. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Buuin lamang ang salitang nasa kahon. S N D S A A - D S N N P G A A U A A T 1. Magulo ang buhay ng isang pinag-uusig. N 2. Banayad na tinahak ni Elias ang kakahuyan. N Y 3. Hinudyatan ng matanda ang kaniyang mga kasama. 4. Iniwasan niya ang pagdanak ng dugo ng mga walang sala. 5. Mahigit anim na buwan na nang kupkupin si Elias ng matanda. B. Ikahon ang salitang magkasingkahulugan sa bawat bilang. 188 1. masukal madilim madawag marumi 2. tawag senyas hudyat ipaalam 3. nakakaraan natatandaan nalalaman nakalilipas 4. maglayas magpatiwakal maglimayon magpakamatay 5. kasawian kabiguan kalungkutan kapalaran 6. kikilalanin kikitil ipapahamak papatay 7. kalagayan kapalaran katayuan kagitingan 8. maibigay mapala makuha maibalik 9. hudyat senyas tunog ingay 10. napalayo nalibot naikot nalibang Talakayin Natin 1. Sagutin ang mga tanong upang mabuo ang nilalaman ng pag-uusap nina Elias at Kapitan Pablo. Tularan ang tsart at gawin sa notbuk. Elias Ano ang iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo tungkol sa plano nitong paghihiganti? Ilarawan ang kabataan ni Kapitan Pablo. Bakit natatalian ng bigkis ang ulo ni Kapitan Pablo? Ano-anong dagok ang naranasan ni Kapitan Pablo na nagtulak sa kaniyang mamundok? Ano ang kaugnayan nila sa isa’t isa? Kapitan Pablo 2. Bakit si Ibarra ang nais hingian ng tulong ni Elias? 3. Patunayan na bantulot si Kapitan Pablo sa mungkahi ni Elias. Suriin at Gawin Natin 1. Dapat bang isisi kay Kapitan Pablo ang pagkawala ng kaniyang mga anak? Bakit? 2. Sa iyong palagay, tama bang namundok si Kapitan Pablo? Pangatuwiranan. 3. Sumasang-ayon ka ba sa mungkahi ni Elias? Ipaliwanag. 4. Anong aral mula sa mga tauhan ang maaari mong magamit sa iyong pamumuhay? Ipaliwanag. 5. Paghambingin sina Elias at Kapitan Pablo batay sa kanilang pananaw sa ideya ng paghihiganti. Paghihiganti Elias Kapitan Pablo Pagyamanin Natin Magpangkatan sa anim. Bawat pangkat ay ilalarawan sa tulong ng iba’t ibang paraan ang kasalukuyang sitwasyon ng hustisya sa ating bansa. Pangkat I — Collage Pangkat II — Pagdodrowing Pangkat III — Dula-dulaan Pangkat IV — Dance Drama Pangkat V — Awit Pangkat VI — Tula 189 Kabanata 46 Ang Sabungan Balik-sulyap Nagsadya sa kabundukan ng Batangan si Elias upang makipagkita kay Kapitan Pablo, isa sa mga pinag-uusig ng pamahalaan. Ibig ni Elias na iwan na ng matanda ang pamumundok, sumama sa kaniya sa Hilaga, at magsama silang parang magama. Sinabi niya sa Kapitan na may kaibigan siyang mayaman at kaibigan ng KapitanHeneral, si Ibarra. Sinabi niyang makatutulong ang binata sa pagpaparating sa Madrid ng kanilang mga karaingan. Sa Pilipinas, ang Linggo ng umaga’y para sa pagsisimba, ang hapon naman ay para sa pagsasabong. Dinarayo ito ng mahihirap at mayayaman. Ang pagsasabong ay ipinahihintulot sapagkat ito ay pinagkakakitaan ng pamahalaan. Nahahati sa tatlong bahagi ang sabungan ng San Diego. Ang una ay ang pasukan na kinalalagyan ng pinto. Dito nagbabayad ang mga pumapasok. Katabi nito ang ulutan na tinitigilan ng mga tao bago magtuloy sa sultada. sultada – tawag sa bawat laban sa sabong tahur – tao na nag-aayos o tumutulong sa pustahan sa sabungan ruweda – kubkob na pook para sa wrestling, boksing, sabong, o anumang laban sentensyador – humahatol lasak – maagnas; mabulok 190 Sa ulutan ginaganap ang kasunduan, panghihiram ng pera, at iba pa. Dito nagkakayari ang mga tahur sa manok at sa laki ng pusta. Ang huling bahagi ay ang ruweda na pagdarausan ng sultada. Nababakuran ito ng kawayan at mas mataas kaysa unang dalawang bahagi. Sa gawing itaas, na halos malapit na sa bubong, nakahanay ang mga upuan ng tao. Nasa ruweda ang matataas na tao, mga tanyag na tahur, ang may pasabong, at ang sentensiyador. At dito rin ipinamamahagi ang iba’t ibang kapalaran — ligaya o lungkot, kasaganaan o kagutuman. Nasa loob ng ruweda ang Kapitan, si Kapitan Basilio, Kapitan Pablo, at Lucas. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa manok na ilalaban ni Kapitan Tiyago nang sa darating ito na may kasunod na dalawang utusang may dalang isang lasak at isang malaking puting tinali. Napagkasunduan nina Kapitan Basilio at Kapitan Tiyago na paglabanin ang kanilang manok sa pustang tatlong daang piso. Samantala, lumalakas ang sigawan, di-magkamayaw ang tao. Dala ng sultador ang dalawang manok, isang puti at isang pula. Llamado ang puti sapagkat sunod-sunod ang sigaw ng “Sa puti! Sa puti!” at manaka-naka’y “Sa pula!” na siyang dejado. Nagbabantay ang mga guardia civil sa gitna ng kakapalan ng mga tao. Pumupusta rin sila. Nasa sabungan sina Tarsilo at Bruno — ang magkapatid na pinakiusapan ni Elias na pigilin ang gulo noong gabi ng piyesta. Padaan-daan naman si Lucas na pinakakalansing ang pera sa bulsa. Sinisisi ni Tarsilo ang kapatid na nakababata dahil ipinusta lahat nito ang kuwalta kaya wala na silang maitaya ngayon. Lumapit si Bruno kay Lucas para manghiram ng pera dahil kilala naman daw sila nito. “Oo, kilala ko kayo. Ang ama ninyo ay namatay dahil sa araw-araw na sandaang palo ng mga guardia civil.” “Huwag kayong makialam sa aming buhay,” ani Tarsilo. “Maluwat na kaming nabitay kung wala lang kaming kapatid na babae.” “Nabitay? Duwag lamang ang nabibitay o ang walang salapi o walang tagapagtanggol. At kahit ano ang mangyari, nasa malapit lang ang bundok.” “Pahiramin ninyo kami. Mamaya ay isasauli namin nang doble ang halaga. Magsisimula na ang sultada,” pakiusap ni Bruno. “Kay Don Crisostomo ang perang ito at inilalaan sa mga taong ibig maglingkod sa kaniya. Ngunit hindi kayo tulad ng inyong ama na matapang. Ang duwag ay di dapat maglaro.” “Pareho na yon, ang mamatay sa bitay o baril. Tayong mahihirap walang silbi sa iba,” ani Bruno. Nagsimula na ang paglalaban ng dalawang manok — ang pula at ang puti. Nang mabitawan na ang bawat isa, padaluhong na nagsalpukan, nagtagisan ng mga tuka, nagsagupa ang mga dibdib, at nagsaksakan ng taglay na tari. Nagkalat na sa lupa ang mga balahibong pula’t puti na namantsahan na ng mga unang patak ng dugo. Ngunit ang atas ng pamahalaan na gusto naman ng lahat na ang sultada ay magwakas sa pagkamatay ng isa sa mga tandang o tumakbo ang kalaban nito. Kaya nagpatuloy ang paglalaban. Hindi pa rin matiyak ang mananalo kahit nadilig na sa dugo ang lupa. Sa wakas, sa huling buhos ng lakas, palundag na sumalakay ang puti, itinarak ang tari sa pakpak ng pula’t sultador – tao na tagapamahala sa sultada llamado – pinapanigang mananalo at maraming pusta dejado – sa sugal, ang bilang, baraha, manok, at iba pa na may kakaunting pusta 191 Trivia Ang bulik ay manok na puting may batik ng itim na karaniwan sa kanilang balahibo. naglagos iyon sa buto, ngunit nahagip din sa dibdib ang puti. Wala nang lakas, humihingal, duguan, kapwa hindi makagalaw, magkakabit sa isa’t isa ang mga tandang. Gayunman, sumuka ng dugo ang puti, saka nangisay ang mga paa. Nanatili namang nakatindig ang pula na hindi maalis ang pagkakasabit ng pakpak sa kalaban, hanggang dahan-dahang bumaluktot ang paa ng puti at unti-unting pumikit. Panalo ang pula ayon sa tagahatol. Hiyawan ang mga manonood — maluwat na sigawang narinig sa buong bayan! Ipinagbunyi ang pananalo ng dejadong manok na pula. “Sayang, kung tayo’y pumayag sa alok, may sandaang piso sana tayo. Ngayon wala tayo kahit isang kusing,” ang wika ni Bruno na masama ang loob. Ang susunod na sultada’y paglalabanan ng lasak ni Kapitan Tiyago at ng bulik ni Kapitan Basilio. Lumapit ang isang tao at nagtanong kung sila ay pupusta. Nag-isip muna si Tarsilo. Mahal niya ang kapatid na babae. Ngunit matimbang din sa kaniya ang sugal. Natuwa si Lucas nang lumapit sa kaniya ang magkapatid. “Tatlumpung piso sa inyong dalawa at sampu naman sa makakasama ninyong sasalakay sa kuwartel. Kung tagumpay ang pagsalakay, may sandaang piso ang bawat isa at doble naman ang sa inyo. Masalapi si Don Crisostomo!” “Payag ako,” ang wika ni Bruno. “Ibigay na ninyo ang pera!” Lumayo sila sa mga guardia civil. Habang binibilangan ng kuwalta ang magkapatid, sinabi ni Lucas na “Darating bukas si Don Crisostomo na may dalang armas. Sa makalawa ng gabi, magtungo kayo sa libingan at sasabihin ko ang mga huling tagubilin niya. Makapaghahanap pa kayo ng makakasama.” At naghiwalay ang tatlo. Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang letra ng mga salitang magkasingkahulugan sa bawat bilang. 192 1. a. sugapa b. tahur c. sabungero 2. a. sultada b. birahan c. sagupaan 3. a. talim b. kutsilyo c. tari 4. a. naggirian b. nagtagisan c. naglabanan 5. a. pinakakalansing b. pinaririnig c. pinatutunog Talakayin Natin 1. Ilarawan ang lugar ng sabungan. Iguhit at ilarawan sa kahon sa ibaba ang tatlong bahagi nito. 2. Sino-sino ang tauhan sa sabungan? Ilarawan ang bawat isa batay sa mga pangyayari sa kabanata. 3. Paano nagkaroon ng kaugnayan si Ibarra sa mga pangyayari sa kabanatang ito? 4. Ano ang naging kasunduan nina Kapitan Tiyago at Kapitan Basilio? 5. Bakit kinausap ng magkapatid na Bruno at Tarsilo si Lucas? 6. Bakit bantulot ang magkapatid na tanggapin ang kondisyon sa pagpapahiram ng pera ni Lucas? 7. Ano ang nagbunsod sa magkapatid na kunin ang pera kay Lucas? 8. Tukuyin ang mahigpit na bilin ni Lucas sa magkapatid. Suriin at Gawin Natin 1. Ano ang hindi tugma o salungat sa pamumuhay ng mga taga-San Diego sa araw ng linggo? 2. Sa iyong palagay, bakit nagsusugal ang mga tao? 3. Isa bang bisyo ang sabong? Ano ang idinudulot nito sa isang tao? 4. Kung ikaw ang isa sa magkapatid, tatanggapin mo ba ang pera ni Lucas na alam mo kung ano ang kapalit? Bakit? Pagyamanin Natin Magsaliksik ng tungkol sa ilang taong mayaman na bumagsak ang kabuhayan dahil sa sugal. Alamin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa kanilang kahirapan. 193 Kabanata 47 Ang Dalawang Señora Balik-sulyap Sa Pilipinas, ang Linggo ng hapon ay ginugugol sa sabungan. Sa pagsasabong, may nabibigyan ng katuwaan o kalungkutan, ng kasaganaan o kagutuman. Sa sabungan, may namumuong pakana na si Ibarra raw ang mamumuno sa paglusob sa kuwartel ayon kay Lucas. Samantalang nasa sabungan ang lasak ni Kapitan Tiyago at lumalaban, ang mag-asawang de Espadaña ay magkaakbay na namamasyal sa mga lansangan upang tingnan ang bahay ng mga Indiyo. Panay ang pintas ni Doña Victorina sa mga bahay. “Ang papangit ng mga bahay. Talagang isang Indiyo lamang ang maaaring tumira.” Lalong nag-iinit ang Doña dahil hindi nagpupugay ang mga nakakasalubong nila. Nang masalubong naman nila ang Alperes, ito’y tumingin lamang sa kaniya ng tinging nang-uuyam. Naparaan sila sa harap ng bahay ng Alperes. Nakadungaw si Doña Consolacion na tulad ng dati ay nakapranela at nakatabako. Palibhasa’y mababa ang bahay, nagkatinginan ang dalawang Doña. Panatag na hinagod ng tingin ni Doña 194 Consolacion si Doña Victorina saka lumura. “Bakit ganyan kayo makatingin?” galit na galit na tanong ni Doña Victorina. “Naiinggit ba kayo?” “Kayo? Kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot.” Pinipigil ni Don Tiburcio ang asawang nanggigigil ngunit tinabig siya ng babae. Muntik na niya itong ikasubasob. Patuloy ang pagtatakapan at pagsusurutan ng dalawang Doña sa gitna ng katuwaan ng mga manonood. Ayon kay Doña Victorina, hindi siya isang probinsiyana at sa Maynila ay hindi nakapapasok ang mga Alperes sa kaniyang bahay kundi naghihintay lang sa pinto. “Aba! Excelentisima Sra. Puput! Hindi nga nakapapasok ang mga Alperes kundi ang mga pilakyod na tulad niya. Ha, ha, ha!” Aakyatin sana ni Doña Victorina si Doña Consolacion ngunit pinigil siya ng bantay na guardia civil. Wala siyang magawa kundi ang magparunggit tungkol sa pagiging labandera ni Doña Consolacion. Tinablan ang Doña at nang pinabababa siya ni Doña Victorina, patakbong nanaog ito na dala-dala ang latigo ng asawa. Inaawat ni Don Tiburcio ang dalawang Doña nang dumating ang Alperes. “Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-bayan… may mga sundalo naman kayo,” sigaw ni Doña Victorina. Ang dalawang lalaki naman ang muntik nang mag-away sa pagtatanggol sa kani-kanilang asawa. Dumating si Padre Salvi na siyang sumawata sa kaguluhan. Naglubag ang pagtatalakan at natapos ang pagbabanta, pag-aalimura sa isa’t isa. Naghiwalay rin ang dalawa. “Luluwas tayo ng Maynila at magsusumbong sa Kapitan-Heneral. Hindi ka lalaki. Sayang ang pantalon mong isinusuot.” Dapat daw na hinamon ng Don ang Alperes ng rebolber o sable o kaya’y — at tinitigan ni Doña Victorina ang pustisong ngipin ng asawa. “Iha, hindi pa ako nakakahawak ng…” Hindi na natapos ng Don ang sasabihin sapagkat nilabnot ng Doña ang kaniyang pustisong ngipin. Tinapaktapakan niya ito sa lupa. Umuwi na ang mag-asawa sa bahay ni Kapitan Tiyago. Dinatnan nilang nag-uusap sina Linares, Maria Clara, Sinang, at Victoria. “Luluwas kami sa Maynila at maiiwan ka upang makipaglaban sa Alperes. Biro mo, hinamak tayo at sinabi kung sino ka. Hamunin mo ngayon ang Alperes sa isang paglalaban. Kung hindi’y ipagtatapat ko sa lahat kung sino ka,” ang wika ng Doña kay Linares. Dumating si Kapitan Tiyago na malungkot dahil sa pagkatalo ng kaniyang lasak. Hindi na binigyan ni Doña Victorina ng pagkakataon na makapagpahinga ito. Isinalaysay niya ang mga pangyayari na hindi naman siya lalabas na kahiya-hiya. “Hahamunin ni Linares ang Alperes sa isang pakikipaglaban. Kung hindi niya magagawa ito, huwag ninyong tulutang makasal sa kaniya ang inyong anak. Hindi nararapat na ang isang duwag ay mapangasawa ni Clarita.” Namutla si Maria Clara sa narinig. Naiiyak namang sinabi ni Sinang sa kaibigan na, “Alam kong malihim ka ngunit hindi ko akalaing ikaw ay salawahan.” Gumayak ang mag-asawa nang gabing yaon, ibinigay kay Kapitan Tiyago ang kuwenta ng pagkakagamot kay Maria Clara na umabot sa ilang libong piso. Kinabukasan, maaga pa ay lumuwas na ang magasawa. Naiwan si Linares sa kahihiyan. 195 Talasalitaan: Palawakin Natin Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng salitang angkop sa bawat patlang. Hanapin sa kahon ang sagot. 1. Nang masalubong ng Alperes ang mag-asawa, ito’y tumingin lamang sa kanila ng tinging ___________________. 2. ________________ ang tingin ni Doña Consolacion kay Doña Victorina mula ulo hanggang paa saka lumura. 3. Patuloy ang ___________________ ng dalawang Doña sa gitna ng katuwaan ng mga nanonood. 4. Dumating si Padre Salvi na siyang ___________________ sa kaguluhan. 5. Hindi na natapos ng Don ang sasabihin sapagkat ___________________ ng Doña ang kaniyang pustiso. nang-uuyam sumawata mapagparunggit nilabnot pagsusurutan Talakayin Natin 1. Bakit namasyal ang mag-asawang de Espadaña? 2. Isalaysay kung bakit biglang nag-init ang ulo ni Doña Victorina. P a g k a g a l i t 3. Paano nagsimula ang away ng dalawang Doña? 4. Ilarawan ang pag-aaway ng dalawang Doña. Pasaringan Doña Victorina 196 Doña Consolacion 5. Paano napigilan ang pag-aaway ng dalawang Doña? 6. Bakit galit si Doña Victorina kay Don Tiburcio? 7. Ano ang naging balak ni Doña Victorina pagkatapos ng gulo? 8. Bakit nabigla si Maria Clara sa sinabi ni Doña Victorina kay Linares? Suriin at Gawin Natin 1. Ilarawan ang pagkatao ng sumusunod na mga tauhan batay sa mga pangyayari sa kabanata. Isulat sa tsart ang sagot. Tauhan a. Doña Victorina b. Doña Consolacion c. Alperes d. Don Tiburcio Pagkatao Patunay 2. Sa iyong palagay, sino ang may katuwiran sa dalawang Doña? Bakit? 3. Tama ba ang hinihinging kabayaran ng mag-asawa sa paggamot kay Maria Clara? Patunayan. 4. Kung ikaw si Linares, papayag ka ba sa ipinag-uutos ni Doña Victorina? Bakit? Pagyamanin Natin Gumawa ng karikatura alinman kina Doña Victorina, Doña Consolacion, Alperes, Don Tiburcio, at Linares batay sa iyong pagkakakilala sa kanila. 197 Kabanata 48 Ang Talinghaga Balik-sulyap Nag-away sina Doña Victorina at Doña Consolacion. Sa pag-aaway ng dalawang Doña, nadamay sina Don Tiburcio, Linares, at ang Alperes. Ibig ni Doña Victorina na hamunin ng kaniyang asawa o ni Linares ng barilan o sable ang Alperes. Kung hindi susunod si Linares, ibubunyag ng Doña kung sino talaga ang binata. Noon naman natuklasan ni Maria Clara na siya pala’y ipinagkasundo kay Linares. Tulad ng sinabi ni Lucas, dumating si Ibarra kinabukasan. Una niyang dinalaw ang mag-anak ni Kapitan Tiyago upang makita si Maria Clara. Ibinalita ng binata na hindi na siya excomulgado. Katunayan ay dala niya ang sulat-tagubilin para sa Kura na may lagda ng Arsobispo. Tuwangtuwa si Tiya Isabel. Sadya namang si Ibarra ang napipisil niya para kay Maria Clara. Hindi siya sang-ayon na makasal ang dalaga kay Linares. Wala pa noon sa bahay si Kapitan Tiyago. “Tuloy,” ang salubong ni Tiya Isabel sabay tawag kay Maria Clara. “Maria, pinatawad na si Crisostomo sampaga – alinman sa mga gumagapang na palumpong (genus Jasminum) na may napakabangong munti at puting bulaklak garing – kulay krema o manilaw-nilaw na puti 198 ng Arsobispo. Sa awa ng Diyos ay hindi na siya excomulgado. Nasa pagpapala na naman siya ng simbahan.” Ngunit natigilan si Ibarra at pati pagngiti niya’y naudlot nang makita niya si Linares na katabi ni Maria Clara sa balkon. Nagpupumpon ng bulaklak at ng mga dahon ng baging si Linares. Nagkalat sa lapag ang mga bulaklak ng rosas at sampaga. Nakasandig naman sa silyon si Maria Clara na maputla at malungkot. Nilalarolaro ng dalaga ang pamaypay niyang garing. Tinakasan ng kulay ang mukha ni Linares nang makita si Ibarra. Si Maria Clara’y pinamulahan naman ng mga pisngi. Hindi nakuhang tumayo ng dalaga sa taglay na kahinaan. Naghari sandali ang isang nakaaasiwang katahimikan. Saglit na naumid si Ibarra ngunit kapagkuwa’y nagwikang, “Kararating ko lang at nagmamadali akong pumarito upang dalawin ka, ngunit naratnan kitang higit na maigi kaysa aking inakala.” Hindi nakapangusap si Maria Clara at nanatiling nakatungo. Tinitigan ni Ibarra si Linares at minasdan mula ulo hanggang paa — tinging sinalubong nang may dignidad ng mahiyaing binata. “Ipagpaumanhin mo ang pagdating ko nang walang pasabi. Ipaliliwanag ko rin sa iyo balang-araw ang aking ginawi — magkikita pa rin tayo, walang sala.” Tumitig si Maria Clara nang buong lungkot at katapatan. Titig na nagsusumamo at nangungusap kaya si Ibarra ay nabaghan. “Makadadalaw ba ako rito bukas?” “Lagi namang bukas ang aming pinto para sa iyo,” halos hindi marinig na sabi ng dalaga. Gulong-gulo ang isip na tumalikod ang binata bagama’t larawan siya ng kahinahunan. Hindi niya malirip ang kaniyang nasaksihan at nadarama — pag-aalinlangan ba, paglililo, o kawalan ng paglingap? “Ay! Babae nga lang talaga!” Naibulong sa sarili. Nakarating si Ibarra nang hindi niya namamalayan sa paaralang kaniyang ipinatatayo. Natuwa siya sa kaniyang nakita. Malaking-malaki na ang nagagawa ng mga trabahador. Napansin din niya kung paano kumilos si Ñol Juan. Dala ang mga panukat at sipi, palipat-lipat siya sa mga gumagawa. Natanaw ni Ñol Juan si Ibarra. Sinalubong niya agad ang binata. “Don Crisostomo,” aniya. “Mabuti po at narito kayo. Tanawin ninyo ang nayayari namin. Mahigit na pong isang metro ang taas ng mga pader. Materyales puertes po ang mga ginamit namin.” Nagpakita ng kaluguran si Ibarra. Humarap kay Ñol Juan at ibinalitang hindi na siya excomulgado. “Aba, senyor, hindi na po namin pinapansin ang excomunion. Kami pong lahat ay excomulgado na!” Si Padre Damaso ay ganoon din, pero mataba pa rin siya tulad ng dati.” Namataan ni Ibarra si Elias sa piling ng mga obrero. Yumukod ito at ipinahiwatig na nais niyang makipagusap sa binata. “Pakikuha nga po ninyo ang listahan ng manggagawa,” bilin niya kay Ñol Juan bago nilapitan si Elias. “Ibig ko po sanang kayo’y makausap nang ilang oras. Maaari ko po ba kayong anyayahang mamasyal mamayang hapon sa baybay ng lawa? Meron lang po akong mahalagang bagay na idudulog sa inyo,” pakiusap ni Elias. Nang makaalis si Elias, tiningnan ni Ibarra ang talaan ng mga obrero na dala ni Ñol Juan — wala roon ang pangalan ni Elias! malirip – mabatid paglililo – pagtataksil obrero – manggagawa 199 Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat pangungusap. Ayusin lamang ang mga letra at isulat ito sa patlang. _____________________ KANGILLIAGILA _____________________ APINIP _____________________ MSAIIP _____________________ AKINAT _____________________ HIOTNANPA _____________________ GUNATUSUGAHN _____________________ KISAUNAIKP _____________________ SIPATGAAKTL _____________________ LIPAKAGNAASAT _____________________ AIPLLTIA 1. Nakakabakla ang katahimikang sandaling naghari sa silid. 2. Naumid ang kaniyang dila sa pagkabigla. 3. Hindi niya malirip ang kaniyang nasaksihan. 4. Namataan ni Ibarra si Elias sa pangkat ng mga obrero. 5. Napaudlot siya nang makitang tila nagkakamabutihan ang dalawa. 6. Si Ibarra ang napipisil ni Tiya Isabel para kay Maria Clara. 7. Titig na nagsusumamo ang inukol ni Maria Clara kay Ibarra. 8. Hindi niya maisip kung paglililo nga ba ang ginawa sa kaniya. 9. Hindi nakapangusap si Maria Clara sa kabiglaan. 10. Mahalagang bagay diumano ang idudulog ni Elias kay Ibarra. Talakayin Natin 1. Sa pagbalik ni Ibarra sa San Diego, anong magandang balita ang kaniyang dala? 2. Ibuod ang kabanata sa pamamagitan ng pagsagot sa Events Organizer. Pagbalik sa San Diego Ibarra 200 Sa bahay ni Kapitan Tiyago Sa balkonahe nina Kapitan Tiyago Sa paaralang itinatayo Sa pakikipag-usap kay Elias 3. Bakit unang pinuntahan ni Ibarra ang bahay nina Kapitan Tiyago? 4. Bakit tinakasan ng kulay ang mukha ni Linares at pinamulahan ng pisngi si Maria Clara nang dumating si Ibarra? 5. Paano sinalubong ni Ñol Juan si Ibarra? Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging reaksiyon mo nang nakita mong magkasama si Maria Clara at Linares? Bakit? ____________________________________________________________ 2. Ano ang naging damdamin ni Ibarra at Maria Clara nang magkita sila sa balkonahe? 3. Sa iyong palagay, ano ang problemang idudulog ni Elias kay Ibarra? ____________________________________________________________ 4. Sino ang dapat umalis sa bahay ni Kapitan Tiyago, si Ibarra o si Linares? Pangatuwiranan. ____________________________________________________________ 5. Tama ba ang ginawang pag-alis ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago? Ipaliwanag. ____________________________________________________________ 6. Ano ang ibig ipakahulugan ng pamagat ng kabanata na, “Ang Talinghaga”? ____________________________________________________________ Pagyamanin Natin Pagtalunan: “Sino ang mas karapat-dapat sa pag-ibig ni Maria Clara, si Linares o si Ibarra?” 201 Kabanata 49 Tinig ng mga Pinag-uusig Balik-sulyap Dumating kinabukasan si Ibarra kina Kapitan Tiyago upang ibalita na siya’y hindi na excomulgado. May dala siyang sulat ng Arsobispo para sa Kura. Nadatnan niya si Maria Clarang nakaupo sa balkonahe habang namimitas ng mga rosas at sampaga si Linares. Namula si Maria Clara at namutla si Linares nang makita nila si Ibarra. Nang siya’y umalis, ang puso ni Ibarra’y ginugutay ng pag-aalinlangan. Ano ang dahilan nito? Mula kina Kapitan Tiyago, nagtuloy si Ibarra sa ginagawang paaralan. Dito’y nilapitan siya ni Elias at kinausap. Ano ang pakay ni Elias sa kaniya? Bago magtakipsilim, nasa bangka na ni Elias si Ibarra. Ipinakiusap ni Ibarra kay Elias na pagkatapos nilang mag-usap ay ihatid siya sa bayang natatanaw nila ang kampanaryo dahil magkikita sila roon ng Alperes. Nagpupumilit ang Alperes na ihatid o sunduin si Ibarra sa pupuntahan nito ngunit tumanggi ang binata. Nag-aalala si Ibarra na mamukhaan ng Alperes si Elias na siyang humatak sa opisyal sa kabayo at naglublob sa kaniya sa putikan. “Humihingi ako ng paumanhin sa pagkakagambala ko sa inyo. Ibig ko po kayong makausap nang walang makaririnig. Napag-utusan lamang po ako ng maraming sawimpalad,” ang wika ni Elias. Sinabi ng piloto ang napag-usapan nila ng puno ng tulisan ngunit wala siyang binanggit na pagbabanta o pag-aalinlangan nito. “Humihiling sila ng pagbabago sa pamamalakad ng 202 mga Kura at guardia civil. Hinihingi nila ang makaamang pagtangkilik ng pamahalaan.” “Anong uri ng pagbabago?” tanong ni Ibarra. “Paggalang po sa karangalan ng tao, sa kanilang katiwasayan, pagbabawas ng sandata, at kapangyarihan ng mga guardia civil.” “Maaaring di-kanais-nais ang kalagayan dito sa Pilipinas ngunit ang pagbabago ay lalong makasasama. Ano mang kasiraan ng korporasyon ay matatawag na masamang kailangan.” Nabigla si Elias sa sagot ni Ibarra. “Naniniwala ba kayo na sa paggawa ng mabuti ay kailangang gumawa ng masama?” “Hindi po. Ngunit malala na ang sakit ng bayan kaya kailangan nito ang marahas na paraan.” Sumagot si Elias na hindi mabuting doktor ang nagbibigay lamang ng gamot upang lunasan ang sakit at hindi sinusuri ang pinagmumulan nito. Kung mabatid ang pinagmulan, natatakot namang sawatain. “Ganyan ang mga guardia civil, sinusugpo ang kasamaan sa pamamagitan ng lakas. Ito ang nagpapahina sa bayan at nagtutulak sa kasamaan. Higit na nais kong palakasin ang maysakit at bawasan ang gamot.” “Kapag pinahina ang guardia civil, malalagay sa panganib ang kalagayan ng bayan,” tugon ni Ibarra. “Labinlimang taon nang may guardia civil ngunit naglipana pa rin ang mga tulisan at ang tahimik na mamamayan ang napipinsala. Ang makalimot ng sedula personal, kahit marangal na tao ay pinahihirapan, at inaapi ang mga magbubukid kahit walang dahilan,” ang paliwanag ni Elias. “Masama nga ito ngunit nakabubuti rin sapagkat kakaunti ang salarin dahil sa takot sa kanila.” “Lalong dumarami ang masama dahil sa takot. Noong wala pa ang mga guardia civil, wala nang nanunulisan pagkatapos ng taggutom. Ngunit ngayon, dahil sa kalupitan ng mga guardia civil, tulisan na sila habang buhay. Ang pahirap at takot ang naguudyok sa kanila upang pumatay at mamatay. Ang mga namundok ay may puso rin at naghihintay lamang ng kapatawaran. Patunay nito’y ang pagbabago ng mga tulisan nang sila ay patawarin ni Kapitan-Heneral de la Torre. Mahalaga lamang ang pananakot kung ang bayan ay alipin, kung walang mga yungib sa kabundukan, kung ang mga tao’y walang sikmura kundi bituka lamang. Kapag ang inapi ay may mga bisig at may galit sa puso, hindi iyon maaampat ng pananakot.” “Ngunit tingnan ninyo kung sino ang nagsisihiling ng pagbabago — mga salarin o magiging salarin,” tugon ni Ibarra. “Bakit sila nagkagayon?” ganting tanong ni Elias. “Inalisan sila ng katiwasayan at kaligayahan. Hindi nila maasahan ang pamahalaan. Walang nalalabi kundi ilagay ang batas sa kanilang mga kamay. Hindi lamang sila ang dumaraing. Magtungo kayo sa mga tahanan sa iba’t ibang dako at maririnig ninyo ang mga daing ng mga tahimik na mahihirap. Samakatuwid, higit ang ginagawang kasamaan ng mga guardia civil kaysa sinasabing kasamaang kanilang sinusugpo.” “Marahil, ang kamalian ay nasa mga utos na sinisira sa pagsasagawa,” ani Ibarra. “Sa España, ang mga guardia civil ay matapat sa kanilang tungkulin… Hayaan ninyong pagaralan ko ang bagay na ito at kapag may katuwiran kayo, susulatan ko ang mga kaibigan ko sa Madrid. Samantala, kailangan ang mga guardia civil upang igalang ang pamahalaan at ang kapangyarihan ng batas.” “Kung ang pamahalaan ay nakikidigma sa Pilipinas, sa ikabubuti ng pamahalaan, hindi nito dapat paniwalain ang bayan na kalaban nila ang pamahalaan. Dapat piliin, samakatuwid ang mga taong mamumuno.” 203 “At ano pa ang kanilang hinihingi?” “Pagbabago po sa palakad ng mga prayle!” “Nalimot na ba ng bayan na utang na loob natin sa mga prayle ang tunay na pananampalataya?” Hindi makapaniwala si Elias sa isinagot ni Ibarra. “Napakamahal naman ng naging kabayaran sa relihiyong iyan — iwinaksi natin ang ating pagsasarili at ibinigay sa mga prayle ang mabubuti nating bayan at bukirin. Mabubuti ang mga naunang misyonero ngunit masisisi ba tayo kung pigilin nating gawan tayo ng masama ng sa kanila ay nagsisunod? Hindi hinihingi ng bayan na alisin ang mga prayle kundi ibalik ang dating karangalan at kabutihan nito.” “Dahil sa mga prayle kaya nananatili ang kapanatagan sa Pilipinas.” “Hindi ninyo nadarama ang pangangailangan ng pagbabago gayong ang inyong pamilya’y…” ang nanlulumong wika ni Elias. 204 “Alang-alang sa kapanatagan ng Pilipinas at España ay lilimutin ko ang aking kasawian. Nasasalig sa pakikiisa sa España ang kagalingan ng bayan.” “Pinasasalamatan ko po ang inyong pagpapaunlak. Nag-aalinlangan tuloy ako sa aking paninindigan dahil sa inyong mga pagkukuro sa kabila ng inyong mga kasawian, paglait, at paguusig mula sa mga prayle. Sasabihin ko na lamang sa mga pinag-uusig na umasa na lamang sa Diyos at sa kanilang lakas. Saan ko kayo ihahatid?” “Elias, sumusugat ang iyong mga pangungusap. Ako man ay nag-aalinlangan din. Hindi ako nag-aral sa sariling bayan at marahil ay hindi ko talos ang kaniyang pangangailangan. Lumaki ako sa Europa, sa Hesuwitas ako nagpalipas ng kabataan, at sa mga aklat nahubog ang aking pag-iisip. Tulad ninyo, iniibig ko rin ang aking bayan sapagkat utang ko sa kaniya ang aking kaligayahan!” “Ako man ay umiibig din sa bayan sapagkat utang ko sa kaniya ang aking kasawian,” ang marahang naidugtong ni Elias. Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa kolum B ang kasingkahulugan ng bawat salita sa kolum A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang. A B _____ 1. pagkakagambala a. nag-uudyok _____ 2. katiwasayan b. maysala _____ 3. nagtutulak c. natitira _____ 4. napipinsala d. nabuo _____ 5. salarin e. katahimikan _____ 6. maampat f. _____ 7. nalalabi g. nilulupig _____ 8. iwinaksi h. pagkakaabala _____ 9. nahubog i. mapigil _____ 10. sinusugpo j. nasisira inialis Talakayin Natin 1. Bakit tumanggi si Ibarra na sunduin siya ng Alperes? 2. Bakit ibig ni Elias na walang makaririnig sa kanilang usapan ni Ibarra? 3. Ano-anong hinaing ang ipinaabot ni Elias kay Ibarra? Paano ito sinagot ni Ibarra? Isulat sa tsart ang sagot. Suliranin/Hinaing ni Elias Tugon ni Ibarra 4. Kanino at paano inihambing ni Elias ang paraan ng paggamot sa sakit ng bansa? 5. Ayon kay Elias, ano ang suliranin sa mga guardia civil? 6. Sinang-ayunan ba ni Ibarra ang kahilingan ni Elias? Bakit? 7. Bakit sa pagtatapos ng kabanata ay sinabi ni Ibarra na “sumusugat ang iyong mga pangungusap”? 205 Suriin at Gawin Natin 1. Sino kina Elias at Ibarra ang may tamang katuwiran? Patunayan. 2. Anong uri ng pag-ibig sa bayan mayroon si Elias at Ibarra? Alin ang mas nakahihigit? Bakit? 3. Kung ikaw ang isa sa sumusunod na mga tauhan, ano ang gagawin mo sa mga pangyayaring ito? a. Ibarra: paghingi ng tulong ni Elias b. Elias: pagtanggi ni Ibarra matapos marinig ang hinaing 4. Sa iyong palagay, tapat bang nagbibigay ng pagkukuro si Ibarra? Pangatuwiranan. 206 Pagyamanin Natin Magsaliksik tungkol sa mga suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Ihambing ang mga ito sa mga suliraning inilahad ni Rizal sa kabanatang ito. Mga Suliraning Panlipunan Noon Ngayon a. May mga pagkakaiba ba o wala? Ipaliwanag. b. Ang mga suliranin ba ngayon ay maaaring dulot ng mga pangyayari noon? Pangatuwiranan. Sa paglinang ng kasanayang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kabanata, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 207 Kabanata 50 Ang Kaanak ni Elias Balik-sulyap Habang namamangka sa lawa, inilahad ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga pinag-uusig. Sinabi ni Ibarra na hindi kailangan ang pagbabago, na ang mga guardia civil ay kailangan ng pamahalaan at ang kasiraan ng korporasyon ng mga prayle ay isang masamang kailangan. Bakit ganoon ang paniniwala ni Ibarra? Paano tinanggap ni Elias ang gayong paniniwala ni Ibarra? Isinalaysay ni Elias kay Ibarra ang kaniyang buhay. Ang kaniyang nunong lalaki na naninirahan sa Maynila ay naglilingkod bilang tenedor de libros sa bahaykalakal ng isang Español. Siya’y may asawa at isang anak na lalaki. Isang gabi, sa hindi malamang sanhi, nagliyab ang bahay-kalakal at ang sunog ay kumalat. Isinakdal ng Español ang kaniyang nuno sa salang panununog. Dahil maralita lamang, siya ay walang nakuhang manananggol. Nahatulan siyang paluin sa mga hayag na lansangan ng Maynila. Nang himatayin siya sa sakit ng mga palo, kinalagan siya at pinalaya. Ang kaniyang asawa na nagdadalantao ay namalimos ngunit walang nahabag. tenedor de libros – accountant; tagatuos 208 Nang gumaling ang mga sugat ng kaniyang nuno, isinama nito ang asawa at anak sa bundok ng lalawigan. Doon isinilang ng asawa ang sanggol na namatay dahil naging masasakitin ito. Dahil sa matinding kasawian, ang kaniyang nuno ay nagbigti. Isinakdal ang kaniyang nunong babae at naparusahan sa salang hindi pagbibigayalam sa kinauukulan ng tungkol sa pagpapakamatay ng asawa. Pagkaraan ng dalawang buwan, nagsilang ang asawa ng isang malusog na sanggol na lalaki. Noon siya pinarusahan. Ang nuno niyang babae, kasama ang dalawang anak, ay lumipat sa ibang lalawigan. Doon sila namuhay na iniismiran ng mga tao. Nang magbinata ang magkapatid, ang panganay ay nanulisan at gumanti sa lipunang umapi sa kanila. Nakilala siya sa tawag na Balat. Ang nakababatang kapatid ay nakilala lamang sa tawag na anak ng kaniyang ina dahil sa mabuting pag-uugali. Si Balat ay nadakip ng mga maykapangyarihan. Isang umaga ay hinanap ng batang kapatid ang ina na naghahanap ng makakain sa gubat. Bangkay na ang kaniyang ina nang ito’y matagpuan niya — nakatitig sa sanga ng isang punongkahoy na nakabitin ang isang buslo na kinalalagyan ng duguang ulo ni Balat. Naglagalag ang nakababatang kapatid at namasukan bilang isang manggagawa sa isang mayaman sa Tayabas. Sapagkat siya ay mabait, matipid, at masipag, kinagiliwan siya ng lahat. Umibig siya sa isang dalaga ngunit natakot siyang mamanhikan. Nangibabaw ang pag-ibig. Upang maitayo ang karangalan ng dalaga, napilitan siyang hingin ang kamay ng kaniyang minamahal. Humingi sa kaniya ng mga katibayan ang ama ng dalaga kaya’t natuklasan ang kaniyang lihim. Ipinabilanggo siya. Ang babae naman ay nagsilang ng kambal; isang babae at isang lalaki. Palibhasa mayaman ang mga nuno, nang lumaki ang kambal, ipinasok sa paa- ralan ng Hesuwita ang lalaki at sa La Concordia naman ang babae. Nang magbinata at magdalaga sila, umuwi na sila sa lalawigan. Doon nakagalit ng binata ang isang malayong kamaganak na siyang nagbunyag ng lihim ng kaniyang buhay. Ang kanila palang utusan ay kaniyang ama. Nilisan nila ang bayan at nanirahan sa ibang pook. Hindi natuloy ang kasal ng kapatid niyang dalaga sa kasintahan nito. Sa halip, nagpakasal ito sa iba. Naging maiksi ang buhay ng kaniyang ama subalit bago ito namatay, isinalaysay nito ang kaniyang kahapon. Iniluha ng kambal ang pagkamatay ng kanilang ama. Isang araw, nawala ang kapatid na babae. Pagkaraan ng Trivia Ang La Concordia ay itinatag noong 1868. Sa pamamagitan ng Daughters of Charity tumaas ang bilang ng mga mag-aaral sa La Concordia hanggang bago matapos ang ika-19 na siglo. Ilan sa kilalang naging mag-aaral dito ay sina Saturnina, Soledad, at Olympia na pawang kapatid ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, gayundin ang dalawang babaeng minahal niya na sina Segunda Katigbak at Leonor Rivera ay dito rin nag-aral. 209 anim na buwan ay nakita siya ngunit bangkay na ito. Ang lalaki sa kambal ay walang iba kundi si Elias. Matapos maisalaysay ni Elias ang kaniyang buhay, muling inungkat nito ang hinihiling na pagbabago. “May katuwiran kayong ang pamahalaan ay dapat magbigay ng gantimpala sa mabubuti at magturo naman sa mga nagkakasala. Subalit ang kagustuhan natin ay mawawalan lamang ng saysay. Kailangang tayo ay maghintay,” ang wika ni Ibarra. “Kung tayo’y panigan ng bayan?” “Hindi mangyayari iyan. Alangalang nga sa bayan, ako’y nagtatayo ng paaralan sapagkat nasa karunungan ang kaniyang pagsulong. Kung walang liwanag ay walang landas.” “Kung walang pagtutunggali ay walang kalayaan!” ani Elias. “Tutol ako sa ganyang kalayaan.” “Kung walang kalayaan ay walang liwanag. Hindi ninyo nakikita ang nagbabantang dilim. Sa sandaling dumating ang unos sa lupa, ito’y magdaranak ng dugo.” “Ang sama ay hindi magagamot ng kapwa sama, ang kasawiang dinaranas ng bayan ay kasalanan ng lahat,” wika ni Ibarra. Ang bangka ay isinadsad ni Elias at nagpaalam kay Ibarra. “Salamat sa inyong pagpapaunlak. Alang-alang sa inyong kabutihan, ay limutin na ninyo ako. At kung sa ibang kalagayan ay magkita tayo, huwag na sana ninyo akong babatiin.” Pagkasabi niyon, pinalakad nito ang bangka at tinungo ang isang malapit na baybaying makahoy. Pagkasadsad ng bangka, isang tao ang lumapit. “Ano po ang sasabihin ko sa aking Kapitan?” ang tanong nito. “Sabihin ninyo na ako’y sasama sa kaniya sa oras na ako’y kailanganin.” Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat pangungusap. 1. Ang nuno niyang babae at dalawang anak ay nabuhay na parang iniismiran o inuungusan ng lahat. 2. Dahil sa nangyari sa kaniyang ina at sa kapatid na si Balat, ang nakababatang kapatid ay naglayas at naglagalag sa iba’t ibang lugar. 3. Umibig siya sa isang dalaga ngunit natakot na mamanhikan, ngunit hindi naglaon ay nangibabaw ang pag-ibig at hiningi ang kamay ng dalaga sa mga magulang. 4. Dahil sa nakagalit na malayong kamag-anak, nabunyag ang lihim ng kambal at naisiwalat ang kanilang pagkatao. 5. Pagkaraang maikuwento ang kasaysayan ng kaniyang buhay, muling inungkat ni Elias ang hinaing at ipinaalala ang paghingi niya ng tulong dito. 210 Talakayin Natin 1. Sino-sino ang kaanak ni Elias? Isulat ang mga ito sa Family Tree. Ang Angkan ni Elias at 2. Ano ang kinahinatnan ng mga kaanak ni Elias? Kaanak 1. Nunong lalaki 2. Nunong babae 3. Tiyuhin 4. Ama 5. Ina 6. Kakambal Kinahinatnan 3. Ano ang dahilan ng pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan? 4. Bakit tutol si Ibarra sa paggamit ng lakas? Paano niya ito ipinahiwatig kay Elias? 5. Sa anong paraan nagkakaiba sina Elias at Ibarra sa pagpapabuti ng pamamahala? 211 Suriin at Gawin Natin 1. Ipaliwanag ang sumusunod na kataga: a. “Kung walang pagtutunggali ay walang kalayaan!” _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ b. “Kung walang kalayaan ay walang liwanag.” _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ c. “Nasa karunungan ang kaniyang pagsulong.” _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ d. “Ang sama ay hindi magagamot ng kapwa sama.” _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Kung ikaw si Elias, ano ang iyong gagawin sa sumusunod na pangyayari? a. Nalaman mo ang mga nangyari sa iyong mga kamag-anak _________________________________________________________ _________________________________________________________ b. Ang hindi pagsang-ayon ni Ibarra sa ibig mong mangyari _________________________________________________________ _________________________________________________________ 3. Makatuwiran ba ang mga nangyari sa kaanak ni Elias? Bakit? _________________________________________________________ _________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay, bakit ikinuwento ni Elias ang buhay niya kay Ibarra? _________________________________________________________ _________________________________________________________ 5. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Elias pagkatapos ng pag-uusap nila ni Ibarra? Bakit? _________________________________________________________ _________________________________________________________ 212 Pagyamanin Natin A. Gumawa sa isang 1/8 illustration board ng sariling family tree mula sa iyong mga ninuno hanggang sa iyong sariling henerasyon. Magdikit ng mga larawan. B. Magtala sa tsart ng ilang naging suliranin ng inyong pamilya at paano nilutas ang mga ito. Suliranin Paano Binigyan ng Solusyon C. Dugtungan ang sumusunod na pahayag. 1. Napatunayan ko na ang suliranin sa buhay ng tao ay _____________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Bawat suliranin sa pamilya ay malulutas kung ___________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ Sa paglinang ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa buhay ni Elias, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 213 Kabanata 51 Mga Pagbabago Balik-sulyap Matapos isalaysay ni Elias ang kaniyang buhay kay Ibarra, muli niyang inungkat ang tungkol sa mga pagbabagong hinihingi ng mga pinag-uusig. Ngunit matibay ang paniniwala ni Ibarra na ang sama ay hindi magagamot ng kapwa sama. Bago umalis si Elias, may ipinagbilin siya kay Ibarra. Ano ang ipinagbilin ni Elias kay Ibarra? Saan nagtungo si Elias? Ano ang pakay niya rito? Si Linares na sadyang mahiyain ay balisa. Hindi siya makaimik at hindi malaman ang gagawin dahil sa liham na tinanggap mula kay Doña Victorina. Mahal kong pinsan, Sa loob ng tatlong araw ay kailangang malaman ko kung kayo ng Alperes ay naglaban na. Pag natapos ang tatlong araw na iyan at wala kang ginawa, umasa kang mababatid ni Kapitan Tiyago na ikaw ay hindi naging kalihim, hindi nakasama ni Heneral Martinez, ni hindi naging kabiruan ni Canovas. Ipagtatapat ko kay Clarita ang iyong lihim at hindi rin kita bibigyan ng kuwalta. Ang lahat ng mahiling mo ay idudulot ko sa iyo kapag kinalaban mo ang Alperes. Hindi ako tatanggap ng ano mang paumanhin o dahilan mo. Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo nang buong puso, Victorina de los Reyes de de Espadaña Sampaloc, Lunes, ika-7 ng gabi Batid ni Linares na si Doña Victorina ay hindi nagbibiro. Hindi niya maaaring pamanhikan ang 214 kaniyang pinsan. Walang nalalabing paraan kundi hamunin niya ang Alperes. Gayon na lamang ang pagsisisi ni Linares sa pakikinig sa payo ni Doña Victorina na magpalalo at magsinungaling kay Kapitan Tiyago. Dinatnan siya ni Padre Salvi sa ganitong pagmumuni. Ang Kura ay payat at lalong maputla, ngunit sa kaniyang mga labi ay may isang mahiwagang ngiti. Binati niya si Linares at itinanong si Kapitan Tiyago. Dumating si Kapitan Tiyago at humalik sa kamay ng Kura. Ibinalita ni Padre Salvi na siya’y tumanggap ng liham mula sa Maynila na nagpapatunay na si Ibarra’y pinatawad na. Narinig ito ni Maria Clara. Nagnais tumindig ang dalaga. Si Linares naman ay namutla sa kaniyang narinig. “Ngayon ko nakilalang si Ginoong Ibarra ay mabuting binata, lamang ay may kaunting karahasang kumilos ngunit madaling gumamot sa kaniyang kakulangan. Kung hindi lamang kay Padre Damaso…” ang wika ng Kura. Ang pag-uusap ay naririnig nina Maria Clara at Sinang. Dahil sa kagalakan, kinurot ni Sinang si Maria Clara. “At si Padre Damaso?” ang tanong ni Linares. “Tutol siya kay Ginoong Ibarra ngunit kung hihingi ng tawad ang binata ay maaayos ang lahat.” “At kung hindi siya patawarin?” ani Kapitan Tiyago. “Kung gayo’y… si Maria Clara na ang bahala. Si Padre Damaso ay kaniyang kompesor kaya sila’y maaaring magkaunawaan.” Nang mga sandaling yaon, dumating si Ibarra na kasunod si Tiya Isabel. Binati niya si Kapitan Tiyago at yumukod kay Linares. Sinalubong siya ni Padre Salvi at buong lugod na kinamayan. Si Ibarra’y nagtaka. “Huwag kayong mamangha,” ani Padre Salvi. “Katatapos pa lamang na purihin ko kayo.” Si Ibarra ay lumapit kay Sinang. “Napag-usapan namin ang iyong pagkawala at nagkaroon kami ng iba’t ibang palagay,” ani Sinang. Dinala ni Ibarra si Sinang sa isang sulok ng salas at doon sila nag-usap. “Nagagalit ba sa akin si Maria?” “Aywan, ngunit umiiyak siya. Ang sabi’y limutin mo na siya. Ang nais ni Kapitan Tiyago at Padre Damaso ay ipakasal siya kay Linares. Si Maria ay ayaw.” “Sabihin mong gusto ko siyang makausap nang sarilinan.” “Bukas ay magtungo ka sa amin nang maaga. Kailanma’y ayaw ni Maria Clara ang mapag-isa kaya sasamahan namin siya,” ang sagot ni Sinang. Hindi nagluwat, nagpaalam si Ibarra at tuluyang umalis. pamanhikan – kaugalian ng pormal na paghingi ng pahintulot sa magulang ng babae upang maikasal ang magkasintahan magpalalo – hambog na nakakainis o nakakasugat ng damdamin ng ibang tao 215 Talasalitaan: Palawakin Natin A. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. ________________ 1. Si Linares ay balisa dahil sa tinanggap nitong sulat. ________________ 2. Pinagpayuhan ni Doña Victorina si Linares na magpalalo at magsinungaling kay Kapitan Tiyago. ________________ 3. Nagtaka si Ibarra nang buong lugod siyang sinalubong ni Padre Salvi. ________________ 4. Nagalak ang magkaibigang Sinang at Maria Clara sa balitang pinatawad na si Ibarra. ________________ 5. Hindi nagluwat at nagpaalam din agad si Ibarra. B. Ikahon ang salitang hindi dapat kasama ng mga salita sa bawat bilang. 1. pagmumuni pag-iisip pag-alaala pagdaraos 2. kagalakan kasarinlan katuwaan kaligayahan 3. nagtaka nag-isip nabahala nag-alala 4. ibinalik ibinalita ipinabatid ipinasabi 5. palagay saloobin opinyon kuro-kuro Talakayin Natin 1. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata na, “Mga Pagbabago.” Anong pagbabago ang nangyari sa mga tauhan? Tauhan 216 a. Ibarra b. Linares c. Padre Salvi d. Maria Clara Pagbabago 2. Ano ang nilalaman ng sulat ni Doña Victorina kay Linares? 3. Bakit hindi masisi si Linares sa mga ginawang pagsunod sa kaniyang pinsan? 4. Paano tinanggap ng sumusunod na tauhan ang pagpapatawad kay Ibarra? a. Padre Salvi – _________________________________________ _________________________________________ b. Maria Clara – _________________________________________ _________________________________________ c. Sinang – _________________________________________ _________________________________________ d. Kapitan Tiyago – _________________________________________ _________________________________________ 5. Ano ang nilalaman ng pag-uusap nina Ibarra at Sinang? Suriin at Gawin Natin 1. Makatuwiran ba ang nilalaman ng sulat ni Doña Victorina para kay Linares? Ipaliwanag. 2. Sa iyong palagay, totoo ba ang pakitang-giliw ni Padre Salvi kay Ibarra? Pangatuwiranan. 3. Kung ikaw si Linares, susunod ka ba sa iyong pinsan? Bakit? 4. Sa iyong pananaw, bakit ibig makausap nang sarilinan ni Ibarra si Maria Clara? Pagyamanin Natin A. Sumulat ng isang komposisyon na may paksang “Pagbabago.” Maaaring mga bagay na nagbago sa iyong sarili at pamilya at mga bagay na ibig mo pang mabago. B. Isa-isahin ang mga pagbabagong naganap sa ating bansa na may kaugnayan sa ilang pangyayari sa kabanata. _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ 217 Kabanata 52 Ang Baraha ng mga Patay at ang mga Anino Balik-sulyap Labis na nabalisa si Linares sa tinanggap na sulat mula kay Doña Victorina. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi at sinabing hindi na excomulgado si Ibarra. Buong lugod na sinalubong at kinamayan ng Kura si Ibarra na lubha nitong ikinamangha. Nang makausap ni Ibarra si Sinang, pinakiusapan niya itong sabihin kay Maria Clara na gusto niyang makausap nang sarilinan ang dalaga. Bakit gusto niyang makausap nang sarilinan si Maria Clara? Taos ba sa loob ng Kura ang pagbabago niya kay Ibarra? Madilim ang gabi at malamig ang simoy ng hangin na nagbabalitang malapit na ang Disyembre. Tatlong anino ang paanas na naguusap sa pinto ng libingan. “Nakausap mo ba si Elias?” ang tanong ng isa. “Hindi. Lubha siyang malihim ngunit kasama natin siya sapagkat may utang na loob siya kay Ginoong Ibarra.” “Ako ay sumama sapagkat ang asawa ko’y ipinagagamot niya sa Maynila. Ako ang sasalakay sa kumbento upang makaganti ako sa Kura,” ang sabi ng unang tinig. “Kami naman ang sasalakay sa kuwartel upang masabing ang aming ama ay may mga anak na lalaki.” 218 “Ilan kayo?” “Lima at iyon ay sapat na. Ang wika ng alila ni Ginoong Ibarra ay dalawampu raw kami.” Natigil ang usapan dahil may narinig silang dumarating. Nabanaagan nila ang pangangabay ng isang anino sa bakod at sa likod nito. Sa may dalawampung hakbang na pagitan sa likuran ay may nakita pa silang isang aninong sumusunod. “May sumusunod sa akin. Ito kaya ay guardia civil? Nagbulaan kaya ang Sakristan Mayor?” anang unang anino. “Dito kaya kami magtatagpo? Ang layon ay huwag sabihin sa magkapatid. Marahil ay masama ang tangka.” Nang makarating siya sa pinto ay sinalubong siya ng tatlong anino. “Kayo ba ang aming hinihintay?” “Maghintay tayo sapagkat may sumusunod. Bukas ay tatanggapin ang mga sandata at sa gabi ang paglusob. Ang isisigaw ninyo ay ‘Mabuhay si Ginoong Crisostomo Ibarra!’ Lumakad na kayo!” Ang tatlong anino ay nawala sa likod ng mga pader. Ang bagong dating ay naghintay sa sulok ng pintuan. “Tila nahuli ako,” ang wika ng ikalawang anino. Lumapit siya sa pinto upang manganlong sa ambon. Nagsinuhan ang dalawang anino. Ilang sandaling hindi sila nag-imikan upang wariin kung sino ang isa’t isa. Nang tanungin ng huling dumating ang naunang anino kung ano ang ginagawa nito sa libingan, isinagot nito na hinihintay niya ang ikawalo ng gabi upang makuha ang baraha ng patay dahil ibig niyang magkakuwalta ngayong gabi. “Kayo, ano ang inyong pakay?” Tulad din ng unang anino ang pakay ng ikalawa. Walang dalang baraha ang ikalawang anino. Ang patay ay siyang hinihintay niyang maglagay ng baraha para sa kaniya at siya ang tataya. Ang gumalaw na baraha ay siyang baraha ng patay at dapat maagaw sa pamamagitan ng tagaan. Naalaala ng unang anino na hindi nakikipagsugal sa dalawa ang patay. Napagkayarian nilang sila muna ang dapat magsugal upang malaman kung sino ang aalis. Naupo sa isang nitso ang dalawa. Nagkiskis ng posporo ang unang anino. Ito ay si Lucas at ang huli ay si Elias. Ngunit talagang hindi magkakilala ang dalawa. Talo si Elias kaya siya ang umalis. Nang gabing yaon, dalawang guardia civil ang nag-uusap tungkol sa paghuli kay Elias. Walang pilat si Elias ayon sa Alperes kaya hindi nila pinigil si Lucas nang ito ay masalubong nila. Ilang sandali pa ay si Elias ang dumating. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. “Saan ka paroroon?” ang tanong ng isa. “Hinahabol ko po ang isang lalaking may pilat sa mukha. Siya ay si Elias na siyang bumugbog sa aking kapatid.” Ang dalawang guardia civil ay patakbong tumungo sa simbahang pinasukan ni Lucas. 219 Talasalitaan:Palawakin Natin Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng wastong sagot. _____ 1. Ang tatlong anino sa pinto ng libingan ay paanas kung mag-usap. a. pautal c. pahikbi b. pabulong d. pasenyas _____ 2. Sinipat niyang mabuti ang mukha ng kausap upang mabanaagan kung sino ito. a. makita c. mamalas b. matanaw d. maaninaw _____ 3. Ang huling aninong dumating ay nanganlong sa ambon sa pinto ng libingan. a. nagtungo c. nagtago b. umiwas d. tumalilis _____ 4. Nag-alala ang unang aninong dumating na baka nagbulaan ang Sakristan Mayor. a. nagyabang c. nag-imbento b. nagkunwari d. nagsinungaling _____ 5. Ilang sandaling hindi nag-imikan ang dalawa upang wariin ang tinig ng isa’t isa. a. alamin c. masuri b. mamukhaan d. kilalanin Talakayin Natin 1. Ilahad ang pag-uusap ng tatlong anino. Pakay ng tatlong anino: Mga sasalakayin: Dahilan ng pagsama: 220 2. Bakit natigil ang pag-uusap ng tatlong anino? 3. Ano ang bilin ni Lucas/ikaapat na anino sa tatlo? 4. Ano ang pakay ng dalawang huling anino na dumating? 5. Bakit hinihintay ng unang anino ang pagsapit ng ikawalo ng gabi? 6. Ano ang napagkasunduan ng dalawang anino? 7. Bakit naunang umalis si Elias? 8. Paano nalinlang ni Elias ang dalawang guardia civil na humahanap sa kaniya? Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, may katotohanan ba ang sinasabing pakikipagsugal sa patay? Ipaliwanag. 2. Maaari kayang may ibang pakay si Elias at Lucas sa pagpunta sa sementeryo? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, may kinalaman ba si Ibarra sa planong pagsalakay? Pangatuwiranan. 4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Mabuhay si Ginoong Crisostomo Ibarra!” 5. Ilarawan ang mga mangyayari kaugnay ng planong pagsalakay. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa: • Baraha ng mga Patay • Pinagmulan ng Sugal sa Pilipinas at mga Tuntunin Nito 2. Isulat sa tsart ang masamang epekto sa buhay ng mga mamamayan sa isang lugar. Magbigay din ng mga mungkahing solusyon kung paano maiiwasan ang pagsusugal. Masamang Epekto ng Sugal Mga Mungkahing Solusyon sa Pag-iwas sa Sugal Sa paglinang sa kasanayang pag-iisa-isa sa planong pagsalakay na tinukoy sa kabanata, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 221 Kabanata 53 Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Balik-sulyap Tatlong anino ang nasa libingan upang hintayin si Lucas na magbibigay sa kanila ng sandata sa paglusob nila sa kumbento at sa kuwartel. Sa kanilang paglusob, ang isisigaw nila’y, “Mabuhay si Ginoong Crisostomo Ibarra.” Dumating si Elias na nagmamanman kay Lucas. Umalis siya nang matalo sa pagsusugal nilang dalawa. Naiwan si Lucas, subalit umalis din patungong kumbento nang masalubong ang mga guardia civil na humahanap kay Elias. Paano nalinlang ni Elias ang mga guardia civil? Kinabukasan ay kumalat sa bayan ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita nang sinundang gabi sa libingan. Ito ay ipinalagay na mga kaluluwang naghihirap sa purgatoryo. Nang umagang iyon ay nagsermon muli ang Kura tungkol sa mga kaluluwa sa purgatoryo. Samantala nang umagang iyon, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Ilang araw nang nahihiga si Pilosopo Tasyo dahil sa mabilis na panghihina ng kaniyang katawan. “Ngayong nakikipaglaban pa kayo sa guardia civil, ang pagbibitiw ay hindi nararapat at hindi napapanahon. Sa panahon ng digmaan, ang puno ay dapat manatili sa kaniyang tungkulin.” “Dapat nga po kung ang Heneral ay matapat, ang mga nahuli kong 222 guardia civil ay pinawalan niya nang hindi man lamang gumawa ng ano mang pag-uusig. Gustuhin ko mang tuparin nang maayos ang aking tungkulin ay wala ring mangyayari kung walang pahintulot ang aking puno.” “Kung kayo’y nag-iisa ay wala nga kayong makakamit ngunit kung kayo’y kakatigan ng marami ay malaki ang magagawa ninyo. Sinamantala sana ninyo ang ganitong pagkakataon upang maipakilala ninyo sa bayan ang isang magandang halimbawa.” “Wala ho akong magagawa sa bayang matatakutin. Tingnan ninyo si Ginoong Ibarra na napadala rin sa paniniwala ng karamihan. Siya po ba’y naniniwala rin sa excomunion?” “Magkaiba kayo ng kalagayan ni Ginoong Ibarra. Ang ibig niya’y magtanim kaya kailangan niyang sumunod at makibagay sa kalikasan. Ang tungkulin ninyo ay magpasunod kaya’t kailangan ninyo ng lakas upang labanan ang mga nagmamalabis sa kapangyarihan at ang mga nanliligalig sa katahimikan ng bayan. Hindi na kayo nag-iisa sapagkat ang bayan ngayon ay hindi na tulad ng bayan noong dalawampung taong lumipas.” “Iyan ba ang inyong paniniwala?” ang tanong ni Don Filipo. “Malaki na ang ipinagbago dahil sa pagdayo rito ng mga Europeo, pagdating ng mga bagong aklat, gayon din ang pagdami ng kabataang nag-aaral sa Europa. Nahihilig ang kabataan sa Kasaysayan, Agham, Matematika, Literatura, at iba pa. Bunga nito ay naging mapanuri na sila sa kanilang kapaligiran, pamahalaan, kabuhayan, at lipunan. Mulat na sila sa pagdurusa ng bayan. Hindi na sila nag-aaksaya ng panahon sa pagsusuri sa kalikasan ng Diyos na hindi saklaw o kayang suriin ng kanilang isip. Unti-unti nang napapawi ang bisa ng salita ng mga prayle. “Maliit ang bagong binhi at maaaring hindi sumibol,” ang wika ni Don Filipo na hindi makapaniwala sa sinasabi ni Pilosopo Tasyo. “Walang makapipigil sa pagsulong. Ang mga Dominiko ay tumutulad na rin sa mga Hesuwita ng Ateneo na kasama sa pagpapaunlad ng bayang kanilang tinuruan.” “Sabi ninyo ay kasama ang mga Hesuwita, eh, bakit po sila tinutuligsa sa Europa?” nagtatakang tanong ni Don Filipo. “Nahuhuli rin sa panahon ang mga Hesuwita, ngunit sa lahat ng nahuhuli, sila ang nangunguna tungo sa pag-unlad. May tatlong paraan para makasunod sa pagsulong: sa unahan na siyang nagtataguyod, sa tagiliran na napadadala, at sa hulihan na napahihila. Pinili ng Hesuwita ang huli upang hindi masagasaan. Ang Pilipinas ay halos tatlong daang taon nang sumusunod sa sasakyan ng pagbabago at kalilipas lang sa atin ng Edad Media. Kaya, kung nahuhuli sa Europa ang mga Hesuwita, sa Pilipinas ay sila ang kumakatawan sa pagsulong. Utang sa kanila ang bagong kalakaran sa pagkatuto at mga agham ukol sa kalikasan samantalang sa Dominiko utang ang Escolasticismo. Palubog na ang Pilipinas ng aking panahon. Kayo ang nahaharap sa pakikipagtunggali ng nakaraan sa hinaharap. Nasa inyo ang pananagutang magbibigay-daan sa katatagan.” Sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na huwag pag-alinlanganan ang mga sinabi niya. Alam niyang maraming nag-aalinlangan sa katinuan ng kaniyang isip lalo na’t ang mga kabataan ay walang inaatupag kundi paglilinlang at pagnanasa sa puri ng kababaihan at hindi iniisip ang kabutihan ng bayan. Ang mga babae ay nag-uukol ng malaking panahon sa tahanan ng Diyos at napababayaan ang sariling tahanan. Ang mga lalaki Escolasticismo – pilosopiya ng mga nag-aaral sa panahon ng Edad Media (Middle Ages). 223 naman ay masisipag sa bisyo at matatapang sa paggawa ng kahihiyan. Kaya’t ang mga musmos ay namumulat sa kasamaan. “Ibig ba ninyo ng gamot?” tanong ni Don Filipo upang maiba ang usapan. Lumungkot ang mukha ni Pilosopo Tasyo at sinabing, “Ang mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot. Ang gamot ay para sa maiiwan. Malugod akong mamamatay.” Ipinakiusap ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na nais niyang makita si Ibarra dahil malapit na siyang bawian ng buhay. Hindi nagtagal, nagpaalam na si Don Filipo. Talasalitaan: Palawakin Natin Buuin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang nawawalang letra sa bawat kahon. A P S S N NG U P P A GW I N 1. Kung kakatigan kayo ng marami, malaki ang magagawa ninyo para sa bayan. L 2. Ayon kay Pilosopo Tasyo, walang iinis sa binhi ng pagsulong na bunga ng panahon at kasipagan. G O U O W S 3. Kailangang parusahan ang mga nanliligalig sa katahimikan ng bayan. 4. Kakailanganin ang ibayong lakas kung nais kalabanin ang mga nagmamalabis sa kapangyarihan. K 5. Walang hinaharap ang mga kabataan kundi ang panliligaw at paghahapay ng puri ng kababaihan. Talakayin Natin 1. Ano ang kumalat na balita sa bayan? Ano ang naging palagay ng mga tao ukol dito? 2. Bakit nagbitiw sa tungkulin si Don Filipo? Bakit hindi ito sinang-ayunan ni Pilosopo Tasyo? 3. Ayon kay Pilosopo Tasyo ano ang kaibahan ni Don Filipo kay Ibarra? 224 4. Anong mga pagbabago na ang naganap sa bansa mula nang dumating ang mga taga-Europa? 5. Ipaliwanag ang tatlong uri ng pagsulong. 6. Bakit pinili ng mga Hesuwita ang ikatlong pagsulong? 7. Bakit tinutuligsa sa Europa ang mga Hesuwita samantalang sa Pilipinas ay kumakatawan sila sa pagsulong? 8. Bakit pinintasan ni Pilosopo Tasyo ang mga kabataan? 9. Bakit ayaw uminom ni Pilosopo Tasyo ng gamot? Suriin at Gawin Natin 1. Tama ba ang ginawang pagbibitiw ni Don Filipo sa tungkulin? Bakit? 2. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi ni Pilosopo Tasyo na, “sa panahon ng digmaan, ang puno ay dapat manatili sa kaniyang tungkulin”? Ipaliwanag. 3. Ipaliwanag ang sumusunod na kataga: a. “Maliit ang bagong binhi at maaaring hindi sumibol.” b. “Ang mamamatay ay hindi nangangailangan ng gamot. Ang gamot ay para sa maiiwan.” 4. Mapipigilan ba ang pagsulong ng isang bansa? Ipaliwanag. 5. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata na, “Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga.” Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa ideya ng globalisasyon. Tukuyin ang mga epekto nito sa tao, lipunan, ekonomiya, at kalikasan ng isang bansa. 2. Magpangkatan sa walo. Idrowing sa 1/4 na illustration board ang epekto ng globalisasyon sa bansa. Sumulat ng paliwanag sa likod ng drowing. 225 Kabanata 54 Lahat ng Lihim ay Nabubunyag Balik-sulyap Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang puno ay dapat manatili sa kaniyang tungkulin sa panahon ng digmaan. Ngayong nag-iisa na si Don Filipo, wala siyang magagawa para sa bayan. Ang mga kabataan na dapat asahan ay maraming kapintasang taglay. Ayon sa Pilosopo, ano ang mga kapintasang ito? Tinugtog ang orasyon. Lahat ay tumigil sa paggawa at nagdasal ng Angelus. Nang mga sandaling iyon, humahangos naman ang Kura patungo sa bahay ng Alperes. Matulin itong pumanhik sa bahay ng Alperes at makailang tumawag nang malakas. Lumabas ang Alperes na nakakunot ang noo. “Nagkakangkakahog ako sa pagtungo rito dahil natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsa ngayong gabi,” pabulong na wika ng Kura nang sila’y magkasarilinan ng Alperes. Sinabi ng Kura na nabatid niya ito sa isang babaeng nangumpisal. Kailangang ipaglihim ito dahil hindi niya maaaring ibunyag ang lihim ng kumpisalan. orasyon – tugtog ng kampana para sa dapithapon nuno – pinagmulan ng isang angkan; lolo at lola 226 “Ihanda ninyo ang inyong mga guardia civil sa kuwartel at padalhan din ninyo ako ng apat na kawal sa kumbento. Pagsabihan din ninyo ang mga nangasadaong.” Ipinayo niya sa Alperes na huwag magpahalatang may nalalaman siya upang mapasigaw ang mga nag-aalsa. Tiyak na uulan ng mga krus at bituin. Samantalang nangyayari ito, isang tao ang mabilis na bumabagtas sa lansangan patungo sa bahay ni Ibarra. Mabilis itong pumanhik at hinanap sa utusan si Ibarra. Itinuro siya sa laboratoryo. “Kayo pala, Elias!” pamanghang sabi ni Ibarra. “Nakalimutan kong itanong sa inyo ang pangalan ng Español na tinirhan ng inyong nuno.” “Ang sadya ko po’y hindi para sa akin kundi… Ang kailangan po ay itago ninyo ang inyong mga kasulatan at kayo’y tumakas ngayon din. Sunugin ninyong lahat ang mga kasulatang makapipinsala sa inyo at magtungo kayo sa isang pook na malayo sa panganib.” “Bakit?” “Nabatid ko ang isang pagaalsa at kayo ang pinagbibintangang namumuno sa pag-aalsang iyon,” paliwanag ni Elias. “Isang pag-aalsa? Sino ang nagbalak?” pamanghang tanong ni Ibarra. “Hindi ko po masabi ang pangalan sapagkat ayaw ipagtapat ng binayaran.” “Sinabi ba niya sa iyo kung sino ang umupa sa kaniya?” “Opo. Matapos niyang pilitin akong ilihim ko ang bagay na ito ay sinabing kayo raw ang nagbayad.” “Diyos ko!” ang bulalas ni Ibarra. “Kumilos na kayo ngayon din sapagkat ang pag-aalsa’y nakatakda ngayong ikawalo ng gabi. Umiwas kayo! Ilayo ninyo ang inyong sarili sa panganib alang-alang sa Inangbayan,” pakiusap ni Elias. Tumulong si Elias sa pagbasa ng mga kasulatang makapipinsala kay Ibarra. Bigla itong napatigil, nandilat ang mga mata, at biniling-biling sa kamay ang isang kasulatan at tinanong si Ibarra. “Nakikilala ninyo si Pedro Eibarramendia?” Ginoong “Opo, siya ang aking nuno sa tuhod. Pinaikli lamang namin ang apelyido dahil may kahabaan.” Trivia Ang Angelus (Salitang Latin ng Anghel) ay isang debosyon ng mga Kristiyano bilang paggunita sa Pagkakatawang Tao. Ang Angelus ay nagmula sa pambungad na pahayag na: Angelus Domini nuntiavit Mariæ (“the Angel of the Lord declared unto Mary…”) sinasanay sa pagpapahayag na tila bersikulo at may sagot na tatlong Biblikal na mga taludtod na inilalarawan ang misteryo, pagpapalit sa salutasyon na “Aba Ginoong Maria!” Mga halimbawa ng uri ng dasal ang Angelus na tinatawag na panalangin ng mga deboto. Nakaugalian nang dasalin ang nasabing debosyon sa mga simbahang Romano Katoliko, mga kumbento, at monasteryo tatlong beses sa loob ng isang araw: ika-6:00 ng umaga, ika-12 ng tanghali, at ika-6 ng gabi (marami pa ring simbahan na ginagawa ang nasabing debosyon at ginagawa pa rin sa tahanan). Ginagamit din ang debosyon ng ilang simbahang Anglican at Lutheran. Karaniwang ang Angelus ay sinasabayan ng tunog ng kampana na pang-Angelus na nagpapalaganap ng kabutihan para sa lahat sa daigdig. Ang anghel na tinutukoy sa dasal ay si Anghel Gabriel, ang sugo ng Panginoon na nagbalita kay Maria na ipagbubuntis niya ang anak ng Diyos. “Kilala ba ninyo kung sino si Pedro Eibarramendia? Siya ang tampalasang nagbintang sa aking nunong lalaki at naging sanhi ng lahat ng aming kasawian,” ang nagngingitngit na wika ni Elias. “Matagal ko nang pinaghahanap ang apelyidong iyan at kayo ang inilapit sa akin ng Diyos. Pagbabayaran ninyong lahat ang aming mga kasawian.” kasulatan – mga bagay o usaping nakasulat sa papel balaraw – matulis na patalim na magkabilaan ang talim 227 Nagugulumihanang tinitigan siya ni Ibarra. Sinunggaban ni Elias ang bisig ng binata at nagwika: “Masdan ninyo ang nagtiis ng maraming hirap! Kayo’y mayaman, umiibig, may karangalan, at nabubuhay… nabubuhay!” Tinakbo ni Elias ang sisidlan ng mga sandata, subalit ilang saglit lamang ay nabitiwan ang dalawang balaraw na kinuha na gagamitin sana. Parang baliw na tumingin ito kay Ibarra. “Ano ang gagawin ko?” ang naibulong nito at nagdudumaling nanaog at nilisan ang bahay. Talasalitaan: Palawakin Natin Pag-aralang mabuti ang salitang italisado sa bawat bilang. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan nito. 1. Nagkakangkakahog ang Kura sa pagtungo sa bahay ng Alperes. 2. Nagngingitngit si Elias nang malamang nuno ni Ibarra ang taong naging dahilan ng kanilang kasawian. 3. Ang kaniyang nunong Español ang tampalasan na nagbintang sa nunong lalaki ni Elias ng panununog. 4. Nagugulumihanang tinitigan ni Ibarra si Elias. 5. Nagdudumaling nanaog si Elias at nilisan ang bahay. Salita Kasingkahulugan 1. nagkakangkakahog 2. nagngingitngit 3. tampalasan 4. nagugulumihanan 5. nagdudumali Kasalungat Talakayin Natin 1. Ibuod ang kabanata sa pamamagitan ng Pag-akyat at Pagbaba sa Bundok. Kasukdulan Tunggalian Kakalasan Panimula 2. Paano nalaman ng Kura at Alperes ang napipintong pag-aaklas? 228 Wakas 3. Anong paghahanda ang ipinag-utos ng Kura sa Alperes? 4. Ano ang ibig sabihin ng Kura na, “Tiyak na uulan ng mga krus at bituin”? 5. Bakit nakipagkita si Elias kay Ibarra? 6. Ano ang ipinayo ni Elias kay Ibarra? 7. Ilahad ang kaugnayan ni Ibarra at Elias kay Pedro Eibarramendia. 8. Bakit biglang nagalit si Elias kay Ibarra? Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, sino ang nagpakalat ng himagsikang pamumunuan ni Ibarra? Pangatuwiranan. 2. Anong magandang katangian ni Elias ang kaniyang ipinakita sa pagpunta sa bahay ni Ibarra? Ipaliwanag. 3. Kung ikaw si Elias, ganoon din ba ang magiging reaksiyon mo kung nalaman mo na ang ninuno ni Ibarra ang siyang dahilan ng iyong paghihirap? Bakit? 4. Kung ikaw si Ibarra, ano ang gagawin mo sa bintang na ikaw ang namumuno sa pag-aalsa? 5. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata sa pamamagitan ng pagdurugtong sa, “Lahat ng Lihim ay Nabubunyag,” na nagpapatunay lamang na __________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________.” Pagyamanin Natin Magsaliksik tungkol sa mga nangyaring pag-aalsa sa ating bayan at ang mga detalye nito. Mga Pag-aalsa Namuno Dahilan Kinahinatnan Sa paglinang sa paglalarawan ng iba’t ibang damdamin ni Elias sa pakikipagusap kay Ibarra, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 229 Kabanata 55 Ang Pagkakagulo Balik-sulyap Natuklasan ng Alperes sa pamamagitan ng Kura ang pag-aalsa sa ikawalo ng gabing iyon. Isang babae ang nagtapat nito sa Kura. Habang pinaplano ng dalawang makapangyarihan ang gagawin sa pagdakip sa mga mag-aalsa, si Elias naman ay nagtungo sa bahay ni Ibarra upang ibalita ang natuklasang pakana laban sa binata. Ano naman ang natuklasan ni Elias kay Ibarra? Kasalukuyang naghahapunan sina Linares, Tiya Isabel, at Kapitan Tiyago. Hindi sumalo si Maria Clara sapagkat ayaw niyang makaharap si Linares. Hinihintay niya ang pagdating ni Ibarra. Si Padre Salvi ay balisang nagyayao’t dito sa salas. Sa sandaling yaon ay inihudyat ng orasan ang ikawalo. Ang Kura ay naupo sa isang sulok na nanghihilakbot. Katatapos pa lamang ng dasal nang dumating si Ibarra. Tumindig si Maria Clara upang salubungin siya nang biglang umalingawngaw ang maraming putok. Si Ibarra ay napatigagal at naumid samantalang si Padre Salvi’y nangubli sa isang haligi. Sina naumid – hindi makapagsalita natitisod – natatapilok habang naglalakad, tumatakbo, at iba pa taros – kontrolado; may direksiyon 230 Kapitan Tiyago, Tiya Isabel, at Linares ay natatakot na pumasok sa salas na sumisigaw ng “Tulisan! Tulisan!” Ang lahat ay gulong-gulo. Tanging si Ibarra lamang ang parang tuod sa kinatatayuan. Patuloy ang sigawan at putukan kasabay ng pagsasara ng mga bintana at pintuan. Nang manumbalik ang katahimikan, narinig ang Alperes na sumisigaw: “Padre Kura, Padre Salvi! Manaog kayo. Wala na tayong dapat ikatakot.” Ang Kura’y namumutlang nanaog. Si Ibarra’y nanaog na rin. Ang mga paa niya’y waring hindi sumasayad sa lupa; at ang tainga niya’y walang naririnig kundi ugong. Ang mga mata niya’y walang nakikita kundi naghahalinhinang alon ng dugo, dilim, at liwanag. Siya’y natitisod kahit maliwanag ang buwan dahil sa walang taros na paglalakad. Nakita niya sa tabi ng kuwartel ang mga guardia civil na nakabayoneta pa at maingay na nag-uusap kaya’t hindi siya napansin. Sa may tribunal, narinig niya ang kalabog, sigawan, daingan, at pagtutungayawan ng mga tao gayon din ang malakas na sigaw ng Alperes. “Dalhin iyan sa pangaw at lagyan ng posas ang mga kamay. Barilin ang kikilos! Kapitan, pigilin ang lahat na naglalakad. Huwag kayong matutulog!” Nagmamadaling umakyat ng kaniyang bahay si Ibarra at iniutos sa alilang lagyan ng siya ang pinakamatulin niyang kabayo. Nagtuloy siya sa kaniyang laboratoryo at isinilid sa isang supot ang lahat ng salaping nasa kahong-bakal. Inipon niya ang mga alahas at kinuha ang larawan ni Maria Clara. Pagkatapos, nagsakbat ng isang balaraw at dalawang rebolber at lumapit sa sisidlan ng mga kasangkapan. Ilang sandali pa’y dumating ang mga guardia civil at siya’y dinakip. Sumungaw siyang nakakasa ang rebolber ngunit hindi niya itinuloy ang balak. Upang hindi mapuna ang kaniyang paghahanda sa pagtakas, kinuha agad ni Ibarra ang kaniyang sombrero at sumama sa mga kawal. Pinabayaan siyang walang gapos sa kasunduang hindi siya magtatangkang tumakas. Samantala, tumatakbong umalis si Elias sa tahanan ni Ibarra na walang tiyak na patutunguhan. Narating niya ang gubat at baybayin ng dagat na palingon-lingon na parang hinahabol siya ng mga anino ng kaniyang mga ninuno. Para ring nakikita niya sa bawat sanga ang duguang ulo ni Balat na kaniyang amain. Gayundin ang bangkay ng kaniyang kapatid na babae. Lahat sila ay tila nanunurot at nanunumbat kay Elias at tinatawag siyang “Duwag! Duwag!” Napaluhod si Elias sa dalampasigan. Tumayo siya at lumakad patungo sa kalaliman ng lawa. Ang tubig ay hanggang dibdib na niya ngunit ang isipan niyang tila nakalimot ay muling nagbalik sa katotohanan nang marinig niya ang sunod-sunod na putok na nagmumula sa bayan. Umahon siya at tinungo ang bayan. Hindi niya alam kung anong lakas ang nagtutulak sa kaniya. Ang buong bayan ay tahimik. Tinalaktak niya ang mga halaman at taniman hanggang sa makarating sa dulo ng bayan na kinatatayuan ng bahay ni Ibarra. Nakita niya ang mga utusan na nag-uusap sa may pinto ukol sa pagkadakip kay Ibarra. Nang malaman ni Elias ang nangyari, lumundag siya sa bakod na bato sa likuran at umakyat sa bintana. Pumasok siya sa laboratoryo. Nakita pangaw – bilangguan sa ilalim ng lupa; kulungang kahoy para sa menor de edad na kriminal, at ginagamit sa pagtatanghal ng kriminal sa publiko posas – pares ng bakal na hugis singsing, may kadena, at karaniwang ikinakabit sa galanggalangan ng bilanggo rebolber – baril na may umiinog na silinder at mga kamarang sisidlan ng maraming bala na maaaring paputukin nang sunod-sunod nakakasa – nakahanda ang baril para paputukin 231 niya ang mga aklat, kasulatan, mga sandata, at ang supot na sinisidlan ng salapi at mga hiyas. Ang mga kasulatan ay makapipinsala kay Ibarra kaya inisip niyang ibaon ang mga ito. Nagbago ng isip si Elias. Tinipon niya ang lahat ng mga kasulatan at sinindihan. Isinakbat niya ang mga sandata at inilagay sa supot ang larawan ni Maria Clara. Namilit ang mga guardia civil na papasukin sila sa bahay ni Ibarra ngu- nit ayaw silang pagbuksan ng mga utusan ni Ibarra. Sa pamamagitan ng kanilang kulata ay nakaakyat ang mga ito. Subalit hindi sila nakatuloy sa loob sapagkat sinalubong sila ng bugalbugal na apoy. Umabot ito sa maliit na laboratoryo kaya sumiklab at sumabog ang mga sangkap ng gamot. Walang nagawa ang mga guardia civil kundi ang umurong. Kalat na ang apoy at mabilis na tinutupok ang kabahayan ni Ibarra. Talasalitaan: Palawakin Natin Bigyang-kahulugan ang salitang may salungguhit sa bawat bilang batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. _______________ 1. Nang umalingawngaw ang maraming putok, ang lahat ay nagkagulo liban kay Ibarra na parang tuod sa pagkakatayo. _______________ 2. Ang Kura ay balisa sa kaniyang pagyayao’t-dito sa salas at nag-aalala habang nalalapit ang ika-8 ng gabi. _______________ 3. Sa paghudyat ng ika-8 ng gabi, ang Kura ay naupo sa isang sulok na nanghihilakbot. _______________ 4. Tinalaktak ni Elias ang mga halaman at taniman hanggang sa marating ang bahay ni Ibarra. _______________ 5. Hindi nakapasok ang mga guardia civil sa silid ni Ibarra dahil sinalubong sila ng bugal-bugal na apoy. Talakayin Natin 1. Bakit hindi sumabay sa hapunan si Maria Clara? 2. Bakit kinatatakutan ni Padre Salvi ang pagtuntong ng ika-8 ng gabi? 3. Ano-ano ang naging reaksiyon ng sumusunod na tauhan nang marinig ang putukan? Tauhan 232 a. Ibarra b. Maria Clara c. Padre Salvi d. Kapitan Tiyago e. Tiya Isabel f. Linares Reaksiyon 4. Ilahad ang mga nangyari at ginawa ni Ibarra makaraang manumbalik ang katahimikan. Pagbaba sa bahay ni Kapitan Tiyago Pagdaan sa tribunal Pag-uwi sa kaniyang bahay Pagdaan sa kuwartel Pagdating ng mga guardia civil 5. Bakit hindi natuloy ang balak na pagtakas ni Ibarra? 6. Ano ang nangyari kay Elias makaraan ang pag-uusap nila ni Ibarra? 7. Bakit tila nawala sa sarili si Elias? Ano-ano ang sumagi sa kaniyang isipan? 8. Ano ang ginawa ni Elias nang marinig ang putukan? 9. Sa paanong paraan nakatulong si Elias kay Ibarra? Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Ibarra, ililigtas mo ba ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtakas? Ipaliwanag. 2. Kung ikaw si Elias, babalikan mo rin ba si Ibarra upang tulungan kahit na alam mo na na ang angkan niya ang dahilan ng iyong paghihirap? Bakit? 3. Sa iyong palagay, sino ang puno’t dulo ng kaguluhang iyon? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin Magpangkatan sa tatlo. Ang bawat pangkat ay isasadula isa-isa ang tatlong mahahalagang bahagi ng kabanata. Pangkat I — Pagputok ng pag-aalsa hanggang manumbalik ang katahimikan Pangkat II — Pag-uwi ni Ibarra sa bahay hanggang sa kaniyang pagkakadakip Pangkat III — Pagpunta ni Elias sa gubat hanggang sa pagbalik niya sa bahay ni Ibarra 233 Kabanata 56 Mga Sabi-sabi at Pala-palagay Balik-sulyap Ika-8 ng gabi nang magsimula ang kaguluhan. Nang manauli ang katahimikan, namumutlang nanaog ang Kura na sinundo ng Alperes sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Nanaog na rin si Ibarra. Nagmamadaling umuwi ng bahay ang binata. Naghahanda siya sa pagtakas nang dumating ang mga guardia civil upang siya’y dakpin at dalhin sa kuwartel. Samantala, ang mga putok ay nagpanumbalik sa katinuan ng isip ni Elias. Nagmamadali siyang bumalik sa bayan at pumunta sa tahanan ni Ibarra. Ano ang layunin niya sa pagpasok sa laboratoryo ni Ibarra? Paano niya natulungan si Ibarra? Nagising kinabukasan na nahihintakutan pa rin ang mga taga-San Diego. Namayani ang katahimikan sa buong paligid at nanatiling nakapinid pa rin ang lahat ng mga bintana ng mga bahay. Hindi nagluwat, isang bata ang nagbukas ng bintana at tumanaw sa lahat ng dako. Hindi saglit pa, isa-isa nang nagsunuran ang ilang kapitbahay. “Akala ko’y isang misa de gracias,” ang wika ni Hermana Rufa. “Hindi pa ako nakakita ng gabing katulad nito buhat nang manloob sa kuwadrilyero – talibang pulis ng munisipyo na ang tungkulin ay mangalaga sa kaayusan at kapanatagan hindi lamang sa kabayanan lalong-lalo na sa mga labas ng bayan o bukirin 234 bayan si Balat,” ang tugon ni Hermana Pute. “Kayraming putok. Ang sabi-sabi ay pangkat iyon ni Tandang Pablo.” “Aba, hindi! Ang mga naglaban daw ay mga guardia civil at kuwadrilyero! Kaya hinuli si Don Filipo.” Bawat bintanang nagbukas ay nagtuturing ng kani-kanilang kuro-kuro. May nagsabing nag-alsa ang mga guardia civil sa kuwartel. Ito’y pinabulaanan at sinabing nilusob ng Kura ang Alperes. May nagsabi namang mali silang lahat sapagkat ang totoo raw ay ang mga Tsino ang nag-alsa. Unti-unti nang sumigla ang kapaligiran. Nang matiyak ng mga lalaki na walang binabaril, sila’y lumabas sa tapat ng kanilang bahay. Ilang sandali pa’y nasa harap na sila ng tribunal. Nang makaraan ang labinlimang minuto ay kumalat ang iba’t ibang balita. Si Maria Clara ay pinagtangkaan daw agawin ni Ibarra ngunit nagtanggol si Kapitan Tiyago sa tulong ng mga guardia civil. Tatlumpu sa halip na labing-apat ang namatay. Si Kapitan Tiyago ay nasugatan daw kaya’t luluwas silang buong mag-anak sa Maynila. Dumating nang ikapito at kalahati ang ilang pangkat ng mga guardia civil mula sa ibang bayan. Noon lamang nagkaroon ng kaliwanagan ang balita. Isang lalaking nasabat ni Hermana Pute ang siyang nagbalita. “Nakabilanggo si Don Filipo at si Ginoong Ibarra. Ayon sa isang bantay, isinigaw ni Bruno na si Ibarra’y nagtangkang maghiganti at nagnasang patayin ang lahat ng Español dahil ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Linares. Mabuti na lamang at ang Kura’y nasa bahay ni Kapitan Tiyago dahil nilusob ang kuwartel at ang kumbento. Sinasabing maraming nakatakas. Ang bahay ni Ibarra ay sinunog daw ng mga guardia civil at marahil kung hindi siya nadakip, pati siya ay natupok.” Isang utusang babae naman ang nagsabing nakita niya ang bangkay ni Lucas. Nakabitin ito sa isang puno sa bakuran ng isang kapitbahay. “Makalawang nakita ko siyang kausap ng Sakristan Mayor,” anang utusang babae. Isang lalaking mukhang tagabukid ang nagtangkang lumapit sa bangkay Trivia Ang amorseko ay isang uri ng damo na may kumakapit na bulaklak. Tinatawag din itong mursikos o tinloy. Mahirap alisin ang mga buto ng amorseko kapag kumapit na ito sa damit, pantalon, saya, at iba pa. na nakabitin at ito’y nakilala. Paggaling dito, siya’y nagtungo sa kumbento. Inabutan niyang natutulog ang Sakristan Mayor. Naupo siya sa tabi nito upang hintaying magising, ngunit nahulog ang kaniyang piso at iyon ay tinanglawan niya sa ilalim ng silya. Nakita niya ang pantalon at manggas ng baro ng Sakristan Mayor na puno ng amorseko. Sa di-kawasa’y nagising ang Sakristan Mayor. Tinanong siya kung ano ang sadya niya. “Magpapamisa po ako para sa isang taong malapit nang mamatay,” at siya’y tuluyang umalis pagkaabot ng piso. “Nahuli ko sana siya kagabi,” ang bulong niya sa sarili at inalis ni Elias ang tapal sa isang mata. 235 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan sa puzzle ang kahulugan ng salitang italisado sa bawat bilang. Maaaring pahalang, pababa, at pahilis ang pagsagot. N N L N B K N K A A N A S A L U B O N G O G G D A A L R S K A S S B K W O I K P N A G H A R I N D P K S A I I L O U I R N A G T A G A L N T T B H N A Y K K S A A I I O I U A T A N 1. Namayani ang katahimikan sa buong paligid. 2. Bawat isa’y nagtuturing ng kaniya-kaniyang palagay. 3. Hindi nagluwat, nagbukas ng mga bintana ang mga tao. 4. Isang lalaking galing sa tribunal ang nasabat ni Hermana Pute. 5. Nabalitang nagtangkang maghihiganti si Ibarra sa mga Español dahil ipakakasal si Maria Clara kay Linares. Talakayin Natin 1. Bakit tahimik ang umaga sa San Diego kinabukasan? 2. Ano-ano ang palagay ng mga tao tungkol sa pangyayaring putukan nang nakaraang gabi? 236 3. Anong mga balita ang kumalat nang ikapito at kalahati ng gabi? 4. Ano ang ibinalita ng isang utusang babae? 5. Bakit nagpunta ang isang lalaking tagabukid sa kumbento makaraang manggaling sa bangkay na nakabitin? Suriin at Gawin Natin 1. Anong katangiang Pilipino ang ipinakita sa kabanatang ito? Anong positibo ang maidudulot nito? Bakit? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ni Elias sa kaniyang mga binitiwang salita? Elias a. “Magpapamisa po ako para sa isang taong malapit nang mamatay.” b. “Nahuli ko sana siya kagabi.” Pakahulugan 3. Batay sa naging reaksiyon at nasabi ni Elias, may kinalaman ba ang Sakristan Mayor sa pagkamatay ni Lucas? Pangatuwiranan. Pagyamanin Natin Magsagawa ng “Dulang Panradyo” tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kabanata. Ang paraan ng pagsasadula ay panradyo na kung saan ang tuon ay sa boses ng mga gaganap at sound effects na lilikhain. 237 Kabanata 57 Vae Victis (Sa Aba ng mga Natalo) Balik-sulyap Lumikha ng iba’t ibang palagay ang nangyaring kaguluhan. Isang utusang babae ang nagbalita na nakita nitong nakabitin ang bangkay ni Lucas sa isang puno sa bakuran ng isang kapitbahay. Isang lalaking tila isang tagabukid ang lumapit sa bangkay ni Lucas at pagkatapos ay nagtungo sa kumbento. Sino ang lalaking lumapit sa bangkay ni Lucas? Ano ang pakay niya sa Sakristan Mayor? Ano ang kahulugan ng mga amorseko sa pantalon at manggas ng Sakristan Mayor? Dalawa lang ang buhay sa mga nadakip na sumalakay sa kuwartel — sina Tarsilo at Andong. Samantala, nasa tribunal sina Doña Consolacion at Padre Salvi. “Mabuti at hindi kayo nabalam,” ang bati ng Alperes sa Kura. “Hindi sana ako dadalo sapagkat mahina ang loob ko.” Itinanong ni Padre Salvi sina Ibarra at ang Tinyente Mayor. Itinuro ng Alperes ang bilangguan. “Ang nagngangalang Bruno ay namatay kagabi ngunit naitala na ang kaniyang pahayag.” Isang nakasusulasok na amoy ang nalanghap nang buksan ang pinto ng bilangguan. Unang inilabas si Tarsilo, bumalatay – marka na iniwan ng anumang inihampas 238 ang kapatid ni Bruno. Nakagapos si Tarsilo at luray-luray ang kasuotan. Kasunod niya ang isang lalaking umiika at duguan ang salawal. Pilit na pinaamin ng Alperes kay Tarsilo na kasangkot si Ibarra sa kaguluhan. Isang mapanlibak na ngiti ang ipinukol sa kaniya ni Tarsilo. Ayon sa kaniya, ipaghiganti ang pagkamatay ng ama ang tanging dahilan niya. Iniutos ng Alperes na dalhin si Tarsilo sa karitong kinalalagyan ng limang bangkay. “Nakikilala mo ba sila?” Nakita ni Tarsilo ang bangkay ni Pedro, ang asawa ni Sisa, ang sa kaniyang kapatid na tadtad ng saksak ng bayoneta, ang kay Lucas na may tali pa sa leeg at may dalawa pa. Isang buntung-hininga ang tumakas sa kaniyang dibdib. Inulit ng Alperes ang tanong. Nang hindi umimik si Tarsilo, bumalatay ang pamalo sa kaniyang likod. Ang pamalo ay paulit-ulit na bumagsak sa kaniyang katawan ngunit hindi man lamang siya dumaing. Hindi siya umamin na kilala niya ang sugatang lalaki sa kabila ng pambubugbog ng Alperes. Ipinagapos ng Alperes sa bangko si Tarsilo. Palong walang puknat ang bumalatay sa kaniyang likod hanggang sa siya ay mapayukayok. Hindi nakatagal si Padre Salvi. Lumabas siyang pasuray-suray. Nakita niya sa labas ang isang dalagang nakayakap sa bato. Tila binibilang nito ang palong tinatanggap ng bilanggo. Ito ang kapatid ni Tarsilo. Dahil sa hindi pa rin nagsasalita si Tarsilo, iniutos na timbain ito sa mabahong balon na tapunan ng lahat ng sukal at dumi. Ibinitin siya nang patiwarik. “Magsalita ka na nang hindi ka mamatay sa hirap,” ang wika ng directorcillo. Sinimulan ang paghugos. Pagkaraan ng kalahating minuto, itinaas si Tarsilo. Ang noo at buhok niya’y puno ng mabahong burak, ang mukha ay pulos galos at sugat at nangangatog ito sa ginaw. “Magsalita ka na.” “Inihahabilin ko sa inyo ang kapatid kong babae,” ang pakiusap ni Tarsilo sa isang kuwadrilyero. Tumagal ng isa at kalahating minuto ang ikatlong paghugos. Pinilit niyang ibaluktot ang kaniyang leeg upang tapunan ng huling tanaw ang langit, ang araw, at liwanag na hindi na niya muling makikita. Nang itaas si Tarsilo, ang mukha niya’y tiwasay na, bahagyang nakadilat ang mga mata at ang bibig niya’y nilalabasan ng putik at dugo. Idinuldol ni Doña Consolacion ang baga ng kaniyang tabako sa paa ni Tarsilo ngunit namatay ang apoy nang hindi man lamang gumalaw ang laman nito. Wala ring napala ang Alperes sa pagtatanong sa ikalawang bilanggo na isang luko-luko. Ni apelyido niya ay hindi niya alam, ni ang kahulugan ng pag-aalsa. Ang sinisisi niya sa pangyayari ay ang biyenan niyang babae. “Opo, Ginoo. Ang aking biyenan ay walang ipinakakain sa akin kundi bulok at tira-tirahan. Kagabi’y nasira ang aking tiyan kaya nagtungo ako sa patyo. Akala ko’y walang makakakita sa akin kaya pumasok ako… Ngunit nang ako’y tumindig upang magtali ng salawal ay nagputukan…” Isang palo ng yantok ang pumigil sa kaniyang pagsasalita. “Ikulong siya sa bilangguan!” utos ng Alperes. “Ngayong hapon ay dadalhin sila sa pangulong-bayan.” Vae Victis – Latin para sa pahayag na, “Malungkot para sa mga nalupig” o “Malungkot para sa mga naigupo;” ito ang anyong maramihan—ang anyong isahan ay Vae Victo kapag lalaki ang nalupig; Vae Victae kapag ang nalupig ay babae burak – putik, pusali directorcillo – kawani sa tribunal na nanunungkulan at tumutupad ng pagkakalihim 239 Talasalitaan: Palawakin Natin Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang italisado sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon na kasunod. 1. Isang nakasusulasok na amoy ang lumabas sa pintuan ng bilangguan nang ito’y buksan. Kasingkahulugan: __________________________________ Kasalungat: __________________________________ 2. Nasiyahan ang Alperes nang hindi nabalam ang pagdating ng Kura. Kasingkahulugan: __________________________________ Kasalungat: __________________________________ 3. Pilit na pinaamin ng Alperes kay Tarsilo na sangkot si Ibarra sa kaguluhan sa paglusob sa kuwartel. Kasingkahulugan: __________________________________ Kasalungat: __________________________________ 4. Isang mapanlibak na ngiti ang tanging isinagot ni Tarsilo sa Alperes. Kasingkahulugan: __________________________________ Kasalungat: __________________________________ 5. Pagkaraan ng walang puknat na pagpalo sa katawan ni Tarsilo, ang kaniyang damit ay pigtang-pigta sa dugo. Kasingkahulugan: __________________________________ Kasalungat: __________________________________ walang alam tuloy-tuloy nahuli maaga nakasisiya patigil-tigil nakaiinsulto mabango kakampi mabaho Talakayin Natin 1. Bakit ayaw dumalo ni Padre Salvi sa pagpaparusa sa mga nanalakay sa kuwartel? 2. Ilahad ang ginawang pagpaparusa kay Tarsilo. Unang pagpapaamin Tarsilo 240 Ikalawang pagpapaamin Pagpapahirap 3. Bakit labis ang pagpapahirap kay Tarsilo? 4. Paano ipinakita ni Tarsilo ang kaniyang paninindigan? 5. Bakit naroon sa kuwartel at pinayagang manood ng pagpaparusa si Doña Consolacion? 6. Bakit balewala ang pagtatanong sa ikalawang bilanggo? Ano ang kaniyang naging salaysay? Suriin at Gawin Natin 1. Kilalanin ang mga tauhan batay sa mga pangyayari sa kabanata. Tauhan a. Alperes b. Doña Consolacion c. Padre Salvi d. Tarsilo Uri ng Pagkatao Patunay 2. Kung ikaw ang isa sa sumusunod na mga tauhan, paano mo haharapin ang mga sitwasyong nagaganap? a. Dalagang kapatid ni Tarsilo: Ang pagkamatay ng kapatid na si Bruno at ang patuloy at sobrang pagpapahirap kay Tarsilo. b. Tarsilo: Ang pilit na pagpapaamin na kilala ang ibang kasangkot sa pagaalsa at ang pagpapahirap para siya’y mapaamin. c. Padre Salvi: Ang pagsaksi sa pagpapahirap kay Tarsilo. 3. Makatuwiran ba ang ginawang pagpapahirap kay Tarsilo? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, bakit “Sa Aba ng mga Natalo” ang pamagat ng kabanata? Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa isang tao na katulad ng sitwasyon ni Tarsilo. Alamin ang dahilan at paraan ng pagpapahirap. 2. Paghambingin ang paraan ng pagpaparusa sa mga nagkakasala sa pamahalaan noong panahon ng mga Español at sa kasalukuyang panahon dito sa ating bansa. 241 Kabanata 58 Ang Isinumpa Balik-sulyap Nilitis ng Alperes ang dalawang bilanggo sa harap ni Padre Salvi. Ipinakita niya ang mga bangkay ng mga nagsipag-alsa tulad ni Pedrong asawa ni Sisa, ni Bruno, kapatid ni Tarsilo, at ni Lucas na may tali pa ang leeg. Nanatiling hindi kumikibo si Tarsilo kaya iniutos ng Alperes na siya’y igapos sa bangko at paluin. Nang hindi pa rin ito umimik, iniutos ng Alperes na timbain si Tarsilo. Hanggang sa mamatay, si Tarsilo’y hindi nagsalita. Ayon kay Tarsilo, bakit siya sumama sa pag-aalsa? Bakit nasa patyo ng kuwartel si Andong nang gabi ng pag-aalsa? Ang balitang iaalis na ang mga bilanggo ay nagdulot ng sindak at panangisan. Ang mga kamag-anak ng mga bilanggo’y paroo’t parito sa kuwartel, sa tribunal, at sa kumbento, ngunit ang lunas na kanilang nilalakad ay hindi nasumpungan. Nagkasya na lamang sila sa paghihinagpis at pananaghoy. Ang Kapitan ay lalong nawalan ng halaga. Ang Alperes ay nagdagdag ng mga bantay na siyang mangungulata sa mga babaeng nagsasadya sa kaniya. Hindi ininda ng mga babae ang init ng araw. Si Aling Doray na asawa ni Don Filipo ay malungkot at umiiyak na palakad-lakad, kilik ang maliit na anak na umiiyak din. Si Kapitana Tinay ay umiiyak na tinatawag ang anak niyang si Antonio. Ang malakas ang loob na si Kapitana Maria’y sumisilip sa rehas upang tanawin ang kambal niyang anak. Ang 242 biyenang babae ni Andong ay nagkukukumpas at nagtatalumpati. “Ang may sala ng lahat ng ito ay si Ginoong Ibarra,” ang himutok ng isang babae. Dalawang kawal ang lumabas at tumayo sa paligid ng kariton. Kasunod nila ang mga bilanggo. Nangunguna si Don Filipo, nakagapos at ngumiti sa asawa nang ito’y makita. Humagulgol si Doray at tinangkang yakapin ang asawa, ngunit pinigil siya ng dalawang kawal. Ang huling lumabas ay si Ibarra. Siya’y hindi nakagapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Tumanaw siya sa paligid na parang naghahanap ng isang kaibigan. “Iyan ang may sala! Siya pa ang walang gapos!”ang sigaw ng marami. “Gapusin ninyo ako hanggang siko,” ang utos ni Ibarra sa dalawang kawal. “Wala pong bilin sa amin.” “Gapusin ninyo ako!” Sinunod ng dalawang kawal ang utos ni Ibarra. Bawat bilanggo’y may kamag-anak na tumatangis at nagmamahal maliban kay Ibarra na wala ni isa mang kaanak na nananangis sa sinapit niya. Maging si Ñol Juan at ang Guro ay wala roon. Nahalinhan ng poot kay Ibarra ang paghihinagpis ng mga kaanak ng mga bilanggo. “Sumpain ka nawa ng Diyos! Sumpain ang salaping kinamal ng iyong mga magulang upang kami’y ligaligin. Sumpain ka, sumpain ka!” ang sigaw ng isang matandang lalaki. “Dapat sa iyo ay bitayin. Erehe!” ang sigaw ng isang kamag-anak na babae ni Albino at binato niya si Ibarra. Dahil sa halimbawang ito, inulan ng bato at buhangin si Ibarra. Tiniis ito ng binata, hindi ito kumibo, ni nagalit, ni dumaing. Yaon ang alaala sa kaniya ng bayang kaniyang pinaglaanan ng pagmamahal. Siya’y tumungo at nagunita ang isang lalaking pinapalo habang inililibot sa mga lansangan sa Maynila, ang isang babaeng namatay sa sama ng loob nang makitang nakasabit ang ulo ng kaniyang anak. Naaalaala niya ang kasaysayan ni Elias. Walang naawa kay Ibarra. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay nagsipagtago. Pati si Sinang ay pinagbawalang umiyak ni Kapitan Basilio. Namalas niya ang umuusok pang labi at guho ng kaniyang bahay na sinilangan niya at naghandog ng matatamis na alaala ng kaniyang kamusmusan. Yumuko siya at dumaloy ang mga luhang matagal niyang tinitimpi ngunit ngayo’y hindi niya maikubli dahil siya’y nakagapos. Wala siyang bayan, tahanan, pag-ibig, kaibigan, at kinabukasan. Mula sa isang paltok, nakatayo si Pilosopo Tasyo at malungkot na pinagmamasdan ang paglalakbay ng mga bilanggo. Balot ng kumot na lana ang payat at namumutlang matanda na nakapaniin sa baston. Sa kabila ng panghihina, pinilit niyang mamalas ang mga bilanggo. Hirap na hirap siyang bumalik sa kaniyang dampa. Kinabukasan, natagpuan ng mga pastol ang bangkay ni Pilosopo Tasyo sa may pintuan ng kaniyang tahanan. 243 Talasalitaan: Palawakin Natin Ayusin ang mga letra sa kaliwa upang makabuo ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang. ________________ PNAUAAGTN ________________ NTNPIIO ________________ AAAILNTPN ________________ NASININP ________________ INIPLIIGP 1. Hindi nila nasumpungan ang hinahanap na kalutasan sa kanilang suliranin. 2. Pati salaping kinamal ng mga magulang ni Ibarra ay isinisi ng mga nagagalit sa kaniya. 3. Nahalinhan ng poot kay Ibarra ang paghihinagpis ng mga tao. 4. Hindi ininda ng mga babae ang init ng araw makita lamang ang kanilang asawa at anak. 5. Ang luhang matagal na niyang tinitimpi ay tuluyang dumaloy at hindi niya maikubli dahil siya’y nakagapos. Talakayin Natin 1. Ano ang ibinunga ng balitang ililipat na ang mga bilanggo sa pangulongbayan? Isulat ang naging pahayag ng sumusunod: 244 2. Ilahad ang pangyayari nang lumabas sa bilangguan si Ibarra. Reaksiyon ng mga Tao Mga kaibigan at kaanak: Emosyong nangibabaw: Pangyayaring lubos na nagpaluha kay Ibarra: Ibarra 3. Bakit sinasabing si Ibarra ay wala nang bayan, tahanan, pag-ibig, kaibigan, at kinabukasan? Bayan: Kaibigan: Tahanan: Kinabukasan: Pag-ibig: 4. Bakit hindi nagalit si Ibarra nang siya’y batuhin ng mga tao? Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Ibarra, ano ang mararamdaman mo sa ganoong sitwasyon? Ipaliwanag. 2. Ang naranasan ba ng mga kaanak ng mga bilanggo sa kamay ng mga guardia civil ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan? Pangatuwiranan. 3. Aling pangyayari sa kabanata ang nakaantig sa iyong damdamin at bakit? 4. Ano ang pakiramdam ni Pilosopo Tasyo habang pinagmamasdan ang paglalakbay ng mga bilanggo? Bakit? 5. Mayroon bang dapat sisihin sa nangyari sa mga bilanggo? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin 1. Sumulat ng komposisyon na may paksang, “Ang Tapat na Kaibigan.” 2. Kumuha ng larawan ng kaibigan na maituturing mong pinakatapat sa iyo. Idikit sa coupon bond. Pagkatapos, sumulat ng isang maikling komposisyon na magpapaliwanag kung bakit siya ang pinakatapat mong kaibigan. 245 Kabanata 59 Pag-ibig sa Bayan at Kapakanang Sarili Balik-sulyap Nang ilabas ang mga bilanggo upang dalhin sa pangulong-bayan, lahat sila’y may gapos matangi kay Ibarra. Ang bagay na ito ay lalong ikinagalit ng mga kaanak ng mga bilanggo kay Ibarra. Kahit pilit siyang nagpalagay ng gapos, hindi nabawasan ang galit ng mga ito. Sinigawan, isinumpa, at inulan si Ibarra ng mga bato at buhangin. Isa mang kaibigan ay wala siyang nakita. Sino ang katulad niya nang mga sandaling iyon? Bakit? Sino ang nakatanaw mula sa paltok sa paglalakbay ng mga bilanggo? Palihim na nakarating sa Maynila ang nangyari sa San Diego sa pamamagitan ng pahatid-kawad. Pagkalipas ng tatlumpu’t anim na oras, matapos na suriin, baguhin, dagdagan, at ayusin ng tagasuri, inilathala na ang balita. Mga balitang galing sa kumbento ang unang kumalat sa San Diego, mga balitang ikinasindak ng mga nakatanggap. Iba-iba ang balita. Ito ay pinaniniwalaan o dili kaya ay pinagmitra – opisyal na putong ng obispo na hugis arko Hesuwita – miyembro ng Society of Jesus, isang Katoliko Romanong orden na itinatag noong 1534 sa Paris nina San Ignacio Loyola, Francisco Xavier, at iba pa upang gumanap ng gawaing misyonaryo 246 aalinlanganan batay sa taong nakasagap nito. Naligalig ang mga tauhan sa kumbento. Nagsadya sa Palasyo ang ilan upang ihandog ang tulong sa pamahalaan. Natuwa ang mga prayle sapagkat sa pamamagitan ni Padre Salvi, napatunayang muli ang kahalagahan ng mga prayle sa katatagan ng pamahalaan. Inaasahang bibigyan ng mitra ang Kura. Pinag-uusapan naman sa ilang kumbento ang tungkol sa mga Hesuwita. Ayon sa kanila, sa Ateneo raw nagmumula ang mga pilibustero at kalaban ng mga prayle. Tulad nga ni Ibarra. Ang ipinatatayo nitong paaralan ay isang dahilan lamang. Ito ay gagamiting kuta ng mga laban sa pamahalaan. Samantala, sa Maynila, sa malaking bahay ni Kapitan Tinong sa Tondo, sinisisi siya ng maybahay niyang si Kapitana Tinchang sa pakikipagkaibigan kina Kapitan Tiyago at Ibarra. Gayong ang Kapitana ang nag-udyok na kaibiganin ng Kapitan ang mga ito. “Hindi ba sinabi mong dalawin ko nang madalas si Kapitan Tiyago at anyayahan sa hapunan si Ibarra? Wika mo, sa mayayaman lamang tayo makipagkaibigan. Aba!” mangiyak-ngiyak na tugon ni Kapitan Tinong. Nag-aalala ang maybahay na baka dakpin ang kaniyang asawa dahil kilala nito sina Kapitan Tiyago at Ibarra. Ipinatawag nila si Don Primitivo, ang pinsan ni Kapitan Tinong na mahilig mag-Latin, upang hingan ng payo. “Ano ang nangyayari? Bakit?” ang bati sa wikang Latin ni Don Primitivo. “Naku, Pinsan!” ang salubong ni Kapitana Tinchang na umiiyak. “Ipinatawag kita upang bigyan kami ng payo. Nag-aaral ka ng Latin at sanay kang mangatuwiran.” “Bakit kayo nag-iiyakan?” ang tanong ng pinsan. “Nabalitaan mo ba ang pag-aalsa?” ang tanong ni Kapitana Tinchang. “Ang pag-aalsang pinanguluhan ni Ibarra ay nasugpo na ng Alperes at ng mga guardia civil. Bakit, may utang ba sa inyo si Ginoong Ibarra?” usisa ni Don Primitivo. “Wala, ngunit pinakain niya rito si Ginoong Ibarra at binati niya sa tulay ng España. Sasabihin niyang sila’y magkaibigan.” “Iyan ay masama, Pinsan. Hindi ka dapat nakipagkilala sa taong iyon. Ang mabubuti ay naparurusahan dahil sa masasama. Ang maipapayo ko ay ihanda mo ang iyong habilin. Kung may usok ay may apoy. Kung bibitayin si Ibarra, bibitayin ka rin.” Hinimatay si Kapitan Tinong sa malaking takot. Nagsisigaw naman si Kapitana Tinchang at nagpatawag ng manggagamot. Lumapit din ang dalawang anak na nag-iiyakan. Nagpakuha ng tubig si Don Primitivo at winisikan si Kapitan Tinong. Ito’y nahimasmasan. May alam siyang lunas, ayon kay Don Primitivo — isang regalo. Ipinayo niya kay Kapitana Tinchang na handugan ang Kapitan-Heneral ng isang singsing o tanikalang ginto at sabihing ito ay pamasko. “Ang mga handog ay nakaaagnas ng batumbuhay. Samantala, susunugin kong lahat ang mga liham at aklat ninyo upang walang makitang katibayan,” ang sabi pa ni Don Primitivo. Intramuros – ang unang siyudad ng Maynila na ligid ng pader o moog at sentro ng kolonyalismong Español sa Pilipinas komang – singkol, baluktot ang braso pingkok – pingkaw, komang Fuerza de Santiago – kuta na kasudlong ng Intramuros, Maynila, ginamit na bilangguan sa panahon ng Español at Hapon; Fort Santiago 247 Sa isang pagtitipon sa Intramuros ay pinag-uusapan din ang nangyaring kaguluhan. Isang lalaking komang ang nagsabing galit na galit ang KapitanHeneral kay Ibarra dahil maraming nagawa para sa binata ang kaniyang Kamahalan. “Sadyang walang utang na loob ang mga Indiyo at hindi dapat pakitunguhang parang tao,” anang isang babae. Ibinalita naman ng isang matabang babae ang paghahandog ni Kapitana Tinchang sa Kapitan-Heneral ng isang singsing. Nagkakahalaga ito ng isang libong piso. Pagkarinig nito, nawika ng lalaking pingkok na may lihim na nakukubli sa pagreregalo sa Kapitan-Heneral na kailangang masiyasat. Iyon din ang hinala ng babaeng mataba dahil kilala si Kapitana Tinchang sa pagiging maramot at hindi basta naghahandog ng malaking halaga. Hindi nagluwat, nagdahilan ang pingkok at nanaog. Pagkaraan ng dalawang oras, ang ilang naninirahan sa Tondo ay tumanggap ng paanyaya ng pamahalaan ukol sa pagtulog ng ilang mayayaman sa Fuerza de Santiago. Doon ay matiwasay ang pagtulog sapagkat mahangin at may bantay sila. Kabilang sa tumanggap ng paanyaya si Kapitan Tinong. Talasalitaan: Palawakin Natin Punan ang pangungusap ng angkop na salita upang makabuo ng isang ideya. Piliin ang salita sa kahon sa ibaba. 1. ____________________ ang mga tauhan ng kumbento nang malaman ang balita. 2. Si Kapitana Tinchang mismo ang _________________ kay Kapitan Tinong na makipagkaibigan kina Ibarra. 3. Ang pag-aalsang pinangunahan daw ni Ibarra ay __________________ na ng Alperes at mga guardia civil. 4. Ayon kay Don Primitivo, ang mga handog ay ______________________ ng batumbuhay. 5. Ilang mayayamang pamilyang naimbitahang matulog sa Fuerza de Santiago na kung saan doon ay ___________________ at ligtas sila. 6. Ito ay gagamiting ___________________ ng mga laban sa pamahalaan. 7. Pinamunuan daw ni Ibarra ang nangyaring ___________________. 8. ___________________ si Kapitan Tinong dahil sa wisik ng tubig. 248 nasugpo naligalig matiwasay nahimasmasan nag-udyok nakaaagnas kuta pag-aalsa Talakayin Natin 1. Anong proseso ang pinagdaanan ng balita bago ito nailathala? Tama ba ang proseso? Bakit? 2. Paano napatunayan ng mga prayle na sila ay mahalaga sa katatagan ng pamahalaan? 3. Bakit tinuligsa ng ilan ang mga Hesuwita? 4. Ilarawan ang pagsisisihan ng mag-asawang Kapitan Tinong at Kapitana Tinchang. Dahilan ng Pagsisisihan Inaalala ng Mag-asawa Kapitan Tinong Ang Katotohanan Kapitana Tinchang Solusyon sa Problema Paghingi ng Tulong kay Don Primitivo 5. Ano ang naging epekto ng pagbibigay ng mag-asawa ng regalo sa KapitanHeneral? Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang pagbibigay ng regalo sa Kapitan-Heneral? Bakit? 2. May katuturan ba ang sinabi ni Don Primitivo sa mag-asawa? Ipaliwanag. 3. Kung ikaw si Kapitan Tinong o Kapitana Tinchang, dapat ka bang mataranta at magulat sa mga pangyayari? Bakit? 4. Sa mga tauhan ng kabanata, sino ang nagpakita nang labis na pagkamakasarili? Patunayan. 5. Bakit hiniling ng panauhing pingkok ang pagsisiyasat tungkol sa pagbibigay ni Kapitana Tinchang ng singsing sa Kapitan-Heneral? Pagyamanin Natin Magsaliksik ng tungkol sa ilang Pilipino na pinahalagahan ang paglilingkod para sa kapakanan ng bayan. Isinakripisyo rin niya ang ilang bahagi ng kaniyang sarili at maging sa pamilya. Humandang iulat sa klase. 249 Kabanata 60 Ikakasal si Maria Clara Balik-sulyap Nang mapabalita sa Maynila ang nangyaring pag-aalsa, nagkaroon ito ng ibang anyo, hugis, at kahulugan. Nabalitang pagkakalooban ng mitra si Padre Salvi. Pagkaligalig at pagkatakot naman ang namayani kay Kapitan Tinong. Sa payo ni Don Primitivo, isang singsing ang iniregalo ni Kapitana Tinchang sa Kapitan-Heneral. Nang malaman ito ng isang lalaking pingkok sa pagtitipon sa Intramuros, ito’y nagdahilan at nanaog. Pagkaraan ng dalawang oras, isa si Kapitan Tinong sa tumanggap ng paanyaya na matulog sa Fuerza de Santiago. Para saan ang tinanggap na paanyaya ni Kapitan Tinong? Ano ang dahilan ng pagpanaog ng lalaking pingkok? Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya hinuli o tinanong man lamang. Ang mga dating kaibigan na itinakwil niya mula nang paghinalaan ng pamahalaan ay pinalaya na. Nang umuwi sa bahay, si Kapitan Tinong ay namumutla at namamanas. Hindi na siya kumikibo ni nananaog ng bahay upang maiwasan ang mga pilibustero. Kahit si Don Primitivo ay walang nagawa upang mapagsalita ang pinsan. Si Ibarra, ayon sa bali-balita, ay bibitayin. Kulang sa katibayan upang mahatulan ng gayon ang binata ngunit ang itinatayong paaralan ang ginamit na pinakamatibay na ebidensiya laban sa kaniya. Ito ay isang kuta ayon sa mga dalubhasa ng pamahalaan. Hindi malaman ni Kapitan Tiyago kung sino sa mga Birhen ang pasa250 salamatan — Birhen ng Antipolo o Birhen del Rosario. Ito ang hindi mapagpasyahan ni Kapitan Tiyago nang dumating sina Doña Victorina, Don Tiburcio, at Linares. Sinabi ng Doña na kung ilang ulit na nagtungo si Linares sa Kapitan-Heneral upang ipahiwatig na mahalaga ang may kamag-anak na mahal na tao. “Kapag nabitay si Ibarra, gawa ito ng aking pinsan,” pagyayabang ng Doña. Walang nagawa ang pagtutol ni Linares. “Salamat na lamang sa mabubuting kakilala ninyo at kayo’y nakaligtas,” at makahulugang tiningnan ng Doña si Linares. “Utang po sa Diyos ang pagkakaligtas ng aking ama,” ang marahang tugon ni Maria Clara. “Hindi na panahon ngayon ng mga himala. Kaming mga Español ay palaging nagsasabing, “Huwag kang manalig sa Birhen at tumakbo ka.” “Samakatuwid, Doña Victorina, sa palagay ninyo, ang Birhen ay…” “Tungkol nga sa Birhen ang sadya namin,” at itinuro si Maria Clara na nagdahilan at umalis. Inakala ng dalaga na hindi niya dapat mapakinggan ang pag-uusap. Pagkatapos ng pag-uusap, naging masaya ang lahat. “Magpasabi ka sa ponda na bukas ay magpipiyesta tayo,” ani Kapitan Tiyago sa nagugulumihanang si Tiya Isabel. “Ihanda mo si Maria Clara. Hindi magtatagal, siya’y ipakakasal natin. Kapag naging manugang natin si Linares, mag-aakyat-manaog tayo sa Palasyo… kaiinggitan nila tayo.” Kinabukasan, ikawalo ng gabi. Puno na ng panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago ngunit wala siyang inanyayahan ni isa mang Indiyo. Naroon sina Padre Sibyla at Padre Salvi, Tinyente Guevarra, at ang Alperes na nagkukuwento ng kaniyang pakikipamook. Ngayon ay Tinyente na may ranggong komandante ang Alperes. Kabilang sa mga panauhin ang mga de Espadaña. Si Linares ay nagpahuli sa pag-aakalang siya ay mahal na tao. Pinag-uusapan ng mga panauhing babae si Maria Clara. Maganda raw ito ngunit mukhang tanga. Kaya raw pakakasal kay Linares ay dahil sa kayamanan. Mas masakit ang sinasabi ng ilan. Pakakasal daw sa iba ang dalaga samantalang malapit nang bitayin si Ibarra. Marunong daw sa buhay si Maria Clara sapagkat nakakuha kaagad ng kapalit. Namutla at napakagat-labi ang dalaga. Paksa naman sa umpok ng kalalakihan ang nakaraang kaguluhan at ang paglipat kay Padre Salvi sa Maynila. Paksa rin ang bagong Tinyente sa ibang lalawigan upang sugpuin ang mga pilibustero, ang pagpapatapon o pagbibitay kay Ibarra. Sa lahat ng nangaroon, tanging si Padre Sibyla ang walang kibo. “Kung naging maingat lamang ang binatang iyon!” ang malakas na wika ni Tinyente Guevarra, “kung hindi siya nagtiwala at nanalig sa mga taong kasulatan niya, kung hindi lamang binigyan ng ibang kahulugan ang nilalaman ng liham na iyon, marahil ay pinawalang-bisa ang paratang sa kaniya.” Namangha ang mga nakikinig sa sinabi ng Tinyente. Si Padre Salvi’y hindi makatingin sa Tinyente. Si Maria Clara nama’y hindi nakakilos at hinayaan na lamang na malaglag ang hawak na mga bulaklak. “Alin pong sulat ang binabanggit ninyo, Ginoong Guevarra?” ang tanong ni Padre Sibyla. Isang liham ni Ibarra sa isang babae ayon sa Tinyente ang binigyangkahulugan ng Piskal na may balak na pag-aalsa si Ibarra. Wala sanang katibayan ang pamahalaan upang siya’y usigin kung hindi inamin ng binata na kaniya ang sulat na iyon. 251 Ang sinabi ng tulisan bago namatay ay pinawalang-halaga ng manananggol ni Ibarra dahil inamin ng namatay na walang namagitang ugnayan sa kanila ni Ibarra. Si Lucas, na nagbigti, ang kausap niya. Ang mga liham na nakuha sa katawan ng nagbigti ay napatunayang huwad. Ang mga titik ay kahawig ng sulat ni Ibarra pitong taon na ang nakararaan. Ligtas na sana si Ibarra kung hindi niya kinilalang iyon ay sulat nga niya. “Bakit nakarating sa kamay ng Piskal ang sulat?” ang tanong ng isang Pransiskano. Tinanaw ng Tinyente si Padre Salvi at lumayo na hindi man lamang sumagot. Sa halip, lumapit ito kay Maria Clara at sinabing, “Kayo’y isang matalinong babae. Mabuti ang ginawa ninyong pagbibigay ng inyong liham, sa gayon ay magkakaroon kayo ng magandang hinaharap.” Pagkasabi’y lumayo na ang Tinyente. Nawalan ng lakas si Maria Clara. Nagpaakay siya kay Tiya Isabel at nagkulong sa kaniyang silid. Nanghihinang napaupo siya sa lapag, sa paanan ng isang imahen at humihikbing tinatawag ang ina. Natapos na ang kasayahan ngunit ang dalaga’y nakahandusay pa rin sa harap ng larawan ni Hesus. Kumatok si Tiya Isabel subalit hindi siya sinagot kaya inakala ng matanda na tulog na ang dalaga. Nang tahimik na ang lahat, si Maria Clara’y lumabas sa asotea. Isang bangkang may lulang damo ang huminto sa sadsaran ng bahay ni 252 Kapitan Tiyago. Bumaba ang isa sa dalawang lulan nito at pumanhik sa hagdang bato, lumundag sa pader, at umakyat patungo sa asotea. Si Maria Clara’y napaurong nang makilala ang dumating. “Crisostomo!” ang paanas na wika ng dalaga na may kahalong mangha at sindak. “Ako nga!” ang tugon ng binatang lipos ng lungkot. “Si Elias na dapat sanang mapoot sa akin at nagturing na ako’y kaaway ang nagligtas sa akin sa bilangguang pinagsadlakan sa akin ng aking mga kaibigan.” Ang dalaga’y napayuko at hindi makapagsalita. Ang binata’y nagpatuloy. “Isinumpa ko sa bangkay ng aking ina na ikaw ay aking paliligayahin kahit na ano ang mangyari. Maaari kang tumakwil sa iyong pangungusap sapagkat hindi mo siya ina, ngunit ako, na nagmamahal sa kaniyang alaala, ay naparito sa kabila ng mga panganib upang ikaw ay aking makaniig. Ngayon na lamang tayo magkikita. Ikaw ay bata pa...at marahil ay sisisihin ka ng iyong budhi sa darating na panahon. Bago ako lumisan ay patatawarin kita. Maging maligaya ka nawa. Paalam!” Binalak ng binatang umalis ngunit pinigil siya ng dalaga. “Diyos ang nag-utos na ikaw ay pumarito, Crisostomo! Ngayon ay maiibsan ako ng pagdurusa. Ikaw ay makinig at humatol.” “Hindi ako naparito upang sisihin ka sa iyong ginawa. Naparito ako upang bigyan ka ng katahimikan.” “Ayaw ko ng katahimikang ibinibigay mo. Ako na rin ang makapagbibigay ng katahimikan sa aking sarili. Dinudusta mo ako at iyan ay dadalhin ko hanggang sa aking libingan.” Namalas ng binata ang di-matingkalang pagdurusa ng dalaga. “Ano ang nais mo?” ang tanong ng binata. “Panaligan mong minamahal kita magpakailanman,” ang samo ng dalaga. Sa mukha ni Ibarra ay nakabadha ang isang malungkot na ngiti. “Nag-aalinlangan ka sa akin? Nauunawaan kita. Kung nalalaman mo lamang ang aking kasaysayan…” Isinalaysay ni Maria Clara na noong nasa kasukdulan ang kaniyang paghihirap, isang tao ang nagsabi kung sino ang tunay niyang ama. Ipinagbawal din sa kaniyang ibigin si Ibarra maliban na lamang kung ang ama niya mismo ang magpapatawad sa kalapastanganang ginawa sa kaniya ni Ibarra. Gulilat na napatingin si Ibarra kay Maria Clara. Kung makikipagisang dibdib siya kay Ibarra, mapipilitan ang taong ito na ibunyag ang lihim kahit na lumikha ito ng alingasngas sapagkat ang ama niya’y si… at ibinulong sa binata ang pangalan. “Maisasakripisyo ko ba ang alaala ng aking ina sa pag-ibig ko, pati, ang dangal ng aking ama sa turing, at ang mabuting pangalan ng aking tunay na ama?” ang dagdag pa ng dalaga. “May katibayan ka ba?” ang tanong ni Ibarra. Ayon kay Maria Clara, may dalawang sulat ang kaniyang ina noong siya ay nasa sinapupunan pa. Nagsasaad ito kung paano siya isinumpa at ninasang mamatay. Ang liham na ito’y naiwan ng kaniyang ama sa dating tinatahanan nito at nakuha naman ng taong sinasabi ni Maria Clara. Kapalit ng liham ng ina ang liham ni Ibarra upang makatiyak na hindi siya magpapakasal kay Ibarra. Nanggipuspos si Ibarra sa mga ipinagtapat ni Maria Clara. “Maipagtatapat ko ba sa iyo kung sino ang tunay kong ama at utusan kang humingi ng tawad sa kaniya? Siya na naging sanhi ng kasawian ng iyong ama? Masasabi ko ba sa kaniya na ikaw ay patawarin at ipagtapat sa kaniya na alam kong ako ay kaniyang anak na hinangad niyang mamatay? Walang nalalabi sa akin kundi ang magpakasakit at mamatay na taglay ang aking lihim. Ngayon, dudustain mo pa ba ako?” “Maria, ikaw ay isang banal na babae!” Ikinaligaya ng dalaga ang pananalig sa kaniya ni Ibarra. Pakakasal siya kay Linares dahil sa kagustuhan ni Kapitan Tiyago. Ito lamang ang maigaganti niya sa pagaaruga sa kaniya gayong hindi nito katungkulan ang gayon. “Ngunit hindi ko malilimot ang sumpang binitiwan ko sa iyo. Minsan lang akong umibig at kung walang pag-ibig, hindi ako maaangkin ninuman! Ikaw, paano ka?” 253 “Isa akong takas at hindi maglalaon ay matutuklasan na ito.” Ilang ulit na hinagkan ni Maria Clara sa labi si Ibarra, niyakap, at pagkatapos ay biglang lumayo. “Tumakas ka! Tumakas ka! Paalam!” Nilundag ni Ibarra ang pader at sumakay sa bangka. Nakatanaw si Maria Clara sa lumalayong bangka. Si Elias ay nag-alis ng salakot at nagpugay nang buong galang sa dalaga. Talasalitaan: Palawakin Natin Sagutin ang puzzle sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 2 1 3 4 5 1. Ang pagpapakasal kay Linares ang tanging maigaganti ni Maria Clara sa pag-aaruga sa kaniya ni Kapitan Tiyago. 2. Ang pagpapakita ni Ibarra kay Maria Clara ay nakatulong upang maibsan ang pagdurusa ng dalaga. 3. Nagtalaga ng bagong Tinyente upang sugpuin ang mga pilibustero. 4. Nanggipuspos si Ibarra sa mga ipinagtapat ni Maria Clara. 5. Walang ibinibida ang bagong Tinyente kundi ang pakikipamook niya noong nakaraang pag-aalsa. 254 Talakayin Natin 1. Ano na ang nangyari kina Kapitan Tiyago, Kapitan Tinong, at Ibarra ilang araw pagkatapos ng pag-aalsa? Kapitan Tiyago Kapitan Tinong Ibarra 2. Ano ang ibig pakahulugan ni Doña Victorina nang sabihin niyang ilang beses na nagtungo si Linares sa Kapitan-Heneral? 3. Ano ang paniniwala nina Maria Clara at Doña Victorina ukol sa dahilan ng hindi paghuli kay Kapitan Tiyago? 4. Bakit nagsadya ang mga de Espadaña kina Kapitan Tiyago? 5. Ano-ano ang reaksiyon ng kababaihan ukol sa pagpapakasal ni Maria Clara? 255 6. 7. 8. 9. 10. Ano ang naging paksa ng kalalakihan sa salusalo? Bakit walang Indiyo sa salusalo na inihanda ni Kapitan Tiyago? Ayon kay Tinyente Guevarra, paano sana nakaligtas sa pagkakapiit si Ibarra? Bakit nanghina si Maria Clara habang naririnig ang sinasabi ng Tinyente? Isalaysay ang pagtatagpo at pag-uusap ni Ibarra at ni Maria Clara. Pagligtas ni Elias Pagsumpa ni Ibarra Paghihiwalay ng magkasintahan Pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares 256 Dahilan ng pagpunta ni Ibarra Pagtatapat ng pagmamahal ni Maria Clara Ang tungkol sa dalawang liham Pagbubunyag ng lihim ni Maria Clara Suriin at Gawin Natin 1. 2. 3. 4. Tama bang paratangan ng kababaihan sa salusalo si Maria Clara? Bakit? Sa iyong palagay, sino ang tunay na ama ni Maria Clara? Bakit? Kung ikaw si Maria Clara, pakakasal ka ba kay Linares? Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging damdamin mo sa ginawa ni Maria Clara? Bakit? 5. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, anong pag-uugali mayroon ang mga tauhan? Tauhan Pag-uugali a. Kapitan Tiyago b. Doña Victorina c. Linares d. Padre Salvi e. Tinyente Guevarra f. Kababaihan sa salusalo g. Elias h. Maria Clara i. Ibarra Patunay 6. Anong halagang pangkatauhan ang binigyang-diin sa binasang kabanata? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin 1. Isadula ang pag-uusap nina Ibarra at Maria Clara sa asotea. 2. Pagtalunan: “Dapat ba o hindi dapat itago ni Maria Clara ang kaniyang lihim?” 3. Sumulat ng isang diyalogo sa pagitan ng isang lalaki at babae na pinaguusapan nila ang tungkol sa kani-kanilang pamilya. Isulat sa malinis na papel. Sa paglinang sa kasanayan sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa paguusap nina Ibarra at Maria Clara, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 257 Kabanata 61 Ang Pamamaril sa Lawa Balik-sulyap Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling panahon gaya ng napagkasunduan nina Kapitan Tiyago at Doña Victorina. Iba-iba ang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kaniya at kay Ibarra na labis na nakasakit ng kaniyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asotea at tumanaw sa ilog. Ilang sandali pa, isang bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ang umakyat sa kinaroroonan ng dalaga. Sino ang lalaking ito? Ano ang pakay niya sa dalaga? Ano ang ipinagtapat sa kaniya ng dalaga? Habang sila ay nasa bangka, sinabi ni Elias kay Ibarra ang balak nitong itago ang binata sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salaping ibinaon niya sa puno ng balete sa libingan ng mga Ibarra ay dadalhin niya sa binata at mangibang-lupain na ito. “Mayaman kayo at maraming kaibigan sa España. Maaari ninyong lakarin ang inyong kapatawaran. Higit na mabuting mamuhay sa ibang lupain kaysa rito sa atin.” Hindi agad tumugon si Ibarra at matamang nag-iisip. Papasok na sila sa Ilog Pasig at nasa ilalim ng tulay ng España. Nagsimulang sumalunga sa agos ang bangka. “Makalawa na ninyo akong iniligtas gayong ang kasawian ninyo ay likha ng aking ninuno. Isasauli ko ang inyong kayamanan. Sumama kayo sa akin at mamuhay tayo na parang magkapatid yamang iisa ang ating palad.” 258 Malungkot na umiling si Elias. “Maaari akong lumigaya sa ating bayan, maaari rin akong mamatay at magtiis dito. Ang kasawian ng aking bayan ay kasawian ko rin.” “Bakit ninyo ako pinapayuhang mangibang-bansa?” Ayon kay Elias, liligaya si Ibarra sa ibang lupain. Hindi siya inilaan sa paghihirap. Sa sandaling siya raw ay masawi, kasusuklaman niya ang bayan. “Ang pagkasuklam sa sariling bayan ang umano’y pinakamasaklap na kasawian.” Tinutulan ni Ibarra ang pahayag ni Elias. Kararating pa lamang niya ay wala na siyang ginawa kundi ang para sa kagalingan ng bayan. “Nagmamahal kayo sa bayan dahil iyan ang itinuro sa inyo ng inyong mga magulang. Wala pang nagagawang kalupitan sa inyo ang bayan. Ngunit sa araw na kayo’y maghirap, magutom, usigin, at ipanganyaya ng inyong mga kababayan, itatakwil ninyo ang inyong sarili at ang inyong bayan.” Layon ni Elias na imulat si Ibarra sa katotohanan at ilayo sa marawal na kinabukasan. Isang buwan pa lamang ang nakararaan nang sila ay mag-usap sa bangka ring ito. Maligaya si Ibarra noon kaya hindi niya pinakinggan ang mga hinaing at pakiusap ng mga sawimpalad. Ngayon ay iba na ang iniisip ng binata. “Nagbabago ang tao ayon sa mga pangyayari,” tugon ni Ibarra. “Inalisan ng kasawian ng piring ang aking mga mata. Nakita ko ang kanser na sumisira sa ating lipunan at kailangan ang dagliang lunas. Tinawag nila akong pilibustero kaya ngayon ay magiging tunay na pilibustero ako. Titipunin ko ang mga sawimpalad. Hindi kataksilan ang magtanggol sa kapakanan ng bayan. Tatlong daang taon tayong inalipin at itinuring na parang hayop gayong hinangad nating ituring silang kapatid. Walang nalalabi kundi ang katuwiran ng lakas!” Nagpupuyos ang damdamin ni Ibarra. Pagdaan nila sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral, napansin nilang nagkakagulo ang mga kawal. “Natuklasan na kaya ang inyong pagtakas?” bulong ni Elias. Pinahiga niya si Ibarra at tinakpan ng damo. Sinita siya ng bantay. Sinabi ni Elias na galing siya sa Maynila at dinalhan ng damo ang Hukom at ang Kura. Pinagbilinan siyang huwag magsasakay ng sinuman sapagkat may nakatakas na bilanggo. Kung sakaling mahuli niya ito, dalhin lang sa sarhento at bibigyan siya ng pabuya. Malayo na ang bangka ay nakatanaw pa ang bantay kaya pumasok si Elias sa Ilog Beata upang isiping siya ay taga-Peñafrancia. Ipinagpatuloy nila ang pag-uusap. “Kalooban ninyo ang masusunod,” wika ni Elias. “Kaya ninyong mapaglagablab ang himagsikan ngunit mapipinsala ang mga walang sala at walang lakas magtanggol. Hindi natin hangad lumaya sa España. Ang nais lang natin ay kaunting kalayaan, katarungan, at paglingap. Hindi ako sasama sa inyo habang may nalalabing pag-asa ang tao.” “Kung gayon, gagawa ako nang hindi kayo kasama?” “Hindi na magbabago ang inyong pasiya?” ang tanong ni Elias. Buo na ang loob ni Ibarra. Nagmahal siya sa bayan at nagtiis, ngunit inalisan siya ng katahimikan at kaligayahan. Itataguyod niyang mag-isa ang himagsikan. Gigisingin niya ang bayan sapagkat karapatan ng tao ang humanap ng kalayaan. Lumabas sila sa Ilog Pasig at nakarating sa Sta. Ana. Naraanan nila ang bahay-bakasyunan ng mga Hesuwita. Nakapagpaalaala ito kay Elias ng marawal – kahabag-habag, kaawa-awa, kasuklam-suklam nagpupuyos – nag-aalab palwa – sasakyang-dagat na maliit kaysa abang ngunit higit na malaki kaysa tsinarem 259 masasayang araw niya roon noong siya’y mayaman pa, may mga magulang, kapatid, at may pangarap. Lahat ng iyon ay nagwakas tulad ng isang panaginip. Nakarating sila sa Malapad na Bato. Maluwag silang pinaraan ng bantay nang makitang walang laman ang bangka at walang masasamsam. Magbubukang-liwayway na nang makarating sila sa lawa. Malayo pa sila sa pampang. Nabalisa si Elias nang matanaw ang isang palwa na papalapit sa kanila. Aabutin sila ng mga punglo ng palwa. Pinahiga niya si Ibarra at tinabunan ng mga bayong. Balak niyang bumalik sa Pasig ngunit may isa pang bangkang sumulpot dito na may lulan ding mga guardia civil. Masusukol sila kaya sumagwan si Elias sa gawing Pulo ng Talim. Namimitak na noon ang araw. Ipinasiya ni Elias na lumundag sa tubig at sisisid na palayo upang iligaw ang mga guardia civil. “Lumaban tayo,” himok ni Ibarra. “Hindi maaari, wala tayong sandata. Sa Noche Buena, magkita tayo sa libingan ng iyong ama.” Hinubad ni Elias ang kaniyang damit. Isang punglo ang pumunit sa hawak niyang damit. Pinisil niya ang kamay ni Ibarra saka tumalon sa tubig sabay sikad sa bangka. Tinugis siya ng palwa at bangka. Pinauulanan siya ng punglo sa bawat paglitaw niya. Samantala, palayo na nang palayo ang mga guardia civil sa bangka ni Ibarra. Nang may sampung dipa na lamang si Elias sa pampang, pinaputukan siyang muli. Hindi na siya lumitaw. May bahid ng dugo ang tubig sa baybayin. Talasalitaan: Palawakin Natin Piliin sa loob ng kahon ang salitang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. _______________ 1. “Ang kasawian ng aking bayan ay kasawian ko rin.” _______________ 2. “Ang pagkasuklam sa sariling bayan ang umano’y pinakamasaklap na kasawian.” _______________ 3. “Ang nais lang natin ay kaunting kalayaan, katarungan, at paglingap.” _______________ 4. Maluwag silang pinaraan ng bantay nang makitang walang laman ang bangka at walang masasamsam. _______________ 5. Masusukol sila kaya sumagwan si Elias sa gawing Pulo ng Talim. 260 mahuhuli marawal pinakamasakit kabiguan makukuha pag-aruga Talakayin Natin 1. Ano ang binabalak ni Elias para kay Ibarra? 2. Ilahad ang mga napag-usapan nina Elias at Ibarra habang sila ay nasa bangka. Tularan ang tsart. Isulat sa notbuk. Nais ni Ibarra para kay Elias Pagpilit ni Elias na mangibang bansa si Ibarra Pagkasuklam sa bansa Pagkamulat ni Ibarra sa kanser ng bayan Pagpapasimula ng himagsikan Naging Desisyon ni Ibarra 3. Ano-anong pangyayari ang maaalala sa pagdaan dito nina Ibarra at Elias? a. Tapat ng palasyo ng Kapitan Heneral c. Malapad na Bato b. Bahay-bakasyunan ng mga Hesuwita d. Lawa at Pulo ng Talim 4. Bakit tumanggi si Elias na sumama kay Ibarra sa ibang bansa? 5. Patunayan na tutol si Elias sa balak na paghihimagsik ni Ibarra. 6. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, paano iniligtas ni Elias si Ibarra? Suriin at Gawin Natin 1. Sa iyong palagay, bakit ibinuwis ni Elias ang kaniyang buhay para kay Ibarra? 2. Kung ikaw si Elias, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? 3. Ipaliwanag batay sa sariling pananaw ang sumusunod na pahayag. a. “Sa araw na kayo’y maghirap, magutom, usigin, at ipanganyaya ng inyong mga kababayan, itatakwil ninyo ang inyong sarili at ang inyong bayan.” b. “Ang pagkasuklam sa sariling bayan ang umano’y pinakamasaklap na kasawian.” c. “Inalisan ng kasawian ng piring ang aking mga mata. Nakita ko ang kanser na sumisira sa ating lipunan at kailangan ang dagliang lunas.” d. “Hindi ako sasama sa inyo habang may nalalabing pag-asa ang tao.” 4. Paghambingin sina Ibarra at Elias sa kanilang pag-ibig sa bayan at paniniwala ukol sa himagsikan. Alin ang mas matimbang sa iyo? Bakit? 5. Anong mabuting katangian nina Ibarra at Elias ang ipinakita sa kabanatang ito? Patunayan. Pagyamanin Natin Sumulat ng komposisyon tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa. Ilahad kung ano ang maituturing na kanser sa lipunan na kinakailangan ng dagliang paggamot at paano ito malulunasan. 261 Kabanata 62 Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso Balik-sulyap Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang pagtakas ng binata. Pumasok si Elias sa Ilog Beata upang akalaing taga-Peñafrancia siya. Nang makarating sila sa lawa, nabanaagan ni Elias ang palwa kaya pinahiga niya sa bangka si Ibarra at tinakpan ng damo. Binago ni Elias ang direksiyon ng bangka ngunit may sumulpot na isa pang palwa. Ipinihit ni Elias ang bangka patungong Pulo ng Talim. Dalawa na ang tumutugis sa kanila. Ano kaya ang nangyari kay Ibarra? Walang halaga kay Maria Clara ang mga mamahaling regalo sa kasal na nasa ibabaw ng hapag. Nakatunghay siya sa pahayagang nagbabalita ng pagkalunod ni Ibarra. Dumating si Padre Damaso na galing pa sa lalawigan upang dumalo sa kasal ni Maria Clara. Nangangatal ang labi ng dalaga nang hagkan ang kamay ni Padre Damaso. Napansin ito ng Kura gayundin ang pamumutla ng dalaga. “May sakit ka ba, Anak ko? Maupo ka at sabihin mo ang iyong dinaramdam katulad noong bata ka pa.” Magiliw at malambing ang tinig ni Padre Damaso. Napaiyak si Maria Clara. “Huwag kang umiyak, Anak ko. Ako ay nasasaktan sa iyong pagdurusa. 262 Sabihin mo ang iyong gusto at makikita mo kung gaano kita kamahal.” Lumuhod si Maria Clara sa paanan ng inaama. “Kung ako ay inyong mahal, tulungan ninyo ang aking ama na sirain ang kasunduan sa aking kasal.” Isinalaysay ni Maria Clara ang huli niyang pakikipagkita kay Crisostomo maliban ang lihim ng kaniyang pagkatao. “Habang buhay si Crisostomo, iniisip kong magpatuloy mabuhay, umaasa, magtitiwala. Gusto kong mabuhay para makabalita man lang sa kaniya, ngunit ngayong pinatay na nila si Crisostomo, wala nang dahilan para mabuhay at magdusa.” “Hindi ba’t makalilibong mabuti si Linares kaysa kay…” “Noong buhay pa siya, pumayag akong pakasal at tumakas pagkatapos. Ang tanging hangad ng aking ama ay koneksiyon lamang. Ngayong patay na si Crisostomo ay hindi ako tatawaging asawa ninuman. Wala nang nalalabi sa akin ngayon kundi ang kumbento o ang libingan.” Nabaghan ang Kura at nag-isip nang malalim sa matigas na pangungusap ni Maria Clara. “Patawarin mo ako, Anak ko. Nagkasala ako sa iyo nang hindi sinasadya sa hangarin kong lumigaya ka. Hindi ko ibig na ikaw ay maging kulangpalad na asawa ng isang pinag-uusig na hindi man lamang maipagtanggol ang kaniyang sarili. Kung ikaw ay magiging ina, magiging marawal ang kinabukasan ng iyong magiging mga anak. Kung pag-aaralin mo sila, inuumang mo ang iyong mga supling sa isang malungkot na kalagayan — ang mabitay o maipatapon. Kung hindi naman pag-aaralin, sila ay magiging api, alipin, at lilibakin ng kapwa. Dahil dito, inihanap kita ng asawang gagawin kang maligayang ina ng mga anak na nag-uutos at hindi inuutusan, nagpaparusa, at hindi siyang pinarurusahan. Alam kong mabuting bata si Crisostomo ngunit napoot ako sa kaniya nang makita kong siya ang magiging dahilan ng iyong pagluha. Minamahal kita tulad ng isang anak. Ikaw ang tangi kong kaligayahan!” At si Padre Damaso ay napahagulgol na parang bata. “Kung mahal ninyo ako, payagan ninyo akong magmongha.” “Magmongha! Hindi mo alam ang hiwagang nangyayari sa likod ng makakapal na pader ng kumbento. Nanaisin ko pang maging sawimpalad ka rito kaysa loob ng monasteryo. Walang makaririnig sa iyo roon kundi ang makakapal na pader. Ikaw ay napakaganda at hindi isinilang upang makaisang-palad ni Kristo. Panahon ang paparam ng iyong mga kalungkutan. Manalig ka, Anak ko. Matututuhan mo ring mahalin si Linares.” “Ang kumbento o ang kamatayan!” “Diyos ko! Ako’y matanda na, Maria. Hindi na kita mapangangalagaan sa darating na panahon. Humiling ka na ng ibang bagay, huwag lang ang kumbento!” “Ang kumbento o ang kamatayan!” “Pinarurusahan mo ako, Anak ko! Diyos ko, kalingain Mo siya. Magmongha ka, huwag lang mamatay.” Paluhod na hinagkan ni Maria Clara ang kamay ng Kura. Ilang sandali pa’y umalis na si Padre Damaso na malungkot at nagbubuntunghininga. “Diyos ko, Ikaw nga ay tunay na Diyos na nagpaparusa. Ako ang paghigantihan Mo.” mongha – babaeng naninirahan sa kumbento upang iukol ang kaniyang buhay sa pagsamba at pagdalangin sa Diyos monasteryo – tahanan ng isang relihiyosong komunidad na gaya ng mga monghe o madre 263 Talasalitaan: Palawakin Natin Isulat ang nawawalang mga letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. B N I US N SA 1. Buong lungkot na tinutunghayan ni Maria Clara ang pahayagang nagbabalitang nalunod si Ibarra. O MA MA L B H P M 2. Kung pag-aaralin ang magiging anak ng dalaga, iuumang lamang nito sa isang malungkot na kalagayan ang mga anak. P B 3. Nabaghan si Padre Damaso sa ipinagtapat sa kaniya ni Maria Clara. L M T N 4. Ang panahon ang paparam ng mga kalungkutan ng dalaga. 5. Habang buhay si Crisostomo, si Maria Clara ay maaaring makibaka, maghintay, at magtiwala. Talakayin Natin 1. Ibuod ang kabanata sa pamamagitan ng Story Grammar. Kasukdulan Tunggalian Kakalasan Panimula Wakas 2. Bakit balewala kay Maria Clara ang lahat ng handog para sa kaniyang kasal? 3. Ano ang dahilan at ayaw na ni Maria Clara na matuloy ang kaniyang kasal? 4. Ilahad kung bakit tutol si Padre Damaso sa pag-iibigan nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. 5. Ipaliwanag kung bakit ayaw ni Padre Damaso na magmongha si Maria Clara. 6. Bakit humingi ng tawad si Padre Damaso kay Maria Clara? 7. Ano ang kinalabasan ng pag-uusap ng dalawa? 264 Suriin at Gawin Natin 1. Tama bang panghimasukan ni Padre Damaso ang pag-ibig ni Maria Clara? Ipaliwanag. 2. Kung ikaw si Maria Clara, papasok ka rin ba sa kumbento? Bakit? 3. Matatawag bang wagas na pagmamahal ang pag-ibig ni Maria Clara kay Ibarra? Patunayan. 4. Tama bang gawing kanlungan ang kumbento upang takasan ang kasawian sa pag-ibig? Pangatuwiranan. 5. Anong magagandang kaasalan ang makukuha o matututuhan sa binasang kabanata? Ipaliwanag. Pagyamanin Natin 1. Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang uri ng pagmamahal. Tukuyin kung anong uri ng pagmamahal ang namagitan kina Ibarra at Maria Clara. 2. Paghambingin si Maria Clara at ang kababaihan sa kasalukuyan. Ano ang pagkakaiba nila? Sino ang tunay na sumasalamin sa isang Pilipina? Itala sa ibaba ang sagot. Paghahambing Maria Clara Kababaihan sa Kasalukuyan 265 Kabanata 63 Ang Noche Buena Balik-sulyap Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria Clara na makibaka, maghintay, at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag-ayaw niya kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binata, ang tanging nalalabi sa kaniya ay ang kumbento o ang kamatayan. Bakit ayaw ni Padre Damaso na magmongha si Maria Clara? Ano ang dahilan at pumayag na rin siya sa huli na magmongha ang dalaga? Isang mag-anak na Tagalog ang naninirahan sa libis ng bundok. Ang kubo nila ay nasa tabi ng ilog-ilugan at nakukublihan ng malalaking punongkahoy. Pangangaso at pangangahoy ang ikinabubuhay ng mag-anak. Isang matandang lalaki ang nagtitistis ng dahon ng niyog upang gawing walis. Isang dalaga naman ang naglalagay sa bakol ng itlog, dayap, at gulay. Isang batang babae at isang batang lalaki ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalaking payat, maputla, at malungkot ang malalaki at mapupungay na mga mata. Siya ay si Basilio na may sugat ang paa. Dalawang buwan nang naninirahan doon si Basilio. Natagpuan siya ng matandang lalaki na sugatan at walang malay. Nagpasalamat si Basilio sa pagkalinga ng mag-anak. Sinabi niyang ibig na niyang umuwi sa bayan 266 at makita ang ina at kapatid yamang Pasko naman. Lagi silang magkapiling sa ganitong pagkakataon. Malamang na tumatangis ang kaniyang ina sa paghahanap sa kaniya. “Hindi ka makararating sa bayan nang buhay, Anak. Hindi ka pa magaling at ang bayan mo ay malayo. Hatinggabi na bago ka makarating doon. Maghahapunan tayo ngayong gabi ng manok at tapang baboy-ramo. Hahanapin ka ng mga anak kong manggagaling sa bukid.” “Marami po kayong anak samantalang ang ina ko ay dalawa lamang. Ibig ko siyang handugan ngayon ng isang aginaldo ng Diyos — isang anak.” “Para kang matandang mangusap. Humayo ka na at hanapin mo ang iyong ina at handugan mo ng aginaldo ng Diyos tulad ng sinabi mo. Ihahatid ka ng apo kong si Lucia hanggang sa kalapit na bayan. Patnubayan ka nawa ng Diyos.” Kinuha ni Basilio ang kaniyang tungkod at malungkot na nagpaalam. “Babalik po ako agad at isasama ang aking kapatid.” Matulin ang lakad ni Basilio bagama’t may tali pa ang kaniyang paa. Noche Buena noon ngunit malungkot ang bayan ng San Diego. Wala ni isa mang bahay na may parol na nakabitin. Sa bahay ni Kapitan Basilio ay kausap niya si Don Filipo na kalalaya pa lamang. Nakikita nila si Sisa na nakasilip sa rehas. Nanlalalim ang mga mata nito, namamarak ang mga pisngi, at gusot ang nakalugay na buhok. Pinaalis siya ng doktor na tumitingin sa kaniya sa takot na madawit kay Ibarra. Si Sisa ay palaboy-laboy, kumakanta-kanta ngunit hindi nananakit. Sa gubat siya naninirahan. Nang mga sandaling iyon ay maririnig ang kaniyang malungkot na awit. Nakarating din si Basilio sa San Diego. Sira at walang tao ang kanilang kubo. Nabalitaan niyang nabaliw ang kaniyang ina at pagala-gala sa mga lansangan. Walang balita tungkol kay Crispin. Paika-ika siyang tumakbo upang hanapin ang ina. Nagkataon noon na narinig niya ang pag-awit ng ina. Si Sisa ay nasa tapat ng bahay ng bagong Alperes kaya hindi makapangahas lumapit si Basilio. Isang babae ang nanungaw at iniutos sa bantay na paakyatin si Sisa. Nang makita ni Trivia Isang tanyag na kaugaliang Pilipino ang Noche Buena. Tumutukoy ito sa salusalo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng Kapaskuhan. “Magandang gabi” o “Banal na gabi” ang kahulugan nito sa Filipino. Naghahanda ng masasarap na pagkain sa halos bawat tahanan sa Noche Buena na pagsasaluhan ng pamilya kasama ang iba pang kamag-anak at malalapit na kaibigan. Sisa ang guardia civil at marinig ang tinig nito, natakot ang baliw at biglang tumakbo. Tumakbo na rin ang nagmamasid na si Basilio sa pangambang mawalay sa kaniyang paningin ang ina. Isang utusan na inakalang hinahabol si Sisa ng isang kung sinong bata ang dumampot ng malaking bato at pinukol si Basilio. Tumama ang bato sa ulo ni Basilio ngunit hindi niya ito ininda. Ilang ulit na natisod at nadapa si Basilio ngunit patuloy itong tumatayo. Hindi naririnig ni Sisa ang kaniyang tawag. Pumasok si Sisa sa gubat ng mga Ibarra. Sarado na ang pinto nang makarating si Basilio. Hinarangan ni Sisa ng bato ang pinto. Pag-ibig sa ina ang nagbigay-lakas sa kaniya upang makaakyat sa puno ng balete at magpalipat-lipat sa mga sanga. Narinig libis – kapatagang nasa pagitan ng isang bundok at iba pang mataas na lupa aginaldo – regalo kung Pasko langitngit – mahina at impit na tunog na gawa ng pagkikiskisan o paglalapat ng anumang mga bagay 267 ni Sisa ang langitngit ng mga sanga kaya anyong tatakas ito. Nagpatihulog si Basilio upang abutan ang ina. Pagkatapos ay niyakap niya ito at pinupog ng halik at pagkatapos ay tuluyan nang nawalan ng malay-tao ang bata. Nakita ni Sisa ang noo ni Basilio na tigmak ng dugo. Minasdan niya ang mukha ni Basilio at ang mukhang iyon ang gumising sa nagugupiling nitong alaala. Nakilala niya ang anak at napasigaw. Niyakap niya ito at hinagkan bago nalugmok nang padagan sa walang malay na si Basilio. Nang matauhan si Basilio, wala nang buhay si Sisa. Niyakap niya ang bangkay ng ina at buong kapaitang nanangis. Noon ay Noche Buena, gabi ng kasayahan ng mga bata sa piling ng mga magulang. Ngunit para kay Basilio, ang gabing yaon ay gabi ng pangungulila. Nang itaas ni Basilio ang kaniyang ulo, isang lalaki ang nakatayo sa harap niya. “Ikaw ba ang anak?” tanong ng lalaki. Tumango ang bata. Sugatan ang lalaki at dalawang araw nang hindi kumakain ni umi- inom kaya hindi siya makatutulong sa paghuhukay ng paglilibingan kay Sisa. “Makinig ka,” ang patuloy ng lalaki sa nanghihinang tinig. “Bago magbukang-liwayway ay patay na rin ako. Dalawampung hakbang mula rito, sa kabila ng ilog-ilugan ay maraming kahoy na nakatalaksan. Dalhin mo rito at ibunton sa aming bangkay. Paliyabin mong mabuti hanggang sa kami ay maging abo. Pagkatapos, kung walang ibang taong darating, humukay ka rito at makakukuha ka ng maraming salapi. Ito ay sa iyo na. Mag-aral ka. Kunin mo na ang panggatong… hindi kita matutulungan.” Lumakad si Basilio. Ang mahiwagang tao ay tumingin sa silangan at pabulong na nagwika: “Mamamatay akong hindi man lamang namamalas ang pagbubukangliwayway sa aking bayan. Kayong makakikita, salubungin ito at huwag kalimutan ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!” Tumingala siya sa langit, kumibot ang mga labing wari’y umuusal ng panalangin. Pagkatapos ay napayukayok at dahan-dahang bumagsak sa lupa. Talasalitaan: Palawakin Natin Hanapin sa kolum B ang kasingkahulugan ng bawat salita sa kolum A, at sa kolum C ang kasalungat naman na kahulugan. Isulat sa patlang ang letra ng wastong mga sagot. A ________ ________ ________ ________ ________ 268 1. 2. 3. 4. 5. pagkalinga paika-ika namamarak nagugupiling napayukayok B a. b. c. d. e. hindi diretso marungis naaapi napayuko pag-alaga C a. b. c. d. e. tuwid lumalaban pagpapabaya napatindig malinis Talakayin Natin 1. Ilarawan ang tahanang kumupkop kay Basilio. 2. Sino-sino ang taong nag-aruga kay Basilio? 3. Bakit nais umuwi sa bayan ni Basilio? 4. Bakit ayaw siyang payagan ng matandang lalaki? 5. Paano niya napapayag ang matandang lalaki sa kaniyang kahilingan? 6. Isalaysay ang mga nangyari kay Basilio nang makarating sa San Diego gayundin ang pagkikita nila ni Sisa. Basilio Ang bayan ng San Diego Ang kanilang bahay Ang pagawit ni Sisa Si Sisa sa tapat ng bahay ng Alperes Nang magkamalay si Basilio Ang pagliliwanag ng isip ni Sisa Muling pagkikita nina Sisa at Basilio Pagpasok ni Sisa sa gubat ng mga Ibarra Paghabol ni Basilio kay Sisa 7. Ano-ano ang ipinagbilin ng mahiwagang lalaki kay Basilio? Suriin at Gawin Natin 1. Kung ikaw si Basilio, aalis ka pa rin ba upang hanapin ang iyong ina? Bakit? 2. Ilarawan si Basilio bilang isang anak. 3. Paano mo haharapin ang sitwasyon na bigla mong nakita ang iyong ina na matagal nang nawawala? 4. Ipaliwanag ang binitiwang salita ng mahiwagang lalaki — “Mamamatay akong hindi man lamang namamalas ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan. Kayong makakikita, salubungin ito at huwag kalimutan ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!” 5. Sino kaya ang mahiwagang lalaki? Patunayan ang sagot. Pagyamanin Natin Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang huling bahagi ng kabanata, paano mo ito tatapusin? Isulat sa papel ang iyong sagot. Sa paglinang ng pagtukoy sa mahahalagang pangyayari sa kabanata, puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com. 269 Kabanata 64 Katapusan Balik-sulyap Muling nagkatagpo ang mag-inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit ng pagkikita. Kung kailan naging malinaw na ang pag-iisip ni Sisa at nakilala na ang anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Elias man ay binawian din ng buhay na hindi namasdan ang pagsikat ng araw sa kaniyang bayan. Mula nang pumasok sa kumbento si Maria Clara ay nanirahan na sa Maynila si Padre Damaso. Hindi nagtagal at tumanggap siya ng kautusan sa Padre Provincial na inililipat siya sa malayong lalawigan. Labis na dinamdam ito ng pari. Natagpuan siyang patay sa kaniyang higaan kinabukasan. Ayon sa balita, namatay siya sa bangungot, ngunit ayon sa manggagamot na tumingin, bigla ang kaniyang pagkamatay dahil sa malaking sama ng loob. Si Padre Salvi ay nasa Maynila rin. Habang hinihintay niya ang gantimpalang mitra upang maging obispo, panaka-naka siyang nagsesermon sa simbahan ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Malaki rin ang ipinagbago ni Kapitan Tiyago. Ilang linggo bago 270 maging ganap na mongha si Maria Clara, si Kapitan Tiyago ay nagdanas ng panlulumo, nangayayat, naging mapag-isip, at nawalan ng tiwala sa kaninuman. Kapipinid pa lamang ng pinto ng monasteryo ay agad niyang pinagsabihan si Tiya Isabel na umuwi na sa San Diego o sa Malabon sapagkat ibig niyang mag-isang mamuhay. Nang siya’y mapag-isa na, wala siyang ginawa kundi maglaro ng liampo, magsabong, at humitit ng apyan. Tuwing magdarapithapon ay makikita siya sa tindahan ng Tsino sa daang Sto. Cristo... payat, naninilaw, hukot, nanlalalim at namumungay ang mga mata, nangingitim ang mga labi at kuko, at patangang nagmamasid sa mga tao ngunit walang nakikita. Pagsapit ng dilim ay lalakad siyang nakatungkod, tutuloy sa isang maruming bahay na may karatulang “Bahay-Hititan ng mga Apyan” na may pahintulot ng pamahalaan. Si Kapitan Tiyago ay limot na ngayon ng madla. Si Doña Victorina ay nagdagdag na ng pustisong buhok upang manatili sa pagpapanggap niyang siya’y tagaAndalucia. Siya ngayon ang nagpapalakad ng karuwahe at hindi na niya pinakikilos si Don Tiburcio. Gumagamit siya ng salamin na nagbibigay sa kaniya ng anyong kakatwa. Ang “doktor” ay hindi na natatawag na manggagamot at madalas nang nawawalan ng pustisong ngipin. Si Linares na siya sanang tagapagtanggol ni Don Tiburcio ay malaon nang nailibing sa sementeryo ng Paco. Namatay siya sa sakit na iti dahil sa masamang pag-aalaga ni Doña Victorina. Ang Alperes na taglay ang katungkulang Tinyente Grado Komandante ay umuwi sa España at tinalikdan sa panlilimahid ang asawa. Si Doña Consolacion, ang Alperesa, ay walang kinahumalingan naman kundi ang paglalasing at paghitit ng tabako. Siya’y kinatakutan hindi lamang ng mga bata kundi ng matatandang babae man. Wala nang nabalitaan tungkol kay Maria Clara. Walang masabi ang mga may katungkulan sa kumbento ng Santa Clara. Ngunit sinasabing isang gabing bumabagyo, dalawang sundalo ang nakatanaw sa isang madre na malaBirhen ang ganda na nananangis sa gitna ng hangin at ulan sa bubungan ng kumbento. Kinabukasan, isang ginoo na nagpakilalang kinatawan ng mga awtoridad ang nagpilit makita ang madre. Sinasabing ang isa sa mga madre ay basang-basa at gulanit ang abito at umiiyak na nagsusumamo sa ginoo na ipagsanggalang siya laban sa karahasan sa mapagkunwaring kumbento. Sinasabi ring ang naturang madre ay may magaganda at nangungusap na mga mata. Ngunit hindi siya sinaklolohan ng kinatawan ng awtoridad. Sinabi ng puno ng mga madre na baliw ang madre. Hindi marahil batid ng lalaki na may tahanan sa Maynila ukol sa mga baliw o inakala niyang ang kumbento ay ampunan ng mga baliw. Sinasabi ring nang makarating sa Kapitan-Heneral ang pangyayari, tinangka niyang tulungan ang naturang madre. Ngunit hindi na muling nakita ang magandang madre at ang punong madre ay hindi na muling nagpahintulot na may magsiyasat sa kumbento. bangungot – masamang panaginip na ang katawan ng nananaginip ay hindi maigalaw, kung minsan ay sumisigaw o umuungol at kung napakabigat ay tuluyang ikinamamatay iti – sakit na may sintomas ng pagdumi o pagtae na may bahid na dugo at plema 271 Talasalitaan: Palawakin Natin Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng bawat pangungusap. 1. Nang si Kapitan Tiyago ay mapag-isa na, wala na siyang ginawa kundi maglaro ng liam-po at puro paghitit ng apyan ang inatupag. 2. Ayon sa balita, si Padre Damaso ay namatay dahil sa bangungot ngunit sabi ng doktor, siya’y yumao dahil sa sama ng loob. 3. Si Kapitan Tiyago ay nalimutan na ng madla gaya nang hindi pag-intindi niya sa kaniyang sarili. 4. Tuwing magdarapithapon ay makikita si Kapitan Tiyago sa tindahan ng Tsino… payat, naninilaw, at hukot ang pangangatawan. 5. Si Doña Cosolacion ay lubos na kinahuhumalingan ang pag-inom ng alak at nalululong sa paghithit ng tabako. Talakayin Natin 1. Ano ang naging kapalaran ng sumusunod na tauhan? Padre Damaso Maria Clara Padre Salvi Kapitan Tiyago Doña Victorina Don Tiburcio 272 Linares Alperes Tiya Isabel Doña Consolacion 2. Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na sitwasyon/pangyayari? a. Ang pagkamatay daw ni Padre Damaso dahil sa bangungot b. Kapabayaan ni Kapitan Tiyago sa sarili at ang pagkakalulong sa apyan c. Pagkalimot ng madla kay Kapitan Tiyago d. Pagpadagdag ni Doña Victorina ng pustisong buhok e. Ang pagkahumaling ni Doña Consolacion sa alak at tabako 273 Suriin at Gawin Natin 1. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa nobelang Noli Me Tángere? Ipaliwanag. ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ________________________________________________ 2. Kung ikaw ang may-akda, paano mo wawakasan ang nobelang Noli Me Tángere? ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ________________________________________________ Pagyamanin Natin 1. Gumawa ng Human Diorama ng lahat ng tauhan sa Noli Me Tángere. 2. Magpangkatan at pumili ng kabanatang naibigan sa nobela. Isadula ito sa klase. 274 Isang hapunan ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa pagdating ni Juan Crisostomo Ibarra, isang binatang Pilipino na nagtapos ng pitong taon ng pagaaral sa Europa. Sa hapunang ito, dalawang beses siyang hinamak ni Padre Damaso, dating kurang Pransiskano sa bayan ng San Diego. Mahinahong nagpaalam ang binata at nagdahilang may mahalagang aasikasuhin. Kinabukasan, dinalaw ni Ibarra ang kasintahang si Maria Clara, anak sa turing ni Kapitan Tiyago. Sa pag-uusap nila sa asotea, ginunita nila ang kanilang pagmamahalan. Binasa ni Maria Clara ang sulat ni Ibarra bago ito nagtungo sa Europa. Bago umuwi ng San Diego, nakibalita siya sa nangyari sa kaniyang ama, si Don Rafael Ibarra, pinakamayamang asendero sa San Diego, na isang taon nang namayapa. Ayon kay Tinyente Guevarra ng mga guardia civil, pinaratangan ni Padre Damaso si Don Rafael na erehe at pilibustero dahil sa hindi niya pagsisimba at pangungumpisal. Dahil dito’y sinamantala ng pari ang isang pangyayari upang lalong idiin ang Don. Isang bata ang ipinagtanggol ni Don Rafael sa isang kubrador. Napatumba ni Don Rafael ang kubrador. Tumama ang ulo nito sa isang bato na sanhi ng pagkamatay nito. Ibinintang kay Don Rafael ang pagkamatay ng kubrador. Nagtulong-tulong ang mga kaaway niyang lihim sa paghaharap ng iba’t ibang sakdal. Nagkasakit at namatay ang Don sa loob ng bilangguan. Ipinahukay ni Padre Damaso ang puntod ni Don Rafael at ipinalipat ito sa libingan ng mga Tsino. Subalit nabigatan ang sepulturero sa bangkay kaya itinapon na lamang niya ito sa ilog. Sa halip na maghiganti, nagpatayo si Ibarra ng paaralan na isa rin sa mga panukala ng yumaong ama. Sa pagdiriwang at pagbabasbas ng unang bato ng panulukan ng paaralan, muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi nailigtas ni Elias. Sa halip, ang taong madilaw na nasuhulan na ipahamak si Ibarra ang nasawi. 275 Sa pananghalian ng matataas na opisyal at mga prayle, hinamak ni Padre Damaso ang alaala ni Don Rafael. Napuno si Ibarra at nagtangka siyang saksakin si Padre Damaso subalit naawat ito ni Maria Clara. Sa ginawang pagbubuhat ng kamay ni Ibarra kay Padre Damaso, itiniwalag si Ibarra sa simbahan. Sinamantala ito ni Padre Damaso para ipagkasundo si Maria Clara kay Don Alfonso Linares de Espadaña. Nagkasakit si Maria Clara. Napawalang sala si Ibarra sa tulong ng Kapitan-Heneral. Napagbintangan si Ibarra na pinuno ng mga sumalakay sa kuwartel. Lalong nadiin si Ibarra dahil sa sulat na ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara. Kinasangkapan ito para mapahamak si Ibarra at mabilanggo. Itinakas ni Elias si Ibarra sa bilangguan. Dumaan sila kay Maria Clara. Nalaman ni Ibarra ang katotohanan kay Maria Clara. Ibinigay ni Maria Clara ang sulat kay Padre Salvi kapalit ng sulat ng kaniyang ina na nagpapatotoo na si Padre Damaso ang tunay na ama ni Maria Clara. Ipinagtapat ni Maria Clara na kaya siya magpapakasal kay Linares ay upang mapanatili ang dangal ng kaniyang ina at nilinaw na hindi mawawala ang pag-ibig nito kay Ibarra. Sa pagtakas nina Elias at Ibarra, tinugis sila. Upang maligaw ang mga tumutugis, tinabunan ng damo ni Elias si Ibarra at tumalon sa tubig upang maligaw ang mga tumutugis. Kinabukasan, kumalat na ang balita at napalathala sa pahayagan na nalunod si Crisostomo Ibarra. Nang mabasa ni Maria Clara na napatay si Ibarra, lubha siyang nalungkot. Nang mga sandaling iyon ay dinalaw siya ni Padre Damaso na nakadarama ng kaniyang kalungkutan. Sa pag-uusap nila, pinapili siya ni Maria Clara kung magmamadre ba o magpapakamatay na lamang siya dahil sa kalungkutang naranasan sa pagkawala ni Ibarra. Samantala, nagawang iligtas ni Elias si Ibarra. Bago mamatay, nakarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra at dinatnan doon si Basilio. Ibinilin niya kay Basilio na sunugin ang bangkay nila ng inang si Sisa na naunang mamatay. Sinabi niya kay Basilio na kung walang darating ay humukay siya roon at makakatagpo ng yaman na magagamit niya sa pag-aaral. 276 Naglalaman ang tula ng wagas na damdamin ng pagmamahal para sa kaniyang lupang tinubuan. Inilahad din sa nasabing tula ang ganda ng sariling bayan, mga panalangin, at pangarap niya para sa bansang Pilipinas. Ipinahayag din niya sa tula ang mga hiling at kawalan ng hinanakit sa bayan anuman ang kinahantungan ng kaniyang buhay. Huling Pahimakas Dr. Jóse P. Rizal Paalam na mutyang Tinubuang-lupang minahal ng araw, Ligayang naglaho at Perlas ng Dagat sa Kasilanganan, Masayang sa iyo’y dulot ko ang aking aba’t lantang buhay, Gano mang kaningning, gano mang kaganda at kasariwaan, Idudulot ko rin kung dahil sa iyong ikatitiwasay. Sa parang ng digma, iba’y tigib-dusa sa pakikitalad, Na handog sa iyo ang buhay nang walang alinlanga’t sindak; Walang kailangan: ang pook, ang sipres, putong o bulaklak, Bibitayan, ilang, digmaa’t parusang pagkasaklap-saklap, Handog din kung siyang sa baya’t tahana’y magbibigay–dilag. Ako’y mamamatay ngayong nakikita ang pula ng langit Na nagbababala, sa wakas, ng araw na may luksang takip, Kung sa liwayway mo’y kakailanganin ang mapulang bahid: Narini ang aking dugo’t ibubo mo ngayon din, kung nais, Nang sa sisikat mong araw ay magdagdag ng ganda at dikit! Ang aking pangarap nang babahagya pang isip ko’y mabuksan, At ang hinagap ko nang magbinata na’t may lakas nang taglay, Ay ang balang-araw’y makita ka, Hiyas ng Dagat-Silangan! Na tuyo sa luha ang itim mong mata’t ang noo mo’y buhay, At wala ni kunot, ni munting gulubhi’t bahid-kahihiyan. Aliw ng buhay ko, ang nag-uumalab na taos kong nasa Ay ang Mabuhay ka! na sigaw ng aking palipad nang diwa. Tamis ng lumagpak, mabigyan ka lamang ng pakpak ng laya, Mamatay nang ikaw’y mabigyan ng buhay at pagkadakila, Sa silong ng iyong langit ay kay-sarap ng pamamayapa. 277 Kung sa libingan ko ay may makita kang nupling na bulaklak Sa gitna ng mga naggubat na damong tiwangwang at bilad, Idampi sa labi’t yao’y bukong supling sa diwang lagalag, Nang sa himlayan ko ay maramdaman kong sa noo ko’y nalat Ang tamis ng bulong ng iyong hiningang may init ng habag. Bayaan mong ako’y malasin ng buwan sa pangungulimlim, Bayaang ang sinag ng madaling-araw sa aki’y paratnin, Ang hangi’y bayaang humimig ng kaniyang malungkot na daing, At kapag may ibong dumapo sa kurus ng aba kong libing, Bayaang ang ibo’y umawit ng kaniyang dalanging taimtim. Bayaang sa init ng araw ang ulan ay pumailanlang, At saka magbalik sa langit na lakip ang paos kong sigaw; Bayaang ang aking maagang pagtugpa’y itangis ng ilan, At kung dapit-hapon may mangisa-ngisang mag-ukol ng dasal, Idalangin mo rin, Bayan ko! ang aking pagpapahingalay. Idalangin mo rin yaong nangalubid sa parang ng digma, Ang mga nagtiis ng di-gagaanong mga pagkadusta, Yaong mga inang wasak na ang dibdib sa pagdaralita, Ang mga ulila, balo, at bilanggong piit at salanta, Idalangin mo rin ang kapalaran mong ni paglaya’y wala. Kung ang libingan ko’y mabalot ng dilim sa gabing pusikit, At wala, maliban sa bangkay ang doo’y nagsisipagtalik, Huwag gambalain ang pamamahingang may hiwagang kipkip; Nguni’t ang taginting ng lumang kudyapi’y pag iyong naringig, Yao’y ako Mutya’t ang kapalaran mo’y aking dinadalit. Sakaling limot na ang lupang sa akin ay pinaglibingan, At wala nang kurus ni panandang batong pagkakakilanlan, Bayaang ang lupa’y bungkali’t isabog ng lipakang kamay; Ang mga abo ko, sa wala ay bago muling pailanlang, Maging sabog sana sa latag na iyong kinatutuntungan. Kapag nagkagayon, limutin mo ako’y di ko daramdamin; Ang kalawakan mo, parang, at lansanga’y aking tatawirin, Sa iyong pandingig ako ay magiging tinig at taginting, Halimuyak, ilaw, kulay, alingawngaw, awit, at hinaing, Ang pananalig ko ang paulit-ulit na sasambitlain. Bayang Tinubuang pinakamumutya, hirap niring hirap, Sintang Pilipinas, dinggin mo ang aking huling pahimakas; Iiwan sa iyo ang ama’t ina ko’t ang aking pagliyag: Ako ay tutungo sa walang alipi’t walang mandarahas, Doon sa ang Diyos ang namamahala sa isip ng lahat. 278 Magdadalawampu’t apat na taon si Dr. José P. Rizal nang isulat ang Noli Me Tángere. Naisip ni Dr. José P. Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tángere matapos niyang mabasa ang The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ni Eugenio Sue. Habang isinusulat niya ang Noli Me Tángere, siya ay nagtitipid at dalawang beses lamang siya kung kumain sa maghapon upang makatipon ng kuwaltang magugugol sa pagpapalimbag ng Noli Me Tángere. Tinulungan ni Dr. Maximo Viola si Dr. José P. Rizal upang mapalimbag ang nobelang ito. Tatlong daang piso ang ipinahiram sa kaniya. Pebrero 21, 1887 natapos ang nobelang Noli Me Tángere. Ipinalimbag sa Imprenta Lette sa Berlin ang 2,000 sipi ng Noli Me Tángere. Marso 1887, natapos limbagin ang nobelang Noli Me Tángere. Ang manuskrito ng Noli Me Tángere ay itinago sa uka ng isang pader na tinapalan ng semento noong panahon ng himagsikan. Noong 1945 sa paglalaban sa Maynila ng mga Hapon at Amerikano ay mahiwagang nailigtas ang manuskritong ito. Binili ng Pamahalaan ng Pilipinas ang manuskrito ng Noli Me Tángere sa halagang 525,000 ayon sa kapasiyahan ng Batasan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ay iniingatan sa Bureau of Public Libraries ang manuskrito. Naging inspirasyon ni Dr. José P. Rizal sa pagsulat ng nobelang ito ang nobelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe, na tumatalakay sa pang-aabuso ng mga puti sa mga aliping African-American ng America. Ang titulong Noli Me Tángere ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong Salingin.” Ito ay halaw sa ebanghelyo ni San Juan na kung saan ito ay ang binigkas ni Kristo kay Maria Magdalena pagkaraan ng Kaniyang pagkabuhay. Ang Noli Me Tángere ay mga salitang ginagamit ng mga opthalmologists para sa kanser ng eyelids. Ang kabanata na tinaguriang Kabanata X (ex) (Elias at Salome) ay tinanggal ni Dr. José P. Rizal upang pababain ang gastos sa paglathala. Pinagsisihan ni Dr. José P. Rizal ang pagpatay sa katauhan ni Elias dahil maaari pa sana siyang gumawa ng karugtong na nobela na kung saan ang huli ang siyang hihikayat kay Ibarra na pasimulan ang himagsikan. Ang katauhan ni Maria Clara na isang mayumi, mabait, at madasalin na dalaga ay halaw sa katauhan ni Leonor Rivera, pinsang buo at kababatang itinatangi ni Dr. José P. Rizal. Inihandog ni Dr. José P. Rizal ang nobelang Noli Me Tángere sa Inang-bayan. 279 Indiyo – Ito ay salitang panlibak na ginamit ng mga Español upang ipaalaala sa mga Pilipino ang kababaang uri ng kanilang lahi. Ayon kay Propesor Blumentritt, tinawag na Indiyo ng mga Español ang mga malayo sa Pilipinas. Subalit, sa kalaunan ay inukol na ang katawagang ito sa katutubong Pilipino. Daang San Jacinto at Daang Sacristia – Dalawang daan sa Binondo na ngayon ay Kalye Pinpin at Kalye Ongpin na. Fonda de Lala – Ito ang hotel na pagmamay-ari ni Lala Ari, isang Indiyong Ingles. Popular o tanyag ang hotel na ito noong panahon ng Español. Matandang Maynila – Ang isa pang tawag dito ay Intramuros. Naliligiran ito ng makakapal na pader at malalawak, mapuputik, at mababahong mga bambang, kaya naman naging matibay na kuta ng mga Español noong panahon ng kanilang pananakop. Jardin Botanico – Dati, ang harding ito ay natatamnan ng iba’t ibang hindi pangkaraniwang mga kahoy-bundok upang magamit sa pag-aaral ng botanica. Naririto rin noon ang kulungan ng iba’t ibang hayop gaya ng buwaya, agila, baboy-ramo, sawa, at iba pa. Balete – Isang uri ng kahoy na binibigyang paggalang ng mga Kristiyanong mapamahiin. Ggayundin ng pananampalataya ng mga unang taong tubo sa Pilipinas. Garrote – Ipinangalan kay Padre Damaso dahil sa kalupitan nito at pamamalo sa kaniyang mga utusan o sa lahat ng mapailalim sa kaniyang kapangyarihan. “Ang mga buwang ito’y ang tagsibol at taglagas sa amin.” Halos katulad din ng Pilipinas ang singaw ng ibang bansang maiinit. Ayon sa kasabihang Español: Apat na buwang maalikabok, apat na buwang maputik, apat na buwang pagsasama-sama ng lahat ng singaw, bagama’t ang karaniwan ang anim na buwang maulan at anim na buwang mainit. Ketong – Leprosy sa Ingles, ay isang uri ng sakit at impeksyon sa balat. Hindi ito nakakahawa taliwas sa akala ng karamihan. Vamos, magcantar icau! – “Hala, umawit ka!” Pinagitnaan ng isang “de” ang apelyido – Ayon sa kaugaliang Español, ang isang babaeng may asawa ay tinatawag sa pamamagitan ng pagsasama ng kaniyang pangalan sa apelyido ng asawang lalaki at pinapagitnaan ang mga pangalang ito ng pang-ukol de gaya ng Victorina de los Reyes de de Espadaña. Edad Media – Ayon sa mga mananalaysay, ito ang panahong lumipas buhat sa dantaong V ng panahon ni Kristo hanggang sa taong 1453; na panahon din ng pagkakuha ng mga Turko sa Konstantinopla. Tulay ng España – Kilala ito sa pangalang Puente de España. Ito ang pinakamahusay na tulay noong panahon ng Español. Dati, ito ay kahoy na nakapatong sa bato, may pitong arko na may iba’t ibang laki at distansya. Naging bakal ito kalaunan at nagsilbi ng mahabang panahon. Nang ipatayo ang Jones Bridge ay giniba naman ang tulay na ito ng España. 280 A abogasya – propesyon ng batas abuloy – tulong, ambag alamat – salaysay hinggil sa pinagmulan ng isang bagay o pook alingasngas – usap-usapan; eskandalong dulot ng tsismis alkalde – pinunong bayan; noong panahon ng Español, pinuno ng isang alkaldiya altar – mesa o estante sa pinakabanal na bahagi ng simbahan, sinagoga, o templo andas – kinalalagyan ng mga santong pinapasan kapag may prusisyon angkan – pinagmulang pamilya anino – maitim o madilim na bagay na nalilikha ng anumang humaharang sa liwanag ng araw, kandila, at katulad apdo – bahagi ng lamanloob ng tao arkitekto – tao na nagdidisenyo, gumuguhit ng plano, at nangangasiwa sa paggawa ng mga gusali, barko, tulay, at iba pang estruktura asotea – bahagi ng bahay sa ikalawang palapag o sa itaas pa na karaniwang sementado, walang bubong, bukas, at nilalagyan ng maraming halaman atubili – may alinlangan; urong-sulong; bantulot B baging – halaman, karaniwang mula sa genus Vitis na may mga mahaba at payat na tangkay na gumagapang sa lupa o umaakyat o kumakapit sa pamamagitan ng mga tendril o clasper balag – sala-salang buho o kawayang nakapatong sa mga itinayong tukod na pinapagapangan ng mga halaman o baging balakid – hadlang balisa – hindi mapalagay, ligalig ang kalooban banal – sinumang hindi nagkakasala sa isip, sa salita, at sa gawa banayad – mahinahon, marahan, mahinay banda – pangkat ng musikero banderitas – maliit na bandera banyaga – dayuhan o pagiging dayuhan barandilya – gabay; halang; pasamano; palababahan baston – tungkod batingaw – malaking kampana baybay – lupa sa gilid ng dagat bayong – malalim na basket na masinsin ang pagkakahabi at may pares na hawakan bila – tilad na kawayang nakataling pahalang sa baklad ding kawayan upang tumibay biloy – likas na bahagyang huyo sa pisngi ng tao bisperas – gabi o araw bago ang mahalagang araw ng pagdiriwang bisyo – immoral o masamang gawi; depekto o kahinaan; anumang nakapagpapababa ng pagkatao bitak – lamat bukang-liwayway – unang paglitaw ng liwanag ng araw sa umaga bungad – harap busilak – dalisay at makinang na kaputian buwaya – reptil na naninirahan sa tubigan at latian D daing – pagpapahayag ng sakit o lungkot dalamhati – matinding kalungkutan, karaniwang dahil sa kamatayan ng isang minamahal dantay – patong ng kamay dapo – parasitikong halamang nabubuhay sa mga punongkahoy dayap – palumpong na hanggang apat na metro ang taas at may maasim na katas ang bunga dayuhan – tao na mula sa tagaibang pook o bansa dinudusta – inaalipusta; nilalait, pinagmamalabisan dukha – tao, pamilya, o pamayanang kulang na kulang sa mga pangangailangan sa buhay dula – pagtatanghal duwag – tao na kulang sa tapang, tibay, o tigas ng loob E eskribano – taong nag-iingat ng mga rekord, kasulatan, at gumaganap ng mga karaniwang gawain sa hukuman, batasan excomulgado – itiniwalag sa simbahan G gayak – palamuti, ayos, bihis gugo – punongkahoy na mataba ang tangkay, at may matigas at bilog na buto ang bunga guho – tibag; wasak; giba gulod – ibabaw ng mataas na lupa guniguni – kapangyarihan ng isip na bumuo ng hulagway; bunga ng imahinasyon H habas – walang pakundangan; walang kaingat-ingat hagkan – tinipil na halikan hambog – may labis na pagmamalaki at pagtingin sa sarili heograpiya – pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo, mga yaman nito, likas at pampolitikang pagkakahati, klima, mga produkto, populasyon himpapawid – espasyo sa ibabaw ng mundo hiyang – anumang bagay na akma, angkop, o lapat; anumang nakapagdudulot ng ginhawa 281 hiyas – palamuting pangkatawan, malimit gawa sa mamahaling metal at tinatampukan ng pambihirang bato; isang tao o bagay na may mataas na pagtatangi hitit – paghigop ng usok mula sa sigarilyo o tabako hudyat – tanda o senyas upang simulan ang anuman hukot – kuba; kurbado K kabuti – alinman sa mga fungus na malaman kagalawad – ayudante o katulong kaha – kahon kalansing – matinis na tunog na nalilikha ng metal, lalo na ng salaping barya kalihim – opisyal na nangangasiwa ng mga rekord, sulat o katitikan ng mga pulong, at iba pang gawain ng samahan kalupi – pitaka kampanaryo – tore na kinalalagyan ng kampana kasabwat – tao na kasama o may kinalaman sa isang masamang gawain kasangkot – napasama o nadamay sa isang pangyayari o kapahamakan karumata – kalesa, karitela katipan – kasintahan kawaksi – katulong kayo – tela kilik – pagdala ng bigat sa baywang sa tulong ng bisig, karaniwang sa pagbuhat ng bata kinalkal – pagkutkot o pagkayod sa pamamagitan ng kuko kinatawan – tao na binigyang pahintulot na gumanap ng isang tungkulin para sa isang tao o pangkat kolorete – kosmetikong pampaganda o pampapula sa pisngi komedya – palabas o akdang pandulaan na isinulat o kinathang patula tungkol sa buhay-buhay ng mga hari at prinsipe noong unang panahon koneksiyon – ugnayan, relasyon kopita – maliit na kopa korporasyon – asosasyon ng mga indibidwal na binuo sa pamamagitan ng mga batas, at may sariling identidad at pag-iral na hiwalay sa mga kasapi nito kubol – bahay-bahayang itinatayo kapag may pintakasi o kung may anumang pagdiriwang na idinaraos kura – tawag sa kura paroko kuro-kuro – pala-palagay, opinyon kusing – kalahating sentimo L laboratoryo – pook na pinagdarausan ng anumang eksperimento, karaniwan sa agham lana – wool; tela mula sa malambot, kulot, at malagong tubo ng balahibo sa mga hayop na tulad ng tupa at kambing M mabisa – epektibo; nakapagbibigay ng pagbabago maganit – matigas na makunat 282 magkamayaw – magulong ingay mainis – kalagayang hindi makahinga mapupungay – malamlam ang mga mata marangya – labis na kagaraan, magarbo maringal – marikit, maganda, maningning, marilag, magarbo, enggrande matatas – may kakayahang bumigkas at magpahayag nang tuwid at maayos sa mga salita medalya – lapad na piraso ng metal na napapalamutian, karaniwang ibinibigay bilang pag-alaala at parangal mestiso – lalaking anak ng mag-asawang magkaiba ng lahi mungkahi – akto o halimbawa ng pagbibigay ng panukala muralya – bakod na yari sa makakapal na bato at may taas na hindi karaniwan at maaaring gamiting kuta o tanggulan N nabansot – napigil ang paglaki o pagtaas nalugmok – nakaupo ng pahandusay o pasandal dahil sa lubos na panghihina o pagkawala ng malay namamarak – humpak ang pisngi nanunurot – nanduduro napipilan – hindi nakapagsalita niligis – dinurog P padrino – inaama; tao na tumutulong sa kapuwa o sa isang gawain palingos-lingos – madalas na paglingon sa kaliwa at kanan parol – ilawan; palamuting isinasabit kung panahon ng Pasko, karaniwang may ilaw at tila hugis tala ni David piskal – abogadong tagausig para sa panig ng estado piyesta – taunang pagdiriwang na karaniwang panrelihiyon, pag-alaala, o pagpupugay sa pangyayari, tao, at iba pa R rehas – barang kahoy o metal na nakatayo, karaniwang ginagamit bilang pansalalay, pangharang, bakod, pantukod; gril S salarin – kriminal sawimpalad – nabigo; masamang kapalaran sinusuhan – sinisindihan suplina – mahabang patpat na panturo sa pisara at nagagamit na pamalo T takapan – pagpapalitan ng masasamang salita tumatangis – pagpapahayag ng dalamhati o sakit sa pamamagitan ng matagal at malakas na iyak U umuukilkil – laging nasa isip umuusad – gumagapang; umiisod Sanggunian: • UP Diksiyunaryong Filipino © 2001 • Diksyunaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon