Linggo 1 – Gawain Blg. 1 Pangalan:__________________________________________Petsa:__________________ Baitang at Pangkat:__________________________________Guro:__________________ Pag-unawa sa Binasa: 1. Maglahad ng maiksing paliwanag sa mga konsepto ng pagsulat na nasa ibaba. a. Ayon kay Cecilia et al., (2009), may akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ang wika. (3 puntos) b. Ayon kay Edwin Mabilin et al., sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaring pagsulatan. (3 puntos) 2. Ano ang kahulugan ng pagsulat ayon kay Royo? (2 puntos) 3. Ano ang layunin ng pagsulat ayon kay Mabilin? (2 puntos) 4. Ilahad ang iba't ibang dahilan ng tao sa pagsulat. (2 puntos) 5. Ipaliwanag kung bakit ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat pagtuunan at higit na pag-aralan. (3 puntos) Mga sagot: 1. A. Ito ay nagpapahiwatig na ang pagsusulat ay isang mabisang paraan upang mahasa ang ating mga damdamin at kaisipan, at upang sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika ay mailahad natin ang ating mga saloobin at nais na sabihin. B. Ito ay nagpapaliwanag kung paanong sa pagsusulat ay nagkakaroon ng kaugnayan ang ating mga katawan at kaisipan. Sa pagsusulat ay naitatala natin sa mga libro o iba pang gamit pansulat ang mga ideya mula sa ating isip sa pamamagitan ng paglalapat ng mga angkop na titik, salita, pangungusap, at talata hanggang sa makabuo tayo ng isang akda. 2. Ayon kay Royo, sa pagsulat nahuhubog ang damdamin at kaisipan ng tao. Dahil dito ay higit niyang nakikila ang kaniyang sarili na nagiging daan upang matuklasan niya ang kanyang mga kalakasan at kahinaan, lawak ng kaisipan, mithiin at upang maunawaan ang kanyang mga agamagam at nararamdaman. 3. Ayon naman kay Mabilin, may dalawang layunin ang pagsusulat. Una ay ang personal o eskspresibo na nakasalalay sa sariling pananaw, karanasan, kaisipan o damdamin ng sumulat na maaaring magdulot sa bumabasa ng iba't ibang damdamin base sa layunin ng may akda o sumulat. Ang pangalawa ay panlipunan o sosyal na ang layunin ay makipag ugnayan sa ibang tao o sa lipunan. Ito rin ay tinatawag ng iba na transaksyunal. 4. Ang tao ay sumusulat upang maipabatid ng sumulat sa lipunan o sa ibang tao ang kaniyang paniniwala, damdamin at karanasan nang sa gayon ay kapulutan nila ito ng aral o inspirasyon. Kinakailangan din na mahikayat ng manunulat ang mga mambabasa na tanggapin ang kaniyang suhestiyon at magdulot ito ng pagbabago sa pananaw, damdamin at kaisipan ng taong nagbabasa. Ang iba naman ay sumusulat sapagkat nagsisilbi itong libangan at naghahatid ng kaligayahan kapag naibabahagi nila ang kanilang kaalaman. 5. Ang pagsusulat ay isang makrong kasanayan na dapat pag aralan sapagkat dito masusukat ang kahandaan at kagalingan sa iba't ibang disiplina, sapagkat kagaya ng pagsasalita dito ay naibabahagi ang kaisipan at kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng naisulat Linggo 1 – Gawain Blg. 2 Pangalan:__________________________________________Petsa:__________________ Baitang at Pangkat:__________________________________Guro:__________________ Paglalagom: Bumuo ng isang malikhaing graphic organizer na naglalahad ng mga kahalagahan o mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsulat. (Nilalaman-7pts.,Pagkamalikhain-3pts.) Mga Benepisyo na maaaring makuha sa pagsulat Mahikayat sa matalinong paggamit ng aklatan If ever hindi niyo po mabasa nakalagay sa graphic organizer, ito po ýong content niya sa ibaba. Paglalagom: Mga Benepisyo na maaaring makuha sa pagsulat: 1. Makapag-organisa ng kaisipan sa obhektibong pamamaraan 2. Magkaroon ng mapanuring pagbasa 3. Malinang ang pagsusuri sa mga datos 4. Mahikayat sa matalinong paggamit ng aklatan 5. Makapagdulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman tungo sa pag-ambag ng kaalaman sa lipunan 6. Mahubog ang pagpapahalaga sa pansariling gawa at akda 7. Malinang ang kakayahang magsaliksik mula sa iba't ibang batis ng kaalaman Linggo 1 – Gawain Blg. 3 Pangalan:__________________________________________Petsa:__________________ Baitang at Pangkat:__________________________________Guro:__________________ Pagbibigay-kahulugan sa Akademikong Pagsulat: Bumuo ng akrostik na na nagpapakahulugan sa akademikong pagsulat. Kahulugan -7pts Kalinawan -5pts Kaangkopan ng salita -5pts Pagkamalikhain -3pts. 20 puntos P-agsisiyasat ukol sa ideyang nais pangatwiranan A-bstrak, Sintesis/Buod, Panukalang Proyekto, Talumpati, Adyenda, Posisyong Papel, Replektibong Sanaysay, Pictorial-Essay, Lakbay-Sanaysay ang mga halimbawa nito. G-umagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa S-istematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan. U-maapaw sa tuntunin sa pagbuo ng sulatin L-ayuning magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. A-ng mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. T-unay na lilinang sa kasanayang pagsulat.