Uploaded by ejameuel

Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan

advertisement
Bilang Pagtupad sa
Pangangailangan ng Asignaturang
GEE 2 – Panitikang Pilipino
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan
Talaan ng Nilalaman
Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan
1
Iba’t-ibang mga akda
2
Talaan ng mga nagwaging Gantimpalang Palanca sa Tula
3
Mga kilalang manunulat sa Larangan ng Panulaan
4
Mga Duguang Plakard ni Rogelio G. Mangahas
8
Alamat Ng Pasig ni Fernando Monleon
16
Walong Taong Gulang ni Genoveva Matute
18
Bakya ni Hernando R. Ocampo
25
Aloha Ni Deogracias A. Rosario
31
1
Ang Panitikan sa Panahon ng Bagong Kalayaan (simula 1946)
Sulyap sa nakaraan
Nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos
ang digmaan noong 1945. Ang matagal na inaasam na
pagkahango sa kalupitan ng mga hapones ay natupad na rin.
Ang iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad ng mga
nawasak na gusali, mga paaralan, tulay, at lansangang-bayan
ay nangangailangan ng pagsasaayos.
Ang Pilipinas naman ay natulungan sa panahong ito ng
Estados Unidos, sa pamamagitan ng mga pagkain, mga
pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar upang
makabangon kahit paano sa bumagsak na kabuhayan. May mga
nagsagawa ng kahilingan na pasukan ng pagbabago ang
Saligang-Batas ang Pilipinas na binibigyang-karapatan ang
mga mamamayang Amerikano sa ating mga likas na
kayamanan(Parity Rights). Walang magawa ang mahigpit na
pagtutol nina Claro M. Recto at Jose P. Laurel, sapagkat
ang mamamayan ay sumang-ayon na rin dahilan sa mahigpit na
pangangailangan ng naghihirap na bansa.
Ang kalayaan ng Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng
Batas Tydings-McDuffe noong Hunyo 4, 1946, ngunit
nasasabong walang ganap na kalayaan dahil sa kahirapan ng
bayan, at kakulangan ng wastong pagpaplano para sa
pagpapanibagong tatag na bansa.
PANITIKAN
Sa pangunguna ng Estados Unidos sa mga kaunlarang
pambansa, ay nanguna rin ang kanilang wika na itinuturing
nang wikang pandaigdig. Nagkaroon ng wikang opisyalTagalog, Ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo ang
republika noong taong 1946.
Noong Liberasyon (1945) hanggang sa pagsapit ng 1950,
nawala’t lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng
Sinagtala, Malaya, at Kayumanggi., sa ilalim ng
pamamatnugot nina Clodualdo del Mundo, Teodoro Agoncillo,
at Alejandro Abadilla. Ang Ang Maikling Kwentong Tagalog
1886-1948(1949) na pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo.
2
Mga akdang Pampaaralan
o Diwang Kayumanggi ni Juan C. Laya
o Diwang Ginto ni Brigido Batungbakal
Mga akda mula sa katipunan ng mga akda ni Alejandro G.
Abadilla
o Silakbo (1946) ni Marcial I. Aguila
o Siya sa ibabaw ng Daigdig ni Brigido C.
Batungbakal
o Maganda ang Ninang ko at Sining Ding ng Buhay ni
Liwayway Arceo
o Nuoling ang Isang Munting Halaman ni Pedro S.
Dandan
o Kalansay ni Genoveva Edroza
Mula sa katipunan na Ang Maikling Kwentong Tagalog 18861948 ni Teodoro Agoncillo (1949)
o
o
o
o
o
Noche Buena ni Genoveva Edroza Matute
Ako’y Mayroong Isang Ibon ni Deogracias Rosario
Walong Taong Gulang ni Genoveva Edroza
Bakya ni Hernando R. Ocampo
Pusa sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo
Sa larangan ng maikling kathang Tagalog na pinangungunahan
nina Abadilla, F.B Sebastian at A. D.G Mariano (1954)
gayundin ang mga sumusunod:
o
o
o
o
o
Aloha ni Deogracias A. Rosario
Kasalan sa Nayon ni Eluterio P. Fojas
Bunga ng Kasalanan ni Cirio H. Panganiban
Ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
Ang Langit ni Ka Martin ni Macario G. Pineda
Masasabing si Genoveva D. Edroza (1952) ang nagbigay ng
pasimula sa ibang kamanunulat sa pagbuo ng aklat na
katatagpuan ng mga piling sariling akda. Ang ilan sa mga
kwento nito ay mga sumusunod:
o Sariwa pa Ang Alaala
o Walong Taong Gulang
o At Lumaki Si Ben
Kinilalang mahalagang kontribusyon sa panitikang Pilipino
ang mga makatang tulad ng sumusunod: Julian Cruz Balmaceda,
Iñigo Ed Regalado,Fernando B. Monleon, Amado V. Hernandez,
Aniceto F. Silvestre, Gonzalo Flores, Ruben Vega, Jose
3
Domingo Karasig, , Manuel Prinsipe Bautista at Corazon
Arceo.
Talaan ng mga nagwaging Gantimpalang Palanca sa Tula
Nagsimula ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature noong 1950. Si Tan Guin Lay o Carlos Palanca Sr.
ang ama ng Gawad Palanca.
1963-1964
1. Alamat ng Pasig- Fernando Monleon
2. Ito ang Aking Panahon- Bienvenido A. Ramos
3. Halimuyak 101- Vedasto G. Suarez
!964-1965
1. Sa Pagkaparool- Ruben Vega
2. Mga Sugat ng Siglo- Teo S. Baylen
1965-1966
1. Ebolusyon- C.C. Marquez, Jr.
2. Logos- Vict. V. Dela Cruz
3. Tinig Mula sa Kung Saan- Rogelio G. Mangahas
1966-1967
1. Toreng Bato- Kastilyong Pawid at Bagwis ng GuniguniFederico Licsi Espino, Jr.
2. Mga Paa. . . Mga Kamay- Bienvenido A. Ramos
3. O Sanggol na Hari- Ruben Vega
1967-1968
1. Mga Ibon at Iba Pang Mga Tula- Bienvenido A. Ramos
2. Ito ang Kabihasnan at Ilang Tula- Victor S.
Fernandez
3. Kaktus ng Bungo- Martin D. Pantaleon
1968-1969
1. May Luha ang Tula at Iba Pa- Anecito F. Silvestre
2. Paraanin Ako- Jose M. Buhain
3. Walong Tukod-Langit- C.M. Vega
1969-1970
1. Peregrinasyon at Iba Pang Tula- Virgilio S. Almario
2. Alay ng Lahi- Ruben Vega
3. Maliwalu- Epifanio S. San Juan, Jr.
4
1970-1971
1. Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula- Rogelio
Mangahas
2. Tatlong Awit ng Pagpuksa- Lamberto E. Antonio
3. Dalawang Tula- Cirilio F. Bautista
Mga kilala at Natanyag sa Larangan ng Panulaan
VALERIANO HERNANDEZ PEŇA
Si Valeriano H. Peña ay isinilang
noong Disyembre 12, 1858 sa San Jose,
Bulacan, Bulacan. Siya ang bunso ng
isang maralitang Platero. Tinuruang
siya ng kartilya ng isang matandang
kapitbahay, at natutong bumasa at
sumulat ng Tagalog sa gulang na
sampung taon. Ipigpatuloy niya ang
kanyang pag- aaral sa paaralang bayan.
Gumamit siya ng sagisag na “Kintin
Kulirat” sa kanyang pitak na “Buhay
Maynila” sa pahayagang Muling
Pagsilang sa naturang pahayagan. Ang muling Muling
Pagsilang ay nahalinhinan ng Taliba, at nagpatuloy sa
pagsulat dito si Manong Anong. Ang Buhay Maynila ay
napasalin kay Jose C. de Jesus na gumamit ng sagisag
na “Huseng Batute” nang mamatay si Peña. Obra Maestra
niya ang Nena at Neneng.
AMADO V. HERNANDEZ
Si Amado V. Hernandez,
tinaguriang “Makata ng
Manggagawa”, ay isinilang sa
Tondo, Maynila noong Setyembre13,
1903. Ang kanyang mga tula ay
nagtataglay ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa mga maliliit at
dukhang manggagawa. Siya ay isang
batikang makata at kilala rin
bilang kuwentista, mamahayag,
nobelista, lider ng mga
manggagawa, at pulitiko.
Ang aklat na Pilipinas na
niyang tula ay pinagkalooban
nang pasinayaan ng Komonwelt
patimpalak noong 1939 at1940
naglalaman ng mga isinulat
ng gantimpalang pampanitikan
noong 1935. Sa pambansang
ay nanalo siya sa larangan
5
nang tula,at dalawampu’t limang ulit siyang nagwagi sa
pagkamakatang laureodo sa iba’t ibang timpalak
pampanitikan.Kinilala rin siyang mambabalagtas at
mambibigkas. Ang tulang nagbigay sa kanya ng pangalan ay
Bonifacio at Guro ng Lahi.
Bilang mamamahayag ay naging patnugot siya ng
babasahing Sampagita, at ng pang- araw- araw na
pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Naging kolumnista rin
siya ng pahayagang Taliba, at ang pitak niya ay may
pamagat na Sari Sari.
Bilang pulitiko ay nahalal siyang konsehal sa Unang
Purok ng Maynila(Tono).
Dahil sa pagkahilig niya sa pagbabasa ng mga
artikulong ukol sa sosyalismo at komunismo ay
naparatangan siya ng kasalangang sedisyon. Nabilanggo
siya ng anim na taon habang hinihintay ang pangwakas na
hatol ng Korte Suprema sa paghahabol sa iginawad sa
kanyang parusang pagkabilanggo habambuhay.
ALEJANDRO ABADILLA
Ang makata ng bagong panahon na
nakapagbago sa tulang Tagalog nang higit
kanino man ay si Alejandro Abadilla.
Isinilang siya sa Cavite ngunit sa Maynila
higit na nakilala dahil sa mapanghimagsik
na impluwensya niya sa anyo at nilalaman ng
tulang Tagalog. Ipinagpasikat ni Abadilla
ang kaunlaran at kaginhawaan ng pamilya
dahil sa matinding paninindigan niya sa may
uring panitikan. Sa panulaan ay ipinakilala niya ang
malayang taludturan at ang mapanghimagsik na diwa ng
impresyonismo.
TEO S. BAYLEN
Maraming karangalang natamo ang makatang si Teo S.
Baylen, kasama na rito ang pagiging makata ng taong 1964,
ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay ng Surian ng Wikang
Pambansa; nagtamo ng Gantimpalang Pangkalinangan sa
Panitikan noong 1963 (Republic Cultural Heritage Award)
dahil sa aklat-katipunan ng kanyang mga tula, ang Tinig
ng Darating; Palanca Memorial Awardee (1965). Kabilang sa
6
kanyang aklat-katipunan ng mga tula ang Pinsel at
Pamansing at Kalabaw at Buffalo.
VIRGILIO S. ALMARIO (Rio Alma)
Si Virgilio S. Almario ay isa sa
pinakamahusay na makata ng bagong
panahon. Gumamit siya ng mga tauhan sa
mga katutubong epikong Pilipino, sa mga
kuwentong bayan, kurido, at kasaysayan
nang pasagisag upang maplutang ang
kaniyang nais na tuglisain.
ILDEFONSO SANTOS
Si Ildefonso Santos ay tubong
Malabon, Rizal, at isinilang noong
Enero 23, 1897. Nagtapos siya ng
pag-aaral sa Philippine Normal
School, at nagturo sa Paaralang
Bayan ng Malabon. Sa National
Teachers College niya tinapos ang
Batsilyer sa Edukasyon. Naging
Superbisor din siya ng Wikang
Pambansa sa Kawanihan ng
Pagtuturo, kilala sa tawag na
DepEd ngayon.
Bilang Makata, nagtago siya sa sagisag-panulat na
”Dimas-Ilaw” at “Dimas-Silangan”. Hinangaan ng marami ang
mga tula niyang Ang Ulap, Panghulo, Ang Mangingisda,
Gabi, at iba pa.
ANICETO F. SILVESTRE
Ayon kay Rufino Alejandro, ang tgradisyon at
modernismo ay napagsalikop sa panulaan ni Anecito F.
Silvestre. Ito ay hindi lamang sa anyo at pamamaraan,
kung hindi sa paksa at damdamin rin. Nagtamo siya ng
maraming karangalan sa panulaan, kabilang na rito ang
apat na unang gantimpala bago nagkaroon ng digmaan,
ikatlong gantimpala sa panahon ng Malasariling
Pamahalaan, unang gantimpala noong ika-10 taon ng
republika, at unang gantimpala sa Palanca noong 1969.
7
IÑIGO ED. REGALADO
Si Iñigo Ed. Regalado ay kilalang
mamamahayag, patnugot, kuwentista,
nobelista, at makata. Siya ay may aklatkatipunan ng mga tula na kung tawagi’y
Damdamin. Ito ay nahati sa limang uri:
Sa Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa
Talambuhay, Sa Bayan, at Sa Buhay.
TEODORO A. AGONCILLO
Si Teodoro A. Agoncillo ay kilalang
manunulat ng kasaysayan. Tinawag
siyang “Madamdaming Mananaysay” ni
Carmen Guerrero Nakpil, isang kilalang
manunulat sa Ingles. Marami siyang
nasulat na mga salaysay sa
pangkasaysayan sa iba’t-ibang magasin
gaya ng Panitikan, Diwang Pilipino, at
iba pa. Bukod sa mga tula, si
Agoncillo ay nagsulat din ng mga
maikling katha at sanaysay. Siya rin
ay iginagalang na patnugot ng mayuring magasing Malaya na nanuklas ng mga bagong
manunulat na sa kasalukuyan ay may sarili nang
pangalan sa ating panitikan.
8
MGA DUGUANG PLAKARD
ni Rogelio G. Mangahas
(Para sa mga rebolusyonaryong demonstrador
na nabuwal sa karimlan ng Enero 30, 1970,
sa Tulay ng Mendiola)
I
Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.
Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.
Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
ang ating mga palad, wari’y mga
munting bungong may kutsilyong nakatarak.
Sa look ng kurdon,
tayo’y tila mga tupang halos katnig-katnig,
magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.
Bawat ngiti’s duguang balahibo
ng isang martines na walang mahapunan.
May dilang namimigat sa pangil ng tigre,
may dilang kumikisig sa abo ng dahon,
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,
ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan
ng isang lalaking sumusuntok sa ulap
sa tanghaway ng unat na bato!
II
Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,
mata sa mata,
ano’t tila kumikisay ang mga bituing
nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti’y
nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.
Kaytikas ng ating mga pastol.
Namimigat ang berdeng mga ulo,
ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.
Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,
kalasag, holster. Bakit mangangambang
maluray ng hangin? Mga leong
walang buntot naman ang ating mga pastol.
III
Hagupit ng hangin sa sanga,
hagupit ng sanga sa hangin!
Kumakalapak sa mga duguang plakard,
bumabarimbaw sa mga ulo natin.
Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng
9
mga ulo—O, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,
ng pagsumpa, habang yaong mga daho’y
sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.
Ang hangi’y tumitiling papalayo,
Ang sangang nalagasa’y waring di na nakayuko.
IV
Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat,
ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob.
Hayaan na munang humingalay ang DayamingBayani sa ilalim ng baog na puno.
Hintayin na munang matigib ng dighay
ang tiyan ng Kuweba. Hindi magtatagal,
sa paglabas ng Buwayang Maharlika
kasunod ang mga klerigong bangaw,
mga banal na uwak at buwitre: gisingin
ang Dayaming-Bayani, gisingin
at hayaang sabihing “Amigo
no lo comas todo, dejame algo.”
At siya, sa gayon, ay ating
paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan!
Mga kababayan,
kung pagtitig sa atin ng Buwayang Maharlika
ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang
mga mata, habang nakanganga,
sinuman sa ati’y malayang mangarap,
mangarap ng muling paghimlay
sa sinapupunan ng ating ina;
sinuman sa ati’y malayang mag-alay,
mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;
o magnasang makakita ng bungangang
walang dila, walang tonsil, walang pangil.
Kusutin ang diwa, mga kababayan,
kusutin, kusutin.
V
Naranasan ko nang maghingalo
sa paningin ng mga babae,
malungkot sa harap ng mga kagandahan,
magpaa sa abril ng mga tumana,
humanga sa mukha ng mga kamatayan.
Ngayong nakaurong ang mga anino,
at waring dinudurog namin ang sariling
mga ulo: unti-unti, ang araw sa hangin
ay tila nagtutubig sa aking paligid;
unti-unti, ako’y lumulubog,
nag-iisang lumulubog sa malalim,
10
0
madilim na sulok ng tila swimingpul.
Nakatayong nakatungo, nakatungo.
Sa itaas, sa paligid,
habang yaong mga tunog, tagtag, tinig
ay mga aninong walang anyo lamang—
mula sa aking katawan, ilong, bibig,
ang mga gunita’y kasama ng mga bulang
bumubulubok sa ibabaw.
VI
Pinapapak ko
isang gabi ang pakwang-hapon
sa langit.
Di ko maubos-ubos.
Habang ako’y nabubusog, ako’y tila
isang batang nangangarap ng duyan,
ng kandungan, ng kumot. Bigla ako’y
napaigtad sa bingit ng kamalayan.
Mula sa munting bintanang tinakasan
ng ligaw na alitaptap, ang buwan
ay isang duguang espading na nakatarak
sa tiyan ng isang nakadipa,
nakalutang na halimaw.
Hindi ako makatulog…
Sa naroong kalapitan at naritong kalayuan
niyong mga nayon, bundok, gubat, parang,
lungsod, ay nadarama ko ang mga
mahiwagang kulusan.
Hindi ako makatulog.
May espading na tila ba sa bungo ko nakatusok.
VII
Kinabukasan ng kinabukasan sa kinabukasan,
ay, ano’t dadalitin ang lamparang durog
sa gitna ng katanghalian?
Sa ating pagdaraan, paghahanap,
may pustisong mga ngiping kikislap sa bahay.
may mga paninging mamamaybay sa lumot ng pader,
may mga paang mag-uurong-sulong
sa harap ng itim na pusa sa may punong hagdan.
VIII
Kumakanta’ng metro.
Iwanang nakaturok ang herenggilya
sa kanyang sintido, wala pang sampagitang
luray-luray, nagdurugo sa harapan ng kumbento.
Kumakanta’ng metro.
May ngiting katulad ng bungo,
11
magpaparangalan ng kanyang bunsong mga luslos:
adilus patira adorada, region del tor querida!
Kumakanta’ng metro.
Huwag nang ligaligin ang ubanin sa bupete:
Di pa lahat ay may ulong may sipol ng bapor,
may usok ng tsimni’t may riles ng tren.
Kumakanta’ng metro, kumakanta.
O lamparang may upod na mitsa.
IX
Tara, kung gayon.
Magdala ng mga plakard na may dugong-liryo.
Itayo sa kanto. Hintaying dumating
ang mga alitangya, tipaklong , atitap.
“Kaibigan, ano’ng ating isusulat?”
“Kabayan, ang palad na ito’y pinanday
sa hirap, magkano isang oras?”
“Posporo, kasama, posporo.
Masigan na itong mga notbuk, mga libro;
masigan na! Sa’n, sa’n ang pista
ng mga plakard?”
Sa ganyan ay darating o daraan,
lalapit ang isang matandang lalaking
may isang tungkod na mata,
naghahanap ng sariling bakuran, ng sariling
palayan, ng sariling kagubatan, ng sariling
libingan.
Sa simula ng paglapit,
sa simula ng paglayo,
sa pagitan ng paglayo at paglapit—
Kaibigan, Kaibigan!
walang araw na ikaw, walang araw
na ikaw at ako’y di nasusugatan.
X
Taboy ng kaluskos sa isipan,
kata’y sumalawak ng mga kulusang mahiwaga.
Makalaglag-balahibo ang kung anong karkar,
ng kung anong kirkir, kugkog,
ang kung anong tsir-tsir, harhar,
ng kung ano-ano’t ng kung saan-saan.
Kumukumpas ang mga talahib at kugon
sa mga pilapil, tarundon.
Mga batubato’y kumukurukutok sa kulumpon
ng kawayan. Mga maya’y dumadalit ng kung ano
sa damuhan. Naglalatang ang ulilang kantarilya.
Mula rito’y tanaw ang ilang huberong bubungan.
12
—Hayun ang hukot na matanda,
sa may ugit ng lumang ararong nakahapay,
mabagal na nagpapaypay ng gatong balanggot,
kata’y tila sinisino’t hinihintay.
Anak sa talinduwa, anak sa takipan.
Anak sa dayami, sa bagaso, salay-maya.
Aling uha ang hindi na kapatid
ng unga, ng sungay?
Sa ating paglapit, dumaragsang palapit
ang mga kulusang tila may kalansing
ng mga kadenang nilalagot
ng ngipin, ng bisig, ng paa, ng karit.
Umaapaw ang ilog. Umaapaw ang isip.
Sumasapaw ang kirot ng siglong panaginip.
“Baliin ang tungkod sa panga ni Kabesang Tano!”
“Durugin ang tabako sa nguso ni Don Ramon!”
“Ay kalaghara sa manggas ni Julita!”
“Manenok sa ulo ni Don Filemon!”
Isang angkang plakard, o kartelong mahahaba
ang kanilang kasaysayan. Bawat plakard
ay singgaan ng pusong tulyapis;
sa kamay na hahawak, sali-salisi, pasa-pasa,
o bigat ng mga dantaon, ng daigdig!
Sa katanghalian,
ang buwa’y kahahasang lingkaw
sa ating ulunan.
“Aanhin mo ang sundang?”
“Pamumutol ng uway.”
“Aanhin mo ang uway?”
“Pambigti ng kapitan.”
Binting mahahalas. Mga bisig na mahalas.
Tara, dalhin tang nakangiti ang halas
sa isip, ang halas sa mata, ang halas
sa dibdib. O ang barit at gilik ng mga
pinitak, tarundon, pilapil. O kalansing
ng mga tanikala ng mga panahon
sa mga panaginip!
XI
Itaas ang bandilang pula.
Iwagayway ang kartelon, mga plakard.
Marami pang susuntok sa ulap
buhat sa tangway ng unat na bato,
sa buko ng halang na tuod,
sa buto ng hiram na mga balikat,
o sa talim ng espading ng isang sakada,
sa palakol o lagari ng isang lenyador,
13
sa lingkaw ng isang magsasaka.
Darating, lalapit ang mga kulusan
magbuhat sa dilim ng apat na sulok.
“Hitler ng bigote!
Sindihan, sindihan ang Bayaning-Dayami!”
Nagmumurang dumarating. Kumakasag.
Sabay-sabay. Sunod-sunod. Pangkat-pangkat.
Naglalampong. Nagmumura. Sumusuntok.
Sumisipol. Dumadalit ng mga parodiya,
magbuhat sa dilim ng apat na sulok.
“Tindig, Matanglawin! Tindig, O Magdiwang!
Ang lupa at kural ng baboy sa parang,
Bukid at batisang kalawak-lawakan,
Sa puting montero ay binubuwisan…”
XII
Nagbuhat sa dilim ng apat na sulok.
Bisig sa bisig. Dibdib sa likod.
Mata sa taynga. Ilong sa batok.
“Mane Thecel Phares.
Itaas ang mitsa ng bagong lampara.
Ilayo sa bahay ang makatang may riles sa isip!”
Ngipin sa balikat. Tagiliran sa tuhod.
Pisngi sa manggas. Sapatos sa kuyukot.
“Kaibigan, bukas ng umaga, pagkagising,
may mga inang ngingisi, nganganga sa salamin.
Bukas ng umaga, may mga bukot
na ligalig sa paghanap
ng mga herenggilyang sa ulo nakaturok.
Bukas ng umaga, maraming maghahanap
sa bubog at basyo sa mga karsada; sa gulong,
sa tagdan, at sa posteng umuusok-usok;
sa bunton ng mga basurang nilalangaw;
sa luray o putol na patpat o kahoy;
sa rehas na binayo, binali, binaluktot.
May mga mahaharap sa sariling budhing
tila isang kasang sa gabi’y pinilit mapasok,
pinilit masunog.”
O sino’ng sasagot/dadakot sa banal na lura
ng manang na patungo sa simbahan: “Sino kaya
ang mga ereheng gustong magkaingin
sa gitna ng lansangan?”
Itaas ang kartelon, mga plakard;
Iwagayway ang pulang bandila!
Lintik, nasan ang kurdon, ang kurdon?
“Kasama, saan kaya nagpipiket ang aking
kabyak na sapatos?”
14
“Kasama siguro ng aking kabyak
na sandalyas.”
“Tsoy, bawal daw ngumiti pag mahal
ang bigas.”
“Wala bang bibili ng mais sa Divisoria?
Sarap sanang magpugera.”
“Kabayan, nawawala si Ditse, nawawala.”
“Sumainyo ang aking mga kambal, sumainyo!”
XIII
Oras ng mga gamugamo, alitaptap.
Oras ng tiyan at kubyertos sa daan.
Kaylakas ng hagupit ng hangin sa sanga,
ng hagupit ng sanga sa hangin.
Kasagan. Habulan. Kaskasan. Hiyawan.
Nagkakalapakan ang mga duguang plakard.
Nagbabarimbawan, naghahagingan
ang mga basyong bote, bato, kalapatsa
at kung-anong-tupa! sa mga ulunan.
Lagatok, pagapak, lagabog, halihaw.
Sa noo, sa mukha, sa dibdib, sa karimlan.
Aha, kaygiting ng mga alipuris ng Buwaya!
Binabaril nila… huwag kumaripas:
Binabaril lamang nila ang kuwago sa ulap!
Dinidilig nila… huwag kumarimot:
Dinidilig lamang nila ang bermuda sa batok!
Usok sa mata, sa ilong, sa bulsa, sa tiyan.
Singhot. Singa. Ubo. Lura. Mura.
Putukan. Hiyawan. Kasagan. Pukpukan.
XIV
Kurdunin ang tulay, sa dilim, ng Mendiola!
Ay, kumpas ng pagtutol, ng pagsumpa,
ng hinaing, mga kumpas ng mga aninong
nabubuwal sa dilim, sa Tulay ng Mendioa!
Isang bagsak at pagdaing: (O kapatid
na panganay, ano’t nagulantang sa pagtulog?
Sa labas ng bintana’y humahalinghing
ang hangin;
ano’t nalalanta ang berdeng halamang
kadidilig lamang kanginang takipsilim?)
Isang bagsak at pag-ugol: (O diwatang
bagong kasal, ano’ng nakikita sa harap
ng hagdang sumasayaw? Bakit natutulig
sa kung anong nahuhulog, nababasag
sa may banggerahan?)
Isang bagsak at pagsigaw, O inang
15
nag-iisa sa tahanan, ano’t pinukol mo
ang itim na aso? Anong panglaw ng alulong
sa karimlan?)
Mga bagsak at pagdaing, pag-ungol, pagsigaw.
Kasagan. Kulusan. Kaskasan. Kuwanan.
XV
Sa kung saang santuwaryo,
di ta na magunita, mata sa mata:
ang dugo sa plakard ay sa noo at sa dibdib
kaylamlam, kaylamlam na namumukadkad.
Mahaba ang gabi sa bawat tanghali.
Mahaba ang gabi sa bawat tanghali.
O tarang magpugay sa Buwayang Maharlika
at kanyang mga alipuris, at hilingang
Danzar sobre un volcan.
Danzar sobre un vulcan.
O isigaw ang pula ng isang pergamino:
Mane Thecel Phares
Mane Thecel Phares
Sapagkat, sapagkat may buwang sasaklob
sa mga duguang plakard, sugatang alaala,
may buwan pang magsusuklob ng bungo
sa Tulay ng Mendiola!
may buwan pang magsusuklob ng bungo
sa Tulay ng Mendiola!
1970
Mula sa librong Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula ni
Rogelio G. Mangahas (Manlapaz Publishing Company, 1971)
16
Alamat Ng Pasig
Sa Taal nakamalas ng unang liwanag ang magkaibigang Lakan
Tindalo at Magat Mandapat. Ang una ay mariwasa samantalang
ang huli ay isang dukhang magsasaka.
Si Mandapat ay lumaki sa kalinga ni Datu Balkote na nagaruga sa kanya nang siya’y maulila.
Laging magkasamang parang kambal ang magkaibigan lalo kung
nagbubungkal ng lupa at nangangaso ng usa at baboy-ramo sa
kagubatan.
Napabalita sa kanilang balangay ang tungkol sa nawawalang
kaharian. Ang magkaibiga’y nagkaisang hanapin ito. Kanilang
ginalugad ang kalawakan ng dagat. Sila’y napadpad sa isang
pulo nang abutan ng malakas na bagyo.
Sila’y inusig ng maykapangyarihan sa pulo. Nagmatuwid sila
na sila’y mangingisdang itinaboy roon ng masamang panahon.
Lingid sa kanilang kaalaman ang pulo palang iyong kanilang
kinapadparan ay ang hinahanap nilang nawawalang kaharian.
Ang puno ng pulo ay haring malupit kaya masasabing ang pook
na iyo’y bayang walang Diyos.
Ang magkaibiga’y idinulog kay Datu Pasig bilang mga bihag.
“Inyong Kamahalan, narito po ang aking natuptop na mga
espiyang nagmamanman sa ating tanggulan nang malaman ang
ating lihim. Sa gayo’y madali nilang malulusob ang ating
kaharian bilang mga kaaway.”
Iniutos ng hari sa berdugo, “Dalhin sa bartolina at
parusahan. Hampasin ng latigo nang makasanlibong ulit!”
Narinig ni Dayang Sumilang ang utos ng ama. Siya’y
nagsalita, “Maawa ka po sa kanila! Wala silang kasalanan.
Kung sila’y parurusahan, sakaling ang ating mga kampon ay
maglakbay sa kanilang kaharian, ganyan din ang gagawin sa
ating mga kabig!”
“Mahusay ang iyong pangangatwiran, Anak. Babaguhin ko ang
aking utos. Sila’y akin palalayain. Ituturingko silang
panauhin natin.”
Gayon na lamang ang pasasalamat ng dalawang magkaibigan. Si
Magat Mandapat ay naging tagahanga ng prinsesa mula noon.
17
Pagkalipas ng mga araw nabatid ng magkaibigan ang mga
kalupitan at kabuktutang nagaganap sa kaharian. Ibang-iba
ang lakdaw ng buhay na kanilang namasdan sa Pasig. Dito’y
walang kalayaan, di tulad sa Taal na kanilang sinilangan at
pinagmulan.
Kaawa-awa ang mga magsasaka. Sila’y patay-gutom at hindi
makatikim ng sapit sa kanilang pinagpaguran. Sinisikil ng
Datu ang karapatan ng mga mamamayan. Ang mayayaman ay
siyang nagtatamasa ng kasaganaang hindi nila pinagpawisan
at ang mga dukha ay sakmal ng gutom at pagsasalat. Ang
hindi sumusunod sa utos ng hari ay ipinalalamon sa apoy.
Ipinagtapat ni Magat Mandapat kay Dayang Sumilang ang mga
kaapihan ng mga magbubukid at ang panggigipit sa kanila ng
mga nagmamay-ari ng lupa. Sinabi ni Magat sa Prinsesa,
“Dito’y ang taong masipag ang siyang pulubi! Ang sakim at
sukaban ang pinagpapala sa kabila ng kanilang katamaran!”
Sumagot ang Prinsesa, “Ano ang aking gagawin? Kung ako’y
tututol kay Ama, baka ako parusahan. Siya’y hindi
makatwiran.’ Nangako na lamang ang Prinsesa na pag-aaralan
niya ang lunas na dapat ipagkaloob sa mga magsasaka. “Untiunti kong aamukin si Ama nang magkaroon ng pagbabago!”
Nagsupling sa puso ni Magat Mandapat ang pagmamahal sa
Prinsesa. Kung minsan pati ang katotong si Tindalo ay
pinagseselosan niya kung makitang kaniig ang kanyang
minamahal.
Minsa’y nabanggit ni Mandapat sa Prinsesa na ang bayan ay
tutubusin niya at ito’y gagawing isang paraisong tulad ng
Taal. “Ang bayang ito ay aking ililigtas sa kaalipinan,”
ang huling pangungusap.
Nagkaroon ng kasunduan na pinasimunuan nina Magat at
Tindalo subalit may bahagi ng kahariang tumutol. Ang hindi
sumang-ayon ay naghimagsik. Nilusob nila ang kaharian at
nagkaroon ng madugong labanan.
Sina Mandapat at Tindalo ay nagapi. Si Tindalo ay itinapon
sa dagat. Si Magat ay susunugin sana subalit mahiwang
nailigtas ng Prinsesa.
Dahil sa kalupitan ng hari, siya’y pinarusahan ng Diyos.
Nagkaroon ng malaking baha at ang buong kaharian ay
18
nagunaw. Ang hari’y nalunod sa taas ng tubig. May isang
mahiwagang vinta na sumagip kina Magat at Dayang Sumilang.
Matapos ang baha, mabilis na nagbalik sa Pasig ang pagunlad nito sa ilalim ng pangungulo ni Magat. Siya ang
naging puno ng Pasig pagkat nakataling-puso niya si
Sumilang.
Mula noon umiral sa kaharian ang pagkakapatiran ng puhunan
at paggawa. Naisakatuparan nang buong sigla ang Katarungang
Pangmadla.
Lumigaya ang mga mamamayan. Sina Mandapat at Sumilang ay
iginalang ng mga mamamayan at sila’y nabuhay nang matiwasay
at maligaya nang mahabang panahon.
“WALONG TAONG GULANG” NI GENOVEVA MATUTE (ISANG REBYU)
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Sino ba naman
ang hindi nakakaalam sa mga katagang ito. Paulit ulit
ba namang banggitin sa mga talumpati ng presidente,
senador at iba pang opisyal sa gobyerno, paulit ulit
na isinusulat sa mga sanaysay at paulit ulit na status
sa facebook at twitter ng mga kabataan kung feel
nilang ipost.#KabataanPagasaNgBayan. At isa na nga ako
sa paulit ulit na gumagamit ng katagang ito. Aminin…
nagamit mo na rin to hindi ba? o napost mo na sa
facebook mo?
Mula pa sa panahon ni Jose Rizal hanggang kasalukuyan
ay buhay na bahay parin ang katagang ito. Buhay nga
ba? O nababanggit lang kahit hindi naman talaga
nabibigyang pansin.
Paano ba naging pag-asa ng bayan ang mga kabataan?
Noong una ko nga itong narinig, nasa elementary pa
ako, nasabi ko na lang sa aking sarili, “Wow! Ang
heavygat pala ng responsibilidad ko. Imagine? Ako ay
pag-asa ng bayan’’ At ikaw, bilang isa sa mga
kabataan, pag-asa ka rin ng bayan. Pag-asa ng bayan
dahil ang mga kabataan ang susunod na magiging opisyal
ng gobyerno at susunod na mga manggagawa ng bansa.,Sa
madaling salita, darating ang araw, kabataan ngayong
kasalukuyan ang mamumuno, magpapagalaw at magpapaunlad
sa bayan. Sabi nga ni Big Brother “pagdating ng
19
takdang panahon”. Baka ako o ikaw ang maging
presidente ng Pilipinas, maging doktor o kaya naman ay
maging guro.
Nasaan na nga ba ang mga kabataang sinasabing pag-asa
ng bayan? Si Leoncio ba? Nasaan na ang pinagmamalaki
nilang edukasyon ang sagot sa kahirapan? Nasa paaralan
ba? Ano ang ginagawa ng pamahalaan? Ito ang ilan sa
mga natanong ko lalo na nang matapos kong basahin ang
kwentong “Walong Taong Gulang” ni Genoveva Matute.
“ang init!”
“Ang sikip naman”
“Ang baho!”
Ito ang mga madalas marinig sa loob ng isang masikip
na silid aralan. Sa halip na 40 estudyante lamang sa
isang silid ay nagiging 60 pataas pa. Ang
pangdalawahang mga silya ay nagiging pangtatluhan.
Ang amoy ng iyong katabi ay nagiging amoy mo na rin.
Kulang na nga lang ay magkapalitpalit kayo ng mukha.
“ang bagal mo naman”
“teka! Huwag mo muna ilipat!”
Yan naman ang maririnig sa tuwing kailangan gumamit ng
libro ngunit may isang libro lamang para sa inyong
tatlong magkakadikit.
Paano ko nalaman? Dahil galing din ako sa isang
pampublikong paaralan.
Sa ganitong eksena sa paaralan, kaya mo bang makapagaral nang mabuti? Makakapakinig ka pa kaya ng maayos
sa iyong titser? May sapat na kaalaman ka pa kayang
matutunan?
Edukasyon ang sagot sa kahirapan.
Kahirapan ay hadlang sa edukasyon.
Dalawang magkaibang pangungusap ngunit iisa ang
pinapatungkuan at iyon ay ang kinabukasan ng ating
bayan. Gaya ng katagang “kabataan ang pag-asa ng
bayan” , alam na alam na rin natin at lagi na ring
nababanggit ang kasabihang “edukasyon ang sagot sa
kahirapan”. Isipin kung lahat ng kabataan ay
nakapagtapos ng pag-aaral at may trabaho, sabi nga sa
kanta ng Sineskwela “kinabukasan ng ating bayan,
siguradong makakamtan”. Ngunit hindi lahat ng tao ay
20
bida sa isang mala-teleseryeng buhay, telesrye kung
saan kahit gaano kahirap ang buhay, giginhawa at
sasaya parin pagdating sa wakas. Bakit? Dahil hindi
naman lahat ay nakakapag-aral. Hindi lahat ay
nakakatapos sa kolehiyo at lalong hindi lahat ay may
hanapbuhay. At ang mga dahilang ito ay nag-uugat sa
salitang kahirapan. Oo, tama, kahirapan ay hadlang sa
edukasyon na hadlang din sa maunlad na bansa.
Tulad ng nasa akdang nabanggit, malaki ang epekto ng
kahirapan sa mga mag-aaral. Biktima si Leoncio ng
kahirapan. “Si Leoncio! Si Leoncio! Puro na lang si
Leoncio! Si Leoncio na walang malay!” (Oh di ba,Vilma
Santos lang ang peg). Paano nga naman makakapagpokus
sa isang aralin ang estudyante kung walang laman ang
kanyang tiyan? Kung matamlay ang kanyang katawan?
Paano? Sobra din ang epekto ng kahirapan sa mga magaaral sa mga loobang nayon sa mga probinsya lalo na sa
parteng Visayas at Mindanao. Maraming mga dokumentaryo
na siguro tayong napanood tungkol sa mga mag-aaral na
naglalakad ng milya milyang kilometro para makapasok
sa eskwelahan o di kaya ay binabaybay pa ang anyong
tubig makapasok lamang.
May naitalang 24.9 porsyento ng populasyon ang
mahihirap sa Pilipinas ayon sa pananaliksik ng
Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang anim na
buwan ng taong 2013. Napakalaki ng porsiyentong ito
kung iisipin at maari rin na mas malaki pa sa 24.9%
ang mahirap sa bansa. Hindi ko alam kung saan galing
at kung paano nakuha ang 24.9% ngunit kitang kita
naman habang binabaybay ang kalsada ng Maynila at
kitang kita din habang nanonood ng balita sa
telebisyon na mas malaki pa sa porsyentong nabanggit
ang mahihirap sa ating bansa. Pwedeng nasa nabanggit
na porsyento na yan ang magiging dalubhasa sa siyensya
o magiging mahusay na guro na maaring hindi na
mangyari kung ang edukasyon na dapat nararanasan ay
hindi man lang masisilayan.
Marahil ipagmamalaki ng gobyerno ang kanilang mga
proyekto. Oo, malaking tulong ang libreng matrikula
sa pampublikong paaralan ngunit hindi ito sapat. Paano
ang baon araw-araw ng mga estudyante? Paano ang mga
gamit sa eskwela? ang uniporme? ang pamasahe? ang
kanilang kalusugan? Hindi sapat ang feeding program
isang beses o dalawa kada buwan. Hindi sapat ang
pamimigay ng isang notebook at isang lapis sa bawat
21
estudyante. Hindi ko sinasabing sagutin lahat ng
pangangailangan ng mga kabataan ngunit tanging hiling
ko lang ay magkaroon ng sapat na trabaho para sa lahat
ng mamamayan lalo na sa bawat magulang.
Oo, lahat ay nakakatulong ngunit hindi sapat kaya
naman hindi rin sapat ang kaalamang nakukuha ng
kabataan mula sa paaralan. Hindi sapat ang kasanayan.
Hindi sapat ang karunungan. Hindi sapat kung kayat
hindi rin lubusang umuunlad ang bansa.
Hindi sarado ang aking isipan. Si leoncio? Oo, si
Leoncio ay isa pa ring pag-asa ng bayan. Si Leoncio
balang araw ay magiging presidente ng Pilipinas,
magiging doktor o kaya naman ay magiging guro. Ito ay
mangyayari kung mangyayari rin sana ang aking
panalangin. Panalangin para sa pamahalaan na sana ay
paglaanan ng nararapat na badyet and Kagawaran ng
Edukasyon. Panalangin na sana ay pagtuunan ng pansin
ang kakulangan sa trabaho sa bansa. Panalangin para sa
mga guro na sana ay maglingkod nang tapat sa kabila ng
kakarampot na sahod ngunit dasal ko rin naman para sa
pamahalaan na bigyan ng nararapat na bayad ang
paghihirap ninyong mga guro. May pag-asa pa. May
magagawa pa. Mangyayari ito kung ang bawat isa ay
maglilingkod ng tapat sa kanilang tungkulin lalo na
yung mga nasa posisyon sa gobyerno. Tama na ang
pagnanakaw sa kaban ng bayan. Tama na ang pagnanakaw
sa edukasyong dapat ay nararanasan ng bawat kabataan.
Tama na!
Sa aking pagwawakas, simple lang naman ang aking
katanungan. Katanungan saaking sarili, sa kapwa ko
kabataan, sa mga magulang sa mga guro at lalo na sa
mga nasa posisyon sa pamahalaan. Handa na ba tayo?
Ang akdang Walong Taong Gulang na isinulat ni Genoneva
Edroza Matute ay isang halimbawa ng akdang lahat ng
mambabasa, lalo na ang mga Pilipino ay madaling
makarelate. Mistulang itong isang paglalarawan ng
isang sitwasyon na hindi na bago sa atin. Ito ay
tungkol sa isang bata na sa murang edad pa lamang ay
mulat na sa realidad na takbo ng buhay.
Habang nagbabalik tanaw ako sa pagbasa nito, napukaw
nito ang aking atensyon. May ilang pinupunto ang may-
22
akda. Una na dito ay ang karakter ni Leoncio Santos.
Siya isang salamin ng maraming batang Pilipino ngayon.
May potensyal pero hindi maipagpatuloy ang pag-aaral
dahil sa hirap na dinaranas ng pamilya. Hindi rin siya
nakakakain ng mga masusustansyang pagkain na kailangan
ng mga bata para maging malusog, dahil salat sila sa
pambili ng mga ito. Dahil na rin sa kanyang sitwasyon,
nawawalan na siya ng panahon na makipag laro. Dahil sa
hirap na
dinaranas, nawawalan siya ng social life. Marahil
dahil na rin siguro, hindi niya kayang makipag sabayan
sa kanyang mga kaedad.
Pangalawang nakapukaw ng atensyon ko ay ang ugnayan ng
guro sa kanyang mga estudyante. Kapansin-pansin na ang
guro sa kwento ay talagang may pakialam at napapansin
pa rin niya ang kanyang mga estudyante kahit na wala
na sila sa loob ng silid aralan. Ipinapakita nito na
hindi basta basta natatapos ang gawain at tungkulin ng
isang guro sa loob lamang ng apat na sulok ng silid
aralan. Nagpapakita ito ng magandang ugnayan ng isang
guro sa kanyang mga estudyante. Ang mga guro ay
maaring magsilbing isa sa mga tagahulma ng mga
kabataan na siyang tinuturing na pag-asa ng bayan. Ang
ikatlong pumukaw sa akin ay ang istilo ng pagkakasulat
ng nasabing akda. Hindi lang sa mga salitang ginamit
at mga pangyayaring isinalaysay naibabahagi ang
mensaheng nais ipaabot ng may-akda sa kanyang mga
mambabasa. Kapansin-pansin sa akda ang pag-uulit na
paglalarawan sa walong taong gulang na bata na si
Leoncio Santos mula simula’t hanggang nagtapos ang
kwento. Nakatulong itong maging mas makatotohanan pa
para sa isipan ng mga mambabasa ang imahe ni Leoncio.
Maaring nais ipahiwatig nito na sa pagdaan ng panhon
ay tila wala pa ring pagbabagong nagaganap at sa halip
na umunlad ay nanataili lamang ito sa dati.
“…Pamahalaan…pag-aalsa…bulag na pagsunod…ama ni
Leoncio…nadaya…mapagpanggap na lider…bilangguan…apat
na taon na…Leoncio…Leoncio…” Sa aking pagbabasa ulit
nito, may nabuong ideya sa akin… Nakikita na natin ang
ating mga problema ngunit ang realization natin at
lubos na pagka-unawa sa mga ito ay sobrang tagal at
kadalasan nasa bandang huli na. Pero kung minsan nga
talaga, hindi naman na dumarating o nangyayari pa. Sa
simula pa lang ng kwento, nakita at kaagad na pumukaw
ng atensyon ng guro ang batang si Leoncio Santos. Para
23
sa guro, naging interesting ang batang ito at iba sa
kanyang limampu’t siyam pa niyang mga estudyante sa
silid aralan na iyon. Sa huli na lamang napagtanto ng
guro ang katotohanan at kwento ni Leoncio, kung bakit
nga ba ganoon na lamang ang mga ikinikilos ng walong
taong gulang na batang may kaitiman, may sarat na
ilong, may bibig na makipot ngunit may makapal na labi
at may maamong mukha na si Leoncio Santos.
“Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan nang
matandaan kong ang mukhang iyon na may kaitiman sa
karaniwan, may sarat na ilong, may bibig na makipot
nguni’t may makapal na labi at may maaamong mata ay
isang batang lalaking may walong taong gulang lamang…”
BUOD
Si Bb. de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung
estudyante ngunit may isang batang may kaitiman, sarat
na ilong at makapal na labi ang nakaagaw ng kanyang
pansin. Leoncio Santos ang pangalan ng batang ito. Si
Leoncio ay hindi kagaya ng kanyang mga kaklase, magisa siya palagi at hindi siya masyadong nakikipaglaro
sa kanila. Magaling siya sa klase ngunit siya’y hindi
nangunguna sa kadahilanang may mga panahong ang
atensyon nito ay wala sa paaralan. Isang araw, lumiban
si Leoncio dahil siya ay nahilo. Sa sumunod na araw,
kinumusta siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain
ng maraming gulay at itlog. Sa isang pagkakataong
nakita ni Bb. de la Rosa na sa panahon ng pananghalian
ay walang kinakain si Leoncio at tila tinitingnan
lamang nito ang pagkain ng iba ay napag – alaman
niyang palaging walang baon ang isa sa kanyang mga
estudyante. Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring
pagbabago kay Leoncio. Nang lumiban sa pasok ang bata
ng halos limang araw ay binisita siya ng
kanyang guro sa kanilang tahanan. Nakilala ni Bb. de
la Rosa ang ina ni Leoncio at nakita niya rin ang
tunay na kalagayan ng bata.
Tungkol sa May-akda
Ang kuwentong ito ay galing sa aklat na Ako’y Isang
Tinig ni Genoveva Edroza-Matute.
Siya ay dating isang guro; marahil ito ang dahilan
kung bakit ang mga kuwento niya ay nakasentro sa mga
bata.
24
Ang nasabing may-akda ay ilang beses naparangalan ng
Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Maraming nais iparating ang kuwento; dalawang punto
ang nais kong pagtuonan ng pansin: edukasyon at
kahirapan.
Edukasyon
Sa ating bansa, libre ang edukasyon sa mga
pampublikong paaralan. Binibigyan ng pagkakataon ang
bawat kabataan sa ating pamayanan na makapag-aral at
linangin ang kanilang kaalaman. Sa lumalaking
populasyon natin, dumarami ang mga batang
nangangailangang pumasok sa paaralan. Ngunit, wala sa
proporsyon ang bilang ng mga estudyante sa bilang ng
mga pampublikong paaralan at mga gurong nagtuturo
dito. Sa kakulangan ng mga titser, naaapektuhan ang
kalidad ng edukasyon na naibibigay sa mga estudyante.
Sa kuwento ni Matute, animnapung bata ang tinuturuan
ni Bb. de la Rosa. Ito ay isang malaking bilang kung
iisipin. Sa isang maliit na silidaralan ay halos doble
ng normal na kapasidad ang ipinagsisiksikan sa isang
kuwarto. Idagdag pa dito ang morning at afternoon
classes sa iilang unang taon ng mababang paaralan. Ito
ay isang katotohanang hindi natin maitatanggi.
Sa dami ng estudyanteng hinahawakan ng isang guro at
sa kaunting bilang ng mga nagtuturo ay hindi na
naaatupag ng titser ang bawat isa sa kanyang mga
estudyante. Dahan-dahang nawawala ang personal touch
ng guro sa kanyang mga anak sa paaralan. Mabibilang
nalang ang mga titser na may dalisay na malasakit sa
kanilang mga estudyante. Hindi naman natin sila
masisisi sa sitwasyong ito sapagka’t ang sistema na
mismo ang nagdudulot ng pangyayaring ito. Kung mas
mababa ang bilang ng mga batang hinahawakan ng isang
guro, mas magkakaroon siguro siya ng oras para sa
bawat isa.
Gayunpaman, dapat din nating bigyang halaga ang
pagsisikap ng mga estudyanteng pumunta ng paaralan
para matuto. Hindi man kagaya noon ang sitwasyon na
hindi sila nagsisiksikan sa isang silid, pinili pa rin
nilang mag-aral sa halip na nakatamabay lang sa kanikanilang mga tahanan. Ganoon din ang pagpapahalaga
natin sa mga gurong tunay na mga bayani. Hindi madali
ang pagtuturo lalo pa kung marami ang dapat
25
pagpasahan ng kaalaman. Matiyaga pa rin silang
nagtuturo kahit anupamang sitwasyon ang ikinahaharap
nila.
Kahirapan
Isang malaking isyu ang kahirapan sa ating bansa.
Marami sa ating mga kababayan ang hindi nakakakain ng
tatlong beses sa isang araw. Maraming mga bata ang
nanlilimos sa daan. Ipinakita sa kuwento ang isa sa
mga pinakasensitibong isyung kinahaharap ng
Pilipinas. Malalim ang nais iparating nito. Sa
paggamit ng isang walong taong gulang upang
irepresenta ang naaapekutuhan ng karalitaan, makikita
natin ang isa na namang katotohanang hindi natin
maitatangging nangyayari sa ating lipunan. Sa murang
edad ay nararanasan na ng iilang kabataan ang mamuhay
sa kakulangan. Ang ilan, kung hindi palabuy-laboy sa
daan, ay pinagtatrabaho ng kanilang mga magulang.
Bumababa ang tingin nila sa kanilang mga sarili dahil
sa estado nila sa buhay. Kagaya ni Leoncio Santos na
palaging mapag-isa, lumalayo sila sa karamihan. Imbis
na maging pag-asa at kinabukasan ng bayan ang
kabataan, sa murang edad pa lamang ay nawawalan na
sila ng ideya ng magandang umaga.
BAKYA
ni: Hernando R. Ocampo
Isang kapitbahay ang nagbalita kay Aling Sebya ng
nangyaring putukan sa may pabrika ng tabako kanginang
hapon. Ang mga welgista ay hindi raw mapayapa sa
kanilang panggugulo, kaya't ang mga pulis ay
napilitang mamaril. At ngayo'y kakaba-kaba ang dibdib
ni Aling Sebya, nakaupo sa pagpanhik ng kanilang
hagdanan at kunot ang noong nakamata sa kadiliman ng
eskinitang tumutumbok sa kanilang tahanan. Magtatakipsilim pa lamang, ngunit ang dilim ay halos laganap na,
sapagkat ang lilim ng nagtataasang gusali sa
magkabilang panig ng eskinita ay mga tabing na
makakapal na di-mapaglagusan ng sinag ng araw sa
kanluran. Tanghaling tapat lamang kung magliwanag ang
eskinitang ito, habang ang araw ay hindi pa
natatabingan ng mga nagtataasang gusali, kaya't sa
tanghaling tapat lamang kung sumigla ang kulay ng
nagpapayatang katawan ng mga naninirahan sa mga giraygiray na dampa sa looban ng eskinita.
26
Habang walang kibong nakamasid si Aling Sebya sa
kadiliman ng eskinita ay payapa namang natutulog ang
isang pasusuhing sanggol sa kanyang kandungan. At sa
makapanaog ng hagdanan ay dalawang batang babae ang
naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tatlong anak ni Aling
Sebya: marurungis at gula-gulanit ang damit,
namamayat, nanlalalim ang mga mata na kagaya ng
kanilang ina.
Mula pa kaninang makatulog ang pasusuhing bata sa
kanyang kandungan ay binalak ni Aling Sebya na ipasok
at ilagay sa duyan ang batang nahihimbing, malamig ang
simoy ng hangin sa may hagdanan; ang malamig na simoy
ng hangin ay masama sa batang manipis ang damit)
ngunit hangga ngayo'y di maiwan-iwan ni Aling Sebya at
makapanhik sa kanilang hagdanan. Mula pa kanginang
mabalitaan niya ang nangyaring barilan sa may tapat ng
pagawaan ay hindi na makaalis si Aling Sebya sa
kanyang kandungan, habang ang noo'y nangungunot at
kakaba-kaba ang dibdib na nakamata sa kadiliman ng
eskinita.
Pamaya-maya ay naririnig ni Aling Sebya ang yabag ng
isang tao sa dako pa roon ng eskinita at siya'y
nagulat kaya't ang batang natutulog sa kanyang
kandungan ay nagising at umiyak.
"Tulog na, anak," ang wika ni Aling Sebya. "Tulog na
at darating na ang tatay."
Ang bata ay nakatulog na naman uli at kakaba-kaba ang
dibdib ni Aling Sebya na pinakinggan ang yabag ng
taong dumarating na ganoon ang imbay ng kanyang
katawan kundi noon na lamang mapatapat sa kanilang
tahanan.
"Pareng Milyo," ang bati ni Aling Sebya, na lalong
kumaba ang dibdib nang makilala ang dumarating. "Hindi
ba ninyo namataan ang inyong kumpareng Tonyo?"
"Magandang gabi po, kumare," ang sagot ng binati.
"Nagkita po kami sa miting ng mga welgista kaninang
hapon. Bakit? Hindi pa po ba dumarating ang kumpare?"
Hindi nalalaman ni Aling Sebya na mayroon palang
miting ang mga welgista kanginang hapon. Ito'y dibinanggit sa kanya ni Tonyo. "Salamat , kumpare," ang
nawika na lamang ni Aling Sebya.
Habang siya'y naglilinis ng bahay ay hindi niya
malaman kung bakit sumigla ang kanyang katawan at
sumaya ang kanyang kalooban, at di niya alumanang
siya'y humimig ng isang masayang awitin.
Ngunit ngayo'y naririnig na naman ni Aling Sebya ang:
"Nanay, nagugutom kami; nagugutom kami, Nanay."
27
Sandali na lamang, mga anak, at darating na ang inyong
ama. Sandali na lamang at kakain na tayo," ang anas ni
Aling Sebya. Ngunit ang dalawang bata ay nagpatuloy
rin sa kanilang pagdaing: Nanay, gutom na gutom na
kami. Gutom na gutom na kami, nanay."
"Huwag kayong maingay, mga anak," ang sabi ni Aling
Sebya pagka't nang sandaling yao'y nakarinig na naman
na naman siya ng mga yabag ng mga taong dumarating.
(Ito na marahil si Tonyo. Saan kaya siya nasabit at
ginabi ng uwi? Marahil ay gutom na rin si Tonyo.) At
pinagmasdang mabuti ni Aling Sebya kung sino ang
dumarating. (Sino kaya ang kasama ni Tonyo? Sino kaya
ang kasama niyang ito? Ngunit hindi ganyan ang lakad
ni Tonyo; hindi ganyan ang imbay ng katawan ni Tonyo.)
At pagkaraan ng ilang sandali'y dalawang tao ang
nadaan sa tapat ni Aling Sebya. Pinag-uusapan ng
magkasama ang nangyaring gulo sa tapat ng pagawaan, at
narinig ni Aling Sebya na pito raw na welgista ang
napatay.
"Pitong welgista! Pitong welgista ang napatay.
Napatay. Pitong welgista ang napatay. Napatay!
Napatay!
"Hindi! Hindi maaari ang gayon!" ang biglang
naibulalas ni Aling Sebya. "Si Tonyo'y darating na.
Ilang sandali na lamang at si Tonyo ay darating na."
At sinabayan ng tindig at tuloy nasok sa kabahayan ng
kanilang tahanan na ngayo'y namumusikit na sa dilim.
Ngunit ang kadiliman ay hindi naalumana ni Aling
Sebya. Ang gasera ay di na niya nakuhang sindihan.
Binaltak sa sampayan ang lamping ipinambalot sa
pasusuhing bata. (Pitong welgista. Pitong welgista ang
napatay. Napatay! Napatay!) Nagsabit sa balikat ng
isang lumang bupanda at pinagsabihan ang dalawang anak
na babae: "Dito muna kayong dalawa't sasalubungin ko
ang inyong ama. Sandali lamang ako mga anak."
Ngunit ang dalawang bata'y natakot marahil sa dilim,
kaya't nagsiiyak at ayaw magpaiwan. Kaya't si Aling
Sebya ay nanaog at kilik ang natutulog na bata sa
isang kamay at akay-akay ang dalawang batang babae sa
kabilang kamay. "Dali, dali kayo mga anak," ang wika
ni Aling Sebya nang makalabas na sila sa kadiliman ng
eskinita.
(Pitong welgista, Pitong welgista ang patay! )
"Ngunit baka siya dumating sa bahay ay wala siyang
abutang tao," ang malakas na nasabi ni Aling Sebya sa
kanyang sarili. "Magagalit siyang walang sala."
At tinangka ni Aling Sebya na magwalis sa bahay,
28
ngunit ang paa niya'y patuloy sa paghakbang na tungo
sa mga pagawaan ng tabako. Kaya't pinagbilinan lamang
ang dalawang anak na babae na kilalanin ang lahat ng
masasalubong nila sa magkabilang panig ng daan upang
sila'y di magkasalisi ni Mang Tonyo. Ilang sandali pa
at nakarating na ang mag-iina sa tapat ng pagawaan.
Lilinga-linga si Aling Sebya at di malaman ang kanyang
gagawin, sapagkat liban na ilang pulis na nakabantay
sa pintuan ng pagawaan ay wala siyang nakitang ibang
tao. Nais sana niyang magtanong sa mga pulis kung
hindi niya namataan ang kanyang asawa, ngunit naalaala
ni Aling Sebya ang narinig niyang pinag-uusapan ng
dalawang tao hinggil sa ginawang pamamaril ng mga
pulis sa pitong welgista. Lalo na't nang makita ni
Aling Sebya na di-lamang batuta kundi baril na mahaba
ang dala-dala ng mga pulis ay ibig-ibig na niyang
pandurhan ang "mga hayop na ito." Ngunit ang batang
kilik-kilik ni Aling Sebya ay nagising at umiyak,
kaya't sa halip na pandurhan ang mga pulis ay naghanap
pa nga si Aling Sebya ng mauupuan upang mapasuso ang
nagising na sanggol.
Sa isang tabi ng daan ay nakakita si Aling Sebya ng
isang basurahang latang yupi-yupi. Dito siya naupo at
habang pinasususo ang bata ay iniisip niya ang...
(Marahil ay nasa bahay na si Tonyo at galit na galit.
Nasabit lang marahil sa isang kakilala kaya ginabi ng
uwi. Ngayon marahil ay nasa bahay na siya. Ano kaya
ang sasabihin ni Tonyo sa pag-alis kong ito? Magalit
kaya sa akin?)
Ngunit habang pinagmamasdan ni Aling Sebya ang
pinasususo niyang anak ay naramdaman niya ang luhang
nag-uunahang dumaloy sa kanyang pisngi.
"Marahil ay di-malalaunan at darating din ang inyong
kumpare."
"Sya nga, kumare. Marahil ay nasabit lamang ang
kumpare sa tabi-tabi," ang pabirong sagot ni Mang
Milyo, at pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam at
nagpatuloy sa kanyang paglakad na pauwi sa kanilang
tahanan.
Ang dalawang batang babae sa lupa ay huminto sa
kanilang paglalaro nang kau-kausap ni Aling Sebya ang
kumpare niyang Milyo. At nang makaalis na si Mang
Milyo ay tuluyan nang pumanhik ang dalawang bata, at
sandali ring pinagmasdan ang wari'y natitigilang anyo
ni Aling Sebya, subali't dala marahil ng kadiliman ay
di nila nakita ang namumutlang mukha at ang
nanginginig na labi ng kanilang ina. Kaya't ang mga
29
bata'y walang nasabi kundi, "Nanay, nagugutom kami."
"Oo, mga anak," ang marahang sagot ni Aling Sebya.
"Sandali na lamang at darating na ang inyong ama.
Sandali na lamang at darating siyang may dalang
pagkain."
Sapagkat bago umalis ng bahay si Mang Tonyo ay
nangakong mag-uuwi ng makakain nilang mag-anak. Siya'y
magsasadya sa himpilan ng mga welgista at doon kukuha
ng kanilang makakain. Kaunting bigas, ilang latang
sardinas, ilang panutsa, pagkaing marahil ay di
tatagal sa kanilang dalawa o tatlong araw, ngunit
pagkain din na pansamantalang maipagtatawid-gutom.
"Kaya't ihanda mo sana agad ang ating lutuan at uuwi
akong maaga," ang biro pa ni Mang Tonyo kay Aling
Sebya.
"Uuwi ka sana agad, tatay." ang wika naman ng mga anak
nila.
"Oo, uuwi akong maaga." Sapagkat alam din naman ni
Mang Tonyo na kanginang umaga'y isinaing nang lahat ni
Aling Sebya ang bigas na huli niyang nakuha sa
himpilan ng mga welgista. Ang kalahati ng sinaing ay
inalmusal nila kanginang umaga, at ang natira'y inubos
sa tanghalian.
"Wala na tayong maisasaing mamayang gabi," ang sabi ni
Aling Sebya. Ngunit si Mang Tonyo ay di rin sumagot.
"Tingnan mo ang mga anak mo. Di ka ba naaawasa
kanila?" At pagkaraan ng ilang sandali: "At tingnan mo
ang sarili mo. Ni ang bakya mong luma ay di
mapalitan." Sapagkat kanginang umaga ay inayos na
naman ni Aling Sebya ang luma't sirang bakya ni Mang
Tonyo. "Bakit hindi ka pa bumalik sa pabrika? Ang
balita ko'y marami na ang nagsisibalik sa dati nilang
trabaho."
"Mga walang hiyang eskirol!" ang naibulalas na lamang
ni Mang Tonyo.
"Marahil ay may anak din silang nagugutom," ang wika
naman ni Aling Sebya.
Si Mang Tonyo ay tumindig at walang kibong tumungo sa
kinasasabitan ng lumbo nilang inuman. Ito'y kinuha at
isinalok sa katabing banga ng tubig at walang kibong
nagpatuloy sa kanyang pag-inom. Pagkatapos ay nagbalik
si Mang Tonyo at mahinahong nagsalita.
"Alam kong ikaw at ang mga bata'y hirap na hirap sa
pagkatigil ng aking trabaho." ang wika niya kay Aling
Sebya. "Ngunit ano ang ating magagawa! Kung babalik
kami ay tatanggapin nga kami ng may-ari ng pabrika.
Ngunit kami'y pagtatawanan sa aming kahinaan, at lalo
30
lamang kaming tatratuhin nang higit kaysa hayop.
Ganyan ba ang gusto mong gawin sa akin?"
Si Aling Sebya ay nasiyahan marahil sa paliwanag ni
Mang Tonyo. "Ang naaalala ko lamang ay ang kakanin
natin. Wala na tayong maisaing mamayang gabi."
"Pabayaan mo, Sebya, at magsadya ako sa himpilan.
Kukuha ako ng ating maipantatawid-gutom, at ilang araw
pa'y hindi na tayo maghihirap. Kaunting pagpapakasakit
lamang at giginhawa na ang ating buhay."
Kaya't nang makaalis na si Mang Tonyo ay inutusan ni
Aling Sebya ang dalawang bata, "Pagbutihin ninyo ang
pangangahoy," ang wika ni Aling Sebyang may himig
pagbibiro, "at nang maluto natin ang iuuwi ng inyong
ama," At nang makaalis na ang dalawang bata ay
pinatulog naman ni Aling Sebya ang pasusuhin niyang
anak. Pagkatapos ay sinimulan niyang linisin ang
kanilang bahay, isang gawaing may ilang araw ding
hindi niya natupad sapul nang magsimula ang aklasan.
"Hindi! Hindi maaaring mangyari ang gayon," ang
biglang naibulalas ni Aling Sebya at pagkaraan ng
ilang sandali ay pinilit niyang manalangin. "Diyos ko,
huwag mo pong itulot na mangyari ang gayon. Iligtas mo
po si Tonyo sa anumang kapahamakan. Diyos ko..."
Ang panalangin ni Aling Sebya ay biglang nagambala
nang marinig niya ang tinig ng dalawang babae: "Nanay!
Tingnan mo ito! Nanay! Tingnan mo ito." At isang
bugkos ng tsinelas at bakya ang buong pagmamalaking
ipinakita ng dalawang bata sa kanilang ina.
31
Aloha Ni Deogracias A. Rosario
MANIWALA KA sa kadalubhasaan ni Rudyard Kipling! Hindi ako
naniniwala sa kasabihan niyang:
“Ang Silangan ay Silangan
Ang Kanluran ay Kanluran;
Magkapatid silang kambal,
Magkalayo habang buhay.”
Ayaw kong ipahalata sa kausap ko ang malaking pagkamangha
sa pagpapasinungaling niya sa sumulat ng “The Ballad of
East and West.” Noon ay magkaibayo kami sa isang mesa
sa veranda ng Waikiki Tavern sa Honolulu at nakikipagpaalam
sa “paglubog ng araw” sa bantog na pasigan ng Waikiki. Tigisa kaming tasa ng mainit na kapeng Haba na
isinasalit namin ang paghigop sa pagtanaw sa malalapad na
dalig sa ibabaw ng malalaking alon.
Ang tanawing ito’y pangkaraniwan sa pasigan ng Waikiki,
kung laki ang dagat at nagngangalit ang
alon. Isang sport ito ng mga taga-Haway na sariling-sarili
lamang nila. Bawat isa ay may mga dalig na tatlong dipa ang
haba at kalahating dipa ang lapad na taluhaba ang hugis. Sa
ibabaw ng mga dalig na itong sumasalunga sa ibabaw ng alon
ay doon sila tumitindig na nakadipa ang dalawang kamay at
kung minsan nama’y itinutukod ang kanilang ulo na unat na
unat ang katawan na ang dalawang paa naman ang tuwid na
tuwid na tila itinuturo sa langit. Ang “pangangabayong ito
sa alon ng mga taga-Haway” ang ipinagmamalaki sa akin ni
Dan Merton, Amerikanong mamamahayag sa Honolulu noong ako’y
maparaan doon.
Iyan ang dahilan kaya’t noong hapong yaon ay magkaharap
kami sa veranda ng Waikiki Tavern. Palibhasa’y nagtapos
sa Unibersidad ng Southern California sa Los Angeles, at
lipi ng isang angkang milyonaryo sa Hollywood, si Merton ay
isang tunay na gentleman na wala kang sukat ipintas sa
pakikihrap kanino man.
Nalalaman ni Dan Merton ang sakit ng kanyang mga kalahi, at
hindi lamang ng mga Amerikanong katulad niya, kundi lahat
ng kakulay nila ... ng lahat ng puti.
“Ako ay may ibang paniwala, kaibigan,” ang sabi niya sa
akin bago nabuksan ang kay Rudyard Kipling. “Ang palagay ng
mga taga-Kanluran ay binigyan sila ng maputing balat ng
katalagahan upang maging Kayumangging sumilang sa
Kasilanganan. Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay aking
pinag-aralan. Ngunit kailanman ay hind nabanggit sa mga
aklat kong napagaralan ang mga tagumpay sa panitikan ng
isang Rabindranath Tagore at ng mga tagumpay sa karunungan
ng mga dalubhasang Hapones na kinukusa nilang itago. Balang
32
araw ay naasahan kong isa namang Pilipino ang maririnig
nating magwawagi kung di sa pulitika ay sa kabuhayang
pandaigdig. Makikita mo kaibigan!”
Kinakailangan kong tumungga ng kape at sundan ng hitit ng
sigarilyo upang huwag mahalata ni Merton na
ako’y pinanunuyuan ng laway nang mabanggit niya ang ukol sa
aking kalahi. Diyata’t may isang Amerikano pang gaya nito
na umaasang balang araw ay may isang Pilipinong magkakaroon
ng isang katangiang pandaigdig? Diyata?
Pasasalamatan ko sana si Merton sa kanyang mabuting hangad
sa aking kalahi, datapuwa’t doon nga nga nabanggit ang
“pagkaligaw” ni Rudyard Kipling sa pagkasulat ng kanyang
kasabihang ngayo’y palasak na sa buong daigdig.
“Kung ang langit at lupa’y maaaring paglapitin,” ang
giit niya sa akin nang mahulaan niyang ako’y may pagaalinlangan sa kanyang sinabi, “ay ang Kanluran at Silangan
pa kaya?”
Sasabihin ko sanang ako’y naniniwala na sa kanyang palagay,
ako ay naakit na niya laban sa :kasinungalingan ni Kipling”
at nahuhulaan ko na ang kanyang ibig sabihin, datapuwa’t
siya na rin ang nagdugtong. “Hala, ubusin mo na ang iyong
kape. Tayo na sa bahay. At ang asawa ko ang magsasabi sa
iyong “ligaw” si Kipling.”
NANG MAGTAPOS si Dan Merton sa Unibersidad ng South
California, ang naging gantimpala sa kanya ng kanyang ama
ay isang pagliliwaliw sa “Paraiso ng Pasipiko” – ang Haway.
Bagong labas sa kolehiyo, may pangalan at tanyag
palibhasa’y kapitan ng mapagwaging koponan sa football ng
kanilang paaralan; anak ng milyonaryo sa Hollywood at sadya
namang magandang lalaki, si Merton ay naging “idolo” ng mga
sakay sa Malolo, nang minsang tumulak ito buhat sa Los
Angeles hanggang Honolulu.
Halos ay sundan siya sa kanyang kamarote ng mga kasama
niyang mga debutante sa bapor. Hindi lamang dalawang
dosenang “aklat ng mga lagda” ang napaglagyan ng kanyang
pangalan at lilimampung pamaypay ng mga pasahera ang
kanyang nasulatan. Minsang ipininid niya ang pinto ng
kanyang kamarote, ang maluwang na laylayan ng isang paa ng
“pajama” ng huling humingi sa kanya ng lagda ay naipit pa.
“O, ang mga babaing ito!” ang nasabi na lamang niya, “bakit
kaya ayaw akong patahimikin?”
Sa agahan, hindi pa siya nakatatapos ay may kumakasundo na
sa kanya upang maging kalaro ng deck sports. Sa tanghali,
hindi pa siya nakapaghihimagas, ay may lumalapit na sa
kanya upang siya’y makalaro, kung di ng bridge ay kahit
na mahjong. At sa gabi, anim-anim na may sulat na menu ng
mga dalaga ang dinaratnan niya sa kanyang mesa at
33
3
nagsasabing ibig nilang maging kapareha nila siya sa
sayawan sa kubyerta.
Kung nag-iisa na si Merton sa kanyang silid, ang gayong
tila paghanga sa kanya ng karamihan ay nagiging paksa ng
kanyang dilidili. Akala niya’y sa isang Rudolph Valentino o
isang Ramon Navarro lamang maaaring “masira” ang mga
dalaga. “Hindi pala’t sa isang bagong labas sa kolehiyong
gaya ko ay mayroon ding maaaring mahaling.”
RODOLPH VALENTINO
(May 6, 1895December 23, 1913)
Natatawa lamang si Merton sa harap ng nangyayari sa kanya.
Kung hindi kaya siya si Dan Merton, na kapitan ng koponan
ng football sa Unibersidad ng Southern California at angkan
ng milyonaryong Merton sa Hollywood, ay pintuhuin kaya siya
ng sinuman na gaya ng ginagawa sa kanya sa bordo ng
bapor Malalo? Palibhasa’y mapag-aral siya ng ugali ng mga
tao, kaya’t ang kilos ng kanyang kapwa ay pinagaalinlanganan pa rin niya. Naniniwala siya hangga ngayon,
na ang sangkatauhan ay sumasamba pa rin sa diyus-diyusan,
hindi lamang sa ayos-bakang pintakasi ng mga taga-Ehipto,
kundi sa gintong sangkap sa katawan ng nasabing baka.
Kabalintunaan!
Bago siya nagtungo sa Haway ay wala siyang anumang yaring
palatuntunan ng kanyang dapat gawin. Maliban sa kanyang
nababasang polyeto na ipinamamahagi ng mga turista tungkol
sa nasabing “Paraiso ng Pasipiko” ay wala siyang anumang
nalalaman tungkol sa nasabing lupaing sakop ng Amerika.
Nasa sari-saring pagmumuni siya sa loob ng kanyang kamarote
nang sa butas ng lagusan ng hangin sa bapor ay tila
kalatas na ibinalita sa kanya ng taginting ng musika ang
pagdaong nila sa Honolulu. Noon niya nasukat na may limang
araw na pala siyang naglalayag, hindi man lamang siya
nainip, at dumating na siya sa kanyang patutunguhan.
Agad niyang binuksan ang kanyang traveling trunk at sa isa
sa mga kahon ay kinuha ang tarhetang bigay sa kanya ng
kanyang ama na kinaroroonan ng pangalan ng isang taong
sasalubong sa kanya.
“Aha!” ang nasabi niya sa sarili. “Editor ito ng
pinakamalaganap na pahayagan sa Honolulu. Dapat siyang
maging malaking tao.”
Pagbaba niya sa andamyo , isang lalaking may kagulangan
na, mapuputi ang buhok at may kunot na ang mukha, ang
biglang sumunggab sa kanya.
“Hindi ako maaaring magkamali,” sabi sa kanya. “Kamukhangkamukha ka ng aking kaibigang si Daniel Merton. Hindi ba
34
ikaw ang kanyang anak? Tinanggap ko ang kable ng iyong ama,
kaya kita sinalubong.!”
Hindi pa nakasasagot man lamang ng “salamat po!” si
Merton ay isinabit sa kanyang liig ang isang mahabang
kuwintas ng mga bulaklak na sariwang kilala sa tawag
na lei.
“Iyan ang Aloha ko sa iyo,” sabi sa kanya.
May isang buwan na si Dan Merton sa Royal Hawaiian Hotel sa
Waikiki. Isang magandang suite de luxe ang sa pamamagitan
ng kable ay ipinahanda ng kanyang ama buhat sa Hollywood
upang kanyang matirhan. Nagsawa na siya sa lahat ng
sinasabing ganda ng Honolulu. Napagod na siya sa paglangoy
sa War Memorial Natatorium at sa Waikiki. Hindi miminsang
nagdaan-daan siya sa matayog na Pali, nadalawa na niya
ang templo ng mga Mormon na may bughaw na tubig ukol sa mga
binibinyagan, at makailan na ring nagpalipas siya ng gabi
sa sayawan sa Kailuwa, kung nagsasawa na siya sa bulwagan
ng kanyang otel. Nakadalawa na rin siya sa Hilo at sa
Molokai, sa pamamagitan ng eroplano, nakita na niya ang
kumukulong laba ng bulkan, saka ang mga “buhanging
tumatahol”. Ano pa ang nalalabi sa kanyang hindi nakikita
sa “Paraisa ng Pasipiko”?
Talagang naghahanda na siya sa pag-alis nang sabihin sa
kanya ng kaibigang editor ng kanyang ama sa Honolulu, na
hintayin muna niya ang pagtatapos ng klase sa kolehiyo ng
Punahu. “Ako ang nahirang na magbigay ng pangaral sa mga
natapos sa taong ito,” ang sabi niya kay Merton, “at
maibabalita mo sa iyong ama sa Hollywood kung gaano
kabuting magsermon sa mga wahini (babae sa wikang
Kanaka )ang kanyang kaibigan sa Honolulu.”
Pumayag si Dan Merton. Sa
nasabing Commencement ng Punahu School, doon niya nakilala
si Noemi, isang tunay na Kanaka, subali’t halimbawa ng
dalagang may mataas na pinag-aralan. Hindi niya malaman
kung bakit ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay walang
iniwan sa palasong sabay na tumuhog sa kanyang puso. Si
Noemi ang naging patnubay ng mga pangaral, palibhasa’y
siyang pangulo ng Kapisananng mga Senior sa nasabing
kolehiyo. Anong tamis niyang magsalita ng wikang Ingles!
Anong lambing niyang bumigkas ng mga pangungusap!
“Wala pa akong naririnig na dalagang Amerikana na
kasintamis niyang magsalita!” ang sabi pa ni Merton
pagkatapos.
“Ginoong editor,” ang sabi niya sa kaibigan ng kanyang ama,
“Hindi ako uuwi na di kasama si Noemi.”
“Talaga bang totoo ang sinasabimo?” ang usisa sa kanya ng
matanda.
35
“Paris ng katotohanang ang umaga’y sumusunod sa gabi.”
“Dan!” ang may halong pangaral na pahayag ng matanda,
“ang mga Kanaka ay mamamayang Amerikano lamang, ngunit
hindi laging Amerikano. Kawika lamang natin sila,
datapuwa’t hindi natin sila kalahi.”
Ang palagay ni Dan Merton ay napakakitid ng noo ng
kanyang kausap. “Matanda na at editor pa naman ng
pahayagan,” ang bulong niya sa sarili. “Maanokung hindi
kalahi? Maano kung hindi kakulay? Hindi ba bayan ng
pagkakapantay-pantay ang Amerika? At hindi ba lahat ng tao
ay mamamayan ng daigdig?”
Sa sarili na lamang nangatuwiran si Merton. At nang
minsang umalis sa Honolulu ang bapor City of Los Angeles,
sa talaan ng mga sakay ay mababasa ang ganitong mga
pangalan: “Mr. Dan Merton” at “Mrs. Dan Merton”. Ang “Mrs.
Merton” ay si Noemi – ng Punahu School.
Nang umuwi si Merton, halos ang mga kasabay rin niya
sa malalo na mga debutanteang kanyang kasamang umuwi,
ngunit hindi na gaya ng dati. Kahit na siya nag-iisa sa
kubyerta kung ayaw lumabas ni Noemi, ay maanong
sulyapan man lamang siya. Kung pagmasdan niya’y tila pa
nasusuklam sa kanya, dahil sa nanghahaba ang kanilang mga
labi , at nagsisitalim ang kanilang mga mata sa pagtanaw sa
kanya.
“Kabalintunaan sa sangkatauhan!” ang nasabi na lamang.
“Ako’y nag-asawa sa aking iniibig, dahil ako’y sumunod sa
tibok ng puso ko at hindi sa alituntuning magdaraya ng
lipunan at kinasusuklaman na ako ngayon.”
Nguni’t may iba siyang naisip.
“Ano kaya ang sasabihin ni Ama, kung malamang nagasawa ako sa isang hindi namin kalahi, sa isang
kayumangging Kanaka?”
Natira si Dan Merton sa gayong pagmumuni-muni. Sa
kanyang mga mata’y may sampung daliring maliit na tumakip
buhat sa likod:
“Hulaan mo kung sino ako!” ang impit ng tinig na utos
sa kanya.
Disyembre na nang sila’y papauwi sa Los Angeles. Ilang
araw na lamang at Pasko na. Sa loob ng kanilang suite de
luxe sa bapor ay inisa-isa ni Merton kay Noime kung gaano
magiging kasaya ang kanilang Pasko. Humigit-kumulang ay
nababatid ni Noemi na milyonaryo ang ama ni Dan, kaya’t di
kataka-takang magkaroon siya ng Paskong lalong masaya sa
kanyang buhay sa piling ng sinumpaan niyang “sa buhay at
kamatayan” ay kanyang makakahati.
Kinusa ni Merton na huwag ipaalam sa kanyang ama ang
kanyang pagbabalik. Ang ibig niya’y makagawa ng isang
36
“sorpresa.” Datapuwa, isang araw nang dumating ang bapor sa
Wellington, tumanggap siya ng isang kable mula sa Hollywood
na humigit-kumulang ay ganito ang sinasabi: “KUNG IBIG MONG
MABUHAY HANGGANG PASKO SA PILING NG IYONG ASAWANG KANAKA,
HUWAG KANG MAGKAKAMALING TUMUNTONG SA UNANG BAITANG NG
ATING HAGDANAN...DANIEL MERTON.”
Rolls Royce Phantom II
Ayaw na niyang maniwala ay nasisinag niya sa gayong mga
kataga ang pangungusap ng kanyang ama – matitigas,
matutulis at mababagsik. Kilala niya ang kanyang ama. Sabi
lamang niya sa lumuluhang si Noemi na isang biro lamang
yaon, bagama’t iniisip niya kung sa Embassy o
sa Baltimore sila tutuloy na mag-asawa pagsapit sa Los
Angeles. Hindi siya magtutuloy sa Hollywood.
Balisa at kumakaba ang kanyang dibdib, ang bapor ay
dumaong sa Wellington, datapuwa’t laban sa kanyang pagasa , nasa himpilan ng perokaril ang malaki niyang Rolls
Royce.
“Nakita mo na!” ang sabi ni Merton kay Noemi. “Hayun
ang awto namin. At hayun si ama sa loob. Hinihintay tayo!”
Isang ngiting may kahulugan – ang ngiting may pangamba
at alinlangan -- ang itinugon ni Noemi sa malaking galak at
lukso ng puso ng kanyang asawa. At sino naman ang hindi
malulugod?
Ang mag-ama ay nagyakap at si Noemi ay kinamayan ng
kanyang biyenan. “Wala kayong dapat alalahanin!” ang sabi
sa kanila na lalo pang ikinatahimik ng loob ni Merton.
“Sa bahay, at nang makapagpahinga kami agad!” ang utos
ni Dan sa kanilang tsuper, na gaya ng karaniwang pag-uutos
kung ginagamit niya ang nasabing kotse kung siya ang
nagpapalakad.
“Hindi!” ang sigaw ng matanda. Ikukuha ko kayo ng
isang bungalow sa Sta. Monica beach, malapit sa bahay ni
Bebe Daniels!”
“Mabuti nga’t nasa tabi ng dagat.” salo ni Dan. “Hindi na
maninibago si Noemi, dahil sa katulad din ng
Waikiki beach. Makalalangoy kami kahit anong oras!”
“Kahit saan ay masisiyahan ako,” ang bulong ng Kanaka ng
hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang bisig, “nasa piling
lamang kita.”
Napatingin sa kanila ang matanda na tila sinusukat ang ibig
na sabihin. “Bilang pasalubong sa inyo,” sabi ng matanda,
“ay magdaraos doon ng party ngayong gabi. Pinaanyayahan ko
na ang lahat ng dalaga’t binata sa Hollywood, karamihan ay
mga artista sa sine, upang masiyahan kayo sa pagsisimula sa
pagsisimula ng isang bagong kabuhayan.”
37
“Pasintabi sa inyo,” ang pakli ni Noemi, “inaasahan kong
ang nasabing party – ay hindi katulad ng mga wild party na
ikinamatay ng isang artista nang magdaos si Fatty Arbucle o
kaya’y ng nangyari kay Miss Pringle nang magdaos naman si
Pantages.”
Tatangu-tango ang matanda na tila noong lamang niya
nakilala kung gaano kataas ang napag-aralan ng kanyang
manugang. Ibig sabihin ng kanyang sarili ay “Mahigit pa sa
roon” subali’t iba ang binigkas ng kanyang bibig: “Marahil
ay mahuli-huli roon.”
“Nguni’t, Ama!” ang agaw ni Dan, “ang asawa ko ay marangal
na babae. Tila hindi dapat sa kanya ang gayong pasalubong.”
Tutugunin pa sana ng matanda ang pasalubong ay siya ang may
handog, nguni’t biglang tumigil ang awto sa tapat ng isang
gusali sa tabi ng dagat.
“Narito na ang inyong bahay!” ang sabi sa kanila. “Lahat ay
nakahanda na para ngayong gabi!”
Ipikit at idilat ni Noemi ang dalawa niyang mata ay hindi
niya mapaniwalaan ang kanyang nakikita, gayong mag-iikaapat
na ng madaling-araw. Ang mga babaing panauhin at halos wala
nang damit, sapagka’t punit-punit na ang kanilang mga
kasuutan sa pakikipagbatakan sa mga lalaki. Ang mga lalaki
naman ay kusa nang nag-aalis ng kasuutan nila at wala nang
natitira sa katawan kundi ang kahuli-hulihang inaalis bago
matulog.
Ang lahat ay lasing. Lasing na ang lahat na ang mga mata’y
nakulabaan na ng matapang na sugapa ng alak, kung kaya’t
hindi na napapansin ang kahiya-hiyang kalagayan ng lahat.
Si Dan ay lasing na rin. Apat na kilalang artista sa
Hollywood ang nagpupulupot ng katawan nilang halos ay bilad
nang lahat sa kanyang matipunong katawan.
Si Noemi ay nagdahilang nahihilo pa sa malaking hapo sa
bapor, kaya’t kahit pinagbatakanan siya ay hindi siya
nakihalubilo. Samantalang pinagmamasdan niya ang magandang
kuwadro ng kahalayan sa kanyang tahanan ay may tumapik sa
kanyang balikat. Nang lumingon siya ay nakita niya ang ama
ni Merton, ang kanyang biyenan.
“Ano, Noemi?” ang bati sa kanya. “Hindi ba nanghihinawa ang
pag-ibig mo kay Dan? Ibig mo ba ng ganyang buhay? Hindi ka
ba nasusuklam? Kung ibig mong tumakas ngayong gabi ay
nariyan ang kotse. May bapor na tutulak bukas. Pababaunan
kita ng sampung libong dolyar. Ano, sumagot ka?”
Tinitigan ni Noemi ang matanda. Ibig niyang sa kanyang
tingin ay mawatasan ng matanda na nababatid niya na ginawa
yaon upang mapawi ang pag-ibig niya kay Merton, sapagkat
laban sa kanyang kalooban ang pagkakapag-asawa nito sa
38
isang hindi kalahi, sa isang Kanaka. Tutugon na sana si
Noemi ng “Gayon pala!” datapuwa’t naunahan siya ng matanda.
“Hindi magiging maligaya sa piling mo si Merton,” ang sabi
uli. “Sa habang panahon ay lalayuan siya ng kanyang mga
kakulay, ng kanyang mga kalahi. Gagawin kong $25,000,
pabayaan mo na lamang siya.”
Sa nagdidilim na pag-iisip ni Noemi, ang mga pangungusap ng
matanda ay naging kidlat na nag-iwan ng apoy,
kaya’t nagliwanag. Walang kibo, si Noemi ay tumakbo sa
kanyang silid, at nang lumabas ay hindi na ang Noemi na
gayak-Amerikana, kundi isang tunay na Kanaka; walang takip
sa dibdib kundi ang makapal na lei at sa ibaba ng katawan
ay ang kanyang sayandamo. Nanaog siya. Nakisalamuha siya sa
madla at sa saliw ng inaaantok nang orkestra ay nagsayaw
ng Hulahula.
Sa gayo’y tila nagising ang mga lalaki. Ang kanyang
katawang katutubo ang pagkakayumanggi at hindi sinunog sa
araw, paris ng mga Amerikana, nguni’t walang iniwan
sa kumikiwal na ahas ang galaw ng katawan, pati ng dalawang
bisig at ng dalawang paa, ang damdaming makahayop ng mga
lalaki ay nagising. Iniwan ang mga kapiling nilang babae at
ibig nilang yakapin, lingkisin at kung ano pa, nguni’t
maliksi naman nitong naiwasan.
Sa gayong ayos nadilat ang mga mata ni Merton. Nakita niya
ang babaing “una at huli” niyang inibig ay nasa bunganga ng
mga halimaw na lasing na hindi nalalaman ang ginagawa.
Bigla siya nagpupumiglas sa apat na babaing “namumulupot”
sa kanya at humadlang sa nagsisihabol kay Noemi.
“Mga alibugha,” nakadipang wika niya sa paghadlang sa
lahat. “Madudurog ang liig ng sinumang mangangahas humipo
sa katawan ng asawa ko!”
Nang marinig ito ni Noemi ay napahalakhak ng tawa sa
kanyang tagumpay. Noon din ay lumapit siya sa piyano,
sinimulan niyang saliwan ang kanyang sarili sa pagawit ng
Aloha, awit ng tagumpay! Awit ng luwalhati!
Nang lumingon siyang muli ay wala nang ibang tao sa
bulawagan. Pati ang biyenan niya ay wala na rin. Walang
natira kundi si Dan Merton na hawak sa kamay ang isang
tsekeng $500,000. Nguni’t yaon man ay pinagkasunduan nilang
ibalik sa matanda.
“Babalil uli tayo sa Honolulu!” ang may pagdaramdam na sabi
ni Dan Merton. “Iniwan ni ama ang pabaon niya sa atin!”
“Nasabi ko na sa iyo,” ang ulit ni Noemi. “Kahit saan ay
masisiyahan ako, nasa piling lamang kita, aking hari!”
“Pag-ibig! Pag-ibig, kaibigan, ang makapaglalapit sa
Silangan at Kanluran” – ang buong kasiyahang nasabi ni
Merton nang matapos isalaysay ni Mrs. Noemi Merton ang
39
magandang romansa ng kanilang pag-iibigan. “Ang langit at
lupa man ay mapaglalapit, dahil sa pag-ibig!”
Tila nga naman totoo ang sabi ng mamamahayag na Amerikanong
ito. Idinugtong niyang kung itinaboy man silang mag-asawa
sa Paraiso sa Hollywood ay lalong paraiso sa kanya ang
Honolulu, palibhasa’y nakikilala niyang “may katinuan ang
mga Amerikanong” naroon, kaysa mga aristokratikong nasa
baybayin ng Pasipiko.
Sa katunayan, nang magbalik sila, ang editor ding kaibigan
ng kanyang ama ang nagbigay sa kanya ng tungkuling makasama
sa staff ng pahayagang kanyang sinusulatan matapos tukuyin
sa kanya ang “Sinasabi ko na nga ba!”
“Maganda nga sana ang aking bayan,” ang sabi pa ni Merton,
“datapuwa’t lumabis nang totoo ang yabang na balang araw
ay mahuhulog din sa kanyang sariling bigat.”
“Narito na ang nagdurugtong sa Kanluran at Silangan!” ang
sabi ng ina.
“Oo nga,” ani Merton, “ang nagkakabit sa langit at lupa.”
“May anak na kayo?” ang pamangha kong tanong.
“Oo,” ang sabay nilang tugon. “Bininyagan namin ng ALOHA.”
40
Mga Sanggunian






Lilac, Erlinda & Matic, Avelina. 2004. Ang
Ating Panitikang Pilipino:Trinitas Publishing,
Inc.
https://www.facebook.com/arkibongbayan/posts/10
155440874235877/
https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamatng-pasig/
https://www.facebook.com/notes/renebendal/bakya/518642805179446/
https://samaybaybayin.wordpress.com/2014/10/06/
walong-taong-gulang-ni-genoveva-edroza-matute/
http://nobniel.blogspot.com/2017/08/aloha-nideogracias-rosario.html
Download
Study collections