Uploaded by JESSA NARCISO

Ang Kalupi

advertisement
1. Makatwiran ba ang panghuhusga at pagpaparatang ni Aling Marta sa bata? Bakit? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Hindi. Hindi tama ang ginawa ni Aling Marta na basta-basta na lamang ang pagbibintang sa batang si
Andres sapagka't wala syang ibedensya na ang batang si Andres ang talagang komuha sa kanyang kalupi.
Di porket gusgusin, nakasuot ng maruming damit, wala sa tama ang itsura pwede na nating husgahan
ang tao. Kahit hindi gaanong maganda ang sitwasyon ng buhay, o kaya'y isa s'yang pulubi sa lansangan
ay hindi nangangahulugang mayroon itong masamang iniisip dahil sa katunayan hindi natin sila kilala at
wala tayong karapatang husgahan ang mga tao gaya sa bata na si Andres.
2. Paano mo ilalarawan ang katauhan ni Aling Marta sa kwento?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aling Marta, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa sa kwento?
Bakit?
4. May karanasan ka ba na nakapagbintang o di kaya'y napagbintangan ng hindi mabuti? Ibahagi ang
iyong karanasan.
5. Ano sa palagay mo ang sinasalamin ng mga pangyayari sa kwentong ito?
Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at estado nito sa buhay.
Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng kawalan ng boses at balakid sa
hindi pagkamit ng hustisya.
6. Sumasalamin pa ba sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa kwento? Patunyan.
Oo, sapagkat hanggang ngayon pinaglalaban pa rin ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya
para sa mga dukha. Hanggang ngayon, may mga tao pa rin na mapanghusga sa kapwa tao basi sa pisikal
nitong itsura at sa estado ng buhay. Marami pa ring boses ang hindi naririnig. Marami pa ring mga tao
ang hindi nabigyan ng hustisya kahit walang ginawang kasalanan.
7. Ano-ano ang mga mahahalagang kaisipang taglay ng may akda?
Sa maikiling kwento ni Benjamin Pascual, ipinapakita ang pagiging mapanghusga ng lipunan dahil lamang
sa panlabas na anyo ng isang tao. Sinasabi sa atin ni Pascual, na hindi dahil sa gusgusin at mahirap ang
isang tao, ay magnanakaw na ito. Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang
hustisya para sa mga dukha.
8. Ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng kwentong ito?
Ang layunin ng may akda ay ipakita ang tunay na pangyayari sa ating lipunan, ang kahirapan at kawalan
ng hustisya. Ata hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan. Isipin munang mabuti ang
sitwasyon, at huwag magpadalos dalos.
Download