Uploaded by quennilynella

Modyul-2a

advertisement
Pangalan: ___________________________Kurso-Taon at Seksyon:
______Iskor:________ Propesor:
MODYUL 2
Unang Paksa
Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Sa modyul na ito tatalakayin ang pamilya, ang kinagisnang buhay at kabataan ni
Rizal sa kanilang bayan sa Calamba, Laguna.
Inaasahang Pagkatuto :
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Matalakay ang pamilyang pinagmulan ni Rizal ; at
2. Makilala ang kahalagahan ng mga pangyayari sa kanyang kabataan at ang
impluwensiya nito sa paghubog ng kanyang karakter.
Gawin ito :
1. Panoorin ang dokumentaryong teleseryeng Ilustrado ng GMA. (Episode 1-20) 2.
Gumawa ng mahahalagang tala sa buhay at mga signipikanteng pangyayari sa
buhay ng pambansang bayani.
Pag-aralan ito :
Ang Pamilya Rizal
Ang buong pangalan ng ama ni Jose Rizal ay Framcisco Engracio Rizal Mercado Y
Alejandro. Si Don Francisco o Don Kikoy kung tawagin ay ipinanganak sa Biñan, Laguna noong
Mayo 11, 1818. Nagtapos ng Latin at Pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Maynila. Sa murang
edad ay naulila sa mga magulang at naisipang manirahan sa Calamba at naging mayamang
magsasaka. Inupahan niya ang mga malalawak na lupain (Hacienda) ng mga Dominikano. Isang
masipag at magaling na magsasaka na walang inasahan kundi ang sarili, hindi palakibo ngunit
maraming nagagawa, magiting at malakas ang loob, may malusog na pangangatawan at talas ng
isip. Namatay siya Noong Enero 5, 1898 sa edad na 80 taong gulang. Inilarawan siya ni Rizal na
“a model of fathers.”
Ang buong pangalan ni Donya Teodora o Donya Lolay ay Teodora Morales Alonso
Realonda Y Quintos ay ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826. Nag-aral sa Colegio
de Santa Rosa, isang tanyag na kolehiyo para sa mga kababaihan sa lungsod. Isang pambihira
at kapuri-puri sa kanyang elegante at repinadong kultura, talento sa pagsulat, husay sa negosyo,
at lakas ng loob ng isang babaing spartan. Inilarawan siya ni Rizal bilang isang babaing may hindi
pangkaraniwang kultura; maraming alam sa panitikan (literature) at mas mahusay magsalita ng
Kastila sa kanya. Inaayos nito ang kanyang mga tula, at pinapayuhan siya kapag nag-aaral ng
retorika (masining na pagpapahayag) Siya ay isang mathematician at nakapagbasa ng
napakaraming aklat (wide reader). Si Donya Teodora ay namatay sa Maynila noong Agosto 16,
1911 sa edad na 85. Bago namatay ay inalok siya ng gobyerno na mabigyan ng pension (life
pension) ngunit mapagpakumbabang tinanggihan niya ito. Ayon sa kanya, naging makabayan
ang kanilang pamilya hindi kailanman dahil sa pera kundi dahil sa kanilang pagmamahal sa
bayan. Kung ang pamahalaan daw ay maraming pera at hindi na nila alam ang gagawin dito, mas
mabuti pa raw na ibaba na lang nila ang buwis ng mga mamamayan upang makatulong ito sa
mas nakararami. Isang pananalita na nababagay at karapat-dapat sa ina ng isang pambansang
bayani. Mayroon siyang labinsiyam (11) na anak ; siyam (9)na babae at dalawang (2) lalaki.
Ang Magkakapatid na Rizal
Saturnina Mercado Rizal-Hidalgo. Siya ang panganay sa labinsiyam na magkakapatid.
Ipinanganak siya noong Hunyo 4, 1850. Tinatawag siyang Neneng ng pamilya. Napangasawa
siya ni Manuel T. Hidalgo na taga-Tanauan, Batangas. Isa pinakamayamang angkan sa
kanilang bayan. Nabiyayaan ng 4 na anak: Sina Alfredo, Augusto, Amelia at Abelardo. Namatay
siya sa edad na 63 noong Setyembre 14, 1913.
Paciano Mercado Rizal. Panganay na lalaki, confidante at itinuring na pangalawang ama
ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851. Matapos ang pagpatay sa kanyang
kapatid ay umanib siya sa rebolusyon at naging combat-general. Nang matapos ang rebolusyon
ay nagretiro na siya sa kaniyang lupain sa Los Baños, Laguna. Namatay siya noong Abril 13,
1930 sa edad na 79. May naulila siyang 2 anak; 1 lalaki at 1 babae sa kanyang naging kasama
sa buhay na si Severina Decena. Hindi sila ikinasal kaya sinabing namatay itong binata.
Narcisa Mercado Rizal-Lopez, ang pangatlo sa magkakapatid. Ipinanganak siya noong
October 29, 1852. Sisa ang kanyang palayaw. Napangasawa siya ni Antonio Lopez na isang guro
at musikero na taga-Morong. May walo silang anak. Siya ay malapit rin kay Jose at memoryado
ang lahat ng isinulat na tula ng kanyang kapatid noong ito’y nabubuhay pa. Namatay siya sa edad
na 87 noong Hunyo 24, 1939.
Olimpia MercadonRizal-Ubaldo . Ang pang-apat sa magkakapatid na Rizal. Ypia ang
kanyang palayaw; napangasawa siya ni Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrama mula sa
Maynila. Namatay siya sa panganganak sa edad na 32.
Lucia Mercado Rizal-Herbosa. Ang panlima sa magkakapatid. Napangasawa siya ni
Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay ang kanyang
asawa sa kolera noong 1889 at tinaggihang mabendisyunan ng pari sa simbahan dahil sa
pagiging bayaw ni Dr. Rizal. Namatay naman siya noong Disyembre 25, 1919 sa edad na 62.
Maria Mercado Rizal-Cruz. Siya ang pang-anim sa magkakapatid. Biang kung siya ay
tawagin, napangasawa siya ng isang Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna.
Dr. Jose Protacio Rizal (1861-1896). Ang pinakatanyag na pambansang bayani at hindi
mapantayang henyo ng Pilipinas. Pepe ang kanyang palayaw. Nanirahan sa Dapitan kasama si
Josephine Bracken, isang Irish mula Hongkong; nagkaanak sila ng isang lalaki ngunit namatay
rin ito ilang oras pakapanganak; pinangalanan nila itong Francisco, sunod sa pangalan ng
kanyang ama.
Concepcion Rizal. Concha ang tawag sa kanya, namatay sa edad na 3 taong gulang dahil
sa isang sakit. Ito ang sinabing unang pighati ni Dr. Rizal.
Josefa Rizal. Tinawag siyang Panggoy bilang kanyang palayaw. Namatay siyang dalaga
sa edad na 80.
Trinidad Rizal. Trining ang kanyang palayaw. Namatay rin siyang dalaga sa edad na 83.
Soledad Mercado Rizal-Quintero. Ang bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang
palayaw ay Choleng, naging asawa niya si Pantaleon Quintero ng Calamba, Laguna.
Gawin ito :
1. Gumawa ng family tree.
2. Interbyuhin ang inyong mga magulang. Tanungin sila kung sino sa inyong mga kamag
anak o kapamilya (magulang, kapatid mo, kapatid ng iyong mga magulang, lolo at lola at
iba pa) ang nagsilbing gabay o inspirasyon mo, pinagmanahan mo o kanino ka may mga
nakuhang ugali na nakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao.
3. Ilista sa papel ang iyong mga sagot.
Mga Sanggunian :
1. Zaide, Gregorio F.,and Zaide, Sonia M. Life, Works, and Writings of a Genius, Writer,
Scientist and National Hero. Anvil Publishing Inc., Mandaluyong City;Philippines.
2014.
2. Valenzuela, Edwin E. and Calayag, Eleanor H. Rizal’s Life and Works: Towards Social
Awareness and Nationalsim. GBT Greatbooks Trading. Quezon City. Philippines. 2019.
3. Link ng dokumentaryong teleseryeng Ilustrado ng GMA.
(Episode 1-20)
1. Episode 1- https://www.youtube.com/watch?v=BTrez_zdegc...
2. Episode 2- https://www.youtube.com/watch?v=80OHoD15Hc8...
3. Episode 3- https://www.youtube.com/watch?v=K8BlfcUkmFk...
4. Episode 4- https://www.youtube.com/watch?v=9-oS78AA5Ck...
5. Episode 5- https://www.youtube.com/watch?v=fT0dCO8hP4c...
6. Episode 6-https://www.youtube.com/watch?v=YoUSXOr03Mc...
7. Episode 7- https://www.youtube.com/watch?v=-NwmTUbKnbc...
8. Episode 8- https://www.youtube.com/watch?v=Kcc38aw2WcM...
9. Episode 9- https://www.youtube.com/watch?v=lgIpyrW6YgI...
10. Episode 10-https://www.youtube.com/watch?v=UM8qcR5H2dk...
11. Episode 11-https://www.youtube.com/watch?v=HMT4dUxrD4s...
12. Episode 12- https://www.youtube.com/watch?v=fiw3QjLA1gM...
13. Episode 13- https://www.youtube.com/watch?v=KEdm0KOcsww...
14. Episode 14- https://www.youtube.com/watch?v=-lCiEDWMtpI...
15. Episode 15- https://www.youtube.com/watch?v=3JtIt3JAzec...
16. Episode 16- https://www.youtube.com/watch?v=Kf1FPbyLfYg...
17. Episode 17- https://www.youtube.com/watch?v=Ysyc8K7zs2U...
18. Episode 18- https://www.youtube.com/watch?v=qXAGLExx_Kc...
19. Episode 19- https://www.youtube.com/watch?v=90B51h5sYno...
20. Episode 20- https://www.youtube.com/watch?v=ubfwUhHnC7Y...
Download