Uploaded by CJ

HUWAG PO ITAY

advertisement
“HUWAG PO ITAY”
PAGDULOG MORALISTIKO
Ipinapahatid ng akdang “Huwag Po Itay” ang disiplina at moralidad ng
kanyang ama. Sa unang bahagi ng kwento, ang kanyang ama ay gumawa ng
sexual harassment sa kanyang anak kung saan ito ay labag sa batas. Ang ginawa
ng kanyang itay ay isang paglabag sa kanyang karapatan at dignidad bilang isang
tao at ng kanyang anak. Ang mga akto ng sexual harassment ay nagbubunga sa
isang hindi komportableng sitwasyon sa biktima. Ang ama ay maaaring
maparusahan sa pagkakakulong ng hindi bababa ng isang (1) buwan at hindi
lalampas ng anim (6) na buwan o kaya’y multa na hindi bababa sa sampung libong
(10,000) piso at di lalampas sa dalawampung-libong (20,000) piso, o di kaya’y
parehong pagkakulong at multa, sa diskresyon ng korte.
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
Marahil isa sa mga dahilan ng paglihim ng sekswalidad ng kanyang itay ay
ang lipunang kanyang ginagalawan. Ang ating bansa ay hindi pa masyadong
tanggap ang mga miyembro ng LGBTQ+ community. Marami pa rin ang natatakot
ibunyag ang kanilang sekswalidad dahil sila’y takot mahusgahan ng mga tao dahil
alam nilang iba ang trato sa mga tulad nila sa ating bansa. Sa kasalukuyan patuloy
pa rin nilang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan at lumalaban sa
diskriminasyong matagal nang ginagawa sa kanila. Sa pamamagitan ng pagrarally, naririnig ang kanilang boses at sa pagsasagawa ng mga organisasyong
naglalayong ipaglaban ang kanilang karapatan.
PANANALIG REALISMO
Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi pa rin tanggap ng ating lipunan ang mga
miyembro ng LGBTQ+ community at ito ay isang masakit na katotohanan.
Bagamat marami na tayong kilalang miyembro ng komunidad na ito, kadalasan
mababa pa rin ang tingin sa kanila ng iba. Ang itay sa kwento ay maaaring may
takot sa mata ng mga tao at lipunang kanyang ginagawalan. Halos dalawang
dekada nang naipasa ang isang bill o tinatawag na Anti-Discrimination Bill o
Sexual Orientation and Gender Identity Expression o SOGIE Bill, ngunit mahirap
tanggapin na hindi pa ito naaaprubahan ng kongreso. Kinakailangan na
magkaroon ng batas na magbibigay ng espesyal na proteksyon sa mga miyembro
ng LGBTQ+ community laban sa diskriminasyon at pang-aabuso.
Download