Uploaded by MagaC MagaC

Kabanata I.docx

advertisement
1
Kabanata I
Introduksyon
Ang pagtuturo ay hindi isang madaling gawain, kaakibat nito ay ang
pagiging malikhain ng isang guro sa kung papaanong pamamaraan niya
maihahatid sa kaniyang mga mag-aaral ang epektibong pagkatuto, kung kaya
naman bukod sa presensiya ng guro sa loob ng klase ay kinakailangang
gumamit din siya ng mga kagamitang pampagtuturo o di kaya’y mga estratehiya
upang makatulong sa kaniya na mas mapadali at mas maging epektibo siya sa
kaniyang pagbabahagi ng mga kaalaman sa loob ng klase.
Kaya naman sinasabi na ang pangunahing layunin ng edukasyon ay ang
pagkatuto ng mga mag-aaral at ito ay makakamit sa pamamagitan ng positibong
interaksyon sa pagitan ng guro at ng mga estudyante, sa tamang pagsunod sa
proseso ng pagtuturo, estratehiya at metodo ito ay magkakaroon ng epektibo at
makabuluhang kaalaman (Salandanan, 2006).
Dagdag pa rito, nabanggit sa pag-aaral nina Caloing et. al. (2016), na
sinumang guro ay kinakailangang mabatid ang iba’t ibang estratehiyang
pampagtuturo
at
ang
tungkuling
makapagsasagawa
ng
makabuluhang
kagamitang pampagtuturo.
Sa mga pahayag na makikita sa itaas mahihinuha na talaga nga namang
hindi sapat ang katalinuhan ng isang guro sa pagbabahagi ng mga kaalaman
kundi kinakailangan ang tulong mga metodo o estratehiya na magpapadali sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto gayundin upang mas mahikayat o maganyak
2
ang mga mag-aaral na maging interasado sa paksang tatalakayin maging sa
wika man ito o sa panitikan, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng positibong
kapaligiran sa pagkatuto ang mga mag-aaral na hahantong sa aktibong klase
kung saan ang bawat isa ay natututo, nakapaghahayag ng kanilang mga
kaalaman at nagkakaroon ang bawat isa ng partisipasyon o aktibong pakikilahok
sa talakayan sa tulong na nga ng mga estratehiya na gagamitin ng guro sa klase.
Upang mas mabigyang-tuon pa ang tungkol sa nasabing estratehiya at
makapag-ambag pa sa pagpapayabong rito ay napiling pag-aralan pa ng mga
mananaliksik ang tungkol dito upang mabatid kung ano nga bang mga
estratehiya ang mainam at epektibong gamitin sa pagtuturo partikular na
asignaturang Filipino lalo-lalo na sapagkat tayo ay nasa ika-21 siglo na kung
saan marami na ang mga pagbabagong nagaganap sa larangan ng edukasyon
at sa kasalukuyan ang mga guro ay kinakailangan na makasabay sa mga
pagbabagong ito upang hindi mapag-iwanan at sila ay mas maging epektibo pa
sa propesyon ng pagtuturo at nang sa gayon ay malaman kung ano ang mga
pamamaraang makabago upang makapag-ambag o mas malinang pa ang
tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.
Samakatuwid, ayon kina Salveda et. al. (2013), na ang mga pananaw ng
mga mag-aaral sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay ang pagiging magaling
at epektibo nito, dahil sa iba’t ibang estratehiya at pamamaraan na ginagamit sa
pagtuturo.
3
Paglalahad ng Suliranin
Sa layuning makatulong sa pagpapayabong sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto ay nabuo ng mga mananaliksik ang mga sumusunod upang
mabigyang pansin pa kung ano nga ba ang epektibong mga pamamaraan o
estratehiya sa pagtuturo partikular na asignaturang Filipino maging ito man ay
sa wika o sa panitikan:
1. Ano ang mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa Ika-21 siglo?
1.1 Wika
1.2 Panitikan
2. Ano-anong makabagong teknolohiya ang madalas gamitin sa pagtuturo
ng Filipino?
3. Ano ang performans ng mga mag-aaral sa Filipino?
4. Anong mungkahing kagamitang pampagtuturo ang mabubuo ayon sa
kahihinatnan ng pag-aaral na ito?
Sanligang Teoritikal
Upang mas maging matibay pa ang pundasyon at sanligan ng pag-aaral
na ito ay ginamit ng mga mag-aaral ang teoryang Social Constructivism kung
saan sinasabi na ang potensiyal na debelopment ay ang lebel kung saan
nangyayari ang pagkatuto, ang pagkatuto ay possible kung may interaksyong
4
sosyal, sa pamamagitan nito ay nabubuo ang kaalaman sa pamamagitan ng
kooperasyon ng iba.
Dagdag pa rito, ayon naman sa Social Learning Theory of Bandura,
maraming proseso ang maaring gamitin sa pagkatuto ng isang indibidwal. Isa sa
mga ito ay ang Vicarious Conditioning o ang pagkatuto mula sa kinalabasan ng
gawain ng iba o Observational Learning na kung saan ang pagkatuto ng isang
indibidwal ay nakabatay sa kaniyang nakikita sa iba.
“Lewin’s Theory points to the fact that to understand the motivation
of a particular learner, the teacher has to develop the ability to transcend
the tensions (needs) of the learner, the learner’s abilities, and the
properties of the learners perceived environment. In a classroom, for
instance, each individual child has his own psychological field apart from
others; the teacher, therefore must try to suit the goals and activities of the
lesson to the learners needs.”
Ayon naman kay Mercene et. al (2009). Ang tagumpay, kabiguan,
kahirapan
ng
isang
tao
ay
nakasalalay
sa
kanyang
mabisang
pakikipagtalastasan. Ang tao’y nakabubuo ng kanyang sariling ideya buhat sa
binasang aklat, pahayag, magasin, naririnig sa radio, telebisyon at napapanood
sa sine o teatro.
Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina
Maria Rita D. Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t ibang teorya tungkol
sa proseso ng pagkatuto at mga salik na nakakaapekto dito pati na rin mga
pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ay ang likas na proseso sa pagbuo ng
kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa
proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na
representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang tagumpay na
5
mag-aaral ay naipag-uugnay ang bagong impormasyon sa dating alam na sa
mas makabuluhang paraan. Pang-apat, pag-iisip na may estratehiya, ang
matagumpay mag-aaral ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng
pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano
iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmonitor ng mental na
operasyon sa malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto
mula sa konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay
naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura, teknolohiya at ang
paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay ang motibasyon at emosyonal na
impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa
pamamagitan ng motibasyon.
Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng
indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at kaugalian ng pag-iisip. Hindi
lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang
sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng
mga gawain na bagamat mahirap ay nagagawa dahil sa personal na interes ng
mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.
Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang tradisyunal
na pamamaraan ayon kay Acero at Javier (2000), ang karaniwang gawain ng
mag-aaral ay ang pagbibigay kahulugan, katuturan, pagsasaulo ng alituntunin,
pagbuo ng mga pangungusap at iba pa. Ang lahat ng paksa sa aralin ay
nakatuon sa mga nakasulat sa aklat.
6
Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamit ng mga pamamaraan
upang matapos ng naturang gawain. Habang ang demand ng gawain ay
dumarami (lalo na sa pagtuturo), isa sa mga nakikitang problema na kailangan
pagtuunan ng pansin ay tungkol sa mga pamamaraan/metodo/estratehiya na
siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay
siyang matugunan.
Balangkas Konseptuwal
Anumang metodo o estratehiyang instruksyunal na ginagamit ng guro ay
may adbentahe, disadbentahe at kinakailangan ang mga preparasyong
preliminary. Madalas, ang isang partikular na estratehiya ay natural na
dumadaloy (naturally flow) sa iba pa sa sa loob ng isang leksyon lamang at ang
mga mahuhusay na guro ay may kakayahang gawi ang proseso at pagpapalitpalit mula sa isang estratehiya tungo sa iba pa nang hindi halos namamalayan
ng mga estudyante (Villafuerte at Bernales, 2008).
Ngunit aling estratehiya nga ba ang “angkop” sa isang partikular na
leksyon? Ang sagot dito ay depende sa maraming bagay. Ilan sa mga ito ay
debelopmental na lebel ng mga estudyante, kaalaman ng mga estudyante, dapat
nilang malaman, kontent ng paksang-aralin, layunin ng leksyon, mga aveylabol
sa resorses (tao, oras, espasyo, material, pisikal na kaayusan). Depende rin ito
sa partikular na estilo sa pagtuturo at sa sitwasyon ng liksyon. Samakatwid,
walang isang “tamang” estratehiya sa pagtuturo ng isang partikular sa leksyon,
7
ngunit may ilang kraytirya na makatutulong sa guro upang magawa ang
posibleng pinakamahusay na desisyon.
Sinusugan naman ito ng pahayag na anumang estratehiya o metodo ay
mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin, mag-aaral tulad ng edad, antas
ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at kahandaang kognitibo at
sosyo,
emosyonal,
kapaligiran
at
layunin
ng
pagtuturo
(http://scholar.lib.vt.edu/journals.html).
Sa pangkalahatan nasa kamay ng isang guro kung sa papaanong paraan
niya gagamitin ang anumang estratehiya para sa ikatatagumpay o ikabubuti ng
proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
8
Balangkas ng Pag-aaral
Epektibong Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Ika-21
Siglo
Makabagong Teknolohiya na Madalas Gamitin sa Pagtuturo
ng Filipino
Performans ng mga Mag-aaral sa Filipino
s
Kagamitang Pampagtuturo na Mabubuo Ayon sa
Kahihinatnan ng Pag-aaral
9
Figyur 1. Framework ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Nabuo ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mga sumusunod:
Mga Mag-aaral. Ang mga estratehiya na matutukoy na epektibo sa pag-aaral na
ito ay makakatulong upang maging interesado at aktibo ang mga mag-aaral sa
loob ng klase at mas maunawaan pa ang mga paksang tatalakayin sa loob ng
klase sa tulong ng mga estratehiya na gagamitin ng guro lalo na’t ang mga magaaral ang siyang pangunahing tagatanggap ng kaalaman sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.
Mga Mananaliksik na Gagamit ng Pag-aaral na ito. Maaaring makakuha sila
ng mga kaugnay na mga impormasyon sa pag-aaral na ito para sa kanilang
gagawing pananaliksik na makaambag o makakatulong para sa relayabiliti ng
kanilang pag-aaral.
Mga Guro. Makakatulong ito sa mga guro dahil makakakuha sila rito ng mga
kaalaman tungkol sa mga estratehiya na mainam, epektibo o ang angkop a
estratehiya sa pagtuturo, maaaring mapadali ang kanilang paghahatid ng
kaalaman sa kanilang mga estudyante kung matutunan nila ang tamang
estratehiya dapat gamitin sa isang partikular na leksyon o talakayan.
10
Administrasyon. Makakatulong sa kanila upang maituro o mahikayat ang mga
guro sa kanilang mga paaralan na gumamit ng mga estratehiyang epektibo ara
matuto ang mga mag-aaral sa loob ng klase.
Mga
Naghahanda
ng
Kurikulum.
Makakatulong
upang
mabigyan
ng
pagkakataon ang mga guro na gumamit ng mga metodo base sa inihahandang
kurikulum.
Saklaw at Limitasyon
Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga epektibong estratehiya sa pagtuturo
ng Filipino sa ika-21 siglo kung saan nilimitahan ito sa mga piling guro na
nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Baitang 9 at 10 lamang sa mga piling
pansekondaryang paaralan sa lungsod Tacloban.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Para sa mas madali at komprehensibong pagpapahayag ng mga kaisipan
ng mga mananaliksik ay binigyang kahulugan ang ilan sa mga terminolohiya na
maaaring maging balakid sa pag-unawa ng sinumang maaaring bumasa ng pagaaral na ito.
Estratehiya. Kasanayan at kadalubhasaan sa pagpaplano ng anumang
gawain o suliranin. (Konseptuwal)
11
Mga teknik na ginagamit o gagamitin ng guro na makatutulong sa kaniya
upang mas mapadali ang paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral at hindi
maging kabagot-bagot ang klase sa halip ay maging interaktibo ito.
Globalisasyon. Paraan ng pamumuhay at pananaw na nakaugnay sa
buong mundo (UP Diksyunaryong Filipino, 2010).
Tumutugon sa pangangailangan hindi lamang sa usaping lokal kundi pang
buong mundo.
LCD Projector. Isang uri ng video projector na ginagamit upang
magpakita
ng
video,
larawan,
or
datos
mula
sa
kompyuter
(hhtps://en.m.wikipedia.org/wiki/LCD_projector).
Ito ay isang makabagong kagamitan na ginagamit na panghalili sa
tradisyunal na pagsusulat sa pisara o manila paper kung saan sa pamamagitan
nito ay maaaring makagawa ng mga presentasyon ng mga larawan o di naman
kaya’y vidyo.
Makabagong Teknolohiya. Makabagong pag-aaral sa praktikal o pangindustriyang sining (UP Diksyunaryong Filipino, 2010).
Ito ay mga makabagong kagamitan na maaaring gamitin bilang isang
kagamitang pampagtuturo at makatutulong din upang mas mapadali ang
pagtuturo, halimbawa ay ang mga video clips, powerpoint presentation at media.
Media. Pangunahing mga sangay ng komunikasyong pangmadla. (UP
Diksyunaryong Filipino, 2010).
12
Ang media ay isang bagay na tumutulong makapagdala o paglilipat ng
impormasyon.
Metodo. Paraan (UP Diksyunaryong Filipino, 2010).
Mga hakbang na maaaring gamitin ng isang guro para mas maging
epektibo ang kaniyang pagtuturo.
Multimedia. Hinggil sa paggamit ng higit sa isang pamamaraan ng
pagpapahayag o komunikasyon (UP Diksyunaryong Filipino, 2010).
Kagamitan na gumagamit ng iba’t ibang mga porma ng nilalaman tulad ng
teksto, audio, mga larawan at marami pang iba.
Powerpoint. Isang programang pang-presentasyon na ginawa bilang
teknolohiyang panghimok sa ekonomista, mga guro, at mga dalubhasa
(https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Microsoft_Powerpoint)
Isang modernong aplikasyon sa kompyuter o ilan pang gadget kung saan
maaaring gumawa ng isang presentasyon ang guro tungkol sa kaniyang paksa at
makapagpakita ng mga larawan o vidyo gamit ito.
Download